Florante at Laura - Alaala ng Kamusmusan (Buod)Full description
A short essay of an ethnography of the practices observed in Quiapo, Manila. An emphasis was given on the various religious artifacts found throughout the area such as the Our Lady of Mt. Ca…Full description
Isang Alaala Sa Aking Bayan JOSERIZAL
FilipinoFull description
FILIPINO
...
filipino
Timeline Ng Kasaysayan Ng Pilipinas
pagbabalita
panunumpa
song
By buboy
Alamat ng CARFull description
PARAAN NG PAGLULUTO NG CHOPSUEY.docxFull description
Full description
EPEKTO NG MADALAS NG PAGKAIN NG FAST FOODS PAMANAHONG PAPEL
Fil2
Alaala ng Quiapo
Ang sanaysay na “Alaala ng Quiapo” ni Jamaica Jane Pascual ay nagkamit ng ikalawang gantimpala sa Palanca award noong taong 2005. Ito ay nabibilang sa teoryang Bayograpikal na kung saan ang persona ay nagsasalaysay tungkol sa nagging nakaranasan niya sa Quiapo kasama ang kanyang ina noong bata pa siya. Ang Quiapo ay isa sa pinakasikat na lugar sa Maynila. Dito natin makikita ang Quiapo church na kung saan naandon ang Poong Nazareno. Bukod sa simbahan, marami ding mga tindahan sa tabi-tabi ng Quiapo. Kaliwa’t Kaliwa’t kanan ang mga tindahan dito at halos magkkatulad lang ng tinda pero nagkakatalo minsan sa presyo. Sabin g iba, kung wala kang malaking budget pang shopping, pumunta ka lang sa Quiapo Quiap o at may matitira pa sa pera mo. May mga manghuhul a ding nakapalibot sa Quiapo. Mga manghuhula na hindi mo mawari kung totoo ba ang sinasabi o hindi. Maaring sa iba ang Quiapo ay isang lugar na mapanganib pero para sa persona ang Quiapo ang naging dahilan kung ano siya ngayon. Magulo, maingay at mapanganib, yan ang tingin ng ibang tao sa Quiapo. Magulo at maingay dahil sa mga nagtitinda at mamimiling humihingi ng tawad sa kanilang binibili. At mapanganib dahil ditto sa lugar na ito hindi moa lam kung anong klase ng tao ang iyong nakakasalubong. Maaaring ang taong ito ay mamamatay tao, adik, magnanakaw o holdaper kaya naman maraming tao ang iwas sa lugar na ito lalong lalo na ang mga mayayamang tao. Pero para sa persona ng sanaysay, ang Quiapo ang nagsilbing paaralan at ang nanay niya ang nagsilbing guro para manumulat siya sa kung ano ba ang tunay na nangyayari sa paligid na kanyang ginagalawan. Bata pa lamang ang persona ay lagi na siyang sinasama ng kanyang nanay sa Quiapo para mamili ng mga gamit nila. Mas mura nga naman ang bilihin kaysa sa mga mall. Sa bawat pagpunta ng persona sa Quiapo kasama ang kanyang ina, doon niya napagtanto na ang pang araw-araw na nangyayari sa Quiapo ay replika pala ng buhay ng tao. Hindi niya namamalayan na sa simpleng pagtawad ng kanyang nanay sa isang blusa ay may napupulot na pala siyang aral. Mga aral na maaari niyang gamitin pagdating ng panahon.
Sa tuwing namimili sila ng nanay niya sa Quiapo, manghang-mangha siya sa kanyang nanay sapagkat ang isang daan at limampung piso ay nakukuha nito sa halagang isang daan lamang. Ilap kasi noon ang persona. Hindi siya magaling makipag-usap sa mga taong hindi niya kakilala kaya naman iniidolo niya ang nanay pagdating sa ganoong bagay. Hanggang sa naisip niya na wala pa lang mangyayari sa buhay ng isang tao kung pahiyahiya ito. Lakas ng loob ang kailangan para mabuhay. Hindi habang buhay may tutulong o magsasalita para sa iyo.