Amy Austria Danilo Barrio Mark Gil Cherry Pie Picache Girlie Sevilla Joseph Robles
BANGHAY:
Isinilang Isinilang ang isang bata sa isang ordinaryong ordinaryong pamilya. pamilya. Pinangalana Pinangalanan n s'yang s'yang 'magnifico" 'magnifico" (Jir (Jiro o Mani Manio) o) hango hango sa isan isang g mahi mahike kero ro sa pery perya. a. Norm Normal al lang lang ang buhay buhay nila nila bagam bagamat at mahirap.Nagsimula ang suliranin ng pamilya nung magkasakit ang lola (Gloria Romero) ni Magnifico. Nadiskubreng meron s'yang sakit sa lapay. Nakadagdag pa sa suliranin ng pamilya ang pagkatanggal ng kanyang kuya (Danilo Barrios) sa scholarship sa scholarship sa Maynila at ang kanyang kapatid (Isabelle de Leon) na special na special at at di makapagsalita. Si Magnifico, sa kanyang murang edad ay unti-unting namulat ang isipan sa kahirapan ng buhay. Madalas niyang naririnig ang kanyang magulang (Albert Martinez at Lorna Tolentino) na nag-aaway dahil sa kahirapang dinaranas ng kanilang pamilya, lalo na ang gastos sa nalalapit na kamatayan ng lola niya. Dahil dito, humanap ng paraan ang batang Magnifico upang makabawas
sa kanilang problema. Nagtanong-tanong sya kung gaano ba kalaki ang ginagastos sa pagpapalibing. Dahil sa mahal ng kabaong, gumawa na lang siya gamit ang mga sobrang kahoy mula sa lilukan ng kaibigan ng kanyang ama (Tonton Gutierez). Inilingid nya ito at tanging kaibigan nyang matalik (Joseph Robles) ang nakakaalam sa kaniyang plano. Gumawa siya ng paraan upang masulusyunan ang problema ng pamilya at inasikaso ang lahat ng detalye sa kamatayan ng lola. Magtatagumpay kaya si Magnifico? Papaano n'ya maaapektuhan ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya.
REAKSYON:
Isa sa mga pelikulang hindi malilimutan kapag napanood at kahit ilang beses na panoorin, mayroong bagay na di maipaliwanag na laging pumupukaw sa puso ng nanonood. Yan ang Magnifico. Napakaganda ng istorya ng magnifico at talaga namang sumasalamin ito sa tunay na buhay ng ordinaryong Pilipino. Si Magnifico ay isang magandang representasyon kung paano bumabangon ang isang tao at nagpapatuloy sa buhay sa kabila ng maraming suliraning kinakaharap sa buhay. Isang modelong dapat gayahin ng isang tao na sa kanyang maliit na magagawa ay humahanap ng paraan kung paano siya makakatulong kung hindi man ay makabawas sa mga pasanin ng pamilya. larawan ng katatagan at may malaking pagpapahalaga sa pamilya si Magnifico. Bihira tayong makakita ng mga ganitong panoorin lalo na sa panahon natin ngayon na ang lahat ay masyadong nakikisabay sa mabilis na daloy ng buhay. Independent film ang Magnifico, ibig sabihin, hindi ganun kalaki ang perang ipinuhunan subalit mapapansin natin na hindi naman naisakripisyo ang kaledad ng pelikula. Ang magnifico ay hindi gumamit ng malalaswang mga scene o mga mabibigat na salita subalit tumitimo sa puso ang bawat eksena ng pelikula. Walang patay na oras, at bawat sandali ng pelikula ay dapat na inaabangan. Maganda ang pagkakaganap ng mga tauhan at talaga namang de-kalidad ang mga gumanap. sa huli, kung ako ang tatanungin kung ilang puntos ang ibibigay ko, sa sampu bilang pinakamataas, siyam punto syam na put syam ang ibibigay ko. Ika nga, “Two thumbs up”.