KABANATA I Ang Pagtitipon
Magtatapos na ang buwan ng Oktubre nang si Don Santiago de los Santos na kilala sa tawag na Kapitan Tiyago ay nagsagawa ng isang pagtitipon sa kaniyang tahanan. Napuno ang tahanan ni Kapitan Tiyago ng mga kaibigan, kakilala at pati na rin ng mga taong hindi inimbita.
Sa kabilang dako ng tahanan isang grupo na kinabibilangan ni Padre Sibyla, ang Dominikong pari ng Binondo at si Padre Damaso, isang Pransiskano, ang dalawang pari. Si Tenyente Guevarra ng guardia sibil ang sundalo.
Nagsimulang uminit ang damdamin ni Padre Damaso ng mapunta ang usapan tungkol sa pagkakalipat niya sa ibang bayan pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Noong lumayo na ang tenyente, unti-unti nang bumalik ang dating katiwasayan ng pagtitipon.
KABANATA II Si Crisostomo Ibarra
Patuloy ang kasiyahan ng mga panauhin sa handaan. Ngunit lahat ay napahinto at napako ang tingin sa isang binatang kaakbay ni Kapitan Tiyago. Ang binata ay animong luksang luksa sa kanyang damit na kulay itim. Sa pagdating ng binata, sa kabilang dako ay siyang pagkabigla at lihim na pagkabahala ni Padre Damaso . Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Namutla at nandilat si Padre Damaso sa pagkakita sa panauhin.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Crisostomo Ibarra y Magsalin sa pagsasabing ito ang anak ng namayapang si Don Rafael Ibarra at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pagaaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha
mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.
Ikinagulat ni Ibarra ang hindi pakikipagkamay ni Padre Damaso at pagtanggi nito sa matalik na pagkakaibigan nila ng kanyang ama.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Ibinaling naman ni Tinyente Guevarra ang atensiyon ni Ibarra sa kanya nang ito¶y kanyang batiin at purihin ang kanyang ama. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Naiwan si Ibarra na walang makausap. Dahil sa kaugaliang natununan niya sa ibang bansa, hindi siya nahiyang lapitan ang mga panauhin upang ipakilala ang kaniyang sarili. Hindi sumagot ang mga babae upang magpakilala. Ang mga lalaki lamang ang nakipagkamay at nagsabi ng pangalan. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Sa kabilang banda ay may nagpaanyaya kay Ibarra para sa isang pananghalian. Siya ay si Kapitan Tinong na kaibigan ni Kapitan Tiyago at matalik na kakilala ng kanyang ama. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
CHAPTER III Ang Hapunan
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Mahahalata kay pari Damaso na siya ay banas na banas habang ang mga bisita ay masayang nag uusap at pinupuri ang masarap na handa ni kapitan Tiyago. Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang
magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari at nagkunwaring inalok ni Sibyla ang tinyente ngunit tumanggi ito. Inaya ni Ibarra si Kapitan Tiyago ngunit tumanggi ito at nag sabing ³huwag mo akong alalahanin.´ Lalong nainis si pari Damaso nang mapunta sa kanya ang tinola na puro pakpak at leeg na lamang. Habang kumakain sinagot ni Ibarra ang tanong ni Laruja na siya ay nawala ng pitong taon ngaunit hindi siya nakalimot sa kanyang bayan ngunit hindi niya manlang nabalitaan ang masaklap na nangyari sa kanyang ama.
Matapos kumain, nakisabat si Padre Damaso sa usapan nina Ibarra at iba pang panauhin. Puro pagpaparungit kay Ibarra ang laman ng kanyang mga pangungusap. Tumindig si Ibarra, itinaas ang isang kopa na inialay sa Espanya at Pilipinas, ininom ang alak na laman nito at pagkatapos ay nagpaalam. Sinubukan siyang pigilan ni Kapitan Tiyago, sapagkat paparating na si Maria Clara, Tiya Isabel at ang bagong kura ng bayan. Ngunit, siya¶y lumisan din.
Nang makaalis si Ibarra, ibinulalas ni Padre Damaso ang kaniyang sama ng loob. Ayon naman sa isang binatang naroon, ang paglisan daw ni Ibarra ay tanda ng pagmamataas at dapat ipagbawal ng pamahalaan.Nang gabing iyon, isinulat ng lalaking may mapulang buhok sa Estudios Coloniales ang mga pangyayaring naganap sa kainan.
KABANATA IV Erehe at Pilibustero
Sa kabanatang ito nalaman ni ibarra kung ano ang nangyari sa ama nya na si Don Rafael. Nalaman nya ito buhat kay Tinyente Guevarra na lumapit sa kanya habang sya ay naglalakad na walang patutunguhan. Ayon sa inilahad ng Tinyente, namatay ang ama ni Ibarra sa loob ng kulungan. Napagbintangan ito na erehe at pilibustero.
May isang artilyero na kinukutya ng grupo ng mga kabataan, hinabol sila ng artilyero at sa inis na wala syang naabutan ay inihagis nalang nya ang kanyang tungkod, tinamaan ang isang bata at napatumba ito, sa galit ng artilyero ay pinagsisipa nya ang bata. Nang oras na yun ay napadaan si Don Rafael at nagkasagutan sila ng artilyero, ng akmang susuntukin sya ng galit na galit na artilyero ay sinalag nya ito. Sa mga nakasaksi, may nagsabing tinulak ito ng Don, meron ding nagsasabi na pinalo nya ito.
Natumba ang artilyero, tumama ang ulo sa isang tipak ng bato at nagsuka ng dugo, di nagtagal ay nawalan ito ng hininga. Nakulong si Don Rafael at noon ay biglang naglitawan ang mga mga taong may lihim na galit sa Don.
Dahil sa tulong ng isang manananggol na kastila ay napatunayang ang sanhi ng pagkamatay ng artilyero ay pamumuo ng dugo sa ulo. Nang malapit ng lumaya ang Don, namatay din si Don Rafael dahil hindi kinaya ng katawan nito ang paghihirap sa piitan, nagkasakit ng malubha ang Don at namatay.
Tahimik at walang kibo si Ibarra habang nakikinig.
Pagkatapos magsalaysay ay umalis na si Tinyente Guevarra at sinabing si Kapitan Tiyago na ang makakapagsabi ng iba pang nangyari.
KABANATA V Isang Bituin sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, nanhik si Ibarra sa kanyang kwarto, na nasa dakong ilog at naupo sa isang silyon at nagmasid sa nakabukas na bintana.
Mga masasayang tinig ng mga instrumentong orkestra and dumarating sakanyang kwarto mula sa maliwanag na mga ilaw ng katapat na bahay sa kabilang ibayo.
Kung hindi lang sana gulung-gulo ang isip ni Ibarra ay mapapanood at makikita niya ang mga kaganapan sa bahay na iyon at makikita ans isang magandang binibini na nakabalot sa manipis na habi at may suot na mga diyamante at ginto. Ito¶y inaalayan ng mga bulaklak mula sa mga Kastila, Intsik, Pilipino, Militar at mga Pari na sadyang sa kagandahan ni Maria Clara nakatuon. Lahat ay nakatingin maliban sa isang batang Pransiskano na iba ang nadarama. Si Padre Sibyla ay siyang siya sa pakikipagusap ditto samantalang si Donya Victoria ay matiyagang nag-aayos ang buho ni Maria Clara.
Dahil sa pagod na isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi ay madali siyang inabutan ng antok, madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan na.
Kabanata VI Si Kapitan Tiyago
Ang katangian ni kapitan tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siaya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa pampanga at laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman .
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasmba katulad nina sta.lucia, san pascual bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miquel, sto. Domingo, hesukristo at ang banal na mag-anak.
Para kay kapitan tiyago kahit na ano ang itakda an mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod bilang gobernadocillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya myroong handog na regalo.
Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya¶y mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia alba na isang magandang dalagang taga sata cruz. Natulong sila sa pag hahanapbuhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.
Ang pag bili nila ng lupain sa san diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa boung san diego- si don rafael ibarra, ang ama ni crisostomo ibarra . dahil sa anim na taon ng pagsasama sina tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni padre damaso na sa oabando sila pumunta kina san pascal baylon at sta clara at sa nuestra sr de salambaw.
Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya ay magdalangtao. Pag kapanganak nya sya ay namatay. Si padre damaso ang nag anak sa binyag at ang anak in pia ay pinangalanang maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando, kay tiya esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang magaruga kay maria. Lumaki sya sa pag mamahal na inukol ni tiya esabel, kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng sta catalina. Luhaan sya nag paalam kay pari damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si crisostomo ibarra, pag kapsok ni maria sa umbento, si ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina don rafael at kapitan tiyago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pag dating ng tamang panahon silang dalawa (maria at crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.
KABANATA VII Pag-uulayaw sa Asotea
Kinabukasan, Maagang ±maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga
sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago
tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhaybuhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya ³Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na.´
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.
KABANATA VIII Mga Gunita
Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari Damaso na nakakunotnoo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.
Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako.
Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang mga magagandang gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader.
Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging guring pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya¶t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).
KABANATA IX Mga bagay-bagay ukol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Pari Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Sinigilahan siya ng matinding pagkaawa rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Pari Sibyla na si Ibarra ay taong mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba¶t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa.
Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang tinyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Pari Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan.
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Pari Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.
KABANATA X Ang Bayan ng San Diego
Ang Bayan ng San Diego ay matatagpuan sa baybayin ng lawa at napapaligiran ng malalawak na bukirin at palayan. Ang lupain ding ito ay mayaman at mataba na may mga tanim na palay, tubo, kape at iba¶t ibang bungang kahoy. Maganda din ang paligid ng bayan mula sa itaas ng simboryo ng simbahan at matatanaw din ditto ang iba¶t ibang atip ng bahay:pawid, tisa, siim, kabunegro na ang paitan lamang ay bukirin at looban.maiikumpara din ang ilog sa isang ahas nanakahiga sa isang banig na luntian at matatanaw rin ang isang dampa na itinayo sa mataas na pampangin. Ang lubos na kapansin-pansin sa bayan ay ang pulong-gubat na madilim dahil sa makakapal, malalaki¶t mayayabong na punong kahoy, matataas na damo, mga banig, mga lumot at kabuti at mga dapo sa sanga ng mga puno.
May mga alamat din sa ukol sa gubat na ito na kinatatkutan ng mga tao. Isa dito ay ang alamat ng isang matandang lalaki na malalim ang mata at mahusay managalog sa dumating sa bayan na iyon. Ang lalaki ay binili ang lupa sa inanagusan ng mainit na tubig sag a taong umagkin ng lupaing iyo. Binigyan niya ang mga ito ng damit,hiyas at salapi bilang bayad. Nawala ang lalaki at pinaghihinalaang naengkanto ngunit natagpuan ito na isa na lamang bangkay na nakabitin sa puno ng baliti kaya¶t lalo itong kinatakutan. Dahil sa pangyayaring iyon ay itinapon at sinunog ng mga tao ang mga ibinigay ng matanda sa kanila.
Mula noong mailibing ang matanda sa puno ng baliti ay wala ng lumapit roon at kinatatakutan na din ang kubat. Buhat noon ay madami ng kwento at alamat ang isinasalaysay sa gubat na iyon.
Pagkalipas ng ilang buwan ay may dumating na lalaki na mestiso at nagpakilalang anak ng yumaong matanda. Siya si Don Saturnino, walang kibo bagamat mapusok minsa¶y malupit ngunit masipag. Nagtayo siya ng matibay at makapal na bato sa paanan ng puno ng baliti. Nakapangasawa ng si Don Saturnino ng Dalagang taga-Maynila at naging bunga ay si Don Rafael na ama ni Crisostomo Ibarra. Marunong makisama si Don Rafael at napaunlad niya ang kanilang pagsasaka sa kanilang lugar. Naging malaking nayon ang dating maliit na pook.
KABANATA XI Ang mga makapangyarihan sa Bayan
Si Don Rafael Ibarra ay nagmamay-ari ng malaking lupain sa bayn na iyon at halos lahat ay may utang na loob sa kanya ngunit hindi siya gumagawa ng masama sa mga ito. Si Kapitan Tyago naman ay sinasalubong ng orchestra at hinahandugan ng mga sariway prutas, gulay, at pinakamatabang hayop sa twing uuwi sa bayan. Pinupuri siya nang tao kapag nakaharap ngunit sinasabihan naming ³Sakristan tyago´ at Sunud-sunuran ito sa alkalde mayor.
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Si padre Damaso ay tinatawag ding padre garrote sa dahilang madalas itong manuntok at mangbambo. Si padre salvi ay mataas namnag sumingil ng multa at tuypng tuoy na dahil sa pag aayuno.
Ang alperes naman ay anakapangasawa ng isang indiya na dating labandera ng sundalo. Sa una¶y maganda ang pagsasamahan nila ngunit sa katagalan ay hindi niya masikmura ang nagagwa nito. Dahil dito pinipilit niyang kalimutan ang kanyang kasawian sa pag-inom at pagbuhos ng galit sa mga sundalo.
Ang alperes at si padre salvi ay may hidwaan madalas ay naggagantihan. Ang alpares at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego.
KABANATA XII Araw ng mga Patay
Mahalaga para sa kulturang Pilipino ang pag-alala ng mga kaanak na sumakabilang buhay na kaya pinahahalagahan ang araw ng patay. Ang sementeryo sa San Diego ay nasa dakong kanluran at napapalibutan ng palayan. Sa gitna nito ay may malaking krus na nakatungtong sa isang malaking tipak ng bato. Ang kalahati ng sementeryo ay may harang na na gawa sa bato ang kalahati at kawayan at urang naman ang ibang bahagi. Makipot ang daan rito at sa tag-araw ay maalikabok at maputik sa tag-ulan.
May dalawang lalaking naghuhukay ang isa na mabagal ay ang sepulturero at ang isa nama¶y balisa at diring diri dahil sariwa pa ang bangkay na nahukay nila roon. Nagkwento ang
tagapaglibing ng mga mabibigat na pinagawa ng kura sa kanya lalawig pa sana ang usapan kung hindi lamang dumami ang mga tao.
KABANATA XIII Mga unang babala ng sigwa
Dali-dali bumaba ng karawahe sina Crisostomo Ibarra at halatang galling sa malayong paglalakbay. Inaalalayan ng mayordomo ang hakbang ni Ibarra at sinabi na si Kapitan tyago daw ang mag aayos ng puntod at tataniman ng mga namumulaklak sa tanim. Sa paglilibot ay hindi nila makita ang palatandaan ng pinaglibingan.sa pagtatanong ay nalaman na nila ang pinaglibingan kay Don Rafael Ibarra at mula noo¶y nabatid ang kinahinatnan ng bangkay na ipinalipat ito ng malaking kura sa libingan ng mga Instik ngunit hindi ito nangyari bagkos ay itinapon ito sa ilog. Nagalit si Crisostomo Ibarra at sinugod ang sepulturero na wari¶y ililibing sa kinatatayuan. Tumalikod nalang si Crisostomo Ibarra at naglakad paalis ng libingan. Nakasalubog niya si padre Salvi at hinablot ito hanggang sa mapaluhod at itinanggi ng pari angginawa nito sa kanyang ama at sinisi si padre Damaso. Mabuti na lamang at naawat ng utusan si Crisostomo at nagpatuloy nalang ang galit na galit na si Crisostomo Ibarra sa paglalakad palabas ng libingan.