SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang mga indibidwal na saklaw ng aming pag-aaral ay tatlumpung (30) working students mula sa University Of Caloocan City bilang taga-tugon ng mga sarbey at kwestyoner upang makakuha ng sapat na datos na kinakailangan sa pananalksik.
-Bilang ng respondante ayon sa kanilang edad at kasarian. -Epekto ng pagtatrabaho habang
-Sarbey at Kwestyoner
Mga Epekto ng Pagtatrabaho sa Magaaral:
-Internet
-Kakapusan sa oras sa pag-aaral
nag-aaral.
-Problemang kalusugan -Mababang marka -Kasiguraduhang sa pera
DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
Karapatan - Mga bagay na dapat matamasa ng isang indibidwal.
Salawikain - Isa sa mga matatalinghagang pangungusap na tago ang ideya.
Working Student - Mga mag-aaral na nagtatrabaho.
Edukasyon - Proseso kung saan ang lipunan ay kusang nagpapadala ng kanyang naipon na kaalaman, kasanayan at mga halaga mula sa isang henerasyon at iba pa.
KAUGNAYAN SA LITERATURA LOKAL NA PAG-AARAL
Libu-libong kabataan ang nag-aaral sa University of Caloocan (UCC), mga iba-iba ang katayuan sa buhay: mahirap, may kaya, at mayaman. Kahit sino ay dito na kumukuha ng kurso, hindi katulad ng dati ay mga kapos-palad ang karamihang nag-aaral. Sa libong mag-aaral ng UCC, ang ilan rito ay naghahanap-buhay. Sa kadahilanang kapos sa pinansyal, gusting kumita ng pera at para sa experience lamang. Ang mga estudyanteng naghahanap-buhay ay hirap sa sabay na gawaing ito. Oras, mentabilidad at pisikal ang mga naaapektuhan ng suliraning ito. Ayon nga sa mga naka-interaksyon naming mga estudyante: “Hindi rin naming kailangan na iwan o talikuran ang isa sa pag-aaral o paghahanap-buhay dahil kailangan namin ito parehas”. Kapag working student ka ay sisikapin mong makapagtapos ng pagaaral, dahil pinahahalagahan mo ang bawat pawis na ibinubuhos mo dito, kaya malaki ang pagkakataon mong makatapos sa pag-aaral dahil sa pagtatrabaho.
DAYUHANG PAG-AARAL
Ang buhay ng estudyante ay maaring maging mahirap. Para sa iba, ito ay madali dahil kailangan lamang nilang mag-aral. Ngunit, hindi ito ang palaging nangyayari. Tulad ko, sa SDSU, maraming estudyante ang nagtatrabaho at nag-aaral ng sabay. Ang pagtatrabaho at pag-aaral ng sabay ay mahirap dahil nga kadalasan ay hindi nagkakaroon ng sapat na oras ang mga estudyante para gawin ang lahat ng kanilang kailangang gawin. Mahirap din na isipin kung ano ba ang dapat nilang unahin na gawin. Sa hirap ng buhay ngayon, marami ang walang trabaho o mga naghahangad na makakuha ng mas magandang trabaho. Kailangan nilang maghanap ng pansamantalang trabaho at sumali sa iba`t ibang samahan o maghanap ng mga kaibigang mayroong koneksyon para makahingi ng tulong. Kung may kilalang tao na maimpluwensyahan, mas madaling makakakuha ng trabaho pero ang karamihan ay hindi maswerteng nakakakilala ng mga ganitong tao. Minsan, halos walang oras magpahinga ang mga estudyante dahil nga nagtatrabaho at nag-aaral sila. At bilang estudyante, siyempre mayroon ka pang mga kaibigan at pamilyang dapat intindihin. Siguradong hihingian ka rin nila ng tulong. Isa pa, mas maraming oras din ang kailangan mo kung ikaw ay makikipag-date pa maliban sa ilang bagay na dapat nating gawin sa weekend tulad ng pagsi-simba, paglilinis ng bahay, at iba pa. Talagang maraming bagay ang dapat gawin ng mga mag-aaral. Para sa iba, mayroon silang prebilehiyo na ituon lamang ang oras sa pag-aaral. Ngunit marami din ang nangangailangan na pagtuonan ng oras ang ibang bagay, katulad ng pagtatrabaho. Ganoon pa man, kahit na mahirap ang mag-aral at magtrabaho ng sabay, sinisikap at pinagbubuti ko ang lahat ng ginagawa ko. Sana nga ma yroon akong mas maraming oras para magawa ko ang lahat na balak ko sa buhay para maging maganda ang aking kinabukasan.
METODOLOHIYA
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang disenyo sa pananaliksik na ginamit ay diretsahang pananaliksik. Ilalarawan sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng pagiging working student at ang mga epekto nito. Ilalahad din ang mga maaring maging solusyon sa mga sanhi na mababanggit o mailalahad ng pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay mayroong eksaktong datos para sa napiling paksa. Ang pag-aaral na ito ay nilaan sa mga estudyante ng University of Caloocan City na kasalukuyang nag-aaral. Gamit ang random sampling , kumuha ang mga mananaliksik ng tatlumpong (30) estudyante na siyang mga respondante sa ginagawang sarbey at kwestyoners para sa pag-aaral. INSTRUMENTO
Ang pag-aaral na ito ay kumalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga sampung (10) katanungan na makakatulong upang malaman ang dahilan ng pagiging working student at ang mga epekto nito sa mag-aaral ng University of Caloocan City.
PAMAMARAAN
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng ilang mga katanungan upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito. Sa pamamaraang ito, nakapanayam ang ilang mag-aaral ng unibersidad upang sagutan ang sarbey kwestyoner. Isinakatuparan ito upang mailahad ng mga respondante ang dahilan ng pagiging working student nila. TRITMENT NG DATOS
Ginamit bilang istatistikong pamamraan sa pagtitimbang at pagbilang ng m ga datos ang pagkuha ng porsyento. Kinuha ang porsyento upang Makita ang kinalabasang gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondante. Ginagamit din ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdang bilang ng mga sumagot, hindi sumagot at magkakamukang sa got sa isang particular na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang nasa ibaba.
P=
100
P= bahagdan o porsyento F= bilang ng sumagot N= kabuuan ng respondent
PRESENTASYON NG DATOS
“Ano ang pinakadahilan ng pagiging working student mo?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong (30) respondanteng working students ng University of Caloocan Cit y batay sa unang tanong ng aming sarbey.
Pinansyal
Iba Pa
Pamilya
Experience
Iba Pa
3%
Experience
35%
Pamilya
27%
Pinansyal
35%
0%
5%
10%
15%
20%
25%
30%
35%
40%
Figure Blg. 1
Sa tatlumpong (30) respondanteng working students, mayroong tatlompu’t limang (35) bahagdan ang nagsasabi na kaya sila pumasok magtrabaho habang nag-aaral ay dahil sa pinansyal na pangangailangan at dahil sa experience o karanasan na kinakailangan sa resumé sa pag-aaply ng trabaho. Ang dalawampu’t pitong (27) bahagdan naman sa respondante ay nagsasabing ng dahil sa pamilya kaya sila nagtrabaho, bilang tulong sa
magulang. Samantala, ang tatlong (3) bahagdan naman ang nagrerepresenta sa iba pang dahilan ng mga working students kaya sila nagtrabaho.
“Sino ang nag-udyok sa’yo na magtrabaho?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlompung (30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikalawang tanong ng aming sarbey.
Iba Pa
10%
Wala
70%
Kaibiga n
10%
Magula ng
10%
0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
80%
Figure 2
Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong pitompung (70) bahagdan ang nagsasabi na walang nag-udyok sa kanila na magtrabaho bagkus ito ay kusang loob. Samantalang nakakuha ng pantay-pantay na bahagdan na sampu (10) ang nagsasabi na ang kani-kanilang magulang, kaibigan at iba pa ang naghikayat sa kanila.
“Ano ang edad mo nang naging working student ka?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong (30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikatlong tanong ng aming sarbey.
19-pataas
10%
17-18
30%
16-17
50%
14-15
10%
0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
Figure 3
Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mas marami ang pumasok sa pagtatrabaho sa edad na labing-anim hanggang labing-pito (16-17) na katumbas ng limampung (50) bahagdan. Tatlompu’t-isang (30) bahagdan naman ang pumasok sa pagtatrabaho sa edad na labing-pito hanggang labingwalo (17-18). Samantalang parehas na sampung (10) bahagdan ang nagsasabing labing-apat hanggang labinglima (14-15) at labing-siyam pataas nang sila ay magtrabaho.
“Ano ang kalimitang oras na pinipili sa pagtatrabaho ng isang working students?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong (30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikaapat na tanong ng aming sarbey.
6-12pm
40%
12-6pm
27%
6-12am
23%
12-6am
10%
0%
5%
10%
15%
20%
25%
30%
35%
40%
45%
Figure 4 Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working student , mayroong apatnapung (40) bahagdan ang nagsasabing mas kalimitang pinipili ng mga working students ang ika-anim ng gabi hanggang ika-labing dalawa ng gabi (6:00PM – 12:00AM). Dalawangpu’t pitong (27) bahagdan naman ang nagsasabi mas kalimitang pinipili ng working students ang ika-labing dalawa ng tanghali hanggang ika-anim ng gabi (12:00PM – 6:00PM). Dalawampu’t tatlong (23) bahagdan naman ang nagsasabing mas pinipili ng mga working students ang ika-anim ng umaga hanngang ika-labing
dalawa ng tanghali (6:00AM – 12:00PM). Habang nakakuha ng sampung (10) bahagdan ang nagsasabing kalimitang pinipili ng mga working students an g ika-labing dalawa ng hating gabi hanggang ika-anim ng umaga (12:00AM – 6:00AM).
“Ano ang madalas na epekto ng pagtatrabaho sa iyong kalusugan?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong (30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikalimang tanong ng aming sarbey.
Iba Pa
5%
Migraine
28%
Kulang sa pagtulog
67%
0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
80%
Figure 5
Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong animnapu’t pitong (67) bahagdan ang nagsasabi na ang kulang sa pagtulog ang isa sa mga naging problema sa kalusugan. Habang dalawampu’t walong (28) bahagdan naman ang nagsasabing nakaranas sila ng migraine dahil sa sabay na trabaho at
pag-aaral. Samantala, ang natitirang limang (5) bahagdan ang nagsasabing nakakaranas sila ng iba pang sakit katulad ng pananamlay at iba pa.
“Nakakatulong ba ang iyong pagtatrabaho sa iyong pag -aaral?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong (30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikaanim na tanong ng aming sarbey.
80% 70% 70%
60% 50%
Oo
40%
Hindi
30% 30%
20% 10% 0%
Oo
Hindi Figure 6
Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong pitompung (70) bahagdan ang nagsasabing nakakatulong sa kanilang pag-aaral ang pagiging working student. Ang nalalabing tatlompung (30) bahagdan naman ang nagsasabing hindi nakakatulong sa pag-aaral nila ang pagiging working student .
“Nagagampanan mo pa ba ang pagiging mag- aaral mo?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong (30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikapitong tanong ng aming sarbey.
80% 70%
73%
60% 50%
Oo
40%
Hindi 30%
27%
20% 10% 0%
Oo
Hindi Figure 7
Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong pitompu't tatlong (73) bahagdan ang nagsasabing nagagampanan pa nila ang pagiging mag-aaral kahit na working student . Ang nalalabing dalawampu’t pitong (27) bahagdan naman ang nagsasabing hindi na nila nagagampanan ang pagiging mag-aaral nila sa kadahilanang working student na sila.
“Naaapektuhan ba ang iyong grado ng dahil sa pagtatrabaho mo?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong (30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikawalong tanong ng aming sarbey.
70% 60%
63%
50% 40% 37%
30%
Oo Hindi
20% 10% 0%
Oo
Hindi Figure 8
Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong animnapu’t tatlong (63) bahagdan ang nagsabing napektuhan ang kanilang grado dahil sa pagtatrabaho. Ang natitirang tatlopu’t pitong (37) bahagdan naman ang nagsabi na hindi naman naaapektuhan ang kanilang gradokahit na nagtatrabaho.
“May mga klase ka na bang hindi napasukan dahil sa iyong trabaho?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong (30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikasiyam na tanong ng aming sarbey.
60%
50% 50%
50%
40% Oo
30%
Hindi 20%
10%
0% Oo
Hindi Figure 9
Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong limampung (50) bahagdan ang nagsabing may mga klase silang hindi napasukan dahil sa trabaho at sa pagod na dala nito. Ang natitirang limampung (50) bahagdan naman ang nagsabi na hindi pa sila lumiban ng klase dahil sa pagtatrabaho.
“Naranasan mo na bang magkasakit dahil sa trabaho?”
Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong (30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikasampung tanong ng aming sarbey.
90% 80%
83%
70% 60% 50%
Oo
40%
Hindi
30% 20% 17%
10% 0%
Oo
Hindi Figure 10
Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong walompu’t tatlong (83) bahagdan ang nagsasabing nagkakasakit sila dahil sa sabay na pagtatrabaho at pag-aaral. At ang nalalabing labing-pitong (17) bahagdan ang nagsasabing hindi pa sila nakakaranas na magka-sakit dahil sa sabay na pagtatrabaho at pag-aaral.
KONGKLUSYON
Batay sa mga nakalap na resulta ng pananaliksik, ang mga nangungunang dahilan kung bakit nagiging working student ang isang mag-aaral ay ang pinansyal, bilang tugon sa tuition fee at iba pang bayarin at bilang tulong na rin sa pamilya. Marahil sa modernisasyon ng panahon kaya nagiging isa sa pangunahing dahilan ng pagiging student ang pagkakaroon ng experience o karanasan sa trabaho, bilang esenyal na ngayon sa paghahanap ng trabaho ang pagkakaroon ng karanasan sa pagtatrabaho. Katulad ng iba pang bagay, ang pagiging working student ay may maganda at masamang naidudulot. Ilan na lamang sa mabuting epekto nito ang pagkakaroon ng sariling pera, karanasan at ang pagiging pagsasanay ng pagtatrabaho para sa magiging kinabukasan ng isang indibidwal. Ilan naman sa masamang epekto nito ay ang hindi pagkakaroon ng balanseng oras sa pag-aaral at pagtatrabaho na nagdudulot ng pagliban sa klase at pagkakaroon ng mababang marka. Isa pang masamang epekto ay ang pagkakaroon ng sakit dahil sa pagiging working student. Maaring lahat ng mga working students nararanasan ang lahat ng epektong ito na maaring magpalakas o magpalagapak sa kanilang karera ng buhay.
REKOMENDASYON
Batay sa mga nakalap na resulta ng pananaliksik, inererekomenda ang mga sumusunod bilang solusyon sa mga nagiging suliranin ng mga working students:
Ang pagkakaroon ng maayos na time management sa oras ng pagpasok sa paaralan at sa trabaho, ay ang kasagutan upang maiwasan ang anumang pagliban sa klase.
Ang pagkakaroon ng schedule sa oras ng pag-aaral tuwing day-off ay isang paraan upang magampanan pa rin ang tungkulin bilang magaaral at makaiwas sa pagkakaroon ng mababa o bagsak na marka.
Ang disiplina sa sarili, sa pagkain, sa pagtulog at i ba pang bagay na may kaugnayan sa kalusugan ay isang paraan upang umiwas sa mga sakit upang magampanan pa rin ang pagiging mag-aaral at nagtatrabaho ng maayos
Ngunit sa bandang huli, nasa kamay pa rin ng working student ang huling pasya. Sa pagkakaroon ng tamang prayoridad ay maari na nilang masolusyonan ang mga Suliraning kinahaharap at kahaharapin pa nila.
TALASANGGUNIAN
https://universityofcaloocancity.wordpress.com/
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/workingstudent.com
The Merriam-Webster Dictionary
http://en.wikipedia.org/wiki/Education
http://en.wikipedia.org/wiki/Education_in_the_Philippines
APENDISE
Ang mga susunod na bahagi ay ang mga sarbey na mismong ginamit sa pagkalap ng mga kinakailangan datos kasama ang mismong sagot ng mga respondanteng working studenst ng University of Caloocan City.