Una hanggang ikatlong araw na DLL ng karunungang-bayanFull description
This is an opening prayer for graduation exercises.Full description
Readings in Philippine HistoryFull description
Prayer in Filipino in celebrating the Buwan ng Wikang Pambansa.Full description
Tagalog Eucharistic Prayers
Panalangin Ng Pagbabasbas Para Sa Mga Nagdiriwang Ng Kaarawan
PHILIPPINE LITERATURE
a little booklet i prepared for a family asking for thanksgiving...Full description
Ultimo Panalangin
Full description
studies for begginers accordion
Description complète
Bayan Umawit
karunungang bayan e.g. salawikain, sawikain, bugtong, etc.Full description
OPMFull description
Mga Orasyon-panalangin Sa 4 Na Haligi Ng Mundo
I made this speech or "talumpati" as a requirement for Filipino 101 course during my freshman year in college. It tackles the topic about the children or youth as the hope of our country.
PANALANGIN NG BAYAN PARI:
Ang pag-akyat sa langit ng mahal na Birheng Maria, ina ng Diyos ay patuloy na nag-aanyaya na
balang araw siya’y ating makakapiling din kung tayo’y taso puso at handang tumugon sa tawag ng Panginoon. Sa bawat panalangin ating sambitin… Ama, dinggin mo ang aming ami ng panalangin. 1.
Para sa mga namumuno ng ating Simbahan lalong-lalo na ang ating Santo Papa na si Francisco,
mga Obispo, pari at diyakono at lahat ng mga relihiyoso’t relihiyosa nawa’y maging isang modelo at instrumento sa patuloy na pagpapalaganap ng ating pananampalatayang katoliko sa buong mundo. Manalangin tayo… 2.
Para sa ating Gobyerno lalong lalo na ang ating Pangulo nawa’y manatili siyang tapat sa kanyang mga pangako at patuloy na maglingkod upang sa gayon ay mapanatili ang tuwid na daan para sa ikakaunlad ng ating bayan. Manalangin tayo…
3.
Para sa ating mga Pamilya, kamag-anak at mga kaibigan nawa’y ang pagmamahal sa Diyos at kapwa ang siyang maging pangunahing tungkulin ng bawat isa dito sa mundo. Manalangin tayo…
4.
Para sa banal na Bokasyon nawa’y sa pamamagitan ng Banal na Espiritu maging bukas nawa ang busilak na puso ng mga kabataan ngayon at nang sa gayon ay tumugon sa tawag ng butihing Panginoon. Manalangin tayo…
5.
Para sa mga may sakit nawa’y madama nila ang nag -uumapaw na pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong nag-aaruga sa kanila lalong-lalo na ang kanilang sariling mga pamilya. Manalangin tayo…
6.
Para sa ating lahat na nagtitipon ngayon sa Banal na Eukaristiya nawa’y lumago tayo sa ating buhay pananampalataya at sa pagmamahal sa Diyos ayon sa halimbawa ng Birheng Maria. Manalangin tayo…
7.
Para sa mga minamahal nating mga yumao nawa’y patawarin sila sa kanilang mga kasalanan at patuluyin ng Mahabaging Ama kasama ng mga banal sa langit. Manalangin tayo…
PARI: Ama naming nasa langit dinggin N’yo ang panalangin ng iyong bayan. Basbasan N’yo po sila sa
bawa’t gawain at anumang pagsubok na darating. Upang madama nila na ikaw ang Panginoong butihin at lagi nilang kapiling. Hinihiling namin ito sa ngalan ng iyong anak na si Hesus. Amen.