MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA Pagbasa Pagbasa - Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Anderson, et.al.
Kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan. Wixson, et.al
INTENSIBO AT EKSTENSIBONG PAGBASA – DALAWANG DALAWANG KATEGORYA NG MAPANURING PAGBASA Intensibo Pagsusuri sa kaanyuhang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa estraktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda. Douglas Brown (1994) - detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito susuriin o narrow reading (piling babasahin sa isang paksa) Long at Richards (1987). Ekstensibo Isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. Douglas Brown (1994) Kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kanyang interes na hindi itinakda sa anomang asignatura, upang makuha lamang ang “gist” o pinaka -esensya at kahulugan ng binasa. binasa. Long at Richards Richards (1987) URI NG PAGBASA AYON SA LAYUNIN: SCANNING AT SKIMMING Scanning – mabilisang pagbasa ng isang teksto upang hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa. Hal. Pangalan, petsa, pet sa, simbolo, larawan. - Paghahanap ng tiyak na impormasyon sa isang pahina. Skimming – mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Ginagamit kung may pangkalahatang tanong tungkol sa isang akda. – bahagi ng sq3r method. - Pinakamabilis na pagbasa pagbasa na makakaya makakaya ng isang tao. •
•
•
•
•
•
•
KAHALAGAHAN NG PAGBASA Pangkasiyahan Pangkaalaman Pangmoral Pangkapakinabangan Pangkasaysayan Pangkultural Pampaglalakbay-diwa NAGAGANAP ANG PAGBASA AYON SA SS. NA YUGTO (GRAY) Ang pagbasa sa akda Ang pag-unawa sa binasa Ang reaksyon sa binasa Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman. Antas ng Pagbasa Ayon kay Mortimer Adler at Charles Van Doren (1973) sa kanilang aklat na How to Read a Book ay ay may APAT NA ANTAS ang PAGBASA. 1. Primarya o Batayang Antas - Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang •
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
literasi sa pagbasa. Pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting o lugar o mga tauhan sa isang teksto.
2. Mapagsiyasat o Inspeksyunal na Antas - Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto. Maaring gamitin ang SKIMMING. 3. Mapanuri o Analitikal na Antas - Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Pagkilatis sa kahalagahan, Pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, katotohanan o opinion ang nilalaman. 4. Sintopikal na Antas - Binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang SYNTOPICON na inimbento at ginamit
nya sa aklat na A Syntopicon: An Index to The Great Ideas (1952) na nangangahulugang “koleksiyon ng mga paksa”. Pagsusuri at paghahambing sa iba’t ibang teksto na magkakaugnay. LIMANG HAKBANG TUNGO SA SINTOPIKAL NA PAGBASA 1. Pagsisiyasat – pagtukoy sa mahalagang bahagi ng pokus. 2. Asimilasyon - integrasyon – pagtukoy sa uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may akda upang ipaliwanag ang kanyang kaisipan. 3. Mga tanong 4. Mga isyu – iba’t ibang suliranin at sitwasyon 5. Kumbersasyon – pag-uusap
1. BAGO MAGBASA • • •
Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisisyasat ng tekstong babasahin. Ito ang pagsisimula ng kognitibong proseso. PREVIEWING O SURVEYING ng isang teksto: mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat.
2. HABANG NAGBABASA Dito nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa. Sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan. • •
MGA PAMAMARAAN UPANG MAGING EPEKTIBO ANG PAGBASA 1. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa 2. Biswalisasyon ng binabasa 3. Pagbuo ng koneksiyon 4. Paghihinuha 5. Pagsubaybay sa komprehensiyon 6. Muling pagbasa 7. Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto 3. PAGKATAPOS MAGBASA Pagtatasa ng komprehensiyon – pag-unawa sa binasa. Pagbubuod – pangunahing ideya at detalye sa binasa. Pagbuo Ng Sintesis – pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa. Ebalwasyon – katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyon, halaga at ugnayan ng teksto sa layunin • • • •
PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN NG TEKTO Layunin – nais iparating at motibo ng manunulat sa tekto. Pananaw – preperensiya ng manunulat. Damdamin – ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat. • • •
PAGKILALA SA MGA OPINYON O KATOTOHANAN
•
•
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito. Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
PAGKILALA SA OPINYON O KATOTOHANAN •
•
KATOTOHANAN – mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon. OPINYON - pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. ***Panandang Diskurso: sa opinyon ko, para sa akin, gusto ko o sa tingin ko.
Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda: Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa… Halimbawa: 1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth. 2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa. 3. Si pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin Halimbawa: 1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. 2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos. 3. Para sa akin, si Pangulong Duterte ang k aisa-isang pangulo na sumugpo sa korupsiyon at droga sa gobyerno ng Pilipinas. •
•
PARAPHRASE •
muling pagpapahayag ng ideya ng may akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambababasa.
ABSTRAK •
isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan.
REBYU •
•
isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito. pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng m ambabasa.
***IBA’T IBANG URI NG TEKSTO***
1. TEKSTONG IMPORMATIBO: PARA SA IYONG KAALAMAN
Tinatawag ding ekspositori Nagpapaliwanag at nagbibigay impormasyon. Kadalasang sinasagot ang mga tanong na: ano, kailan, saan, sino, at paano. Kwento batay sa mga tunay na tao o pangyayari.
HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO
Biyograpiya Impormasyon sa diksyunaryo, encyclopedia, o almanac Papel pananaliksik Journal Siyentipikong ulat Balita sa diyaryo
IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO DEPENDE SA ESTRUKTURA NG PAGLALAHAD
1. 2. 3. 4.
Sanhi at Bunga Paghahambing Pagbibigay Depinisyon Paglilista ng Klasipikasyon
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO: MAKULAY NA PAGLALARAWAN
Layunin nitong maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa. Magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO 1. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa. 2. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging OBHETIBO o SUHETIBO, gumagamit din ng tono at paraan ng paglalarawan. OBHETIBO – direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di mapasusubalian. SUHETIBO – matatalinghagang paglalarawan at naglalarawan ng personal na persepsyon o nararamdan ng manunulat. 3. Espisipiko at may konkretong detalye upang ipakita at iparamdam sa mga mambabasa ang bagay o paksa na inilalarawan.
3. TEKSTONG PERSUWEYSIB: PAANO KITA MAHIHIKAYAT - Isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
***Nilalaman ng Tekstong Persuweysib 1. Malalim na pananaliksik. 2. Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa. 3. Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu. •
Patalastas - Ito ay isang paraan ng panghihikayat sa mga mamimili o customer upang tangkilikin ang isang partikular na produkto o serbisyo.