Mga Suliraning Pangkapaligiran at ang mga sanhi at bunga nito
karapatan at kalayaan
from Fr. Joselin San Jose's Paglilingkod sa Dambana, Books 1 and 2Full description
Full description
Teoryang PampanitikanFull description
Life and works of RizalFull description
digest
Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa Kailangan din ng mga manggagawa ng isang
makauring pagkakaisa at determinasyon upang isulong ang kanilang mga karapatan (tunghayan ang Pigura 2.2). Kung ang mga kapitalista ay mulat sa
kalakaran na maging dating bawal na kontraktuwalisasyon ay ligal na. Kailangan maging mulat bilang uri at maging alerto ang mga manggagawa para
magapi ang patakarang mura at flexible labor. Kailangan ng pagkakaisa ng hanay ng mga manggagawa tungo sa isang marangal na trabaho para sa lahat. Pag-
oorganisa ng hanay ng mga manggagawa nang walang itinatangi – regular man o hindi, kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho man o wala, dapat isulong ang mga
isyung magiging kapakipakinabang sa uring manggagawa. Mas paigtingin ang pagoorganisa at pagpapakilos sa
mga manggagawa sa bago at mahirap na kalagayan. Pagsulong sa ilang probisyon ng DO 18-A, na angkop para
maisagawa ang bagong kaayusan sa paggawa.
Pigura 2.2 Mga Karapatan ng mga Manggagawa
Ayon sa International Labor Organization (ILO) - ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula
sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
- ang mga manggagawa ay may karapatang
makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
- bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho,
lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.
- bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang
pangtatrabaho para sa mga kabataan.
- bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa
trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na trabaho.
- ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa
mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
- ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.