Grade 8 - Ang Katamaran ngm ga Pilipino ni Dr. JoseRizal
Lesson PlanFull description
free
EXAMPLE LESSON PLANFull description
Full description
planFull description
revit
Full description
world warFull description
not ownFull description
makato and the cowrie shellFull description
this is an lesson planFull description
kssr
Lesson Plan
SUBJECT: Araling Panlipunan GRADE LEVEL: 10 TOPIC: Mga Isyu sa Karapatang Pantao LESSON OBJECTIVES: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan: 1. Maipaliwanag ang konsepto at uri ng karapatang pantao; 2. Mailahad ang mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao; 3. Masabi at maunawaan ang mga hakbang upang malunasan ang mga paglabag sa karapatang pantao.
LESSON STRUCTURE:
TIME 2 min.
6 min.
LESSON CONTENT Motivation Motivati on
Lesson Proper
TEACHING APPROACH/ACTIVITY Ang guro ay magpapakita ng mga larawan at tatanungin ang mga magaaral tungkol sa kanilang nakikita at opinyon. Ang guro ay magsisimulang ipakilala sa mga mag-aaral ang kahulugan ng Karapatang Pantao. Ipapaliwanag ng guro ang sumusunod: 1. Ang tao ay may pangangailangan na dapat matugunan upang mabuhay siya nang may dignidad. di gnidad. 2. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Pagkatapos, magpapakita ng mga litrato ng halimbawa ng mga Karaparatang Pantao. Susunod na ipapaliwanag ng guro ang dalawang uri ng Karapatang Pantao; 1.Indibidwal o personal na karapatan – ito ay mga karapatan na pag-aari ng isang indibidwal na
ASSESSMENT/EVALUATION
tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. a. Karapatang Sibil – karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa. b. Karapatang Pulitikal – karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan. c. Karapatang Panlipunan – karapatan mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan d. Karapatang Pangkabuhayan – karapatang ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay. e. Karapatang Kultural – karapatan ng tao na lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
2.Panggrupo o kolektibong karapatan – ito ay mga karapatan ng tao na bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan, pangkabuhayan at pangkultural na pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran. Pagkatapos nito, sisimulang ipakilala ng guro ang Mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao. 1. Pisikal na paglabag sa Karapatang Pantao. Pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao. 2. Sikolohikal o emosyonal na paglabag sa Karapatang Pantao.
Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa ang pagtingin niya sa kanyang sarili. 3. Istruktural. Ito ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang kalayaan sa lipunan at wala siyang kapangyarihang magdesisyon para sa sarili, pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig. Mga hakbang upang mabigyan ng proteskyon laban sa paglabag ng karapatang pantao 1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman. 2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court of Justice) 3. Edukasyon para sa karapatang pantao 4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao
KAHALAGAHAN NG KARAPATANG PANTAO
2 min.
Values Ang guro ay magpapakita ng mga Integration kahalagahan ng Karapatang Pantao sa and Real bawat isa at sa buhay. Life Application
PREPARED BY: CTP3-WVSU16 DATE OF DEMO: October 23, 2017- 1PM