25 Bible Study Lessons
*ATE NESSIE*
PAGHAHANAP AT PAGSUNOD KAY HESUKRISTO
25 Bible Study Lessons
Compiled by Ate Nessie For Cell Groups
Page 1 - 1
25 Bible Study Lessons CONTENTS Introduction A Word to the Bible Study Leaders PAGHAHANAP AT PAGSUNOD KAY HESUKRISTO Lesson
Reference
SINO SI JESUCRISTO? 1 Marcos 2:1-12 2 Juan 1:1-18 3 Colosas 1:15-23 4
Lucas 9:18-26
Title
Ang Apat na Magkakaibigan Si Hesus Ang Salita ng Buhay Si Cristo – Ang Pangulo ng Lahat ng Bagay Kayo Naman Ano ang Sabi Ninyo Kung Sino Ako?
PAGHAHANAP KAY HESUS 5 John 3:1-16 Ipinanganak Na Muli 6 Lucas 15:11-24 Ang Pagbabalik ng Manghihimagsik 7 Lucas 19:1-10 Isang Mandarayang Maniningil Ng Buwis na Nagbago 8 Juan 4:5-26 Ang Tubig Ng Buhay 9 Efeso 2:1-10 Ang Dakilang Kaloob ng Diyos 10 Isaias 53:1-12 Ang Masaklap na Kabayaran ng Kasalanan 11 Mateo 7:13-23 Paghahanap sa Tunay na Daan 12 Mga Gawa 3:11-26 Pinapapanumbalik ng Diyos ang Mga Tao sa pamamagitan ni Jesucristo 13 Mga Gawa 10:30-48 Natagpuan ng Lalaking May Takot sa Diyos ang Tagapagligtas
Page 1 - 2
*ATE NESSIE* PAGSUNOD KAY JESUS 14 Gawa 2: 41-47 Paglalagay ng mga Pundasyon 15 Juan 15:1-11 Ang Pamumunga 16 Colosas 1:1-14 Ang Panalangin ni Pablo para sa Mga Bagong Kristiyano 17 Marcos 4:1-9 Ang Buod ng mga Pangyayari 18 1 Pedro 1:3-9 Ang Bagong Buhay 19 Lucas 14:25-33 Mga Hadlang sa Pagiging Tunay Na Tagasunod 20 Lucas 11:1-13 Bakit Hindi Sinasagot Ang Mga Dalangin Ko? 21 Mateo 4:1-10 Ang Pakikipaglaban Araw-Araw 22 Hebreo 12:1-14 Ang Pagdidisiplina ng Ama 23 Kawikaan 3:1-12 Mga Gabay sa Pamumuhay Na Maka-Diyos 24 1 Juan 1:1-2:2 Pamumuhay sa Liwanag 25 Colosas 3:1-17 Ang Bagong Lipunan ng Diyos MGA DAHONG DAGDAG 01 Ang Pagkasi At Ang Awtoridad ng Banal na Kasulatan 02 Ang Pagpapaliwanag ng Daan ng Kaligtasan 03 Pagkatuto at Pamumuhay ng Buhay-Kristiyano MAHAHALAGANG BALANGKAS 01 Mga Pag-aaral sa Biblia para sa pagtuturo ng Ebanghelyo 02 Pangunahing Doktrina 03 Ang Pamumuhay-Kristiyano
25 Bible Study Lessons A WORD TO THE BIBLE STUDY LEADERS 1. Principles of Bible Study: The outlines contained in this study guide are intended for use in a small group discussion setting. It uses the inductive Bible study method as follows: · Observation: A careful look at what the Bible actually says. We ask questions like who, what, where, when, how, etc. · Interpretation: After observing the passage carefully, we try to understand what it means. We ask questions like, “Why did he say that?”; or “What is the significance of this action?” etc. · Application: Having understood what the Bible says and what it means, we should learn how to apply it to our lives. Unless we let the Word of God affect our attitudes and our daily lives, all our efforts will have been wasted! 2. Your Use of the Guide: As a wise leader you should regard the guide as a servant, not a master. First, make the study your own, hearing God speak to you and your situation. Then prepare with the group in mind. The questions should never be used mechanically, but flexibly. They are intended to stimulate thoughtful, personal investigation of the Bible. You should feel free to adapt the questions to the group‟s level and needs. Reword them to suit your personality, using your own dialect if possible.
*ATE NESSIE* a. Have the Bible portion read silently by the group. Then have it read aloud by paragraphs. The reading aloud should be done by paragraphs, or thought units, and not verse by verse. Then discuss the questions regarding the paragraph. It is not necessary for everyone to read aloud, or for each person to read an equal amount. b. Good Bible study leaders are not lecturers or preachers. They are more like shepherds who guide their flocks to green pastures to feed for themselves. So don‟t talk too much as a leader. The discussions should move back and forth between members. c. Encourage everyone to contribute to the discussion. Ask questions like, “What do the rest of you think? “ or “Is there anything else that can be added/?” d
e. Don‟t be afraid of pauses or periods of silence. People need time to think through the meaning of the passage. Rephrase your questions if the pause is too long. Perhaps they do not understand what you are asking. f.
3. How to Lead the Bible Study: (Adapted from Neighborhood Bible Studies by M. Kunz and C. Schell)
Page 1 - 3
One of your basic responsibilities as leader is to watch that this discussion is based on the text. If it is based on subjective opinion only, you could refer members beck to the Bible by asking, “Where did you find that in our passage? “
Watch quiet and shy members who, through their facial expression or by the way they sit, express that they have something to say. Give them a nod or call their name to encourage them to speak.
25 Bible Study Lessons g. Discourage monopoly of the discussion by one or two talkative members by specifically directing the questions to other members of the group. h. Throughout the study seek to maintain an atmosphere of love and openness, expectancy to learn from God, and humility to learn from each other. At the end it is good to give a short, clear conclusion, summarizing the message of the passage and its relevance to the group. 4. Prayer Throughout: Do not presume upon God‟s help, even though it is true that He is more eager than we that we understand His Word. Prayer opens up our lives to Him personally and directly. Prayer for our friends helps to bring divine wisdom in how to relate and communicate Jesus Christ to them.
Page 1 - 4
*ATE NESSIE*
SINO SI JESUCRISTO?
Lesson 1: Ang Apat na Matatapat Na Kaibigan
Lesson 1: ANG APAT NA MATATAPAT NA KAIBIGAN Marcos 2:1-12 Pangunahing Paksa: Ang pagkakilala kay Jesucristo na Siyang umaaring-ganap sa atin. Panimula: a) Basahin muna ang bahaging pinag-aaralan. Isipin mong naroon ka! Pagkatapos ay umuwi ka upang magbalita sa isang kaibigan. Paano ninyo ilalarawan ang nangyari? b) Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan: Hilingin ninyo sa Pangkat na magbahagi ng ilang katotohanan tungkol kay Jesus. Paano tayo nakakaalam? Nakakatiyak ba tayo? Ang Tagpo: 1. Sinu-sino ang iba‟t ibang pangkat ng mga tao rito (2,3,4,6)? 2. Paano ninyo ilalarawan ang iba‟t -iba nilang saloobin at hangarin? Ano ang inyong saloobin kay Jesus? 3. Kung pisikal na naririto si Jesus (naririto Siya sa Espiritu) ano ang pinakananais ninyong gawin Niya para sa inyo? Ang Apat na Kaibigan: 1. Ano ang natututuhan natin tungkol sa apat na lalaki (35)? 2. Bakit kaya ganoon na lamang ang pananalig nila kay Jesus?
Page 1 - 1
3. Ano ang katibayan ng kanilang pananalig? 4. Paano natin maipakikita ang ating pananalig kay Jesus? Si Jesus: 1. Anong pang-akit mayroon si Jesus sa mga tao (v2)? Bakit? 2. Ano ang unang ginawa ni Jesus sa lalaking may sakit (v5)? Bakit? 3. Ano ang iminumungkahi nito na dapat nating unahin kaugnay ng ating mga pangangailangan? 4. Sa anu-anong paraan tayo nakakatulad ng lalaking lumpo? (Isipin ninyo ang inyong mga pangangailangan at kawalan ng kakayahan). 5. Bakit nakapukaw ng pagtutol ang pagpapatawad ni Jesus sa lalaki (v7)? 6. (Tingnan ang v9) Alin sa palagay ninyo ang “lalong madaling sabihin”? 7. Ano ang pinatunayan ni Jesus tungkol sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpapagaling sa lalaking lumpo (v10)? 8. Ano ang natututuhan natin tungkol sa kaalaman ni Jesus tungkol sa atin (v5, 8)? Pagwawakas: Pag-usapan ang bisa ng pakikipagtagpong ito kay Jesus sa iba‟t ibang taong kasangkot: sa karamihan, sa mga eskriba, sa apat na magkakaibigan, sa lumpo. Anong bagong kaalaman ang natutuhan ninyo tungkol kay Jesus sa pag-aaral na ito? Tingnan uli ang v5, 8, 10 at 11.
Lesson 2: Si Jesus Ang Salita Ng Buhay
Lesson 2: SI JESUS ANG SALITA NG BUHAY Juan 1:1-18 Pangunahing Paksa: Upang kilalanin si Jesucristo bilang Diyos Anak at Tagapamagitan natin para makilala natin ang Diyos Ama. Panimula: Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan: Ano ang pagkakaunawa mo sa kaugnayan ni Jesus sa Diyos Ama? Ano ang batayan mo ng iyong pananalig? Ang Salita ng Diyos (v1-5) 1. Sino/Ano ang Salita (1)? 2. Bakit si Jesucristo ay tinawag na ang Salita? Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa Kanyang kalikasan at layunin? 3. Anu-anong tatlong mahahalagang katotohanan tungkol sa Kanya ang nakikikta sa v1,2? Paano maiuugnay ito sa sagot ninyo sa panimulang tanong? 4. Anon ang natutuhan ninyo tungkol kay Jesucristo kaugnay ng Paglalang (v3)? At kaugnay ng Buhay (v4)? 5. Ano ang palagay ninyo ang ibig sabihin ng “ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan” (v4). Tingan din ang Juan 8:12.
Page 2 - 1
SINO SI JESUCRISTO? Ang Patotoo ni Juan (v6-8) 1. Sino ang Juang ito? Anong klase syang tao (v6)? 2. Bakit sinugo ng Diyos si Juan (v7,8) tingnan din ang v21-23)? 3. Sa paanong mga paraan natin matutularan ang halimbawa ni Juan (v7)? Ang Gawain ni Cristo (v9-13) 1. Bakit naparito si Jesus sa sanlibutan (v9)? 2. Anong nangyari noong dumating Siya (v10,11)? 3. Anong nangyari doon sa mga “tumanggap” sa Kanya (v12, 13) 4. Ano ang ibig sabihin ng pagiging anak ng Diyos (v12)? Tingnan din ang Juan 3:5-6 5. Paano natin Siya “matatanggap”? Tingnan ang Efeso 3:17 at Pahayag 3:20. Ang Pagiging Kamangha-mangha ni Jesus (v14-18) 1. Ano ang ibig sabihin ng “naging tao ang Salita” v14? 2. Paano nakita ang Kanyang kaluwalhatian (v14)? 3. Ano ang dinala ni Jesus sa atin (v16,17) 4. Ano ang kaibahan ng pag-ibig sa kautusan sa ating kaugnayan sa Diyos? (Sa kautusan, ang unang-unang hinihingi ng Diyos sa atin ay ang ating pagsunod – saka lang Niya tayo pagpapalain. Sa pag-ibig – lumalapit Siya sa ating mga makasalanan – at binibigyan Niya tayo ng kakayahang sumunod) Pagwawakas: Ibahagi sa iba ang mga bagong bagay na natutuhan mo tungkol kay Jesus sa pa-aaral na ito.
Lesson 3: Si Cristo – Ang Pangulo Ng Lahat Ng Bagay
Lesson 3: SI CRISTO – ANG PANGULO NG LAHAT NG BAGAY Colosas 1:15-22 Pangunahing Paksa: Upang ipakita ang kadakilaan ni Cristo, na Siyang karapatdapat na pag-ukulan natin ng ating buong pagsamba. Panimula: Isipin ninyo ang ilan sa mga makapangyarihang lalaki sa ating kapanahunan: Ang Pangulo ng Estados Unidos, ang mga namumuno sa Rusya, Tsina at ang mga nangunguna sa ating sariling bansa. Paano sila maihahambing sa kapangyarihan at impluwensya ng karpinterong ipinanganak sa Nasaret may 2,000 taon na ang nakalilipas? Sa mahalagang bahaging ito, makikita natin si Jesus sa Kanyang apat na pakikipag-ugnay. Si Jesus – Jesus – at at ang Diyos Ama (v15, 19) 1. Ano ang kaugnayan ni Jesus sa Diyos (v15)? 2. Ano ang mahalagang kalikasan ni Jesus kung Siya ang larawan ng Diyos? Tingnan din ang v19, kapitulo 2:9 at Juan 10:30. 3. Gaanong katangian ng Diyos ang nahayag kay Jesus (v19)? Pansinin : Ginagamit ng ilang sekta ang talatang 15 upang ipakitang si Jesus ay bahagi ng nilikha, kayat hindi tunay na Diyos, NGUNIT (a) Sinasabi ng talatang ito na Siya ang panganay, ang unang ipinanganak (hindi Siya nilalang);
Page 3 - 1
SINO SI JESUCRISTO? (b) Ipinakikita ng 1:19 at 2:9 na Siya‟y Diyos; (c) Ipinakikita ng talatang 16 na Siya ang lumikha ng lahat. (d) Totoo ngang sa Kanyang pagkakatawang-tao ay nakisama Siya sa mga nilalang at inihandog Niya ang Kanyang sarili para sa pagtubos ng sangkatauhan. Sa ganito, Siya‟y na ging panganay ng lahat ng nilalang. Tingnan din ang mga Bilang 3:13. 4. Kung Diyos si Cristo – ano ang dapat nating maging pagtanggap sa Kanya? Si Jesus – Jesus – at at ang Nilikha (v16,17) 1. Anu-anong bahagi ng Nilikha ang ginawa sa pamamagitan Niya at para sa Kanya? Tingnan din ang Juan 1:13. 2. Ano ang kahalagahan ng “mga bahagi” ng nilikha na binanggit (v16)? 3. Ano ang kahulugan ng ang lahat ng bagay ay nilikha a) Sa pamamagitan Niya; b) Para sa Kaniya (v16)? 4. Ano ang kasalukuyang kaugnayan ni Cristo sa Nilikha (v17)? Tingnan din ang Hebreo 1:3. 5. Ano ang nagiging impluwensiya ng mga katotohanang ito (lalo na ang “b” sa itaas) sa ating salo obin tungkol sa kalikasan – sa ating pagpapahalaga sa kagandahan nito; sa ating paggamit ng mga kayamanan nito; at sa ating pananagutan dito? Si Jesus – Jesus – at at ang Iglesya (v18) 1. Ano ang “katawan”? Ano ang kaugnayan si Jesus sa Iglesya (v18)? 2. Ano ang nagiging impluwensya nito sa saloobin natin
Lesson 3: Si Cristo – Ang Pangulo Ng Lahat Ng Bagay sa ating kapuwa mananampalataya? Tingnan din ang Mateo 23:8-12. 3. Paano naging “unang nabuhay na muli” si Cristo? Ano ang ibig sabihin nito doon sa mga kabilang sa Kanyang Iglesya? Si Jesus – Jesus – at at ang Sanlibutan (v20-22) 1. Ano ang dakilang layunin ng pagparito ni Cristo sa sanlibutan (v20)? 2. Paano Niya ito ginawa (v20)? 3. Ano ang kalagayan ng mga taong hindi pa ligtas (v21)? 4. Ano ang nais ng Diyos para sa atin ngayon (v22)? Pagwawakas: Ikaw ba‟y “kaaway” (v21) o “kaibigan” ng Diyos (v22)? Ano ang dapat nating maging pagtanggap sa “pinakadakila sa lahat”?
Page 3 - 2
SINO SI JESUCRISTO?
SINO SI JESUCRISTO?
Lesson 4: Kayo Naman, Ano Ang Sabi Ninyo Tungkol Sa Akin!
Lesson 4: KAYO NAMAN, ANO ANG SABI NINYO KUNG SINO AKO? Lucas 9:18-26
5.
6.
Pangunahing Paksa: Upang ipahayag na si Jesus ang Cristo – ang Panginoon at Tagapagligtas ng sangkatauhan. Panimula: Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan: ipagpalagay mong isa kang Judio noong panahon ni Jesus; nabalitaan mo ang Kanyang mga himala at pagpapagaling; nakinig ka sa Kanyang mga pagtuturo. Ano ang iisipin mo tungkol sa Kanya? Ano ang palagay mo tungkol sa Kanya ngayon? Bakit? Si Jesus ang Cristo (v18-22) 1. Ang mga tao noong panahon ni Jesus ay nag-iisip kung sino Siya. Ano ang sabi nila tungkol sa Kanya (v19)? 2. Bakit ganito ang sinabi nila? a. Pansinin: (a) Pinapugutan ni Herodes ng ulo si Juan Bautista. May mga nagsasabing muli siyang mabubuhay. b. Sa huling bahagi ng Matandang Tipan, hinulaang si Elias ay muling mabubuhay (Malakias 4:5) 3. Inulit ni Jesus ang tanong sa Kanyang mga alagad (v20). Bakit napakahalaga noon? (Tingnan ang Juan 8:24 at 14:6). 4. Ano sa palagay mo ang naghanda kay Pedro para maibigay ang tamang sagot (v20)? Tingnan ang nauuna
Page 4 - 1
7. 8. 9.
at sumusunod na talata, v16, 17, gayon din ang Mateo 14:28-33 at Mateo 16:17. Ano ang kahulugan ng “Cristo”? (Ang ibig sabihin nito ay “ang pinahiran” o ang tanging sugo at kinatawan ng Diyos). Bakit ipinag-utos sa kanila ni Jesus na huwag nila itong ipagsabi kahit na kanino (v21)? Pansinin: Ang hinihintay ng mga Judio ay isang Cristo o Mesias na pulitiko na magiging hari nila at magsasauli sa bansa sa kapangyarihan. Ano ang pagkakaunawa ni Jesus mismo sa Kanyang kahihinatnan (v22)? Paano Niya nalaman ang mga bagay na ito? Tingnan ang Lucas 24:44-46. Ano ang pinatunayan sa atin tungkol kay Jesus ng pagkakatupad ng hula?
Ang Pagsunod Kay Cristo (v23-26) 1. Narito ang hamon sa pagsunod. Kanino ito sinasabi (v23)? 2. Ano ang ibig sabihin ng “limutin” ang sarili (v23)? Anu-ano ang bahagi ng pamumuhay ninyo nasusumpungang mahirap ito gawin? 3. Ano ang ibig sabihin ng “pasanin ang (iyong) krus araw-araw”? Anu-anong mga pangyayari ang maari nating kaharapin na natutukso tayong “lumusot” sa halip na maging tapat kay Cristo? 4. Kung tunay na sumusunod tayo sa Kanya, ano ang may pagkakatiwala nating maaasahan sa Kanya (v24)? Tingnan ang Juan 14:21 at 23. 5. Ano ang tunay na kahulugan ng “magligtas” o “mawawalan” ang iyong buhay (v24)? 6. Ano kung gayon ang higit na mahalaga: ang lahat ng
Lesson 4: Kayo Naman, Ano Ang Sabi Ninyo Tungkol Sa Akin! kayamanan at kapangyarihan sa mundo o ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa? Paano natin maipakikita ang katotohanang ito sa ating mga pamumuhay (v25)? 7. Paano tayo natutuksong “ikahiya si Cristo at ang Kanyang Salita” (v26)? 8. Ano ang makatutulong sa atin upang huwag tayong mahiya (v26)? Tingnan din ang Mga Gawa 4:31.
Pagwawakas: (Para sa sariling pagbubulay-bulay) Si Jesucristo – ang Dakilang Lalaki? O Tagapagligtas at Panginoon ng aking buhay?
Page 4 - 2
SINO SI JESUCRISTO?
Lesson 5: Ipinanganak na Muli
Lesson 5: “IPINANGANAK NA MULI!” John 3:1-16 Pangunahing Paksa: Upang ipakitang kailangan natin ang Bagong Buhay upang makapunta tayo sa langit. Panimula: Ang salitang “ipinanganak na muli” ay pangkaraniwan ng ginagamit sa mga kalipunan ng mga mananampalataya ngayon. Ano ang kahulugan nito para sa iyo?
DISCUSSION Si Jesus at si Nicodemo (1,2) 1. Anong klaseng tao si Nicodemo (v1)? Pansinin: Ang mga pariseo ay “mahihigpit” na mga Judio, “napaka relihiyoso” , malaki ang malasakit na mapanatili at maipatupad ang lahat ng kaliit-liitang bahagi ng kautusan. 2. Bakit kaya gabi nang pumunta siya kay Jesus (v2)? 3. Bakit kaya maraming tao ngayon ang nahihiya at ayaw pang mag-aral ng Biblia at lumapit kay Hesus? 4. Ano ang palagay ni Nicodemo tungkol kay Hesus (v2)? Tama ba siya? Si Hesus at ang Kaharian (3-10) 1. Ano ang kahariang binabanggit ni Hesus? (tingnan ang Mateo 6:10). Pansinin: Yaong mga napasasakop kay Cristo, ang Hari, ay papasok sa kaharian ngayon. Sa kasalukuyan, “hindi pa ito nahahayag”, balang araw, ito‟y
Page 5 - 1
Paghahanap Kay Hesus mabubunyag. 2. Ano ang kinakailangan upang tayo‟y pagharian ng Diyos (vv 3, 5)? 3. Ano ang ibig sabihin ng “ipinanganak na muli” o “ipinanganak mula sa itaas”? (tingnan ang v6). Pansinin: Tayo‟y may buhay sa laman, ngunit sa likas, tao‟y patay sa espiritu – tingnan ang Juan 5:24. 4. Ano ang kinakailangan natin upang makatanggap tayo ng bagong espiritwal na kapanganakan ito (v5)? 5. Ano ang kahulugan ng “ipinanganak sa tubig”? Tingnan ang Efeso 5:26 at ihambing ang 1 Pedro 1:23. Pansinin: Ang bautismo ay larawan o simbolo lamang ng pagsisi at pagtanggap ng kapatawaran. 6. Paano tayo “ipinapanganak sa Espiritu” at nagiging mga anak ng Diyos? Tingnan ang Juan 1:12. Pansinin: Ihambing ang Roma 8:9-11 para sa mas buong paliwanag. paliwanag. Ang “Espiritu ng ng Diyos”, at ang ang “Espiritu ni Cristo” ay ginagamit na magkasingkahulugan sa mga talatang ito. 7. Si Nicodemo ay “guro ng Israel” (v10) at dapat na nakaalam nang ilan sa sa mga bagay na ito. Tingnan ang Ezekiel 36:25-27. Si Jesus at ang Krus (vv14-16) 1. Dapat na linisin ang tao sa kasalanan, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na pumasok sa kanya upang bigyan siya ng bagong buhay. Ano ang kailangan bago ito mangyari (vv14, 15)? 2. Ano ang espiritwal na kahalagahan (at inilalarawan ni Cristo sa krus) ng ginawa ni Moises (v14). Tingnan ang mga Bilang 21:6-9. 3. Paano ipinahayag sa atin ang pag-ibig ng Diyos sa mga makasalanan? (v16)
Lesson 5: Ipinanganak na Muli
4. Ano ang bunga ng hindi pananampalataya kay Cristo (v16)? 5. Ano ang tunay na “pagsampalataya” “pagsampalata ya” (v15, 16 at ihambing ang Juan 1:12)? 6. Ano ang ibig sabihin ng tunay na “pagtanggap” kay Cristo (Juan 1:12,13)?
PAGWAWAKAS
Maari kang “ipanganak na muli”, papasok ka sa Kaharian ng Diyos at tatanggap ng Buhay na Walang Hanggan ngayon, kung magsisis ka sa iyong kasalanan, na umaasa at nagtitiwala kay Jesus bilang iyong Tagapasan ng kasalanan at Tagapagligtas. Tanggapin mo Siya ngayon, “ipinananganak ka ng Espiritu” sa pagsuusuko mo nang buong -buo kay Cristo, ang karapat-dapat mong maging Hari at Panginoon.
Page 5 - 2
Paghahanap Kay Hesus
Lesson 6: Ang Pagbabalik ng Manghihimagsik
Lesson 6: ANG PAGBABALIK NG MANGHIHIMAGSIK Lukas 15:11-24 Pangunahing Paksa: Masayang tinatanggap ng Diyos Ama ang makasalanang nagsisisi at nagbabalik-loob ng buong puso sa Kanya. Panimula: Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan: Magkwento ka! May isang binatang lumuwas sa Maynila upang mag-aral sa Kolehiyo. Pinadadalhan sya ng perang kailangan niya ng kanyang mga magulang; ngunit napasama siya sa masamang barkada. Nilustay niya ang pera at hindi siya nakatapos ng pag-aaral. Hindi na siya siya sumulat sumulat man lamang sa kanila. Ano ang mararamdaman ng kanyang mga magulang? Ano ang dapat niyang gawin kung nais niyang umuwi sa kanyang mga magulang? Ngayon, basahin ninyo ang bahaging pinag-aaralan natin. Bakit ito ikinuwento ni Hesus? DISCUSSION A. Ang Ama at ang Anak 1. Bakit kaya gusto ng anak na umalis sa sa kanila? 2. Ano ang dala niya (v12, 13)? 3. Ano ang naging saloobin niya sa sa kanyang ama? 4. Ano ang naging damdamin ng Ama noong umalis siya? Dapat kayang pinigil siya ng kanyang Ama sa pag-alis? 5. Paano niya inubos ang kanyang mana (v13)? B. Ang mga Alibughang Anak Ngayon! 1. Paano tayo makakatulad ng alibughang anak? Page 6 - 1
PAGHAHANAP KAY HESUS Pansinin: “Relihiyoso” man tayo – sa kaibuturan ng ating mga puso, gusto nating tayo ang masunod sa ating buhay, mamuhay ng ayon sa gusto natin, bigyan ng kasiyahan ang ating mga sarili, maging malaya. 2. Ano ang ibinigay ng Diyos sa atin? Paano tayo nakakatulad ng anak sa ating paggamit ng lahat ng mabubuting kaloob ng Diyos sa atin? 3. Ano kaya ang damdamin ng Diyos sa ating inaasal? 4. Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa kasalanan? Ano ang pinakamasamang kasalanan? (Tingnan ang Mateo 22:36, 37) 5. Mula sa halimbawa nitong anak na ito (vv14-16), ano ang maasahan nating mangyari kung magsikap tayong mamuhay nang “Malaya” at walang pakundangan sa Diyos? Pagsisisi at Kapatawaran 1. Ano ang nagbunsod sa anak upang magbalik sa ama (v16,17)? 2. Ano ang inamin niya tungkol sa kanya (v18,19)? 3. Ano ang saloobin ng ama sa anak niya (v20)? Ano ang ginawa niya (v20, 22)? 4. Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa Daan ng Kaligtasan? 5. Ano ang dapat nating gawin kung gayon upang tanggapin tayo ng Diyos Ama?
Lesson 6: Ang Pagbabalik ng Manghihimagsik Pagsasauli at Pagpapala 1. Anu-ano ang mga apat na bagay na inihanda ng Ama para sa anak (v22, 23)? Balabal – larawan ng paglilinis at bagong buhay (tingnan ang Isaias 61:10). Singsing – tulad ng singsing pagkasal; simbolo ng walang hanggang pag-ibig at pagkakaisa. Sapatos – simbolo ng anak ng tahanan – mga alipin ay nakatapak. Handaan – simbolo ng nanauling pagsasama at pagpapala. 2. Ano ang kahulugan at kahalagahang espiritwal ng v24?
PAGWAWAKAS Hamunin mo ang mga miyembro ng pangkat, kung handa na , na magbalik sa Ama nang may buong-pusong pagsisisi at pagpapasakop. Na magbago tayo ng “landas” tanggapin si Cristo (tingnan ang Juan 1:12) at sumunod tayo sa Kanya.
Page 6 - 2
PAGHAHANAP KAY HESUS
Lesson 7: Isang Magdarayang Maniningil ng Buwis Na Nagbago
Lesson 7 ISANG MAGDARAYANG MANININGIL NG BUWIS NA NAGBAGO Lucas 19:1-10 Pangunahing Paksa: Upang ipakita kung ano ang tunay na pagsisisi, at kung paano ito nagbubunga ng kaligtasan. Panimula: Bago basahin ang bahaging pag-aaralan, talakayin ang ibig sabihin ng “magsisi”?
TALAKAYAN A. Dumating Si Hesus Hesus Sa Bayan 1. Sinu-sino ang mga taong binabanggit sa sa kasaysayang ito? ( 1-3)? 2. Anong klaseng tao si Zaqueo (2, 3)? Pansinin: Bantog ang mga maniningil ng buwis sa kanilang pandaraya at kinapopootan sila dahil sa kanilang pakikipagsabuwatan sa mga mananakop na sundalong Romano. Tingnan ang talatang 7. 3. Ano ang ambisyon ni Zaqueo sa buhay (v2)? 4. Ano ang inyong pangunahing ambisyon o naisin sa buhay? 5. Anong mabuting bagay ang nakikita kay Zaqueo (v3)? 6. Bakit kaya gustong gusto niyang Makita si Hesus? 7. Kung makakatagpo mo si Hesus ngayon, ano ang hihilingin mong gawin Niya para sa iyo? 8. Anu-anong bagay ang nakapagpahirap kay Zaqueo para
Page 7 - 1
PAGHAHANAP PAGHAHANAP KAY HESUS Makita niya si Hesus (vv3, 7)? 8. Ano-anong mga hadlang sa tunay na pagsunod kay Hesus ang maari nating asahang maranasan ngayon? B. ANG PAGTATAGPO 1. Ano ang madalas na saloobin ng tao sa mga “makasalanan” at kinasusuklaman (7)? Paano ito maihahambing sa saloobin ni Hesus (vv 5, 10)? 2. Paano kaya nalaman ni Hesus ang mga bagay-bagay bagay-bagay tungkol kay Zaqueo – maging ang kanyang pangalan (v5)? Ano ang sinasabi nito tungkol kay Hesus at sa iyo? 3. Ano ang naging epekto kay Zaqueo ng pakikipagkitang ito kay Hesus (v8)? 4. Ano ang ibinigay ni Zaqueo Zaqueo bilang katibayan ng kanyang pagbabagong loob (v8)? (o pagbabago ng puso)? 5. Ano ang sinasabi nito sa sa ating tungkol sa tunay na pagsisisi? Isipin: Anu-anong mga pagbabago ang hinihingi ni Hesus sa inyong buhay? C. ANG KALIGTASAN 1. Ano ang naging bunga ng pakikipagkita ni Zaqueo kay Hesus (vv 9, 10)? 2. Ano ang ibig sabihin ng “kaligtasan”? 3. Paano kung gayon ipinakikita ng kasaysayang ito kung paano naliligtas ang isang tao? PAGWAWAKAS Nagsisi ka na ba ng tunay? Naisuko mo na bang tunay ang lahat kay Cristo upang mailigtas ka Niya?
Lesson 8: Ang Tubig Ng Buhay
Lesson 8: ANG TUBIG NG BUHAY Juan 4: 5-26
PANGUNAHING PAKSA: Si Jesucristo lamang ang nakapagbibigay ng tunay at walang hanggang kasiyahan kasiyahan sa Buhay. Panimula: Ito ay kasaysayan ng isang babaing pumunta sa balon upang umigib. Talakayin: Anu-ano ang ilan sa mga bagay na pinakananasa (kinauuhawan) natin sa buhay? TALAKAYIN: A. Nakatagpo ni Hesus ang Isang Babaing Nangangailan (vv 5-9) 1. May inihahandog na Buhay na Walang Hanggan si Hesus ! (v14) Ano ang napapansin ninyo tungkol sa pakikipag-usap Niya sa babaing ito (v7)? 2. Ano ang nakapagtataka sa Kanyang pakikipag-usap? 2.1 Tingnan ang talatang 9. 2.2 Ang isang Judio ay hindi nakikipag-usap sa isang babae sa labas ng kanyang tahanan. 2.3 Narito ang Banal na Anak ng Diyos na nakikipag-usap sa isang makasalanan! 3. Ano kung gayon ang natutunan natin tungkol kay Hesus? (Tingnan ang Juan 3:17).
Page 8 - 1
PAGHAHANAP KAY HESUS B. Naghahandog si Hesus ng Tubig na Buhay (v 10-15) 1. Maaaring umigib ng tubig ang babae sa balon para sa kanyang pangangailangan, ngunit may higit na mahalagang bagay na inaalok si Hesus, ano iyon (v10)? 2. Ano ang “Buhay na Walang Hanggan”? (Tingnan ang Jua n 10:27 at 17:3). 3. Ano ang pagkakaiba ng tubig sa balon at ng tubig na inihahandog ni Hesus (vv 13, 14)? 4. Ano sa palagay mo ang kailangan upang bigyang kasiyahan ang “pagkauhaw” na iyon sa puso ng tao? C. Nais ni Hesus ang Isang Malinis na Lalagyan (v15-18) 1. Nagkaroon na ng interes ang babae ngunit iniba ni Hesus ang paksa. Bakit? 2. Anong kalagayan niya sa buhay ang nabunyag (v17, 18)? 3. Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa nalalaman ni Hesus sa ating mga buhay? 4. Ano ang kinakailangan para magkaroon ng kaugnayan sa Banal na Diyos ang isang tao? Tingnan ang v24 at Mga Gawa 3:19. 5. Anu-ano ang mga kasalanan sa ating buhay na dapat na mabunyag at isuko kay Hesus ? D. Nais ng Ama ng mga mga Tunay na Mananamba (v19-24) 1. Bakit kaya sa bahaging ito ay nagtanong ng tungkol sa isang katanungang pang teolohiya ang babae (v20)? 2. Sa anu-anong paraan natin iniiwasang harapin ang kasalanan sa ating buhay? 3. Ano ang sinasasabi sa sa atin ni Hesus tungkol sa tunay na pagsamba (v21-24)? 4. Kung hindi natatagpuan ang Diyos sa mga tanging “Banal na lugar” – saan natin Siya mausumpungan (v21, 24 at 14:23)?
Lesson 8: Ang Tubig Ng Buhay
5. Paano tayo nakasasamba “sa katotohanan” (v18, tinang din ang Juan 14:6). 6. Paano tayo makasasamba “sa Espiritu” (tingnan ang Juan 3:3-6). E. Si Hesus ang ang Kristo (v25, (v25, 26) 1. Ano ang ibig sabihin ng “Kristo” o “Mesias”? 2. Ano ang gagawin Niya (v25)? 3. Sino Siya (v26)?
PAGWAWAKAS Mayroon ka bang Buhay na Walang Hanggan? Ano ang sinasabi sa atin ng kasaysayang ito tungkol sa paraan ng pagkakaroon ng Buhay na Walang Hanggan? Tingnan ang 1 Juan 5:11-13.
Page 8 - 2
PAGHAHANAP KAY HESUS
Lesson 9: Ang Dakilang Kaloob Ng Diyos
Lesson 9: ANG DAKILANG KALOOB NG DIYOS Efeso 2:1-10 Pangunahing Paksa: Inililigtas ng Diyos ang mga makasalanan dahil sa Kanyang pag-ibig at biyaya, at hindi dahil sa anumang kabutihan o “mabubuting gawa” ng tao. Panimula: Talakayin: Anu-ano ang ilan sa mga sinisikap gawin ng tao upang makapasok sa langit? Mabisa ba ang mga ito? DISCUSSION A. Ang Likas ng Tao 1. Ano ang kalagayan ng tao bilang makasalanan (1)? 2. Sa paanong paraan siya “patay”? 3. Sa anu-anong paraan natin makikita ang espiritwal na pagkamatay sa pamumuhay ng mga tao ngayon? 4. Ano-ano ang tatlong klase ng kasalanan sa ating mga buhay (v2, 3)? 5. Ano ang kahulugan ng : (a) “sanlibutan” , (b) “ prinsipe ng kadiliman” , (c) “pita ng laman” (v2, 3)? 6. Paano nakikita sa ating mga buhay ang mga kasalanang ito? 7. Ano ang bunga ng pagpapatuloy sa ganitong makasalanang kalagayan (3)? B. Ang Likas ng Tao 1. Paano inilalarawan ang Diyos sa mga talatang ito (v4, 7)? 2. Paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin? 3. Anu-ano ang magagandang bagay na gagawin ng Diyos Page 9 - 1
PAGHAHANAP PAGHAHANAP KAY HESUS para sa atin sa pamamagitan ni Hesukristo (v5,6)? C. Ang Daan ng Kaligtasan (v8,9) 1. Paano tayo tatanggap ng “kagandahang -loob” (isang hindi karapat-dapat na awa) ng Diyos? 2. Ano ang “pananampalataya”? “pananampalata ya”? 3. Ano ang bunga ng pagtanggap ng “kagandahang -loob” sa pamamagitanng pananampalataya (v8)? 4. Ano ang binibigyang-diin ni Pablo rito tungkol sa daan ng kaligtasan (v8,9)? 5. Ang pananampalataya ba lamang ang kailangan para maligtas? (Tingnan ang Mga Gawa 2:37, 38 at 3:19). D. Ang mga Bunga ng Kaligtasan (10) 1. Ano ang layunin sa paglalang sa atin? 2. Anu-anong mabubuting gawa ang dapat nating gawin? 3. Sino ang dapat bigyan ng papuri sa lahat ng ating mabubuting gawa? 4. Ano kung gayon ang bahagi ng mabubuting gawa (a) sa kaligtasan; (b) sa pamumuhay-Kristiyano? PANGWAWAKAS Nakita mo ba ang iyong sarili sa pag-aaral na ito – isang makasalanan? Gumagawa ka ba para maligtas o dahil ligtas ka na?
Lesson 10: Ang Masaklap na Kabayaran ng Kasalanan
Lesson 10: ANG MASAKLAP NA KABAYARAN NG KASALANAN Isaias 53:1-12 Pangunahing Paksa: Upang ipakitang ang kamatayan ni Cristo Cristo sa krus ang ganap at tanging kabayaran sa kasalanan. Panimula: Pag naiisip mo ang krus ni Cristo – ano ang ibig sabihin nito sa iyo? Saang bahagi ng Biblia mo inaasahang makikita ang ganap na paglalarawan ng kahulugan ng krus? Balingan natin ang Isaias 53, na sinulat noong mga 700 taong B.C! Tingnan kung paano tunay na naganap ang hulang ito sa buhay at pagkamatay ni Cristo? DISCUSSION A. Itinakwil si Cristo (1-3) 1. Kung mayroon kang isang malaki at magandang asyenda, at naghimagsik ang mga magsasaka at sinira ito – ano ang magiging damdamin mo? Ngunit ito ang ginagawa natin sa magandang mundong ito ng Diyos – ano ang ginawa Niya? 2. Ilan sa palagay mo ang nakaalam at nananampalataya sa magandang balitang ito (1)? 3. Bakit iyon “tuyong lupa” (2)? Pansinin: Noong hindi pa dumarating si Juan Bautista, walang propeta sa Israel sa loob ng 400 na taon. 4. Ano ang naging pagtanggap ng mga tao sa pagdating ni Hesus (3)? Tingnan ang Juan 1:11? 5. Ano ang pagtanggap ng maraming tao ngayon? Isipin ninyo ang gobyerno, negosyo, mga paaralan, mga tahanan. Tunay bang Panginoon at Hari si Hesus sa mga ito … at sa iyong buhay? Page 10 - 1
PAGHAHANAP KAY HESUS
B. Si Kristo ang Ating Kahalili at Handog (v4-9)? 1. Ano ang tanging sapat na pambayad sa kasalanan (5)? Tingnan ang Roma 6:23 at Hebreo 10:11, 12? 2. Ano kung gayon ang maaaring gawin ng tao para mabayaran ang kanyang mga kasalanan? 3. Ano ang kalagayan ng tao ayon sa pagkakalarawan dito (46)? 4. Paano binayaran ang ating kasalanan? Pansining mabuti kung ano ang nangyari kay Kristo para sa atin (4-8, lalo na ang 6). 5. Ano ang kahalagahan ng Kordero (7)? (7)? Tingnan ang Juan 1:29 at ang Exodo 2:5-13. 6. Paano natupad ang hula sa (9)? (9)? Tingnan ang Mateo 27:38 at 57-60. C. Ang Pagtatagumpay ni Kristo Kristo (10-12) 1. Ang masamang tao (at tayo rin) ang may pananagutan sa pagkamatay ni Kristo – ngunit kaninong layunin ang natupad sa pagkamatay na iyon (10)? Tingnan ang Mga Gawa 4:27,28 at Marcos 10:45. 2. Nagtiis si Kristo ng matinding hirap sa sa krus – ngunit ano ang kanyang “pagdurusa” (11)? Tingnan ang Lucas 22:42 -46 at Mateo 27:46). 3. Ano ang bunga ng pagdurusa na iyon (11)? 4. Paano kung gayon inaaring matuwid ng Banal na Diyos ang mga taong makasalanan (10, 11)? CONCLUSION Nakikita mo ba ang iyong sarili sa mga talatang 5,6 at 11.
PAGHAHANAP KAY HESUS
Lesson 11: Paghahanap Sa Tunay Na Daan
Lesson 11: PAGHAHANAP NG TUNAY NA DAAN Mateo 7:13-23 Pangunahing Paksa: kaligtasan.
Mga taimtim na babala tungkol sa
Panimula: Ang buhay ay isang paglalakbay. Saan? Ano ang ating hantungan? Maaari ba nating malaman nang tiyak? Ano ang papatnubay sa atin? DISCUSSION A. Ang Dalawang Daan (13,14) 1. Anu-ano ang dalawang “daan” na binabanggit ni Hesus? 2. Ano ang pagkakaiba ng mga ito: (a) sa pasimula? (b) sa pagpapatuloy ng paglalakbay (c) sa pagwawakas (d) sa bilang ng taong nakakatagpo sa mga ito? 3. Ano ang “pintuan” patungo sa buhay? Tingnan ang Juan 10:9 4. Sa anong paraan “makitid” ang daan? Tingnan ang lucas 9: 23-26. B. Mga Babala Tungkol sa mga Bulaang Guro Guro (15-20) 1. Anu-anong mga palatandaan ang ibinigay sa atin upang makilala natin ang mga pagkakaiba ng mga bulaang guro sa mga tunay na guro? 2. Ano ang ibig sabihin ng “masamang bunga” at ng “mabuting bunga”? Tingnan ang Mateo 6:2, 5, 16 at Galacia 5:22,23. 3. Ano ang nangyayari doon sa mga hindi namumunga ng mabuti (19)? Page 11 - 1
C. Mga Babala sa mga Patungo sa Kapahamakan (21-23) 1. Ano ang sinasabi sa atin ni Hesus tungkol sa ilang tumatawag sa Kanya ng “Panginoon”(v21)? 2. Sinu-sino ang amg taong iyon ngayon? 3. Ano ang pinagkatiwalaan nilang makapagliligtas sa kanila. 4. Ano ang nais Makita ni Hesus sa atin kung talagang Siya ang “Panginoon” n g ating buhay? 5. Narito (v22) ang isang naiibang grupo. “Pagdating ng huling Araw” (“Araw ng Paghuhukom”) anu -ano ang mga gawang sasabihin nilang ginawa nila? 6. Ano ang sasabihin ni Hesus sa kanila? Bakit babagsak ang Kanyang hatol sa mga gumawa ng mga “kababalaghan” sa Kanyang pangalan? (Isipin: Ano ang pinagkakatiwalaan ng mga ito sa kanilang ikaliligtas? (Tingnan ang Efeso 2:8.9) 7. Ano sa palagay mo ang pinanggagalingan ng kapangyarihan sa paggawa ng ganitong mga “kababalaghan”? (Tingnan ang Mateo 24:24) CONCLUSION
Inuutusan tayong pumasok sa “makipot na pintuan”. Tingnan uli ang Juan 10:9 at 27,28. Gayon din, tingnan ang Juan 1:12.
Lesson 12: Pinapanumbalik Ng Diyos Ang Mga Tao Sa Pamamagitan Ni Hesus__
PAGHAHANAP PAGHAHANAP KAY HESUS
Lesson 12: PINAPANUMBALIK NG DIYOS ANG MGA TAO SA PAMAMAGITAN NI HESUS
naman natin Siya at tinatanggihan sa ating mga buhay. Sa anuanong paraan? Talakayin: Ano ang bahagi ni Hesus sa sa ating mga iniisip, gawa, tahanan, negosyo, at iba pa? Ihambing ang Mga Gawa 2:42 para sa mga tunay na dapat maging pangunahin sa buhay ng mga mananampalataya.
Mga Gawa 3:11-26
C. Ang Pangangailangang Magsisi 1. Ano ang panawagan ni Pedro sa sa kanyang mga tagapakinig (v19)? 2. Anu-ano ang mga bagay na dapat nilang pagsisihan (v14,15,19 &26). 3. Anu-anong mga saloobin kay Hesus, kawalan ng pananampalataya at kasamaan ang dapat nating pagsisihan? 4. Ano sa palagay mo ang “pina kamasamang kasalanan? Tingnan ang Mateo 22:36-38 – ang lahat ay nagkasala. 5. Ano ang tunay na pagsisisi?
Pangunahing Paksa: Ang ebanghelyo ang mabuting balita tungkol kay Hesukristo. Dinadala Niya ang mga pagpapala ng Diyos sa tao upang magkaroon tayo ng kapatawaran ng kasalanan at ng bagong buhay. Panimula: Walang salapi, impluwensya o anunsiyo ang mga alagad. Anu-ano kaya ang dahilan ng kanilang kamanghamanghang tagumpay – sa harap ng mahigpit na pagsalungat ng kalaban? DISCUSSION A. Paglapit Upang Makinig ng Ebanghelyo 1. Naganap ang isang kagilagilalas na pagpapagaling (6-8). Ano ang bunga nito (v11)? 2. Ano ang pangunahing paksa ng pangangaral ni Pedro (1316)? 3. Anu-ano ang tatlong makapangyarihang katuwirang ibinigay ni Pedro sa pagsampalataya kay Hesus bilang Anak ng Diyos at Tagapagligtas (v15,16 at 18, 20-24).
D. Ang mga Bunga ng Pagsisisi at Pananampalataya 1. Ano ang pangako ni Pedro doon sa mga tunay na nagsisi (v19)? 2. Anu-ano pa ang iba nating pananagutan bilang mga tagasunod ni Kristo (22)? 3. Ano ang tapat na babala sa mga hindi nakikinig kay Hesus (23)? 4. Anu-ano ang ilan sa mga “pagpapala” ng mga tagasunod ni Hesus (v19, 25, 26)? 5. Anu-anong mga praktikal na patotoo tungkol sa mga pagpapala ng Diyos ang maibabahagi mo?
B. Ang Problema ng Tao sa Kasalanan 1. Ano ang kasalanan ng mga Hudyo na buong tapang na ibinunyag ni Pedro (13-15)? 2. Bakit ipinapatay ng Hudio si Hesus? Hesus? 3. Hindi natin “pinapatay” si Hesus ngayon, ngunit “itinakwil”
CONCLUSION Manguna sa isang panalangin ng pagisisi at pagtatalaga ng sarili kay Kristo para sa mga kumikilalang kailangan nilang gawin ang mahalagang hakbang na ito.
Page 12- 1
Lesson 13: Natagpuan Ng Lalaking May Takot Sa Diyos Ang Tagapagligtas
Lesson 13: NATAGPUAN NG LALAKING MAY TAKOT SA DIYOS ANG TAGAPAGLIGTAS Mga Gawa 10:30-48 Pangunahing Paksa: Nasusumpungan Siya ng mga tunay na naghahanap sa Kanya. Panimula: Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan, basahin ang Mga Gawa 10:1,2. Ayon sa mga talatang ito, sa palagay mo kaya‟y “ayos” ang kaugnayan ni Cornelio sa Diyos (siya kaya‟y pinatawad at ligtas na)? Kung hindi pa, ano pa ang maari niyang gawin para makatiyak siya ng kaligtasan? Talakayin. Pagkatapos: Tingnan ang Mga Gawa 11:13,14. sagot ng Diyos sa dalawang katanungan sa itaas?
Ano ang
PAGHAHANAP KAY HESUS
B. Ang Tagapagligtas 1. Ipinapalagay pa rin ni pedro na mas mababa ang uri ng mga Hentil kaysa mga Hudyo at hindi sila maaring maligtas (28, 45). Ano ngayon ang nalaman niya (v34,35)? 2. Ano ang sinasabi ni Pedro tungkol kay Hesus (36, 40, 42)? Talakayin ang kahalagahan ng mga katotohanang ito. 3. Ano ang sinasabi ni Pedro tungkol sa ebanghelyo (36, 38, 43)? 4. Ayon kay Pedro, paano tayo makatatan ggap ng kapatawaran sa ating kasalanan (43)? 5. Ano ang ibig sabihin ng “mananalig” kay Hesus (43)? Tingnan din ang Juan 1:12. C. Ang Kaligtasan 1. Ano ang nangyari kay Cornelio at sa kanyang mga mga kaibigan noong marinig nila ang ebanghelyo (44,46)? Pansinin ang kahalagahan ng “pakikinig sa Salita”? 2. Higit sa lahat ano ang tinanggap nila (43, 47)? 3. Ano ang mga sumunod na pangyayari noong maligtas si Cornelio at ang kanyang mga kaibigan (46-48)? Pansinin ang kahalagahan ng “pagsubaybay” na siyang ibig sabihin ng pananatili ni Pedro nang ilang araw pa.
DISCUSSION CONCLUSION A. Si Cornelio 1. Anong klaseng tao si Cornelio (2, 22). 2. May nakilala ka bang mga tao sa inyong iglesya o bayan na ganito? 3. Bakit ang isang mabuti at may takot sa Diyos na katulad ng taong ito‟y hindi pa sapat sa Diyos? 4. Ano ang tugon ng Diyos kay Cornelio (31-33) 5. Bakit sinugo ng Diyos si Pedro?
Page 13 - 1
Tanungin ang pangkat: Sigurado ka bang tinanggap mo na ang kapatawaran ng iyong kasalanan? Sigurado ka bang tinanggap mo na ang kaloob ng Banal na Espiritu?
Lesson 14: PAGLALAGAY NG PUNDASYON____________________________________________________Pagsunod Kay Jesus
Lesson 14: PAGLALAGAY NG MGA PUNDASYON Mga Gawa 2:41-17 Pangunahing Paksa: Mga pangunahing hakbang para sa mga bagong mananampalataya. Panimula: Talakayin: Ano ang kailangan natin upang tayo‟y lumago at maging malakas na mga mananampalataya? O, hilingin sa ilan na mag bahagi: “Ano ang nakatulong nang malaki sa akin noong ako‟y naging manananampalataya?” DISCUSSION A. Ang Bautismo Pansinin: napakalawak ng paksang ito kaya hindi maaaring talakayin nang buo sa pag-aaral na ito ang Biblia. Iwasan ang pagtatalo) 1. Bakit binabautismuhan ang mga bagong mananampalataya (41)? Tingnan ang Mateo 28:19? 2. Anu-anong dalawang mahahalagang katotohanan ang itinuturo at ipinakikita sa bautismo? A) Tingnan ang Mga Gawa 22:16 at ang Efeso 5:26; B) Tingnan ang Roma 6:3,4 B. Ang Pag-aaral ng Biblia 1. Anu-ano ang apat na pangunahing gawain na bumubuo ng saligan sa paglago ng mananampalataya (42)? 2. Ano ang saloobin ng mga unang mananampalataya tungkol sa mga bagay na ito? 3. Ano ang magiging kahulugan para sa atin ng matapat na pagsasagawa ng apat na bagay na ito? 4. Paano tyao makatatanggap ng mga “turo ng mga apostol” ngayon?
Page 14 - 1
Pagkakabahagi Pagkakabahagi sa mga Kamananampalataya Kamananampalataya 1. Pagkatapos ng “pag-aaral ng Bibliya, ano ang kasunod na dapat unahin ng isang bagong mananampalataya? 2. Paano tayo “magkakaroon ng pagsasama-sama” – ano ano ang mga bagay na dapat maging bhagi ng pagsasamasamang Kristiyano? 3. Ano-anong mga tanda ng pagsasama-sama at pagkakaisa ang nakikita sa (44-47)? Paano ito naisasagawa sa atin? C. Ang Banal Na Hapunan (Tulad ng bautismo, ito‟y napakalawak na paksa na maari lama ng banggitin sandali sa pag-aaral na ito ng Bibliya ngayon). 1. Ang “pagpipira- piraso na tinapay” ang paraan ng Bagong Tipan sa pagtukoy sa Huling Hapunan (Mateo 26:26-28, tingnan ang 1 Corinto 11:23-26) Bakit isa ito sa mahahalagang sangkap sa ating pamumuhay Kristiyano? Tingnan ang 1 Corinto 10:16, 17. D. Ang Panalangin Paano tayo matututong matututong manalangin? - magbahagi magbahagi ng mga praktikal na karanasan at mungkahi. Anu-ano ang mga dapat unahin sa ating ating pananalangin? Tingnan ang Mateo 6:9,10. E. Ang Bunga Kung sinusunod natin ang huwarang binabanggit sa itaas bilang saligan ng pamumuhay-Kristiyano, anu-anong mga bunga ang maasahan natin? PAGWAWAKAS Sa iyong pansariling pamumuhay, o iglesyang pampurok, alin sa mga bahaging nabanggit ang mahina? Ano ang binabalak mong gawin tungkol doon?
Lesson 15: Ang Pamumunga____________________________________________________________________ Pagsunod Kay Jesus
Lesson 15: ANG PAMUMUNGA Juan 15:1-11 Pangunahing Paksa: Paksa: Ang lihim ng tunay at mabisang pamumuhay-Kristiyano ay ang ating pakikipag-isa kay Kristo. Panimula: Talakayin: Ano ang pinakamahalagang likas ng pagiging isang Kristiyano? Ano ang lihin ng mabisang pamumuhayKristiyano? DISCUSSION A. SI CRISTO ANG TUNAY NA PUNO NG UBAS(1,2) 1. Bakit inilarawan ni Cristo ang sarili Niya bilang “Tunay na Puno ng Ubas”? (Tingnan ang Isaias 5:1 -7. Ang Puno ng Ubas ay simbolo ng Israel, ngunit ang bansa‟y nabigong mamunga ! 2. Anu-ano ang dalawang uri ng sanga sanga (2)? 3. Ano ang hinahanap ng Ama (2)? 4. Ano ang ginagawa Niya sa mga sangang hindi namumunga (2)? 5. Ano ang ginagawa Niya sa mga sangang namumunga (2)? 6. Ano ang layunin ng “pinuputulan at nililinis” ang mga sanga (2)? B. SI CRISTO AT ANG ANG KANYANG MGA SANGA (3-5) 1. Anu-ano ang mga sanga ng “Tunay na Puno ng Ubas” (5). 2. Paano tayo nagiging karapat-dapat na maging mga sanga ng Punong Ubas (3)? 3. Ano ang inaasahan sa mga sanga sanga (2,4,5,8)? 4. Ano ang bungang inaasahan ng Diyos sa ating mga buhay
Page 15 - 1
4. 5. 6. 7. 8.
9.
(16) at Galacia 5:22,23)? Paano tayo “nililinis” “nililin is” anong karanasan ang maibabahagi natin (tingnan ang Hebreo 12:5,6). Saan nanggagaling ang buhay ng sanga (4)? Anong dakilang katotohanan ang sinasabi sa atin tungkol sa pamumuhay-Kristiyano? ano ang dakilang katotohanan ang sinasabi sa atin tungkol sa pamumuhay-Kristiyano? Ano ang dapat gawin ng mga sanga para makapamunga nang sagana (5)? Ano ang ibig sabihin ng “mananatili” kay Cristo? Paano natin ito magagawa?
D. MGA IBA PANG PASUBALI SA PANANATILI AT PAMUMUNGA (7-11)? 1. Anu-anong mga lihin sa pamumunga ang nakikita sa (7)? (7)? 2. Ano ang magiging bunga ng pamumunga (8)? (8)? 3. Ano ang natututuhan natin tungkol sa pagmamahal ni Cristo sa atin (9)? 4. Paano tayo maaring “manatili” sa Kanyang pag -ibig (10)? Tingnan ang (3) at 1 Juan 4:13. Ano ang ninanais ni Cristo para sa atin (11)? PAGWAWAKAS Ano ang natutunan mo tungkol sa mabisang pamumuhayKristiyano? Nakakakita ka ba ng mga dahilan ng anumang pagkabigo o kakulangan ng bisa sa iyong pamumuhayKristiyano?
Lesson 16: Ang Panalangin ni Pablo Para sa Mga Bagong Mananampalataya__ ___________________________Pagsunod Kay Jesus
Lesson 16: ANG PANALANGIN NI PABLO PARA SA MGA BAGONG KRISTIYANO Colosas 1:1-14 Pangunahing Paksa: Paksa: Ang Bagong Buhay ng Mananampalataya kay Cristo. (Pansinin: napakaraming mahahalagang katotohanan dito kaya ang maaaring mangailangan ang bahaging ito ng higit pa sa isang klase upang mapag-aralan itong mabuti.) Panimula Bago basahin ang bahaging pinag-aralan, magbahaginan: Anuano ang ilan sa mga salitang gagamitin mo sa paglalarawan ng isang Kristiyano? Anu-anong mga pag-uugali ang dapat Makita sa mga mananampalataya? DISCUSSION A. Ang Larawan ng Isang Mananampalataya (2,7) 1. Anong paglalarawan ni Pablo sa isang mananampalataya (2)? 2. Sa anong paraan tayo naging “mga hinirang ng Diyos”? Ang mga tunay na Kristiyano, bagama‟t hindi pa mga sak dal, ay tumugon na sa tawag ni Cristo na iwan ang “sanlibutan” at sumunod sa Kanya.) 3. Paano tayo magiging mga “tapat na mga kapatid”? Ano ngayon ang napapaloob sa ating pakikipag-ugnayan sa ating mga kapwa mananampalataya?
Page 16 - 1
4. Ano ang ibig sabihin ng pagiging “na kay Cristo”? Paano natin ito maipakikita sa ating mga pamumuhay? Ano pa ang mga pag-uugali ng isang mananampalataya na nakikita kay Epafras (7)? Paano nakikita sa atin ang mga bagay na ito? B. ANG MANANAMPALATAYA AT ANG KANYANG BAGONG PAMUMUHAY (3-6) 1. Ano ang matututuhan natin sa mga panalangin ni Pablo (3,9)? 2. Anu-ano ang tatlong mabubuting kaugaliang ipinagpapasalamat ni Pablo (4,5)? Tingnan din ang 1 Cor 13:13. 3. Paano maipakikita sa ating mga pamumuhay ang mabubuting kaugaliang ito? 4. Paano inilalarawan ni Pablo ang Ebanghelyo (5,6)? Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa kung paano natin dapat pagsikapang ikalat ang Mabuting Balita? C. Ang Mananampalataya at ang Bago Niyang Tungkulin (9-11). 1. Anu-ano ang mga bagay na idinadalangin ni Pablo? 2. Ang mga ito ba ang pangunahin sa atin? 3. Paano tayo “pupuspusin ng kaalamang kaloob ng Espiritu (9)”? 4. Ano ang balak mong gawin para maging karapat-dapat at kalugod-lugod sa Panginoon” ang iyong buhay (10)? 5. Paano tayo “sasagana sa mabuting gaw a, at lalawak ang pakakilala sa Diyos” (10)? 6. Paano tayo nagkakaroon ng kapangyarihan ng Diyos sa ating mga buhay (1) at tingnan ang Mga Gawa 1:8? 7. Ano ang magiging bunga ng kapangyarihan ng Diyos sa ating mga buhay (1)?
Lesson 16: Ang Panalangin ni Pablo Para sa Mga Bagong Mananampalataya _____________________________ Pagsunod Kay Jesus 8. Sa anong mga pangyayari natin kailangan ang katatagan at pagtitiyaga (11)? D. Ang Mananampalataya at ang Kanyang Bagong Katayuan (12-14). 1. anu-ano ang limang bagay na nangyari sa atin noong tayo‟y naging mga mananampalataya (12-14)? 2. Paano tayo “minarapat.. “minarapat. . na ibilang.. sa mga hinirang na magmamana ng kaharian ng kaliwanagan” (12)? Tingnan din ang 1 cor 1:30. 3. Ano ang dati nating kalagayan noong tayo‟y iniligtas (13)? 4. Anu-anong mga pagbabago sa ating mga buhay ang dapat na maging bunga ng ganitong paglipat ng kalagayan at ng pagkakaroon ng bagong Panginoon?
PAGWAWAKAS Magbahagi: Ano ang sinasabi sa iyo ng araling ito tungkol sa mga bahagi na kailangang baguhin sa iyong buhay?
Page 16 - 2
Lesson 17: Ang Buod ng Mga Pangyayari____________________________________________ ____________ Pagsunod Kay Jesus
Lesson 17: ANG BUOD NG MGA PANGYAYARI Marcos 4:1-9 Pangunahing Paksa: Paksa: Humahanap si Cristo ng mga tagasunod na mamumunga dahil sa sila‟y masunurin at may matapat na kalooban. Panimula Bago basahin ang bahaging pag-aaralan: Maaring nakaririnig tayo ng maraming sermon, at nakaugalian na nating magbasa ng Biblia, ngunit hindi gaanong nagbabago ang ating mga buhay. Anong dahilan ang maibibigay mo rito? DISCUSSION A. ANG MABUTING MABUTING BINHI BINHI (3,4) 1. Sino ang magsasaka sa kasaysayang ito? 2. Ano ang binhing inihahasik niya (14)? 3. Ano ang magagawa sa atin ng Salita ng Diyos? Tingnan ang 2 Tim 3:15-17. 4. Ano ang kinakatawan ng iba‟t ibang klaseng lupa rito? B. ANG DAAN – DAAN – MATIGAS MATIGAS NA LUPA (4) 1. Bakit hindi nag-uugat ang binhi sa lupang ito? 2. Sa palagay ninyo, anong klaseng mga tao ang kinakatawan dito? 3. Anong dahilan at maraming taong nakaririnig ng Salita ang nagwawalang bahala o kumukontra rito? 4. Ano ang kinakatawan ng mga ibon (15)? 5.. Sa paanong paraan sinisikap ni Satanas na hadlangan ang
Page 17 - 1
mga tao sa tunay na pagtanggap ng Salita? 5. Mayroon bang mga pagkakataong ipinagwawalang bahala natin ang sinasabi sa atin ng Salita? C. Ang Mabatong Lupa (5, 6) 1. Anong problema sa lupang ito? 2. Anong klaseng pagtanggap sa Salita ng Diyos ang inilalalarawan dito : a) sa pasimula ; b) pagkaraan ng sandaling panahon? 3. Ano ang dahilan at ang unang pagtanggap sa ebanghelyo ay hindi nagiging mabunga(17) 4. Mayroon ka pa bang naiisip na ibang “bato” na nakahahadlang sa paglago ng manampalataya? 5. Ano ang tamang pagtanggap sa ganitong mga hadlang? ANG MADAWAG NA LUPA (7) 1. Ano ang problema sa lupang ito? 2. Anu-anong mga hadlang sa paglago ng mananampalataya ang inilalarawan ditto (18,19) 3. Narito ang mga bagay sa ating buhay na umaagaw ng ating panahon lakas at interes. Anu-anong bagay sa iyong buhay ang humahadlang sa iyong tunay na pagsunod at paglilingkod kay Jesuristo? 4. Anu- ano ang dapat nating unahin sa buhay Kristiyano(tingnan ang Mateo 6:33)? Talakayin ang dapat unahin sa kabila ng marami nating Gawain arawaraw.
Lesson 17: Ang Buod ng Mga Pangyayari ______ ANG MATABANG LUPA 1. Anu-ano ang ginagawa ng mga taong ang mga kalooban ay matabang lupa(20) 2. Sa anu-anong paraan nagkakaroon ng bisa ang Salita ng Diyos sa iyong buhay? 3. Anong nangyayari sa matabang lupang hindi inaalagaan? 4. Ano kung gayon ang dapat nating gawin upang maging matabang lupa at magpatuloy na gayon PAGWAWAKAS Ano ang inaaasahang maging bunga natin? (Galacia 5:22,23/ Juan 15:16 at Mateo 28:19,20) Ispin: ano ang nagiging bunga ko? Marami ba? O kakaunti?
Page 17 - 2
_________________________________ _____Pagsunod Kay Jesus
Lesson 18: Ang Bagong Buhay___
__________________________ __________________________ Pagsunod Kay Jesus
Lesson 18: ANG BAGONG BUHAY! 1 Pedro 1: 3-9 Pangunahing Paksa: Paksa: Ang ating mga bagong pagpapala kay Cristo! Panimula Talakayin: Ano – anong mga bagong karanasan ang dumating sa iyong buhay mula noong naging mananampalataya ka? Tinutukoy ni Pedro lalo na ang mga dakilang katangian ng mga mananampalataya. DISCUSSION A. ISANG BAGONG BAGONG PAG-ASA ( 3, 4 ) 1. Ano ang bunga ng ating pagiging “isinilang sa isang panibagong buhay” (3)? 2. Ano ang kahulugan ng “pag -asa” sa biblia. Tingnan ang Hebreo 11:1 at Efeso 1:18 – ito ay ang pagtitiwala na may katiyakan na mangyayari ang inaasahan natin. 3. Ano ang batayan ng pag-asang ito? (3) Bakit? 4. Anong pagkakaiba ng pag-asang ito sa ibang pag-asa ng tao (4)? 5. Isipin: Ano ang pagkakaibang nagagawa sa ating mga buhay kung ang ating pag-asa ay talagang nakapako kay Cristo at sa buhay na walang hanggan?
Page 18 - 1
B. ISANG BAGONG BAGONG PANANAMPALATAYA PANANAMPALATAYA ( 5-7 ) 1. Kung minsan, natatakot tayong hindi sapat ang ating kalakasan at kabutihan upang magpatuloy sa pagsunod kay Jesus. Ano ang nagpapanatili at nag-iingat sa atin(5)? Tingnan ang Hebreo 13:5-6. 2. Paano natin maaangkin ang kapangyarihan ng Diyos? (Tiyakin mong ang katiyakan mo ay ang kapangyarihan ng Diyos, hindi ang iyong pananampalataya!) 3. Ano ang dapat nating asahang mangyayari sa atin(6)? atin(6)? Tingnan ang Juan 16:33; Mga Gawa 14:22. 4. Ano ang layunin ng mga pagsubok at kahirapang nararanasan natin bilang mga mananampalataya(7)? 5.. Ano ang magiging bunga ng isang pananampalatayang “pinararaan sa pagsubok” ( 7, tingnan din ang 9)? 6. Isipin: Ano ang pagkakaibang nagagawa sa ating mga buhay kung malakas ang ating panampalataya? C. 1. 2. 3.
ISANG BAGONG BAGONG PAG-IBIG PAG-IBIG (8) Ano ang pambihirang katangian ng pag-ibig Kristiyano? Bakit mahal natin si Cristo? Tingnan ang 1 Juan 4:9, 10, 19. Ano ang bunga ng Kaniyang pag-ibig sa atin? ( Mayroon Mayroon ka ba ng kagalakang ito?) 4. Isipin: Ano ang pagkakaibang nagagawa sa ating mga buhay at sa mga bagay na dapat nating unahin kung tunay na mahal natin si Jesus?
PAGWAWAKAS Anu – ano ang mga tiyakang bagay na gagawin mo sa isang lingo bilang katunayan ng iyong pag-asa, pananampalataya at pag-ibig?
Lesson 19: Mga Hadlang Sa Pagiging Tunay Na Tagasunod_____________ _____________________ ______ _ Pagsunod Kay Jesus
Lesson 19: MGA HADLANG SA PAGIGING TUNAY NA TAGASUNOD Lucas 14:25-33 Pangunahing Paksa: Paksa: Pagtuklas ng mga pangunahing”suliranin” na humahadlang sa atin sa pagsunod nang buong puso kay Cristo Panimula Bago basahin ang bahaging pag-aaralan, talakayin: Anu-ano ang ilan sa mga bagay na nagpapahirap at pumipigil sa atin para makasunod kay Cristo? 1. Tungkol sa ano ang bahaging ito? ( tingnan ang mga talatang 26, 27, 33 “Hindi maaaring maging alagad ko..) 2. Ano ang alagad? DISCUSSION A. ANG SULIRANIN NG PAGKAKAROON NG DALAWANG PINAHAHALAGAHAN: SI JESUS AT ANG ATING MGA KAMAG-ANAK ( 26 ) 1. Ano ang maaaring ibig sabihin ni Jesus noong sabihin Niyang ,”ang sinumang hindi napopoot sa kanyang ama…” ( tingnan ang “footnote” mula sa wikang Griego sa ibaba ng Mabuting Balita Biblia.) 2. Sino ang pangunahingdapat nating pag-ukulan ng pag-ibig, katapatan at pagsunod? Tingnan ang Mateo 22:36-38. 3. Pag-isipan at pag-usapan ang ilang mga halimbawa ng mga kalagayang isinasagawa natin na kung saan ang pag-ibig at pagsunod kay Cristo ay kasalungat ng pagbibigay lugod sa Page 19 - 1
ating mga mahal sa buhay. B. ANG SULIRANIN TUNGKOL SA MGA PANGARAP AT MGA HANGARIN: SI JESUS AT ANG ATING SARILI ( 27 ) 1. Ano ang ibig sabihin ng “ magpasan ng sariling krus”?(Hindi ang mga karaniwang pagsubok at mga suliranin sa buhay kundi ang mga tanging pagsubok at kahirapang dumarating sa atin sa pagsunod natin kay Cristo. Tingnan ang Lucas 9:23-26) 2. Anong mga bahagi sa sa sarili nating naisin, pagpapahalaga at pagbibigay-kasiyahan sa sarili ang humahadlang sa atin sa ating pagsunod? Magbahagi ng ilang pansariling karanasan na kung saan ang pagsunod kay Cristo ay nakapagbago sa iyong buhay! C. ANG KATUMBAS NG PAGSUNOD ( 28-32) 1. Binigyan tayo ni Cristo ng dalawang halimbawa: ang pagsunod sa Kaniya(bagamat may malalaking gantimpala, ngayon at sa buhay na walang hanggan) ay malaki ang kabayaran! 2. Saan itinutulad ni Cristo ang buhay-Kristiyano(28)? 3. Ano ang nakikita mong “kabayaran” ng pagkakaroon ng isang mabisang pamumuhay-Kristiyano? 4. Ang buhay Kristiyano ay itinutulad din sa……(31)? 5. Anu-ano ang ilan sa mga katangian at kabayaran ng pakikipaglaban ng Kristiyano?
Lesson 19: Mga Hadlang Sa Pagiging Tunay Na Tagasunod_____________ _____________________ ________ Pagsunod Kay Jesus D. ANG SULIRANIN TUNGKOL SA MGA BAGAY NA MATERYAL: SI JESUS AT ANG ATING MGA PAG-AARI (33) 1. Ano ang ibig sabihin ng “tatalikdan” ang lahat ng ari arian natin? ( Tingnan ang Colosas 3:1-3.) 2. Anu-ano ang ilan sa mga material na bagay na pinakananais mo sa buhay? 3. Paano nakakahadlang ang ganitong mga “bagay” sa ating pagsunod?
PAGWAWAKAS: Basahin ang Filipos 3:8. Ibahagi mo ang iyong pangunahing problema sa pagsunod kay Jesus. Paano nakatulong ang pag-aaral na ito? Magdalanginan kayo sa inyong ikapagiging mabuting tagasunod.
Page 19 - 2
Lesson 20: Bakit Hindi Sinasagot Ang Mga Dalangin Ko________________ ___________________________ Pagsunod Kay Jesus
Lesson 20: BAKIT HINDI SINASAGOT ANG MGA DALANGIN KO Lucas 11: 1-13 Pangunahing Paksa: Paksa:
Mabisang Panalangin
Panimula Anu-ano ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang ating mga panalangin ay hindi laging sinasagot? Anu-ano ang ilan sa iyong mga suliranin sa pananalangin? Gusto rin ng mga alagad ni Jesus noon ang tulong. Ito ang sinabi Niya sa kanila. DISCUSSION A. MGA DAPAT UNAHIN UNAHIN SA PANANALANGIN(2-4) PANANALANGIN(2-4) 1. Sinu-sino ang mga may karapatang tumawag ng “Ama” sa Diyos? Tingnan ang Juan 1:12. 2. Ano-ano ang mga bagay na pangunahin sa ating pananalangin (2)Tingnan din ang Mateo 6:9,10. Pansinin ang mga bagay na bumubuo sa unang kalahating bahagi ng dalanging ito. 3. Ano ang ibig nating sabihin pag nananalangin tayo ng “magsimul a na sana ang Iyong paghahari”? (2) 4. Anu-anong pansariling pangangailangan ang ipinahahayag sa panalanging ito? 5. Ano ang ating kalagayan kung hindi tayo nagpapatawad sa iba? Tingnan ang Mateo 6:15.
Page 20 - 1
B. IDALANGIN ANG IBA (5,6) 1. Ano ang pangangailangan ng lalaking dumating galing sa paglalakbay? ( tawagin mo siyang „B‟) (6) 2. Ano ang tugon ng lalaking dinatnan niya sa bahay?( tawagin mo siyang „A‟) B akit ganito ang sagot niya? 3. Anu-ano ang ilan sa mga pangangailangan ng mga taong nasa paligid natin? 4. Ano ang tugon natin sa kanilang mga pangangailangan? 5. Sapat ba ang ating malasakit sa kanila? 6. Ano ang kalagayan ng lalaking si „A‟(6)? 7. Ano ang kaugnayan nito sa ating sariling kalagayan sa harap ng malaking pangangailangan ng iba? 8. Ano ang lunas sa pangangailangan ni „A‟ (5)? 9. Paano natin ito magagamit sa pananalangin? Sino ang ating Kaibigan? C. MGA PROBLEMA SA PANANALANGIN (7,8) 1. Ano ang tugon ng kaibigan ni „A‟? (tawagin mo siyang „K‟) 2. Ano ang dapat gawin ni „A‟ upang makuha niya ang gusto niya kay „K‟? Bakit hindi siya nagsasawa? (Pansini ng nabigo siyang gamitin ang kanilang pagkakaibigan – ngunit nagpatuloy siyang kumakatok dahil sa dalawang mahalagang kadahilanan!) 3. Ang Diyos Ama ay tulad ni „K‟. Ano kung gayon ang aralin sa pananalangin na itinuturo sa atin ni Jesus? 4. Anu-ano kung gayon ang dalawang dahilan kung bakit kung minsan ay ipinagpapaliban ng Diyos ang pagsagot sa ating mga dalangin? ( upang subukin kung, tulad ni „A‟ (i) talagang may malasakit tayo sa mga pangangailangan ng mga taong idinadalangin natin(mayroon ka ba?) (ii) talagang nananalig tayong kaya at ibibigay ng Diyos ang sagot sa ating dalangin.)
Lesson 20: Bakit Hindi Sinasagot Ang Mga Dalangin Ko _____________ _____________________________ Pagsunod Kay Jesus
D. MGA PANGAKO SA PANANALANGIN ( 9-13) 1. Anu-anong mga pampasigla sa pananalangin ( at matatapat na pangako ng Diyos ) ang masusumpungan ditto (9,10)? 2. Anong uri ng pagtitiwala sa ating Diyos Ama ang dapat na matagpuan sa atin (11-13)? 3. Ano ang isa sa mga pinakamahalagang kahilingan sa pananalangin na maari nating ipahayag (13)? PAGWAWAKAS : Anu-anong mga pagbabago sa iyong buhay pananalangin ang makikita bilang bunga ng pag-aaral na ito?
Page 20 - 2
Lesson 21: Ang Pakikipaglaban Araw – Araw_______________________ ___ _________________________
Lesson 21: ANG PAKIKIPAGLABAN ARAW ARAW Mateo 4:1-10 Pangunahing Paksa:Pagkilala Paksa:Pagkilala at pagdaig sa tukso Panimula Talakayin: Ano ang ginagawa mo para madaig ang tukso? Nagtatagumpay ka ba tuwina? Ano sa palagay mo ang dahilan at nabibigo ka? DISCUSSION A. NAIS NG DIYOS NA MAGTAGUMPAY TAYO 1. Basahin ang Roma Roma 6:12-14 at 1 Corinto 10:13, Ano ang sinasabi sa atin ng huling talata tungkol sa pagdaig sa tukso? 2. Anu-anong tatlong paraan ng tukso ang nakikita mo sa bahaging pinag-aaralan? Mateo 4:1-10, tingnan din ang 1 Juan 2:16 B. MGA PANUNUKSO SA KATAWANG LUPA( 2-4) 1. Ano ang unang sinabi ng diyablo kay Jesus? 2. Anong prinsipyo ng tukso ang nakikita rito? ( Laging sinisikap ni satanas na maghasik ng pag-aalinlangan sa ating mga isip at hamunin ang katotohanan ng Salita ng Diyos.) 3. Anong bahagi ng likas ni Jesus ang pinupuntirya ng tuksong ito? Bakit napakabigat ng tuksong ito sa panahong ito(2)? 4. Anu-ano pa ang ibang mga tuksong dumarating sa ating katawang lupa. ( Ang ibig sabihin ng “katawang lupa” Page 21 - 1
Pagsunod Kay Jesus
ay ang bahagi nating nagugutom at nagnanais kumain, matulog, makipagtalik, lumasap ng ginhawa, at iba pa.) 5. Ano ang ginawa ginawa ni Jesus upang mapaglabanan ang tukso? Tingnan din ang mga Awit 119:9, 11. 6. Ano sa palagay mo ang tamang tugon sa panunukso ng katawang lupa? Tingnan ang 2 Timoteo 2:22 at Roma 13:11. 7. Sinabi ni Jesus: Mahina ang katawang lupa. Paano tayo magkakaroon ng kapangyarihan upang madaig ang mga tukso ng katawang lupa? Tingnan ang Roma 8:13. C. MGA PANUNUKSO NG “SANLIBUTAN”( 5-7 5-7 ) 1. Naiintindihan mo ba kung paano itong pangalawang tuksong ito ay kaugnay ng pagiging makamundo( nagsisikap na mang akit ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapasikat?) 2. Anu-ano pa ang ibang bagay na makamundo at mga saloobin ang nakatutukso sa atin?( salapi, mga ari-arian, tagumpay, katanyagan, kultura, palakasan, at iba pa. Maaaring ang ilan sa mga bagay na ito mismo ay mabubuti, ngunit maaaring maging hadlang sa buong pusong pagsunod kay Cristo.) 3. Paano ginagamit at ginagamit ng mali ni satanas satanas ang Banal na Kasulatan upang palakasin ang tukso?( Maingat na ihambing ang talatang 6 sa mga Awit 91:11, 12 ). 4. Paano ito nagiging babala sa atin? 5. Basahin ang Galacia 6:14 at Roma 12:2. Ano ang sinasabi sa atin ng mga talatang ito tungkol sa pagdaig sa mga tukso ng sanlibutan?
Lesson 21: Ang Pakikipaglaban Araw – Araw _____________ ________________________________ _______ Pagsunod Kay Jesus
D. MGA PANUNUKSO NG DIYABLO (8-10 ) ( Lahat ng tukso ay mula sa diyablo. Ang bahaging ito ay tumutukoy sa tuwiran, sa halip na di-tuwirang panunukso.) 1. Ano ang pangwakas na “pagsalakay” ng diyablo (8,9)? 2. Sa paanong paraan tayo natutuksong humanap ng sarili nating ikatatanyag at ikapupuri? 3. Ano ang ugat ng ganitong kasalanan? 4. Sa paaanong paraan tayo nakararanas ng “tuwirang” panunukso ni satanas? ( pagsuway, pag-aalinlanagn, pagkawala ng pag-asa, pagkatakot, at iba pa.) 5. Ano ang ginagawa ni Jesus sa panunuksong ito?( 10 ) 6. Basahin ang 1 Pedro 5:6-9( tingnan ang Santiago 4:7) at ang Lucas 10:19. Ano ang itinuturo sa sa atin ng mga talatang ito tungkol sa pagdaig sa mga tukso ni satanas? PAGWAWAKAS: Naiintindihan mo na ba kung ano ang tamang tugon sa iba‟t ibang tukso sa iyong buhay?
Page 21 - 2
Lesson 22: Ang Pagdidisiplina Ng Ama_________________________ ______ _________________________
Lesson 22: ANG PAGDIDISIPLINA NG AMA Hebreo 12: 1-14 isang mabuti at Pangunahing Paksa:Bilang Paksa:Bilang mapagmahal na Ama, dinidisiplina ng Diyos ang Kanyang mga anak upang sila ay maging mga banal. Panimula Binigyan tayo ng manunulat (sa kapitulo11) ng maraming halimbawa ng mga bayani ng pananampalataya.Ngayon, ang mga bayaning ito ay nanonood sa atin habang tayo‟y tumatakbo sa karera ng pananampalataya. Mahabang takbuhin ito. Anu-ano ang mga katangiang kailangan ng isang mananakbo para sa nasabing paligsahan? DISCUSSION A. ANG PAGTAKBO SA KARERA NG PANANAMPALATAYA PANANAMPALATAYA ( 1-4 ) 1. Anu-ano ang mga tagubiling ibinigay sa atin para sa pagtakbo sa karera ng pananampalataya (1,2)? 2. Anu-ano ang ilan sa mga “balakid na pumipigil sa atin” na nakahahadlang sa atin sa pagtakbo sa karera ng pananampalataya(1). 3. Sa (1) nagsasalita ang manunulat tungkol sa sa kasalanan. Sa kapitulo 11- ano sa palagay nyo ang kasalanang ito? Tingnan ang Hebreo 3:12. 4. Sa paanong paraan humahadlang sa atin ang kawalan ng pananampalataya sa pag-unlad sa pamumuhay Kristiyano? 5. Ano ang lunas sa kawalan ng pananampalataya(2)? 6. Anu-anong panganib ang dapat nating pag-ingatan (3)? (3)? 7. Paano nakatutulong sa sa atin ang mga halimbawa ni Cristo Cristo
Page 22 - 1
Pagsunod Kay Jesus
( 3,4 )? B. ANG MGA AMA AT ANG MGA ANAK ( 5-11 ) 1. Ano ang dapat nating asahan mula sa ating Amang nasa langit (5)? Sa paanong mga paraan nararanasan mo ang pagdidisiplina ng Panginoon? 2. Anu-ano ang dalawang maling ugali o pagtangap na dapat nating iwasan pag dinidisiplina tayo(5)? 3. Ano ang nakakatulong sa atin sa pagtangap ng disiplina (6,7)? 4. May mga pagkakataon na ba sa iyong buhay na dinisiplina ka ng Diyos? May nalalaman ka bang bahagi ng iyong buhay na nangangailangan ng pagwawasto at pagdidisiplina? 5. Sa anong mga paraan ang pagdidisiplina ng ating Ama sa laman ay A) katulad B) di-katulad ng pagdidisiplina ng Panginoon (9,10) 6. Ano ang layunin ng disiplina ng Diyos(10)? Anu-ano ang ang ilan sa mga praktikal na katunayan ng kabanalan? Tingnan ang Colosas 3:12-15. 7. Ano ang bunga ng ganitong pagdidisiplina(11)? C. PANGWAKAS PANGWAKAS NA PAALALA PAALALA (12-14) 1. Sa anong paraan tayo mahihina at lampa kung minsan(12)? 2. Anu-ano ang dalawang mahahalagang bagay na dapat nating pagsumikapan(14)? Anu-ano ang ilan sa mga hakbang na madaling isagawa na maari nating gawin para makamit ito? D. PAGWAWAKAS Nakikita mo ba ang ilang paraan ng pagdidsiplina sa iyo ng Diyos ngayon? Paano ka natutulungan ng pag-aaral na ito na makatugon ka ng tama sa Kanyang pagdididsiplina?
Lesson 23: Mga Gabay Sa Pamumuhay Na Maka-Diyos__________________ _________________________
Lesson 23: MGA GABAY SA PAMUMUHAY NA MAKA-DIYOS Mga Kawikaan 3:1-12 Pangunahing Paksa: Paksa: Ilang matatalino at mapagmahal na patnubay mula sa ating Ama. Panimula Kung mangingibang bayan ang isa mong anak na lalakianu-ano ang ilan sa mga bagay na gusto mong sabihinsa kanya? Heto ang mga tagubilin ng ating Ama! Ano ang napapansin mong kasunod ng bawat tagubilin? ( Isang Pangako) DISCUSSION 1. Ano ang una at pinakamahalagang bagay na dapat nating gawin bilang mga anak ng Diyos (1)? a. Anu-anong mga hakbang ang dapat nating gawin para maalis ang ating pagkamalilimutin? b. Anong klaseng pagsunod ang hinihingi ng Diyos(1)? c. Ano ang pangakong ibinibigay doon sa mga sumusunod(2)? d. Anong pagpapala ang naranasan mo sa iyong buhay bunga ng pagsunod? e. Anong klaseng kabutihan ang maaasahan natin bilang mga anak ng Diyos(2)? Tingnan ang Mateo 6:33 at ang Juan 10:10. 2. Anu-ano ang mga sumusunod na tagubilin sa atin (3)? a. Paano natin maisasagawa ang mga ito? b. Ano ang ibig sabihin ng “ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan”(3)? Page 23 - 1
Pagsunod Kay Jesus
c. Ano ang pangako ng Diyos sa mga gumagawa nito(4)? Tingnan ang Lucas 2:52. 3. Ano ang ibig sabihin ng “Kay Yahweh ka magtiwala” (5)? a. Sa paanong paraan tayo natutuksong magtiwala sa mga bagay o tao? b. Ano ang mali sa ating sariling pang-unawa(5)? Tingnan ang Isaias 55:8,9. c. Sa anu-anong pangyayari tayo nabibigong “Siya ay sangguniin sa lahat nating mga balak”(6)? d. Ano ang pangako ng Diyos sa mga sumasanguni sa Kanya sa lahat ng balak nila(6)? 4. Anu-anong Anu-anong problema ang sumisipot pag “ ipinangahas natin ang ating nalalaman” nalalaman” (7)? a. Ano ang pangako ng Diyos sa mga “natatakot sa Diyos at lumalayo sa kalikuan” (7,8)? b. Sa papaanong paraan nagbubunga ng pagkakasakit ang kasalanan? Mayroon bang matibay na kaugnayan ang dalawa”(1,2,7 at 8)? 5. Anu-ano Anu-ano ang ating mga “kayamanan” at mga “pinakamainam na ani”(9)? a. Paano natin “hinahandugan ang Panginoon”(9)? b. Ano ang saloobin at ginagawa ng Kristiyano tungkol sa mga kayamanan at mga kinikita? Tingnan ang 1 Timoteo 6:8-10 at 1 Corinto 16:2. c. Ano ang pangako ng Diyos sa matapat na nagbibigay (10)? Tingnan ang 2 Corinto 9:6-8.
Lesson 23: Mga Gabay Sa Pamumuhay Na Maka-Diyos _____________ ________________________ _____ Pagsunod Kay Jesus 6. Ano ang dapat nating asahan bilang mga anak ng ating Ama sa langit (11)? a. Paano natin nararanasan ang disiplina ng Diyos? b. Ano ang tamang saloobin sa disiplina ng Diyos(11)? c. Ano ang nakatutulong sa atin sa pagtangap ng disiplina (12)? d. Bakit tayo dinidisiplina ng Diyos(12)?
PAGWAWAKAS Narito ang tagubilin ng ating Ama! Isipin mo kung saan ka kailangang gumawa ng pagbabago sa iyong buhay bilang tugon mo sa araling ito.
Page 23 - 2
Lesson 24: Pamumuhay Sa Liwanag_______________________________ __ ___________________________ Pagsunod Kay Jesus
Lesson 24: PAMUMUHAY SA LIWANAG
5.
1 Juan 1:1-10 – 1 Juan 2:1-2
6.
Pangunahing Paksa: Paksa: Paano magkakaroon ng pakikisama sa Ama at sa sambahayan! Panimula: Sa palagay mo, anong karanasang nagpapatuloy ang pinakabuod ng Kristiyano. DISCUSSION A. ANG MABUTING BALITA ( 1-4 ) 1. Ano ang ibig sabihin ni Juan sa “Salita na nagbibigay buhay” (1)? 2. Ano ang sinasabi ni Juan sa atin tungkol kay Jesus (1)? Tingnan ang Juan 1:1, 4. 3. Ano ang nakita ni Juan kay Jesus at ngayon ay nais niyang ibahagi sa atin (2)? 4. Paano “nahayag ang buhay “ sa atin (2)? Tingnan ang Juan 17:3. 5. Ano kung gayon ang magandang layunin at bunga ng ebanghelyo (3,4 )? 6. Ano kung gayon ang kaibahan ng Kristiyanismo sa “relihiyon”? B. PAGKILALA SA TUNAY NA DIYOS AT PAGKAKAROON NG PAKIKISAMA (5-7) 1. Ano ang natututuhan natin tungkol sa Diyos sa paglalarawang” ang Diyos ay Ilaw”(5)? 2. Ano ang humahadlang sa atin upang magkaroon tayo ng pakikisama sa dalisay at banal na Diyos (6)? 3. Ano ang ibig sabihin ng” namumuhay sa kadiliman”(6)? 4. Paano inilalarawan ni Juan yaong yaong mga nagsasabing sila‟y
Page 24 - 1
Kristiyano, ngunit patuloy na nagkakasala(6)? Ano ang ibig sabihin ng “namumuhay sa liwanag”(7)? Tingnan ang 2:6 at Juan 8:12; Efeso 5:3-14. Ano ang bunga ng pamumuhay sa “liwanag”(7)?
C. PAGTRATO SA KASALANAN (8 – (8 – 2:2) 2:2) 1. Sa palagay mo ba ang isang tunay na Kristiyano Kristiyano ay hindi na nagkakasala kailanman(8)? 2. Ano ang dapat nating gawin kung nagkasala tayo(9)? (ang ibig sabihin ng “ipahayag” ay “makiayon” sa sa Diyo shuwag magdahilan: “opo, nagkasala ako.”) 3. Kanino natin dapat ipahayag an gating mga kasalanan? Tingnan ang Mga Awit 32:5, Mateo 5;23,24; Santiago 5:16. 4. Paano maaaring maging makatarungan ang Diyos at magpatawad ng ating mga kasalanan, hindi ba dapat na ang isang makatarungang Hukom ay magparusa sa atin dahil sa ating mga kasalanan (9)? Tingnan ang kapitulo 2:1-2. 5. Ano ang ipinangangako ng Diyos na gagawin Niya bilang karagdagan sa pagpapatawad ng ating kasalanan(9)? 6. Ano ang layunin ng Diyos para sa Kanyang mga anak ( 2:1a, Tingnan ang 1 Corinto 10:13)? 7. Ano ang inilaan ng Diyos para sa Kanyang mga anak(2:1b,2, tingnan ang 1:7? D. PAGWAWAKAS Talakayin: Anu-anong madadaling isagawang mga hakbang ng “pamumuhay sa liwanag” ang gagawin mo upang tumibay ang iyong pakikisama sa ibang mga mananampalataya?
Lesson 25: Ang Bagong Lipunan Lipunan Ng Diyos____________________________ _________________________
Lesson 25: ANG BAGONG LIPUNAN NG DIYOS Colosas 3:1-17 Pangunahing Paksa: Paano ipamumuhay ang”bagong buhay” na pinasok natin sa pamamagitan ni Jesucristo
Pagsunod Kay Jesus
Tingnan ang Roma 6:6-8. ( Halimbawa: Maaaring magasal “bata” ang isang may edad na nguni t hindi siya dapat magkagayon, at hindi siya kailangang magkagayon. Ang totoo-siya‟y may edad na. Gayon din, wala na sa atin ang “dati nating pagkatao”(9b,10) ngunit maaari pa ring mamuhay bilang isang makasalanan!)
Panimula: Anu-anong bagay ang nabago sa iyong buhay mula noong maging mananampalataya ka? Anu-anong bagay ang hindi pa nababago ngunit dapat na mabago? DISCUSSION A. ANG ATING BAGONG BUHAY AT PATUTUNGUHAN PATUTUNGUHAN (1-4 ) 1. Ano ang nangyari noong naging mananampalataya tayo(1)? Tingnan din ang Roma 6:3-5. 2. Ano ang ibig sabihin ng “namatay na kayo” at “binuhay kayong muli, kasama ni Cristo”? 3. Yamang tayo‟y “binuhay na…muli, kasama ni Cristo”, ano ang dapat nating isaisip(2)? 4. Ano ang inasahan natin(4)?
C. PAGBIBIHIS NG BAGONG BAGONG BUHAY (10-14) 1. Ano ang sumusunod sa “paghuhubad ng dating pagkatao”(9b, 10)? 2. Kailan ito nangyari? Tingnan ang 2 Corinto 5:17 at Roma 13:14. 3. Paano inilalarawan ni Pablo ang mga mananampalataya ngayon(12a)? 4. Anu-ano ang mga ugali ng “bagong pagkatao” ( 12-14) 5. Alin sa mga ito ang para sa iyo‟y mahirap gawin? Bakit? 6. Anong matibay na dahilan ang dapat na tumulong sa atin upang maluwag sa loob na makapagpatawad sa iba(13)? 7. Paano tayo “mag -iibigan”(14)? Tingnan ang Roma 5:5.
B. PAG-AALIS PAG-AALIS NG ATING “DATING PAGKATAO” (5-9) 1. Anu-ano ang mga bagay na hindi na dapat makita sa buhay ng isang mananampalataya (5,8,9)? 2. May nakikita ka bang mga bagay dito na hindi pa naaalis sa iyong buhay? 3. Bakit tinawag ni Pablong “pagsamba sa diyus -diyusan” ang pag-iimbot(5) 4. Anu-anong dahilan ang ibinigay ni Pablo sa pagwawakas ng sa lahat ng uri ng makasalanang Gawain(6,9b)? 5. Paano natin ipinapako ang “ dati nating pagkatao”?
D. PAGPAPANATILI SA BAGONG BUHAY(14-17) 1. Anu-anong bagay ang maaaring magwasak sa ating “ganap na pagkakaisa” bilang mga mananampalataya at sa ating pagsasama-sama(14)? 2. Paano natin mapananatili o mapananauli ang “ganap na pagkakaisang” iyon(15,16a)? 3. Ano ang maitutulong ng “kapayapaang kaloob ni Cristo” kapag naghari sa ating puso(15,16)? 4. Ano ang ibig sabihin ng “gawin ninyong lahat sa Pangalan ng Panginoong Jesus”(17)
Page 25 - 1
Lesson 25: Ang Bagong Lipunan Ng Diyos _________________________ ___________________________ 5. Ano ang susi sa ikabubuti ng pamumuhay-espiritwal ang tatlong beses na sinabi ni Pablo sa mga talatang ito(15,16,17)? E. PAGWAWAKAS Ano ang natuklasan mo sa bahaging ito na isang bagay na dapat ipagpasalamat? Saglit kang manalangin ngayon at ipagpasalamat mo sa Diyos ang mga bagay na ito.
Page 25 - 2
Pagsunod Kay Jesus