Ano ba para sa iyo ang pangungulisap? Ito ba ay isang munting laro nang mga bata lamang? O isang paraan para maibahagi ang Pilosopiya? Sa artikulong ginawa ni Ginoong Marc Pasco, marami kang mapupulot na hindi lamang kaisipan, pero mga ideya na makakatulong sa atin atin upang lalo pang maintindihan maintindihan ang Pilosopiya. Sa unang talata para sa aking perspektibo kinokumpara ng may-akda ang pangungulisap na parang totoong buhay. Kung hindi tao magiging determinado at kung basta-basta lang tayo sa buhay, hindi natin mararating ang pangarap natin. At kung puro lang tayo katalinuhan at hindi natin kayang isakatuparan sa ito, magkaroon nang diskarte. Ituon ang isip at puso sa isang pangunahing pangarap. Paano nga ba nagkaroon ng Pilosopiya? Ayon sa pangatlong talata nang artikulo, ang Pilosopiya raw ay nangagaling sa pagkamangha at hiwaga. At dahil tayo ay namangha tayo sa isang bagay o pangyayari, gusto natin malaman kung papaano at kung bakit ito nangyari, diyan nagsisimula ang pagtatanong. Likas na sa ating katauhan ang pagtatanong, at para sa akin hindi tao ang isang tao kung hindi siya nagtatanong. nagtatanong. Hindi madali ang mamilosopiya, kagaya nang buhay natin. Minsan sobrang dami na nating kailangang gawin at problema, hindi na natin alam kung alin ang uunahin. Sa buhay walang maikling daan, lahat tayo babagsak at papasa kasama sa buhay iyon, kaya totoo nga ang kasabihan, “kung ang buhay mo ay isang diretsong linya at walang bako -bako hindi hindi ka tunay nabubuhay”. Ang sunod naman ay Kahulugan, ang salitang ito ay galing sa salitang-ugat na hulog na ibig sabihin ay kung ano o saan tungkol ang isang bagay o phenomena. Kailangan nating magbalik tiklop o aral upang lalo natin maintindihan ang kahulugan nang buhay. Hindi kaya makamit ang tagumpay kung hindi mo bibigyan nang tamang panahon at panalangin sa Panginoon. Palagi dapat tandaan maging alerto sa
masasamang impluwensya at makipagkumbaba sa ibang tao, sapagkat ito ang maging tulay na dudugtong sa atin upan maging mga magkakaibigan. Ang sabi ni Martin Heidegger, “lagging nasa konteksto ang kaalaman”. Pero hindi ako naniniwala ditto, dahil marami ang pwedeng panggalingan ng kaalaman, pwede mo maranasan o kaya makita sa isang pangyayari. Ang mamimilosopiya ay hindi dapat ginagawa na mag isa lamang, dapat kapag mamimilosopiya ka dapat may kasama tayo, para mas maraming pwedeng pagkuhanan at mas maraming perspektibo ang pwedeng nating gamitin para makkuha nang impormasyon. Sa artikulo may kwento na gumagamit nang anolohiya na ang Pilospiya ay isang musmos na bata. Sa huli sinabi na “ang karunungan ay hindi karunungan kung ibabahagi sa ibang tao”. Ito ay totoo, dahil matalino ka nga pero ikaw lang iyo paano naman ako kapwa/kaibigan mo, diba? Lahat tayo gusting matuto upang maging matagumpay sa buhay. At para sa pagtatapos ng aking asignatura, gusto ko lang sabihin na hindi madali ang pamimilosopiya, marami tayong madadaanan na problema at suliranin, marami tayong gabi magpupuyat para mag aral at tapusin ang mga takdang-aralin. Pero lahat na kapaguran na ito ay mababawi sa huli. Ang Pilosopiya ay ginagawa, wala akong paki kung nabasa mo na ang lahat na aklat tungkol sa Pilosopiya o nakabisado mo lahat nang concepto kaugnay sa Pilosopiya, kung hindi mo kaya itong iapply sa totoong buhay walang kwenta ang pinagaralan mo. Kailangan mo maranasan at danasin ang pagihihirap bago makamit ang katotohanan nang buhay.