Sa kasalukuyang panahon, hindi natin maipagwawalang saysay ang kahalagahan ng karunungan sa pagsasalita at pagsulat ng wikang Ingles, dahil itinuturing ito na lenggwahe ng globalisasyon. Mismo ang ating pamahalaan ang nagsabi ng kahalagahan ng mahusay na paggamit ng Ingles upang tayo ay maging “competitive” sa buong mundo. Ginagawa natin ito sa pagitan ng patuloy na paggamit sa Ingles bilang pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga paaralan at bilang lenggwahe ng pakikipag-ugnay sa ating mga kababayan. Ang mahalagang katanungan sa ngayon ngayon ay kailangan pa bang ipagpatuloy ipagpatuloy natin ang hangarin sa paglinang ng Filipino bilang pambansang pambansang wika? Kung ating gugunitain, sinimulan ng Plipinas Plipinas ang pagbuo ng Tagalog o, sa kalaunan, Filipino, bilang pambansang wika noong dekada 1930 sa panahon ng pamahalaang Commonwealh. Masakit isipin na hanggang ngayon ngayon ay hindi pa tayo nakapagsang-ayon kung ano talaga ang wikang Filipino. Samantala, ang ibang bansa na matagal pa bago magpataguyod ng paglinang ng pambansang wika ay talagang nagtagumpay sa kanilang kanilang hangarin. Sa kabuuan, ang kanilang mamamayan ay nagsasalita na ng isang lenggwahe. Ito ang karanasan karanasan ng Indonesia Indonesia at Malaysia. Malaysia. Ang Indonesia na siyang pinakamalaking arkipelago sa buong mundo at may humigit kumulang mga isang libong lenggwahe ay makapagsasabi na ngayon na meron meron silang wikang pambansa, ang Bahasa Bahasa Indonesia. Ito rin ang nangyari sa Malaysia. Nagtagumpay din sila sa pagbuo pagbuo ng pambansang pambansang wika. Lahat na yatang yatang mga bansa sa Asya ay meron nang ginagamit na pambansang lenggwahe, maliban sa atin. Ang wika ay nakatali sa ating ating kultura at kung sino tayo. Kaya lang, ang tinatawag nating “cultural identity” ay malabo na rin dahil sa malawakang impluwensya ng kanluraning kultura. Kung ang lahi naman ang pag-uusapan, ang ating hitsura ay walang kaibahan sa mga tao sa Myanmar, Kampuchea, Malaysia, Indonesia, at Brunei. Brunei. Kaya, ang lenggwahe lamang ang malinaw na batayan ng pagiging pagiging isang bansa natin. Kahit na ang Ingles ang “lingua franca” ng buong mundo, kailangan pa rin natin n atin ang pambansang wika. Ang sariling wika lamang ang makapagpapahayag makapagpapahayag ng tunay na niloloob at mga emosyon natin. Halimbawa, iba ang magiging resulta kung ang isang nakatatawang nakatatawang istorya sa orihinal na wikang sarili ay isasalin at bibigkasin sa Ingles. Dagdag pa, ang pambansang wika ay makatutulong sa paglinang ng pagkakaisa at ang tinatawag na “sense of belongingness”. Ang nga Intsik at Hapon ay nagpapakita ng kanilang pagkakaisa at pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsasalita ng kanilang wika. At sila ang mas maunlad na mga bansa bansa kahit na hindi sila marunong ng Ingles. Tinatanggap natin na dahil sa karunungan natin ng Ingles, libo-libong kababayan natin ang nakahahanap ng trabaho sa labas ng bansa. Kaya lang, karamihan sa mga gawain gawain ng mga Pilipino doon ay iyong paninilbihan sa mga dayuhan. Ito ang kalagayan ng ating mga “domestic helpers”, “caregivers”, “entertainers”, at mga nars. nars. Ito ba ang ideya natin sa “competitiveness”? Sa aking pananaw, ang tunay na pagiging “competitive” ay kung tayo t ayo ay magiging negosyante, kapitalista, mangangalakal, teknisyan, may-ari ng paaralan at tindahan, at tagapagbenta ng ating mga produkto sa ibang bansa. Ang ating pambansang bayani, si Jose Rizal, ay nagpahayag ng kahalagahan kahalagahan ng pag-ibig sa bansa sa pamamagitan ng pagmamahal sa wikang Filipino. Sinabi pa niya na “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mas masahol pa sa malansang isda!” Hindi maituturing na makabayan ang isang tao kung ikinahihiya niya ang sariling wika. Ito ay isang bagay na dapat mapagliming mapagliming mabuti ng mga kababayan natin na walang pagpapahalaga sa sariling wika, wika, pambansa man o rehiyunal. rehiyunal. Nakakalungkot isipin na sa kasalukuyang panahon, marami sa ating mga Pilipino ang higit na humahanga sa mga kababayan nating napakahusay napakahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa, kapag hindi marunong marunong mag-Ingles ang isang Pilipino, itinuturing na hindi siya kasinggaling o kasingtalino ng iba na mahusay mag-Ingles.
Lahat ng mga Pilipino ay may tungkulin sa pagmamahal sa sinilangang bayan at, natural, sa sariling wika. Sa wika na lamang siguro natin natin maaaring makita ang pagkakaiba pagkakaiba natin sa ibang mga tao sa mundo, lalo na ngayon na maaaring ibahin o baguhin ang kulay ng ating balat, ang anyo ng ating mukha at kahit na ang hugis ng ating katawan. katawan. Ang wikang Filipino ay ang nalalabing diwa diwa ng ating damdaming makabayan at pambansang pagkakaisa at kailangan natin itong bigyan ng kaukulang pagpapahalaga.
Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sapagkat:
ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan; at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. Ang wika ay katangi-tanging gamit ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan pakikipag-ugnayan sa kapwa. Mahalaga ang wika dahil ito ang batay ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Ito ay isang sistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panununtunan. Sa paraang ito nagkakaintindihan ang isa't-isa,. Napakahalaga ng wika subalit kung ito ay wala Hindi magkakaintindihan ang bawat tao. Kahit ano pa man ang gamit o nakasanayang wika ng bawat indibidwal, ngunit tayong mga Pilipino ay may sarikling wika madami ngunit sariling atin kagaya na lamang ng Tagalog, Bisaya, Cebuano, Pangalatok, mga wika sa Mindanao at madami pa. Dapat natin itong pahalagahyan sapagkat ito ay yaman nating mga Pilipino.ito ang gamit natin sa pakikipag komunikasyon. ang wika ang nagsisilbing paraan na magagamit natin paramakausap ang iba. ang komunikasyon ay ang pinag sama-samang sama -samang kaalaman at opinyon na mahalaga upang magkaunawaan, makatulong sa negosasyon, sa paghahatid ng impormasyon at pagsagot sa mga kuro kuro sa pamjamagitan ng analisasyon. Bilang mamamayang Pilipino,obligasyon natin na payabungin ito,dahil ito ay simbolo ng yaman ng wika na nag-uugnay sa bawat Pilipino at sa mundo, ito ay nagbibigay ng epektibong pakikipagtalastasan sa ibang tao sa mundo at ito ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakaisa ang mundo Mawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa pakikipagkalak pakikipagkalakalan, alan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan
at pakikipagpalitan ng kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa. ito ang diwa ng isang pahayag,,..ang wika ang ngsisimbolo ng kalayaan ng i sang tao,,batay kung paano niya ito ginamit,,,,,, Ang wika ay sadyang napakahalaga. napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao tao Hindi lamang dito sa Pilipinas Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito. *Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan *Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan *Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan *Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika 1. sa sarili 2. sa kapwa 3. sa lipunan kailangan nating tangkilikin ang ating sariling wika..................... kung WALANG WIKA...WALANG KOMUNIKASYON...AT KUNG WALANG KOMUNIKASYON...WALANG PAGKAKAUNAWAAN... Ang kahalagahan ng wika sa ating bansa ay makakatulong ito upang mag kaintindihan o mag kaunawaan.... Ang wika ay isang mabisang instrumento instrumento sa pakakaunawaan at pagkakaisa pagkakaisa ng mga mamamayan ng bansa. Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.