Reaksyong Papel sa Pagbasa at Pagsulat Sa Aking Pagtanda
JOWENA PREBILLO JEA ELICA MIE RESOL JULYEN LIANNE ROBLES
RENE B. CORDON
Sa Aking Pagtanda Para sa aming tatlo, dalawa sa amin, sina Jea at Jowena ay nagsasabing hindi lang basta kawili-wili ang tekstong “Sa Aking Pagtanda” ni Rev. Fr Robles, ito’y nakakaantig din ng damdamin. Ang bawat pangungusap at salitang mga nakalatag ay pawang nanghihikayat na basahin ito hanggang sa huli. Ngunit para sa akin, hindi siya kawili-wili dahil, iba ang emosyon ang dumadaloy habang binabasa ko ito, ang emosyong gusto kung umiyak dahil ang mga matatanda pa ang humihingin ng pasensiya, tayong mga kabataan ang dapat umintindi sa kanilang kalagayan. Napakaraming mga katanungan ang bumalabag sa isip naming tatlo, isa narito ay “Makakaya ko bang gawin lahat ng pakiusap ng aking magulang sa kanilang pagtanda?”, “Makakaya ko bang habaan ang aking pasensya pagdating ng panahong iyon?” at “Pag ako ba ay tumanda, ang aking mga anak ba ay kayang gawin lahat ng pakiusap ko sakanila?”, ang tatlong nabanggit ay iilan lamang sa gusto naming magkaroon ng kasagutan, ay namin na ang mga magulang namin ang siya pang “na-aadjust”, saan dapat kami. Pinamulat sa amin ng tekstong ito ang mga posibilidad na maaaring mangyari sa paglipas ng panahon, sa maaring emosyon o damdamin ng aking mga magulang sa panahong kumukulubot na ang kanilang balat, pumuputi na ang kanilang buhok at sa panahong nangangailangan sila ng atensyon, pagmamahal at pasensiya, at sa mga maaring gawin ng isang anak kapag sila’y nahihirap, nakukulitan o naiinis sa kahinaan at kakulitan ng kaniyang magulang. Naniniwala’t nahihikayat kaming tatlo sa binasa naming sanaysay, dahil sa lahat kami ay nakasaksi ng mga pagbabago ng mga mahal naming sa buhay sa pagtagal ng panahon, kung kaming mga kabataan ay mayroon mga pagbabagong naranasan, ang mga matatanda ay ganoon rin. At dahil sa teksong ito, alam naming may posibilidad itong mangyari sa amin. Ang gantong uri ng sitwasyong ay naranasan naming, kay Jea na sa kanyang yumaong na Lolo. May mga araw na kinakausapsiya ng kanyang Lolo at minsan ay nagtatanong ang Lolo niya ng kung anu-anong bagay kapag sinagot niya naman ng maayos ay sasagot din ang Lolo niya ng “Ha?” na paulit-ulit, senyales na hindi ito naririnig o nauunawaan ang kanyang sinabi,
dahil nga dito’y sinisigawan sila at aalis na lang bigla sa harapan ng Lolo niya ng walang paalam. Kay Jowena naman sa kanyang Lola, may mga araw din na minsan sobrang naiinis siya sa Lola niya kapag tinuturuan siya ng salitang tagalog kahit alam naman niya ang mga ito. Sibini Jowena na nung minsa’y siya ay inutusan na paliguan niya ang kanyang Lola ngunit pinabayaan niya itong maligo mag-isa kahit alam kahit alam niyang nahihirapan ito at di nito kaya. At at sa aking karanasan ay, sa aking yumaong Lolo na makulit, madaldal, dumating din ang mga araw na pinagsabihan niya ako na kung sakaling hindi man dumating ang panahon na maiintidihan ko siya habang buhay pa ay ayos lang dahil para sa kanya kahit man lang sa pagtanda ko na lang ma-realize ang lahat okay lang sa kanya. Ang pinagkaiba ng naranasan namin at sa tekstong nabasa namin ay ang persona sa sanaysay ay parang nanunuyo at nagdedemand na dapat ito gawin ay namin, ganto o ganyan, samantalang si Lolo ni Jea, Lola ni Jowena at Lolo ko ay tahimik lang at walang anumang reklamo o pakiusap.