Talaan ng Nilalaman Kahulugan ng
Pang-Uri
Uri ng Pang-uri
Kahulugan ng Pang-Uri salitang naglalarawan o nagbibigay ng katangian sa mga tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Kahulugan ng Pang-Uri Ang Pang-Uri ay maaring maglarawan ng kulay, hugis, amoy, lasa, katangian at hitsura ng pangngalan at panghalip.
Tatsulok,
Bilog,
Parihaba
mabango,
masangsang,
malansa
matamis,
maasim,
mapait
mabait,
matulungin,
masipag
maganda,
payat,
mataba
1. Pang-uring panlarawan
Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa ng Pang-Uring panlarawan
• Ang papaya ay hinog na. • Matarik ang bundok na inakyat nila. • Malalim ang ilog sa aming baryo. • Dakila ang mga bayaning Pilipino. • Sariwa ang mga binili mong gulay.
2. Pang-uring pamilang
Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
Ito ay nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng binibigyang-turing na pangngalan o panghalip. Maaring tiyak o di-tiyak.
Halimbawa ng Pang-Uring pamilang
di-tiyak: tiyak:
marami kaunti
dalawa isa sampu,
a.Patakaran o Kardinal
Ito ay ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami Halimbawa: sandaan sanlibo
Uri ng pang-uring kardinal Kardinal na pamahagi ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati. Halimbawa: kalahati bahagdan (1/100) kaapat (¼)
Kardinal na palansak papangkat-pangkat
o
nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp. Halimbawa: dala-dalawang bata pito-pitong dahon
Kardinal na pahalaga nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
b. Panunuran Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang.
Halimbawa: una ikalima/ika-5 pangalawa ikasiyam/ika-9
Pangalan:______________ Antas: _______________
Petsa:___________ Grado:___________
Gawain 1
Panuto: Kulayan ng dilaw ang mga pang-uring panlarawan sa sumusunod na pangungusap.
1. Ang buhay sa nayon ay masaya at tahimik, ngunit ang buhay ng lungsod ay magulo. 2. Masipag at masuyo ang butihang anak ni Tandang Pedro. 3. Mabango ang amoy ng ginintuang palay sa malawak na kabukiran. 4. Ang gabi ay sakdal dilim; malakas ang hangin, at nakabibingi ang mga kulog. 5. Malambing ang aking alaga.
6. Lubhang mainit ang araw; kayat ang pawisang mga bata’y nagpahinga sa mayabong na puno ng mangga. 7. Maalikabok ang mga kagamitan sa lumang bahay. 8. Mahusay tumula ang aking ama. 9. Maaliwalas ang bakuran nina Berto.
10. Makintab at malinis ang sahig.
11. Suplada at masungit ang aking ate. 12. Mahaba ang pasensya ng aking ina. 13. Ang kanyang asawa ay maalaga at maasikaso sa kanilang mga anak. 14. Nakakatuwa ang aking inaanak sapagkat siya’y isang bibong bata.
15. Maganda ang boses ni Regine Velasquez.
Gawain 2
Panuto: Guhitan ang o ang mga pang-uri
at ilagay sa patlang na nasa unahan kung ito ay panlarawan o pamilang. ___________1. Ang Amerika at Rusya ay magsinlakas kung sandata ang pagbabatayan. ___________ 2. Di hamak na mas matipid si Nene kaysa kay Nena.
___________ 3. Di totoong matalino si Ramon kaysa kay Luis. ___________ 4. May dalang labinlimang bayabas si Rita para kay Jen. ___________ 5. Magsinlago ang mga tanim namin.
___________ 6. Mayuming tulad ng sampaguita ang dalaga. ___________ 7. Apat ang nakuhang bangka ni Mang Tomas. ___________ 8. Mabagal si Aning kaysa kay Luisa. ___________ 9. Maligaya ang buhay ninyo kaysa sa amin. ___________ 10. Mahusay kumanta ang aking kaibigan.
Gawain 3 Panuto:
Sumulat ng pangungusap gamit ang mga pang-uring nagsasaad ng kulay, bilang,laki, hugis, dami, katangian ng tao,bagay at hayop ayon sa larawang nakasaad.
mainit ____________________ _________________________
mayabong ___________________ __________________________
makintab__________________ _________________________
matalino___________________ _________________________
Madami___________________ _________________________
Kalahati __________________ ________________________
masayahin___________________ __________________________
makinang____________________ ___________________________
una ______________________ _________________________
Ikawalo ___________________ ________________________
Inihanda ni Bb. Liza P. Dalisay
Pangngalan
Lantay
Pahambing
Pasukdol
bulaklak
mabango
mas mabango
pinakamabango
bag
bago
higit na bago
napakabago
1.
Lantay
Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Halimbawa: Malinis ang pook na ito.
2.
Pahambing
Nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Halimbawa: Mas malinis ang Barangay San Benito kaysa San Celestino.
a.
Pahambing na magkatulad
Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-,
ga-, sing-/kasing-/magkasing-/magsing-. Ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
Halimbawa:
Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.
b. Pahambing na dimagkatulad Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng pinaghahambingan.
Pahambing na palamang May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at tinutu lungan ng kaysa o kaysa kay.
Halimbawa:
Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.
Pahambing na pasahol
May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan. Tinutulungan ito ng mga salitang gaano, tulad ni, o tulad ng.
Halimbawa:
Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa Zamboanga.
3.
Pasukdol
Ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Tinutulungan ito ng mga salitang
ubod ng, napaka, pinaka, walang kaparis,atbp.
Halimbawa:
Pinakamaganda ang Palawan sa
lahat ng lugar na napuntahan ko.
Walang kaparis sa ganda si Glenda.
Gawain 1
Panuto: Salungguhitan ang pang-uri. Isulat sa patlang ang L kung Lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol.
1. _______ Higit na mabagal lumakad ang suso kaysa sa pagong. 2. _______ Maganda ang tanawin sa Manila Bay. 3. _______ Ang Petronas Tower ang pinakamataas na gusali sa mundo. 4. _______ Si Bochoy ang pinakamatabang bata sa aming barrio.
5. _______ Mas matingkad ang kulay dilaw kumpara sa pula. 6. _______ Si Mang Pandoy ang may pinakakonting huli ng isda. 7. _______ Mas mahusay magluto si Ate Myrna kaysa kay Ate Joy. 8. _______ Bukas sasakay ako sa higanteng bola.
9. _______ Si Fernando Amorsolo ay sikat na pintor. 10. _______ Higit na marikit ang rosas kaysa sa calachuchi. 11. _______ Bibo ang mga mag-aaral ng 3C. 12. _______ Pinakamalakas ang boses ni Samantha sa lahat.
Gawain 2
Panuto :Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri. Halimbawa: (mabilis) Lantay - Mabilis tumakbo si Lance.
Pahambing - Mas mabilis tumakbo si Lance kumpara kay Sam. Pasukdol - Pinakamabilis tumakbo si Gabe sa mga bata.
1. (matalas) lantay__________________________________________________ pahambing______________________________________________ pasukdol________________________________________________ 2. (masarap) lantay_________________________________________________ pahambing______________________________________________ Pasukdol________________________________________________ 3. (mabango) lantay__________________________________________________ pahambing______________________________________________ pasukdol - ____________________________________________
Gawain 3 Panuto : Sumulat ng pangungusap ayon sa larawan at kaantasan ng pang-uri na nakasaad.
1.pahambing _____________________________________ _________________________________
2. pasukdol ____________________________________ ____________________________________ ____________________
3. lantay _____________________________________ ________________________________
4.pahambing ________________________________________ ________________________________________ __________________
5.Pasukdol _____________________________________ _____________________________________ ________________
Gawain 4 Panuto: Bilugan ang tamang pang-uri para sa kaantasang ipinahihiwatig sa pangungusap. 1. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay)sa kanyang mga kaibigan. 2. (Mabaho, Masmabaho, Pinakamabaho) ang utot ni Sam sa lahat. 3. (Malaki, Masmalaki, Pinakamalaki) ang tyan ng nanay ko. 4. Tayo ba ay pupunta sa (malayo, masmalayo, pinakamalayong) lugar? 5. (Matulis, Masmatulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.
Gawain 5 Panuto: Isulat ang L kung lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit. _________ 1. Ang bata ay mabait. _________ 2. Pinakamaganda si Carrie sa mga bata. _________ 3. Mabango ang mga bulaklak sa hardin. _________ 4. Si Gabe ay mas mabilis kaysa kay Ethan. _________ 5. Higit na malakas si Joaquin kaysa kay Miguel.
Inihanda ni Bb. Liza P. Dalisay