Register ng Wika Ginagamit ang register sa pagtukoy sa mga varayti ng wika ayon sa gumagamit
(Halliday, McIntosh at Stevents, 1994). “Bawat pagsasalita o pagsulat ng isang
tao ay isang paguugnay ng kaniyang sarili sa ibang tao sa lipunang kaniyang kinasasangkutan.”
Tatlong Dimensyon ng Register 1. Field – Nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa
larangang sangkot ng komunikasyon. 2. Mode – Tungkol ito sa paraan kung paano
isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o pasulat. 3. Tenor – Ayon ito sa mga
relasyon ng mga kalahok. Nangangahulugang para kanino ito.
Mga Register ng Iba’t ibang Larangan -
Ang isang salita ay maaaring
magkaroon ng iba’t ibang kahulugan batay sa iba’t ibang larangan.