Silangang Visayas V isayas
Ang rehiyon ng Silangang Silangang Visayas, Visayas, ay isa sa mga rehiyon ng Pilipinas, at ito ay tinatawag na Rehiyon VIII. Binubuo ito ng anim na lalawigan: Biliran, Silangang Samar, Leyte, Hilagang Samar, Samar at Katimugang Leyte. Ang mga lalawigan ng Leyte, Samar at Biliran ay sumasaklaw sa pinakasilangang mga pulo ng Visayas
Paglalarawan sa Rehiyon 1. Napapaligiran ng tubig. 2. Mabundok at may malalim na lambak at dalampasigan. – Ang Leyte ay mabundok samantalang ang Samar ay maburol at walang Kapatagan.
Klima – Malimit dalawin ng bagyo dahil sinasabing ito ay nasa ―typhoon belt‖
Pangunahing Kabuhayan – Pangingisda – Pangangalakal ng tabako, torso, ceramics, at yantok – Pagmimina
Mga lalawigang bumubuo sa Rehiyon 8
BILIRAN Kabisera: Naval Pagkatatag: Mayo 11, 1992 Populasyon: Sensus ng 2000—140,274 (ika-5 pinakamaliit) Densidad: 253 bawat km² (ika-26 pinakamataas) Lawak: 555.4 km² (ika-4 pinakamaliit) Wika: Cebuano, Waray-Waray Nakilala noon bilang ―Isla de Panamao‖. Halaw sa damong Borobiliran na makikita halos sa buong islang ito. Dati, ito‘y tinatawag na Isla de Panamao. Ito‘y unang itinatag noong 1712 at naging bahagi ng Cebu. Noong 1768 naging Biliran na ang tawag dito at naging parte ng Leyte.
Ang Biliran ay isa sa mga pinakamaliit na lalawigan sa Pilipinas at matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Isang pulong lalawigan, nasa ilang mga kilometro lamang ang Biliran sa pulo ng Leyte. Naval ang kapital nito at minsan naging bahagi ng Lalawigan ng Leyte ito hanggang naging hiwalay na lalawigan noong 1992.
Mga Bayan Almeria Cabucgayan Caibiran Culaba Kawayan Maripipi Naval
SILANGANG SAMAR Kabisera: Borongan Pagkatatag: Hunyo 19, 1965 Populasyon: Sensus ng 2000—375,822 (ika-20 pinakamaliit) Densidad—87 bawat km² (ika-13 pinakamababa) Lawak: 4,339.6 km² (ika-28 pinakamalaki) Wika: Waray-Waray Noong Marso 16, 1521, unang tumapak si Ferdinand Magellan sa Homonhon nang makarating siya sa Pilipinas. Noong Setyembre 28, 1901 (Panahon ng mga Amerikano), naganap ang Balangiga Massacre. Oktubre 17, 1944, inangkin ng mga sundalong Amerikano ang islang Suluan, Guiuan tatlong araw bago tumapak si Gen. Douglas MacArthur sa Leyte. Noong Hunyo 19, 1965, inaprubahan sa kongreso ang Republic Act No. 4221 na nagsasaad ng paghahati ng kapuluan ng Samar sa tatlong probinsya.
Ang Silangang Samar (opisyal na pangalan: Eastern Samar) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Borongan ang kapital nito at matatagpuan sa silangang bahgai ng pulo ng Samar. Napapaligiran ito ng Hilagang Samar at sa kanluran nito ang Lalawigan ng Samar. Nakaharap ang Silangang Samar sa Dagat Pilipinas sa silangan, at Gulpo ng Leyte sa timog.
Mga Bayan Arteche Balangiga Balangkayan Can-avid Dolores General MacArthur Giporlos Guiuan Hernani Jipapad Lawaan Llorente
Maslog Maydolong Mercedes Oras Quinapondan Salcedo San Julian San Policarpo Sulat Taft
LEYTE Kabisera: Tacloban Pagkatatag: 1543; Marso 10, 1917 Populasyon: Sensus ng 2000—1,592,336 (ika-14 pinakamalaki) Densidad—279 bawat km² (ika-24 pinakamataas) Lawak: 5,712.8 km² (ika-12 pinakamalaki) Wika: Waray, Cebuano, Tagalog, Ingles Ito ang pinakamalaking probinsya ng Silangang Kabisayaan. Marso 28, 1521 dumating dito si Ferdinand Magellan. Dito naganap ang ―Blood Compact‖ sa pagitan nina Ferdinand Magellan at Rajah Kolambu. Noong Oktubre 20, 1944 naganap ang pagbalik ni Heneral Douglas MacArthur kasama ng kanyang mga tauhan sa Pilipinas at tinawag itong Leyte Landing.
Ang Leyte (o Hilagang Leyte; opisyal na pangalan: Northern Leyte) ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Lungsod ng Tacloban ang kapital nito at sinasakop ang 75 bahagdan ng hilagang bahagi ng pulo ng Leyte. Matatagpuan ang Leyte sa kanluran ng Samar, sa hilaga ng Katimogang Leyte at sa timog ng Biliran. Sa kanluran ng Leyte sa ibayo ng Dagat Camotes, naroon ang lalawigan ng Cebu.
Mga Bayan Abuyog Alangalang Albuera Babatngon Barugo Bato Burauen Calubian Capoocan Carigara Dagami Dulag Hilongos Hindang
Inopacan Isabel Jaro Javier (Bugho) Julita Kananga La Paz Leyte MacArthur Mahaplag Matag-ob Matalom Mayorga Merida
Palo Palompon Pastrana San Isidro San Miguel Santa Fe Tabango Tabontabon Tanauan Tolosa Tunga Villaba
May 22,1959 – nahahati sa dalawang probinsya sa ilallim ng R.A. no. 227 na ngayon ay hilaga at timog Leyte na sinasabing isa sa mga pinakamalaking pinagkukunan ng palay sa bansa ang Leyte dahil sa magandang llupang taniman nito. At ang mga prutas naman na maani sa lugar na ito ay ang mga – abokado – langka – lansones – bayabas – mangga – papaya – pinya – pakwan – balimbing – marang – maani rin ang cacao at pili.
Malalaking Pook sa Leyte Maasim / Garra Beach Pugaling Beach Cacao Falls Kagnitaan Subterranean Caves
HILAGANG SAMAR Kabisera: Catarman Pagkatatag: Hunyo 19, 1965 Populasyon: Sensus ng 2000—500,639 (ika-30 pinakamaliit) Densidad—143 bawat km² (ika-25 pinakamababa) Lawak: 3,498.0 km² (ika-37 pinakamalaki) Wika: Waray, Cebuano, Inabaknon Ang mga taong naninirahan ngayon dito ay kilala bilang mga ―Nortehanon‖. Dito itinatag ang daungan ng mga barkong pangkalakalan ng mga Espanyol. Noong 1649-1650, naganap ang Sumuroy Rebellion na pinamunuan ni Juan Ponce Sumuroy.
Ang Hilagang Samar (opisyal na pangalan: Northern Samar) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Catarman ang kabesera nito at matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Samar. Silangang Samar at Samar ang hangganan nito sa timog. Sorsogon naman sa hilagang-kanluran sa ibayo ng San Bernardino Strait; Dagat ng Pilipinas naman sa silangan at Dagat ng Samar sa kanluran.
MGA BAYAN Allen Biri Bobon Capul Catarman Catubig Gamay Laoang Lapinig Las Navas Lavezares Lope de Vega Mondragon
Palapag Pambujan Rosario San Antonio San Isidro San Jose San Roque San Vicente Silvino Lobos Victoria Pisikal Mapanas
SAMAR Kabisera: Catbalogan Pagkatatag: 1543, nahiwalay mula sa Leyte noong 1768 naging Kanlurang Samar noong Hunyo 19, 1965 nang malikha ang mga lalawigan ng Silangang Samar at Hilagang Samar. Napalitan bilang Samar noong 1969. Populasyon: Sensus ng 2000 —641,124 (ika-38 pinakamalaki) Densidad —115 bawat km² (ika-17 pinakamababa) Lawak: 5,591.0 km² (ika-13 pinakamalaki) Wika: Waray, Cebuano, Tagalog, Ingles Ito ang may pinakamalawak na lupain sa buong pulo ng Samar. Nanggaling ang pangalang Samar sa salitang samad na ang kahulugan ay ‗sugat‘, dahil sa pisikal na katangian ng islang ito. Noong panahon ng Espanyol, ang Leyte ay sakop ng Cebu noong1735
KATIMUGANG LEYTE Kabisera: Lungsod ng Maasin Pagkatatag: Mayo 22, 1959 Populasyon: Sensus ng 2000 —360,160 (ika-18 pinakamaliit) Densidad: 208 bawat km² (ika-42 pinakamataas) Lawak: 1,734.8 km² (ika-16 na pinakamaliit) Wika: Waray, Cebuano Ito ay sakop ng ―Philippine Rift Zone‖. Noong dumating si Ferdinand Magellan sa Leyte, unang naganap ang kristiyanong misa sa Limasawa na matatagpuan sa Katimugang Leyte. Bago pa man sumuko ang mga Espanyol sa mga Amerikano noong 1898, mayroon nang naitatag na mga opisinang panggobyerno sa Maasin. Dahil sa pagbago ng pamunuan, lahat ng opisinang pampamahalaan maliban sa Fiscal’s office, ay inilipat sa Tacloban.
Ang Katimugang Leyte (o Timog Leyte; opisyal na pangalan: Southern Leyte) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Silangang Visayas. Isang mahalagang bahagi ng sistema transportasyon ng mga pulo ng bansa ang Katimogang Leyte, kasama ang mga sasakyang pangdagat ng nilalakbay ang mga tao at produkto sa pagitan ng Liloan at Surigao del Norte sa Mindanao. Naganap sa probinsyang ito ang kaunaunahang Kristiyanong misa at sinasabi na kapanganakan ng Kristiyanismo sa buong Asya. And probinsya ay kilala sa magandang kalidad ng mga produktong abaca nito at isa sa mga malalaking prodyuser ng bansa ng pibro ng abaca
MGA BAYAN Anahawan Bontoc Hinunangan Hinundayan Libagon Liloan Limasawa Macrohon Malitbog
Padre Burgos Pintuyan Saint Bernard San Francisco San Juan (Cabalian) San Ricardo Silago Sogod Tomas Oppus
Ang Wika, ang mga Tao at ang Sinaunang Porma ng Pagpapahayag sa Panitikan Waray ang wika ng mga taong naninirahan sa buong probinsiya ng Samar at Leyte. Isa ito sa walong pangunahing wika sa Pilipinas at ang mga ugat nito ay mababakas mula pa sa pamilyang Malayo-Polynesian.
Ang mga taong naninirahan sa Kabisayaang Silangan ay tinatawag din na mga Waray. Sila ay masayahin at walang inaalala. Halimbawa, pagkatapos ng mahabang araw ng pagtratrabaho sa bukid, nagsasama-sama ang mga kalalakihan at umiinom ng tuba habang nagkukuwentuhan at kumakanta sa tugtog ng gitara. Ang mga tao ay labis ding nananabik sa pagsapit ng piyesta at iba‘t iba pang pagdiriwang; binubuhay nila ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga dula, pagtataguyod ng mga paligsahan sa pag-awit at iba pa.
Ang Panitikang Waray Ang Panitikang Waray ay binubuo ng mga tula. Mapapatunayan na ang tula ang pinakamadalas mailathala sa mga peryodiko kaysa sa ibang akdang pampanitikan. Isa sa mga pinakamatandang uri ng berso sa Waray ay ang ―lua‖ na karaniwang kinikilala ng mga manunulat ngayon bilang ―panulaan‖. Sa katunayan, ito ay isang diskursong pasalita na kadalasa‘y sa berso. Ang panulaang Waray ay nabuo noong ika-17 na siglo.
Sinaunang Panitikan sa Silangang Kabisayaan Kasaysayan 1668 –Tinipon ni Fr. Ignatio Franciso Alzina ang iba‘t ibang tula tulad ng candu, haya, ambahan,canogon, bical, balac, siday at awit, pati mga salaysay tulad ng susumaton at posong. 1521-1946 – Ang mga lumang ritwal, mga tula at mga salaysay ay nagbago. Napanatili ng balac ang porma nito kahit patuloy na nabago ang pangalan nito sa pagdating ng mga mananakop. Sa pagdating ng mga Espanyol, ang balac ay naging amoral; at nang dumating ang mga Amerikano ay nakilala ito bilang ismayling, hango sa salitang Ingles na ―smile‖.
1899 –Itinanghal sa Tolosa, Leyte ang kauna-unahang zarzuela na pinamagatang, An Pantabang ni San Miguel ni Norberto Romuladez. 1900s – Ang mga panulaan at dulaan ay nagsimulang yumabong sabay ng pag-unlad ng ekonomiya nito. 1901 –Nailathala ang iba‘t ibang lokal na pahayagan at magasin kung saan lumabas ang panulaang Waray. 1909 –Naitatag ang Sanghiran San Binisaya.
Mga Porma ng Tula Ambahan – Isa itong nakaaaliw na awit at karaniwang kinakanta tuwing piyesta. Bical – Isa itong matulaing diskurso sa pagitan ng dalawang tao, maaaring dalawang lalaki o dalawang babae. Sinasabi nila ang nais nilang sabihin sa isang mapanuyang paraan na may kasamang estriktong kumpas ng musika sa loob ng isa o dalawang oras. Balac – Ang karaniwang tema nito ay pag-ibig na ipinapahiwatig ng isang lalaki at babae sa paraan ng isang pasalitang diskurso. Minsan ay may saliw ng dalawang instrumento: coriapi para sa lalaki at corlong para sa babae. Sidai – Ito ay karaniwang kinakanta upang purihin ang mga taong may mahalang papel sa lipunan, magbigay galang at kilalanin ang mga nagawa ng kanilang mga ninuno at isalaysay ang kagandahan ng ilang kababaihan.
-Ang sinaunang panulaang Waray napakasubhetibo dahil may kinalaman ito sa personal na sentimyento ng manunulat. Kung ang pagiging subhetibo ang pinakadiwa ng tulang liriko, samakatwid ang sinaunang panulaang Waray ay lubos na tulang liriko. At ang tulang liriko ay karaniwang ipinagpapalagay na kanta, isang mapanlikha at matalinghagang berso na may saliw ng musika. -Isang katangian ng panulaang Waray ay ang kakayahan nitong maangkop sa musika. Ito ay dahil sa likas na ugali ng mga modernong manunulat sa Waray na iangkop ang ilan sa kanilang mga tula sa panitikan, at maging sa musika na rin. – Sa anim na porma ng tula, tanging Sidai (o Siday) lamang ang umunlad.
Mga Kuwentong Bayan -Masasabing karamihan sa mga naisulat na mga akda sa panitkang Waray ay mga tula ngunit hindi pa rin mawawala ang mga kuwentong bayan. Hindi lamang isang uri ng panitikang Waray ang mga kuwentong bayan dahil naging bahagi na rin ito ng kanilang pamumuhay. Walang tiyak na manunulat ng kuwentong bayan.
Mga Awiting- Bayan - Ang Ibong Tikbubulan (Isinatitik at isiniayos nina Agustin El O’Mora at Leonor Almeria, 1982) Itong ibong tikbubulan Muntik ko nang mahawakan Subalit Ningning, siya‘y natabunan Nitong niyog na kumpulan. Kung hindi de-abaniko Patay na ‗tong katawan ko Subalit Ningning, hihimatayin ako Sa pawis na todo-todo.
-Ang Niyog (Awiting Bayan na isinatitik, 1982) Itong puno‘y ating kaibigan Kasama tuwing mag-iinuman Isakbat ang sisidlan, punuin ang tuba, ay, Tuba lamang ang tunay na kasiyahan. Ako‘y nanginginig, ako‘y nanginginig, Sa gabing malamig, hanap ko‘y di banig Nais ko, Inday, Kandungan mong langit Itong katawan kong si Pedring ang kawangis Pabaling-baling sa gabing malamig.
Francisco Alvarado – Madalas siyang tumula tungkol sa pag-ibig, kalikasan, pagmamahal sa bansa at relihiyon. – Ang kanyang mga tulang naging popular ay: • Requiescant in Pace/Mapayapang Pagpapahinga (walang petsa) • Palu (1912) • Palo (walang petsa). – Noong 1924, nanalo ng Unang Gantimpala ang kanyang tulang Kadayunan/Walang Hanggan. – Nagsulat din siya ng mga dula tulad ng: • An Liburan/Ang Eskuwela (1912) • La Receta de Quezon/Ang Reseta ni Quezon (1916) • Lolay (1922) • Lambong Han Himaya/Anino ng Tagumpay (1931).
Iluminado Lucente – Itinuturing siyang pinakaromantikong manunula at mandudula sa Leyte at Samar. – May ritmo at tugma sa kanyang mga tula at awit: •Dinudumdom ko Ikaw/Naaalala Kita (1906), •Ayaw Na Ha Ak Panumdom/Ako‘y Iyong Kalimutan Na (1909) – Ang kanyang mga makabansang tula ay: • Pagbangon, Pepe (1909) •Ha Akon Tunang Natawhan/Sa Aking Lupang Tinubuan (1911) – Bilang mandudula, nakasulat si Lucente ng mahigit tatlumpung dula para sa mga Waray tungkol sa kahirapan, pag-iibigan, pagmamahal sa bayan, kababaihang Bisaya, atbp. – Ilan sa kanyang mga nababantog na dula: •An Mga Anak Han Luha/Ang Mga Anak ng Luha
Eduardo Makabenta – Siya ay nagsimulang magsulat ng mga tulang Binisaya noong 1927. – Ang kanyang unang tula ay pinamagatang, Pag-Usaan/Pag-iisa. – Noong inagurasyon ng gobyernong Commonwealth, isinalin niya sa Waray ang tulang Hosanna ni Jesus Balmori – Noong 1938, isinalin naman niya ang Ultimo Adios ni Rizal.
Ricardo Octaviano – Ang kanyang mga kilalang tula ay: • The Miraculous Holy Infant Jesus (1960; Ingles ang pamagat ngunit nasa wikang Waray ang nilalaman) •Bungto ha Dulag/Bayan ng Dulag (1963) • Salapi (1972) – Nagsulat din siya ng mga dulang panradyo tulad ng: •Anak nga Napa-Manila/Anak na Napunta sa Maynila (1966) •May Puon nga Pinaurog/Ang Pinagpala (1966).
Agustin El O’Mora – Nagsulat siya ng dalawang bolyum ng mga berso: • Siday Han Kabataan/Mga Bersong Pambata (1959) – Ito ay isang koleksyon ng 176 tula tungkol sa paniniwala sa Panginoong MayKapal, pagmamahal sa lupang tinubuan, masasarap na pagkain, iba‘t ibang hayop, sari-saring laro‘t laruan, kalikasan, wastong pagkilos sa bahay at lipunan. • Tanaman Han Mga Inop/Hardin ng mga Pangarap – Ito naman ay binubuo ng 5,000 tula ay isinaayos ayon sa sumusunod na klasipikasyon: – 1) Hinaro na mga Pagbato/Mga Damdaming Nanlalamig – 2) Lanlain nga Hinanabihan/Sari-saring Paksa.
Norberto Romualdez – Itinayo niya ang Sanghiran San Binisaya/Sanggunian ng Binisaya. – Tanyag siya para sa kanyang mga dula tulad ng: • Anak Han Manaranggot/Anak na Manunuba (1926; unang itinanghal sa Ateneo de Manila noong 5 Pebrero 1927). – Isinalin niya sa wikang Waray ang: •Doctrina Kristiyana/Patoron-an Han Mga Kristyanos (1910)
Casiano Trinchera – Mahilig siyang magsulat tungkol sa pag-ibig. – Ang kanyang mga kilalang tula ay: •An Lambung Mo/Ang Iyong Anino (1907) •Hain Ka?/Nasaan Ka? (1907) •―Pagsumpa‖ (1907).
Espiridion Brillo – Ang kanyang tula, Ginadayaw Ko Ikaw/Pinupuri Kita ay unang lumabas sa Hinugpong, isang koleksyon ng panulaang Waray, noong 1910. – Noong 1917, isinulat niya ang Hinumduman Hin Usa nga Amay/Pag-alala sa Isang Ama at San-o Ka Bumaya/Bago Ka Umalis. – Nagsulat siya tungkol sa iba‘t ibang paksa – mga piyesta, pag-ibig, moralidad, kalikasan, mga tao at lugar, relihiyon at mga pamahiin, at maging tungkol sa mga kabibe. Mula 1929 hanggang 1939, nakapagsulat siya ng 63 na tula. Nagsulat din siya ng mga dula tulad ng O Gugma/O Pag-ibig, ilang mga bugtong at apat na maiikling kuwento: •An Siyahan nga Kagugmaan nira Domingo Brimor ug Maria Balsib/Ang Unang Pag-ibig nina Domingo Brimor at Maria Balsib.
Vicente I. De Veyra – Si Vicente I. De Veyra ay nagsulat ng mga awit at kaalamang-bayan, nangolekta ng mga kasabihan at bugtong, at naglathala ng mga tuntunin sa wikang Waray. – Noong 1920, itinuon niya ang kanyang pansin sa pangongolekta ng mga awiting bayan at mga kasabihan sa Waray na lumabas noong 1922 kasama ang Mga Ambahan ha Balitaw ug Kurratsa. – Noong 1958, inilathala niya ang isang tipon ng Katapusan nga Pamimilet/Huling Paalam na naglalaman ng Ultimo Adios at ilang tula ni Rizal na isinalin sa Waray nina Romuladez, Ricacho, Makabenta at Montejo.
Juan Ricacho – Isa siya sa mga masisikap na manunulat sa Waray. Isinulat niya ang Ha Kan Mercedes/Para kay Mercedes noong 1907, Kahidlaw/Pangungulila noong 1910 at Katapusan nga Pamimilet, ang kanyang sariling salin ng Ultimo Adios ni Rizal noong 1911. – Nakilala din siya sa kanyang galing sa balagtasan. Sa katunayan, nakipagbalagtasan siya kay Iluminado Lucente tungkol sa paksang An Tawa ug An Touk/Kaligayahan at Kalungkutan sa isang pook.
Ceferino Montejo – Mas nakilala si Ceferino Montejo sa pagsusulat sa Ingles at siya ang tinaguriang pinakamagaling na manunulat ng Leyte na may kontribusyon sa panitikang Pilipino sa wikang Ingles. Nakapagsulat din naman siya ng ilang mga tula sa Waray na nailathala sa ilang lokal ng pahayagan. – Hindi siya tulad ng ibang manunulat na kadalasang nagsusulat ng mga tula tungkol sa pag-ibig. Nagsulat siya tungkol sa kamatayan: – Heimweh noong 1939 noong mamatay ang kanyang tiyuhin – Waray Nim Kamatayan/Wala Kang Kamatayan noong 1960.
Francisco Aurillo – Nang magsimulang marinig sa ere ang unang istasyon ng radio sa Tacloban, ang DYLL, si Francisco Aurillo ang naging kauna-unahang mamamahayag sa Waray, na dati ay isang manunulat sa dyaryo. Naging isa siyang magaling na mamamahayag na hinagaan ng lahat dahil sa kanyang pambihirang galing sa wikang Waray. – Dati ay naging estudyante siya ni Iluminado Lucente at tinipon niya ang lahat ng kanilang aralin at mga tula noong nasa mataas na paaralan pa siya. Noong 1942, nakapagsulat siya ng maraming tula at ilan dito ang: – Didal-Didal – Disyimbre Ika-30, 1986 – Disyembre 1971 nang magkaroon siya ng isang programa sa radio.
Pedro Separa – Isa si Pedro Separa sa mga kilalang manunulat sa panitikang Waray. Isinulat niya ang Talwas Ta nga Nasud/Ang Ating Bayang Malaya at An Puraw nga Gatas/Ang Dalisay na Gatas noong 1958. – Bukod pa sa Dadlagan han Kinabuhi‖ na kanyang isinulat noong 1965, nangolekta din siya ng mga berso na tinipon niya sa isang bolyum na pinamagatang Mga Siday/Mga Tula. – Noong 1966, sinulat niya ang Idlap han Kahulop/Siglaw ng Kabiguan.
Jaime C. De Veyra – Si Don Jaime C. De Veyra ay ipinanganak sa Tanauan, Leyte at naging isang tanyag na manunulat, kritiko, pulitiko at makabayang iskolar na napapabilang sa listahan ng mga tanyag na Pilipino ng kanyang panahon tulad nina Cecilio Apostol, Fernando at Leon Ma. Guerrero, Jose at Rafael Palma, Mariano Ponce at iba pa. – Ilan sa kanyang mga naisulat ay: – Tandaya o Kandaya (1912) – Filipinas y Filipinos (1934) – Ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato – Bukod pa sa pagiging pulitiko at manunulat, naging mahalaga rin ang kanyang papel sa pagbuo ng pambansang wika ng Pilipinas.
Mga Festival sa Rehiyon 8