Ang panitikan ng Indonesia ay binubuo ng mga tula at tuluyan na nakasulat sa mga anyong Javanese, Malay, Sundanese, at iba pang mga wika ng mga tao sa Indonesia. Kasama dito ang mga likha na saling-bibig at pinapangalagaan sa paraang pasulat ng mga tao sa Indonesia, oral na literatura, at modernong literatura na lumitaw sa unang bahagi ng ika-20 siglo bilang isang resulta ng mga impluwensiyang kanluranin. Karamihan sa mga awitin ng Indonesia, o mga tula, na salindila ng mga propesyonal na paring umaawit ay isinasakatawan ang mga tradisyon na mayroong panrelihiyong layunin. Ang mga tulang ito ay ibinabahagi nang walang paghahanda, at may dahilang paniwalaan na sa kasalukuyan nitong anyo ay hindi ito tumatanda. Ang mga uri ng tuluyan na saling-bibig ng Indonesia ay magkakaiba tulad ng mga alamat, parabula, at “beast fables,” fairy tales, mga bugtong, at anekdota at mga kuwento ng pakikipagsapalaran. Ang mga bayani at epiko ng mga kuwentong ito ay nagpapakita ng impluwensiya ng panitikang India at ang mga pasulat na literatura ng mga karatig na kultura. Ang mga nakasulat na panitikan sa Indonesia ay pinapangalagaan sa iba’t-ibang iba’t-ibang wikang Sumatra (Acehnese, Batak, Rejang, Lampong, at Malay), sa wika ng Java (Sundanese at Madurese pati na ang Javanese), sa Bali at Lombok, at sa mga mas mahalagang wika ng Timog Celebes (Makassarese at Buginese). Kung paghahambingin sa dami at kalidad, ang pinakamahalaga ay ang literatura ng Javanese at Malay. Ang pinakamaagang nabubuhay na panitikan ng Javanese ay nagmula pa mula ika-9 o ika-10 na siglo CE. Isang mahalagang posisiyon sa maagang panitikan na ito ay sinasakop ng prosa at patulang salin ng dalawang dakilang epikong Hindu, ang Mahabharata at Ramayana. Ang mga Javanese ay humiram rin sa Ind ia ng makabagong mga pagtula sa Sanskrit, at ginagawa itong Javanese sa ekspresyon, anyo, at damdamin. Nang maabot ng Islam ang Java noong ika-15 na siglo, ang mistikong pag-uugali nito ay naisalin ng mga Javanese sa kanilang kapansin-pansing mistiko at relihiyosong panitikan. Ang impluwensiyang Muslim ay lalo pang yumabong sa panahon n g maagang ika17 siglo sa Aceh, kung saan unang naging mahalagang kasulatan ang wikang Malay. Sa Java, ang mga alamat ng Muslim na santo ay naisalin sa mga mitolohiya at kosmolohiyang nagmula sa Hindu upang makagawa ng mapanlikhang produkto ng makasaysayang salaysay kung saan ang mahihiwagang elemento ay may mahalagang papel.
Ang mga panitikan ng Javanese at Malay ay tinanggihan sa ilalim ng kolonyal na pangingibabaw ng Dutch noong ika-18 at ika19 na siglo. Sa ika-20 na siglo lamang lumitaw ang modernong panitikan ng Indonesia, magkaugnay sa nationalist movement at sa bagong halimbawa ng pambansang wika, ang Bahasa Indonesia. Pagkaraan ng 1920 isang mod ernong panitikan ng Indonesia ang agad-agad na umiral. Si Muhammad Yamin at ang iba pang tanyag na makata ay naimpluwensiyahan ng mga anyo at makahulugang pamamaraan ng Romantic, Parnassian, at Symbolist na mga tula mula sa Europe. Ang mga kauna -unahang mga nobela ay lumitaw rin noong mga 1920s at ‘30s; ito ang mga tipikal na gawa ni Abdul Muis at iba pang manunulat kung saan ang pangunahing tema a y ang pagsasagupa ng mga henerasyon, sa gitna ng pasan na mga kaugalian at ang udyok para sa modernong kaunlaran.
Noong 1933, ang paglitaw ng pagsusuri sa Pudjangga Baru (“The New Writer ”), bagong henerasyon ng intellectuals ang nagsimulang magpasiya kung pananatilihin pa ba ang kinaugalian o kung kusang tatanggapin ang mga pamantayang kanluranin upang makabuo ng moderno ngunit tunay na kulturang Indonesian. Ang pagpapasiyang ito ay naihinto dahil sa pananakop ng Hapon sa Indonesia noong 1942, na kung saan sa huli ay nagsira ng isang henerasyon na nananatiling malapit sa kolonyal na sitwasyon ng Indonesia. Sa pagsimula ng Indonesian Nationalist Revolution noong 1945, isang bagong henerasyon ng makabayan at malilikhaing mga batang manunulat ang naghayag na ang unibersal na pagkamakatao ay naging sentro. Ang naging inspirasyon at pinuno nila ay ang dakilang makata na si Chairil Anwar, na namatay noong 1949 sa edad na 27. Ang pinakatanyag na manunulat na sumikat sa panahong ito ay si Pramoedya Ananta Toer, na ang buong-pusong suporta ang naging dahilan ng pagka-aresto sa kanya ng Dutch colonial authorities noong 1947. Isinulat niya ang kanyang kauna-unahang nobela, ang Perburuan (1950; The Fugitive), habang nakakulong. Ang klima sa pulitika ay nagbago pagkatapos ng mararahas na pagyayari na pinaligiran ng pagtatangka ni Suharto na agawin ang kapangyarihan noong 1965 hanggang 1966. Sinimulan ang mahigpit na pagsusuri ng g obyerno, at marami sa mga manunulat ang pinakulong o pinatahimik. Tuluyang pagbabawal sa kalayaang magsalita at magsulat ang ipinatupad sa mga sumusunod na dekada, bagaman ang mga pagbabawal na ito ay niluwagan matapos magbitiw sa tungkulin bilang pangulo si Suharto noong 1998.