Antas Ng Wika WorksheetAntas Ng Wika WorksheetAntas Ng Wika WorksheetAntas Ng Wika WorksheetAntas Ng Wika WorksheetAntas Ng Wika WorksheetAntas Ng Wika WorksheetAntas Ng Wika WorksheetAntas …Full description
Full description
Full description
Isang pagtalakay sa Antas ng Pag-unawaFull description
Revolutionary Poetry of Marcelo H. Del Pilar against the Spanish regime.
song
Isang pananaliksik na isinagawa bilang pagsunod sa pangangailangan sa asignaturang Filipino 102: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Full description
Sa Hapag Ng Panginoon
Full description
Kundiman song
Isang pananaliksik na isinagawa bilang pagsunod sa pangangailangan sa asignaturang Filipino 102: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas
PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas
PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang AntasFull description
asasa
a draft of Ang Pinakapaboritong Tv Commercial Sa Mga Mag-Aaral Ng Unang Antas Ng Kolehiyo Ng Edukasyon, Wesleyan University-PhilippinesFull description
Ang Kurikulum na Filipino: Saan Patutungo sa Hamon ng Globalisasyon?Filipinas Globalisasyon?Filipinas Nirebisa ng sistema ng edukasyon sa Filipinas ang (tersyaryang) kurikulum sa (wikang) Filipino upang ang pagkatuto ng estudyante ay lalo’t higit pang makatugon sa mga pangangailangan ng isang lokal/global namamamayan.Sinusuri namamamayan.Sinusuri ng papel na ito kung hanggang saan ang kurikulum sa Filipino ay nagagawang makatugon sa mga pangangailangan ng bawat estudyante kaugnay ng pagkatuto at paggamit sa Filipinobilang isang pambansang wikang nagpapasigla sa literasi, pag-unlad, at pambansang pagkakaisa’t identidad.Ang rebisyon sa kurikulum ay isang positibong hakbang upang ang ating pambansang wikang Filipino ay makasabay sa mga nasyonal/global na isyu, konsern, at hamon. Philippine Education undertook a revision of the (tertiary) Filipino (language) curriculum to maximize student learning and meet the more complex demands of local/global citizens. This paper examines the extent to which the Filipino curriculum is able to answer the needs of each student in learning and using Filipino as a national language to promote literacy, development and progress, and national unity and identity. Curricular revision takes a positive direction as our national language Filipino keeps apace with national/ global issues and concerns and challenges. Mga susing termino: BEC Kurikulum, wikangFilipino, Makabayan, higher education. Marami nang nailimbag na pag-aaral tungkol sa pagtuturo at pagkatuto sa iba’t ibang larangan mga pag-aaral na siyang nagbigay-sigla sa risertser na ito na tukuyin ang mga kahinaan at kalakasan ng isang kurikulum, at kung ano ang mga pangangailangan upang higit na maging angkop sa kaalaman, kasanayan at kaugalian ng isang estudyante, lalong-lalo na sa panahon ng globalisasyon. Ang k urikulum ay ang kabuuang nilalaman ng pag-aaral ng aralin, mga karanasan at mgakagamitang sadyang pinili, binuo, at isinakatuparan para sa adhikain ng isang institusyon. Dahil dito,dapat nating paunlarin ang kurikulum gaya ng ginagawa ng ibang bansa para maging globally competitive ang bawat estudyante; kung hindi man kahit papaano ay may sapat na kakayahan at kasanayan siya namagiging kapital niya sa pagsuong sa landas na tatahakin. Ang kurikulum ang pinakapuso ng sistema ng edukasyon kung kaya dapat itong pag-ukulan ng oras at pansin. Kailangang siguruhing nakasasapat ito sa mga pangangailangan ng mga estudyante at kung ito ay tumutugon sa kalagayang pangkalikasan, panlipunan, pang-ekonomiya, panteknolohiya at pandaigdig. Layunin ng papel na ito na ilahad ang kahalagahan ng kurikulum na Filipino, na nasuri ng mga susing tao sa sistema,at ang tugon nito sa pangangailangan ng estudyanteng Filipino. Isang paglalahad din ito ng estado ngFilipino sa kurikulum ng Filipinas. Sinasagot nito ang mga katanungan:Ano ba ang kurikulum na Filipino?Ano ang mga batayan sa pagkakaroon ng kurikulum na Filipino?Bakit ito mahalaga bilang isang kurikulum sa elementarya, sekondarya at sa tersyarya?Ito ba ay tumutugon sa pangangailangan ng bawat mag-aaral upang magkaroon ng sapat at mabisang kaalaman sa Filipino bilang wikang pambansa?At ito rin ba ay tumutugon sa pangangailangan nila upang magkaroon ng kompetitibong kaalaman sa makro-kasanayang Filipino?Angkop ba ang paraan sa pagpapaunlad sa kaalaman ng mga mag-aaral?