El Filibusterismo Kabanata 1 – Sa Kubyerta Tauhan: Donya Victorina Kapitan Don Custodio Ben-Zayb Padre Irene Simoun Padre Camorra Padre Sybila Padre Salvi Pangyayari: Sa Bapor Tabo na sumasalunga sa Ilog Pasig ay nakasakay ang ilang mga katauhan na mahalaga sa kwento. Sila’y ipinakilala at isinalaysay din ang tungkol sa nangyaring pagtakas ni Don Tiburcio kay Don Victorina dahil sa takot nang sinaktan niya ito. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga padre ukol sa pagpapalalim ng ilog. Ito raw ay ipatuwid ng ayos; nagbigay si Simoun, ang mag-aalahas, ng isang lunas: humukay ng matuwid na kanal, sarhan ang dating Ilog Pasig gamit ang lupa at mapapaikli pa ang paglalakbay. Nakipagtalo si Don Custodio ukol dito dahil wala silang salapi na maibabayad sa mga manggagawa. Ayon naman kay Simoun
ay hayaan ang sapilitang paggawa nang walang bayad. Nag-aalala ang padre sa maaaring paghihimagsik. Ayon kay Simoun, ang mga maggagawa naman sa Ehipto at Romana ay hindi naghihimagsik. Sinabi naman ni Don Custodio na maaaring mag-alaga ng itik o pato na makakakain din ng lupa. Si Donya Victorina naman ay nandiri na lamang at tumutol. Kaugaliang Pilipino: Pagbibigay halaga sa mga dayuhan Sakit ng Lipunan: Sa pagkakaroon ng dalawang lugar ng mga tao sa kubyerta – ang mga makakapangyarihan sa itaas, at indyo, instik at iba pa sa ibaba – ipinapakita ang kalagayan ng pamahalaan kung saan mas binibigyang halaga ang mga kastila, mayayaman at prayle. Ang pagpapanggap ng pamahalaan ng kalinisan nito (simbolismo ng puting pintura) ngunit mayroong mga kadumihan at kaharasan sa likuran nito. Ang mabagal na pag-unlad dala ng kahinaan ng pamahalaan.
Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta Tauhan: Kapitan Basilio Basilio Isagani Simoun Padre Florentino Pangyayari: Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang karamihan ng mga tao – kasama ng mga makina, bulwak na tubig na nakahalo, at walang tigil na paswit ng bapor – mayroong mga intsik, mga kabataan, mga mag-aaral at indyo. Ipinakilala si Basilio, isang mag-aaral ng medisina, at si Isagani at isinalaysay ang kalagayan ni Kapitan Tiyago na siyang nasubsob sa paghithit ng apyan. Pinag-usapan nila kasama ni Kapitan Basilio ang ukol sa panukala nila ukol sa Akademya ng wikang Kastila. Dumating si Simoun at sila’y nagtalo ukol sa pag-inom ng alak, na sabi ni Isagani ay sana’y
Kabanata 3 – Mga Alamat
Tauhan: Padre Florentino Padre Sybila Padre Irene Padre Camorra Padre Salvi Simoun Pangyayari: Ang pangkat na nasa ibabaw ng kubyerta ay nagbibiruan at nagsasayahan. Pinag-uusapan nila ang kalagayan ng kalakalan ng mga indyo at intsik na tila lumalagpak at ang mga kahirapan nito. Nagsimula silang magkwento
makabubuti sa lahat at magtatangumpay sila. Matapos umalis ni Simoun ay inisinalaysay ang buhay ng padreng kumupkop kay Isagani, si Padre Florentino, at sinabihang anak na huwag magpapakita sa kapitan upang hindi ito anyayahing umakyat. Kaugaliang Pilipino: Paniniwalang ang bata ay may kinabukasan pa; pagnanais sa pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa kaunlaran; pagsang-ayon ng anak sa mga kagustuhan ng magulang, labag man ito sa kalooban niya; kalagayan ng pag-iisip muna sa balakid bago ang kabutihan kaya’t hindi natutupad ang mga balak. Sakit ng Lipunan: Ang pag-inom ng serbesa o alak at paghithit ng payan na silang nakakasira ng mga tao; pagtanggi ng pamahalaan na bigyan ng sapat na edukasyon ang kabataan, lalo na sa wikang Kastila ukol sa mga iba’t ibang alamat – ang Malapadna-Bato na tinitirhan ng espiritu bago pa dumating ang mga Kastila; ang tungkol kay Donya Geronima na ang kasintahang nangakong siya’y pakakasalan ay nag-arsobispo; si Simoun at nakipagtalo ukol sa ginawa kay Donya Geronima na kinulong sa isang kweba; ang pagsaklolo ng isang Intsik sa Panginoong hindi nya pinaniwalaan dahil sa paglabas ng isang demonyong buwaya; ang huli’y tungkol sa isang Ibarra na siyang tumalon sa lawa, siya’y binaril at nagkaroon ng kulay dugo ang lawa’t hindi na siya muling nakita.
Kaugaliang Pilipino: Pananampalataya sa Panginoon; paniniwala sa mga espiritu; paniniwalang ang arsobispo ay laging tama; pagtigil sa paniniwala sa pamahiin at espiritu dala ng mga Kastila, lalo na sa Kristiyanismo.
Sakit ng Lipunan: Pagpapatapon sa isang mabuting tao sa kulungan para lamang matahimik ito; pagtutugis sa taong walang sala
Kabanata 4 – Kabesang Tales Tauhan: Kabesang Tales Tandang Selo Lucia Tano Juli Pangyayari: Dahil sa paghihirap nila ay inangkan nila ang isang pook sa may gubat, at dahil dito’y namatay ang asawa’t panganay na anak ni Tales. Ipinagpatuloy pa rin ang pagsisikap na pag-ani sa lupaing ito, at siya’y umunlad – dahil dito’y sinakop sila ng mga kastila. Naging masagana ang ani ni Tales, at tumataas pa lalo ang buwis na sinisingil sa kanya. Siya’y ginawang Cabeza de Barangay sapagkat siya ang pinakamasipag – nang dahil dito’y dumadami ang babayarin ni Tales. Hindi na nakapag-aral ang kanyang mga anak. Dahil sa pang-aapi ng mga prayle at makakapangyarihan, siya’y nalublob sa utang, at naghimagsik; hindi na siya nagbabayad, at ibibigay nya lamang ang lupa sa taong didiligan muna ito ng dugo ng kanyang asawa’t anak.
Patuloy ang pagbabantay ni Tales sa lupa na may hawak na baril. Si Tano ay naging gwardya sibil. Nadakip din si Tales ng mga tulisan; naiwan si Tandang Selo at Juli na may mga utang, at si Juli ay namasukan bilang katulong ng isang matandang pumayag na pautangin sila ng salaping kailangan para sa pagpapalaya ni Tales. Kaugaliang Pilipino: Katamaran ng mga Pilipino (at dahil dito’y iba ang nananagutan); paniniwalang gaganda ang kinabukasan at magkakaroon ng mirakulo sa pamamagitan ng pag-aalay ng alahas at kayamana sa imahen Sakit ng Lipunan: Pang-aapi at panglilinlang sa mga indyo dahil lamang sila’y mapagkikitaan nga mga Kastila; ang hindi pagbayad ng buwis ng mamamayan kaya’t ang Cabeza de Barangay ang kailangang magbayad mula sa sariling bulsa; pagsanay sa mga Pilipino na magtiis na lamang sa halip na ipaglaban ang sariling kabutihan at kung may nanga-iba rito’y malalagot sila.
Kabanata 5 – Ang Bisperas ng Pasko sa Isang Kutsero Tauhan: Basilio Kutsero Kapitan Basilio Simoun Alperes Pangyayari: Umuwi na si Basilio sa kanyang tahanan sa San Diego, kung kalian mayroong mga pista at sila’y naabala sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula at kinailangang bugbugin pa ito ng gwardya sibil. Mayroong inilalakad na prusisyon ng mga imahin ng dalawang Kastila, taltong Haring mago, birhen at mga batang may dalang parol. Nabugbog nanaman ang kutsero dahil wala itong ilaw. Nabatid ni Basilio ang usapan sa loob ng bahay ni Kapitan Basilio,
Kabanata 6 – Si Basilio
Tauhan: Basilio Simoun Kapitan Tiyago Pangyayari: Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Basilio kaya’y siya’y nagtungo sa kagubatang dati’y pagmamay-ari ng mga Ibarra, at patuloy siya sa paglalakad sa loob nito hanggang sa marating niya ang isang bunton ng bato kung saan nakalibing ang kanyang ina. Siya’y nag-isip at naalala ang kanyang nakaraan. Marami siyang mga paghihirap na dinaanan: pagtakas sa Maynila, paghihiling na sana ay masagasaan na
kasama ng alperes at ni Simoun. Tila sila lamang ang may masayang kalagayan sa bayan at sila’y nagdaraos ng kalakalan sa mga alahas ni Simoun; pagkadating sa bahay ni Kapitan Tiyago ay ginagalang si Basilio habang siya’y binibigyan ng mga ulat ng katiwala sa mga nakaraang pangyayari nang ito’y nasa ibang lugar. Nabalitaan niya ang nangyari kay Kabesang Tales. Kaugaliang Pilipino: Pagsasagawa ng mga prusisyon at pagpapalakad ng mga imahen na ginagalang tuwing pista at bisperas ng Pasok Sakit ng Lipunan: Pagbubugbog sa mga taong hindi sumusunod sa tradisyon o batas sa halip na sila’y bigyan ng patas at maayos na parusa siya ng mga kabayo, hangggang sa siya’y kupkupin nila Kapitan Tiyago. Siya’y nagsimulang magsikap sa pag-aaral, kahit na siya’y hindi pinapansin ng mga guro kaya naman siya’y laging nakapapasa. Unti-unting bumubuti ang kanyang kapalaran sa pag-aaral at siya’y inilipat sa Ateneo mula sa San Juan de Letran hanggang sa siya’y magtapos at kumuha ng kurso sa Medisina. Sa kanyang pag-unlad ay sinikap niyang kalimutan ang paghihirap ng nakaraan at ipagpatuloy na lamang ang pagsisikap. Kaugaliang Pilipino:
Pagpapawalang-halaga sa pag-aaral ng mga ibang mag-aaral, lalo na sa mga mayayaman; katamaran sa pag-aaral; Sakit ng Lipunan: Pag-diskriminasyon sa mga Indyo, lalo na’t kung iuukol sa kadamitang suot; ang pagpasok ng mga mag-aaral hindi para matuto, kundi upang makapasa lamang sa mga pagsusulit; ang
pangangailangan ng maraming kaibigan at koneksyon sa mga makakapangyarihan upang manalo sa pagtatanggol ng mga abogado sa halip na umasa sa kakayahan nito; miski ang mga guro ay tamad din magturo; dami ng magaaral sa isang klase’t kaya mahirap matuto; hindi pantay na pag-unlad at kaibahan ng paaralan ng Ateneo at San Juan de Letran
Kabanata 7 – Si Simoun Tauhan: Simoun Basilio Pangyayari: Habang si Basilio ay nasa gubat, nakarinig siya ng mga yapak ng isang tao sa kagubatan at nang siyang nagmasid, nakita niyang ito ay si Simoun. Dahil hindi nito suot ang kanyang salamin, nakilala ni Basilio ang mag-aalahas na siya palang si Crisostomo Ibarra na tumulong din kay Basilio na ilibing ang kanyang mahal na ina. Tinutukan siya ng baril ni Simoun, at ipinaliwanag naman ni Basilio na si Ibarra ay isang taong mahal sa kanya, dahil sa pagliligtas at pagtulong sa paglilibing ng kanyang ina. Sabi ni Simoun ay dapat silang magtulungan dahil pareho silang uhaw sa katarungan. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang paglalakbay sa mundo upang magpayaman, at nanumbalik upang maghimagsik at makitang muli si Maria Clara. Tutol si Simoun sa pagpapatayo ng mga kabataan ng isang paaralan para matuto ng Kastila sapagkat isang paraan daw ito upang makalimutan ang sariling wika, humina ang nasyonalismo. Ang wika ang pag-iisip ng isang
Kabanata 8 – Maligayang Pasko Tauhan: Tandang Selo Juli Pangyayari: Paggising ni Juli ay nabatid niyang walang nangyaring himala at dalawang daa’t limampung piso na dapat ibabayad para sa kalayaan ni Kabesang Tales. Kakailanganin niyang magpaalila at naghanda na siya upang tumungo sa bahay ng amo. Siya’y umalis na habang si Tandang Selo ay nanatiling napakalungkot kahit
bayan at kanyang kalayaan. Pinagtanggol naman ni Basilio na ito’y paraan upang maunawaan, mapaunlad ang pamamahala ng mga Kastila. Ayon kay Simoun, dapat ay sumama siya sa paghihimagsik sapagkat pareho silang tinaksil ng sariling bayan at dumanas ng napakasakit na mga karanasan. Nabatid ni Simoun na hindi niya nakukumbinse si Basilio. Sinabi na lamang niyang kung magbago ang isip ni Basilio at kailanganin ang tulong niya, mayroon siyang bahay sa Escolta. Nagpasalamant si Basilio at umalis. Si Simoun naman, na punung-puno ng kamuhian at paghihimagsik, ay naalala ang kanyang mga pinagdaanan, sina Elias, Don Rafael at Maria Clara. Kaugaliang Pilipino: Pagdadalaw sa mahal na yumao na at pagbibigay galang at dasal dito; pagpapahalaga sa utang na loob. Sakit ng Lipunan: Ang pagpapaalipin ng Pilipinas sa wikang Kastila, pati sa mga dayuhan; ang pagtanggi sa karapatdapat na edukasyon.
na pasko na. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi ang matanda! Kaugaliang Pilipino: Pagbati ng “Maligayang Pasko” sa araw na iyon; pagtuturing sa araw na ito na araw ng mga bata at pagdaraos ng misa kasama sila; ang iba’y tumatanggap ng mga aginaldo Sakit ng Lipunan: Ang pagdaraos at pagdiriwang ng Pasko nang hindi abot sa puso o kaya’y pilit laman
Kabanata 9 – Si Pilato Tauhan: Mga nag-uusap-usap Hermana Penchang Pangyayari: Naging usap-usapan ang nangyari kay Tandang Selo at ang karamihan ay walang pakialam. Pinagchismisan nila ang mga nangyari at maaaring nangyari kung hindi lamang umalis ng bahay si Kabesang Tales. Pinagbintangan naman ni Hermana Penchang, ang bagong amo ni Juli, na parusa raw ito dahil sa kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo nito kay Juli nang maayos. Sinabi rin niyang si Basilio ay isang
demonyong nagbabalatkayong demonyo. Si Kabesang Tales ay nakauwi na rin, ngunit nang nakita ang kalagayan ng tahanan ay naupo na lamang sa isang sulok nang walang kibo. Kaugaliang Pilipino: Pagchichismis ukol sa mga pangyayari nang hindi inaalam ang katotohanan; paniniwala sa kaparusahan dala ng hindi pagdadasal Sakit ng Lipunan: Ang kakulangan sa awa at pagtulong sa mga mahihirap; paghahatol sa tao, pagpaparusa, at matapos ay aasal na parang wala siyang kasalanan.
Kabanata 10 – Kayamanan at Kahirapan Tauhan: Tandang Selo Kabesang Tales Simoun Pangyayari: Tumuloy si Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales, kung saan siya nagdaraos ng kanyang pagtitinda ng mga iba’t ibang alahas at hiyas na talagang hinahangaan ng lahat. Pinapakita niya ang mga hiyas na galling sa iba’t ibang mga basa, orihinal, at may mahalagang kasaysayan. Marami ang na-engganyo at bumibili sa kanya.
Kinabukasan ay nalaman na lamang ni Tales na nawala na ang kanyang rebolber sapagkat inanakaw ito ni Tales. Nabalitaang mayroong mga pinatay si Tales sa madugo at walang awang paraan. Kaugaliang Pilipino: Pamimili ng mga alahas na may halaga at kasaysayan Sakit ng Lipunan: Ang agwat sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman ay maaaring magdala ng sama ng loob, himagsik at trahedya.
Kabanata 11 – Los Banos Tauhan: Kapitan-Heneral Padre Camorra Padre Irene Padre Sybila Don Custodio Mataas na Kawani Padre Fernandez Simoun Pangyayari: Ang kapitan-heneral at mga padre ay naglalaro ng tresilyo. Nagpapatalo ang mga padre sapagkat gusto nilang makipag-usap dito tungkol sa paaralang gustong ipatayo ng mga kabataan, ngunit sabi ng Heneral na sa susunod na raw pag-usapan iyon. Nainis si Padre Camorra sa pagpapatalo ng mga padre, at umalis. Si Simoun ang pumalit. Nagbiro na itaya nya raw ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun, kapalit ng pagpapangako ng mga padre na bitawan ang kabaitan ng loob at maging marahas sa mga indyo at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas. Nang itanong siya kung anong mapapala niya rito, sagot niya’y
lilinis daw ang bayan. Matapos ay pinag-usapan na ang tungkol sa paaralan; pinaglaban ito ni Don Custodio ngunit ang iba’y tutol, sapagkat baka raw isa itong paraan ng paghihimagsik, dapat daw ay hindi humigit ang mga paaralan sa Pilipinas, at iba pa. Nagtalo sila rito ngunit ang pagtutol ni Simoun ang maaaring pinakamalaking balakid ng mga kabataan. Pinalaya ng heneral si Kabesang Tales. Kaugaliang Pilipino: Pagsusugal at paglalaro; pagsipsip sa mga may kapangyarihan Sakit ng Lipunan: Ang pangangailangan ng mataas na posisyon o kaya’y pakikipagkaibigan sa makapangyarihan upang maisakatuparan ang mga balak; ang paniniwala ng mga Kastila at prayle na mayroong likas na kasamaan ang mga indiyo at ang kahit anong panukala nila ay maaaring may nakatagong masamang balak; pagpapahalaga ng kapitan-heneral sa sarili at personal na imahe.
Kabanata 12 – Placido Penitente Tauhan: Placido Penitente Juanito Pelaez Paulita Gomez Pangyayari: Dito isinalaysay ang mga nangyari kay Placido, isang mag-aaral na may angking talino na nagdala sa kanya sa Pamantasan ng Santo Tomas. Hindi niya na gusto mag-aral ngunit kailangan pa rin sapagkat pinaghirapan ng kanyang mga magulang na dalin siya rito. Sa loob ng klase ay mababatid ang mga mag-aaral na iba-iba at may kanya-kanyang gawain upang libangin ang sarili habang hinihintay ang guro. Nang papunta na si Placido sa sariling klase ay tinawag siya ng isang mag-aaral at sinabing lumagda sa isang kasulatan. Gusto niya pang
basahin ang kasulatan bago lumagda, ngunit mahuhuli na siya sa klase. Pagdating sa klase ay linakasan ang yapak upang siya’y mapansin ngunit masama ang tingin sa kanya ng guro. Kaugaliang Pilipino: Pagpapalagda sa kung sinu-sino para matupad ang mungkahi Sakit ng Lipunan: Makikita ang pagkakaiba ng mga tao na mga taga-Ateneo at mga taga-Santo Tomas – ang pagitan sa mga mayayaman at iba pa; ang paglalagda sa mga kasulatan nang hindi man lamang binabasa ang sinasabi nito; pagpapadala at pagsasang-ayon sa mga sinasabing mapagkakatiwalaan dahil lamang sa reputasyon nila at hindi dahil sa sariling pag-iisip
Kabanata 13 – Ang Klase ng Pisika Tauhan: Placido Penitente Padre Millon Juanito Pelaez Pangyayari:
Inilarawan ang kalagayan ng klase – may mga kakulangan, kasikipan, at kagamitang panlabas lamang. Si Padre Millon, ang guro, ay mahilig magtanong sa mga mag-aaral, lalo na sa mga walang maisagot, sapagkat ikinatutuwa niya ang kawalang alaman ng mga ito. Pinapasaulo niya
lamang ang leksyon at siya’y magtatanong na. Tinawag niya ang isang mag-aaral upang isaad ang leksyon at nagbigay ng mga tanong na hirap itong sagutin. Si Juanito Pelaez naman ang sunod na kanyang tinawag, at ito’y humihingi ng tulong mula kay Placido. Nang mapansin ng padre ang pagbubulong ng mag-aaral, pinaupo si Juanito at pinatayo si Placido. Sunud-sunod ang mga tanong niya sa bata na nakasasagot naman, hanggang sa bandang huli ay hindi na mabigay ang tamang sagot. Siya’y ipinahiya ng padre at sinabing hindi na maaaring pumasok pa ito sa paaralan dahil parang wala naman siya sa klase. Nagalit si Placido, at umalis. Matapos ng
klase ay wala rin naman natutunan ang mga mag-aaral. Kaugaliang Pilipino: Mapagtimpi, mapayapa, at marunong magtiis; kung maubusan na ng pasyensya ay marunong naman lumaban. Sakit ng Lipunan: Masikip at kulang-kulang sa kagamitan ang mga silid-aralin; walang natutuhan ang mga bata sa pag-aaral nila; may mga kagamitan sa paaralan na naroon lamang para masabing kumpleto sila sa kasangkapan, ngunit hindi naman talaga ginagamit para makatulong sa pag-aaral ng mga kabataan; ang mga guro ay walang kwenta
Kabanata 14 – Sa Bahay ng mga Estudyante Tauhan: Macaraig Pecson Pelaez Sandoval Isagani Pangyayari: Si Macaraig ay isang mayaman na may malaking bahay. Dito ay nagtitipon-tipon ang mga pangunahing estudyante kung saan pinaguusapan nila ang tungkol sa pangukala nilang paaralan. Habang ang iba’y niniwala na sila’y nagtagumpay, si Sandoval naman ay mayroong pag-aalinlangan. Ibinalita na si Padre Irene ay kampi sa kanya at kailangan nila ang pagkiling ni Don Custodio upang magtangumpay –
Kabanata 15 – Si Ginoong Pasta Tauhan: Ginoong Pasta Isagani Pangyayari: Tumungo si Isagani sa tahanan ng manananggol na si Ginoong Pasta at siya’y hindi muna pinansin habang ito’y nagtatrabaho – binigyang halaga lamang siya nang nalaman na ang kanyang amain ay si Padre Florentino. Sila’y nagtalo ukol sa pagpapatayo ng paaralan ng kastila, at si Isagani ay nagbibigay ng mga katwiran na hindi masagot nang mahusay ng Ginoo. Sa bandang huli ay hindi nila maaasahan ang pagtulong ng manananggol sapagkat tutol siya rito at walang nais na makialam sa panukala. Ayon kay G. Pasta ay kung marami lang sana silang mga kabataan na gayon magisip, hindi sana siya tumanggi. Kaugaliang Pilipino: Mayroong mga Pilipino na ninanais ang pananatili sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila subalit mayroon din namang iba na nais ang sariling kalayaan at karunungan. Sakit ng Lipunan: Ang pagtatanggi ng ibang mga Pilipino na makiisa sa pagpapaunlad ng ating bansa; sila’y walang pakialam at hindi rin nais makialam. Ipinapakita nito ang kakulangan ng nasyonalismo at pagpapa-impluensya sa mga dayuhan.
magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagkausap kay G. Pasta na manananggol o kay Pepay, isang mananayaw na kaibigan nito. Nagpasya silang lapitan ang manananggol. Kaugaliang Pilipino: Pagtitipon-tipon sa bahay ng isang kaibigan; mayroong mga takot sa panindigan ang sariling bansa. Sakit ng Lipunan: Ang pagbabawal ng masamang pag-uusap laban sa Heneral sapagkat sila’y maaaring madakip buhat dito; ang pagiging impluensyal ng mga tao sa paligid ng Heneral kaya’t tila wala siyang sariling pag-iisip, kundi nakikinig lamang sa mga pinagkakatiwalaang prayle