PAGSASALIN BILANG PAGBABALIK-BAYAN: ANG BISA NG PAGDEDESTIYERO SA PAGSASALIN NG PILING MAIKLING KUWENTO NI BIENVENIDO N. SANTOS (isang Sulating Pananaliksik) MANANALIKSIK: Armando B. Dela Cruz ADBAYSER/PROPESOR: Professor Miranda TAON: 2012 PAKSANG SAKLAW: Pagsasalin-wika/Translation KURSO: Bachelor of Science in Business Economics (PLM) *Hiniram na pananaliksik ni Reynaldo T. Candido, Jr.
I.
PANIMULA A. Si Bienvenido N. Santos (1911-1996) ay isang PilipinoAmerikanong awtor ng piksyon at di-piksyon, at isa ring manunula. Ipinanganak at lumaki sa Tundo at unang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, naging iskolar si Santos sa isang bantog na unibersidad sa ilang banyagag bayan kagaya ng: Illinois, Columbia at Harvard. Tanyag sa kanyang mga likha kagaya ng nobelang Villa Magdalena; mga maiikling kuwentong ‘You Lovely People’ at ‘The Day the Dancers Came’ at marami pang iba, namudmuran si Santos ng iba’t-ibang parangal sa kanyang angking talento sa panitikan. B. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na maisalin ang ilan sa mga maikling kuwento na likha Bienvenido N. Santos gaya ng ‘The Day the Dancers Came,’ ‘The Prisoners,’ ‘The Hurt Men,’ at ‘Scent of Apples’. C. Ang pagsasalin sa ilang maiikling kuwento ni Bienvenido N. Santos ay kinakailangan upang mas madaling maibahagi ang mga ito sa kanyang mga kababayan. Ilang bahagdan din sa populasyon ng Pilipinas ang aminadong hirap sa wikang banyaga, kaya ang pagsasalin ng mga kuwento ni Santos ay sa wikang Ingles ay ‘imperative’ upang masaksihan ng mga Pilipino ang kagandahan ng kanyang panitikan. C. Upang mailagay sa konteksto ng pagdedestiyero ang mga pagsasaling gagawin, isinagawa ang mga sumusunod: (1) Pahapyaw na pagtalunton sa kasaysayan ng pagdedestiyero sa ating bansa at paano ito pinapaksa sa ating panitikan; (2) Paglilinaw sa konsepto ng destiyero at pagdedestiyero; (3) Pagtutukoy ng tema sa pagdedestiyero
ng mga napiling kuwentong isasalin; (4) Pagtalakay sa teoryang: ‘literature of exile,’ (5) Pagpapasubali, hinggil naman sa pagsasalin, ang sinabi mismo ni Bienvenido N. Santos na “…the writer in English as translator already is unity…” sapagkat ang ‘kaisahang’ ito nga ang binubuwag ng pagsasalin lalo na sa kontekstong postkolonyal; (6) Paggawa ng introduksyong kritikal na magpapaliwanag ng mga pinagbatayang teorya sa, at proseso, ng pagsasalin. II.
PAGTALAKAY Binubuo ng limang kabanata ang pag-aaral na ito. Kabilang sa Unang Kabanata ang panimulang pagtalakay sa usaping pagdedestiyero, ang pahapyaw na kasaysayan nito sa ating bansa, at sa ating panitikan. Sa Ikalawang Kabanata, tinalakay ang mga katangian ni Santos bilang manunulat, ang kanyang estado sa kasaysayang pampanitikang Pilipino, at ang pagpapakilala sa kanyang mga nalikhang kuwento at ang talakay tungkol sa mga katangian ni Bienvenido N. Santos bilang postkolonyal na manunulat. Tinalakay naman sa Ikatlong Kabanata kung paano inilangkap ng may-akda sa kanyang mga kuwento ang mga usapin ng pagdedestiyero. Proseso at teoryang pinagbasihan ng pagsasalin naman ang tinalakay sa ika-apat na kabanata.
III.
KONKLUSYON Sa gawaing pagsasalin bilang pagbabalik, inilalapit sa inang bayan ang nawalay na akda at awtor dahil sa paggamit ng banyagang wika. Naiuwi, samakatwid, ang akda at awtor dahil sa pagsasalin sa sariling wika. At sapagkat “umaawit sila sa tinig ng tinalikdan,” muli nilang niyayakap ang tinalikdan sa pamamagitan ng pagsasalin. Kapag napagtagumpayan ito sa salin, tama nang sabihing nakabalik na sila. At ang katauhan nila, bagaman basag at may lamat kung mabuo, ay “naipagdurugtong-dugtong” ng gawaing pagsasalin. Hindi maiiwasan nga mananatili ang lamat, ngunit ang lamat na ito ay simbolo ng destiyero.
©Adamson University, Rizal Library, 2006. Ang sulating pananaliksik na ito ay nilagom nang kaswal upang hiramin sa sibling pamproyekto sa eskwelahan. Walang intensyon ang manlalagom na insultuhin o kung ano man ang “copyright” ng mananaliksik, ni Biendevido N. Santos o ng Adammson University. Lahat ng “credit” ay mapupunta sa mga “copyright owners”.