Mga Pambansang Ama Tumalon sa: paglilibot, paghahanap Ang titulong "Ama" ay naglalarawan ng isang tao na nakapagtatag ng isang institusyon o naging isang awtor ng isang lupon ng karunungan. Ang isang Pilipino na naging tagapasimuno o naging pinuno ng isang makabuluhang bagay, gawain, pagtuklas o pag-aaral ay maaring tawaging ama (father) ng kanilang tagasunod. Ang sumusunod ay ang mga kinikilalang "Ama" ng mga Pilipino sa buong mundo dahil sa kanilang pagkakatatag at paglikha ng mga institusyon sa Pilipinas. Alejandro G. Abadilla
Ama ng Malayang Taludturan sa Pilipinas (Father of Modern Tagalog Poetry)
Ama ng Makabagong Prosang Tagalog (Father of Modern Tagalog Prose)
Ama ng Sanaysay
Si Alejandro "Aga" G. Abadilla, (i. 10 Marso 1906 - k. 29 Agosto 1969) sa Rosario, Cavite ay isang ay makata, sanaysayista, at kuwentista. Sinalungat ni Abadilla ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog at de-kahong paggamit ng tugma at sukat sa tula. Tumulong siya sa pagpupundar ng Kapisanang Panitikan, upang isulong ang simulaing labanan ang di-lumalagong panitikang Tagalog. Namatay siya noong ika-26 ng Agosto 1969. Francisco Balagtas
Ama ng Makatang Tagalog (Father of the Tagalog Poem)
Ama ng Wikang Tagalog (Father of Tagalog Dialect)
Si Francisco Balagtas (1788-1862) na kilala din sa tawag na Francisco Baltazar at Kikong Balagtas ay isang kilalang makata sa wikang Tagalog at may-akda ng Florante at Laura. Ang Florante at Laura, na obra-maestra ni Balagtas, ay naglalarawan ng mga kasamaang dinanas ng mga Pinoy noong panahon ng mga Kastila. Tinaguriang "Hari ng Makatang Tagalog" at "Prinsipe ng Balagtasang Tagalog" si Balagtas ay nagsulat ng mga tula, awit, komedya, at korido na siyang nagdala sa kaniya sa pinakamataas na bahagdan sa dambana ng mga makatang Tagalog. Dahil sa kanyang katanyagan bilang manunulat, ang kanyang pangalan ay naukit sa katagang ating ginagamit sa pagtukoy sa panunula ... "Balagtasan". Andres Bonifacio
Ama ng Rebolusyon sa Pilipinas (Father of Philippine Revolution)
Ama ng Katipunan (Father of the Katipunan)
Tinaguriang Ama ng Rebolusyong Pilipino, si Andres Bonifacio (i. 30 Nobyembre 1863 - k. 10 Mayo 1897) ay ang pinuno ng mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa pagkupkop ng Espanya noong 1892. Siya din ay kilala sa tawag na "El Supremo" at "The Great Plebeian". Ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863, si Bonifacio ay nagtatag ng Katipunan na ang pakay ay ang independencia at kalayaan ng Pilipinas laban sa Espanya. Namatay siya noong Mayo 10, 1897. Isabelo De Los Reyes
Ama ng Pilipinong Manggagawa (Father of Philippine Labor)
Ama ng Sosyalismo sa Pilipinas (Father of Philippine Socialism)
Ama ng Ilokanong Pamamahayag (Father of Ilocano Journalism}
Si Isabelo "Don Belong" De Los Reyes (1864-1938) na kilala din bilang Ama ng Pilipinong Manggagawa ay isang prominenteng Pilipinong manunulat, politiko, aktibista at tagapagtatag ng pinakunang unyon ng manggagawa, ang Union Obrera Democratica Filipina (Philippine Democratic labor Union, 1902); pinakaunang editor ng pahayagan sa wikang Ilokano, ang El llocano (1889); pinakaunang editor ng kauna-unahanag labor newspaper sa Pilipinas, ang La Redencion del Obrero (The Redemption of the Laborer) at ng Aglipayan Church. Ang kaniyang mahahalagang kontribusyon sa pagsusulat ay bahagi na ng cultural heritage ng Pilipinas. Siya rin ang nagpalaganap ng sosyalismo sa bansa. Damian Domingo
Ama ng Sining ng Pagpinta (Father of Filipino Painting)
Ipinanganak noong 1796 sa Tondo, Manynila, si Damian Domingo ay ang unahang Pilipino na nagpinta ng kaniyang sariling mukha, ang kauna-unahang larawan ng isang tao na siya mismo ang gumuhit o self-potrait. Siya rin ang pinakaunang painter na dalubhasa sa sekular na pagpipinta o secular painting. Taglay ang pagkakaroon ng photographic eye, si Domingo ay nagpakita din ng kahusayan sa miniature painting. Dahil sa kaniyang pambihirang talento, binansagan siyang, "The First Great Filipino Painter." Si Domingo din ang nagtatag ng Acedemia de Dibujo y Pintura, ang pinaka-unang paaralan sa Pilipinas para sa mahilig gumuhit. Crisanto Evangelista
Ama ng Trade Unionism ng Pilipinas (Father of Philippine Trade Unionism/Father of the Philippine Trade Union Movement)
Si Crisanto "Ka Anto" Evagelista (i. 1 Nobyembre 1888 - k. 25 Enero 1942) ay pinuno ng uring manggagawa at tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas o Communist Party of the Philippines (CPP). Ang CPP ay itinatag noong Nobyembre 1930. Si Evangelista ay isang antiimperyalista, internasyunalista, makata, manunulat at mananalumpati. Siya din ang nagbuo ng Partido Obrero (Wokers' Party) noong 1924 at ang Legionarios del Trabajo na nabuo bilang reulta ng pag-aaklas laban sa Manila Electric Company. Manuel L. Quezon
Ama ng Republika ng Pilipinas (Father of the Philippine Republic)
Ama ng Kasarinlan ng Pilipinas (Father of Philippine Independence)
Ama ng Pambansang Wika (Father of the Philippine National Language)
Si Manuel Luis Quezon y Molina (i. 19 Agosto 1877 - k. 1 Agosto 1944) ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang Republica Filipina na siyang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga Filipino bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano. Fidel V. Ramos
Ama ng Demokrasya ng Pilipinas (Father of Philippine Democracy)
Ama ng Philippine Army Special Forces (Father of the Philippine Army Special Forces)
Ipinanganak noong Marso 18, 1928 at ang ika-12 presidente ng Pilipinas, si Fidel Ramos ay ang nagtatag at nagmando ng katangi-tanging hukbong tropa ng sundalo, ang Philippine Army Special Forces na dalubhasa sa iba't-ibang aspeto ng giyera sa lunsod man o sa kagubatan. Hanggang sa kasalukuyan si Ramos ay patuloy na gumagawa ng mahahalagang tungkulin upang panatiliin at bantayan ang proseso ng demokrasya sa bawat gulong nararanansan ng bansa. Claro M. Recto
Ama ng Konstitusyon ng Pilipinas (Father of the Philippine Constitution)
Binansagan bilang "Great Academician", si Claro M. Recto (i. 8 Pebrero 1890 - 2 Oktubre 1960)
ay kilala bilang isang mahusay na manunulat. Siya rin ay tanyag sa kaniyang anking galing sa pagiging isang politiko, abugado, hurista, makata, manunulat ng dula, esayista. Tinagurian sin siyang isa sa mga pangunahing mambabatas sa kaniyang henerasyon. Ipinanganak sa Tiaong, Quezon, si Recto ay ang pinakahuling Pilipinong hukom na itinalaga ng Amerikanong pangulo. Jose Rizal
Ama ng Nasyonalismo ng Pilipinas (Father of Philippine Nationalism)
Ama ng Makabagong Ortograpiyang Tagalog (Father of Modern Tagalog Orthography)
Ama ng Literaturang Pambata (Father of Philippine Children's Literature)
Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896), ay kilala din bilang kauna-unahang Pilipinong manggagamot na nanungkulan sa bansang Alemanya. Siya rin pinaka-unang tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng mga repormang politikal sa Asya. Si Rizal din ay lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima. Guillermo E. Tolentino
Ama ng Sining ng Pilipinas (Father of Philippine Arts)
Si Guillermo Estrella Tolentino (1890-1976), isang guro at eskultor, ay Pambansang Alagad ng Sining sa Eskultura ng Pilipinas. Makikita sa kanyang mga gawa ang pagiging nasyonalista dahil na rin sa isa siyang tagahanga ni Rizal. Si Tolentino ay itinanghal bilang Philippine National Artist in Sculpture noong 1973. Siya rin ang naglilok sa Oblation ng Unibersidad ng Pilipinas at ng National Heroes Monument (Bonifacio Monument). Dr. William T. Torres
Ama ng Internet ng Pilipinas (Father of Philippine Internet) Si Dr. William Torres ay ang unang Pilipinong nagkamit ng Ph.D. sa kursong Computer Science noong 1971. Ang kaniyang pagtitiyaga at pagsusumikap ay nagbigay-daan sa upang makinabang ang mga mamamayan sa paggamit ng koneksyon sa internet. Siya ang kasalukuyang pangulo ng Mosaic Communications at isang aktibong partisipante ng iba't-ibang programang edukasyonal gayun din mga programa ng gobyerno na tumutukoy sa information technology. Iminungkahi niyang magkaroon ng koneksyon sa internet
noong 1992. Sa tulong ng dating kalihim ng Department of Science and Technology Secretary Ricardo Gloria, nakapaglikha sila ng PH-Net. Genoveva Edroza-Matute (January 3, 1915 – March 21, 2009) was a Filipino author. In 1951, she was the recipient of the first ever Palanca Award for Short Story in Filipino, for her short story "Kuwento ni Mabuti", which has been cited as the most anthologized Tagalog language short-story.[1]