Maikling Kwento May mga kilalang uri ng pantikang naratibo sa bansa tulad ng mga kwentongbayan at epiko. Ngunit ang maikiling kwento o short story ay bago pa lamang sa ating bansa, moderno a…Full description
Paglalarawan - Retorika Report sa Filipino 3 ni EymardFull description
ANO ANG RETORIKA?
- Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit and magandang pagsasalita at pagsulat.
- Pinag-aaralan ditto ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag.
- Ito ay sining ng pakikipag-usap at pagsulat.
- Ito ay nagmula sa salitang Griyego na rhetor na nangangahulugang guro o isang mahusay na orador/mananalumpati.
- Ito ay pag-aaral upang magkaroon ng k asiningan at kahusayan ang isang indibidwal sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa kanyang pagsusulat o pagsasalita.
- Galing sa salitang “rhetor” (Salitang Griyego) na nangangahulugang “guro” o mahusay na oradr/mananalumpati
- Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat.
- Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.
- Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralan.
- Ito ay isang sining o teknik ng panghihikayat na kadalasan ay sa pamamagitan ng wika.
- Ito ay ang masining na pagpapahayag. Ito ay binibigyang-tuon ang kalinangan at kasanayan ng pagsulat at pagsasalita. Hinuhubog ang kagalingan natin sa pagsasalita at pagsulat. At ito naman ay nakakatulong sa atin upang tayo ay matuto sa pagpapahayag na ginagamitan ng lohikal at kritikal na pag-iisip.
- Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan.
- Ayon sa mga impormasyon na nakalap mula sa iba't-ibang aklat, isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking abilidad na tumutugaygay sa pagsusulat o pagsasalita ng isang tao, bagay na humuhulma sa mga pangunahing kasanayan sa larangan ng komunikasyon. Maaaring rin itong maisambit bilang isang punla ng kahusayan ng isang nilalang sa
pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. Kung kaya't ito ay isang epektibong paraan ng pakikipagdayalogo.
- Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang impresyon sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay ating hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika ay maging kaakit akit at epektibo ang isang pahayag.
- Ito rin ay may kinalaman sa panghihikayat sa publiko at sitwasyong pampulitika gaya ng mga asembleya at mga hukuman. Dahil dito, umunlad o nakilala ang retorika sa mga demokratikong lipunan na may karapatan sa malayang pamamahayag, malayang pagtitipon at pagpapatanggap sa pagbabagong politikal. Ngayon ang retorika ay inilalarawan bilang malawak na sining o kasanayan sa panghihikayat sa pamamagitan ng kahit na anumang anyo o sistemang simboliko, lalo na sa paggamit ng wika. Ginagamit din ito sa kasalukuyan kapag gustong alamin ng sinuman ang pagkakaiba ng hindi makabuluhang mga salita at mga gawa o ang mga totoo at tamang impormasyon sa mga maling impormasyon, propaganda at iba pang anyo ng huwad o hindi tunay na pangangatwiran.