Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Pinauwe ni Indrapatra si Sulayman at nagtungo sa bundok ng Kurayang. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sinibat niya ito at sa tulong ng enkantadong sibat na si juris ay namatay ang halimaw. Hinanap niya ang mga tao at sa paghahanap may nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. May matandang babae ang lumabas sa tagpuan at nakipag-usap sa kanya isinama naman siya ng matanda sa kanilang piangtataguan. Ibinalita niya sa mga tao na patay na ang mga halimaw at sila ay ligtas na at maari na silang lumabas. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu ipinakasal si Indrapatra sa anak ng hari na nakita niya sa batisan at hindi na bumalik sa sariling bayan.
III.
Tauhan
Indrapatra - Ang matapang na hari ng Mantapuli at ang nakapatay sa halimaw na ibon na may pitong ulo. Sulayman – Kapatid ni Indrapatra. Isang matapang na kawal ng pumata kay Kurita, Tarabusaw at kay Pah. Kurita- na may maraming paa at ganid na hayop pagkat sa pagkain. Tarabusaw- isang halimaw na may mukhang tao na nakatatakot kung ito'y masdan. Ang sino mang tao sa kanyang mahuli'y agad nilalapang at ang laman nito'y kanyang kinakain na walang anuman. Pah - isang ibong malaki. Pag ito'y lumipad ang Bundok ng Dita ay napapadilim niyong kanyang pakpak. Ang lahat ng tao'y sa yungib tumatahan upang makaligtas sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas . Ibong may pitong ulo - Walang nakaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng tao.
IV.
Halagang Pangkatauhan Ang pagiging isang matapang ni Sulayman at Indrapatra ay isang kahanga-hanga dahil para sa kanila higit na mahalaga ang kanilang mga kababayan kaysa sa sarili nilang buhay kaya handa nilang ibuwis ang kanilang buhay para sa nakararami. Ang pagiging matapang ay isang mahalagang parte ng ating pagkatao. Kaylangan nating maging matapang para makayanan at para makuha natin ang ating mga nais buhay. Buong tapang harapin ang lahat ng pagsubok at lagpasan ang lahat, katulad ni Indrapatra at Sulayman nagawa nilang matalo ang
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
lahat ng kanilang mga kalaban dahil sah kanilang katapangan at mabuting mithiin para sa kanilang mga kababayan.
V.
Pagpapahiwatig sa Kwento Indrapatra at Sulayman isang makahulugang kwento kung saan may katapangan, pagmamahal sa bayan at pagmamahal sa kapatid . Ngunit para sa akin mas magiging maganda ang kwento kung ang pakikipaglaban sa mga halimaw ay ang pagsasama ng magkapatid na si Indrapatra at Sulayman kung saan silang dalawa ang makakatalo sa mga ito, kung saan sabay nilang pupuntahan ang mga pinagtataguan ng mga tao at sasabahing ligtas na kayo at maari na silang mamuhay ng mapayapa. Magkakaroon ng mga kabiyak si Indrapatra at Sulayman at babalik sa kanilang kaharian at pamumunuan ang kanilang bayan ng buong tapang at buong pagmamahal para sa kanilang mga nasasakupan.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Alamat ng Tagalog I.
Tagpuan Dumating si Ilog na may dalang isang sawa at ipinakita kay Simang ang kanyang dala. Noon naman ay may dumating na dalawang sundalong espanyol lumapit sila para makita kung anu ang nangyayare at para mas makita ang kagandahan ni Simang.Tinanung ng sundalo si Simang ngunit hindi niya ito napapansin sa halip ay na kay Ilog ang kanyang buon g atensyon at sumisigaw ng “taga Ilog !! Taga Ilog !!”.Dahil doon tinawag ang lugar na iyon na tagalong.
II.
Buod Si Simang ay isang napakagandang dalaga halos lahat ng kalalakihan sa kanilang lugar ay umiibig sa kanya. Isang araw ay nagpasya si Simang “Ang sinuman sa inyo ang makakapagpadala sa akin ng isang malaki at buhay na sawa ay pakakasalan ko”. Sa dami ng kanyang mangingibig tanging si Ilog lamang ang naglakas loob na tumayo at sinabing “mahal kung Simang, lah at ay aking gagawin para sa iyo ”. Humanga ang lahat kay Ilog, at sabik na hinintay ng lahat ang pagbabalik ni Ilog. Nag-alala ng labis si Simang at bulong sa sarili “Huwag sanang mapahamak si Ilog”. Siya pala ay umiibig na kay Ilog. Nagulat ang lahat at naghiyawan ng makita nila na nagbalik na si Ilog at may hawak ng isang sawa. Binati ng lahat si Ilog at sinabing “Mabuhay ka Ilog ! Mabuhay !”. Dinala ni Ilog ang sawa at sinabing “Para sa iyo, mahal ko,”. May dalawang sundalo naman ang dumating at napansin ang kaguluhan. Lumapit sila para makita kung anu ang nangyayare ngunit ngunit hindi nila napansin si Ilog na may hawak na sawa sa halip ay ang kagandahan ni Simang. Lumapit ang mga ito kay Simang at itananung kung ano ang pangalan ng lugar. Subalit dahil sa labis na pagkahanga ni Simang kay Ilog ay hindi niya napapansin ang dalawang sundalo at panay ang sigaw na “Taga ilog ! Taga Ilog !” sigaw din ng mga taong nakasaksi. Simula noon ang lugar na iyon ay tinawag na taga-ilog at ng lumaon ay nagging Tagalog.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
III.
Tauhan Simang – Isang napagandang dilag na iniibig ni Ilog at ng lahat ng nakakita sa kanya. Ilog – Isang matapang na taga hanga ni Simang at iniibig din ni Simang na nagalay ng ahas para pakasalan si Simang. Dalawang Sundalong Espanyol – Ang nagbigay ng pangalan sa lugar na Tagalog.
IV.
Halagang Pangkatauhan Ang labis na paghanga ni Ilog kay Simang ay tunay na kahanga- hanga, dahil sa labis na pagmamahal niya kay Simang handa niya hamakin ang lahat mahalin lamang siya nito. Napaibig nga niya si Simang dahil sa kanyang pinakitang pagmamahal at pagsuyo dito, at siya ang pinili para pakasalan. Ang tunay na pagmamahal ay handang hamakin at harapin ang lahat ng pagsubok maipakita lamang ang tunay na pagmamahal.
V.
Pagpapahiwatig sa Kwento Ang Alamat ng Tagalog ay patungkol sa pagpapakita ng pagmamahal at pagsuyo, kung paano paibigin ang isang dalaga. Para sakin mas magiging makakulugan ang istorya kung mas pinatagal pa ni Simang ang pagsuyo ni Ilog sa kanya para mas lubusan niya pah itong makilala at hindi pag sisihan sa huli.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Biag ni Lam-ang I.
Tagpuan Sa lambak ng Nalbuan ang lugar ng kapanganakan ni Lam-Ang Kabundukan ng mga Igorot kung saan nilabanang mag-isa ni Lam-Ang ang mga Igorot. Ilog Amburayan kung saannaligo ang bagong-laban na si Lam-Ang. Lahat ng nilalang na naninirahan dito‟y agad namatay a ng naligo dito si Lam-Ang. .
II.
Buod Sa lambak ng Nalbuan ay may mag-asawang nagngangalang Don Juan at Namongan.Nang malapit ng manganak si Namongan, napilitan si Don Juan na maglakbay patungong kabundukan ng mga Igorot upang ayusin ang isang gusot. Hindi na muling bumalik si Don Juan upang makita ang kaniyang bagong silang na anak. Kakaiba ang batang ito sapagkat marunong na itong magsalita agad. Pinangalanan niya ang sarili bilang Lam-Ang at siya narin mismo ang pumili ng kaniyang mga ninong at ninang sa binyag. Sa edad na siyam na buwan ay nagtungo si Lam-Ang sa kabundukan ng mga Igorot upang hanapin ang kaniyang ama. Pagdating niya sa lugar ng mga Igorot ay nakita niya ang putol na ulo ng kaniyang ama. Sa matinding galit ay hinamon at pinatay niya ang lahat ng Igorot na naroroon. Matapos nito‟y nagtungo siya sa Ilog Amburayan upang linisin ang dungis sa kaniyang katawan. Tinulungan siya ng mga dalagang naroroon sa paglilinis ng katawan. Agad namatay ang lahat ng isdang nasa ilog nang siya‟y maligo roon. Matapos ay nagtungo siya sa lugar ni Ines Kannoyan upang hingiin ang kamay nito. Ang kaniyang kasamang tandang at aso ang tumulong sa kaniya upang pormal na magpakilala sa dalaga‟t magulang nito. Hiningian ng bigay-kaya (dowry) si Lam-Ang ng mga magulang ni Ines Kannoyan. Agad nagpadala ng dalawang barkong puno ng ginto ang binata. Sila‟y kinasal sa isang simbahan .
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Nagkaroon ng magarbong pagsasaya sa kanilang pag-iisang dibdib. Bilang pagtupad sa mga tradisyon, ang bagong kasal na si Lam- Ang ay sinubukang humuli ng rarang. Bagamat alam niyang siyang makakain ng berkahan ay nagpatuloy siya. Ngunit bago nito‟y ipinagbilin niya sa asawa ang maga dapat gawin kung sakaling mangyari man ang kaniyang inaasahan. Nakain nga si Lam-Ang ng berkahan. Ipinasisid ni Ines Kannoyan ang mga buto ni Lam-Ang. Sa tulong ng tandang at ng aso, muling nabuhay si Lam-Ang mula sa kaniyang mga buto. Masaya at mapayapang namuhay ang mag-asawa matapos nito.
III.
Tauhan
Lam - Ang – ang pangunahing tauhan at bayani ng epiko. Siya ay inilalarawan bilang isang matapang na mandirigmang may supernatural na lakas. Don Juan – ama ni Lam-Ang na pinatay ng mga Igorot. Siya ay isang hasyendero. Namongan – ina ni Lam-Ang. Ines Kannoyan – ang babaeng inibig at naging asawa ni Lam-Ang. Rarang – ang isdang tradisyonal na hinuhuli ng mga bagong kasal na lalaki. Berkahan – ang pating na kumain ng buhay kay Lam-Ang. Aso at Tandang – ang dalawang kasa-kasamang hayop ni Lam-Ang. Ang dalawang ito ang tumulong kay Lam-Ang sa panliligaw kay Ines Kannoyan. Sila rin ang bumuhay ulit kay Lam-Ang matapos itong makain ng berkahan. IV.
Halagang Pangkatauhan Ang labis na pagmamahal ni Lam-Ang sa kanyang magulang at kay Ines ang naging daan para lagpasan ang lahat ng pagsubok na kanyang pinagdaanan. Dahil sa knyang katapangan ay nagawa niyang maipagtanggol ang kanyang ama at nagawa niya maipakasal sa kanya si Ines. Ang pagmamahal at katapangan ay isa sa mga pinamahalagang aspeto para mapagtagumpayan ang bawat pagsubok na haharapin.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
V.
Pagpapahiwatig sa Kwento Ang kwento ni Lam-Ang na pinapakita kung paano maging matapang at puno ng pagmamahal niyang nalagpasan ang lahat ng pagsubok na kanyang napagadaanan. Mas magiging makahulugan ito kung walang siyang kakaibang labas sa halip ay ang kanyang buo lakas na walng halong kapangyarihan doon masusukat kung anu ang tunay na katapangan. Hindi dapat ginamit ni Lam-ang ang kapangyarihan para siya ay mapansin ni Ines sa halip ay gumawa siya ng paraan mapalapit sa mga magulang ni Ines na walang halong kapangyarihan sapagkat masarap isipin na ikaw ay pinili dahil ikaw ay karapat-dapat para sa kanilang anak at hindi dahil ikaw ay mayroong kakaibang lakas na taglay.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Uhaw ang tigang na lupa I.
Tagpuan Sa kanilang tahanan na tila walang buhay sapagkat walang pagmamahal nadarama ng bawat isa.
II.
Buod Si Ina ay hindi palakibo siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Kailangang hindi ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang hindi ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang hindi ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw, ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw. Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay. Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya. Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal. Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina, hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw. Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaiba ang kalasingan niya nagyong gabi. Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo, hindi raw siya makahingang mabuti. “Marahil ay may sipon ka”, ani ina. Sinisinat ka nga. Nabigo ako sa aking pag-asa, nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina. Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit, ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya. Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka, may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa sobre. Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta, Sa pagkat ako‟y hindi makalimot. Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat, noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama. Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag daliri, ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay. Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Ngunit, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi “ Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin.At sa anya‟y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol ”. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga. “ Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko! ” Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito. “ Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban, ang uang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina. Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina. Mura pang lubha ang labingwalang taon. Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang- buhay”.Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin. Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama. Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pahluha kung walang makakita sa kanya. Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi. Naupo siya sa gilid ng
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad. “ Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko‟y aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...”. Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama, “ Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko...”. Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya‟y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon, “ Maaangkin mo na, mahal ko! ”.Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon, natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa. III.
Tauhan Ina - Siya ay hindi palakibo at hindi ipinapakita ang kanyang tunay niyang nararamdaman. Ama – Siya ay lubos na nahihirapan sa pagsasama ng kanyaang asawa sapagkat hindi ito ang kanyang iniibig. Siya ay namatay na nakalaya sa sakit na nararamdaman. Anak – Siya sabik sa pagmamahal sa kanyang ama at ina.
VI.
Halagang Pangkatauhan
Ang pamilya ay binuo ng buong pagmamahal ng ama, ina at ng mga anak. Sa kwentong ito hindi nga naging masaya ang pagsasama dahil may ibang inibig ang kanyang ama. Ang pagmamahal ang dapat unang mangingibaw bago bumuo ng isang pamilya dahil hindi matatawag na pamilya ito kung walang pagmamahal. Kapag walang pagmamahal hindi magtataggaal ang pamilya at tuluyang masisira. Mahalin ng buong buo ang iyong kapamilya at huwag ipaparamdam na wala silang halaga.Pamilya ang bubuo ng pagkatao ng isang tao.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Ang buhay na pinagdaanan ni donya maria ang asawa ng ahas. I.
Tagpuan Kaharian ng Marcia ang kaharian ng amang hari.
II. Buod Isang araw ang hari ng Marcia ay nagkaroon ng malubhang karamdaman ito‟y lubhang ikinabahala ng kanyang mga anak na sina Princesa Clara,Prinsesa Catharina at Prinsesa Maria. Tanging ang ahas lamang ang makakapagligtas sa hari ngunit bago nito mapagaling ang hari dapat ay mayroong pagpapakasal sa kanya na isa sa kanyang mga anak nh hari. Sa labis na pagmamahal at sa kagustuhang mapagaling ang knilang ama napagdesisyunan ni Prinsesa Maria na siya na lamang ang magpapakasal sa ahas. Sapagkat ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid ay tinanggihan ang alok ng ahas. Nagpakasal nga si Maria at ang ahas, at natuklasan ni Maria na ang ahas pala ay mabait, mapagmahal atibinibigay nito ang lahat ng kanyang naisin. Ngunit sa kabila nito di maalis kay Donya Maria ang pagka lungkot kaya minabuti ng ahas na sabihin na ang kanyang totoong katauhan. Inamin nitong siya lamang ay nagbabalat kayo bilang ahas dahil ang katotohanan siya ay totoong tao at sya ay si Don Juan Rey. Naging Masaya na si Donya Maria sa piling ng kanyang asawa ngunit sa di sinasadyang pagkakatao‟y nakakita ng iba ang Don at dito sya ay nahulog at kanyang pinakasalan. Sobrang nalungkoti si Donya Maria sa mga nangyari kaya gumawa siya ng paraan upang muling maibalik sa piling nya ang kanyang asawa at matapos ang lahat ng kanyang pag- hihirap sya ay nagtagumpay at muli sila‟y namuhay ng maligaya. III.
Tauhan : Donya Maria – Asawa ng ahas Don Juan Rey – Nagbalat kayo bilang ahas Princesa Clara at Catharina – Nakatatandang kapatid ni Donya Maria.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
IV. Halagang pangkatauhan Sa pag-ibig ni Maria kay Don Juan ay labis at totoo. Pinaglaban niya ang kanyang asawa para lamang makasama niya ito, kahit na ikapahamak niya pa ito. Sa pag-ibig hindi nawawalan ng mga pagsubok natural lamang ito, nasa dalawang tao na lamang kung paano nila ito malalagpasan at kung paano nila patatagin ang kanilang relasyon. Ang pagmamahal ay hindi madali lalo na kung ang inyong pagmamahalan ay dumadaan sa mga pagsubok ngunit kung wagas at totoo ang pagmamahal magagawa ninyo itong malagpasan at mas patatagin.
V.
Pagpapahiwatig sa kwento Ang kwento ni Maria sa piling ng ahas ay magandang kwento wala akong nais baguhin. Makahulugan ang mga eksena sa istoryang ito. Nagsimula ang kwento sa tila hindi magandang kapalaran ni Maria ngunit ang katotohanan pala ay nasa sa isang magandang kanata na pala siya ng kanyang buhay yun ay ang umuibig. Naging Masaya ang kanilang pagmamahalan kahit na dumaan ito sa isang pagsubok at sa huli sila parin ang nagkatuluyan.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Lupang Tinubuan I.
Tagpuan Nayon ng Malawig kung saan nandoon ang mag-anak.
II.
Buod Sa nayon ng Malawig nagtungo ang mag tiyahin upang dalawin ang pumanaw na kamag anak na si Tata Inong. May kalungutang naramdaman si Danding , bagama‟t hindi niya kailaman nakilala ang yumao. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Itinanong niya kay Tiya Juana kung ano ang anyo ng nayong iyon. Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit. „Walang maganda rito kundi ang langit,‟ ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Napakarami pala niyang kamag-anak sa nayong ito.Malayo at malapit na kamag anak . Pagkakain ng tanghalian nagtungo si Danding sa bukid sa may likuran ng bahay. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid sa hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan. ‟Kaparis ka ng iyong ama,‟ ang wika niya. ‟ Balisa ka sa gitna ng karamihan, ibig mo pa ang nag- iisa.‟ Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping pananangis na higit na makadurog-puso kaysa maingay na pag-iyak. Sandaling nag- ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikap ang dibdib ng damdaming ito. Ibig niyang mapag- isa kaya‟t sya ay nagtungo sa bukid. Inabot na ng dilim si Danding at nagsisimula nang lumamig ang hangin.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng nakamandalang palay! Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya‟y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa‟y nadilig na mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. III.
Tauhan Danding – Ang binatang bumalik sa kanyang lupang tinubuan. Tiya Juana – Ang kanyang tiyahin na nagdala sa nayon ng Malawig
IV.
Halagang pangkatauhan
Ang kwento ni Danding ay tila pananabik sa kanyang pinagmulan bagama‟t hindi siya dito nagka-isip ay nadama padin niya ang pag-ibig ng lugar na kanyang pinagmulan. Magtungo ka man sa ibat-ibang dako ng mundo hinding-hindi mo parin matatalikuran ang iyong pinang-galingan, baguhin ka man ng mga dayuhan babalik ka parin kung saan mas magaan ang pakiramdam. V.
Pagpapahiwatig sa kwento Sa kwentong ito, pinapaalam at pinaparamdam sa mga mambabasa kung ano ang pakiramdam ng malayo sa lugar na kanyang pinagmulan. Para sa akin mas magiging maganda ang kwento kung sa simla pa lamang ay naramdaman na ni Danding ang pagmamahal sa kanyang pinagmulan marahil ay hidi siya nakararamdam ng kalungkutan.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Mabangis na kamay maamo na kamay I.
TAGPUAN Tambakan ng basura
II.
Buod Si Batling kula ay isang buksingero ito ang trabahong kanya napili upang maiangat sa hirap nag kanyang pamilya. Hindi magkamayaw na sigawan ng mga tao maya maya‟y hindi na nagising si Moro mula sa malakas na pagkakasauntok ni Batling Kula. Ipinagdiwang nila sa Manila Hotel ang kanyang panalo. Nang umuwi sila'y kasabay niyang idinating sa kanilang tahanan ang ekstrang pahayagan, "Napatay ni Batling Kulas si Moro." Ngunit lalong matunog sa kanya ang balita ng hilot,"Anak na lalaki. Kamukhang-kamukha mo. Isinabisig niya ang sanggol. Ngunit isang biro yata ng Langit sa kanilang mag-asawa. Nagkasakit ang kanilang anak. Isang uri ng sakit sa utak na pumipinsala sa mga mata at nagpapalambot sa laman at kasukasuan. Nagtulos ng kandila at nagdasal nang paluhod sa Kiyapon sa payo ng isang matandang babaing magkakandila. Sinabi nitong kailangan nyang magbitiw sa pagiging boksingero. Hindi na siya maglalaro ng boksing at nakapagtalalan naman si Benito nakalakad. Ngunit sa kasamaang palad namatay ang kanyang kabiyak at walang sukat tumingin sa kanyang. Lumaboy ito sa lansangan. Isang araw nang umuwi siya‟y nagmamadaling -araw na. Wala sa bahay si Arya. Hindi na sumayad sa hagdanan ang kanyang mga paa sa pagmamadali. Waring nilindol ang kanyang dibdib. Kumutob sa kanya kung saan dako maaaring matagpuan si Arya. Napadalas ang kanyang mga paa. Nagtumulin siya at halos padaluhong na inagaw niya kay Arya Ito ang hilang-hilang tiklis at ikinasambulat ng basura at sa pagkabigla niya pinalo niya ng isang putol na kahoy. Sa sang-iglap ay napahulagpos niya ang isang ubos-kayang suntok na ikinatimbuwang ni Arya Ito sa tabi ng tiklis. Hindi na humihinga ang kanyang anak.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
III.
Tauhan Battling Kula – Isang busengero. Arya Ito – Anak ni Battling Kula. Moro – Katunggali ni Battling Kula sa boksing
IV. Halagang pangkatauhan Ang pagmamahal ay dapat ipinaparamdam dahil hindi natin alam kung kaylan ang panahong na babawiin sa atin an gating mga mahal sa buhay.
V.
Pagpapahiwatig sa kwento Sa kwentong ito ay hindi ako nasiyahan sa halip ay nalungkot ako sa takbo g istorya. Hindi maganda ang trato niya sa kanyang anak. Bakit kaylangan dumating iyon na mamatay si Aria ito.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome
Mga Alamat at Kwentong Pilipino
Ang kwento ni Mabuti I.
Tagpuan
II.
Buod
Sa Paaralan kung saan nagtuturo siya.
Mabuti ang tawag sa kanya ng kanyang mga estudyante pag siya‟y nakata likod dahil lahat ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang mga sinasabi niya. Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng silid aklatan na iyon upang umiyak rin. Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng kaniyang buhay, liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang ito ang kaniyang buhay. Wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan.
III. Tauhan Mabuti - isang pangkaraniwang guro, na palaging mabubuti ang binibigkas kaya ang ipinangalan ay Mabuti.
IV. Halagang pangkatauhan Ang pagiging isang matatag sa buhay upang malagpasan ang lahat ng pagsubok sa buhay, at huwag papadala sa pait ng buhay. Sa halip ay maging isang huwaran na kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok ay nanatili kang mabuti at matapang.
V.
Pagpapahiwatig ng kwento Ang kwento ni mabuti na mayroong mabuting aral. Isang magandang halimba si mabuti ng isang matatag at mabuting tao na dapat tularan.
Krizia Abegail B. Anacan
BE1AA
Mr. Ramon Bartolome