YUNIT 1
MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1.I PANIMULA
Isa sa pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang mag-aaral na magtatapos sa sekondarya ay ang pagdedesisyon sa pagpili ng kursong kukunin nila sa kolehiyo. Sapagkat ang desisyon na iyon ay makakaapekto sa magiging buhay nila sa hinaharap. Karamihan sa mga mag-aaral ay sinisigurado na kung anong kurso ang kanilang kukuhanin kapag sila ay nasa kolehiyo ngunit mayroong mga maaaring maging hadlang at makakaapekto sa desisyon na ito. Una ay ang kanilang pinansyal na pangangailangan, kung ang kukuning kurso ba ng isang mag-aaral ay kayang masuportahan ng magulang at kayang tustusan ang mga gastusin ng kurso. Isa ring nakakaapekto ay ang pamilya na malaking epekto sa ginagawang desisyon ng mga mag-aaral. Ang mga kaibigan na madalas kasama ng mga kabataan kung kaya naman ang mga desisyon na dapat nilang gawin ay naiimpluwensyahan ng mga ito. Karaniwan na ating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman na maibibigay nila sa atin at hindi ito makukuha ng sino man. Bukod sa pagpapaunlad ng ating sarili, tayo ay may tungkulin din sa ating kapwa. sabi nga ni Jesus.. "Ibigin mo ang iyong kpawa, gaya ng iyong sarili."(Mateo 22:39). Kung bawat Estudyante ay pagbubutihin ang kanyang pag-aaral at tatapusin ang anumang kursong nais, makakatulong ito nang malaki sa kanyang kapwa pagsapit ng takdang panahon. Salamat sa mga guro, doktor, nurse, engineer, nga kawani ng gobyerno at iba pa na nagsikap at nagtiyagang tapusin ang kanilang mga pag-aaral at nakakatulong ng malaki sa ating bansa ngayon. Syempre pa ay hindi natin makakalimutan ang pakiramdam na ikaw naman ang nag-aabot ng kaunting pera at tumutulong ng sa iyong mga magulang at mga taong nagsikap upang ikaw ay makapagtapos.
1.II KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng pag-aaral ukol sa Epekto sa mga mag-aaral na napilitan kumuha ng kursong Turismo sa unang taon sa Our Lady of Fatima University Antipolo. Ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, guro at mga magulang, dito natin malalaman ang iba't ibang saloobin ng mga mag-aaral na napilitan lamang kumuha ng kursong Turismo. Sapagkat maraming mga istudyanteng patuloy parin kinukuha ang kursong turismo kahit na hindi nila ito kagustuhan.
Ang turismo ay masayang aralin sapagkat maraming positibong epekto ang naidudulot nito. Ano-ano nga ba ang mga ito? Unang-una ay nagbibigay ito ng maraming oportunidad sa pagtatrabaho. Dahil sa maraming industriyang nasasaklaw ng turismo ay paniguradong maraming trabaho ang maiaalay nito sa mga tao at di lang yan, napapataas din nito ang kita ng mga negosyo. Nakakatulong din ito sa pagpapaayos at pagpapa-unlad ng inprastraktura ng bayan. Ito ay pwede rin mapaunlad kasama ang mga local na produkto. Sa madaling salita, pinapalaganap nito ang kaunlaran at tumutulong sa pagiging progresibo ng ekonomiya ng bansa. Ang pag-unawa at kapayapaan sa bawat bansa ay naidudulot din ng turismo. At higit sa lahat nakakatulong sa pag-ganda ng buhay.
1.III BATAYANG TEORETIKAL
Nakasaad dito ang mahahalagang teoryang binuo ng iba pang mananaliksik at dalubhasa hinggil sa paksang may kaugnay sa isinasagawang pag-aaral.
Ayon kay Reynolds, madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang pinipiling kurso sa personal na interes.
Ayon kay George-Jasckson (2012),pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng pansariling kagustuhan sa nakakaimpluwensya sa mag-aaral sa kanyang pipiliing kurso.
Ayon kay Dr. Casey (2008), malaking impluwensya sa pag gawa ng desisyon ng kabataan ang kanyang mga kaibigan. Ayon naman kay Laitsch (2006), naapektuhan ng mga kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral maaaring sa negatibo o positibing paraan.
Ayon kay Rodman Webb at Robert Sherman (1989) "Ang salitang
career
aymaaaring tumutukoy sa isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ngisang indibidwal." Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagbigay liwanag na angkarerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-isipan at binuo ayon sa sarilingkagustuhan at sa pangangailanagan ng lipunanSamakatuwid, iba-iba ang batayan ng bawat indibidwal ukol sa kung anong kareraang nais niyang tahakin.Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon - bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ngmga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bayan.
1.IV BATAYANG KONSEPTUWAL
Magsasagawa ang grupong ito ng serbey o talatanungan para ipasagot sa tatlongpung respondent.INPUT
Magsasagawa ang grupong ito ng serbey o talatanungan para ipasagot sa tatlongpung respondent.
INPUT
Ang grupo na ito ay mamimigay ng mga katanungan sa mga estudyante sa unang taon sa kursong BSTM sa Our Lady of Fatima University Antipolo upang makangalap sa paksang pinag-aaralan.PROCESS
Ang grupo na ito ay mamimigay ng mga katanungan sa mga estudyante sa unang taon sa kursong BSTM sa Our Lady of Fatima University Antipolo upang makangalap sa paksang pinag-aaralan.
PROCESS
taon
OUTPUT Inaasahan ng grupong ito na maging matagumpay ang pananaliksik na ito upang maunawaan ng lahat ang bawat saloobin ng mga mag-aaral na napilitan lamang kunin ang kursong Turismo
OUTPUT
Inaasahan ng grupong ito na maging matagumpay ang pananaliksik na ito upang maunawaan ng lahat ang bawat saloobin ng mga mag-aaral na napilitan lamang kunin ang kursong Turismo
1.V PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ito'y naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang dahilan ng mga mag-aaral sa pagpili ng kursong Turismo?
2.Ano-ano ang mga sitwasyon na nararanasan ng mga mag-aaral dulot ng pagpili ng kursong Turismo?
3.Sa kasalukuyan, ano-ano ang mga nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kursong kinuha?
4. Magiging matagumpay ba sila sa pagpili ng kursong Turismo?
5. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa kursong Turismo?
1.VI KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito na ukol sa Epekto sa mga mag-aaral na napilitan kumuha ng kursong Turismo sa unang taon sa Our Lady of Fatima University ay inaasahang magbibigay ng kapakinabangan sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral
Ang mga pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang mabatid nila kung sila ay tunay na desidido sa kursong napili nila.
Sa mga magulang
Ang pag aaral na ito ay makakatulong upang mas maunawaan nila ang saloobin ng kanilang mga anak ukol sa kursong nais kunin.At upang malaman nila ang nagiging epekto sa kanilang ang anak na napilitan lang kunin ang kursong Turismo.
Sa mga instructor ng Kolehiyo ng Turismo
Ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman kung paano nila gagabayan ang kanilang mga mag-aaral. Gayundin, kung paano nila matutulungan ang mag-aaral na mahikayat na ipagpatuloy ang kursong nasimulan.
Sa Kolehiyo ng Turismo
Ito ay makakatulong sa kanila upang malaman ang kabuunan o bilang ng mag-aaral na napilitan lamang kunin ang kursong Turismo.
Sa mga manunulat
Ang pag aaral na ito ay maaring magbigay ng sapat impormasyon sa kanilang pananaliksik ukol sa lagay ng mga estudyante na kasalukuyang pumipili ng kurso.
1.VII SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa Epekto sa mga mag-aaral na napilitan kunin ang kursong Turismo sa unang taon sa Our Lady of Fatima University Antipolo. Sakop sa pag-aaral na ito na makangalap ng impormasyon at datos tungkol sa naiisip at nararamdam nila dulot sa napilitan lamang kunin ang kursong Tursimo bilang propesyon, ano-ano ang mga personal na saloobin ng mga mag-aaral ukol sa magiging bunga ng pagpili ng kursong Turismo, at kung ano-ano ang nakakaimpluwensya sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kursong nasimulan . Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa tatlongpung (30) mag-aaral ng Kolehiyo ng Turismo sa unang taon sa Our Lady of Fatima University .
1.VIII KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN
Edukasyon
ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim.
Epekto
isang pagbabago na ay isang resulta o kalalabasan ng isang aksyon o iba pang dahilan.
Pamantasan o Unibersidad
ay isang institusyon ng mas mataas na edukasyon at pananaliksik na nagbibigay ng mga sertipikong akademiko sa iba't-ibang larangan. Naglalaan ang isang pamantasan ng edukasyon para sa 'di pa tapos at sa nagtapos ng edukasyong tersera-klase.
Mag-aaral
ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pagiging estudyante. Ang mga estudante ay nangangailangan ng mga silid-aralan at mga kagamitan pang-iskwela.
Propesyon
ay isang bokasyon na naitatag sa isang espesyalisadong pagsasanay na pang-edukasyon, na ang layunin ay ang makapagbigay ng malayuning payo at paglilingkod sa ibang mga tao, para sa isang tuwiran at tiyak na kabayaran, na nakahiwalay nang buo magmula sa inaasahan ng ibang pagkakamit na pangnegosyo.
Guro
ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral. Ang gampanin ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na isinasagawa sa isang paaralan o ibang lugar ng edukasyong pormal.
Impluwensya
mga bagay o pangyayari na nakaka-apekto sa isang pasya o gawi.
KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL
2.I KAUGNAY NA LITERATURA
A. Lokal na Literatura
Batay sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik inilathala ni Doris
Franche-Borja sa pahayagan na Pilipino Star Ngayon na nararapat na pumili ng kursong
may mataas na sahod ang piliin ayon sa pahayag ng DOLE Sec. Rosalinda Baldoz. Pilliin
ang mga kurso na nagbibigay sa kanila ng magandang pagkakataon at mataas na sweldo.
Ginagawa ng kalihin ang pahayag dahil na rin sa napipitong graduation ng daan-
daang libong estudyante ng sekondarya ngayong marso 2015. Payo pa ng kalihim, huwag
gayahin ng mga estudyante ang kanilang mga kaklse sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo,
kundi ang isaalang-alang ay mga in-demand na kurso.
"I also advice them to refrain from choosing courses based on what's in vogue or
fashionable or to use the popular social lingo of the youth, what's "trending" and popular.
Just because a neighbor's son or daughter will take up this or that course does not mean
you should follow suit." Paliwana g ni Secretary Baldoz. Binanggit ng kalihim ang 10
kursong may highest paying jobs base sa report ng bureau of local employment gaya ng
aviation. Banking and finance, business process outsourcing, creative industries, cyber
services, manufacturing at mining.
Inihalimbawa ng mga kalihim na ang isang art director na nasa ilalim ng creative
industries ay tumatanggap ng median salary na php69,286 kada buwan, habang ang
geologist ay nasa php64,889. Ang aircraft pilot, navigator, flight engineer ay nasa
php57,789 kada buwan. Ang mining engineer ay php55,638 kada buwan at ang computer
programmer ay nakakasweldo ng php43,573 kada buwan. Naniniwala si Sec. Baldoz na
maiiwasan ang problema sa labor mismatch kung ngayon palang ay nagiging matalino na
sa pagpili ng kurso ang mga mag-aaral
B. Banyagang Literatura
Ang edukasyon ay ang paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad ng ating isipan na nagsisilbi ring proseso ng pagbibigay o pagkukuha ng pangkalahatang kaisipan, paghuhubog ng kakayahan sa pagrarason at paghahanda ng sarili sa intelekwal na aspekto para sa pagtahak sa buhay. Ito rin ay ay ang siyensiya o sining ng pagtuturo ayon sa diksyonaryo ng Random House.
Nakatala rin sa Collier's Encyclopedia ( ) na ang edukasyon ay nananatili bilang isang prosesyong pangkalahatan na nagiging instrumento upang ang isang komunidad, lipunan o bansa ay makaagpang sa mga pagbabagong nagaganap. Ito ay sa pamamagitan ng paglalahad at pagpapalaganap ng mga kaalaman na tumutulong sa tao upang lagpasan ang ano mang banta laban sa pansariling kaayusan. Ang Edukasyon ay maituturing na pangkalahatang proseso kaya't nararapat lamang na ito ay hindi makapag-iisa, sapagkat nandito ang pag-aambag ng iba't ibang saloobin, persepsiyon, ideolohiya at mga pagnanais mula sa iba't ibang uri ng indibidwal sa loob ng isang grupo. Masasabi rin na ang isa sa pangunahing layunin ng edukasyon ay ang bigyan ng nararapat na pagsasanay ang isang tao upang magamit niya ang kanyang sariling mga kaisipan para sa pansarili at pambansang kaunlaran at kaayusan.
Sa isang artikulo sa internet, ang mga karera sa edukasyon ay nagpapahintulot sa bawat indibidwal na magamit ang kanilang talento at kaalaman sa pagtuturo sa mga bata, mga kabataan, at sa mga nakatatanda (www.christianet.com/education). Nabanggit din ni Taylor (1997) na maraming mga mag-aaral ang mayroong magandang pagkakaunawa sa mga natura ng kanilang napiling propesyon alinsunod sa pagpasok sa isang propesyunal na edukasyon. Sila rin ay may kakayahang makagawa ng higit pa sa kanilang inaakala sa natura ng pagsasagawa sa darating na panahon. Samakatuwid, ang pagkaunawa sa kanilang napiling kurso at ang kanilang makaugnayang karanasan ay maaaring mailakip sa basehan ng pagpili o criteria.
Sa kasalukuyang siglo, ang edukasyon ay karaniwang dinadala ng mga paaralan at iba pang organisasyon. Hindi rin kaila na ang makabuluhang mga bagay na nasa komunidad ay naaapektuhan ng malaki sa pamamagitan ng media (Dushkin/ McGraw-Hill, 2000).
Batay kay Fiske (2000), karamihan sa mga mag-aaral sa papaunlad na mga bansa ay may mababang antas ng pagganap o performance sa pandaigdigan o nasyonal man na batayan. Ito ay batay na rin sa mga ebidensiyang nailahad mula sa isang pananaliksik. Nabibilang ang kwalipikasyon ng mga guro sa mga pampaaralang salik na nakaaapekto sa antas ng paggawa o achievement ng mga mag-aaral. Ang lahat ng katangian ng mga guro—kwalipikasyon, karanasan at kakayahan—ay may kritikal na pagganap sa paghubog ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto sapagkat ang interaksyong sa pagitan ng mag-aaral at guro ay ang pangunahing paraan ng pagpasa o paghatid ng kaalaman at kasanayan.
2.II KAUGNAY NA PAG-AARAL
A. Lokal na Pag-aaral
Ayun kay Rocky Rivera ang dahilan kung bakit siya sumulat ng artikulo patungkol sa ganitong tanong ay upang makatulong at makapagbigay ng linaw sa mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo. Dahil naniniwala siya na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang sistema ng ating ekonomiya para sa ating mga mamamayan dito. Kayat ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang nais mong kurso.
Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon. Ang mga nakasulat sa artikulo na ito ay base sa kanyang pan-sariling karanasan at obserbasyon sa mga taong aking kakilala at malapit sa kanyang puso. Maaring ang mga ito ay taliwas sa karanasan na inyong narinig mula sa inyong mga kakilala at ito naman ay kanyang inaasahang mangyari dahil naniniwala siya sa kasabihang
'Everybody is unique"
B. Banyagang Pag-aaral
Maraming pakahulugan ang maaring kaakibat ng salitang Edukasyon lalo pa at kinikilala ito bilang isang larang na may malawak na sakop. Bahagi rin nito ang proseso ng pagkilala sa sarili at pakikipagkapwa na nauugat sa pagtuturo ng isang guro sa kanyang mag-aaral o grupo ng mga mag-aaral. Nabanngit ni Nate (1995) na ang Edukasyon ay isang patuloy na kontroladong proseso kung saan nagkakaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng tao. Binanggit niya rin na ang pangunahing ginagampanan ng Edukasyon ay ang paghubog sa indibidwal para sa kapakanang panlahat at personal na tagumpay. Bawat isa ay nararapat na makapag-aral upang umunlad at magkaroon ng pag-uugali at pananaw na nakadirekta sa pag-unlad ng lipunan.
Sa anumang antas ng pag-aaral, higi sa bahagi ng pagtuturo ay hindi maitatanggi ang katotohanang ang isang guro ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa isang paaralan. Sa palad ng mga guro nakasalalay ang mga malilikhaing mga gawaing magagawa ng mga mag-aaral (Transona Jr. (2002). Maraming mga positibong bagay ang maaaring maihatid ng kursong Edukasyon, subalit, mayroon pa ring mga dahilan kung bakit hindi kinukuha ang kursong ito. Sa pananaliksik na ginawa ni Abeliade et. al (1995) na Teachers Attitude Towards Teaching Profession, nakuha niya ang impormasyong nagbabahagi na ang pagtuturo ay isa sa mga propesyon na mayroong kaaya-aya at di-kaaya-aya na mga kondisyon. Noon, ito ay nabibilang sa yaong mga kaakit-akit na kurso dahil na rin sa popularidad nito sa ano mang uri ng tao kung estado sa buhay ang pag-uusapan. Ngunit sa mga nakalipas na taon, nakitaan ng malaking pagbaba ang bahagdan ng mga taong nagnanais na suungin ang karera ng pagtuturo. Binanngit rin ni Abeliade et al. (1995) na ang kasikatan ng iba pang mga larang , ang sosyo-ekonomikong antas o kondisyon, ang pagtaas-baba ng populasyon, ang diin sa mga pangunahing kasanayan sa pagtuturo at suliranin sa disiplina ay ilan lamang sa mga salik na responsible sa pagbabago ng pag-uugali at atraksyon ng ibang tao sa pagtuturo.
Batay sa ilang mananaliksik na nabanggit ni Abeliade et al. (1995), kahit gaano pa kalakas ang motibasyon ng mga edukador sa pagtuturo, marami pa rin ang nadidismaya sa mga kadahilanang mas lalong nagiging mahirap ang kondisyon sa pagtuturo at patuloy ang pagkawala ng simpatya mula sa publiko patungkol sa kondisyon na ito. Isa pang pangunahing rason ay ang lubhang maliit na kabayaran sa serbisyo ng mga guro na kung sana ay magi ring paraan upang higit na mahikayat at magkalakas-loob ang ibang mga tao na pasukin ang propesyong ito.
Sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, maraming bagay ang binibigyang konsiderasyon. Isa na rito ang impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal. Ang kabataan ang kadalsang nakararanas nito. Ayon kay Buenaflor et al. (2007), ang mga tao ay may iba't ibang pangangailangan at posibleng ang mga ito ay mauwi sa isang suliranin. Ang kabataan at ang kanilang mga magulang ay mayroong iba't ibang karanasan, persepsyon, at mga paniniwala na humuhubog sa kanilang pangangailangan.ang kapaligiran at sitwasyon ay nagsisilbi ring salik na nagtatakda ng kanilang pangngailangan. Sa bahaging ito mahihinuha na ang karamihan sa mga kabataan ay nahaharap sa paghanap ng mga kasagutan at kalinawan, habang sng kanilang mga magulang ay naguguluhan kung paano nila magagabayan ang kanilang mga anak tungo sa tamang landas. Pamilya man ang may malaking ambag sa kabuuan ng isang tao, hindi pa rin maikakaila ang epekto sa mga desisyon ang mga prinsipyong maaaring makuha sa iba pang institusyon tulad ng lipunan, simbahan, paaralan at media.
KABANATA 3
3.1 DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamaraang serbey na pananaliksik, kung saan ang mga mananaliksik ay kukuha ng ilang respondante na magsasagot sa kanilang mga katanungan. Sa ganitong pamamaraan ay makakakuha sila ng impormasyon mula sa iba't-ibang indibidwal.
3.2 SETTING NG PANANALIKSIK
Isinagawa ang pananaliksik sa Our Lady of Fatima University Antipolo.
3.3 MGA KALAHOK
Ang mga kalahok ay binubuo ng tatlongpung estudyante sa unang taon na kumukuha ng kursong BSTM sa Our Lady of Fatima University.Sila ay pasasagutin ng mga katanungan na magmumula sa mga mananaliksik.
3.4 MGA INSTRUMENTO
Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay kuwestiyoner o talatanungan na ibibigay sa tatlongpung estudyante sa unang taon na kumukuha ng kursong BSTM sa Our Lady of Fatima University. Ang talatanungan ay binubuo ng limang (5) katanungan at pasasagutan sa respondent, sasagutin ng mga kalahok ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng buong sagot nila .
3.5 PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS
YUNIT V
Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang pananaw o saloobin ng mga istudyanteng napilitan kunin ang kursong BSTM.
Ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng kwestyuner na pinasagutan sa tatlongpung (30) respondent sa unang taon na kumukuha ng kursong BSTM sa Our Lady of Fatima University.
Kongklusyon
Our Lady of Fatima University
Sumulong Highway,
Antipolo City
Ika-27 ng Pebrero,2016
Mahal na Ginoong
Isang magandang araw po sa inyo!
Kami po ay mga mag-aaral ng Batsilyer ng Agham sa Pangangasiwa ng Turismo (BSTM) 1Y2-2 sa Our Lady of Fatiam University Antipolo Campus ay nagsasagawa ng pananaliksik ukol sa paksang "Epekto sa mga mag-aaral na napilitan kumuha ng kursong Turismo sa unang taon sa Our Lady of Fatima University Antipolo".
Dahil po dito, kami po ay humihingi ng pahintulot na makakalap ng datos sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasarbey.
Ang inyo pong dagliang pagtugon ay buong puso naming pasasalamatan. Ito po ay makakatulong ng malaki sa aming pananaliksik.
Lubos na gumagalang,
Pauleen Joy S. Ardemil
Puno ng Pangkat
BSTM 1Y2-2
Bigyan Pansin:
________________
Gng. Jeraline G. Gealan
Guro
OLFU - Antipolo