ISANG PANANALIKSIK TUNGKOL SA PAMAHIIN NA PINANINIWALAAN NG MGA PILIPINO
Ipinasa kay: Bb. Mojica Propesor sa FILI 123 Ipinasa nila: Amper, John Henry De Leon, Gena Marie Ortiga, Glory Grace Pascual, Ivan Mary HUB 11
TALAAN NG NILALAMAN
1. TSAPTER I 1.1 INTRODUKSYON 1.1.1. Kaligiran 1.1.2. Layunin 1.1.3. Kahalagahan
2. TSAPTER II 2.1. DISKUSYON
3. TSAPTER III 3.1. KONGKLUSYON 3.2. REKOMENDASYON
4. BIBLIOGRAPI
TSAPTER I INTRODUKSYON
I. KALIGIRAN
Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang relasyon sa isa't isa. Aminin man o hindi, malaki ang nagagawang impluwensiya ng mga pamahiin sa usaping kultura, buhay, kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ng mga Filipino (http://www.pinoyhenyo.com/ano_ang_kahulugan_ng
20081016023911777.
html). Ang pamahiin ay isa sa nagsisilbing haligi ng Kultura ng mga Pilipino kaya hanggang ngayon tinatangkilik pa rin ito ng mga Pilipino dahil ang pagiging mapaniwala sa pamahiin ay tatak ng pagiging Pilipino.
Ayon kay Lorenzo (2005), pinaniniwalaang ang mga pamahiin ang naging kalasag ng mga ninuno upang labanan ang pwersa ng kalikasan sa anumang hindi mabuting pangyayayari sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Likas sa mga Pilipino ang pagiging mapagmahal sa kalikasan, kung kaya’t kapag may dumarating na hindi kanais-nais na pangyayari agad itong ikinokonsidera na may koneksyon sa kapaligiran. Para sa mga taong ito, naniniwala sila na ang isang pangkaraniwang araw ay nababalot at hindi mabubuo kung walang mga paniniwala na sinusunod. Kahit noon pa man,
ang mga ninuno ay may mga paniniwala nang sinusunod, kagaya ng pagaalay ng prutas o pagkain sa anito upang bantayan ang tanim at hindi pestehin o kaya ang pag-aalay ng panalangin sa pamamagitan ng ritwal na sayaw kay Bathala upang payabungin ang palay at pasaganahin ang ani nito.
Ang pamahiin ay pinaniniwalaang ibinase sa Kristiyanismo (Yu, 2004). Sa pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, pinalaganap nila ang relihiyong Kristiyanismo at lalo nilang pinagtibay ang paniniwala ng mga Pilipino na nakaapekto
sa
kanilang
pananampalataya
at
pang-araw-araw
na
pamumuhay. Nangangahulugan din ito na hindi pa man nasasakop ng mga Kastila, mayroon nang sariling pamahiin ngunit sa isang banda mas napalawig lamang ito sa tulong ng kanilang sariling mga tradisyon at paniniwala at mas nabigyang-pansin din. Sinasabi na napakalaking epekto raw ng kanilang pananatili sa Pilipinas lalo na sa usaping relihiyon.
Bahagi ng pagtunton sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas hindi lamang ang mga alamat kundi pati ang mga pamahiin. Napaka-rami, inulat tuloy ng mga Español na utu-uto (ingenuo, naive) at mapag-paniwala (superstitious) ang mga Pilipino. Subalit paratang lamang ito dala ng hangad nilang ilayo sa mga lumang paniwala (old beliefs) at gawing catholico ang mga tao. Katunayan, lahat ng bansa sa daigdig, nuon at ngayon, ay may kanikanilang paniwala, pinagsama-samang lahat sa taguring pamahiin . Sinasabi na ang mga pamahiin ay mas matanda pa sa kasaysayan dahil hindi pa man dumarating mga dayuhan, ang mga Pilipino ay may sariling ng pamahiin o mga paniniwala gaya ng pagsamba nila sa mga anito, puno, bato, at mga
bagay sa kalikasan. Kailan lamang nadayo ng Relihiyong Katoliko at Relihiyong Islam ang mga Pilipino subalit matagal na silang maraming pamahiin. Dala ng Espańol at Amerikano ang ilang pamahiin pagkasakop nila sa Pilipinas nitong nakaraang daan-daang taon, subalit mas marami ang bitbit ng mga tao mula Indonesia, Malaysia, China at iba pang bahagi ng timog silangang
Asya
noong
naunang
libu-libong
taon
(http://www.elaput.org/almat02.htm).
Ang pamahiin ay maaring makaapekto sa persepsyon ng isang indibidwal. Sa isa sa mga pagpapahayag ni B.F. Skinner, sinasabi niya na sa tuwing may gagawin ang isang indibidwal, inaasahan na nitong may mangyayari, mabuti man o masama at kapag nagkataong walang nangyaring hindi maganda, ipagpapatuloy niyang gawin ang aksyon sa kadahilanang wala namang masamang idinulot ang aksyong isinagawa.
Ang sikololohikal na pag-aaral na ito ay hindi nalalayo sa tradisyon ng tao sa kadahilanang ang bawat indibidwal ay naniniwala na sa pagpapatuloy ng mga aksyong ito ay makatatanggap ng isang gantimpala o parusa na maaring nararanasan o hindi pa nararanasan noon at sa pag-ulit ng paggawa ng partikular na aksyon, muling makatatanggap ng parehong konsekwensya.
II. LAYUNIN Nais ipaalam ng mga risertser sa pananaliksik nilang ito na tukuyin at alamin ang mga karaniwang pamahiin upang maipahayag kung ang mga ito ay may mga basehan at katotohanan nga ba.
Ikalawa, nais ding maipahayag ng mga risertser ang iba’t ibang epekto ng pamahiin sa pisikal, sosyal, mental, emosyonal higit sa lahat ay ang ispiritwal na aspekto ng tao.
Lalong-lalo na, upang magbigay-realisasyon ukol sa pagbabago ng relihiyon dulot ng mga pamahiin.
III. KAHALAGAHAN Nais malaman ng pananaliksik na ito kung hanggang saan ang impluwensya ng mga ganitong pamahiin. Magkakaroon din ng kabatiran ang mga sumusunod tungkol sa pinag-ugatan, importansya at epekto sa lahat ng aspekto ng buhay ng mga estudyante upang magkaroon sila ng kaalaman at kaligiran tungkol sa mga pamahiin. Gayundin mahalaga rin ito sa mga propesor upang makakuha sila ng mga impormasyon na may kinalaman sa kanilang leksyong maari nilang maibahagi sa kanilang mga estudyante. Sa pamamagitan ng pananaliksik, makikinabang ang bawat pamilya dahil malalaman nila kung ano ang mga hindi dapat o dapat gawin sa kanilang tahanan. Makaktulong din ito sa mga taong nanniniwala sa pamahiin upang madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa pamahiin.
TSAPTER II DISKUSYON
Hindi na bago sa pandinig ng tao ang tungkol sa pamahiin. Nagsimula ito sa mga ninuno at naipasa mula noon hanggang ngayon. Maraming kadahilanan kung paano nabuo o nagsimula ang mga ito. Maaring nagsimula ito sa takot sa kalikasan at tinatawag na demonyo o masamang elemento at ang
iba
naman
ay
galing
sa
relihiyon
o
tradisyon
(http://en.wikipedia.org/wiki/Superstition).
Sa pagpapahayag ni Dr. Sonia M. Zaide, may-akda ng The Philippines: A Unique Nation, ang bansang India ang may pinakamalaking impluwensya sa mga pamahiing Pilipino. Nagbanggit pa nga ng halimbawa si Dr. Zaide ng mga halimbawa ng pamahiin buhat sa India tulad ng ang dalagang kumakanta habang nagluluto ay hindi makakapag-asawa, ang babeng kumain ng kambal na saging ay manganganak din daw ng kambal at pangatlo, kapag nanaginip na nabunot ang ngipin o nalaglagan ng ngipin ang ibig
sabihin
daw
ay
may
mamamatay
na
mahal
sa
buhay
(http://www.suite101.com/article.cfm/filipino_american_lifestyle/110149).
Ang ilan din sa mga pamahiin ay nagbuhat pa sa ibang kultura. Ang tradisyon ng pagsusuot ng polka dots at paglalagay ng barya sa bulsa ay konektado sa pamahiin ng mga Intsik. Sa mga Pilipino, ang paghulog ng sisidlan ng pera
sa sahig ay nangangahulugang maghihirap ang taong
nakahulog nito. Ito marahil ay impluwensya ng mga Kastila sa mg Pilipino noong sila ay nasakop ng mga ito.
Sa baba ay ang iba’t ibang kilalang pamahiin sa lipunan: -
Huwag magwawalis ng bahay pagsapit ng dilim dahil lalabas ang grasya.
-
Kapag
aksidenteng
nahulog
ang
kutsara,
may
darating na bisitang babae. kapag tinidor, ang bisita ay lalaki. -
Masama ang kumakanta habang nagluluto dahil hindi makakapag-asawa.
-
Kapag kumain ng pansit ay hahaba ang buhay
Narito rin ang ibang pang kilalang pamahiin: -
Kapag nakakita ng itim na pusa ay maaaksidente.
-
Maglabas ng tatlong itlog sa araw ng libing upang hindi umulan.
-
huwag susukatin ang traje de boda sa araw bago ang kasal dahil hindi ito matutuloy.
Kahit na maraming alam ang mga Pilipino na pamahiin, kilala man nang lubusan o hindi, ito’y sinusunod kahit na ito’y hindi kapanipaniwala, kahit hindi mapaliwanag ang pinagmulan nito. Sa mas madaling salita, may mga
basehan nga ba itong mga pamahiin na kahit hindi napatunayan, ito’y sinusunod pa rin?
Kung pagmamasdan ang mga kilos ng tao sa araw-araw, may mga pamahiing sinusunod o naisasagawa sa kahit anong paraan na hindi namamalayan (http://www.watchtower.org/e/20020801/article_02.htm) Isang halimbawa nito ay yung pagdating sa pagpapagamot, alam naman sa panahong ito ay napakamahal na ng mga gamot, lalo na ngayon, maraming sakit ang nagsulputan, at dahil sa hindi kaya ng ibang pasyente ang bumili ng mga ganitong gamot, sila ay nagpupunta at nagbabasakali sa mga albularyo upang mapagaling sila. Ang pamamaraang ito ay nasa tradisyon na ng mga tao na kahit hindi napatunayang mabisa ang pagpapagamot sa albularyo ay mas nanaisin nilang dito magpunta kaysa sa mga hospital na kung saan may mas ligtas at mataas na kalidad na mga kagamitan at pasilidad.
Ang pamahiin ay laganap sa buong mundo ngunit nagkakaiba-iba ito sa iba’t ibang bansa. Ito ay patuloy na kumakalat depende sa kung anong pamamaraan tulad ng mga alamat, mga pangyayari, at iba pa. Ang pinakakilalang instrumento sa pagpatuloy ng mga pamahiin na ito ay ang paniniwala na dapat ang isang bagay o tao sa mundo ng ispiritwalidad ay tahimik.
Sa kabilang banda, natuklasan na ang pinakakilalang mga pamahiin ay may pinagmulang kasaysayan at pinagbasehang malalim na pag-aaral na siyang nakatulong sa tuluy-tuloy na paglaganap nito.
Ayon sa pananaliksik ni Beal (2008), ang ilan sa mga pamahiin na kilalala ay may mga eksplanasyon kung bakit ito nabuo. Ang mga sumusunod ay:
1.
Ang paglalakad sa ilalim ng hagdanan ay malas. Medyo may katotohanan nga naman ito dahil may mga bagay o kahit ano pa man na baka mahulog sa iyo mula sa taas nito, maari rin na ang mismong hagdanan ang tumumba at dumagan sa iyo.
2.
Kapag kumati ang palad ng isang tao, ang ibig sabihin nito ay magkakapera siya. Noon ay may maliit lamang na produksyon ng pera kung kaya’t mapapansin mo ang mga pera ay laging hawak-hawak ng mga tao.
3.
Kapag nakakita ng itim na pusa ay malas. Maraming taon na rin ang nakakalipas na ang mga itim na pusa ay pinaniniwalaang may siyam na
buhay
na
siyang
nakakatulong
at
nakakasama
ng
mga
mangkukulam sa mga ritwal at orasyon nila. 4.
Kapag nakabasag ng salamin ay magdadala ito ng pitong taong kamalasan. Ang salamin ay sinasabing gawa sa pamamagitan ng kamay, mahal, at mahalaga. Ang paglagay ng pilak sa likod ng salamin
ang siyang nagpapamahal dito. Ang mahirap na pamilya ay nag-iipon ng maraming taon para lang makabili ng sariling salamin.
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang sarbey tungkol sa paksang ito kung saan kumuha ng tatlumpung mag-aaral sa loob ng pamantasan ng De La Salle at tinanong ng ilang mga katanungan na may kinalaman sa pamahiin. Pagmasdan ang pie chart sa baba:
Hindi Naniniwala 40%
Medyo Nainiwala 37%
Naniniwala 23%
Sa bilugang grap, pinakamarami ang hindi naniniwala sa pamahiin dahil hindi nila ito napatunayan o nasaksihan. Sumunod naman ang mga medyo naniniwala, na nakakuha ng tatlumpu’t pitong porsyento, dahil sa ilang pamahiin na kanilang alam ay nagkatotoo at ang iba naman sa ilalim ng pagoobserba ay hindi nagtagumpay. Samantala, ang pinakamallit na populasyon ng napiling mga mag-aaral ay naniniwala sa pamahiin sa kadahilanang wala naman raw mawawala kung maniniwala at susunod dito.
Ang paniniwala sa pamahiin ay lumilikha ng malaking epekto sa pisikal, mental, sosyal, emosyonal at higit sa lahat sa ispiritwal na aspekto ng pagkato ng tao. Ito ang nagsisilbing pundasyon ng istruktura ng mga tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino.
Sa pisikal na aspekto, ang pagsunod sa pamahiin ay naglilimita sa mga aksyon at gawain ng tao. Nababawasan nito ang kalayaan ng tao na magsagawa ng bagay na hindi pamilyar sa tao ang magiging dulot kaya sumusunod na lamang ang tao upang makasiguro sa pansariling kapakanan bagamat hindi maitatanggi ang kanyang kuryosidad na nararamdaman. Ito ay tumutukoy sa kasabihang “Ang hindi mo alam ay ang siyang magpapalakas sayo.” Halimbawa na lamang nito ay ang taong may malalang sakit nang hindi niya nalalaman. Kung sakaling malaman niya ito, maaaring maging malungkutin siya at hindi na niya magawa ang mga nakagawiang gawain sapagkat nagiging hadlang ang kanyang sakit sa pagiging produktibong mamamayan.
Sa mga Pilipino, mahalaga ang pagiging “in” o ito yung sinasabing pagsunod sa uso. Kung sa porma at pagbibihis mayroong sinusunod na uso o modelo ang tao, ganun din sa pamahiin. Kahit ang iba ay walang batayan sa totoong dulot nito, ngunit marami pa rin ang naiimpluwensyahan na sumunod sa iba upang mapabilang sa grupong nais tularan. Ito ay nagsisilbing tanda ng partisipasyon ng tao sa grupong kinabibilangan kaya ganun na lamang ang epekto ng pamahiin sa sosyal na aspekto ng buhay ng tao.
Ang mental na aspekto ng isang tao ay naapektuhan din ng paniniwala sa pamahiin sapagkat nagkakaroon ng sariling pananaw ang tao tungkol sa ibang bagay o pangyayari sa buhay ng tao tulad ng kasal, binyag, at maging sa kamatayan na maaaring iba sa karamihan. Para sa kanila ang paniniwala sa
pamahiin
ay
nagdudulot
ng
katiwasayan
sa pag-iisip
sapagkat
nakagagawa sila ng bagay na alam nilang komportable silang iaksyon kahit na kung minsan, ito ay nagpapakita ng pagiging impraktikal.
Halimbawa na lamang ang babaeng ikakasal. Hindi niya maaaring isukat ang kanyang damit pangkasal sa kadahilanang hindi matutuloy ang kasal. Kaya na lamang sa oras ng kasal, maaaring ang damit ay maluwag o hindi naman kaya’y masikip. Ipinakikita lamang nito na ang paniniwala sa pamahiin ay naglalayo sa tao sa kung ano ang totoo o marapat gawin o iaksyon
sa
isang
partikular
na
sitwasyon.
(http://pinoyandpinay.com/KuroKuro/?p=45).
Ang mga Pilipino ay natatangi hindi lamang sa kanilang kultura, tradisyon o relihiyon maging sa mga pamahiin. Ayon sa mga ninuno, ang iba sa mga pamahiin ay totoo. Noong unang panahon, kapag ang mga ninuno ay nakararamdam ng bagay na kakaiba o panganib, agad nila itong binibigyan ng kahulugan. Naniniwala ang mga nakatatanda na sila’y mapasasama o malalapit sa peligro kapag hindi sila sumunod.
Ang pamahiin ay hindi maipaliwanag na pagkatakot sa isang hindi mawaring bagay, misteryoso o imahinasyon lalung-lalo na sa pagpapatungkol sa koneksyon nito sa relihiyon; relihiyong paniniwala o pagsasagawa ng bagay dala ng takot o pagiging ignorante (Oxford English Dictionary). Pagkatakot ang maaaring dahilan ng ibang tao kaya nila sinusunod ang mga lumang paniniwala ng kanilang mga ninuno. Nangangamba sila na maaring ikasama nila kung hindi nila ipagpapatuloy ang mga nakaugaliang pamahiin. Ang mga emosyon na pagkatakot at pagkapayapa ng damdamin ay ilan sa maaaring idinudulot ng pamahiin sa buhay ng mga taong patuloy na nagtitiwala sa ganitong bagay.
Sa paniniwala ng Simbahang Katolika ang paniniwala sa mga pamahiin ay itinuturing na kasalanan sapagkat ito ay nagpapakita ng kawalan ng tiwala at paglilimita sa kakayahan ng Poong Maykapal at ito ay labag sa una sa sampung utos ng Diyos. Sinasabi sa bibliya, ang Diyos ay nagwikang ’’ 2 Ako ang Diyos, na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, sa bahay ng pagkaalipin.
3
Huwag kang magkaroon ng ibang mga diyos sa harap ko.
(Exodus 20: 2-3). Maliwanag na sinasabi sa bibliya na ang Panginoon lamang ang dapat sambahin wala ng iba. Kung ganito ang nakasulat sa banal na aklat, ito ay dapat sundin at ang lahat ng lalabag sa kautusang ito ay maliwanag na nagkasala sa Diyos. Sa mensahe ng Diyos sa Dt. 18:10 sa bibliya sinasabing, ” 10 Huwag magkakasumpong sa iyo ng sinumang nagpaparaan sa apoy ng kanyang anak na lalake, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, manggagaway.”
Nagpapatunay lamang ito na ang mga naniniwala o
nagmamasid ng mga pamahiin ay tunay na nagkasala sa Panginoon at ang kasalanang ito ang naglalayo sa tao mula sa Panginoon. Sa ganitong kaparaanan naaapektuhan ng paniniwala sa pamahiin ang ispiritwal na aspekto ng pagkatao ng tao. Sa paniniwala sa mga pamahiin, naiisasantabi ang pananampalataya sa Panginoon dahil mas binibigyang prayoridad ang mga pamahiin dahil sa pag-aakalang ang mga ito ay nagbuhat sa Diyos. Sa madaling salita humihina ang pananampalataya ng tao sa Diyos dahil sa pagdepende o lunusang pagtitiwala sa mga pamahiin. Dapat tandaan na ang Diyos ang lumikha ng sanlibutan at Siya lamang ang may kontrol sa mga bagay na kanyang nilikha.
Ang pamahiin, kagaya ng ibang misteryosong pangyayari, ay isang hindi maipaliwanag na bagay na tinangkilik ng lipunan. Ang pinagmulan ay hindi malinaw at ang layunin nito ay hindi maintindihan, kaya karamihan sa mga tao ay nagkakamali ng pag-iinterpreta sa mga ito at nagiging isang bagay na mahiwaga, isang pwersa na hindi matanto na para sa iba kapantay ng relihiyon.
At sa pagsapit ng pagpapalit ng taon, karaniwan sa mga kabataan ay tumatalon sa paniniwalang sila’y tatangkad at kung papansinin sa mga darating na taon dumadami ang bilang ng bata na tumatalon sa kalsada sa paniniwala na sinabi ng mga matatanda. Ang lipunan sa ngayon ay nababalot na ng hindi mabilang na pamahiin para mahugot ang magagandang kapalaran kasi hindi naman kasalanan ang pagsunod sa mga ito paminsanminsan. Ngunit ang problema na napansin ng mga riserter batay sa kanilang
obserbasyon sa mga tao at sa media, na ang tao ay mas naniniwala sa pamahiiin kaysa sa nararapat. Bilang isang katolikong bansa, ang kultura ng Pilipinas ay nahahalo na sa kultura ng iba’t ibang bansa at dahil dito lahat ng napulot na paniniwala at kaugalian sa kanila ay ginagawan ng sariling bersyon kung kaya’t inaangkin ng mga Pilipino ito na siyang dahilan ng paglihis ng mga tao sa paniniwala nila sa Diyos. Pero i to bang mga iba’t ibang kultura ay gagambalain ang pagbabago ng isang bagay na kilala ang bansa – ang relihiyon?
Mula sa isang pari, Father Jesse ng simbahang Our Lady of Pilar, na nagmisa noong gabi bago magtapos ang taong 2008 nabangit niya sa kanyang sermon “Ang Diyos ba ay bola?”, nakapukaw ito sa atensyon ng mga mananaliksik tungkol sa masaklap na katotohanan kung ano na ang nagagawa ng pamahiin sa paniniwala ng mga tao. Sa kanyang sermon nabanggit niya kung ano ang epekto nito at kung paano ito mas sinusunod ng mga nakakarami kaysa sa Diyos. Ang “Diyos ba ay bola?”, kung ipapaliwanag ang halimbawa nito ay yung labindalawang prutas na ang hugis bilog o bola na kinokolekta isang linggo bago magpalit ang taon dahil sa paniniwalang makapagdadala ito ng kaginhawahan at swerte sa buhay at sa bahay, pati na rin ang pagsasabit ng labindalawang piraso ng ubas sa Christmas tree at paghahagis ng barya sa loob ng bahay. Ang mga pamahiing ito ay kilala rin sa tawag na Feng Shui na pinaniniwalaang dinala ng mga Tsino. Ang Feng Shui ay nakadepende sa apat na elemento: lupa, hangin, apoy, at tubig na may malaking papel na ginagampanan sa ikabubuti ng kapalaran at buhay ng marami. Ngunit hindi napapansin ng nakararami na ang bansang ito ay unti-
unti ng naniniwala sa mga bagay na misteryoso kung saan hindi alam ang pinanggalingan nito.
Bilang isang bansang may pinakamalaking populasyon ng mga Katoliko sa Asya, ang Pilipinas ay nahihirapan sa pagpapalaganap ng relihiyon at sa pagsisigurado na ang mga tradisyon ng simbahan ay hindi matitinag ang pundasyon at mababali ang mga batas nito kahit sa pagdating ng bagong milenyo. Subalit ang mga hindi maintindihan na mga paniniwala sa ispiritwalidad na anyo ng pamahiin ay nagiging isang hamon ito sa misyon ng simbahan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kapag may kaya sa buhay ang isang tao siya ay tumatawag at humihingi ng tulong sa mga eksperto sa Feng Shui upang maresolba ang kanilang mga problema sa buhay imbis na gawan nila ito ng solusyon sa sarili nilang paraan at magkaroon ng pananalig sa Panginoong Maykapal dahil lahat ng nangyayari sa ating buhay ay plano ng Diyos at may layunin ito. Sa balitang inulat ng 24 Oras at TV Patrol noong nakaraang Pebrero, kakaunti na lang ang mga taong nagsisimba tuwing Linggo kumpara noong mga nakaraang taon, at ito’y lubhang nakababahala dahil huli sa kanilang prayoridad ang pagdarasal at hihingi lamang ng tulong sa Diyos kapag malaki at hindi na makayanan ang mga problema at kapag nawalan na ng pag-asa sa mga pamahiin na kanilang sinubukan.
TSAPTER III
KONKLUSYON Batay sa isinagawang pag-aaral napatunayan ng mga mananaliksik na: 1.
Ang mga pamahiin ay galing pa sa mga paniniwala noong sinaunang panahon, pagkatapos ay napasa-pasa mula sa isang henerasyon papunta sa mga sumunod na henerasyon. At maaaring ang iba ay gawa lamang ng ibang tao na nagbago rin sa panahon, pero pinaniniwalaan na may basehan dito mula sa sariling nakaraan.
2.
Ang mga pamahiin ay nakakaapekto sa iba’t ibang aspekto ng buhay tulad ng nalilimitahan nito ang kilos at gawain, pag-iisip kung saan napapalawak o napapakipot ang pananaw, sa pamamagitan din nito nakakakilala ng panibago o nababawasan ng kaibigan, sa emosyonal dahil sa kinakatakutang resulta kapag hindi sinunod ang pamahiin, at s ng pagbabago sa relihiyon a paniniwala ng isang tao.
3.
Ang mga pamahiin ay nagdudulot ng pagbabago sa relihiyon. Karamihan sa mga tao naniniwala sa mga pamahiin at naiisantabi na lamang ang relihiyon. Sa relihiyong katoliko dapat sa iisang Diyos lamang sila naniniwala at siya ay si Hesus at hindi sa mga sabi-sabi o pamahiin lamang.
REKOMENDASYON _____________________________________________________________ _ 1. Dahil sa hindi alam kung saan nanggaling ang pamahiin, ito’y tanggapin lamang sapagkat ito ay parte na ng tradisyon at kultura ng Pilipinas at wala rin naming mawawala kung susundin ito.
2. Ipagpatuloy
lamang
kung
ano
ang
nakagawian
na
at
wag
magpaapekto sa kung ano man ang narinig.
3. Kung naniniwala ka sa pamahiin ay walang masama rito basta huwag kalilimutan ang Diyos na siyang lumikha sa lahat.
BIBLIOGRAPI
Mga librong nagging sanggunian:
Silverio, J. F. (1997). 1001 katutubong pamahiin. Philippines: M & L Lidicure Enterprise.
Cruz, N. (1996). Don’t take a bath on a Friday: Philippines superstition & folk beliefs. Makati City: Tahanan Books.
Lorenzo, C. S. (2005). Ugat ng panitikang Pilipino: bugtong, salawikain, mga… . Mandaluyong City: National Bookstore.
Mga elektronikong nagging sanggunian:
http://enchantress.tblog.com/post/1970020333
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Re ading_Lessons/LESSONS/Katutubong_pamahiin.htm
http://alingbaby.worpress.com/2008/07/22/naniniwala_ka_ba_dito/
http://www.catalogs.com/info/history/common_superstitions.html
http://en.wikipedia.org/wiki/superstitions
http://www.pinoyhenyo.com/ano_ang_kahulugan_ng20081016023911777.html
http://pinoyandpinay.com/KuroKuro/?p=45
Pangalan: Kurso/taon/seksyon: Pakisagot ang mga sumusunod: 1. Naniniwala ka ba sa pamahiin? Bakit? Bakit hindi? At paano ito nakakaapekto sa iyo? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ __________________________________________
2. Magbigay ng isang pamahiin na tumatak sa iyo. Napatunayan mo ba ito o hindi? Bakit? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ___________________________________