Emilio Aguinaldo - Anim na araw matapos ang pagdedeklara ng
Philippine Independence, itinatag niya ang pamahalaang diktatoryal, na matapos lamang ang limang araw ay kanyang pinalitan at tinawag na isang rebolusyonaryong goberyno, kung saan siya ang tumatayong Pangulo. 28 taon laman noon si Aguinaldo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, pormal na naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa pagkakaproklama ng Malolos Constitution noong ika-21 ng Enero, taong 1899.
Manuel L. Quezon
Unang Presidente ng Commonwealth Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa siya sa pakikibaka laban sa kastila noong siya ay binata pa.
José P. Laurel
Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika
Sergio Osmena Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Bago naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang bansa sa pinsala ng digmaang nagdaan.
Manuel Roxas- Naglingkod sa bayan noong taong 1946-1928. Ang mga programan kanyang naipatupad ay ang Rehabilitation Finance Corporation, Military Base Agreement at Bell Trade Act.
Elpidio Quirino - Siya ay naglingkod noong 1948-1953. Ang kanyang mga programa ay Parity Rights Amendment at Import Control Policy.
Ramon Magsaysay - Siya ay ang presidenteng nakilala dahil sa kanyang pagiging maka-masa. Siay ay naglingkod ng taong 19531957. Siya ay simple at marangal na presidente sa Pilipinas at nasa National Defense siya noong panahon ni Quirino.At ginawa niyang bukas ang Malacanang sa lahat ng mamamayang Pilipino.Namatay siya noong Marso 17, 1957 sa Bundok Manunggul sa Cebu dahil sa isang plane crash.
Carlos Garcia - Naging presidente ng taong 1957-1961. Ang kilalang programa niya ay ang Filipino First Policy. Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.
Diosdado Macapagal- Naglinkdo sa bayan ng taong 1961-1965. Nagpatupad ng malayang kalakalan at Land Reform Act. Siya ang presidenteng naki-isa sa MAPHILINDO o Malaysia, Philippines at Indonesia.
Ferdinand Marcos- nanungkulan sa bansa ng taong 1965-1986. Siya ang maituturing na pinakamatalinong preseidente ng ating bansa. Nagpatupad sya ng mga programa na kung saan, ang mga programang ito ay nakatulong ng marami sa ating bansa. Isa na rito ang pagsasa-ayos ng mga imprastraktura (San Juanico Bridge), ang Green Revolution, Miracle Rice (IRRI- International Rice Research Institute). Ito ang pangalawang termino ni Marcos sa pagiging presidente ng Pilipinas ng taong 1986-1972. At sa taong rin ito, idineklara niya na ang Pilipinas ay nasa ilalalim ng Martial Law. D
Corazon Aquino- Siya ay kilala sa palayaw na 'Cory', siya ang unang babaeng presidente ng bansa ng taong 1986-1992. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik nya ang demokrasya sa bansa.
Fidel Ramos- Naging presidente ng taong 1992-1998. Bilang isang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumunuhan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran.
Joseph Ejercito Estrada
Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag na 'Erap', isang popular na aktor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagkapangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon.
Gloria Macapagal-Arroyo- Ang ikalawang pangulong babae ng Pilipinas na namuno ng taong 2001-2010. Nagbigay sya ng trabaho sa mga Pilipino at inayos nya rin ang imprastraktura ng bansa.
Benigno Aquino III - Kasalukuyang presidente ng Pilipinas. Naipatupad nya na ang K=12 program ng DepEd na sa tingin nila ay mas makakabuti sa mga estudyanteng Pilipino at pati na rin sa ating bansa.