Halimbawa ng isang Banghay Aralin sa ikawalong baitangFull description
FILIPINOFull description
Banghay Aralin sa Filipino 7
Ang "Ang Aso at Ang Uwak: Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula" ang naitalaga sa akin bilang paksa nang ako ay mag-apply bilang Filipino Subject Teacher sa St. Agnes Academy. Ito ang nabuo kong bang...Full description
Banghay Aralin sa Ekonomiks: Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
BANGHAY ARALIN
lesson planFull description
Full description
Komiks
Unang Kwarter
Kagamitang pampagtuturo
:)Full description
Banghay Aralin sa MapehFull description
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GAMIT ANG 4 A’s APPROACH I.
LAYUNIN Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng larawan
II.
PAKSANG ARALIN A. PAKSA Pagtugma ng mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan B. SANGGUNIAN K-12 Gabay sa Kurikulum Gabay sa Pagtuturo C. KAGAMITAN Mga larawan, semantic web, plaskard, tsart D. PAGPAPAHALAGA Pagpapaatili sa kalinisan ng hangin
III.
PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain Pag-awit B. Panlinang na Gawain 1. Balik-aral Sabihin: Ngayong araw na ito ay muli nating balikan ang napag-aralan natin tungkol sa nagagawa ng hangin para sa atin. Mga bata: 1. Ang hangin ang dahilan kaya tayo ay nakakahinga 2. Ang hangin any napagkukunan ng enerhiya 2. Paunang Pagtatayan Anong mangyayari kung mawala ang hangin? Bata 1: mamamatay po ang mga tao at hayop Bata2 : Wala ng mapagkukunan ng enerhiya Ipakita ang larawan ng “Bangue Windmills sa Ilocos Norte, kung saan ay naggagamit ito na pinagkukunan ng elektrisidad Itanong kung paano mapangangalagaan ang hangin. Mga posibleng kasagutan: Laging maglinis ng paligid Huwag magtapon ng basura kung saan- saan Huwag magsunog ng basura Huwag putulin ang mga puno sa kagubatan Magtanim ng mga puno na magbibigay ng sariwang hangin 3. Paglalahad -Ipaskel sa board ang semantic web. ACTIVITY: Ipadikit ang mga salitang nasa plaskard na maaaring masabi o makapaglarawan sa HANGIN.
HANGIN
Ipabasa ang mga salitang ginamit sa paglalarawan sa hangin. (Malakas, maingay, malamig, mabilis) 4. Pagtalakay ANALYSIS: A. Ano ang kabaligtaran ng malakas? (mahina) B. Ano ang kasalungat ng maingay? (tahimik) C. Ano ang kasalungan o kabaligtaran ng malamig? (mainit) D. Ano ang kasalungat ng mabilis? (mabagal) 4.1. Ipabasa ang magkaparehas na saligant magkasalungat sa tsart Malakas – mahina maingay - tahimik Mabilis – mabagal malamig – mainit
4.2. Magpakita ng mga larawan upang maipahiwatig ang ibig sabihin ng salitang magkasalungat
Payat at mataba
Pangit at maganda
Mataas at pandak
Malaki at maliit
Lalaki at babae
Malinis na damit
at
maruming damit
4.3. Magpakita pa ng ibang magkaparehas na larawan at itanong kung ang mga ito ay magkasalungat apoy at araw
ice cream at ice drop
bulak at bato
walis tingting at tambo
pangit at maganda
Kadila at gasera
tag-init at tag-ulan
Kabayong puti at kabayong itim
5. Paglalahat (ABSTRACTION) Ano ang ibig sabihin ng salitang magkasalungat? (Ang salitang magkasalungat ay magkaiba ang uri, katangian o magkaiba ng kahulugan.) 6. Paglalapat (APPLICATION) 1. Bigyan ang bawat bata ng larawan upang maitugma ang kaparehas na kasalungat 2. Ang guro ang unang magpapakita ng larawan at kasalungat na larawan at ipalilinag niya kung bakit ang 2 larawan ay magkasalungat 3. Pagkasagot ay siya naman ang magtatanong kung sino ang may hawak ng kasalungat ng larawan na nasa kanya 4. Kung sino ang makasagot ay siya naman ang magtatanong, hanggang sa matapos ang pagtutugma sa larawang kasalungat. IV.
Panghuling Pagtataya Panuto: Pagtugmain o pagtambalin ng guhit ang mga salitang larawan na magkasalungat 1.
batang lalaki
2. As yelo
3. Asaaraw
4. Asabato
5.
V.
pusa
ulan
batang babae
mainit na kape
daga
bulak
TAKDANG ARALIN Magdala ng 3 pares ng larawan na magkasalungat