GARDUQUE, Renz Gabriel L. 2014-33755 BS Chemical Engineering
T O K H A N G: ang Lobo sa Damit ng Tupa Sa tatlong taon kong pagiging estudyante sa kolehiyo, natutunan ko nang suungin ang kadiliman ng gabi nang walang takot o pag-aalinlangan. Madalas kasi nangyayari na kailangan kong mag-aral sa aklatan ng aming unibersidad hanggang hatinggabi, o kaya naman ay sumama sa mga kaibigan ko kapag kakain sila sa labas at makakauwi kapag wala nang araw. Alam ito ng mga magulang ko, at kailan man ay hindi sila nangangamba sa kaligtasan ko. Wala naman daw kasing aswang sa Kamaynilaan, at hindi naman daw ako mukhang mayaman, kaya walang huholdup sa holdup sa akin. Lahat ng ito ay nagbago noong nakaraang taon kung kalian pinatupad ang Oplan Tokhang. Ang Oplan Tokhang ay isang programang ipinatupad ni Pangulo Rodrigo R. Duterte para ipasakatuparan ang pangako niya noong nangangampanya pa lamang siya sa pagkapresidente na susugpuin niya ang kriminalidad sa bansa sa loob lamang ng anim na buwan. Maraming tao ang sumuporta rito sa pag-aakalang seguridad at kawalan ng krimen ang madudulot ng Oplan Tokhang. Ngunit, huli na nang madiskubre ng mga Pilipino na ang Oplan Tokhang ay isa palang lobo sa damit ng tupa, isang marahas na polisiya na nagbabalat-kayo bilang makataong programa. At sa dami ng buhay na nakitil ng programang ito ay punong-puno na ng dugo at takot ang konotasyong dala ng ng salitang “tokhang”. Nakatatak “tokhang”. Nakatatak na ito sa bokabularyo ng bawat Pilipino bilang kasingkahulugan ng kamatayan.
Ang Salitang “Tokhang” bilang Salita ng Taon
Ang Sawikaan, kung saan pinipili ang Salita ng Taon, ay isang kompetisyong inorganisa at idinaos ng Filipinas Institute of Translation, Inc. o mas kilala sa tawag na FIT. Ang unang Sawikaan ay nangyari noong 2004, na nasundan noong 2005, 2006, 2007, 2010, 2012, 2014, at ang pinakahuli ay noong nakaraang taon, 2016. Ang mga katagang natanghal na bilang Salita ng Taon ay “canvass”, “jueteng”, “lobat”, “miskol”, “jejemon”, “wangwang”, “selfie”, at ang pinakabago, “fotobam”. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino, ang mga posi bleng bleng kandidato sa pagiging Salita ng Taon ay iyong mga salitang bagong likha, luma at binigyan ng bagong kahulugan, patay na muling binuhay, o kaya naman ay bagong hiram sa banyagang wika. Kailangan rin na ang mga salitang kandidato ay “ pinukaw … ang pambansang kamalayan at … may malaking impak sa mahahalagang usaping pambansa at iba pang aspekto ng búhay sa lipunang filipino sa loob ng isa o dalawang taon” (Tanong taon” (Tanong – – Sagot Sagot Ukol sa Sawikaan: Pagpili sa Salita ng Taon).
Kung iisipin, ang salitang “tokhang” ay pasok na pasok sa mga kwalipikasyon bilang Salita ng Taon. Kung titingnan ang etymolohiya niya ay masasaning isa siyang bagong nalikhang salita, mula sa pagsasanib ng dalawang lokal na salita sa Pilipinas. At kung titingnan naman ang sosyo-politikal na mukha niya ay masasabing hitik at namumukadkad ito sa mga implikasyon at kahulugan na may kaugnayan sa mga usaping pambansa. Ang “tokhang” ay pumukaw sa pambansang kamalayan. Samakatuwid, kung teknekalidad lang an g pag-uusapan ay kwalipikado ang “tokhang” bilang Salita ng Taon.
Etymolohiya at Pag-Unlad ng Salitang “Tokhang”
Kagaya ng nabanggit kanina, ang salitang “tokhang” ay isang pagsasama ng dalawang salitang lokal dito sa Pilipinas. Iniulat ni Jay Sabalen ng programang Brigada ng GMA News Network na ang “tokhang” daw ay galing sa dalawang Cebuanong salita, “toktok” at “hangyo”, na nangangahulugang “katok” at “paki-usap” ayon sa pagkaka-banggit (Brigada: Ano ang Oplan Tokhang). Unang nagamit ang salitang “tokhang” sa konteksto ng programa laban sa kriminalidad na ipinatupad ni Pangulong Duterte kaakibat ang Philippine National Police o PNP. Sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang, ang mga mi yembro ng PNP ay kumakatok sa mga bahay bahay at nagtatanong kung may residente ba na gu magamit ng droga o bawal na gamot. Pagkatapos ay pakikiusapan nila na sumama sa presinto ang mga nagpahayag na gumagamit ng masamang gamot para masimulan ang due process ng paglilitis. Nakikitang nagagamit ang “tokhang” bilang isang pangngalan, pero maaari rin naman itong gamitin bilang pandiwa at pang-uri. Halimbawa, sa pangungusap na “ang mga pulis ay nagto-tokhang”, ang “tokhang” ay nagagamit bilang pandiwa. Nangangahulugan ang pangungusap na iyon na ang mga pulis ay ginagawa ang trabaho nila n a maglibot sa mga kabahayan at maghanap ng mga taong guagamit ng droga. Sa kabilang dako, ang pangungusap na “nakakahabag ang aming kapitbahay na na-tokhang”ay gumagamit ng “tokhang” bilang isang pang-uri. Sa pangungusap na iyon, inilalarawan kung ano ba an g estado ng kapitbahay. Malaka-laka, kung hindi man hindi kailanman, nagamit ang salitang “tokhang” bago ipinatupad ang programang isinasagawa ng PNP laban sa mga gumagamit ng ilegal na gamot. Para lubos ko pang maunawaan ang pag-usbong ng salitang “tokhang”, gumamit ako ng Google Trends, isang data analytics tool na nagbibigay ng estadistika tungkol sa frequency ng partikular na search terms sa Google. Ipini-presenta at inihahayag nila ang datos bilang isang line graph kung saan ang y-axis ay ang relative interest at ang x-axis ay ang time. Ang relative interest ang sukatan kung gaano ba kadalas nagamit ang isang partikular na salita o pahayag bilang search term sa Google. Tinatawag rin itong interest . Ang pinakataas ay 100 at pinakamababa ay 0.
Ang dalawang graphs sa ibaba ay ang relative interest versus time graph para sa salitang “tokhang”. Ang nauna ay galing sa worldwide searches habang ang pangalawa ay mga searches na ginawa sa Pilipinas lang. Ang mga datos na kinolekta ng Google Trends ay mula Hulyo 2012 hanggang sa kasalukuyan.
Figure 1. Interest over time graph para sa salitang “tokhang” sa buong mundo(itaas) at sa Pilipinas(ibaba). Galing sa Google Trends.
Makikita na halos pareho at identikal ang dalawang talangguhit, kahit na sa mga pagtaas at pagbaba ng relative interest . Ang ibig sabihin nito ay halos sa Pilipinas lang galing lahat ng searches para sa salitang “tokhang”. Bukod pa riyan, makikita na mula Hulyo 2012 hanggang Hulyo 2015, zero interest o walang gumawa ng Google search tungkol sa salitang “tokhang”. Ngunit sa Pilipinas, mula zero, tumaas ang relative interest patungong 6 noong Hunyo 26, 2016 at pumalo pa ito sa 56 noong July 3, 2016. Narating ang rurok na 100 noong September 25 taong 2016, at January 29 at March 5 ngayong taon. Ibig sabihin, sa mga nasabing petsa nagkaroon ng pinaka-maraming Google searches tungkol sa tokhang. Ang mga data points na ito ay pawang hindi markado sa graphs na nasa Figure 1 pero pwede silang ma-access gamit ang Google Trends. Gamit ang mga talangguhit sa itaas a y naitatag natin na ang salitang “tokhang” ay umiiral sa Pilipinas. Ngunit, hindi sinasabi ng mga graphs ang paraan kung paano ginagamit ng mga tao
ang “tokhang”. Mga datos na quantitative lamang ang ipinapahayag ng mga graph na iyon. Kailangan ng iba pang midyum para malaman ang qualitative aspects ng paggamit ng mga tao sa salitang “tokhang”. Kaya naman ay gumawa ako ng pagsusuri gamit ang Tweetchup, isang Twitter analytics tool , para malaman kung paano ba ginagamit ng mga taong nasa mundo ng social media ang kontrobersyal na kataga. Nung in-encode ko ang keyword na “tokhang” sa Tweetchup ay lumabas ang samu’tsaring datos. Nakalagay na simula Hulyo 3 hanggang Hulyo 12 ngayong taon ay mayroong 1313 tweets na gumamit ng “tokhang”, patunay lamang sa asersyong buhay nga ang salitang ito sa bokabularyo ng mga Pilipino. Nakita ko rin na ang mga users na gumamit ng “tokhang” sa mga tweets nila ay kadalasang mga news groups kagaya ng The Philippine Star , Philippine News Net , at PHI News Live. Lumabas rin ang mga tweets na mayroong pinakamaraming retweets at favorites. Nilipon ko ang top five na tweets sa talahanayan sa baba. Table 1. Most Retweeted at Most Favorited Tweets. Mula sa Tweetchup.
Most Retweeted Tweets Yung mga adik kay patring...hoy labas kayo..k lang pala maglambingan ang dalawa.uso talaga tokhang kadi daming adik
#ALDUBersaryIn6days Dear President Duterte, Eto po ba ang "tapang at malasakit"? Matapang sa Tokhang, Malasakit sa China? Merong REHAB sa mga DRUG ADDICTS Bakit walang REHAB sa mga TRAPO? Merong TOKHANG sa mga DRUG ADDICTS Bakit walang TOKHANG sa mga TRAPO? Tokhang para sa tawng sigeg pangutang.
Ma tokhang ka Dj! Addict lang po sa kilikili ni Kath! Ha ha ha!!!
Most Favorited Tweets Dear President Duterte, Eto po ba ang "tapang at malasakit"? Matapang sa Tokhang, Malasakit sa China?
"Sabi ko sayo tigilan mo na gumamit ng katol. Ma tokhang ka nyan" grabe talaga sakin tong si @mikkabananaaa away nyako. Merong REHAB sa mga DRUG ADDICTS Bakit walang REHAB sa mga TRAPO? Merong TOKHANG sa mga DRUG ADDICTS Bakit walang TOKHANG sa mga TRAPO? if you're a sucker for social commentary, you want to watch #VLF13's set D. tokhang, internalized racism, & angeli bayani, nuff said. Yung mga adik kay patring...hoy labas kayo..k lang pala maglambingan ang dalawa.uso talaga tokhang kadi daming adik #ALDUBersaryIn6days
Kung babasahin ang tweets, makikita na iba’t-iba ang paraan ng paggamit ng “tokhang”. Hindi na ito nagagamit lamang sa kontekstong politikal. May mga tao na ring maluwang at haphazard ang paggamit ng “tokhang” sa kanilang mga tweets. Mayroon pa ngang iba na nagbibiro gamit ang naturang kataga. Ang ibig sabihin lang nito ay nag-evolve na ang “tokhang” at mas naitanim na ito sa leksikon ng mga Pilipinong gumagamit nito. Ano pa ang sinasabi ng mga datos sa taas? Oo, nakita natin na umiiral nga ang salitang “tokhang” sa diskurso ng mga tao. Oo, alam rin natin na may iba’t-ibang gamit na ito ngayon. Pero, bukod sa mga obserbasyong ito, maari rin nating sabihin na ang salitang “tokhang” ay nahubog at humubog ng kasalukuyang sosyokultural at politikal na klima ng Pilipinas.
Ang Sosyokultural at Politikal na Kaligiran ng Salitang “Tokhang”
Ayon sa na banggit kanina, ang salitang “tokhang” ay unang nagamit sa konteksto ng programang Oplan Tokhang. Ang Oplan Tokhang ay isa sa dalawang prongs ng ipinatupad na Project: “Double Barrel”. Ang isa pang prong ay ang Oplan HVT. Sa kabuuan, ang Double Barrel ay naglalayong maalis ang mga insidente ng paggamit ng ilegal na gamot sa Pilipinas (Philippine National Police). Ang Oplan HVT ay isang malakihang anti-illegal drug operations na ang tuon ay nasa mga sindikato at prominenteng personalidad, sabi n g Command Memorandum Circular na inissue ni PNP General Bato Dela Rosa. Inatasan ng PNP ang mga malalaking sangay nito kagaya ng Anti-Illegal Drugs Group o AIDG para isagawa ang Oplan HVT. Sa kabilang banda, mas maliit ang sakop ng Oplan Tokhang, na naglalayong masugpo ang paggamit ng ilegal na droga sa lebel ng baranggay. Sa Oplan Tokhang, ang mga pulis ay nagta-trabaho kasama ang Local Government Units o LGU ng mga lokal na baranggay. Sinasabi rin sa Command Memorandum Circular na ang Oplan Tokhang ay mayroong limang antas ng pagpapatupad: collection and validation of information stage, coordination stage, house to house visitation stage, processing and documentation stage, at monitoring and evaluation stage. Kung tuuusin, napaka-ganda ng pagpaplano ng Oplan Tokhang. Maayos ang pagkakaplantsa sa mga implementing guidelines nito. Ngunit, ilang linggo makalipas ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang, ginulantang nalang ta yo ng mga karumal-dumal na balita. Ayon sa ABS-CBN News, “ Just more than a month after Duterte assumed the presidency, from July 1 to September 29, a total of 1,276 drug suspects were killed during police operations, according to PNP. In addition to this, 725,791 drug users and pushers voluntarily surrendered while another 19,907 were arrested ” (Gonzales and Cabigao). Mahigit isang libong buhay ang nakitil, at sa loob lang yan ng ilang linggo. Sa paglipas ng mga buwan ay nadagdagan pa nang nadagdagan ang bilang ng mga taong namatay dahil sa tinaguriang “War on Drugs”. At ang mas malala pa, dumami ang kaso ng vigilante o ang mga
sibilyang pumapatay ng mga inakusahang gumagamit o nagtutulak ng ilegal na droga. Lumobo rin ang bilang ng mga summary executions, kung saan lalagyan lang ng karatulang “ADIK AKO, HUWAG TULARAN” ang mga nabiktima. Ang mga pagpatay na nabanggit, na maituturing na porma ng extra-judicial killings, ay nagpapatunay na naging parte ng norm ang pagpatay. Ang mga datos mula sa Rappler na nakasulat sa talahanayan sa ibaba ay nagsasalita para sa kanilang sarili (Bueza). Table 2. Datos mula sa Rappler tungkol sa bilang ng mga namatay dahil sa Oplan Tokhang
7080 2555 3603 922 4146
Bilang ng mga Namatay mula Hulyo 1, 2016 Kabuuang bilang ng mga namatay (Abril 23, 2017) pinaghihinalaang drug personalities na namatay sa police operations (Enero 31, 2017) Namatay na biktima na under investigation pa (Enero 9, 2017) Namatay na biktima na tapos na ang investigation (Enero 9, 2017) Bilang ng mga pagkamatay na labas sa police operations (Enero 9, 2017)
Hindi naman nailahad sa mga probisyon ng Oplan Tokhang na dapat kumitil ng buhay ng mga taong nanlalaban, dahil ang sabi ay padadaain sa due process o tamang proseso ang mga inaakusahan. Lahat ng tao ay may karapatan na mabuhay, at walang tao dapat na makaranas ng bayolenteng pagtrato. Iyan ang isa sa mga sinasabi ng Universal Declaration of Human Rights (United Nations). Pero, kung titingnan natin ang talahanayan sa taas ay mapapatanong tayo kung may bahid pa ba tayo ng pagkatao. Kasi kung mayroon pa ay hindi magiging ganoon kalaki ang bilang ng mga nakitil na buhay. Kaya naman ganoon nalang nagbago ang kahulugan ng “tokhang” para sa atin. Noong una, ito ay nagpapahayag ng pag-asa para sa isang bansang wala nang gumagamit ng ilegal na gamot, at bagong buhay para sa mga gustong magsimula muli. Ngunit sa isang iglap, napalitan ito ng konotasyon. Ang dating pag-asa ay naging pighati. Ang pangarap ng bagong buhay ay naging pagdurusa dahil sa nakitil na buhay. Ngayon, ang salitang “tokhang” ay punong-puno na ng dugo at luha ng mga taong nabiktima na.
Bakit Dapat “Tokhang”
Sa mga nakalipas na pahina ay nailatag natin kung bakit kwalipikado ang salitang “tokhang” bilang Salita ng Taon. Natugunan naman niya ang mga teknikal na pangangailangan para sa titulo. Pero, hindi lang yan ang dahilan kung bakit gusto kong “tokhang” ang maging Salita ng Taon. Ang pagkakamit ng titulong Salita ng Taon ay makapagbibigay ng isang malaking karangalan sa magwawaging kataga. Kaakibat nito ang kasikatan, na maglalagay sa kanya sa mga pahina ng bawat libro at bibig ng bawat Pilipino bilang isang household term. Ito ang gusto
kong mangyari sa “tokhang”. Gusto ko itong magwagi dahil gusto ko pa itong sumikat. Gusto ko itong magwagi dahil gusto ko itong maimprinta sa bawat pahina ng mga librong ginagamit sa paaralan. Gusto ko itong maalala ng bawat Pilipino. Dahil tayong mga Pilipino ay malilimutin. Sino ba naman ang maglilibing ng isang diktador at kurakot na opisyal ng pamahalaan sa pinakasagradong libingan ng mga tinaguriang bayani ng bansa? Tayong mga Pilipino lang. Hindi tayo natutututo. Kaya ko gustong sumikat ang “tokhang” ay para maalala natin kung gaano ba kabigat ang salitang ito, kung ilang buhay ang nakitil dahil dito. Ang nais ko lamang ay maalala ng mga tao ang salitang “tokhang”, hindi bilang Salita ng Taon, kung hindi isang paalala kung gaano kasalimuot ang pagpatay sa ating kapwa, nang sa gayon ay hindi na ito maulit pa. Ngayong hinubad na ng lobo ang kanyang balatkayo, magbubulag-bulagan pa rin ba tayo?
Mga Sanggunian
"Brigada: Ano ang Oplan Tokhang." 12 July 2016. GMA News TV. Electronic Video. 12 July 2017. Bueza, Michael. IN NUMBERS: The Philippines' 'war on drugs' . 13 September 2016. Electronic Publication. Gonzales, Juni and Fernando Jr. Cabigao. Oplan Tokhang: From Tagging to Killing . Quezon City, October 2016. Electronic Publication. Nations, United. Universal Declaration of Human Rights. n.d. Electronic Copy. Police, Philippine National. Command Memorandum Circular No. 16 - 2016 . Quezon City, 1 July 2016. Electronic Copy. . Tanong – Sagot Ukol sa Sawikaan: Pagpili sa Salita ng Taon. n.d. 12 July 2017. .