translated from Allan Kardec's Book of Mediums Published by Centro La Humildad, c1982Full description
Full description
Full description
guroFull description
Full description
Mga Teorya Sa Pagkatuto Ng Wika
Kabanata 14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante Ang mukha ng aktibismo noong 1880.
Full description
Full description
Nakalagay dito ang mga bahagi ng katitikan ng pulong at ang ibig sabihin nito 9/14/17
Mga Gabay Sa Paggamit Ng Diyalogo
PanitikanFull description
klino workxheet
Suggested line up of songs for Advent Year C For choirs and music ministersFull description
Mga Produkto Sa Bawat Rehiyon Ng Pilipinas
Isang Pamanahong Pananaliksik sa Pagbasa..
Mga Ambag Ng Renaissance Sa Iba
Full description
Full description
Mga Teorya Sa Pinagmulan Ng Wika
RITO sa PAGSUSUGO ng mga MINISTRONG LAYKO
(Gagawin ang rito ng pagtatalaga pagkatapos ng homiliya.)
I.
Pagtawag sa mg kandidato
(Isa-isang tatawagin ng tagapagpakilala ang mga kandidato at lalapit sa harap ng dambana. Kapag tinawag ang pangalan, sasagot ang kandidato ng “Narito po ako” .)
Tagapagpakilala: Minamahal na Padre Orlando Jimenez, kagalakan kong iharap sa inyo at sa ating sambayanan ang mga kapatid nating nagnanais na maglingkod sa Inang Simbahan bilang mga Ministro Layko sa loob ng isang taon.
II.
Mga Tagubilin sa mga Hihiranging Ministro Layko
Pari:
Mga kapatid kong hihirangin, bilang mga Ministrong Layko maging huwaran nawa kayo ng pagiging tapat na Kristiyano sa inyong pananampalataya at pag-uugali. Pagsumikapan ninyong maging banal sa pamamagitan ng isang tunay na debosyon sa sakramentong ito ng pag-ibig at pagkakaisa. Bilang tagapagpahayag sa salita ng Diyos at ministro ng Banal na Komunyon, tandaan ninyong mga alagad kayo ng sakramento ng isang banal na pag-ibig ng ating Panginoong Hesukristo na nag-alay ng kanyang sariling Katawan at Dugo para sa ating kapakanan at kaligtasan. Ang inyo nawang pagli-lingkod sa sakramento ng Eukaristiya ay maging isang tunay na larawan ng inyong pag-ibig sa Diyos at sa kapwa gaya ng pag-ibig ni Kristo sa bawat isa.
III. Pagpapahayag ng Pagtanggap ng mga Gawain
Pari:
Bilang Ministrong Layko, nakahanda ka bang igalang at sundin ang Obispo at ang iyong Kura Paroko na naatasang maging pastol katuald ni Kristo?
ML: Pari:
ML:
Opo nakahanda ako. Nakahanda ka bang tumulong at makiisa sa pagsasakatuparan ng programa ng ating diyosesis at ng parokya upang paunlarin ang kawan ni Kristo? Opo nakahanda ako.
Pari: Nakahanda ka bang italaga ang iyong sarili sa panalangin, pagninilay sa Salita ng Diyos at debosyon sa banal na Eukaristiya, na siyang pinagmumulan ng lakas ng isang lingkod ni Kristo?
ML: Pari:
ML: Pari:
ML:
Pari:
Opo nakahanda ako. Nakahanda ka bang patuloy na pasailalim sa paghuhubog upang maunawaan at maipagtanggol ang doktrina ng simbahan na siyang aral na minana natin sa ating mga Apostol na mula kay Kristo? Opo nakahanda ako. Nakahanda ka ba na magsumikap na maging huwarang Kristiyano sa iyong kapwa Layko habang ipinahahayag ang Salita ng Diyos at ibinabahagi ang banal na Katawan ni Kristo? Opo nakahanda ako.
Sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan ipahayag ninyo ngayon ang inyong pagnanais na maging isang Ministro Layko.
Mga Kandidato: (sabay-sabay) Ako si _____________ / na hinirang / bilang Ministrong Layko / ay buong puso / at malayang nagtatalaga ng sarili / sa Diyos at sa kanyang sambayanan / na maglilingkod ng tapat / sa tungkuling iaatang sa akin / sa loob ng iang taon. / Patnubayan nawa ako / ng Panginoong Diyos / at tulungan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario / sa pagsasakatuparan aking tungkulin. Pari:
Manalangin tayo. (Sandaling katahimikan.) Mapagmahal na Ama na siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya. Basbasan mo + ang mga kapatid naming hinirang bilang mga Ministrong Layko. Nawa’y magampanan nila ng buong tapat ang mga tungkuling iniatang sa kanila bilang iyong mga piniling lingkod sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Lahat:
Amen.
Bilang pagtanggap, pasalubungan natin sila ng masigabong palakpakan.