SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL NG BSSW SA IKALAWANG TAON NG KOLEHIYO SA PAMANTASANG NORMAL NG LEYTE HINGGIL
SA USAPIN SA PAGBABAGO NG KLIMA,
PANURUANG 2015-2016
________________________________________________________________
Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kagawaran
ng Filipino Kolehiyo ng Sining at Agham
Leyte Normal University
Lungsod ng Tacloban
________________________________________________________________
Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Fil_102:
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
________________________________________________________________
Nina:
Amable, Micah Premne
Barca, Afelyn
Cabello, Camille
Negado, Roland Jade
Ubaldo, Marinel
BSSW 1-1
TFri 7:30-9:00
Marso 2016
Kabanata I
INTRODUKSYON
Sanligan ng Pag-aaral
Ang pagbabago ng klima ay isang malaking suliranin na kinakaharap ng buong mundo. Kahit saan man tayo nandoon, naaapektuhan tayo nito sa iba't ibang aspekto ng ating buhay. Ang klima ay nagbabago at isa sa malaking nakakaapekto sa pagbabagong ito ay dahil sa kagagawan ng tao. Binigyang kahulugan ito ng UNIPCC bilang isang pagbabago sa kalagayan ng klima na matutukoy (hal. sa pamamagitan ng paggamit ng 'statistical test') sa pamamagitan ng pagbabago sa mean at/o variability sa mga katangian nito at namamalagi ito sa mas mahabang panahon.
Ang ating nakagawiang pamumuhay ay nagiging isang sanhi sa paglaki ng greenhouse gases sa ating atmospera. Dahil sa pagkapal ng tinatawag nating greenhouse blanket, hinaharang nito ang init na dapat pabalik na sa kalawakan na nagiging sanhi ng pag-init ng mundo. Naipapakita ang pag-init ng mundo sa pamamagitan ng pagtaas ng mean temperatures, pagtaas ng lebel ng dagat at pagdalas at paglakas ng extreme weather events kagaya ng bagyo, tagtuyot at pagbaha.
Maraming epekto ang pagbabago ng klima, isa na dito ang epekto nito sa mga baybayin at dagat. Ang patuloy na pag-init ng dagat ay dulot ng pagbabago ng klima na nagiging sanhi ng paglakas ng mga bagyo. Ang patuloy na pag-init ay ang pangunahing sanhi ng pagtaas ng lebel ng dagat. Isa ding nagiging sanhi ng pagtaas ng tubig dagat ay ang pagkatunaw ng yelo sa North at South pole. Dahil sa pagtaas na ito ng tubig dagat, nagkakaroon ng tinatawag nating shoreline erosion na nagiging sanhi ng paglubog ng mga low-lying coastal areas. Isa rin sa mga epekto ng pagtaas ng lebel ng tubig dagat ay ang pagtaas ng salinity sa mga tubig tabang na ginagamit para sa pag-inom at agrikultura. Ang coral bleaching ay isa rin sa mga epekto ng pagbabago ng klima sa dagat.
Isa sa mga vulnerable sectors ng mga epekto ng pagbabago ng klima ay ang mga kabataan na hindi pa masyadong nakakapag-ambag sa kasalukuyang problemang ito. Ayon sa pananaliksik na isinagawa ng mga miyembro ng Plan International Youth Ambassadors mula sa Australia, Pilipinas, Vietnam, Indonesia at Nepal noong 2015, mayroong mahigit kumulang isang daan at limampu't libo (150,000) na namamatay kada taon dahil sa pagbabago ng klima nitong huling dekada at tinatayang nobenta porsyento (90%) nito ay kabataan. Ayon sa pananaliksik na isinagawa ng proyektong Child-Centered Climate Change Adaptation (4CA) na Act to Adapt (2013), sinasabing ang epekto ng pagbabago ng klima ay nararanasan na sa mga komunidad sa buong mundo, lalo na sa Asya at Pasipiko.
Ayon sa United Nations University (2010), pito sa sampung bansa sa mundo na mas apektado sa pagbabago ng klima at mga natural na kalamidad ay nasa Asya at Pasipiko. Dahil sa mga natural na kalamidad noong nakaraang dekada, animnapu't limang porsyento (65%) ng mga namamatay sa buong mundo ay mula sa mga rehiyong ito.
Maraming siyentipiko ang naniniwala na ang isang pangunahing dahilan ng problema ay ang mga gawain ng tao, pasimula sa industrial revolution at sa resulta nito na paglakas ng konsumo ng fossil fuel, gaya ng karbon at langis. Ang isa pang dahilan ay ang pagkalbo sa maraming kagubatan. Ang mga kagubatan ang nagsisilbing bagà ng ating kapaligiran dahil ina-absorb ng mga puno ang ilang greenhouse gas na nagpapainit sa globo. Pero dahil kinakalbo ang mga kagubatan, dumarami ang greenhouse gas na naiiwan sa atmospera. Para masolusyonan ang mga problemang ito, nagsaayos ang mga lider ng mga bansa ng mga komperensiya para sa klima.
Isa sa pinakasikat na tumulong sa suliranin ay ang tinatawag na Kyoto Protocol. Ang Kyoto Protocol ay negosasyon ng iba't ibang mga bansa. Isinasaad sa negosasyong ito na ang mga bansa ay kinakailangang magbawas ng kanilang kontribusyon sa paglalabas ng greenhouse gas (tulad ng CO2, N2O, HFC, PFCs at SF6) ng limang porsiyento (5%) sa kontribusyon nung nakaraang 1990 pababa. Ang Kyoto Protocol ay sinang-ayunan at pinirmahan ng isang daan at walumpu't anim (186) na bansa noong taon 2001. At kabilang na rito ang bansang Pilipinas na lumagda noong taon 1997 sa Japan. Subalit ang masaklap nito'y ang bansang may pinakamaraming kontribusyon sa paglalabas ng GHG, ang United States of America, ay tumanggi sa kasunduan na bawasan ang kanilang kontribusyon sa paglalabas ng GHG.
Ang layunin ng komperensiya sa Copenhagen, na tinawag na COP15 o Conference of Parties, ay halinhan ang Kyoto Protocol at gumawa ng bagong mga tunguhin na dapat maabot simula sa taóng 2012. Para malunasan ang problema sa klima, ang mga kinatawan mula sa isangdaan at siyamnapu't dalawang (192) bansa, kasama ang isangdaan at labing siyam (119) na lider ng bansa, ay nagtipon sa Copenhagen, Denmark, noong Disyembre 2009. Napaharap ang COP15 sa tatlong pangunahing hamon: 1.) Bumuo ng mga kasunduang may legal na bisa. Tatanggapin ba ng mauunlad na bansa ang kinakailangang limitasyon sa pagbubuga ng greenhouse gas, at lilimitahan din ba ng malalaking papaunlad na bansa ang pagtaas ng kanilang emisyon? ; 2.) Maglaan ng pondo para sa pangmatagalang solusyon. Kailangan ng papaunlad na mga bansa ng bilyun-bilyong dolyar sa loob ng maraming taon para maharap ang lumulubhang resulta ng pag-init ng globo at makaimbento ng teknolohiya na hindi makasisira sa kapaligiran; at 3.) Magkaisa sa isang sistema kung paano imomonitor ang emisyon. Ang gayong sistema ay makatutulong sa bawat bansa na huwag lumampas sa kanilang limitasyon. Makatutulong din ito para matiyak na ang mga pondong donasyon ay ginagamit nang tama ng papaunlad na mga bansa. (http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102011405)
Noong nakaraang Nobyembre 29 hanggang ika-12 ng Disyembre, 2015 idinaos ang COP21 sa Pransya. Kalahok dito ang humigit-kumulang sampung libo 10,000 kinatawan mula sa isangdaan at siyamnapu't limang (195) bansa, Unyong Europeo, at mga organisasyong di-pampamahalaan. Kabilang sa mga kalahok ang isang daan at apat naputpitong (147) Puno ng Estado at Puno ng Pamahalaan na kinabibilangan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Sa nasabing komperensiya, nagkaroon ng legally binding agreement ang isangdaan at siyamnapu't limang (195) bansa na magbawas ng emisyon na mababagay sa iba't ibang panig. Isa sa mga pangunahing paksa ng Komperensya ay ang pagkontrol sa temperatura ng daigdig na hindi lalampas sa dalawang (2) degree Celsius kumpara noong 1850s, simula ng ikalawang Industrial Revolution.
Isinabatas ng Kongreso ng Pilipinas ang Republic Act 9729, o mas kilala bilang Climate Change Act of 2009. Ang batas na ito ay ginawa ng Climate Change Commission na siyang nangunguna sa paggawa ng patakaran at siyang nakikipag-uganay, monitor at nagtatasa ng mga plano ng gobyerno na may kinalaman sa pagbabago ng klima. Gumawa rin sila ng National Strategic Framework on Climate Change at National Climate Change Plan na inaprubahan noong Nobyembre 25, 2011 at kasalukuyang ipinapatupad sa lokal na lebel sa pamamagitan ng Ecotown Framework.
Layunin ng Pag-aaral
Ang payak na pag-aaral na ito ay may layuning sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
Ano ang saloobin ng mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015-2016, ukol sa usapin ng pagbabago ng klima?
Ano ang pagbabago ng klima para sa mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015-2016?
Anu-ano ang epekto ng pagbabago ng klima sa mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015-2016?
Alin ang may pinakamalaking epekto sa mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015-2016?
Paano nakakaaapekto ang pagbabago ng klima sa buhay ng mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015- bilang isang mag-aaral?
Paano nakakaaapekto ang pagbabago ng klima sa buhay ng mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015- bilang isang mamayan?
Bakit mahalaga na malaman ang pagbabago ng klima?
Ano ang maaring gawin ng mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon, sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015-2016, upang maibsan ang epekto ng pagbabago ng klima?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa mga kabataan at mga mananaliksik dahil ito ay magbibigay sa kanila ng karagdagang impormasyon at kaalaman sa mga kasangkot sa pag aaral na ito.
Mga kinauukulan. Ito ay magbibigay ng kaalaman upang kanilang mabatid ang kasalukuyang lebel ng kaalaman ng mga kabataan sa usapin ng pagbabago ng klima.
Mga guro. Ito ay mag-uudyok sa kanila na mapag-igi pa ang pagtuturo tungkol pagbabago ng klima.
Mga non-governmental organization. Ito ay makatutulong sa kanila upang maintindihin kung anu-ano pa ang mga nararapat gawin upang mas mapalaganap ang kamalayan ng mga mag-aaral sa Pamantasang Normal ng Leyte.
Mga magulang. Ito ay makatutulong upang ipaunawa sa kanila na ang kinabukasan ng kanilang mga anak na mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon ng kolehiyo sa Pamantasang Normal ng Leyte ay walang katiyakan dahil sa pagbabago ng klima.
Mga mag-aaral. Ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa kasalukuyang estado ng ating mundo at kung sa paanong paraan sila maaapektuhan nito.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon lamang na tuklasin ang mga saloobin ng mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon sa Pamantasang Normal ng Leyte tungkol sa usapin sa pagbabago ng klima at anu-ano ba ang pwedeng magawa upang mabigyang solusyon ito.
Depinisyon at Terminolohiya
Global Warming. ang labis na pag-iinit ng mundo
Greenhouse Gasses. hangin na nahaluan ng usok ng sinunog na plastik at hangin nasumusingaw paitaas
Greenhouse Effect. epektong dulot ng greenhouse gasses sa atmospera ng mundo pinanggagalingan nga mga produktong petrolyo.
Greenhouse blanket. materyal na sumasaklaw ng greenhouse frame at gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagpapanatili ng init
Fossil Fuel. pinanggagalingan nga mga produktong petrolyo
UNIPCC. United Nations Intergovernmental Panel on Climate Change
Mean Temperature. ang average na temperatura ng hangin
Extreme weather events. matinding kaganapan sa panahon
Water vapor. tubig singaw
Variability. klimang pabagu-bago
Shoreline erosion. pansamantala o permanenteng pagkawala ng hangin mula sa dagat
Salinity. Ang alat o asin na nilalaman ng isang katawan ng tubig
Livestock raising. pag-aalaga ng mga hayop
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Makikita sa kabanatang ito ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura sa pananaliksik na ito.
Kaugnay na Pag-aaral
Ang pagbabago ng klima ay ang malawakang pagbabago ng panahon o klima sa iba't ibang parte ng daigdig. Ang epekto na pagbabago ng klima ay nadarama natin sa unti-unting pag-init ng mundo na kadalasang tinatawag natin na global warming. Ito ay makikita din natin sa pagkatunaw ng mga glaciers, panunuyo ng lupa, at paglaganap ng tinatawag na climate sensitive diseases tulad ng malaria. (https://page6.wordpress.com/2008/12/08/kaalaman-ukol-sa-climate-change/)
Malinaw sa scientific concensus in climate na mahigit siyamnapu't pito porsyento (97%) ng mga climate scientists ang umayon na ang pagbabago ng klima ay nangyayari na, at ang pangunahing sanhi nito ay ang paggamit ng fossil fuel at ang mga epekto nito ay maaaring lubhang makaperwisyo. Malaking bilang rin ng publiko sa mga bansa ang naniniwala na ang pagbabago ng klima ay totoo at ang malaking kontribyutor dito ay mga kagagawan ng tao. Tsina ang nangungunang kontribyutor sa buong mundo ng greenhouse gases habang pumapangalawa naman ang Estados Unidos. Mula pa noong 1980, ang emisyon kada tao sa Tsina at India ay mas tumaas, ngunit lumiit naman sa Estados Unidos at Europa. (climateinteractive.org/worldclimate, 2015)
Ayon sa pag-aaral, dalawa ang dahilan ng pagbabago ng klima. Una ay ang natural na pagbabago ng klima dahil sa pagsabog ng bulkan, pag-ikot ng mundo, init na nagmumula sa ilalim ng lupa at water cycle. Pangalawa, malaki ang epekto ng mga gawain ng tao sa pagbabago ng klima kagaya ng mga usok na galing sa sasakyan at mga factories, ang pagputol ng mga puno ay nakadadagdag din sa pag-init ng panahon, livestock raising, kaingin, pagtatapon basura kung saan-saan. (Child Centered-Community Based Climate Change Adaptation Project)
Kada taon, isang daan at pitumpu't limang milyon (175,000,000) na mga kabataan sa buong mundo ang naaapektuhan ng mga natural na sakuna. Noong 2014, emergencies at mga sakuna ang naging dahilan ng paghinto ng siyam na milyon (9,000,000) na kabataang babae at lalaki sa pag-aaral. (Sendai Framework: Disaster Risk Reduction).
Ang pagbabago ng klima ay hindi hamon para sa malayong kinabukasan. Ang mga epekto nito ay nararamdaman na ng mga most vulnerable sa buong mundo. Apat napung libo (400,000) na namamatay kada taon ay diretsang kawing sa mga epekto nito. Habang lumalakas ang mga epekto ng pagbabago ng klima, tumataas din ang bilang ng mga namamatay kada taon. Kung hindi matutugunan, magkakaroon ng sobrang kahirapan sa mga mahihirap na bansa kagaya ng Pilipinas pagdating ng taong 2050. Lumalakas ang mga matitinding pangyayari sa panahon at peligro na may kinalaman sa pagbabago ng klima - mula sa pagbaha, bagyo, tagtuyot at tag-init – na nagreresulta ng paghina ng ekonomiya at nagiging sagabal sa pag-unlad ng bansa. Ang pagbabago ng klima ay isyu rin ang pagkamakatarungan para sa kasalukuyang henerasyon at sa iba pang mga henerasyon. Ang mga kabataan ay ang may pinakamaliit na responsibilidad sa pagbabago ng klima pero siyang mas nakararanas ng mga epekto nito (Child-Centered Adaptation: Realizing Children's Rights in a Changing Climate)
Karamihan sa mga siyentipiko sa pagbabago ng klima ay sumang-ayon na ang pinakaunang sanhi ng global warming ay ang pagpalawak ng mga tao ng "greenhouse effect" – ang pag-init ng mundo ay siyang resulta ng pagharang ng atmospera sa init na galing sa mundo patungong kalawakan.
Ang mga tiyak na gas na nasa atmospera ang humaharang ng init na nagpapanatili ng mahabang buhay ng mga gas na ito na siyang nanatili sa atmospera at hindi ito tumutugon sa pisikal at kemikal sa pagbabago sa temperatura at inilalarawan nagpapalala ng pagbabago ng klima. Ang mga gases kagaya ng water vapour na tumutugon sa pagbabago ng temperatura, pisikal at kemikal, ang siyang nakikitang "feedbacks."
Sa ikaapat na assessment report ng IPCC, ang grupo ng isang libo at tatlumpong daang (1,300) independent scientific experts galing sa iba't ibang parte ng mundo na sumusuporta sa United Nations, ay nagkaroon ng kongklusyon na mayroong mahigit nobenta porsyentong (90%) posibilidad na ang gawain sa nakalipas na dalawang daan at limampung (250) taon ang nagpapainit sa ating mundo. (IPCC Fourth Assessment Report, Summary for Policymakers, p. 5)
Ang industriyal na gawain kung saan nakadepende ang ating modernong sibilisasyon ay nagpalaki ng lebel ng atmospheric carbon dioxide mula dalawampung daan at walumpu (280) hanggang apat na raang (400) parte sa bawat isang milyon (1,000,000) sa nakalipas na isang daan at limampung (150) taon. Nagkaroon din ng kongklusyon ang nasabing panel na may mahigit nobenta porsyento (90%) pang posibilidad na ang greenhouse gases ay dahil sa emisyong nagagawa ng mga tao kagaya ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide na naging malaking sanhi sa naoobserbahang pagtaas ng temperatura ng mundo sa nakalipas na limampung (50) taon. Ayon pa sa kanila, ang bilang ng pagtaas ng global warming na resulta ng mga gases na ito ay may malaking posibilidad na siyang pinakaunang naitala sa loob ng sampung libong (10,000) taon o mahigit pa. (B.D. Santer et.al., "A search for human influences on the thermal structure of the atmosphere," Nature vol 382, 39-46)
Ang resulta sa pagbabago sa enerhiya ng araw ay katanggap-tanggap lamang na epekto ng pagbabago ng klima, sa kadahilanang ang araw ang patibayan ng pinagmulan ng enerhiya na nagtutulak ng pagbabago sa climate system. (Gabriele C. Hegerl, "Detecting Greenhouse-Gas-Induced Climate Change with an Optimal Fingerprint Method," Journal of Climate, v. 2281-2306)
Ayon sa mga pag-aaral, ang solar variability ay may malaking parte sa nakaraang pagbabago ng klima. Halimbawa, ang pagliit ng solar activity ay naggiging sanhi ng pagliit ng ice age sa loob ng mahigit kumulang 1650 at 1850, noong tumunaw ang yelo sa Greenland mula 1410 hanggang 1720, ang glaciers ay napupunta sa alps. (V. Ramaswamy et.al., "Anthropogenic and Natural Influences in the Evolution of Lower Stratospheric Cooling," Science 311 (24 February 2006), 1138-1141)
Kaugnay na Literatura
"Kailangang magtulungan ang mga bansa para malutas ang problema sa klima. Sinasabi ng maraming siyentipiko na kung hindi tayo kikilos, lulubha ang tagtuyot at taggutom, at darami ang mangingibang-lugar na magiging dahilan naman ng mas maraming alitan sa mahabang panahon."—Barack Obama, Presidente ng Estados Unidos. (ATTILA KISBENEDEK/AFP/Getty Images)
May batas na tayo laban sa pagbabago ng klima. Ito ay ang R.A. 9729, ang Climate Change Act of 2009. Ang lokal na pamahalaan ang pangunahing ahensya na magsasagawa ng Climate Change Action Plan sa kanilang nasasakupang lugar.
Ayon sa librong Environmental Science: The Ecology of Nature and Ecology of Man (P. 154-155), isa sa mga epekto ng pag-init ng mundo ay ang pagbabago ng klima. Mayroong sapat na mga ebidensiya ng pag-init na kailangang tugunan ngayon ito ay may sa internasyunal, nasyonal at lokal at sa sarili. Ayon pa dito, ang pag-init ng mundo ay nagpapatunay lamang na ang lagay ng panahon bukas ay hindi na natin mahuhulaan at ito'y hindi dapat ipagwalang bahala.
Ayon sa New Book of Knowledge Encyclopedia (2006), ang pag-iinit ng mundo ay dahil sa greenhouse effect. Sinasabi rito na sa pagsunog at paggamit ng fossil fuel ay naisisingaw paitaas ang mga hangin sa atmospera at humahalo sa hangin at natatrap sa atmospera ng mundo. Ang hanging ito ay naiipon at kumakapal na tinatawag na greenhouse gasses. Sinabi pa rito na ang init ng araw ay naabsorba ng mundo at ang iba rito ay kailangang ma-reflect ng mundo upang hindi magdulot ng sobrang init. Dahil na rin sa patuloy na pagkapal ng greenhouse gasses nahaharangan ang ibang init na ito at hindi nanakakalabas ng mundo.
Sinabi rin ni Rob Blackstock (2001), sa kanyang artikulong "A Global Warming Primer", na ilan sa mga hangin na bumubuo ng greenhouse gases ay ang singaw galing sa nag-evaporate na tubig galing sa mga anyo ng tubig, carbon dioxide, methane, nitrous oxide at iba pa. Dahil din daw sa pagdami ng tao kaya marami ding carbon dioxide ang naibubuga paitaas kaya naaapektuhan ang natural carbon dioxide – oxygen cycle. Nakadaragdag din daw dito ang pagkakalbo ng kagubatan at ang paggamit ng fossil fuel na ginagawang mga produktong petrolyo upang mapatakbo ang mga makina at mga sasakyan. At dahil hindi na makayanan ng paunti nang paunting punong-kahoy na sipsipin ang carbon dioxide, ang epekto, kukulangin ang suplay ng oxygen.
"Sa pananaw ng ilang siyentipiko, may sakit ang planetang lupa. Nilalagnat ito. Ayon sa kanila, ang temperatura ng daigdig ay posibleng malapit na sa tinatawag na 'tipping point'—ang delikadong antas kung saan ang bahagyang pagtaas ng temperatura ay puwedeng maging "sanhi ng napakalaking pagbabago sa kapaligiran na lalo pang magpapataas sa temperatura ng daigdig," ang sabi ng diyaryong The Guardian ng Britanya.
Ayon kay Paul Krugman (2012), isang kulumnista ng New York Times, patuloy ang pag-init ng mundo. Kung gusto mong maintindihan kung bakit may kumukontra sa paglutas tingnan ang pinansyal na anggulo. Sinabi rin niya na nahahadlangan ang pagsisikap sa kanilang bansa dahil sa kasakiman at sa kaduwagan ng mga pulitiko.
Ayon sa librong Earth Science (P. 133), ang weather o lagay ng panahon ay ang kondisyon ng atmospera sa isang partikular na oras at lugar habang ang klima naman ay pangmatagalang pagtatanyag sa lagay ng panahon na kadalasang tumatagal hanggang isang dekada.
Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Climate Institute in Washington D.C, ang pagbabago ng klima sa Pilipinas ay magkakaroon ng halatang epekto sa pagtaas ng lebel ng tubig pagdating ng 2070. (The Changing Earth)
Dahil sa sobrang init, mas nagiging makapangyarihan ang mga unos, lumalaki ang bilang ng sunog sa mga kagubatan at napapadalas ang mga baha at tagtuyot. Ang greenhouse gases ang bumabago sa ating klima sa paraang nagbibigay ng madaliang hamon sa mga tao, propriyedad at sa ating ecosystem sa buong mundo. Ngunit ang pagbabago ng klima ay nananatiling abstract na konsepto at malayo pa sa hinaharap na nagiging dahilan ng skepticism at inaction. (Climate Central)
Kabanata III
METODOLOHIYA
Nakapaloob sa kabanatang ito ang disenyo ng pag-aaral, mga respondente, instrumento ng pananaliksik, at instrumentong ginagamit sa pagbuo ng payak na pananaliksik na ito at tritment ng mga datos.
Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang malaman ang mga saloobin ng mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon ng kolehiyo sa Pamantasang Normal ng Leyte hinggil sa usapin sa pagbabago ng klima. Ginamit ang analitik na disenyo sa pangangalap ng datos at impormasyon hinggil sa mga kaugnay na paksa sa pananaliksik.
Mga Respondente
Ang mga piling respondente sa pag-aaral ay ang mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon ng kolehiyo sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015-2016. Sila ang napili bilang mga respodente dahil base sa pananaw ng mga mananaliksik sila ay may sapat na kaalaman hinggil sa pagbabago klima, dahil dito masasagot nila ng maayos at obhektibo ang mga katanungan sa pag-aaral na ito.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Binubuo ito ng walong (8) katanungan na sasagutan ng mga kalahok batay sa kanilang hinuha. Sa madaling salita, ang mga sagot na nakapaloob ay batay sa pananaw, saloobin at kaalaman ng mga mag-aaral ng BSSW sa ikalawang taon ng kolehiyo sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015-2016 tungkol sa pagbabago ng klima. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon sa iba't ibang hanguan sa aklatan, disertasyon, diksyunaryo, pamanahong-papel, at tisis. Kumuha rin ng mga impormasyon sa internet.
Tritment ng mga Datos
Sinuri ng mga mananaliksik ang mga datos sa pamamagitan ng istatistikal percentage, na kung saan, ito ay ginagamit upang malaman kung ano ang saloobin ng mga mag-aaral na kumukuha ng BSSW, sa ikalawang taon, sa Pamantasang Normal ng Leyte, panuruang 2015-2016. Ang pananaliksik na ito ay nasa pamamaraang descriptive-analytic lamang at walang ginawang kritikal na pagsusuri, ito ay tinuturing na panimulang pag-aaral lamang at hindi pangangailangan ng pagtatao ng isang digri. Ang dami o bilang ng mga respondente ang pinagtibayan sa pagsusuri ng porsyento ng bawat system ng bawat aytem sa talatanungan. Madaling malaman ng mga pananaliksik ang katumbas na porsyento sa bawat bilang.
Gamit ang pormulang ito:
P = B/KB x 100
Kung saan:
P = Porsyento
B = Bilang ng mga respondente na sumasagot
KB = kabuuang bilang ng mga kalahok