ISANG KOMPARATIBONG PAGAARAL SA MGA NARS SA PILIPINAS AT SA AMERIKA
Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas
Bilang pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
ng Ikalimang Pangakat, I BSN 11
Marso 2010
DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat 1 Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Isang Komparatibong Pag-aaral sa mga Nars sa Pilipinas at sa Amerika ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa I-11 na binubuo nina:
Carmina Fuentebella
Reyshyl Gresola
Justine Danielle Ilagan
Millet Jimenez
Kenny Ladores
Justine Torres
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Aissa Abegail A. Jimenez Guro
PASASALAMAT Taus-puso kaming nagpapasalamt sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa panahong iginugol nila, sa suporta at tulong para sa ikabubuti at tagumpay ng pamanahong-papel na ito; y
kay Ma¶am Jimenez, ang aming masigsig, matalino at maganda propesora sa Fil2, sa pagagabay sa amin sa simula at pagtatapos ng pamanahong-papel na ito sa pagtuturo ng tamang paggawa at tamang paraan ng pagsulat ng ganitong pamanahong-papel;
y
kay Gng. Glecy Hermogenes, G. Jun Vega, Norman Jose Galvez, R.N., an gaming mga respondent, sa pagbibigay panahon sa aming interbyu na isinagawa, sa pagpapahintulot nila sa interbyu upang madagdagan ang kaalaman naming ukol sa pagiginga nars nila dito sa Pilipinas at sa US;
y
sa mga awtor at editor ng mga sanggunian na ginamit ginamit naming na mula sa Buenavides Library na kinuhaan naming ng mga mahahalagang impormasyon na nagamit naming sa una at lalo na sa ikalawang kabanata ng amning pamanahong-papel;
y
sa aming mga mga kamag-aral na sumusuporta at tumutulong sa mga panahong kinakailangan naming ng tulong ukol sa pamanahong-papel na ito;
y
sa aming mga pamilya, lalo na sa aming mga magulang na umiintindi sa aming kalagayan, sa pagintindi sa amin kapag ginagabi kami ng uwi para sa ikagaganda ng aming pamanahong-papel at higit sa lahat;
y
sa Poong May Kapal, sa pagsagot sa aming mga dalangin hinggil sa aming pag-aaral higit sa lahat pamanahong papel na ito, sa paggabay sa mga oras at mga lugar na pinaggagawan naming ng papel na ito at sa pagpapahiram sa amin ng talino upang matapos ito.
Muli¶t-mul, hanggang sa huli nagpapasalamat kami sa inyong lahat. Mula sa mga Mananaliksik
TALAAN NG MGA NILALAMAN Kabanata I, Ang Suliranin at Kalagiran Nito 1.
Introduksyon 1
2.
Layunin ng Pag-aaral 2
3.
Kahalagahan ng Pag-aaral
4.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
3
4 5.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Kabanata II, Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura
4 6
Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 1. Disenyo ng Pananaliksik
9
2. Mga Respondente
9
3. Intrumentong Pampananaliksik
10
4. Tritment ng mga Datos
10
Kabanata IV, Presentasyon at Interpretsyon ng mga Datos
11
Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomemdasyon 1. Lagom 18 2. Kongklusyon
18
3. Rekomendasyon
19
Listahan ng mga Sanggunian Apendiks A. Transkripsyon ng Interbyu
20
B. Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa Interbyu 21 C. Pormulasyon sa Pag-eebalweyt ng Pamanahong-Papel
24
LISTAHAN LISTAHAN NG MGA GRAP
A.
Grap 1:
Ang mga Gastusin ng isang Nars na Nagtatrabaho sa Amerika Talaan ng Buwanang Gastusin
B.
Grap 2:
Ang mga Gastusin ng isang Nars na Nagtatrabaho sa Pilipinas Talaan ng Buwanang Gastusin
C.
Grap 3:
Ang mga Gastusin ng isang Pamilyang Sinusustentuhan Sinusustentuh an ng Isang Nars na Nagtatrabaho sa Amerika Talaan ng Buwanang Gastusin
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Marami sa ating mga kababayan ay nangingibang bansa. Naitala ng POEA na halos 8.7 hanggang 11 milyong Pilipino o halos 11% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ay nasa karatig bansa. At ang 3% mula sa 11 milyon ay nasa bansang Amerika lamang. Tuwing mapag-uusapan ang bansang Amerika hindi na mawawala ang kalakip nitong salita na ³Nars´. Narsing o ang pagiging nars ay masasabi nating pinaka prominenteng trabaho ngayon lalo na sa bansang Amerika. Naitala sa Bureau of Labor Statistics ng Amerika na hanggang sa taong 2018 ay tataas ang dami ng trabaho na naghihintay sa mga nars doon. Aabot sa mahigit 1.5 milyong trabaho ang nag-iintay sa kanila at may posibilidad rin na madagdagan pa ito ng daan-daang libo dahil sa mga nars na magreretiro kada taon. Si Gng. Perla Vega ay isang nars sa Amerika. Mahigit 15 taon na siya namamalagi doon habang naiwan ang kanyang mga anak at asawa sa Pilipinas. Kaya naman aming kinapanayam si G. Vega upang mabigyang linaw ang mga kuro-kurong kumakalat at naging kadahilanan at epekto ng pangngingibang bansa ng mga nars. Ayon kay G.Vega mahirap daw ang buhay kahit noon pa man kaya napilitan nang mangibang bansa ang kanyang misis. Noong nandito pa daw si Gng. Vega ay kinukulang daw sila para sa buwanang gastusin nila. Nabanggit rin niya na kahit pagsamahin pa raw nila ang sweldo nilang mag-asawa ay hindi rin nila maitaguyod ang tatlong anak sa liit ng kinikita nila kaya naman naisipang mangibang bansa ni Gng. Vega. Simula noong nangibang bansa siya ay mas naging maginhawa raw ang kanilang pamumuhay. Mapagtatapos na ni Gng.
Vega ang kanyang pangalawang anak sa isang kilalang unibersidad sa dito ngunit ang isang bagay na ikinakalungkot ni Gng. Vega ay ang hindi niya personal na nakitang lumaki ang mga anak. At dahil na nga rin sa sitwasyon nila kung minsan daw ay nagkakahiyaan ang mag-iina na tila hindi panatag ang kanilang loob sa ina. Kaya naman ang pamanahunang papel na ito ay magsisilbing gabay o magbibigay linaw sa mga bagay-bagay na kalakip na ideya ng pangingiibang bansa ng isang Pilipinong nars at kung ano ang mga magaganda at hindi kanais-nais na aspeto nito.
2. Layunin Ang pamanahong papel na ito ay isang kumparatibong pananaliksik ukol sa mga pagkakaiba ng nars sa Pilipinas at Amerika at ito ay may layuning: 1. Mapalawak ang kaalaman ng mga mambabasa ukol sa mga pagkakaiba ng trabaho ng isang nars sa Pilipinas at nars sa Amerika. 2. Maikumapara ang kinikita ng nars sa bawat bansa at masuri ang kanilang ginagastos sa isang buwan. 3. Maitalakay ang mga benepisyo na nakukuha nila sa ospital kung saan sila nagtatrabaho. 4. Sumangguni sa Labor Code of the Philippines upang maikumpara kung sapat ang pagtrato sa mga nars dito sa Pilipinas. 5. Masuri ang mga dahilan sa patuloy na pag- migrate ng mga nars sa Amerika.
3. Kahalagahan ng Pag-aaral: Naging isyu na sa mga dyaryo ngayon na lumalaki na ang porsiyento ng mga nars na nagtatrabaho sa Amerika. Alam ng karamihan na ang sweldo ay ang pangunahing dahilan kaya¶t marami ang nagnanais lumipat ng bansa. Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat naniniwala ang mga mananaliksik na may iba pang dahilan kaya¶t maraming Pilipinong nars ang nagtatrabaho sa Amerika. Ang mga impormasyon na nakatala sa papel na ito ay makakatulong sa mga estudyanteng nars, may balak na kumuha ng Narsing at pati na rin ang mga rehistradong nars. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaring mapunan ang mga kakulangan sa kaalaman at masagot pa sa mga ibang kuro-kuro ng mga estudyante na kukuha ng kursong Narsing. Magbibigyang ideya rin ang mg estudyante tungkol sa limitasyon ng pagiging nars sa Pilipinas at sa ibang bansa. Bukod dito, matatawagan ng pansin ang mga ospital at gobyerno upang mabigayang pansin at mabigyang lunas ang mga problema sa likod ng pangingibang bansa ng mga Pilipinong nars. Kung gayon, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang ang lipunan at gobyerno ay magkakaroon ng kaalaman upang mapalawak at mapaganda ang mga sistema ng mga ospital at magkaroon ng mas magandang benipisyo ang mga nars sa Pilipinas.
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa mga pagkakaiba ng mga nars sa Pilipinas at Amerika. Saklaw ng papel na ito ang karansan ni Gng. Glecy Hermogenes at G. Jun Vega, na parehong naging nars dito sa Pilipinas at nagtatrabaho na ngayon sa Amerika, G. Nor-J Galve na isang nars dito sa Pilipinas. Ang pamanahunang papel na ito ay nakalimita lamang sa karansan ng tatlong nars at sa mga ospital na kanilang pinagtatrabahuan. Naniniwala ang mga mananaliksik na karamihan sa mga nagtatapos ng kursong Narsing dito sa Pilipinas ay ibig magtrabaho sa Amerika; kaya nais ng grupong suriin ang mga posibleng kadahilanan sa kanilang paglipat sa ibang bansa.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Ang Labor Ang Labor Code Code of the Philippines ang nagtatakda ng mga tuntunin para sa pagtanggap at pagtatanggal ng mga pribadong empleyado. Nakasaad rin dito ang mga kondisyon ng pagtatrabaho kasama na ang pinakamataas na oras ng trabaho at overtime; benepisyo ng mga empleyado tulad ng holiday pay, pay, ikalabintatlong buwang bayad at bayad ng pagreretiro at ang mga patnubay sa organisasyon at sa pagiging kasapi ng mga unyon ng manggagawa pati na rin ang sa collective bargaining .
Ang N CLEX CLEX (National Council Licensure Examination) ay isang pagsusulit na kinakailangan upang makakuha ng lisensya sa legal na pagsasanay bilang isang nars sa Estados Unidos. Ang green Ang green card ito card ito ay isang pagtitibay na ang isang nagtatrabaho ay legal na residente ng naturang lugar. Kadalasang nagkakaroon ng green card ang isang tao dahil sa mga kapamilyang nag-iisponsor sa kanila. Ang isang taong may green card ay binigyang pahintulot na manirahan at magtrabaho sa US. Ang visa ay ang indikasyon na ang isang tao ay pinahintulutang makapasok ang sa mga bansa na napapailalim sa pahintulot ng isang opisyal ng imigrasyon sa panahon ng tunay na entry. Ang pagpapahintulot ay maaaring isang dokumento, karaniwang ginagamit dito ay endorsed stamp sa pasaporte ng aplikante. Ang IELTS o 'International English Language Testing Syste m', ay isang pagsusulit na pang-internasyonal upang masuri ang kakayahan at husay sa paggamit wikang Ingles.
KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA LITERATURA
May mga pag-aaral na isinagawa upang malaman ang pang-araw-araw na gastusin ng isang mamamayang Pilipino dito sa bansa. Bago isipin ng karamihan ng mga nars na magtrabaho sa Amerika, dapat malaman muna ang kanilang badyet upang mapatunayan na talagang kinakailangang lumipat na ng bansa. Sa kabilang panig, dapat malaman din ang kinikita ng isang nars sa Amerika upang maihambing ang sitwasyon nila pagdating sa mga gastusin. Hindi naman lahat ng Pilipinong nars na nagtatrabaho sa Amerika ay Masaya. Nagkataon lang na kailangan pang makakuha ng mas malaking sweldo upang matugunan ang pangangailangan sa buhay.
Ayon sa ekonomistang si Tereso Tullao, Jr. (2002), ang layunin ng buhay ay ang makamit ang ginhawa. Ang diin sa hilig at hindi sa mga pangunahing pangangailangan ay nagangahulugang natugunan na ng lipunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan nito upang mabuhay. Ang pagtugon sa mga ipinagbago ng hilig o mga artipisyal na pangangailangan ang siyang pinagtutuunan ng pansin. Ang ganitong killing ang nag-uudyok sa mga mamamayan na palawakin ang kanilang yaman. Ayon sa Labor sa Labor Code of the Philippines (C.A. Azucena): Artikulo 94: Ang mga nagtatrabaho sa linya ng medical tulad ng mga nars, physical therapist , occupation therapist at iba pang trabaho sa larangan ng medisina ay nakatatanggap ng double pay sa panahon ng pagbibigay ng sweldo . sweldo . Ang double pay ay
pagbibigay ng dobleng sahod sa mga nagtatrabaho sa kabila ng mahahalagang okayson ng taon tulad ng pasko, kwaresma at bagong taon na sana ay ipinagdiriwang nila kasama ang kani-kanilang pamilya. Artikulo 97: Ang sweldo ng isang mamamayang nagtatrabaho sa isang araw ay nakadepende sa dami ng kanyang ginagawa at sa kinikita ng insitusyon kung saan siya nagtatrabaho. Artikulo 243: Coverage and e m ployees right to self-organization. Isinasaad dito ang karapatan ng bawat tao, kahit saan pa man siya nagttrabaho mapa-komersyal, industryal, medikal, o kahit saan pa man, ang lahat ng tao ay may karapatan na magkaroon siya ng pansarili. Ika-anim na titulo artikulo 247 hanggang 249
Unfair Labor Practices.
Binibigyang diin dito ang pagkakaroon ng kalayaan ng mga taong nagtatrabaho. Ang mga parusang ipinapataw ng mga pinagtatrabahuhan nila na hindi nagbibigay ng katarungan at kalayaan sa mga empleyado. Ayon naman sa isang artikulo sa The Philippine Star , Isa lamang ang dahilan ng mga tao kung bakit sila nagtatrabaho, ito ay para makakita ng pera. Ito ay totoo dahil wala naming tao ang nagpapakahirap magtrabaho para lamang sa wala-pwera na lamang kung marami siyang panagkakakitaan ng pera, at maaari ring sa kadahilanang ito ay ikinatutuwa niyang gawin at ito ang pinakaimportante. Sa ating bansa ay napakaraming gumraduweyt ng Nursing na walang trabaho ngayon. Pero sa kabila nito, napakarami ding ospital at komunidad na nagrereklamo sa kakulangan ng taong magaalaga sa mga pasyente ngunit hindi ito masustentuhan ng gobyerno ang mga ito. Kung ang isang taong gumradweyt ng kursong nursing ay makakahanap ng mapapagtrabahuhan sa sarili niyang
bansa, madalas ito ay sa isang pribadong institusyon, at sa mga instutusyon na ito ay mas maliit pa ang kinikita kaysa sa government hospital at kakaunti lamang ang nakukuha dito. Marami rin naming nagtatrabaho kahit walang sweldo at ito ang tinatawag na mga nagvovoluntaryo sa mga ospital para magkaroon ng maraming karanasan. Dahil ang pagkakaroon ng maraming karanasan ay isa sa mga hinahanap ng mga ospital sa Abroad, nakakadagdag chansya ito sa pag pasok sa kanila. Ayon sa Journal of Nursing Administration , Ang Pilipinas ay ang namumuno sa paghahanda ng mga nars para sa migration sa Estados Unidos lalo na dahil sa mga pangekonomiyang benepisyo at ang mga oportunidad para sa karera kadaliang kumilos at isang mas mahusay na kalidad ng life.2 Nurses mula sa Pilipinas ay may pang-edukasyon ng pagsasanay na katulad na sa Estados Unidos , at maaaring sila ay nagsasalita ng Ingles kapag dumating sila sa bansang ito, gayunman, ang mga ito sa lalong madaling panahon mahanap na ang mga pagkakatulad sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay hindi bilang malaking bilang kanilang anticipated.
Ayon naman kay Gunigundo, hindi na ito magtataka kung patuloy pa ring tinatarget ng mga Filipino nurse ang Amerika bilang kanilang destinasyon dahil maganda ang benipisyong naghihintay sa kanila roon kumpara sa ibang bansa. Maliban dito, ang patuloy na pakikipagpalaran ng mga Filipino nurse na makapagtrabaho sa Amerika sa kabila ng krisis ay indikasyon na hindi nawawalan ng pag-asa ang mga Pinoy sa gitna ng problemang ito ng mundo.
Sa kasalukuyang panahon, ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa pagpapadala ng mga nars upang magtrarbaho sa iba¶t ibang mga ospital at nursing homes sa mundo.
85% nang mga nars sa Pilipinas ay pawing nangibang bayan na. Marami rin sa mga doctor ng bansa ay muling nag-aaral para maging nars.
KABANTA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik Ang pamanahong papel na ito ay gumamit ng komparatibong pananaliksik. Ito ang ginamit ng mga mananaliksik para sa papel na ito dahil ito ay napapanahon at para upang maiparating sa madla ang dahlian ng pagkakagawa ng papel na ito; ang pagbigay impormasyon hindi lamang ukol sa bansang kinaroroonan kundi pati na rin sa mga bansang nais nating paglingkuran ng kanilang serbisyo. Ang pagkakaroon ng paghahambing ay nakakatulong upang mapagisipan pa lalo kung saan mas nakakabuti. Ito ay hindi para bigyan lito ang mambabasa kundi uoang ito ay matulungan pa siya.
2. Mga Respondente Ang mga napiling respondente ay sina Gng. Glecy Germogenes, isang nars sa Amerika, Norjay Galve, RN, isang nars sa Pilipinas at G. June Vega, asawa ng isang nars sa Amerika. Si Gng. Glecy ay limang taon na nagtatrabaho sa Jamaica Medical Center bilang isang E.R. nars. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in N ursing ursing sa Manila Central University. Bago umalis si Gng. Glecy patungo sa Amerika, siya ay nanilbihan muna sa St. Mary¶s Hospital (sa Bulacan) bilang isang staff nars.
Si G. Nor-J Galve, R.N. ay nagtatrabaho bilang staff nars sa pampublikong ospital habang naghihintay ng kanyang working visa patungo sa bansang Amerika. Si G. June Vega naman ay asawa ng isang nars sa Amerika at ama ng dalawang anak. Silang mag-aaama ay sinusustentuhan ng kanyang asawa.
3. Instrumentong Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng panayam. Kinonsulta ng pangkat si Gng. Perla Vega at si Gng. Glecy Hermogenes upang malaman ang kanilang karanasan, pananaw at saloobin sa mga gawain ng nars sa Pilipnas at Amerika. Nakakuha rin ng impormasyon ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro at artikulo na makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ukol sa paksa.
4. Tritment ng mga Datos Ang pag-aaral na ito ay panimulang aral lamang. Walang ginawang pagtangka ang pangkat upang makagawa ng mas mainam na imbestigasyon upang makahanap ng eksaktong solusyon para sa problemang nakatala. Ang naging karanasan ng mga ininterbyung nars ang binibigyang halaga ng grupo.Sa pagpresenta ng mga datos, gumamit ng table at pie chart ang mga mananaliksik upang maging mas malinaw ang pagtalakay sa mga impormasyong nakuha.
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang sumusunod na datos at impormasyon:
I.
Ang Kinikita at Ginagastos ng mga Responedente Inalam ang gastusin ng mga respondente upang masuri kung sapat ang kanilang kinikita upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.
Pansinin ang mga grap:
Grap 1 Ang mga Gastusin ng isang Nars na Nagtatrabaho sa Amerika (Talaan ng Buwanang Gastusin)
25%
20%
Iba pa Buwis 10%
House Bills Pagkain 30% 25%
Ipon
Sa unang grap, nakatala ang mga gastusin ni Gng. Glecy Hermogenes, isang nars na nagtatrabaho sa Amerika. Makikita na tatlumpung porsiyento (30%) ng kanyang sweldo ay napupunta sa buwis. Malaki ang buwis na kinokolekta sa Amerika na hindi naman inirereklamo ang karamihan sa mga mamamayan doon dahil magagagandang serbisyong ibinibigay ng kanilang gobyerno; maayos ang mga kalsada, malinis ang paligid at organisado ang pagpapatakbo sa mga sistemang pampamahalaan. Dalawampu¶t limang porsiyento (25%) naman ay napupunta sa mga gastusing pambahay. Kasama sa gastusing pambahay ang kuryente, tubig, telepono, atbp. Sampung porsiyento (10%) naman ang nakalaan sa pagkain. Mapapansin na maliit na bahagdan lamang ang sakop ng pagkain sapagkat mura ang halaga ng mga bilihin sa Amerika. Ang iba pang gastusin ay umaabot ng dalawampung porsiyento (20%) kasama na dito ang mga luho, pagpapagamot at ang perang ipinadadala para sa pamilya sa Pilipinas. Ang natitirang dalawampu¶t limang porsiyento (25%) mula sa kanyang kinikita ay ang naiipon niya.
Kumpara sa isang nars na nagtatrabaho sa Pilipinas, ang tulad ni Gng. Glecy Hermogenes at iba pang Pilipinong nagtatrabaho roon ay nakakaranas ng magandang buhay. Natutugunan nila ang mga pangunahing pangangailangan at natutugunan din ang kanilang mga kagustuhan o luho.
Grap 2 Ang mga Gastusin ng isang Nars na Nagtatrabaho sa Pilipinas (Talaan ng Buwanang Gastusin)
6%
3%
6%
Pagkain 5%
House bills Buwis
10%
70%
Pamasahe Gastos sa Anak Atbp.
Ang ikalawang grap ay tungkol sa mga gastusin ng pamilya Galve na nainirahan dito sa Pilipinas. Nakatala sa ibaba ang pagkakabaha-bahagi ng kanilang mga gastusin. Kabuuang sahod ng isang nars sa Pilipinas: P 10,000 Buwis: 5% = P 500 Pagkain: 70% = P 7,000 Pamasahe: 6% = P 600 Gastos sa anak: 6% = P 600 House bills: 10% = P 1,000 Iba pang gastusin: 3% = P 300
Sapagkat ang kanyang asawa ay walang trabaho, si G. Galve lamang ang kumikita para sa kanilang pamilya. Siya ay isang nars na nagtatrabaho sa isang pangkaraniwang ospital sa Kamaynilaan. Siya ay nagtatrabaho ng labindalawa hanggang labing-apat na oras kada araw. Makikita na ang pinakamalaking bahagdan sa kanilang mga gastusin ay ang pagkain. Sumunod ang mga gastusin sa bahay tulad ng kuryente at tubig, gastusin para sa kanilang dalawang anak, pamasahe, buwis, at iba pang gastusin (damit, gamot, atbp.). Masasabing ang kanyang kinikita ay sumasapat lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng kanya pamilya. Kadalasan pa ay hindi sumasapat ang kanyang kinikita tulad ng mga panahong nagkakasakit ang kanyang mga anak at pagkakaroon ng hindi inaasahang gastusin.
Grap 3 Ang mga Gastusin ng isang Pamilyang Sinusustentuhan ng Isang Nars na Nagtatrabaho sa Amerika (Talaan ng Buwanang Gastusin)
8.5%
12.75%
Buwis 10% 18.75%
House Bills Pagkain Car loan
18.75%
31.25%
Gastos sa Anak Ipon
Kabuuang padala ng isang nars na nagtatrabaho sa Amerika: P 80,000 Buwis: 18.75% (P8,500+20% of the excess) = P 10,200 Pagkain: 31.25% = P 25,000 Gastos sa anak: 18.75% = P 15,000 House bills: 10% = P 8,000 Car loan: 18.75% = P 15,000 Ipon: 8.5% = P 6,800
Kumpara sa pangkaraniwang pamilya ng isang nars na nagtatrabaho sa Pilipinas, natutugunan ng husto ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ng isang nars na
nagtatrabaho sa Amerika. Nakabibili sila ng masasarap na pagkain, nakapag-aaral sa magandang paaralan ang kanilang mga anak at nakabibili ng magagandang damit. Bagama¶t malaki ang buwis na kanilang binabayaran, nakakaya pa rin ng kanilang badyet ang magkaroon ng car loan at naitatabi ang natitirang pera para sa ipon at iba pang gastusin.
Napatunayan na may malaking pagkakaiba ang kalagayan ng isang nars na nagtatrabaho sa Pilipinas kumpara sa isang nars na nagtatrabaho sa Amerika. Dahil sa malaking sahod ng mga nars na nagtatrabaho sa Amerika ay natutugunan nila ang mga pangangailangan ng kanilang sarili at pamilya.
II.
Ang mga Pagkakaiba ng Trabaho at Benepisyo ng Nars sa Pilipinas at Amerika
Nakatala sa ibaba ang mga pagkakaiba sa trabaho at benepisyo ng nars sa Pilipinas at Amerika, ayon sa naging karanasan nina Gng. Glecy Hermogenes at G. Jun Vega at Gng. Nor-j Galve.
Pilipinas
Amerika
Nakaasa sa doctor. Kakaunti lang ang mga
Mas marami ang ginagawa ng nars at hindi
trabahong pwede gawin mag-isa.
masyadong nakaasa sa doktor
( independent independent function)
Walang double pay kapag pumapasok nang May double pay kapag pumapasok ng mga mga pagdiriwang pero may sweldo pa rin araw na may pagdiriwang kahit walang pasok Hindi masyadong pinapalaganap ang paid Pagkakaroon ng paid ng paid vacation vacation sa mga ospital. Hindi kagad tinatapon ang syringe pagkatapos gamitin sa isang pasyente.
Isang beses lang ginagamit ang mga syringe. syringe.
Maaari pa itong gamitin ulit. Ginagamit pa din ang papel na mga mga Ang paggamit ng mga com puterized charts charts sa pagtala ng mga kalagayan ng sa paglista ng mga kalagayan ng pasyente. pasyente Anim na beses sa isang linggo ang pasok; 8
12 oras ang shift shift ; tatlong beses sa isang
na oras ang shift , may overti me lamang kung
linggo ang pasok at may overti me na isang
kinakailangan.
beses sa isang linggo.
4-5 na taon ang pag-aaral ng kursong
2 taon lamang ito tinuturo para sa may
Narsing
gusto mag-Narsing
Nakadepende ang pagtaas ng sweldo sa Tumataas ang sweldo bawat taon tagal at husay sa pagtrabaho Ang kinikita ay nakabase kung ilang araw
Ang kinikita ay nakabase sa bawat oras ng
ang pagtrabaho sa ospital (P300-500/day)
pagtrabaho. ($35/hr)
Halos Pilipino lang ang nakakasalamuha
Nakakakilala at nakikihalubilo sa iba¶t
ibang klase ng tao mula sa iba¶t-ibang bansa. Mayroong liability insurance, medical Mayroong SSS at pension benefits, union benefits
KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON REKOMENDASYON
1. Lagom Ang pag-aaral na ito ay isang pagtangkang malaman ang damdamin, pananaw, kadahilanan at kaalaman ng mga estudyante at mga rehistradong nars sa Pilipinas at sa Amerika hinggil sa isyu ng pangingibang bansa nila. Gamit ang, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu sa tatlong respondent, isang respondente na nagtatrabaho sa Pilipinas at mangingibang bansa, ang isa naman ay nagtatrabaho sa Amerika at ang huli ay isang kamag-anak ng isang nars sa Amerika.
2. Kongklusyon Batay sa inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: a. Hindi masyadong pinapahalagahan ng gobyerno ang mga nars sa Pilipinas kumpara sa Amerika. b. Kaunti lamang ang mga batas na umaayon para sa kapapkanan ng mga nars. c. Ang mga nars sa mga pangpabribadong at pangpublikong ospital ay hindi nabibigyan ng sapat na benepisyo d. Mababa ang sweldo na natatanggap ng mga nars kumpara sa bigat ng trabaho na ginagawa nila.
3. Rekomendasyon Kaugnayan ng mga konklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: a. Para sa pamahalaan, mapagbuti ang batas ukol sa benepisyo at karapatan ng mga nars at maipatupad ito sa isang mas epektibong paraan. b. Para sa administrasyon ng ospital, mas mapagbuti ang benepisyo para para sa mga nars na at magkaroon ng sapat na sweldo sweldo sa kaukulang trabaho. c. Para sa mga mag-aaral, huwag magpasilaw sa laki ng suweldo ng mga nars sa Amerika. Magsagawa ng pag-aaral ukol sa propesyon na gustong tahakin. d. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami pang impormasyon na maaring makatulong sa pagpapalawak at pagpapabuti ng mga batas at sistema ng mga ospital at gobyerno ukol sa mga nasabing problema o kadaihalan ng pangngingibang bansa ng mga nars.
APENDIKS A Gng. Glecy Hermogenes, R.N. G. Jun Vega, R.N. Norman Jose Galvez, R.N. (binigyan ng tigitigisang sulat ang mga respondent) Mga nars na nagtrabaho sa Pilipinas at sa US Madam/ Sir, Isang magandang araw! Kami po ay mga mag-aaral na nangaling sa Kolehiya ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas na kumukuha kumukuha ng asignaturang Filipino 2 sa ilalim ng pamamahala ni Propesora Abegail Jimenez. Ang pananaliksik pong ito ay isa sa mahahalagang pangangailangan para sa nasbanggit na asignatura. Ang aming pananaliksik po ay ukol sa Ang Kinikita ng Isang Nars kaya¶t Pinilit Magtrabaho sa Amerika at Pilipinas. Dahil po rito¶y nahingi kami ng kaunting oras at panahon para sa kaunting tanong na nais naming masagot na mula sa inyo. Kayo po ang mga napili naming makapanayan at gamiting respondente sa nasabng pagaaral dahil kayo ay isa sa mga nars na nakakapagtrabaho sa Amerika at sa Pilipinas. Amin pong ikagagalak ang inyong positibong pagtugon sa aming hiling. Salamat po! Lubos na gumagalang,
Carmina Feuntebella Representante ng Groupo
APENDIKS B TRANSKRIPSYON NG INTERBYU KAY GNG. GLECY HERMOGENES Marso 14, 2010
Interbyuwer: Carmina Fuentebella Carmina: Magandang umaga po Gng. Glecy Hermogenes. Base po sa inyong karanasan, ano po ang pagkakaiba ng mga nars dito sa Pilipinas at sa Amerika? GH: Unang una, mas malaki ang kinikita na nursing sa US kaysa Pilipinas. Noon, halos P15,000 ang kinikita ko dito bawat buwan. Sa Amerika, per hour ang bayad sa amin kaya malaki. Tumataas din yung sweldo namin bawat taon. Carmina: Magkano po kinikita niyo? Kahit tansya lang po. GH: Mga $2,100/month. Carmina: Malaki nga po« GH: Pero 30-35% ng kinikita namin, napupunta sa buwis. Malaki pero sulit kasi maganda ang facilities at napupunta sa tamang lugar ang pera. Carmina: Hindi naman po kayo nalulungkot na mag-isa sa US? GH: Sa simula, malungkot, nakaka-homesick din pero ngayon kasi may computer na, internet. Kahit papano, nakakausap ko yung mga kamag-anak ko dito sa Pilipinas. Carmina: Ah, anong klase pong nurse kayo?
GH: ER-Nurse. Ito yung pinakamahirap kasi lagging puyat. Maraming pasyenteng nagwawala, nagmumura, pero sanayan na lang din. Carmina: Ilang beses po kayo pumapasok sa isang linggo? GH: 3, 12 hours bawat shift at dapat meron kaming overtime isang beses sa isang linggo. Carmina: Eh, sa trabaho po, anong pinagkaiba ng nars dito sa Pilipinas? GH: Dito sa Pilipinas, masyadong asa sa doctor. Doon, puro assessment. Mas marami ding klase ng tao ang makakahalubilo mo doon. Dito, iilan lang, halos puro Pilipino. Carmina: Sa mga kagamitan po, may masasabi po ba kayo? GH: Dito, ang syringe, pwedeng gamitin ng maraming beses. Doon, lahat disposable. Tapon kagad pagkagamit. Sa US, gumagamit na rin sila ng computerized charting para mas mabilis madiagnose yung pasyente. Dito, manu-mano pa. Carmina: May diskriminsayon po bang nangyayari doon? GH: Meron din, pero hindi na masyadong pinapakita. Carmina: Ano po yung mga benepisyo na nakukuha niyo doon? GH: Meron kaming liability insurance, pension, medical benefits at union benefits. May maternity leave din. Carmina: May mga long vacation po ba kayo? GH: Sa isang taon, pwede kami kumuha ng 4 weeks na vacation. Bahala ka kung pano mo hahatiin yun. Pero bayad ka na ng paid vacation.
Carmina: Ah, ilang test po yung kinukuha at kailangang ipasa bago makapunta ng Amerika? GH: Una, yung board exam, tapos yung NCLEX tapos yung English exam. Pero kahit mapasa mo yan, dapat may ospital na mag-ssponsor sayo bago ka tanggapin. Carmina: Maraming salamat po Gng. Glecy. Marami po akong nakuhang impormasyon para sa pananaliksik namin. GH: Sure. Anytime!
APENDIKS C PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PAMANAHONG PAPEL
Pamagat : ____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ Mananaliksik : ________________________________________________________________ _________________________________________________________________
Taon at Pangkat : __________
Semestre : _________
Taong Akademiko : __________
Sistema ng Pagmamarka: Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem. Maaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.
A. Paksa at Suliranin 1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik? _____ 2. Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon?
_____
3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa upangmakalikha ng mga valid na paglalahat?
_____
4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa paksa ng pag-aaral?
_____
5. Malinaw, ispesipik at sapt ba ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral?
_____
6. Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat isang termino?
_____ Subtotal:
_____
B. Kaugnay na pag-aaral at literature 1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinatalakay? _____ 2. Malinaw at maayos ba ang pagtatalakay sa mga pag-aaral at literaturang _____ iyon? 3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral at iba pang _____ hanguang ginamit? Sub-Total: _____
C. Disenyo ng Pag-aaral 1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraaan/ metodong ginamit sa pananaliksik?
_____
2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naayon ba iyon sa sayantipik na metodo ng pananaliksik? _____ 3. Sapat at angkop ba ang mga respondeng napili sa paksa ng pananaliksik?
_____
4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos? _____
Sub-Total:
D. Presentasyon ng mga Datos 1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? _____
_____
2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal tritment ang mga datos?
_____
3. Wasto at sapat ba ang nagiging interpretasyon ng mga datos? _____ 4. Malinaw, maayos at consistent ba ang tekstwal at tabular/ grapikal na presentasyon ng mga datos?
_____
Sub-Total: _____
E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? _____ 2. Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba iyon sa mga datos na nakalap?
_____
3. Nasagot bas a kongklusyon ang mga ispesipikong katanungan sa layunin ng pag-aaral?
_____
4. Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad na rekomendasyon? Natutugunan ba ng mga iyon ang mga suliranin natukoy sa pag-aaral?
_____
5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom, kongklusyon at rekomendasyon? _____
Sub-Total: _____
F. Mekaniks at Pormat 1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel? Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase? _____ 2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto
ng pamanahong-papel?
_____
3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkakaedit sa teksto ng pamanahong-papel? _____ Sub-Total: Kabuuan/Katumbas Kabuuan/Ka tumbas na Marka (100)
_____ _____
Ebalweytor:_____________________________________ Petsa: _________________________________________ SANGGUNIAN
Taguinod, Bernard. (n.d.). Us paborito pa rin ng pinoy nurses. Abante Online, Online, Retrieved from
http://www.abante.com.ph/issue/jan1809/news07.htm
The Brown raise movement . (n.d.). Retrieved from http://www.thebrownraise.org/tl/the-philippines-today/
Philippine tax rates. rates. (n.d.). Retrieved from http://philippinecompanies.com/guide/6/philippine-tax-rates
Labor code of the philippines. philippines . (n.d.). Retrieved from http://www.chanrobles.com/legal4labor.htm