Ano Ang Kulturang Popular?
Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang popular.
Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.
Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing?
May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:
1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante
Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante para lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular kinalaunan.
2. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.
3. Pangmasa o komersyal na kultura
Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass production. Ang kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga.
4. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.
5. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura.
6. Pagkalusaw ng mga hangganan
Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang sariling kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa.
Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang banda, maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon.
Kulturang Popular
Leave a comment
Ang kulturang popular ay ang tinatangkilik ng karamihan sa lipunan, halimbawa ang mga pelikula at ang mga teleserye, sa mga damit na sinusuot at ang mga artista na tinitingalaan namin – lahat ito ay nasa sakop ng kulturang popular. Ang ng ginagawa naming, sa mga salita at ang mga akysons – ito ang subconscious na pagnanais sa mga bagay na popular sa karamihan. Ito ang isang simpleng paliwanag para sa kulturang popular, pero ano talaga ANG 'kulturang popular?'
May maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming 'kulturang popular.' Isa, tumatakbo ang kulturang popular sa prospekto ng kita. Kung walang kita o potensyal na negosyo mas maliit ang impluensya ang mga kompanya sa komunidad. Laging nagdadala ang mga kompanya ng mga bagay na nakatingin nila may potensyal na maging popular dahil ito ang paanong tumatakbo ang mga kompanya – nagdala ng mga produkto na lilikha ng pinakamaraming kita. Dahil sa itong pananaw, karaniwan maganda ang mga produkto na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o mga restawrans, at ito ay gumagawa angtrend na sinusundan namin.
Gumagawa ang pagnanais na umiral sa kulturang popular ang konsepto ng sado-masokismo. Ito ang kagustuhan para makukuha ng kasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na tinatawag naming 'kulturang popular.' Isang halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos . Kahit mataas ang presyo nila, ang pangangailangan ng mga bagay na ito ay lumamang ng mas importanteng at mapakikinabangan na bagay. Ito ang negatibong aspekto ng sado-masokism sa kultura namin. Ito ang dahilan kung bakit may mga bagay na may pekeng tatak katulad sa mga bagay na binebenta sa Greenhills. Ang layunin ng mga ito ay para lang matutupad ng kasiyahan sa pamamagitan ng kahulugan na binibigay ng isang tatak.
Nagmula ang kulturang popular sa mga sentro ng lipunan. Ang Maynila, ang kapital ng Pilipinas, ay isang halimbawa – dumadaloy ng maraming internasyonal na negosyo sa mga sentro ng bayan dahil maraming ginaganap na mangalakal dito . Dahil iyon, malaki ang impluensya nila sa lipunan at ang pagkalantad sa mga internasyonal na produkto. Tumutulong ang nosyon na laging maganda ang mga dayuhang produkto sa pagkalat ng trend sa lipunan. Sa huli, dumadaloy ang impluensya ng mga ito sa mga iba't ibang estado ng buhay.
Ito ang ilang mga ideyas na bumubuo ng tinatawagang naming kulturang popular, pero may mas malalim na pananaw na naroroon.
Hindi pareho ang kulturang popular sa lahat ng mga tao na sinusunod ito. Kahit na may isang particular na trend, maaring mayroong iba't ibang kahulugan. Kahit na may isang partikular na bagay na itinuturing naming bilang isang 'kulturang popular,' ang mga tao ay may sariling pananaw sa pagkita ito. May iba't ibang mga kategorya kung saan naming tingnan ang mga ibang ng mga tao.
Isang pananaw ay ang paghati ng itaas at ibaba o mga ibang estado ng buhay. Maaring tingnan ang isang tao sa isang partikular na trend depende sa kapasidad sa kanilang kaya para makabili ito. Isang halimbawa ay ang iPhone. Tinitingnan ng mga taong may kayamanan ng iPhone bilang isang normal na telepono at walang masyadong importansya sa kanilang bagay kundi iyon. Pero ang mga taong na wala masyadong kayaman at nagsakripisyo para makukuha nila ang iPhone ay bumubigay ng higit pang importansya at mas lalong silang magbigay ng kahalagaan so ito. Halimbawa ito sa isa sa mas maraming pananaw sa kulturang popular, may kultural na kategorya, na nakikita naming ng mga bagay sa pamamagitan ng mga sosyal na kaalaman. May global at lokal na kategorya na bumubigay ng relasyon ng dalawa sa ating lipunan katulad sa iHop, isang restawran. Mas maliit ang kanilang mga servings ng pagkain para makibagay sa mas maliit na apetito ng mga Pilipino.
May mas malalim na bagay sa pag-uunawa ng kulturang popular kasya sa kung ano ang maari naming makikita sa labas. Importante ang pag-aaral ng kulturang popular dahil bumibigay ito ng mas malaking kamalayan sa aming lipunan at ang kulturang naapekto ito.
Kultura
ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo" ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo" ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan .Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo.
Popular
Samakatuwid ang salitang "popular" sa kulturang popular ay walang ibang pinapatungkulan kundi ang "kasalukuyan", ang "ngayon".
[pópiular] Kilala; tanyag sa bayan; kinakatigan ng bayan
Kalinangang tanyag
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Ang kalinangang tanyag (Ingles: popular culture, pop culture), na tinatawag ding kalinangang bantog, kulturang popular, kulturang tanyag, kulturang bantog,kalinangang kinakatigan, o kulturang kilala, ay ang kabuuan ng mga ideya, mga pananaw, mga saloobin, mga meme,[1] mga imahe, at iba pang mga penomeno na winawaring pinipili at tinatangkilik ayon sa isang impormal na konsensus sa loob ng pangunahing agos ng isang ibinigay na kalinangan, natatangi na ang sa kalinangang Kanluranin ng maaga hanggang kalagitnaan ng ika-20 daanton at ng lumilitaw at bumabangong pangunahing global na pangunahing daloy ng kultura noong hulihan ng ika-20 daantaon at kaagahan ng ika-21 daantaon. Ang kalipunang ito ng mga ideya, na mabigat na naimpluwensiyahan ng masa ng midya, ay tumatagos at lumalagpas sa pang-araw-araw na buhay ng lipunan.
Ang kalinangang tanyag ay kadalasang tinatanaw bilang pangkaraniwan at may kababaan ng antas (sa diwang "bakya" o hindi mataas ang uri) upang makahanap ng konsensuwal na pagtanggap sa kahabaan ng pangunahing daloy ng isang kultura. Bilang kinalabasan, sumailalim ito sa mabigat na kritisismo o pagbatikos ng sari-saring mga napakukunang wala sa pangunahing daloy ng kultura (higit na ang mga pangkat na panrelihiyon at mga pangkat na kontra-kultura) na humahatol dito bilang superpisyal,konsumerista, sensasyonalista, at may katangian ng korupsiyon o kabulukan.[2][3][4][5][6][7][8][9][10]
Ang katagang "kulturang popular" ay unang naimbento noong ika-19 daantaon o mas maaga pa[11] upang tumukoy sa edukasyon at pangkalahatang "kakalinangan" o "kakulturahan" ng mga taong nasa mas mababang antas ng lipunan. Lumitaw rin ito isang talumpating ipinahayag sa Bulwagang Pambayan ng Birmingham sa Inglatera.[12] Ang kataga ay nagsimulang kuhanin at ariin ang kahulugan na bilang isang kalinangan ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan na nakahiwalay mula sa (at paminsan-minsang laban sa) tinataguriang "tunay na edukasyon" hanggang sa pagsapit ng hulihan ng daantaong iyon,[13] isang paggamit na naging naitatag ng kapanahunang nasa pagitan ng mga digmaan.[14] Ang pangkasalukuyang kahulugan ng kataga, isang kulturang para sa pagkonsumo ng masa o madla, iyong natatanging nagsimula sa Estados Unidos, ay nailunsad at tumatag sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[15] Sa gawi sa wikang Ingles, ang popular culture ay pinaiiksi bilang pop culture o "kulturang pop" at "kalinangang pop", at ang naunang paggamit ay maipepetsang nasa dekada 1960.[16]