Paghahambing at Pagkokontrast Florivee G. Erese at Alyssa Marie C. Pamiloza
Paghahambing at pagkokontrast
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng isang bagay sa isa pang bagay?
Ano ang distinktibong kaibahan o pagkakawangis nito?
Kailangan makilala ang mga “likeness” o “sameness” ng isang bagay na gustong talakayin upang mapalawak ang komparisong gagawin.
Sa PAGHAHAMBING, ipinaliliwanag ng manunulat ang pagkakatulad sa pagitan ng dalawa o mahigit pang ideya, tao, lugar, pangyayari, bagay at iba pa.
Sa PAGKOKONTRAST, pagkakaiba.
ipinaliliwanag naman ang
Ang paghahambing at pagkokontrast ay pundasyon ng pag-unawa, pagkatuto at pagpapasya.
Karaniwang ginagamitan ito ng paglalarawan ukol sa katangian o kalikasan ng mga pinaghahambing at pinagkokontrast upang malinaw na maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
Pinakamagandang Babae sa Pilipinas Kung kagandahan din lang ang pag-uusapan, dalawang babae na palagian nating nakikita sa televisyon ang maaari nating banggitin: Si Ruffa Gutierrez at Miriam Quaimbao. Ang dalawang ito ay kapwa may tinanggap na titulo sa patimpalak pangkagandahan sa buong mundo. Si Miriam bilang 1st runner up sa Ms. Universe at 2nd princess naman si Ruffa sa Ms. World, mga titulong nagpatanyag sa kanila sa loob at labas ng bansa. Ngunit magkaiba ang taglay na kagandahan ng dalawang ito. Taglay ni Ruffa ang karisma ng isang mestisang Pilipina samantalang Pilipinang-pilipina naman ang dating ni Miriam dulot ng kanyang kayumangging kutis. Hinangaan din ang dalawang ito hindi lamang sa taglay nilang kariktan kundi maging sa kanilang katalinuhan.