Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
II: Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
[email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-971-9601-67-8 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M. Pascual, Jeremias E. Arcos Book Designer: Conrado Viriña, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B. Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor
Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
DepEd Complex Office Address: 5 2thnd Floor Floor Mabini Dorm G,Building, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Philippines 1600 Meralco Avenue, Pasig City, Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address:
[email protected]
PAUNANG SALITA Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan. Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang mga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit mong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa iba’t ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinang ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan, politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang panahon. Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati naman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig. Halina at maglakbay sa daigdig sa iba’t ibang panahon at tuklasin ang mga gintong butil ng kasaysayan. Tara na. Aral na.
TALAAN NG NILALAMAN
Modyul II Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 120 Mga Aralin at Sakop ng Modyul . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 120 Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 121
Aralin 1 Pag-usbong at Pag-unlad ng Klasikal
na Lipunan sa Europe
Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 130 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 132 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 177
Aralin 2 Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na
Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 181 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 183 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 221
Aralin 3 Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 224 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 227 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 263 Ilipat at Isabuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 266 Talasalitaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 269 Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 270
119
MODYUL 2:
ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYONAL NA PANAHON Panimula “Change is inevitable.” Karaniwan nang naririnig ang ganitong kasabihan. Lahat ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka nang pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang ngayon. Kung iisipin, tao lang ba ang nagbabago o lahat ng bagay sa daigdig? Paano ba narating ng mundo ang kalagayan nito sa kasalukuyan? Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng malaking pagbabago. Nais mo ba itong malaman? Sa Modyul na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig sa klasikal at transisyonal na panahon. Inaaasahang sa pagtatapos ng iyong paglalakbay panahon masasagot mo ang katanungang ito: Paano nakaimpluwensiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at Transiyonal na Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig?
Mga Aralin at Sakop ng Modyul Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe • Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean • Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece • Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome (mula sa sinaunang Rome hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Roman) • Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan
120
Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America Africa, at mga Pulo sa Pacific • Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America • Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai) • Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng mga pulo sa Pacific • Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa Pacific sa pagunlad ng pandaigdigang kamalayan Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon • Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong Medieval • Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire • Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Panahong Medieval • Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval: Manorialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod • Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan
Panimulang Pagtataya Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagtataya na magtatakda kung ano na ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan nang wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot. 1. Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa polis bilang isang lungsodestado? A. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saanbinibigyang-diin ang demokrasya. B.
Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod. 121
C.
May iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba-ibang yunit ng pamahalaan
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis. 2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome? A
Censor at Praetor
C. Patrician at Plebeian
B. Etruscan at Roman D. Maharlika at Alipin 3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia? A. maraming isla
C. maitim na mga isla
B.
D. maitim ang mga tao sa isla
maliit na mga isla
4. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE? A.
Charlemagne
C.
Clovis
B.
Charles Martel
D.
Pepin the Short
5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada? A.
mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B.
mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C.
mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe
D.
mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
Para sa bilang 6, suriin ang kasunod na mapa:
http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece
122
6. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito? I.
Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asya ang isla ng Crete III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang Kabihasnang Minoan A. I at II B. II at III C. II at IV D. I, II, at III Para sa bilang 7, suriin ang kasunod na larawan:
7. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang maaaring mabuo batay sa larawan? A.
Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang paniniwala sa iba’t ibang diyos
B.
Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya
C.
Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga Roman
D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa Astronomiya noong Panahong Hellenistic 123
Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na pahayag: “Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority but of the whole people. When it is a question of settling private disputes, everyone is equal before the law;...” -PERICLES Funeral Oration 8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag? A.
Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya
B.
Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
C.
Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang demokrasya
D.
Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan
Para sa bilang 9, suriin ang timeline tungkol sa mga kabihasnan sa America: 9. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong Pre-historic? Mga Kabihasnan sa America
1200-500 BCE
200-700 CE
250-900 CE
900-1100 CE
1200-1521 CE
1300-1525 CE
Olmec
Teotihuacan
Maya
Toltec
Aztec
Inca
A.
Kabihasnang Olmec
B.
Kabihasnang Maya
C.
Kabihasnang Aztec
D. Kabihasnang Inca
124
Para sa bilang 10, basahin at unawain ang comic strip
Ako ang Hari, pag mamay-ari ko ang lahat ng lipunan. Subalit ibinigay ko ang iba sa mga BARON.
Ako ang BARON, dapat akong maging tapat sa HARI dahil ibinigay niya sa akin ang ilan sa kaniyang lupain. Dapat na handa akong ipaglaban siya at magsanay ng mga KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan sa aking lupain sa aking mga KNIGHT.
Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa akin ang ilan sa kaniyang lupain upang mapagtamnan at paunlarin. Tungkulin kong magbayad ng buwis at magkaloob sa kanya ng regalo. Hindi ako maaaring umalis sa lupain na kanyang nasasakupan nang walang pahintulot ang KNIGHT.
10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa comic strip tungkol sa Piyudalismo? A.
Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang mga nasasakupan
B.
Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan ay pagmamay-ari ng lupa
C.
Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong Panahong Medieval
D.
Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo
125
Para sa bilang 11, suriin ang kasunod na larawan:
11. Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang Manor? A.
Pakikipagkalakalan
B.
Pagsasaka
C.
Paglilingkod sa may-ari ng lupa
D.
Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan
Para sa bilang 12, suriin ang kasunod na graph:
Bilang ng populasyon sa milyon
45 40 35 30 25 20 15 10 5 0 20
40
60
80
Taon-Common Era (CE) 126
1000
1200
12. Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa graph, sa anong mga taon ito naganap? A.
1000 at 1500 CE
B.
800 at 1000 CE
C.
800, 1000, at 1500 CE
D.
600, 800, at 1000 CE
13. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito? A.
Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B.
Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C.
Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D.
Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
14. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado? A.
Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.
B.
Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang mabundok na lugar.
C.
Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado.
D. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang umusbong dito. 15. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean? A.
Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B.
Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.
C.
Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.
D. Wasto ang lahat ng nabanggit.
127
16. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito? A.
Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka
B.
Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara
C.
Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop
D.
Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara
17. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific? A.
Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.
B.
Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana.
C.
Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay Animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan. 18. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari, kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf? A.
May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
B.
Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C.
Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
D
Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.
19. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag? A.
Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
B.
Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon
128
C.
Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro
D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao 20. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy? A.
Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
B.
Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
C.
Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
D.
Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong panahong Medieval.
129
ARALIN 1
PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA KLASIKAL NA LIPUNAN SA EUROPE Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin ng lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olympics sa Beijing, China. Saan at kailan nga ba nagsimula ang paligsahang ito? Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia- isang lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng klasikal na kabihasnan sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome. Sa bahaging ito ng Modyul ay pag-aaralan ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-unlad, at pagbagsak ng mga Kabihasnang Greece at Rome. Masasagot din ang katanungang: Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?
ALAMIN Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India, Mesopotamia, at Egypt sa mga lambak-ilog. Ganito rin kaya ang mga kabihasnang nabuo sa Europe partikular sa Greece at Rome? Alamin sa araling ito ang kasagutan. GAWAIN 1: Ano ang Gusto Ko? Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Politiko
Artist
Mangangalakal
Mandirigma
Kababaihan
130
Pilosgio
Makikita sa larawan ang isang tipikal na tagpo sa isang lungsod-estado sa Europe noong panahong klasikal. Bawat isa ay may tungkuling ginagampanan. Kung ikaw ay nabuhay nang panahong iyon, alin sa sumusunod na tungkulin ang nais mong gampanan? Bakit?
?
Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado noong panahong klasikal? Ipaliwanag. 2. May pagkakatulad ba ang makikita sa larawan, sa karaniwang tagpo sa mga lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan GAWAIN 2: I-R-F Chart Basahing mabuti ang tanong sa ibaba. Pagkatapos ay isulat sa bahaging initial ng diagram ang maiisip na sagot.
FINAL FINAL
REVISED REVISED
INITIAL INITIAL
Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?
131
BINABATI KITA! Tiyak na nais mo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa mga kabihasnan noong Panahong Klasikal ng Europe. Sa pagsasagawa ng iba’t ibang gawain sa modyul na ito, madaragdagan ang iyong dating kaalaman at masasagot ang iyong mga tanong tungkol sa paksa.
PAUNLARIN Sa bahaging ito, inaasahang matututuhan mo ang mga kabihasnang nabuo sa Panahong Klasikal ng Europe, kabilang ang mahahalagang pangyayari sa bawat kabihasnan at ang mahahalagang kontribusyon ng mga ito sa paghubog ng pandaigdigang kamalayan. Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong pagkatuto. GAWAIN 3: Mapa-Suri Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan ng lokasyon ng Greece sa pag-unlad ng kabihasnan nito.
Mapa 1.1 Mapa ng Europe
132
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Greece?
2.
Saang direksyon ng Greece makikita ang Isla ng Crete?
3
Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon ng Greece sa pag-usbong ng Kabihasnang Greek?
GAWAIN 4: Magbasa at Matuto Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean. Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo. Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat. Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura. Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan. Ito rin ang nagbigay-daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan. Halaw sa: Araling Panlipunan III. EASE Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp. 8-10
133
Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Kabihasnang Greece. 431 BCE Nagsimula ang Peloponnesian War 499 BCE Nagsimula ang Persian War
700 BCE
600 BCE
00 BCE Umusbong ang mga lungsod at estado ng Greece
500 BCE
334 BCE Pananakop ni Alexander the Great
400 BCE
300 BCE
200 BCE
Pigura 1.1 Timeline ng mga pangyayari sa Kabihasnang Greece.
460 BCE Nagsimula ang Golden Age ng Athens 404 BCE Tinalo ng Sparta ang Athens
Ang mga Minoans Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 BCE o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo bricks at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat. Hindi nagtagal, kinilala naman ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad. 134
Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 BCE narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.
Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 BCE. Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.
Gabay na Tanong Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan?
Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan?
Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan?
Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan?
135
Ang mga Mycenaean Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 BCE, isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos nang masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kuwento at alamat ng mga Greek. Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin ng mga kuwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa bandang huli, hindi nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay.
Mapa Mapa 1.21.2 Lokasyon Lokasyon ng ng Kabihasnang Kabihasnang Mycenaea Mycenaea http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png
136
Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionia. Nakilala sila bilang mga Ionian. Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na tumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.
Ano-anong impormasyon ang mahahalaw mula a teksto? 1.
______________________ _________________________ ________________________________________________
2.
________________________________________________ ________________________________________________
3.
________________________________________________ ________________________________________________
4.
________________________________________________ ________________________________________________
5.
________________________________________________ ________________________________________________
Halaw sa “Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp. 10-11
GAWAIN 5: Daloy ng mga Pangyayari Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong Minoan at Mycenean.
137
Minoan
Mycenean
?
Pamprosesong mga Tanong 1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng Kabihasnang Minoan at Mycenean? 2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang Minoan at Mycenean? 3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa pag-usbong ng Kabihasnang Greek?
138
Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE hanggang 400 BCE at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig. Sa bahaging ito, alamin mo ang mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng Klasikal na Kabihasnang Greece. GAWAIN 6: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang mga tekstong ilalahad sa bahaging ito. Sagutin din ang mga katanungan sa bawat kahon.
Ang mga Polis Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika, at politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek. Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay-daan sa malayang bilihan at kalakalan. Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapa139
tang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ng kalakalan, ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o metropolis. Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.
?
Pamprosesong mga Tanong 1. Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan ng isang lungsod o estado? 2. Ano-ano ang responsibilidad ng isang mamamayan sa lungsod-estado? 3. Bakit mahalaga ang pakikipag-kalakalan para sa mga Greek? Batay sa teksto, isulat ang kahulugan ng sumusunod na salita:
polis -
acropolis -
agora -
140
Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga Helot. Maraming pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga Helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga Helot. Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo. Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga Helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa lipunan, ang kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo-militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.
141
Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labo-labo kung makipagdigma ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang pangunahing katangian ng Sparta bilang isang lungsod-es tado ng Greece 2. Paano sinasanay ang mga Spartan upang maging malakas? 3. Paano nakabuti at nakasama ang paraan ng disiplina ng mga Spartan? Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayan Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et al., p. 117
Ang Athens at ang Pag-unlad Nito Sa simula ng 600 BCE, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens. Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang ngayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala. Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan. 142
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan.
Larawan 1.1 Ang Parthenon ng Greece Source: https://encrypted-tbn3.gtastic.com/image?q=tbn:ANd9GcReaw15xp8agCB.TOPpqzMKAPluktN69yhizLwBd569YyKmPzc7kg
Hindi nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay-pantay sa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ng pagbabagong ito nanatiling hindi kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika. Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 BCE sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay 143
Larawan 1.3 Si Pisistratus, isang mahusay na pinunong Greek http://en.wikipedia.org/wiki/Cl eisthenes
ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, hindi nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng batas. Noong mga 546 BCE, isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamaLarawan 1.3 Si Solon, isang mambabatas na Greek halaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, http://en.wikipedia.org/wiki/ nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng kaFile:Solon2.jpg raniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig.
Batay sa teksto, ano ang kahulugan ng sumusunod:
tyrant - _________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________
arcon - __________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________
144
Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa Asembleya ang mga mamamayan may-ari man ng lupa o wala. Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6 000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipaton ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan. Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan. Halaw sa: Araling Panlipunan III, Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego, p. 15-21
?
Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang pangunahing katangian ng Athens bilang isang lungod-estado ng Greece? 2. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig? 3. Nakabuti ba sa Greek ang pagpapatupad ng demokrasya? Patunayan. Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al., p. 116-117
145
GAWAIN 7: Paghahambing Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng Sinaunang Greece.
Sparta
?
Athens
Pamprosesong mga Tanong 1. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan at Athenian? 2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad ng Kabihasnang Greek? 3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliing tumira, sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot.
146
GAWAIN 8: Magbasa at Matuto Bagamat ang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estadong malaya sa isa’t isa, iisa lamang ang wika at kultura ng mga Greek. Mataas ang tingin nila sa isa’t isa, samantalang hindi edukado at mababa ang tingin nila sa mga hindi Greek. Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob at pananakop ng mga kalapit na kabihasnan. Matutunghayan mo sa bahaging ito ang mga digmaang kinasangkutan ng Greece.
Ang Banta ng Persia Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 BCE, sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni Darius I, ang nagmana ng trono ni Cyrus the Great, ang hangaring ito. Noong 499 BCE, sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus noong 494 BCE. Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni Darius na parusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pagsakop a Greece. Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota o fleet na pandigma. Ang Digmaang Graeco- Persia (499479 BCE)
Larawan 1.4. Paglalarawan ng Digmaang Graeco-Persia http://althistory.wikia.com/wiki/Greek_Glory?file=GRECO-PERSIAN-WARS.gif
147
Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 BCE sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens. Tinalo ng 10,000 puwersa ng Athens ang humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia. Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapabagsak sa Athens. Noong BCE, isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae, isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga-Sparta sa ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes na madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga taga-Sparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas. Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at Megara. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al., pp. 117-118
Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng Greek laban sa malaking puwersa ng Persia? Ipaliwanag.
148
Digmaang Peloponnesian Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang imperyo ang Athens. Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth, at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League. Noong 431 BCE, nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na naging simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma sa lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sa pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawingpalad na may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na si Pericles, noong 429 BCE. Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang mga desisyon. Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan ng mga Athenian na lumalabag sa paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya patungong Sparta upang iwasan ang pag-uusig sa kanya. Doon siya ay naglingkod laban sa kanya mismong mga kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades sa Athens at siya ay pinatawad at binigyang-muli ng pagkakataong pamunuan ang sandatahang lakas ng Athens. Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila sa Sparta, lubhang malakas ang mga Sparta at noong 404 BCE, sumuko ang mga Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng mga Spartan si Alcibiades. Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain. Halaw sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Greece, pp. 31-32
149
Ano ang epekto sa Greeece ng hidwaan at digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estadao nito? Ipaliwanag.
Karagdagang Babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayan Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. p. 119
GAWAIN 9: A-K-B Chart Punan ang diyagram ng kinakailangang impormasyon batay sa binasang teksto. Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece
Aktor (Sino ang magkalaban?)
Kaganapan (Anoano ang mga mahahalagang pangyayari?)
Bunga (Ano ang resulta ng digmaan?)
150
?
Pamproseng mga Tanong 1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Spartan at Athenian sa daigdig? 2. Alin sa sumusunod na kontribusyon ang may kaugnayan sa kasalukuyan? Patunayan. GAWAIN 10: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Ginintuang Panahon ng Athens.
Ginintuang Panahon ng Athens Noong 461 BCE, si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon ay nahahalal si Pericles hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan noong 429 BCE. Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinairal na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing pinakamarangyang estado ang Athens. Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung kaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya hindi nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain ng pamahalaan. Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni Pericles. Para sa mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong mamamayan. Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides, na isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.” Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbabasa, matematika, musika,at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin ang sining, politika, at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang pag-aaral.
151
Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito. Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin sila maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang. Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang kagamitang pambahay. Bagamat marangya at magarbo ang mga gusaling pampubliko, ang mga tahanan naman ay simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o karaniwang tao. Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece. Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay na artista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang sa ating makabagong panahon. Ang mga akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika ay kinilala sa mundo tulad ng “The Republic” ni Plato at “Politics” ni Aristotle. Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek. Kahanga-hanga ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay naperpekto nila nang husto. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens. Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga templo ng Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias. Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa mga obra maestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven Wonders of the Ancient World. Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay nakatulong upang maging obra maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang Ama ng Kasaysayan. Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga
152
isinulat niya ay ang “Anabis”, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek mula sa Babylonia hanggang Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng mga kuwento ng guro niyang si Socrates. Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Greece. Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang Ama ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika. Marami ring Greek ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging ambag sa larangan ng agham at pilosopiya. Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng Militus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si Pythagoras naman ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima, at pito ay masuwerteng mga numero. Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro na tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pagbabago sa mga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang mga tao na gumawa ng magagandang batas, makapagsalita, at makipagdebate sa mga Asembleya. Maraming Athenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng mga Sophist. Isa na rito ay si Socrates. Ayon sa kaniya mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa kaniya dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga katanungang ito. Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di nagustuhan ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na ang mga tungkol sa mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens. Dahilan dito siya ay nakulong at nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa siya naparusahan, siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili. Ang lahat ng mga ideya ni Socrates ay hindi niya naisulat. Si Plato, ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang pinakatanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis at ang uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito. Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, Astronomiya, at Pisika na pawang nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing
153
pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang “Poetic,” isang pagsusuri sa mga iba’t ibang dula-dulaan, ang “Rhetoric” na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang “Politics” kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ngpamahalaan. Halaw sa: Araling Panlipunan III, Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego
GAWAIN 11: Talahanayan, Punan Mo Mula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang panahon ng Athens, buuin ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa iba’t ibang larangan. Larangan
?
Ambag
Kahalagahan
Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang epekto ng kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon? 2. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan.
154
GAWAIN 12: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang nilalaman ng sumusunod na teksto tungkol sa paglakas ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Greece.
Imperyong Macedonian Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia, na pagisahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 BCE. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado. Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsodestado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia.
Larawan 1.5 Paglalarawan kay Alexander the Great http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaic-detail1. jpg
Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang loob, at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at Hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan. Noong 323 BCE, sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na karamdaman. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al., p.119-120
155
Gabay na Tanong 1. Ano ang dahilan ng paghina ng mga lungsod-estado ng Greece? 2. Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng Macedonia? 3. Ano ang maituturing na kontribusyon ng Imperyong Macedonia sa mundo?
GAWAIN 13: GREECE…Sa Isang Tingin Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word map ay sagutin ang tanong sa kahon.
Heograpiya
Politika
Ekonomiya
Sinaunang Kabihasnang Greece
Pilosopiya
Sining at Arkitektura
Agham at Teknolohiya
Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek?
156
Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang Europe, isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung ang Greece ay kilala sa taguring the glory that was Greece makikilala ang Rome sa taguring the grandeur that was Rome. Ano kaya ang kahulugan nito? Halina’t iyong tuklasin. Suriin ang timeline ng kasaysayan ng Imperyong Roman. Magagamit itong gabay sa mga susunod na pagtalakay. 300 CE – Naging Emperador ng Imperyo ng Constantine 202 BCE – Natalo ng mga Roman si Hannibal
750 BCE
500 BCE
509 BCE Itinatag ang Roman Republic
250 BCE
1 CE
264 BCE Sumiklab ang Punic War
450 BCE Naging pundasyon ng batas ng mga Romans ang Twelve Tables
180 BCE – Nagtapos ang Pax Romana
27 BCE Nagsimula ang Pax Romana sa pamumuno ni Augustus
45 BCE Naging diktador ng Rome si Julius Caesar
Figure 1.1 Timeline ng mga pangyayari sa Kabihasnang Greece.
157
500 AD
250 BCE
476 CE Nagtapos ang Imperyong Romano sa Kanluran
284 CE Hinati ni Diocletian ang Imperyong Roman
GAWAIN 14: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Rome. Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa Kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo ng maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan ang Latium. Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang bakas ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng Latium at sinasabing dito umusbong ang dakilang lungsod ng Rome. Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na naguugnay dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan ang pagkakaroon ng malaking populasyon.
Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome
Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng Rome bilang isang matatag na lungsod?
158
Ang Simula ng Rome
1
3
Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo BCE ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain.
Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 BCE.
http://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/6/6a/Shewolf_suckles_Romulus_and_ Remus.jpg
4
2 Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono.
Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika, at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan. Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al., p. 126-127
Paano nagsimula ang Rome?
159
Ang Roman Republic Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. Noong 509 BCE, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 BCE. Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul. Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador, at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et al. p. 92.
Batay sa binasang teksto, ilarawan ang sumusunod na bahagi ng Roman Republic. konsul _____________________________________________________ ___________________________________________________________ diktador- __________________________________________________ patrician-___________________________________________________ ___________________________________________________________
plebeian- __________________________________________________ ___________________________________________________________
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al., pahina 127
160
Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 BCE upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nang dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan. May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 BCE, dahil sa mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga batas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12 Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapag-asawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging kasapi ng senado. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et al., p. 92
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga plebeian? Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang panahon na maihahalintulad sa tinahak ng mga plebeian upang matamo ang kanilang karapatan. Ipaliwanag Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng kahalagahan ang kapakanan ng mga karaniwang tao? Patunayan.
Para sa karagdagang kaalaman basahin ang Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al., p. 127-128
161
Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunudsunod na digmaan mula pa noong 490 BCE. Nasakop ang mga Latino, mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine, at Samnite. Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng Greece sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy noong 280 BCE. Nagwagi ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Roman. Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrhus, marami sa kaniyang tauhan ang nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na tagumpay ay tinaguriang Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong 275 BCE sa Beneventum, Italy. Roman ang naging reyna ng peninsula ng Italy. Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng panalo ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar. Kadalasan, naging kaanib ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na teritoryo. Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy. Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito ang mga Carthagenian. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. p. 93
Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng kapangyarihan ng Rome.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo etal., pahina 128.
162
Digmaang Punic 2
3 Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong Digmaang Punic- salitang Latin na nagmula sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.
Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy. Nagisisimula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng Mediterranean. Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 BCE. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong komersiyal na nasasakop ng hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, Sardinia, at Sicily.
1 Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat.
Mapa 1.5 Lokasyon ng Digmaan Punic Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. p. 94
163
Digmaang Punic
Mahahalagang Pangyayari •
Unang Digmaang Punic (264 241 BCE)
Bagamat walang malakas na plota, dinaig ng Rome ang Carthage noong 241 BCE. Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay ang mga sundalo nito na maging • magagaling na tagapagsagwan.
•
Bilang tanda ng pagkakapanalo ng Rome, sinakop nito ang Sicily, Sardinia, at Corsica.
•
Nagsimula ito noong 218 BCE nang • salakayin ni Hannibal, ang heneral ng Carthage, ang lungsod ng Saguntum sa Spain na kaalyado ng Rome. • Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang timog France kasama ng mahigit na 40 000 sundalo.
•
•
Tinawid din nila ang bundok ng Alps upang makarating sa Italy.
•
Tinalo ni Hannibal ang isang malaking hukbo ng Rome sa Cannae noong 216 BCE. Subalit hindi naghangad si Hannibal na salakayin ang Rome nang hindi pa dumarating ang inaasahang puwersa na manggagaling sa Carthage.
•
Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio Africanus, sinalakay ng mga Roman ang hilagang Africa upang pilitin si Hannibal na iwan ang Italy at tumungo sa Carthage upang sagipin ang kaniyang mga kababayan.
Ikalawanag Digmaang Punic (218 - 202 BCE)
164
Kinahinatnan
Nanalo ang Rome laban sa Carthage.
Natalo si Hannibal sa labanan sa Zama noong 202 BCE. Sa isang kasunduang pangkapayapaan noong 201 BCE, pumayag ang Carthage na sirain ang plota nito, isuko ang Spain, at magbayad ng buwis taon-taon sa Rome.
?
•
Matapos ang 50 taon, naganap ang • Ikatlong Digmaang Punic.
•
Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius Cato, isang pinuno at manunulat na • Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Sa kanyang pagbisita sa Carthage, nakita niya ang kasaganahan at luho ng pamumuhay dito. Batid niyang malakas ang Carthage at nananatili itong banta sa seguridad ng Rome. Pagbalik sa Rome, itinanim niya sa isipan ng Senado at publiko na dapat wasakin ang Carthage.
•
Nang salakayin ng Carthage ang isang kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome ang Carthage. Sinunog nito ang lungsod at ipinagbili ang mga mamamayan bilang alipin.
Muling natalo ang Carthage sa digmaan. Kinuha ng Rome ang lahat ng pag-aari ng Carthage sa Hilagang Africa.
Pamprosesong mga Tanong 1.
Bakit mahalaga para sa mga Roman ang pagkontrol sa Mediterranean Sea?
2. Ano ang dahilan ng pananaig ng Rome sa mga naganap na Digmaan Punic? 3. Paano nakabuti sa Rome ang kanilang pananaig laban sa Carthage?
Tagumpay sa Silangan Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Punic, ang mga hukbo ng Rome ay pumunta sa silangan. Tinalo ng Rome ang Macedonia. Noong 146 BCE, ang Macedonia ay naging isang lalawigan ng Rome. Sa taon ding ito, sinunog ng Rome ang Corinth at inilagay ang iba pang lungsod-estado ng Greece sa ilalim ng pangangasiwa nito. Mula 133 BCE nagsimulang mapasakamay ng Rome ang marami pang lupain. Sa pagsapit ng 100 BCE lahat ng lupain sa baybayin ng Mediterranean Sea ay nasakop ng Rome. Dahil dito, hindi kataka-takang tawagin ng mga taga- Rome ang Mediterranean Sea bilang Mare Nostrum o Aming Dagat. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 129
165
Kabihasnang Rome Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek ang tumungo sa Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga gawang sining at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang kabihasnang Greece sa Rome at maraming Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral. Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome. Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Rome. Pangunahin na rito ang kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng pamamahala at batas. Panitikan Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo BCE. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. Ang halimbawa ay si Livius Andronicus na nagsalin ng “Odyssey” sa Latin. Si Marcus Palutus at Terence ay ang mga unang manunulat ng comedy. Ang iba pang manunulat ay sina Lucretius at Catullus. Si Cicero naman ay isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera kailanman.
Batas Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Ang kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat, patrician o plebeian man. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas.
Kabihasnang Rome Inhenyeriya
Pananamit
Ipinakita ng mga Romano ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong lugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at timog Italy. Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.
Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman. Ang tunic ay kasuotang pambahay na hanggang tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay. Ang mga babaing Roman ay dalawa rin ang kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay at palla ay isinusuot sa ibabaw ng stola.
Arkitektura Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. Marunong na rin silang gumamit ng stucco, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga templo, aqueduct, at iba pang mga gusali. Ang gusali na ipinakilala ng mga Roman ay ang basilica, isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly. Mayroon din silang pampublikong paliguan at pamilihan na nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa forum, ang sentro ng lungsod. May iba pang gusaling pinatatayo na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa Rome. Halimbawa ay ang Coliseum na isang ampitheater para sa mga labanan ng mga gladiator.
166
GAWAIN 15: Lagumin Mo Batay sa tekstong binasa, punan ng angkop na impormasyon ang talahanayan. Pangyayaring Nagdulot ng Paglakas ng Rome
?
Patunay/ Paliwanag
Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng Kabihasnang Rome? 2. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkakapanalo sa Digmaang Punic? 3. Sa kabuuan, ilarawan ang pag-unlad at paglakas ng kabihasnang Rome.
167
Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihang Rome Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, ang lupong ito ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng nais ng Senate. Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang katungkulan upang magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki dulot ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo. Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na ginawa ng hukbo ni Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digmaan. Tumungo ang mga magsasaka ng Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala namang malaking industriya ang Rome na magbibigay ng kanilang trabaho. Ang yaman na pumasok sa Rome mula sa napanalunan sa mga digmaan ay napakinabangan lamang ng mayayaman. Higit na lumawak ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Binago ng lumalaking yaman ang ugali ng mga tao tungo sa pamahalaan. Pinalitan ng kasakiman at marangyang pamumuhay ang tradisyon ng pagsisilbi at disiplina sa sarili. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 132-133
Batay sa tekstong binasa, ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng Rome bunsod ng paglawak ng kapangyarihan nito?
Paano nakaapekto ang mga nabanggit na suliranin sa Republikang Rome? Maihahalintulad ba ang mga pangyayaring isinasaad sa teksto sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan? Sa paanong paraan?
168
GAWAIN 16: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa mga pangyayaring nagdulot ng pagbagsak ng Republika ng Rome tungo sa pagtatag ng Imperyong Romano.
Ang Banta ng Digmaang Sibil Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius Gracchus, kapuwa tribune, ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap bilang panganib sa katatagan ng Republic. May mga nagtangkang magpatupad ng pagbabago katulad ng mga sumusunod: Pinuno/Taon Tiberius 133 BCE
Pangyayari Nagpanukala ng batas sa pagsasaka kung saan ang mga lupang nakamit sa pamamagitan ng digmaan ay ipamamahagi upang magkaroon ng bukirin ang mahihirap.
Epekto Upang hadlangan si Tiberius at takutin ang iba pang nagnanais ng pagbabago, ipinapatay siya ng isang grupo ng mayayaman.
Nais niyang limitahan ang dami ng lupa na maaring ariin ng mayayaman upang pigilin ang mga ito sa pagkamkam ng higit pang maraming lupa. Gaius Gracchus 123 BCE
Sinundan ni Gaius Gracchus ang hakbang tungo sa pagbabago na sinimulan ng kanyang nakakatandang kapatid subalit, ang mga mayayaman ay hindi rin sang-ayon sa kanyang mga panukala.
Sinalakay si Gaius at ang kanyang 3,000 na tagasunod ng isang pangkat ng mga senador kasama ang inupahang hukbo at alipin. Ipinapatay ng Senate ang mga tagasunod ni Gaius Gracchus. Siya naman ay nagpatiwakal.
Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na Gracchus ang mainit na tunggalian ng mga patrician sa Senate at ng mga plebeian at alipin. Sumiklab ang mga serye ng rebelyon na nauwi sa digmaang sibil noong 105 BCE. Bumalik ang kaayusan sa Rome nang maging diktador si Sulla noong 82 BCE.
169
Gabay na Tanong: 1. Ano ang dahilan ng mga kaguluhang naganap sa Rome? 2; Ano ang ipinapahiwatig ng mga nabanggit na kaguluhan sa relasyon ng mga patrician at plebeian? Ipaliwanag. 3. Sa ating bansa sa kasalukuyan, mayroon bang katulad na sitwasyon? Ipaliwanag. Tunghayan mo sa sumusunod na teksto ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa Rome. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 133
Si Julius Caesar Bilang Diktador Sa unang siglo ng BCE, matindi ang agawan sa kapangyarihan ng mga heneral at pinunong militar sa Rome. Karaniwang nauuwi sa digmaang sibil. Noong 60 BCE, binuo ni Julius Causa, Pompey, at Marcus Licinius Crassus ang First Triumvirate, isang union ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng pamahalaan. Hinawakan nila ang kapangyarihang politikal at militar. Si Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga alipin. Samantala, si Pompey ay kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain. Si Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang napalawak ang mga hangganan ng Rome hanggang France at Belgium. Bagama’t nagkasundo silang pamunuan ang Rome, may namagitang inggit at kompetisyon sa bawat isa. Batay sa bahaging ito ng teksto, ano ang kahulugan ng Triumvirate?
Noong 53 BCE, napatay sa isang labanan si Crassus. Tanging si Caesar at Pompey na lamang ang naiwang maghahati ng kapangyarihan. Sa pananaw ng mga nasa Senate, higit na may pag-asa silang makitungo kay Pompey kumpara kay Caesar. Hindi lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni Caesar. Isang 170
matagumpay na heneral si Caesar. Popular din siya dahil sa mga reporma niya sa mga lalawigan tulad ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga beterano ng hukbo. Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang hindi kasama ang kaniyang hukbo. Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot nila sa kapangyarihan ni Caesar, tumakas papuntang Greece ang karamihan sa mga kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo nito ang puwersa ni Pompey. Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan. Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito. Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa mga lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay pinagbuti. Gabay na Tanong: Bakit naging tanyag si Julius Caesar? Bakit siya tinawag na diktador sa kanyang pagbalik sa Rome? Ano-ano ang mga pagbabagong ipinatupad niya sa Rome?
Nangamba ang Senate na maaaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang Republika. Binuo ang isang sabwatan upang patayin si Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan ni Caesar. Noong March 15, 44 BCE, isinakatuparan ang pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo ng senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius. Ano ang ipinahiwatig ng kamatayan ni Julius Caesar?
171
Augustus: Unang Rome Emperor Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 BCE, kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius. Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark Antony. Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo, samantalang pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus ang namahala sa Gaul at Spain. Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt. Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian upang labanan si Antony. Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dalawang puwersa sa Actium noong 31 BCE. Matapos matalo sa Actium, iniwan ni Antony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pag-aakala na nagpakamatay si Cleopatra. Samantala, dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Antony at sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na rin si Cleopatra. Si Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa kanya ang pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36 BCE, hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang mga sundalo. Ipinatapon ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy. Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako siyang bubuhayin muli ang Republic bagama’t hawak niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator. Noong 27 BCE, iginawad ng Senate kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang Augustus ay karaniwang ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. Samakatuwid, ang titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi pangkaraniwan. Mula noon, si Octavian ay nakilala sa pangalan na ito. Sa wakas, pagkatapos ng halos isang siglong puno ng digmaang sibil, ang Rome ay napagbuklod sa ilalim ng isang pinuno. Inihatid ng pamamahala ni Augustus ang panahon ng Imperyong Roman.
172
Gabay na Tanong: Sino-sino ang bumuo sa Second Triumvirate? Bakit mahalaga ang pagkapanalo ni Octavian sa labanan sa Actium? Bakit tinawag na Augustus si Octavian?
Limang Siglo ng Imperyo Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na imperyo. Ang hangganan nito ay ang Euphrates River sa silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara Desert sa timog. Sa pagsapit ng ikalawang siglo CE, ang populasyon ng imperyo ay umabot sa 100 milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian. Gaano kalawak ang sakop ng Imperyong Roman?
Sa pangkalahatan, tahimik at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo ng Imperyo. Ang panahong ito ay mula sa 27 BCE hanggang 180 CE. Kadalasang tinatawag ang panahong ito bilang Pax Romana o Kapayapaang Rome. Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo. Ang mga daan at karagatan ay ligtas sa mga tulisan at mga pirate. Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Ang kahoy na gamit sa paggawa ng bahay at iba pang produktong agrikultural ay nagmumula sa Gaul at Gitnang Europe; ginto, pilak, at tingga sa Spain; tin sa Britain; tanso sa Cyprus; at bakal at ginto sa Balkan. Sa labas ng Imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa Rome sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Mula sa India at China, dumarating sa Rome ang seda, mga pampalasa o rekado, pabango, mamahaling bato, at iba pang luho. Ano ang Pax Romana?
173
Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga makatang sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang “Aineid,” ang ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga mitong Greek at Roman sa akda niyang “Metamorphoses.” Sinulat ni Pliny the Elder ang “Natural History,” isang tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol sa kalikasan. Sinulat ni Tacitus ang “Histories at Annals” na tungkol sa imperyo sa ilalim ng pamamahala ng mga Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni Livy simula 27 - 26 BCE ang “From the Founding of the City,” ang kasaysayan ng Rome. Ano ang kahalagahan ng pag-unlad ng panitikan sa kasaysayan ng Rome?
Mga Emperador Pagkatapos ni Augustus Namatay si Augustus noong 14 CE. Ang titulong imperator o emperador ay iginawad ng Senate kay Tiberius na siyang pinili ni Augustus na humalili sa kanya. Mula sa pag-upo ni Tiberius bilang emperador hanggang sa katapusan ng Imperyo noong 476 CE, ang Rome ay nagkaroon ng iba’t ibang uri ng emperador. Mula sa Dinastiyang Julio-Claudian Pinuno
Nagawa
Tiberius (14 - 37 CE)
Magaling na administrador si Tiberius bagama’t isang diktador.
Caligula (37 - 41 CE)
Nilustay niya ang pera ng Imperyo sa maluluhong kasayahan at palabas tulad ng labanan ng mga gladiator. May sakit sa isip si Caligula at iniisip niyang siya ay isang gladiator.
Claudius (41 - 54 CE)
Nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo ng mga batikang administrador.
Nero (54 - 68 CE)
Ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan, kabilang ang kanyang sariling ina at asawa. Inakusahan siya ng panununog sa Rome at natutuwa pa siya diumano habang ginagawa ito.
174
Mula sa Dinastiyang Flavian Pinuno Vespasian (69 - 79 CE)
Nagawa Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos na patakarang pananalapi at pagtatayo ng imprastrukturang tulad ng pampublikong paliguan at amphitheater para sa mga labanan ng mga
gladiator.
Ang Limang Mahuhusay na Emperador Pinuno Nerva (96 - 98 CE)
Trajan (98 - 117 CE)
Hadrian (117 - 138 CE) Antoninus Pius (138 - 161 CE) Marcus Aurelius (161 - 180 CE)
Nagawa Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva at ang kinitang interes ay inilaan niya para tustusan ang mga ulila. Sa panahon ng pamumuno ni Trajan, narating ng imperyo ang pinakamalawak nitong hangganan. Patakaran ni Hadrian na palakasin ang mga hangganan at lalawigan ng Imperyo. Ipinagbawal ni Antoninus Pius ang pagpapahirap sa mga Kristiyano. Siya ay isang iskolar at manunulat. Itinaguyod niya ang Pilosopiyang Stoic. Binibigyang-diin ng pilosopiyang ito ang paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal na kalooban (divine will).
Ano ang kahalagahan ng isang mabuting pinuno sa pananatili ng isang imperyo? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ Hango sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al., p. 134-137
175
GAWAIN 17: Rome … Sa Isang Tingin Ibuod ang mga pangyayari kaugnay ng paglakas at paghina ng Imperyong Rome sa pamamagitan ng pagpupuno ng impormasyon sa chart. Sanhi
Bunga Naging malakas ang Imperyo ng Roman sa Mediterranean. Humina at unti-unting bumagsak ang Imperyong Roman.
Bakit maituturing na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnan ng mga Romano?
GAWAIN 18: Pagsulat ng Sanaysay Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang Greece at Rome. Suriin din ang impluwensiya ng dalawang kabihasnang ito sa daigdig.
176
GAWAIN 19: I-R-F Chart Isulat sa bahaging revised ang sagot sa tanong na nasa loob ng kahon.
FINAL FINAL
REVISED REVISED
INITIAL INITIAL
Paano naimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?
BINABATI KITA! Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 1. Upang mapalalim pang lalo ang iyong kaalaman tunkol sa Panahong Klasikal sa Europe, maari ka nang magpatuloy sa susunod na bahagi ng modyul na ito.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN Sa bahaging ito, inaasahang higit mong mapalalalim ang iyong kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng kritikal na pagsusuri sa mga impluwensiya ng Kabihasnang Klasikal sa Europe tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.
177
GAWAIN 20: E-Postcard Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin ang format. I-upload sa napiling social networking site ang ngawang E-postcard. Larawan Impormasyon
Kahalagahan sa Kasalukuyan
GAWAIN 21: I-R-F Chart Muling sagutin ang tanong sa kahon. Isulat sa bahaging “Final” ang iyong sagot.
FINAL FINAL
REVISED REVISED
INITIAL INITIAL
Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan? 178
BINABATI KITA! Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain sa araling ito. Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga pangyayari na nagbigay-daan pagsibol, pag-unlad at pagbagsak ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Ang mga aral na iyong natutuhan mula sa araling ito ay magagamit mo upang maunawaan ang mga susunod na aralin at sa kabuuan ay pag-unawa sa mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig at ang kahalagahan ng mga ito sa kasalukuyan. Magagamit mo ang mga aral ng kasaysayan ng mga Klasikal na Kabihasnang European sa susunod na aralin. Magsisilbi rin itong gabay upang maunawaan mo at masuri ang kahalagahan ng kasaysayan ng daigdig sa kasalukuyan.
179
ARALIN 2
PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA KLASIKAL NA LIPUNAN SA AMERICA, AFRICA, AT MGA PULO SA PACIFIC Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America, ang Africa? At ang mga pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol sa mga lugar na ito? Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nito at sa pamumuhay ng kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang naitatag sa mga kontinenteng ito. Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa America, Africa, at mga pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan.
180
ALAMIN Natutuhan mo sa nakaraang aralin tungkol sa pagkakatatag at mga kontribusyon ng Kabihasnang Greek at Roman sa mundo. Tatalakayin naman sa susunod na aralin ang pagkakatatag ng mga kabihasnan at imperyo sa America, Africa, at mga pulo sa Pacific. Bilang panimula, sagutin ang mga gawain sa bahaging Alamin. GAWAIN 1: Imbestigasaysayan Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag na arkitektura na ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang isang imbestigador, suriin ang sumusunod na arkitektura sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong.
1 Ilarawan ang disenyo
3
2
Bakit ipinagawa?
Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga gumawa?
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg
1 Ilarawan ang disenyo
3
2
Bakit ipinagawa? http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg
181
Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga gumawa?
GAWAIN 2: SKK - Paglalakbay Simulan mo ang iyong paglalakbay sa araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa loob ng kahon. Isulat mo sa bahaging “Simula” ang iyong sagot. Samantala, ang bahagi ng “Kalagitnaan” at “Katapusan” ay sasagutan mo sa iba pang bahagi ng araling ito.
Katapusan Kalagitnaan
Simula Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan?
BINABATI KITA! Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin. Sa pamamagitan ng pagtutupad sa iba-ibang gawain sa Modyul na ito, higit na madaragdagan ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa.
182
PAUNLARIN Sa bahaging ito, inaasahang maiisa-isa mo ang mga kontribusyon at impluwensiya ng kabihasnang Klasikal ng America, Africa, at mga pulo sa Pacific sa daigdig. Inaasahan ding masusuri mo ang kahalagahan ng mga kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon. Sikaping suriin ang nilalaman ng bahaging ito ng aralin at sagutin ang mga gawain upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman sa paksa. Simulan na!
GAWAIN 3: Sulyap sa Nakaraan Suriin ang timeline tungkol sa pagkakatatag ng iba-ibang kabihasnan sa daigdig mula 3000 BCE hanggang 500 CE. Pagkatapos na masuri, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ang mga pangyayari na makikita sa timeline ay natalakay na sa mga nakaraaang aralin. Makikita rito ang pag-unlad ng kabihasnan sa iba’t ibang lugar sa daigdig mula 3000 BCE hanggang 500 CE. Gabay na tanong: 1. Kailan umusbong ang mga kabihasnan sa Mesopotamia, Africa, China, at India? 2. Anong mga lungsod ang naitatag sa Kanlurang Asya noong 3000 BCE? 3. Batay sa timeline, alin ang mas naunang umunlad, ang kabihasnan sa Mediterranean o sa America? Ipaliwanag. 4. Anong konklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa pag-usbong ng mga kabihasnan sa daigdig?
Kung ito ang nagaganap sa mga nabanggit na bansa at kontinente, paano naman kaya namuhay ang mga tao sa kontinente ng Africa, at mga pulo sa Pacific?
183
184
Africa
- Pananakop ng Hyksos
- Pananakop ng Nubia
- Pamumuno ni Haring Hammurabi
- Pag-usbong ng Assyria
- MIDDLE KINGDOM
- Pag-usbong ng Babylon
2000 BCE
Pagtatayo ng mga pyramid
OLD KINGDOM
- Naimbento ang Hieroglyphics
Pamumuno ni Sargon ng Akkad
- Naimbento ang Cuneiform at paggamit ng gulong
Mga guhit sa - Pag-unlad - Pag-unlad ng agrikultura ng agrikultura bato sa gitnang Sahara - Pag-usbong Paggawa ng na nagpapakipalayok ng Sumer ta ng tao
Egypt
2500 BCE
3000 BCE
Mesopotamia at Persia Pagtayo ng mga batong monumento sa Hilaga at Timog Europ
Paglakas ng Mycenean
GITNANG Pagtatag ng PANAHON Stone-henge NG MINOAN Paggawa ng kagamitang HULING bronze PANAHON NG MINOAN
SINAUNANG PANAHON NG MINOAN sa Crete
Pagtayo ng mga batong monumento sa Malta
MediterraNorthern nean Lands of Europe Europe
Pagbasak ng kabihasnan sa Indus
Pagdating ng mga Hittites sa Anatolia
Pagdating ng mga dayuhang Aryan
Pagtatag sa siyudad ng Mohenjo-Daro at Harappa
Pag-usbong ng kabihasnang Indus
India
Pagdating ng mga Assyrian upang makipagkalakalan
Mga unang siyudad ng Jericho at Catal Huyuk
Mga unang magsasaka
Western Asia
Mga unang magsasaka
China
Pagtatanim ng mais
America
Figure 2.1. Timeline ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig (3000 BCE – 500 CE)
185
1000 BCE
1500 BCE
Pagsimula ng Kaharian ng Kush
Pag-usbong at pagbagsak ng Imperyong Pananakop ng Pagtatag ng Assyrian at Carthage Assyria Kushite
Unti-unting pagbagsak ng kabihasnan
-Tutankhamun
- Queen Hatshepsut
Ang pamumuno ng Mitanni - Pamumuno ng mga warsa hilagang Mesopotamia rior-pharaoh
- NEW KINGDOM
- Pag-unlad ng mga lungsod-estado sa Greece
- Ang pagtatag ng - Rome 753 BCE
- Ang mga Etruscan sa Hilagang Italy
- DARK AGES sa Greece
-Pagdating ng mga Dorian sa Greece
- Pagbagsak ng Mycenean
Pagwasak sa Knossos
Pagbagsak ng Crete
Pananakop ni Alexander the Great sa Eastern Mediterranean
Pagdating ng mga Israelite Pandarayuhan sa Canaan ng mga Celts Pamumuno sa iba-ibang nina Haring bahagi ng David at Europe Haring Solomon sa Israel
Paglakas ng Imperyong Hittite
- Isinilang si Gautama (Buddha)
- Pagsulat ng Vedas (religious writings)
- Pag-unlad ng relihiyong Hinduismo
- Pag-unlad ng Sistemang Caste
Isinilang si Confucius
DINASITIYANG CHOU
Naimbento ang sistema ng pagsulat
SHANG DYNASTY
Ang pag-usbong ng mga Olmec sa Mexico
186
500 BCE
Pananakop ni Alexander the Great kung saan naisama ang sa kaniyang teritoryo ang Persian Empire
Ang PERSIAN EMPIRE sa kaniyang kalakasan
Digmaang Punic sa Pagitan ng Carthage at Rome
- Pananakop ng Imperyong Roman
Natalo at nasakop ng - Pamumuno Carthage ang ng mga Ptole- teritoryo ng Imperyong mies Rome sa - Pamumuno Hilagang ni Cleopatra Africa
- Pananakop ng Imperyong Persia, pananakop ni Alexander the Great
-Pag-usbong ng Rome
- Pamumuno ni Alexander the Great
- Digmaang Peloponnesian
- Pagiging makapangyarihan ng lungsod-estado ng Athens
- Digmaang Persian sa pagitan ng Greeks at Persians
Paglunsad ng tangkang Pananakop ng Pananakop ng pananakop ni mga Roman mga Roman Alexander sa sa malaking India bahagi ng Hilagang Europe
Naimbento ang papel
- HAN DYNASTY
- CHI’IN DYNASTY
- Itinayo ang Great Wall
- Pag-iisa ng China sa ilalim ni ShihHuang Ti
- Panahon ng Pag-usbong warring states ng mga Maya
GAWAIN 4: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Maya. Mga Kabihasnan sa Mesoamerica Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul. Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad din ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.
Kabihasnang Maya (250 CE – 900 CE) Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE at 700 CE. Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach uinic o “tunay na lalaki” ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos. Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid.
187
Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan. Mapa. 2.1 Lokasyon ng Kabihasnang Maya 1. Ano-anong lungsod ang makikita sa timog na bahagi ng Yucatan Peninsula? 2. Paano nakipagkalakalan ang mga Maya sa iba pang bahagi ng Mesoamerica?
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 CE. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo CE, ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.
188
Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450. Kasingtulad ng pyramid ang estrukturang ito. Subalit, mapapansin na ang itaas na bahagi nito ay patag. Sa loob nito ay may altar kung saan isinasagawa ang pag-aalay.
Ipinagawa ang templo upang pagdausan ng mga seremonyang panrelihiyon. Ito ay parangal para kay Kukulcan, ang tinaguriang God of the Feathered Serpent
Gawa ang pyramid mula sa malalaking bato. Mayroon itong apat na panig na may mahabang hagdan. Larawan 2.1 ang Pyramid of Kukulcan
Ang pyramid na ito ay patunay ng mataas na kaalaman ng mga Mayan sa arkitektura, inhenyeriya, at matematika.
Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa diyagram ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak.
189
Paglakas Tapat ang mga nasasakupan sa pinuno. Siya ay namumuno sa pamahalaan at relihiyon. Napag-isa ang mga mamamayan dahil sa iisang paniniwala. Pamahalaan at Relihiyon
Paglakas May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto.
Ekonomiya at Kabuhayan
Paghina Palagiang nakikipagdigma ang mga pinuno at kaniyang nasasakupan upang makahuli ng mga alipin na iaalay sa kanilang mga diyos. Nagbunga ito ng pagkaubos ng yaman ng mga lungsodestado.
Paghina Pagkawala ng sustansiya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng suliranin sa suplay ng pagkain.
Paglakas Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya.
Paghina Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estado.
Mga Lungsodestado
Figure2.2 Paglakas at Paghina ng Imperyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram ang mga sanhi at bunga ng paglakas at paghina ng Kabihasnang Mayan.
Gabay na Tanong 1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na sistema ng pagtatanim?
190
GAWAIN 5: Ipaliwanag Mo Patunayang may mataas na kabihasnan ang mga Mayan. Punan ng impormasyon ang dayagram. Pamahalaan
Relihiyon
Ang mga Mayan ay may mataas na antas ng kabihasnan Ekonomiya
Arkitektura
Napatunayan ko na may mataas na kabihasnan ang mga Mayan dahil
GAWAIN 6: Exit Card Dugtungan ang sumusunod na pahayag. Naunawaan ko sa nakaraang aralin na ...
Ang mga bahagi ng aralin na hindi ko gaanong naintidihan ay ...
Ilan sa aking tanong ay ...
Ang pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Kabihasnang Mayan ay nagdulot ng paglaho ng kanilang kapangyarihan sa timog na bahagi ng Mesoamerica. Sa panahong ito, nagsimulang umunlad ang maliliit na pamayanan sa Mexico Valley. Ang mga mamamayan dito ang nagtatag ng isa sa unang imperyo sa Mesoamerica – ang Imperyong Aztec. 191
Kung ang mga Mayan ay nagtatag ng kanilang kabihasnan sa timog na bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito. Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec. Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica. GAWAIN 7: Magbasa At Matuto Basahin at unawain ang mga teksto tungkol sa Kabihasnang Aztec. Kabihasnang Aztec (1200 – 1521) Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy. Unti-unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.
Mapa 2.2 Sakop ng Kabihasnang Aztec
Gabay na Tanong: 1. Anong katangiang-heograpikal ng Tenochtitlan ang nagbigay-daan upang ito ay maging sentrong pangkalakalan sa Mesoamerica noong sinaunang panahon?
192
Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan.
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec. 1. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden.
2. Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho. Nagtatanim sila sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay matulis na kahoy.
3. Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa nilang tanim ay patani, kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato, at gansa.
193
4. Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagama’t may mga mandirigmang Aztec na nagkukusang-loob ialay ang sarili.
Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa sa mga dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsod-estado ng Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico. Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mga pagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala. Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.
194
Makikita sa pahinang ito ang graph ng populasyon ng mga Aztec. Ang biglaang pagbaba ng populasyon ay dulot ng epidemya ng bulutong, pangaalipin, digmaan, labis na paggawa, at pagsasamantala. Sa kabuuan, tinatayang naubos ang mula 85 hanggang 95 bahagdan ng kabuuang katutubong populasyon ng Mesoamerica sa loob lamang ng 160 taon.
1.5
Mga Milyon
1.4 1.3 1.2 1.1
Populasyon
1 9 8 7
Daang Libo
6 5 4 3 2 1
1500 1520 1540 1560 1580 1600 1620 1640 1660 1680 1700
Taon Figure2.3. Graph ng Populasyon ng mga Aztec
Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputing kaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.
195
GAWAIN 8: Daloy ng mga Pangyayari Ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang pag-unlad at pagbagsak ng Imperyong Aztec.
?
Pamprosesong mga Tanong 1. Ano-ano ang salik na nagbigay-daan sa paglakas ng Imperyong Aztec? 2. Paano napakinabangan ng mga Aztec ang mga lupain na kanilang sinakop? 3. Bakit madaling nakontrol ng mga Aztec ang iba pang karatig na lungsodestado? GAWAIN 9: Pagsulat ng Sanaysay Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal sa Mesoamerica. Gamiting gabay ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya ng Mesoamerica sa pag-usbong ng mga Kabihasnang Maya at Aztec? 2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang dalawang kabihasnan? 3. Ano-ano ang kanilang mga kontribusyon at bakit ito mahalaga?
196
4. Magbigay ng kongklusyong magpapatunay na ang nabanggit na kabihasnan ay maituturing na Kabihasnang Klasikal. GAWAIN 10: Pagsusuri sa Aking Natutuhan Punan ng angkop na impormasyon ang kasunod na chart batay sa paksang tinalakay. Naunawaan mo sa bahaging ito ang mga pangyayari, hamon, tugon, at Ang aking mga natutuhan sa araling ito ay _____________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________
Madali kong naisakatuparan ang mga gawain tulad ng ___________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________
Ang aking mga tanong sa araling ito ay ________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________
Nahirapan ako na mapagtagumpayan ang mga gawain tulad ng ___________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________
katangian ng mga Kabihasnang Maya at Aztec. Nakabatay ang kaunlaran at kapangyarihan ng dalawang kabihasnan sa agrikultura at pananakop ng lupain partikular na ang Aztec. Isa pang maunlad at higit na malawak na imperyo ang naging makapangyarihan sa America. Ito ang Kabihasnang Inca na lumaganap sa South America.
197
GAWAIN 11: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Inca.
HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA May magkakaibang klima at heograpiya ang South America kung ihahambing sa Mesoamerica. Matatagpuan sa hilaga ng Amazon River na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan. Pawang ang mga prairie at steppe naman ang matatagpuan sa Andes Mountains sa timog na bahagi. Samantala, tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean. Dahil sa higit na kaaya-aya ang topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga unang pamayanan. May mga indikasyon ng pagsasaka gamit ang patubig sa hilagang gilid ng Andes noong 2000 BCE. Sa pagsapit ng ika-11 siglo BCE maraming pamayanan sa gitnang Andes ang naging sentrong panrelihiyon. Ang mga pamayanang ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon, nagawang masakop Mapa. 2.3 Sakop ng Kabihasnang Inca ng ilang malalaking estado ang kanilang mga karatig-lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw sa lupain hanggang sa pagsapit ng ika-15 siglo. Gabay na Tanong 1. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Imperyong Inca? 2. Paano nakatulong ang mahabang kalsada na ipinatayo ng mga Inca upang mapatatag ang kanilang imperyo? 3. Sa kasalukuyan, bakit mahalaga ang maayos na sistema ng transportasyon?
198
Kabihasnang Inca (1200 - 1521) Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagangkanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado. Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina. Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471 - 1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador. Gabay na Tanong 1. Ano ang ibig sabihin ng Inca? 2. Sino si Pachakuti? Makikita sa talahanayan ang pagkakatulad ng mga Aztec at Inca. BATAYAN Pinagmulan - nagmula sa maliliit na pamayanang agrikultural Paniniwala - pagsamba sa araw bilang diyos Inhinyera - mahusay sa paggawa ng kalsada, templo, at iba pang gusali
AZTEC
INCA
✓
✓
PATUNAY Parehas na umunlad ang dalawang imperyo mula sa matagumpay na pagtatanim.
✓
Huitzilopochtli – diyos ng araw ng mga Aztec Inti – diyos ng araw ng mga Incan
✓ ✓
✓
199
Pyramid of the Sun – ginawa ng mga Aztec Mahaba at batong kalsada – ginawa ng mga Incan
Francisco Pizzaro Source: http://the historyjunkie,com/ francisco.pizzaro-facts/
Dahil sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, untiunting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napakalaking saklaw ng Imperyong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.
Siya ang namuno sa mga Espanyol sa pananakop sa Imperyong Inca. Samakatuwid, ang Imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo. Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes. Gabay na Tanong 1. May pagkakatulad ba ang mga Pilipino at mga Inca? Patunayan. 2. Paano si Francisco Pizarro natutulad kay Miguel Lopez de Legazpi sa kasaysayan ng Pilipinas?
200
GAWAIN 12: Sino Sila? Tukuyin ang mga nagawa ng sumusunod na pinuno ng Kabihasnang Inca.
Topa Yupanqui
Pachakuti
Huayna Capac
Ano ang
Ano ang
Ano ang
nagawa?
nagawa?
nagawa?
Kahalagahan ng nagawa:
Kahalagahan ng nagawa:
Kahalagahan ng nagawa:
GAWAIN 13: Puno ng Kaalaman Isulat sa loob ng kahon ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Inca. Gawin ito sa kuwaderno.
Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Imperyong Inca
201
GAWAIN 14: MAPAsuri Suriin ang mapa ng Mesoamerica at South America. Pagkatapos, sagutin ang mga kaugnay na tanong. 1. Saang bansa sa kasalukuyan makikita ang mga Kabihasnang Klasikal sa Mesoamerica at South America? 2. Ano-ano ang anyong-tubig na nasa paligid ng mga nabanggit na rehiyon? 3. Paano nakaapekto ang heograpiya sa pagtatag ng mga Kabihasnang Klasikal ng Aztec, Inca, at Maya?
Mapa 2.4 Ang Mesoamerica at South America
4. Sa iyong palagay, alin sa dalawang salik ang higit na nakaimpluwensiya sa pagusbong ng mga kabihasnan sa Mesoamerica at South America, ang mga tao ba o ang heograpiya? Ipaliwanag.
GAWAIN 15: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan) Punan ng tamang sagot ang chart. Pagkatapos, isulat ang iyong paliwanag tungkol sa pamamagitan ng pagdudugtong ng impormasyon sa pahayag na nasa ibaba. PAMAHALAAN
EKONOMIYA
MAYA
AZTEC
INCA
202
RELIHIYON
KONTRIBUSYON
Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga Maya, Aztec, at Inca dahil
Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang Klasikal na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu ay hinahangaan at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian nito. Nananatili itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga sinaunang mamamayan sa America. GAWAIN 16: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga Kaharian at Imperyong naitatag sa Africa. Mga Kaharian at Imperyo sa Africa Sa kasalukuyan, higit ang iyong kaalaman sa kontinente ng America subalit limitado lamang ang mga pulo sa Pacific. Samantala, kadalasan ay hindi maganda ang iyong impresyon sa kontinente ng Africa. Maging sa sinaunang kasaysayan ng daigdig, karaniwang hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at mga pulo sa Pacific. Maliban sa kaharian ng Egypt, hindi na natatalakay pa ang ibang sentro ng kabihasnan sa Africa. Samantala, halos walang pagbanggit naman sa mga pulo sa Pacific. Tunghayan sa araling ito ang mga kaganapan sa dalawang rehiyong ito noong sinaunang panahon. Heograpiya ng Africa Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 na siglo. Gabay na Tanong Bakit tinawag na dark continent ang Africa? 203
Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Matatagpuan dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may mga puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon ng Sudan makikita Mapa 2.5 Katangiang Heograpikal ng Africa ang Sahara, ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirahan maliban sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa. Gabay na Tanong 1. Ano-anong uri ng vegetation at anyong-lupa ang makikita sa kontinente ng Africa? 2. Bakit mahirap mamuhay sa rehiyon ng Sahara? 3. Paano nakatulong ang heograpiya sa pag-usbong ng mga Imperyo?
Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara. Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong Kalakalang Trans-Sahara. Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong African.
204
Ang Kalakalang Trans-Sahara Noong 3000 BCE, isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara. Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ito ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng kalakal. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay. Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas. Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Iba’t ibang grupo ng mga tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.
Mapa 2.6 Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara
http://northafricanhistory.wikispaces.com/file/view/timbuktu. jpg/112619921/timbuktu.jpg
Gabay na Tanong 1. Saang bahagi ng Africa makikita ang lupain ng mga Carthage? 2. Ano ang ibig sabihin ng caravan? 3. Paano nakarating sa Europe ang mga produkto mula sa Africa? 4. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa Hilagang Africa?
205
Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa Nang makapagtatag ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Islam ay unti-unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at kabihasnang nananahan sa Kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa. Pumupunta sila sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.
Morocco Morocco Berber Berber
Sudan Sudan at at Hilagang Hilagang Africa Africa
Figure 2.4 Kalakalan ng mga Berber at African Gabay na Tanong 1. Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa Hilagang Africa? 2. Bukod sa pag-unlad ng kabuhayan, anong aspekto ng pamumuhay ng mga African ang naimpluwensiyahan ng mga Berber?
206
GAWAIN 17: MAPAghanap Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa mga anyong-lupa, anyong-tubig, at vegetation sa Africa. Tukuyin kung saang bahagi ng Africa matatagpuan ang mga ito sa pamamagitan ng pagguhit ng linya sa tiyak na lugar. Gawin ito sa papel. Rainforest
Savanna
Disyerto
Oasis
?
Pamprosesong mga Tanong 1. Alin sa mga nabanggit na vegetation ang may pinakamalawak na saklaw? 2. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa pagitan ng Carthage at Sudan? 3. Saang mga lugar maaaring umusbong ang kabihasnan o imperyo? Bakit?
207
GAWAIN 18: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang teksto tungkol iba pang Kabihasnan sa Africa. Mga Kabihasnan sa Africa Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia. Umusbong din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara. Kapuwa nasa Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito. Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.
350 CE
700 dataon
1240
1335
Namayani ang Kaharian ng Axum sa Silangang Africa
Naging makapangyarihan ang Imperyo ng Ghana sa Kanlurang Africa
Naitatag ang Imperyong Mali nang matalo ang Imperyong Ghana Nagsimulang mamuno ang dinastiyang Sunni na siyang nagpalawak sa teritoryo ng Imperyong Songhai
Pigura 2.5. Timeline ng mga Kabihasnang umusbong sa Africa.
Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 CE. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay 208
ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa. Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo noong 395 CE. Mapa Bilang 2.7. Ruta ng Kalakalang Axum Gabay na Tanong
1. Anong mga anyong-tubig ang dinaanan ng mga Axum sa pakikipagkalakalan? 2. Saang mga kontinte nakipagkalakalan ang mga Axum? 3. Paano ito natutulad at naiiba sa kalakalang TransSahara?
Kung ang Kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa, nakilala naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo na siyang naging makapangyarihan dulot din ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa labas ng Africa. Ito ay ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.
Ang Imperyong Ghana Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba-ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila. 209
Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.
Ginamit ang mga sandatang gawa sa bakal upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga pangkat na mahina ang mga sandata.
Mahalagang salik sa paglakas ng Ghana
Naging maunlad dahil naging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa
Bumili ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo Ang mga kabayo ay nagbibigay ng ligtas at mabilis na paraan ng transportasyon para sa mga mandirigma nito.
Gabay na Tanong 1. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng Imperyong Ghana? 2. Paano nakatulong ang heograpiya ng Ghana upang umunlad ang kanilang pamumuhay?
ANG IMPERYONG MALI Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu,
210
at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan. Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong Mali. Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya.
Mga Namuno sa Imperyong Mali
Sundiata Keita
Mansa Musa
Gabay na Tanong 1. Paano nakamit ng Imperyong Mali ang kapangyarihan mula sa Imperyong Ghana? 2. Bakit naging tanyag si Mansa Musa?
211
Ang Imperyong Songhai Simula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito. Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam. Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang mga kawani sa pamahalaan.
212
213
Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu. Bukod dito, lumaganap rin ang relihiyong Islam at tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga iskolar na Muslim. Ang Sankore Mosque ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325.
Mali
Iugnay ang Law of Supply and Demand sa ipinalabas na kautusan ni haring Al-Bakri.
Pag-isipan!
1. Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai?
Ipinag-utos ni haring Al-Bakri na ibigay sa kaniya ang mga butil ng ginto at tanging mga gold dust ang pinayagang ipagbili sa kalakalan. Sa ganitong paraan, napanatili ang mataas na halaga ng ginto.
Pigura 2.6 Infographic tungkol sa Imperyong Ghana, Mali at Songhai
ginto ginto
asin asin
2. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?
Gabay na Tanong
Ghana
ginto
Sa panahong ito, ginagamit ng mga African ang ginto upang ipambili ng asin. Ginagamit ng mga African ang asin upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.
asin
Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahil sa kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga African na mayaman sa ginto at ng mga African na mayaman sa asin.
Ghana, Mali at Songhai
GAWAIN 19: History Makers Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralan tungkol sa mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa. PINUNO
IMPERYONG PINAMUNUAN
MAHALAGANG NAGAWA
Al-Bakri SundiataKeita Mansa Musa Dia Kossoi Sunni Ali GAWAIN 20: Triple Venn Diagram Isa-isahin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai. Isulat sa Venn Diagram ang sagot.
Ghana
Mali
Songhai
GAWAIN 21: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan). Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Isulat ito sa loob ng angkop na kolum. Dugtungan ang kasunod na pangungusap na nasa loob ng kahon. IMPERYO
KONTRIBUSYON
GHANA MALI SONGHAI
214
KAHALAGAHAN
Maituturing na kabihasnang klasikal ang naitatag ng mga Imperyong Ghana, Mali, at Songhai dahil
Bunga ng pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo, nabuo ang pagkakilanlan ng kasalukuyang kontinente ng America at Africa. Samantala, sa mga pulo ng Pacific, nagsimula na ring makilala ang mga Austronesean. Tunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang kanilang nabuong kabihasnan. GAWAIN 22: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga kabihasnan sa Pulo ng Pacific MIGRASYONG AUSTRONESIAN Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang rehiyong ito ay mga Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig. Mapa 2.8. Migrasyon ng mga Austronesian.
Gabay na Tanong 1. Magbigay ng ilang sa kasalukuyan na pinanirahan ng mga Austronesian.
http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples
215
2. Bakit nandayuhan ang mga Austronesian sa mga pulo sa Pacific.
Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China ang mga Austronesian. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na masasaka, umalis sila ng China at nandayuhan simula noong 4000 BCE. Tumungo sila sa mga lugar na kilala ngayon bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at Indonesia. Noong 2000 BCE, may mga Austronesian na tumungo pakanluran hanggang makarating sa Madagascar sa Africa. Samantala, may mga tumungo pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga pulo ng Pacific. Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at Tasmania. Noong 1000 BCE, nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at Tahiti. Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa mga pulo ng Hawaii sila noong 100 BCE. Pinakamalayo nilang naabot ang Easter Island, isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South America. Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan ang lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan at kulturang ito ay Austronesian. Ang mga Pulo sa Pacific Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.
POLYNESIA – maraming isla poly – marami nesia - isla
MICRONESIA – maliliit na mga isla micro – maliit nesia - isla
MELANESIA – maiitim ang mga tao dito mela– maitim nesia - isla Mapa 2.9 Ang mga isla na bumubuo sa Pacific. http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg
216
Polynesia Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura. Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog. Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating. Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.” Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.
Gabay na mga Tanong 1. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Polynesia? 2. Ano ang ibig sabihin ng mana?
May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana. Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang
217
ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana. Ang tawag sa mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.
Gabay na Tanong Ano-ano ang mga paraan upang mapangalagaan ang mana?
Micronesia Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng Marianas, Palau, at Yap. Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal ang mga tao sa matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying coral atolls). Ipinagpapalit ng mga taga-high-lying island ang turmeric na ginagamit bilang gamot at pampaganda. Samantala, ang mga taga-low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga shell/bead, banig na yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan.
218
Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.
Melanesia Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan. Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka. Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana. May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba-ibang isla at kontinente. Bagama’t hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasing-yaman ng mga kabihasnan at imperyo sa America at Africa, nakaimpluwensiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan.
219
GAWAIN 23: Pagsagot sa Chart Punan ng kinakailangan impormasyon ang talahanayan. Isla
Kahulugan ng Pangalan
Kabuhayan
Relihiyon
Polynesia Micronesia Melanesia
GAWAIN 24: Anong Konek? Makibahagi sa iyong pangkat. Magsaliksik tungkol sa kultura ng mga taga-Pacific Islands at ihambing ito sa kulturang Pilipino. Iulat ang inyong nasaliksik sa klase. GAWAIN 25: Ang Aking Paglalakbay Sa pagkakataong ito, isulat mo ang iyong sagot sa bahagi ng “Kalagitnaan.”
Katapusan Kalagitnaan
Simula Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan?
220
BINABATI KITA! Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 2. Ngayong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga salik na nagbigaydaan sa pag-usbong ng mga kabihasnang klasikal sa mga pulo sa Pacific, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul na ito.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN Tinalakay sa nakaraang aralin ang tungkol sa Panahong Klasikal sa Europe, America, at mga pulo sa Pacific. Nagkaroon ka rin ng malawak na kaalaman tungkol sa iba-ibang kontribusyon ng mga nabanggit na kabihasnan sa daigdig. Ngayon naman ay kritikal mong masusuri ang impluwensiya ng mga nabanggit na kabihasnan sa daigdig. GAWAIN 26: AdBakit? Makibahagi sa iyong pangkat. Pumili ng isang kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal na nakatalaga sa iyong pangkat. Gumawa ng dalawang pahinang pamphlet na nagsusulong ng adbokasiya upang mapangalagaan ang mga kontribusyon nito sa kasalukuyan. Sundin ang format sa ibaba.
221
Front Page Larawan ng Kontribusyon
First Page
Second Page
Ipaliwanag ang kahalagahan ng kontribusyon sa kasalukuyang panahon sa: Daigdig Pilipinas
Sumulat ng maikling pahayag na naglalaman ng inyong adbokasiya upang mapangalagaan ang kontribusyon na inyong napili
GAWAIN 27: Ang Aking Paglalakbay. Sa pagkakataong ito, isulat mo ang iyong sagot sa bahagi ng “Katapusan.” Katapusan Kalagitnaan
Simula Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan?
222
BINABATI KITA! Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain para sa Aralin 2.
Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga kontribusyon at impluwensiya ng mga Kabihasnang Klasikal sa America at Africa at sa kultura ng mga mamamayan sa Pacific Islands. Handa ka na para sa susunod na aralin.
223
ARALIN 3
ANG DAIGDIG SA PANAHON NG TRANSISYON: MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-DAAN SA PAG-USBONG NG EUROPE SA PANAHONG MEDIEVAL Isinulat ni Jeanette Winterson ang mga katagang: “In the space between chaos and shape there was another chance.” Nangangahulugan ito na ang bawat kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon. Marahil pagkakataon para bumangon, pagkakataon para muling umunlad. Sa pagitan ng pagbagsak at pagbangon ay isang mahalagang pangyayaring maaaring ituring na transisyon. Ikaw, sa buhay mo, ano ang maituturing mong mahalagang transisyon? Pagtutuunan sa Modyul na ito ang mga pangyayari sa Transisyonal na Panahon. Sa pagitan ng sinauna at makabagong panahon, ano nga ba ang naganap sa kasaysayan ng mundo partikular na sa Europe? Ano ang epekto ng mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan? Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa Transisyonal na Panahon sa paghubog at pagbuo ng pagkakakilanlan ng bansa at rehiyon sa daigdig? Halina’t iyo itong tuklasin.
ALAMIN Matapos talakayin ang mga kabihasnang klasikal na nabuo sa daigdig, bibigyan naman ng tuon sa bahaging ito ng Modyul ang kalagayan ng mundo sa Panahon ng Transisyon. Pagtutuunan sa araling ito ang mga kaganapan sa kasaysayan na nakasentro sa Europe- mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Ano nga ba ang epekto ng mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kaalaman? Subalit, bago mo tuluyang alamin ito, gawin mo muna ang sumusunod upang malaman ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba?
224
GAWAIN 1: Photo-Suri
Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
?
Pamprosesong mga Tanong
Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? 2. Sa iyong palagay, anong panahon sa kasaysayan makikita ang mga tagpong nasa larawan? 3. Sa kasalukuyan, mayroon pa kayang mga tagpong tulad ng iyong nakikita sa larawan? Patunayan.
GAWAIN 2: A-R Guide (Anticipation-Reaction Guide) Marahil ay nasasabik ka nang pag-aralan ang susunod na aralin. Upang mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, isagawa ang susunod na gawain. Alamin kung gaano na ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Isulat sa unang kolum ang SA kung ikaw ay sang-ayon sa pahayag at HSA naman kung hindi.
225
Bago ang Talakayan
PAHAYAG 1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalasa ng iba-ibang pangkat ng mga barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon at pumasok ang pagsisimula ng Panahong Medieval. 2. Si Charlemagne o "Charles the Great” ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng Panahong Medieval. Pinamunuan niya ang “Holy Roman Empire” na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Roman. 3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalakay ng mga tribung barbaro, naging kanlungan ng mga tao ang Simbahan. Naging mahalaga ang papel ng “Kapapahan” o ang tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko. 4. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga Krusada ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa iba pang panig ng daigdig. 5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na sistemang naitatag noong Panahong Medieval. Itinuturing itong sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na sagot sa pangangailangan sa tagapanguna sa panahon ng kaguluhan. 6. Ang pang-ekonomiyang aspekto ng Piyudalismo ay tinatawag na Manoryalismo. Ito ay ang sistemang gumagabay sa pamumuno ng mga hari sa kanilang nasasakupan. 7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang paglago ng kalakalan ay nakatulong din sa paglago ng mga bayan.
226
Matapos ang Talakayan
8. Maaaring umangat ang isang tao sa lipunan dahil hindi nakabatay sa kapanganakan ang antas sa buhay kundi sa kayamanan ng isang tao. 9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan. 10. Ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan sa kasalukuyang panahon.
BINABATI KITA! Sa puntong ito ay natapos mo na ang bahagi ng Alamin. Natititiyak kong nais mong malaman kung tama ang iyong mga sagot sa talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng Modyul. Sa iyong pagtupad sa iba-ibang gawain, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga dating kaalaman sa mga bagong kaaalaman na iyong matututuhan sa Modyul na ito.
PAUNLARIN Sa bahaging ito ay inaasahan na matututuhan mo ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Sagutin ang mga gawain upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba?
227
GAWAIN 3: Daloy Ng Kasaysayan Tinalakay sa Aralin 1 ng Modyul 2 ang pagkakatatag ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Sa pagdaan ng panahon, ang dating matayog at makapangyarihang Imperyong Roman ay unti-unting humina at tuluyang bumagsak. Makikita sa diyagram ang mga salik ng pagbagsak ng Imperyong Roman. Suriin ang diagram at sagutin ang kasunod na mga tanong.
Paglubha ng Krisis Pangkabuhayan
Pagkawala ng Katuturan ng Pagkamamamayang Roman
Paghina ng Hukbong Roman
Pagbaba ng Moralidad ng mga Roman
Pagsalakay ng mga Barbaro
Diagram Blg. 3.1. Mga Salik sa Pagbagsak ng Imperyong Roman. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon, nina Vivar et al, p. 137-139
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Mula sa mga ipinakitang salik sa diyagram, ano sa tingin mo ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman? Bigyang katuwiran ang iyong sagot. 2. Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto ng pagbagsak ng Imperyong Roman sa kabuuan ng Europe?
228
Pagbagsak ng Imperyong Roman
Kakulangan ng mga Tapat at may Kakayahang Pinuno
Suriin ang diyagram tungkol sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon
Ang Holy Roman Empire
Ang Paglunsad ng mga Krusada
Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon (Piyudalismo, Manorialismo, Pagusbong ng mga Bayan at Lungsod)
Diagram Blg. 3.2 Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahong Medieval sa Europe http://mrgrayhistory.wikispaces.com/file/view/L_Middle_Ages_-_Pope_Apology.jpg/244152229/293x372/L_Middle_ Ages_-_Pope_Apology.jpg http://images2.wikia.nocookie.net/__cb20101006230145/deadliestfiction/images/b/b1/Charlemagne.jpg http://ts2.mm.bing.net/th?id=H.4513801360115517&pid=15.1 http://crabberworldhistory.wikispaces.com/file/view/high_middle_agesjpg/180280913/high_middle_ages.jpg
Sa mga susunod na aralin, subukang suriin ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang institusyon noong Panahong Medieval.
229
GAWAIN 4: Magbasa at Matuto Bilang panimula sa pagtalakay ng paksa, basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Pope sa Europe. Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.
Pagbagsak ng Imperyong Roman Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman noong 476 CE, na naghari sa Kanluran at Silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa Hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon. Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan. Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Roman. Noong 476 CE, tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng Kristiyanismo. Sa kabutihang-palad, ang Simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa Simbahang Katoliko sa pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.
230
Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka-Kristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al. p. 141-144
Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman?
Mula sa binasa, paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong Roman?
Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga hirarkiya. Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng obispo. Nasa ilalim ng obispo ang maraming pari sa iba-ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng obispo, hindi lamang mga gawaing espirituwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.
231
Tinawag na mga arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang arsobispo sa mga obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome, na tinawag bilang *Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga arsobispo, obispo at mga pari ng mga parokya. Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa. * Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan, at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampolitika bilang pinuno ng estado ng Vatican. Ang salitang Pope ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa.” Noong unang panahon itinuturing ng mga Kristiyano ang “Papa” bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kaniya sa kasalukuyan.
Ilarawan ang tungkulin ng sumusunod: Pari- ______________________________________________ _________________________________________________ Obispo- ___________________________________________ _________________________________________________ Arsobispo- _________________________________________ _________________________________________________
232
Uri ng Pamumuno sa Simbahan Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Roman at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa talahanayan. Pinuno / Papa Constantine the Great
Papa Leo the Great (440-461)
http://upload.wikimedia. org/wikipedia/commons/5/5b/Pope_St._ Leo_IV.jpg
•
Paraan ng Pamumuno Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.
•
Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinag-uri-uri ng mga obispo ang ibaibang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Roman.
•
Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa obispo ng Rome. Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa Kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa Silangang Europe na kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo hanggang sa panahong ito.
233
Papa Gregory I
•
Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang Europe.
•
Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang iba-ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba-ibang bansa na hindi pa sumasampalataya sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany.
•
Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of *investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa Simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/ Francisco_de_Zurbar%C3%A1n_040.jpg Papa Gregory VII
http://hist2615.wikispaces.com/file/view/ Gregory_VII-1.jpg/251843136/174x220/ Gregory_VII-1.jpg
* Ang investiture ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan. Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal niya ang karapatan ng mga pinunong sekular na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng Simbahan.
234
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag ng isang organisasyon? Ipaliwanag.
Pamumuno ng mga Monghe Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe. Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito, malaki ang kanilang impluwensiya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang paniniwalang “Ang pagtatrabaho at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensiya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong Panahong Medieval. Mga Gawain ng mga Monghe. Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Roman. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbagan at ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa kasalukuyan. Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa Kanlurang Europe ay nakatulong din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag ng mga sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang sinuman ang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno, at tulong.
235
Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba-ibang dako ng Kanlurang Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland, at Scotland, at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome. Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng Simbahan at pagpapalaganap ng Kristiyanismo?
Halaw sa : Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al. p. 141-144 GAWAIN 5: Diyagram ng Aking Natutuhan Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Europe. Ipaliwanag ang sagot.
Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa
236
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginampanam ng Simbahan noong Gitnang Panahon? Patunayan. 2. Bakit madaling nahikayat ng Simbahan ang mga pangkat barbaro na yakapin ang Katolisismo? 3. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng Simbahan sa kasalukuyan sa gampanin nito noong Panahong Medieval? Ipaliwanag. GAWAIN 6: 3-2-1 Chart Punan ang chart ng hinihinging impormasyon ayon sa natutuhan mo sa binasang teksto. Konspeto o kaalaman na aking natutuhan 1. __________________________________________ __________________________________________
3
2. _________________________________________ _________________________________________ 3. _________________________________________ _________________________________________ Konsepto o kaalaman na hindi ko gaanong naunawaan 1.
2
__________________________________________ _________________________________________
2.
_________________________________________ _________________________________________
Tanong na nais ko pang mabigyan ng linaw
1
1.
_________________________________________ _________________________________________
237
GAWAIN 7: Sa Madaling Salita Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa loob ng kahon. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
Paano nakatulong ang paglakas ng Simbahang Katoliko sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?
Bukod sa paglakas ng impluwensiya ng Simbahang Katoliko, isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa Panahong Medieval ay ang pagkakatatag ng Holy Roman Empire. Sino nga ba si Charlemagne? Bakit tinawag na Holy Roman Empire ang imperyo? Ano ang kontribusyon ng imperyong ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan?
238
GAWAIN 8: Magbasa at Matuto Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire.” 481 - Pinag-isa ni Clovis ang iba-ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman 496 - Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan 511 - Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kaniyang mga anak 687 - Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks 717 - Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel 751 - Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo
Ang Holy Roman Empire Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe. Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba-ibang wika. Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian, at Saxon at ginawang mga Kristiyano. Para sa karagdagang kaalaman basahin ang “Kasaysayan ng Daigdig" Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al. pahina 173-175
Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong Roman (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Roman. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Roman. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval.
239
Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Roman ng isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho.
Nang namatay si Charlemagne noong 814 CE, humalili si Louis the Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; at ang Italy kay Lothair. Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko, politiko at militari- ang piyudalismo. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon)nina Vivar et al. p. 140-141
GAWAIN 9: Paggawa ng Timeline Batay sa binasang teksto, punan ang timeline ng mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire.
Pinag-isa ni Clovis ang mga tribong Franks at sinalakay ang mga Romano.
481
500
600
700
240
800
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa pagtatatag ng Holy Roman Empire? 2. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni Charlemagne? 3. Ano ang kahalagahan ng Simbahang Katoliko sa “Holy Roman Empire”? 4. Sa kasalukuyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang pamahalaan at Simbahan? Patunayan. GAWAIN 10: Sa Madaling Salita Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikalawang kahon. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
Paano nakatulong ang paglakas ng Simbahang Katoliko sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?
Paano nakatulong ang pagkakatatag ng Holy Roman Empire sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?
1.
2.
241
Sa Panahong Medieval, unti-unting namayagpag ang Simbahang Katoliko. Nagsimulang maging Kristiyano ang mga tao sa Europa, subalit nang bumagsak ang Holy Roman Empire, nawalan ng malakas na pinuno ang imperyo. Sa kabilang dako ay nagpapalawak din ng imperyo ang mga Muslim. Nakuha ng mga Muslim ang Jerusalem. Bunsod nito, nanawagan ang Papa ng paglulunsad ng mga Krusada. Alamin sa susunod na aralin ang mga sanhi at bunga ng paglulunsad ng mga Krusada.
Gawain 11: Magbasa at Matuto Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paglulunsad ng Krusada sa Europe.
ANG KRUSADA Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang masakop. Unang Krusada Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3 000 kabalyero at 12 000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa nobility. Matagumpay na nabawi ng pangkat na ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.
242
Ikalawang Krusada Sa paghihikayat ni St. Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng France at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan ang pangkat na ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahuli-hulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin. Krusada ng mga Bata Noong 1212 isang labindalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay na naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada. Libong mga bata ang sumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria. Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang excomunicado. Nagpatuloy sa pangdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang Imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada. Iba pang Krusada Nagkaroon ng iba pang krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.
243
Mapa 3.1 Ruta ng ilan sa mga Krusada
Resulta ng Krusada* Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din. * Ang salitang Crusade ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross.” Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang naging dahilan sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal. Halaw sa: Araling Panlipunan, Ease Module 8, Ang Simbahang Katoliko: Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al. p. 145-147.
244
Gawain 12: History Frame Matapos mabasa ang teksto, bumuo ng history frame tungkol sa paksang napatakda sa pangkat. Unang Pangkat; Pangyayari at Mga Tauhan Ikalawang Pangkat: Suliranin o Layunin Ikatlong Pangkat: Konteksto (Saan at Kailan) Ikaapat na Pangkat: Mahahalagang Pangyayari Ikalimang Pangkat: Kinalabasan/ Resulta History Frame: Pangyayari:
Mga Pangunahing Tauhan:
Suliranin/ Layunin ng Pangyayari:
Konteksto:
Kinahinatnan/ Resulta: Mahahalagang Pangyayari:
Aral na Natutunan:
Pagkatapos ng talakayan sa pangkat, ibahagi ang inyong output sa klase.
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig? 2. Sa kasalukuyan, anong pangayayari ang maikukumpara sa naganap na krusada noong Panahong Medieval? Ipaliwanag. 3. Anong aral ang natutuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa iyong pangaraw-araw na buhay? Ipaliwanag. 245
Gawain 13: Lesson Closure Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga Krusada. Punan ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang talata.
Ang Krusada ay isang ____________________ na inilunsad ng mga taga Europe sa panawagan ni ______________. Layunin nito na _________________________________________________ _________________________________________________ ______________________________________. Sa kasaysayan, maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay ang ___________ __________________________________________________ __________________________________________________ _________________________________________________. Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga nailunsad na Krusada dahil _______________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________
246
Gawain 14: Sa Madaling Salita Mula sa naging talakayan tungkol sa paksa, sagutin ang tanong sa ikatlong kahon. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
Paano nakatulong ang paglakas ng Simbahang Katoliko sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?
Paano nakatulong ang pagkakatatag ng Holy Roman Empire sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval?
Paano nakatulong ang paglulunsad ng mga Krusada sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?
Tatalakayin naman sa bahaging ito ang tungkol sa Piyudalismo, Manoryalismo, at ang Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod sa Europe noong Panahong Medieval.
247
GAWAIN 15: Comic-Suri Suriin ang comic strip at sagutin ang tanong sa loob ng kahon.
Akoang Ako angHARI, HARI, pagmamay-ari koko pagmamay-ari ang ang lahat ng lahat nglupain. lupain. Subalit Subalit ibinigay ko ibinigay koang ang ibaiba sa sa mga BARON. mga BARON.
Ako ang Ako ang BARON, BARON, dapat dapat akong akong maging TAPAT maging TAPAT sa sa HARI HARI dahil dahil ibinigay ibinigay niya sa akin niya akin ang ang ilan ilan sa sa kaniyang kaniyang lupain. Dapat lupain. Dapat maging maging handa handa akong akong ipaglaban siya ipaglaban siya at at magsanay magsanay ng ng mga mga KNIGHT. Ibinigay KNIGHT. Ibinigay ko ko ang ang ilan ilan sa aking lupain aking lupain sa sa aking aking mga mga KNIGHT.
Akoang Ako angVILLEIN, VILLEIN, ibinigay ng ibinigay ng KNIGHT KNIGHTsa sa akin akin ang ang ilan ilan sa kaniyang lupain kaniyang lupain upang upang mapagtaniman mapagtaniman at paunlarin. at paunlarin. Tungkulin Tungkulin kong kong magbayad magbayad ng buwis ng buwis at at pagkalooban pagkalooban siya ng ng regalo. regalo. Hindi ako Hindi ako maaaring maaaring umalis umalis sa sa lupain lupain na na kaniyang nasasakupan kaniyang nasasakupan nang nang walang walang pahintulot ngng pahintulot KNIGHT. KNIGHT.
Ano-anong mga uring panlipunan ang makikita sa comic strip?
Ano ang salitang nababanggit sa lahat ng bahagi ng comic strip? Ano ang ipinapahiwatig nito?
248
Sa iyong palagay, anong sistema ang umiiral na ipinahihiwatig ng comic strip? Ipaliwanag. ______________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ GAWAIN 16: Magbasa at Matuto Basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga tanong sa kahon kaugnay ng tekstong binasa.
Ang Piyudalismo Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari. Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief. Ang vassal ay isa ring lord dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw. Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty. Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar. Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight
249
ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan nina Mateo et al. pahina 192-193
Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo?
Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng lord at vassal?
Ang Pagtatag ng Piyudalismo Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke. Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba-ibang panig ng Europe lalo na sa bandang France. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy. Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo. Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Module 9, Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon sa Europa
250
Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood). Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan. Banal at isang propesyon na pinagpala ng Simbahan ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo. Halaw sa : Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al., p. 50
Ano ang kinahinatnan ng mahinang uri ng pamumuno, batay sa tekstong binasa? Bakit itinatag ang sistemang Piyudalismo?
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et al., p. 192-195 at Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al., p. 148-150.
Lipunan sa Panahong Piyudalismo Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo- ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo, at mga alipin (serf). Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin. Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang
251
loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain. Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao. Makapag-aasawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al. , p. 148-149
Ano-ano ang uring panlipunan noong panahon ng Piyudalismo? Ilarawan ang bawat isa.
252
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng uring lipunan sa Sistemang Piyudalismo? 2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag. 3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang Sistemang Piyudalismo? Pangatuwiranan GAWAIN 17: Alam Ko Na Upang mataya at mapagtibay ang iyong kaalaman mula sa binasang teksto, sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang Piyudalismo? ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________. 2. Ano-anong uring panlipunan mayroon ang Piyudalismo? ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________. 3. Ano ang kahalagahan ng lupa sa Sistemang Piyudalismo? ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________. GAWAIN 18: Magbasa at Matuto Sa bahaging ito ng Modyul, pag-aaralan mo naman ang Manoryalismo. Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paksa.
Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa
253
manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka sa manor na kaniyang magiging kayamanan. Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maaari ring ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon, ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kaniyang hinahati ngunit nag-iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat. Halaw mula sa: Araling Panlipunan, EASE Module 9, Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa; at Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo, et al., p. 195
* Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi ng lupain na umaabot ng ¹⁄3 hanggang ½ ng kabuuang lupang sakahan ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang nagmamay-ari ng lupa.
254
GAWAIN 19: Photo-suri Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa kahon. Ano ang ipinapahiwatig ng kastilyo sa gitna ng manor? Ipaliwanag. __________________ __________________ __________________ __________________ Ano ang pangunahing ikinabubuhay sa isang manor? __________________ __________________ __________________ __________________ Ano ang kahalagahan ng mga magbubukid sa manor? __________________ __________________ __________________ Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Module 9, Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Batay sa teksto, anong uri ng relasyon mayroon ang lord at mga magbubukid? 2. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ba sa isang manor ang mga pangangailangan ng mga mamamayan nito? Patunayan. 3. May gampanin ba ang mga kababaihan sa sistemang Manoryalismo? Ipaliwanag.
255
GAWAIN 20: Magbasa at Matuto Kasama ng iyong pangkat, basahin at suriin ang sumusunod na teksto.
Paglago ng mga Bayan Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa pangunahing daan. Paggamit ng Salapi Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng serf ang mga produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan. Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpotagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong piyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa rito. Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer), na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba-ibang barya. Sa pagpapalit ng salaping ito nasabing nagsimula ang pagbabangko. Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng malalaking halaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo. Ang isang mangangalakal ay maaari ring magdeposito ng salapi sa isang lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibang lungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi. Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagang Italya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba-ibang lugar. 256
Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto? Unang Talata _______________________________________________ Ikalawang Talata _______________________________________________ Ikatlong Talata _______________________________________________ Ikaapat na Talata ________________________________________________ Ikalimang Talata ________________________________________________ Ang Paglitaw ng Burgis Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isangmakapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng pangkat na ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad. Ang mga bourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang. Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mga dalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa yaman at hindi na sa angkan. Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto? Unang Talata ___________________________________________________ Ikalawang Talata ___________________________________________________
257
Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag na burgh. Ang mga taong nagtayo ng kanilang tirahan dito ay karaniwang tinatawag na burgher. Sa France, ang mga burgher ay kolektibong tinatawag na bourgeoisie. Ang mga burgher ay kakaiba sa tradisyonal na paghahati ng lipunan batay sa kanilang ginagawa. Hindi sila lord na may ari ng lupa at nakikidigma. Iba rin sila sa pari na nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim. Ang mga naninirahan sa bayan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo na ikinakalakal. Habang dumarami ang kalakal nila, yumayaman sila at umuunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga mangangalakal at artisan na ito ay bumuo ng bagong pangkat sa lipunan, ang gitnang uri o middle class. Sa bayan maaaring umangat ang pangkaraniwang tao sa lipunan. Yaman at hindi kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan. Kadalasan, higit na mayaman pa ang mga mangangalakal kaysa mga dugong bughaw. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon, nina Mateo et al., p. 202-203
Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto? Unang Talata ___________________________________________________ Ikalawang Talata ___________________________________________________ Ikatlong Talata ________________________________________________
Ang Guild System Marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ang guild ay samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay. Ang Merchant Guild Ang mga unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal. Nagpatayo sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalye ng kanilang negosyo. Kontrolado ng guild ng mga mangangalakal ang lahat ng kalakalan sa bayan. Maaari rin nilang hadlangan ang mga dayong mangangalakal sa pagnenegosyo sa kanilang bayan.
258
Dahil sa kanilang yaman, lubhang naging mahalaga ang mga merchant guild o guild ng mga mangangalakal sa pamahalaang bayan. Hinikayat ng mga merchant guild ang pagkakaroon ng sistema ng kalinisan at pagpapagawa ng mga kanal para sa dumi. Sinikap nila na magkaroon ng iisang batayan ng timbang at panukat na maaaring gamitin ng lahat. Minsan, ginagampanan nila ang papel bilang mga pulis na naglalaan ng proteksyon. Maaari rin nilang impluwensiyahan ang mga lord na alisin ang toll o bayad ng mga daan sa mga lupain nito. Ang Craft Guild Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang mga karpintero, barbero, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild. Ang sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring gumawa ng produkto na ginagawa ng nasabing guild. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon nina Mateo et al., p. 204-205
Bigyang kahulugan ang sumusunod na konsepto: Ang Merchant Guild _________________________________________________ _________________________________________________ Ang Craft Guild _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________
259
GAWAIN 21: Dahilan-Epekto Batay sa mga binasang teksto, punan ang talahanayan ng wastong sagot. Dahilan
Pangyayari
Epekto
Pag-unlad ng kalakalan
Paglitaw ng mga Bourgeoisie
Ang paggamit ng salapi
Pagkakaroon ng sistemang Guild
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Batay sa mga teksto, ano-anong pangyayari ang nagbigay-daan sa pagusbong ng mga bayan at lungsod? 2. Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng paglakas ng mga burgis sa lipunan? Ipaliwanag. 3. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyang panahon ang mga pangyayaring nabasa mo sa mga teksto? Ipaliwanag.
260
GAWAIN 22: Sa Madaling Salita Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikaapat na kahon. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
Paano nakatulong ang paglakas ng Simbahang Katoliko sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?
Paano nakatulong ang pagkakatatag ng Holy Roman Empire sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval?
Paano nakatulong ang paglulunsad ng mga Krusada sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?
Paano nakatulong ang pag-usbong ng mga bayan at lungsod sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval?
GAWAIN 23: A-R Guide(Anticipation-Reaction Guide) Sagutin ang pangatlong kolum sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang sumasangayon o SA kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag at hindi sumasang-ayon o HSA kung ikaw naman ay hindi sumasang-ayon sa pahayag.
261
Bago ang Talakayan
PAHAYAG 1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalasa ng iba-ibang pangkat ng mga barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon at pumasok ang pagsisimula ng Panahong Medieval. 2. Si Charlemagne o Charles the Great ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng Panahong Medieval. Pinamunuan niya ang Holy Roman Empire na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Roman. 3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalakay ng mga tribung barbaro, naging kanlungan ng mga tao ang Simbahan. Naging mahalaga ang papel ng papacy o ang tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyrihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko. 4. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga Krusada ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa iba pang panig ng daigdig. 5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na sistemang naitatag noong Panahong Medieval. Itinuturing itong sistemang politikal, sosyo-ekonomiko at militar na sagot sa pangangailangan sa tagapanguna sa panahon ng kaguluhan. 6. Ang pang-ekonomiyang aspekto ng Piyudalismo ay tinatawag na Manoryalismo. Ito ay ang sistemang gumagabay sa pamumuno ng mga hari sa kanilang nasasakupan. 7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang paglago ng kalakalan ay nakatulong din sa paglago ng mga bayan. 8. Maaaring umangat ang isang tao sa lipunan dahil hindi nakabatay sa kapanganakan ang antas sa buhay kundi sa kayamanan ng isang tao. 9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
262
Matapos ang Talakayan
10. Ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan sa kasalukuyang panahon.
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Magkatulad ba ang iyong kasagutan sa una at ikatlong kolum? 2. Paano mo ilalarawan ang iyong kaalaman sa paksa batay sa gawain? Ipaliwanag.
BINABATI KITA! Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 3 Pagkatapos tuparin ang mga inihandang gawain sa bahaging Paunlarin ng aralin, tiyak na sapat na ang iyong kaalaman sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Maituturing ang mga pangyayaring ito na bahagi ng transisyon sa daigdig. Dahil sa iyong mga natutuhan, maaari mo ng gampanan ang mga inihandang gawain upang mapalalim pa ang iyong pag-unawa sa paksang ito.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa paksang pinag-aralan. Inaasahan din na sa pagkakataong ito ay kritikal mong masusuri ang mga epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan.
263
GAWAIN 24: Bumuo at Matuto Batay sa mga naganap sa talakayan at pagtupad sa bawat gawaing inihanda, anoano ang kontribusyon ng sumusunod na pangyayari sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval? Sumali sa pangkat at punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ng mga nabanggit na pangyayari na nagbigaydaan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Bawat pangkat ay gagawa ng powerpoint presentation at ilalahad ito sa klase. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon
Ang Holy Roman Empire
Ang Paglunsad ng mga Krusada
Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon
Kontribusyon
Kontribusyon
Kontribusyon
Kontribusyon
Patunay
Patunay
Patunay
Patunay
264
?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang kahalagahan ng mga pangyayari sa pag-usbong ng Europe noong Panahong Medieval sa kasalukuyan? 2. Paano nakatulong ang mga pangyayaring ito upang mapalaganap ang pandaigdigang kamalayan? Ipaliwanag GAWAIN 25: Makasaysayang Paglalakbay Punan ang graphic organizer ng angkop na impormasyon batay sa iyong mga naunawaan sa mga nakaraang aralin. Ano ang kontribusyon ng iba-ibang panahon na tinalakay sa modyul na ito sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan?
Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan
Kabihasnang Klasikal sa Europe
Kabihasnang Klasikal sa America, Africa, at mga pulo sa Pacific
Mga Mahahalgang Pangyayari sa Panahong Medieval
BINABATI KITA! Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain. Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Tiyak na handa ka na para sa susunod na gawain.
265
ILIPAT AT ISABUHAY Natitiyak kong lubos na ang iyong kaalaman tungkol sa mga pangyayari sa daigdig sa mga Klasikal at Transisyonal na Panahon. Sa bahaging ito ng Modyul, ilalapat mo ang iyong mga natutuhan sa kasalukuyan. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga paksang iyong pinag-aralan sa iyong buhay bilang isang indibidwal at bilang isang bahagi ng daigdig na iyong ginagalawan? Isagawa ang sumusunod na gawain.
GAWAIN 25: Video-Kasaysayan Bumuo ng isang pangkat na may tatlo hangang apat na miyembro.Sundin ang GRASPS chart sa pagbuo ng isang video tungkol sa pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Tansisyonal na panahon Goal
Makagagawa ng isang video na nagpapakita ng pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon Bigyang-tuon ang mga sumusunod sa paggawa ng video: a. Komprehensibong pagpapakila sa isang pamana ng Klasikal at Transisyonal na Panahon b. Pangangatuwiran ng pangangalaga sa nasabing pamana c. Kahalagahan ng napiling pamana sa iyong henerasyon
Role
Miyembro ng isang organisasyong pang-mag-aaral na may adbokasiyang ipaalam sa mga kapuwa mag-aaral ang kahalagahan ng mga pamanang Klasikal at Transisyonal na Panahon
Audience
Mga kapuwa mag-aaral
Situation
Magdaraos ng isang seminar tungkol sa pagpapahalaga sa mga pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon.
Product/Performance
Video
Standards
Ang video-kasaysayan ay mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan
266
267
Komprehensibo at mahusay ang pagsusuri sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan sa pamamagitan ng paguugnay-ugnay ng mga salik at epekto ng iba’t ibang pangyayari.
Ibinatay sa iba-ibang saligan ang mga kaalaman tulad ng mga aklat, pahayagan, video clips, interview, radio at iba pa.
Higit na nauunawaan ang mga paksa. Ang mga panguhaning kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan. Wasto at magkaka-ugnay ang mga impormasyon sa kabuuan.
Pinaghalawan ng Datos
Kaalaman sa Paksa
Naunawaan ang paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad ngunit di-wasto ang ilan. May impormasyon na hindi maliwanag ang pagkakalahad.
Hindi gaanong naunawaan ang paksa. Hindi lahat ng pangunahing kaalaman ay nailahad. May mga maling impormasyon at hindi naiugnay ang mga ito sa kabuuang paksa.
Ibinatay lamang ang saligan ng impormasyon sa batayang aklat.
Ibinatay sa iba-ibang saligan ang mga impormasyon ngunit limitado lamang.
Hindi naunawaan ang paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay hindi nailahad at natalakay. Walang kaugnayan ang mga pangunahing impormasyon sa kabuuang gawain.
Walang batayang pinagkunan. Ang mga impormasyon ay gawa-gawa lamang.
Hindi naipakita ang mahusay na pagsusuri sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan sa pamamagitan ng paguugnay-ugnay ng mga salik at epekto ng iba’t ibang pangyayari.
Hindi gaanong naipakita ang mahusay na pagsusuri sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan sa pamamagitan ng paguugnay-ugnay ng mga salik at epekto ng iba’t ibang pangyayari.
Naipakita ang mahusay na pagsusuri sa pagunlad ng Pandaigdigang Kamalayan sa pamamagitan ng paguugnay-ugnay ng mga salik at epekto ng iba’t ibang pangyayari.
1 NAGSISIMULA
MAHUSAY
NAPAKAHUSAY
2 NALILINANG
3
4
Pagsusuri sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan
PAMANTAYAN
268
Malikhain ang nabuong video. Gumamit ng mga props at costume ang mga nagsipagganap.
presentation.
Organisado ang mga paksa sa kabuuan at may maayos na presentasyon ngunit di masyado nagamit nang maayos ang powerpoint
Hindi gaanong malikhain ang video. Gumamit ng mga props at costume subalit hindi gaanong angkop sa kanilang ginawa.
Walang interaksyon at ugnayan sa mga kasapi. Walang malinaw na presentasyon ng mga paksa. May owerpoint presentation. ngunit hindi nagamit at nagsilbi lamang na palamuti sa pisara
Mahalagang ikintal sa isip ang mga bagay na iyong natutuhan dahil makatutulong ito sa lalo mo pang pag-unawa sa kasaysayan ng mundo. Mahalaga rin ang mga natalakay upang mapag-ugnay ang susunod na pangyayari sa kasaysayan patungo sa kasalukuyang panahon.
Binigyang-tuon sa Modyul na ito ang pagtalakay sa mga pangyayari sa daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon. Nakasentro ang pagtalakay sa mga kontribusyon ng bawat kabihasnan at pangyayari sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.
Transisyon sa susunod na Modyul
Malikhain ang nagawang video. Bukod sa props at costume ay gumamit ng iba’t ibang teknolohiya tulad ng sound effects, digital at visual effects upang maging makatotohanan ang senaryo.
Pagkamalikhain
presentation.
Organisado ang mga impormasyon. Ang presentasyon ng gawain ay malinaw na naipapahayag at natatalakay gamit ang makabuluhang powerpoint
Organisasyon
Hindi malikhain ang ipinakitang video. Kulang sa mga props at costume upang maging makatotohanan ang senaryo.
Hindi organisado ang paksa. Malinaw na walang preparasyon ang paksa.
TALASALITAAN Acropolis- ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng Athens at iba pang lungsod-estado ng Greece Agora- ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung saan maaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao sa Greece Barter- pakikipagpalitan ng produkto Bourgeoise- mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay Fief- lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal Hellenes- tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang Hellas, isang lugar sa hilagang-kanluran ng Greece Helot- mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa nilang tagapagsaka ng kanilang malalawak na lupain Kapapahan- tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin sa kapangyarihang pampolitika bilang pinuno ng Estado ng Vatican Krusada- ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito Lay Investiture- isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang Obispo ng singsing at tauhan para sa kaniyang opisina Manor- sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo Mesoamerica- nangangahulugan ang katagang meso ng “gitna,” ang Mesoamerica ay rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Gitnang America Obsidian- isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na lava na ginamit sa Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng kutsilyo Olmec- kauna-unahang kabihasnan sa Central America; nangangahulugan ang salitang Olmec na rubber people dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng mga puno ng rubber o goma Ostracism- ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao sa sinaunang Athens Phalanx- tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma
269
Piyudalismo- isang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na nakabase sa pagmamay-ari ng lupa. Sibilisasyong Minoan-itinuturing na kauna-unahang sibilisasyong nabuo sa Aegean na nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo. Teotihuacan- nangangahulugan ang katagang ito na “tirahan ng diyos” at isa ito sa mga unang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico Tyrant- sa sinaunang kasaysayan, ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa lord Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa.
SANGGUNIAN A. Aklat Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Kasaysayan ng Daigdig. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila Philippines. 1999. Banks, James A. et al. World History. Adventures in Time and Place. Macmillan/ McGraw-Hill 1221 Avenue of the Americas New York, New York 10020. 1997. pp. 192-218, 422-448. Beck, Roger B. et al. A Modern History of the World. World History Patterns of Interaction. McDougal Little Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999 . 108-132, 138-166, 388-407 Boehm, Richard G. Our World’s Story. Harcourt Brace & Company, 6277 Sea Harbor Drive, Orlando Florida 32887-6777.1997. pp. 210-234, 236-266, 336-338. Camagay, Ma. Luisa T. et al. Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura. Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010. pp. Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. World History: The Human Experience. Glecoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio 43081. 1999. pp. Mercado, Michael M. Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette Publishing House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City. 2009. pp.
270
McCannon John. AP World History. Barrons Educational Series Inc. 250 Wireless Boulevard Hauppage New York 11788. 2010. pp. 58-61, 67-69. Millard, Anne. The Usborne Book of World History. Usborne Publishing Ltd. 20 Garrick Street, London WC2E 9BJ. 1995. pp. 24-27, 42-45, 66-73, 86-91, 138-140. Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Miffin Company Boston, Massahusetts USA. 1989. pp. B. Module Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 4: Ang Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 5: Ang Pagsibol ng Imperyong Roman Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 6: Sinaunang Africa Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 7: Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 8: Ang Simbahang Katoliko Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 9: Ang Sistemang Piyudalismo C. Websites Colloseum http://ancientworld2009.wikispaces.com/file/view/coliseum.jpg/92540006/ coliseum.jpg Gregory I http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/Francisco_de_Zurbar%C3%A1n_040.jpg Gregory VII http://hist2615.wikispaces.com/file/view/Gregory_VII-1.jpg/251843136/174x220 Leo the Great http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5b/Pope_St._Leo_IV.jpg Lokasyon ng Digmaang Peloponnesian http://en.wikipedia.org/wiki/Peloponnesian Map of Pacific Islands http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg
271
Mapa ng Minoan at Mycenean http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece Mapa ng Mycenean Greece http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png Migrasyon ng mga Austronesian http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples Mauseleum in Timbuktu http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg Paglalarawan ng Digmaang Graeco-Persia http://althistory.wikia.com/wiki/Greek_Glory?file=GRECO-PERSIAN-WARS.gif Paglalarawan kay Alexander the Great http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaic-detail1.jpg Parthenon https://encrypted- tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcReawl5Xp8agCBTODpqzMKAPIuktNE9yhizLwBds64yykmPzc7kg Pisistratus http://en.wikipedia.org/wiki/Cleisthenes Pyramid of Kukulkan http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg Punic Wars http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/7/79/First_Punic_War_264_ BC.png Romulus and Remus http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/6a/She-wolf_suckles_Romulus_and_Remus.jpg Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara http://northafricanhistory.wikispaces.com/file/view/timbuktu.jpg/112619921/ timbuktu.jpg Solon http://en.wikipedia.org/wiki/File:Solon2.jpg
272