Pangkatang Gawain: Pictorial Essay Essay
Doon, doon sa palengke, sa pamilihang bayan. Hindi lang mga produkto, o yung tindang alumahan Ang patuloy na nagmamahalan-kundi pati tayo Ikaw at ako, dinaig pa nga natin ang halaga ng petrolyo
Tinanong mo ako, kung ilang kilo Ang pag-ibig ko para sa’yo Pero pasensya na, masyado itong mabigat Kahit timbangin sa kahit anong timbangan, masisira lang lahat
Tinanong mo ako, kung ilang dipa Ang pagtingin ko, gaano ba kahaba Kaya kong magbilang pero di ko alam sapagkat Di ko kayang bigyang pangalan kung sakaling bibigyang sukat.
Pero ang sariwa ay nabubulok, lumabas ang baho lo Sa lugar na bilang ang puhunan Sinubukan kong makaisa, humigit pa sa isa Ang pag-ibig ng tayo, ngayo’y bagsak presyo
Ngayon sa lugan ng pamiihan, nakikipagsiksikan Handang manatili, gaano man katagal, kahit ilang taon Nagsusumamo sa ikalawa pa sanang pagkakataon Aayusin ko na, ang tiwala ay muling igawad Lahat nagmamahalan,
Pwede pa bang humingi ng tawad?
Sa muli kong pagpunta sa ukay-ukay Nakita kita kasama ang barkadang doo'y naghahalukay Tila may hinahanap na sa piling mo ay nawala Nawala nang noon pang hindi mababalik ng kahapon
Ni hindi mo nga nagawang kumurap Ininda mo ang init at hirap ng paghahanap Paghahanap sa pagmamahal niyang humupa Na tulad ng damit na madaling maluma
Bakit? Bakit sa lugar na ito pa kita piniling iwan? Kung noong una pa lang alam kong ako'y mahihirapan Mahihirapang maghanap ng katulad mo Ng katulad mong bagay at sukat sa puso ko
Tayo'y biglang nagkatinginan Nang itaas ko ang damit na tila ay iningatan Ngunit ang tanong na nabuo sa isipan "Tayo pa kaya'y magkakabalikan?"
Ang aking naging kasalanan ay gusto kong bayaran At sayo'y luluhod at hihingi ng kapatawaran Alam kong hindi mo maibabalik ang sukli Ngunit nais kong malaman mo, na ang pagmamahal ko sayo ay mananatili.
HABOL. Di lamang sa pagpasok sa paaralan kundi pati na rin sa mga takda sa paaralan. Umagang-umaga, nagmamadali nanaman ako sa pag-akyat.
Locker. Sa aking pagdating sa ika-pitong palapag – napagtanto ko na naiwan ko pala ang aking kwaderno sa nag-iisa kong taguan. Namamalayan ko na ang untiunting pagkaubos ng aking oras. Malapit na akong mahuli sa klase.
Pinto. Binuksan ko ang pinto ng silid-aralan na nagbukas rin ng opurtunidad sa akin para matuto. Pagpasok ko sa silid, pinagtitinginan ako ng aking mga kaklase. Bumati ako ng Magandang Umaga sa aking guro.
Sa araw-araw, sinisikap kong makibahagi sa talakayan. Nakaagbahagi ako ng aking mga nalalaman sa aming talakayan sa Filipino. Tinawag din ako ng aming guro sa Pilosopiya.
Natapos na ang klase. Ako’y pauwi na bitbit ang aking bag at ang aking natutunan. Napagtanto ko, “Ay hindi pa pala ako uuwi. May praktis pa kami”.
Piliin mo ang Palawan, ’
Napakasayang maglakbay sa mga lugar na payapang tignan at punong-puno ng buhay. Ngunit mas masayang maglibot at kumuha ng litrato kung kasama ang pamilya, mga kaklase, at mga kaibigan. Nitong nakaraang linggo lamang ay nagkaroon kami ng pagkakataon na lumabas ng klase dahil kami’y sinubok ng tanong na “Hanggang saan aabot ang breaktime mo?”
Kami ng mga kagrupo ko ay nagdesisyong pumunta sa Palawan at manatili roon sa loob ng isang linggo habang ang mga guro namin ay wala sa silid-aralan. Sina Francis, Roger, Marian, at Alwyn ang nagsilbi naming tour guide. Sumakay kami sa eroplano papunta roon at nakita namin ang mga pulo sa Luzon habang kami’y nasa himpapawid. Ang Palawan ay parte ng Region IV B (MIMAROPA). –
Nabanggit ni Francis ang isang magandang destinasyon sa Palawan, ang Underground River. Ito ay minsang napabilang sa ‘Seven Wonders of the World’ at ito ay matatagpuan sa Puerto Princesa sa Palawan. Sa unang araw namin doon ay nasaksihan namin ang pagsikat ng araw. Ang sarap langhapin ng sariwang hangin na mula sa mga punong sa amin ay kumakaway at bumabati ng “Magandang Umaga.”
Hindi kami pumayag na hanggang dito na lang ang abutin ng aming breaktime kaya’t sinubok naming tuklasin ang tinatagong ganda ng Underground River. Sa aming pagpasok, kami’y namangha sa aming nakita at sinubok ang aming imahinasyon. Nakakita kami ng stalactites at stalagmites na bumubuo ng iba’t ibang hugis kagaya ng leon at carrot. Mayroong sulok na nagmistulang cathedral dahil mayroong mga malalaking kandila at imahe ni Virgin Mary at ni Jesus.
Sa mga nalalabing araw namin sa Palawan, tinuklas naming ang iba’t ibang activities na hatid ng pulong ito. Sinubukan naming ang mangrove cruising, kayaking, iba’t ibang boardsports at syempre ang pangingisda. Hindi namin nakalimutan ang mga pasalubong para sa aming mga pamilya at halos ubusin na namin at iuwi ang mga masasarap na pagkain sa Palawan.
Sa Palawan namin piniling maglakbay para magsagwan. Hindi kami nagpapigil sa mga ibinigay na requirements para tuklasin ang ganda ng tinaguriang “Best Island in the World.” Salamat sa isang linggong pahinga, isang linggong bakasyon at isang linggong pagtuklas sa ganda sa isa sa mga arkipelagong probinsya sa Pilipinas.
Sa loob ng dalawang markahan naming pinagsamahan, marami ng oras at gawain ang sama-sama naming napagtagumpayan. Naalala ko noong unang araw namin bilang magkakagrupo sa aming asignatura. Naalala ko noong pinag-isipan namin ang magiging pangalan ng aming pangkat, dahil sa pagiging trending ni Ate Shawy sa kaniyang Lucky Meal commercial kung kaya’t naging “LABUYO” ang naging pangalan ng aming pangkat. Sa silid ng pangkat Del Mundo namin sama-samang napagtagumpayan ang iba’t ibang hamon ng aming guro. Hindi rin namin makakalimutan ang isa naming gawain na kung saan tinawag naming unggoy ang aming guro. Tunay ngang napakasaya at memorable ang lahat ng aming mga napagdaanan bilang isang pangkat.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ano ang mga bagay na makapagpapatibay sa isang replektibong sanaysay?
Sa paggamit ng
…
ISIP
DAMDAMIN
KARANASAN
Ano-ano ang mga paraan sa pagsulat ng replektibong sanaysay ayon sa napanood?
Magbalik tanaw sa napanood.
Sa unang bahagi, itala ang mga pangyayaring nagustuhan batay sa iyong naramdaman habang nanonood.
Maglagay ng paghahambing ng iyong karanasan at napanood.
Bilang kongklusyon, talakayin ang kinahinatnan o nangyari sa pagsulat ng iyong repleksiyon.