C-R-U-S-H Crush…Crush! Crush…Crush! Isang salita na akala mo’y walang halaga Na akala mo’y Hindi mo’y Hindi ka madadala Na akala mo’y isang hamak lang na salita. Pero Hindi sumagi sa puso’t isipan mo Na baka ito’y hahamak sa yong pagkatao Sisira sa kinabukasan mo Papatay unti-unti sa natutulog mong puso.
Pero kahit paman maraming masasakit na ala-ala ang hatid niya Hindi parin maiiwasan na ito’y nagdudulot ng saya, ng kaba, ng lungkot, ng pighati, ng ligaya
May kwento ako sa inyo Merong isang tao na talagang binigyan ko ng kakaibang pansin Crush ang tawag daw dun eka nga
Masarap sa pakiramdam Palagi Kong inaasam-asam Ina-asam-asam na Makita siya Makita sa araw-araw gabi at umaga. Hindi ako mapakali bawat minutong lumipas na Hindi ko siya kasama Gusto ko na nga siyang iuwi sa amin at makatabing matulog sa kama.
May mga pagkakataong sabay kaming umuuwi Alam niyo ba? ang sarap sa feeling para akong sa lotto nagwagi Magkadikit ang aming balat, naaamoy ko ang kanyang hininga Na sadyang pinipilit Kong itanim sa isipan at pilit imemorya.
Bawat pagtitigan nating dalawa sa tuwing tayo’y magkasama Parang kinabukasan ang aking nakikita Ikaw at ako, tayong dalawa, tayo lang, wala nang iba.
Ganito ba talaga ang dapat Kong mararamdaman? Na parang masaya ngunit parang Hindi naman? Masaya sapagkat pinapatibok mo ang puso ko Pero masakit pagkat parang sarili ko’y aking niloloko.
Sa tuwing magkayayaan ang barkada na gumala kahit saan Ikaw lagi ang una Kong tinatawagan Naalala mo pa ba yon? Para naman magkaroon tayo ng kunting pinagsamahan At least diba! Sa akin, meron kang maaalala.
Naalala ko pa, nung pumunta akong mall para maglakwatsa Inikot ko lahat ng lugar na napuntahan natin nung tayo’y dalawa lamang ang gumala Nagpunta ako sa mga damitan, sa mga electronics pati sa sa lugar ng mga gitara.
Para na nga akong tanga na tumatawa kahit ako lang mag-isa Para bang may kasama ako kahit naman wala Parang ako’y may sira na tumutugtog sa gitara at ika’y aking pilit inalala.
Kahit ganun ang turan ko nang araw nayun Pero masaya parin ako Masaya ako, pagkat merong isang ikaw na kayang buohin ang aking araw Na sa akin nagbibigay tanglaw Sa buhay Kong mapanglaw.
Ngunit araw ko’y bigla mong sinira Ay Hindi pala, ang sumira ay ako lang pala Pagkat nakita ko kayo Kayo ng syota mo, magkahawak ang kamay at mga ngiti ay naninilay.
Nananadya ka ba sa akin? Oh sadyang wala kalang pakialam sa aking damdamin? Tinawag mo pa ako kung ano ang ginagawa ko Kung sino ang kasama ko, kung bakit ako nandito, Kung okay lang ba ako? Ano ba? ano ba sa tingin mo?
Sa tingin mo ayos lang ako? Matapos Kong Makita ang paglalampungan niyo ng siyota mo? Sa tingin mo? okay lang ako?
Pero ano nga bang karapatan ko na itanong ko ang lahat ng ito? Meron ba? Diba wala?
Kaya parang sumobra yata itong mga ginagawa ko Tinuring na kitang reyna dito sa puso ko Bakit ba parang Hindi na ito ako? Pagkat handa na akong ibigay lahat ng gusto mo!
Meron pa ngang mga pagkakataon na kahit wala akong pera handa akong mangutang mabili lang ang gusto mo Parang Hindi na ako ito Parang mali na tong nadarama ko. Ano ba ito?
Bawat sandaling naririnig ko ang yung boses Parang tumitigil ang pag-ikot ng mundo Hindi ko mawasto ang ulira sapagkat sa mukha mo ako nakaharap Ano ba to? Anong ginagawa mo sa sistema ko?
parang, para bang ako’y sira na pilit mong binubuo ngunit ako lang pala ang nagpapabuo sa sarili ko mapatapos mung guluhin ang mundo ko. Diba parang ako’y tanga na sumisira’t umaayos sa aking pagkatao?
Nahihiya akong aminin na ikaw ang bumubuo ng aking umaga Na bawat ngiti mo’y katumbas ng isang daang saya at ligaya.
Pero mali! Mali ang aking nadarama Nadaramang parang walang epekto ang aking presenya Na para bang wala man lang siyang paki at ako’y sa kanya Hindi mahalaga.
Ang sakit-sakit Ang sakit sakit isipin na ako lamang ang may ganitong pagtingin pagtingin na Hindi kayang suklian na ang nadaraman ko’y Hindi kayang palitan pagkat ako’y hamak na tao lamang hamak na tao na umiibig sa isang walang kwentang nilalang na Hindi kayang suklian ang aking nararamdaman.
Pero kahit ganun pa man Kahit akala ko’y malaki ang kanyang pagkukulang Pagkukulang pagkat Hindi nya mabigay Hindi mabigay ang isang bagay Na noon ko pa gustong makamit sa buong buhay.
Hindi ko parin magawang siya’y kamuhian Kahit nagmumukha na akong ewan Nagmukhang ewan pagkat ako’y umaasa Na darating din ang panahon na kami ay itadhana.
Hindi ko nga kayang siya’y iwaglit
Iwaglit sa isipan at ipagpalit Ipagpalit sa taong masasabi Kong “Mas Worth it” Mas worth it pagkat kaya nyang tugunan Kayang Tugunan ang lahat Kong nararamdaman Na sa kanya ko lang inilalaan.
Pesteng buhay to Napaka-unfair naman sa parte ko Ako lamang ang umibig sa kanya? Ano to? Lukuhan? Laro-laro lamang Oh come on! Wag na tayong magbiruan.
Bakit ba Hindi pwedeng diktahan ang puso Na ibigin ang isang tao Taong mas karapat-dapat Mas karapat-dapat Sa pagibig Kong tapat?
Talaga bang ganito na ang aking tadhana? Ang umibig sa taong Hindi man lang ako nasulat sa kanyang pahina Na ang utak ay napakakitid at talagang mahina Mahina sa pagkat Hindi man lang ako sumagi sa puso’t isip niya.
Kung nandito Ka man ngayon Sana’y narinig mo ang aking mga kinikimkim Ang lahat ng pighati’t pait na sumasalin
Sumasalin Hindi lamang sa aking puso kundi pati na din sa aking damdamin.
Pero Hindi ba’t crush lang sabi ko? Bakit nasasaktan ako ng ganito? Bakit kahibangan na ang nararamdaman ko? At Hindi na ito yung tipong madadala’t macocontrol ko.
Mukha ngang pag-ibig na itong umuusbong sa aking puso Pero ito lang ang gusto Kong ipakiusap sayo Pakiusap ko sayo na wag mo nang laruin at pakiligin ang puso ko Kasi alam ko na hanggang dun lang ang TAYO Hanggang dun lang ang estorya ng tayo Pagkat walang tayo!
wala talaga, crush lang dapat kita walang kita, pagkat wala talaga walang tayo, walang kita, walang namagitan sa ating d alawa kundi ang pagkakaibigan lamang pagkakaibigan na gusto Kong mauwi sa pagkakaibigan.
Pero kahit paman ako’y nakaramdam ng kalungkutan, ng pighati, ng pait, ng sakit na nararamdaman nais ko paring sayo ay magpasalamat sapagkat pinaramdam mo sa akin pinaramdam mo na isa lang akong hangin hangin na wala man lang halaga , walang kwenta, wala talaga.
Salamat pagkat tinuruan mo ang puso ko na maging maligaya Maging maligaya sa kaunting panahon na kasama kita Salamat sapagkat ikay naging ispirasyon kahit paman isa lang akong dekorasyon kahit wala sa akin ang iyong atensyon pero sadyang sayo parin ang aking dedikasyon.
Salamat! Salamat talaga!