Elemento at Proseso Ng KomunikasyonFull description
mga halimbawa ng panitikanFull description
elemento ng lipunan
Mga Karaniwang Uri at Halimbawa ng Tayutay.docFull description
FilipinoFull description
Litrato ng Iba't Ibang Uri ng KalamidadFull description
Full description
HEKASI VIFull description
ito ang kimang uri ng panlapi at mga halimbawaFull description
Filipino
Mga uri ng pagsusulitFull description
Uri ng pandiwaFull description
ddd
Dula
EPP IV
pagtatanong
Lesson and worksheet
John Rendon L. Oaña
IX- Mango
Ano ang tula?
Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng t aludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita. Panulaan
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
Mga anyo ng tula
Malayang taludturan
Tradisyonal
May sukat na walang tugma
Walang sukat na may tugma
Mga uri ng tula
Liriko o pandamdaming tula a. Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig, karaniwang malungkot ang paksa; binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may labindalawahing pantig, at ang tradisyon na dulong tugma ay isahan. Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig. b. Dalit/Hymno – karaniwang panrelihoyn, partikular na nakasulat para sa layunin ng pagpupuri, pagsamba o panalangin, at karaniwang ay ipadala sa isang Diyos o isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa at may kahalong pilosopiya sa buhay. c. Elehiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan. d. Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal); nakasulat bilang papuri o inihahandog sa isang tao o isang bagay na nakukuha ng interes ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon. e. Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukurokuro; hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Naratibo o nagsasalaysay - Isang tula na may balangkas. Maaring maikli o mahaba, at ang mga kwuwento ay may kaugnayan sa maaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madarama o makuwento gaya ng mga epiko, balada, idylls at lays.
Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
Padula/Drama
Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa: balagtasan
Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
Balagtasan
Duple
Elemento ng tula
Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
Sukat - bilang ng pantig ng tula.
Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig. Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig. Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma Sining o kariktang - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa. Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
Anyo - porma ng tula.
Tono/Indayog - diwa ng tula.
Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan