Goodluck!
Camarines Norte State College Daet, Camarines Norte Retorika Panggitnang Pagsusulit Pangalan: ____________________________________ Tagapagturo: Pearly Beth C. Ogayon_____________
Taon at Kurso: _______________________________ Iskor: _______________________________________
Tandaan:1. “No erasures” sa pagsusulit na ito maliban sa Test V.
2. Kapag mali ang baybay (spelling), mali. 3. Magbasa ng panuto. I. Isaayos ang mga aytem sa baba sa tamang dapat kalagyan nito tungkol sa Anyo ng Organisasyon. m
mga bahagi, mga perspektiba,
Organisasyon ayon sa Pagkakasunod-sunod
sanhi,
espasyo,
suliranin-solusyon,
Papaksang Organisasyon
kronolohikal, pasalaysay OrganisasyongLohikal
II. Isulat ang salitang TSEK (malalaking titik) kung tugma ang diwa ng may salungguhit sa buong pahayag at tsika (maliliit na titik) kung mali naman ang ipinapahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero. ____ 1. Ang organisasyon ng pahayag ay isang proseso ng pagsasaayos ng iyong mga materyales upang maging malinaw at makapangyarihan ang iyong ideya sa iyong mambabasa o tagapakinig. ____ 2. Sa literal na pagpapakahulugan, ang ugnayan ay tumutukoy sa “magkakalapit ang lahat”. ____ 3. Ang pero, sa kabilang banda, subalit, gayon man at samantala ay halimbawa ng gamit ng pag-ugnay na pagdaragdag. ____ 4. Ang ugnayan ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga bahagi ng pangungusap at talata. ____ 5. Sa proposisyon nakasalalay kung ano at gaano kalawak ang gagawing pagtalakay sa isang paksa. ____ 6. Ang paglalagay ng paksang pangungusap sa huling bahagi ng talata ay ginagawa upang makapag-iwan ng mahahalagang kaisipan sa mga bumabasa. ____ 7. Tinatawag na espasyo ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan kung ito ay tumatalakay sa paksa sa pamamagitan ng pagbakas sa debelopment nito sa paglipas ng panahon. ____ 8. May organisasyong lohikal ang isang pahayag kung tinatalakay ang paksa sa pamamagitan ng pagbibigay-ugnayan ng sanhi at bunga.
Goodluck!
____ 9. Sa aspetong sikolohikal, linggwistika at emosyonal mabibigyan ng pagkakaiba ang pasulat at pasalitang diskurso. ____ 10. “Walang kwentong walang saysay, tanging manunulat lamang.” ____ 11. Ang “bilang resulta, kaya naman, bilang konklusyon, sa kabuuan” ay uri ng pag-uulit. III. Aplikasyon. A. Piliin at isulat ang wastong salitang angkop sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Si Luisito ay anak-maralita sa kabila ng kahirapan ay sinisikap pa _1_(rin, din) niyang makapag-aral kaya sa gabi siya nag-aaral upang makapaghanapbuhay naman sa araw. Kadalasan, sa hangad na kumita _2_(ng, nang) malaki, naghahanapbuhay pa _3_ (siya, sila) pagkalabas sa eskwela at hatinggabi _4_ (kong, kung) dumating _5_ (ng, nang) bahay at hindi na makuhang mag-aral ng leksyon. Bunga nito ay madalas siyang makatulog sa loob ng klase at kalimitan ay hindi makasagot sa leksyon. B. Punan ng angkop na bantas ang bawat patlang sa usapan. “Maligayang Anibersaryo po, Inay, Itay!” sabay 1.__ sabay na bati ng magkakapatid. Pagkatapos, isa-isa silang humalik sa mga magulang. “Naku 2.__ mga anak. Ginulat ninyo kami 3.__” sabi ni Aling Belen. “Hindi namin ito inaasahan. Ano ba ang laman nitong kahon at pagkalaki-laki naman yata 4.__” “Buksan po ninyo at nang inyong makita,” tugon ni Charito. “Naku, ang ganda! 5.__ Wika ng ina. “Inukit sa kahoy ang cariñosa na pambansang sayaw natin.” C. Piliin at isulat ang salitang tumutugon sa inilalahad ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang sa tapat ng bawat pahayag. Pagpipilian: wakas simula
paksa pamagat
nilalaman 1. May Bukas Pa
_____________________
2. Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin at tila hininga ng isang nilalagnat.
_____________________
3. Ilang kawal po ang dumating na bumiling – baliktad sa bangkay ni Kardo upang tiyaking patay na nga ang matagal nilang pinaghahanap na may sapalos na takas. Inilulan ang bangkay ni Kardo sa sasakyan ng military.
_____________________
4. Natulig siya. Nahilo, at pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
_____________________
5. Pakikipagsapalaran sa buhay
_____________________
Goodluck! IV. Isaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ang mga talata upang makabuo ng isang mabisang kuwento.
Bilang lamang ang isulat sa nasa ibabang bahagi pagkatapos ng talata. (12 puntos) Ang Kilusan ng Chipko 1. Isang araw, nag-utos ang Maharajah na putulin ang mga puno sa isang gubat upang makapagpatayo ng isang bagong palasyo. Tinutulan iyon ni Amrita. Sinabi niyang labag sa pananampalataya ang pagwasak ng gubat. Nang hindi siya pansinin ng tagaputol ng kahoy, niyakap niya ang kauna-unahang puno upang ipagtanggol ito. Natamaan ng tagaputol ng kahoy ang kanyang bukung-bukong. Bumagsak sa lupa si Amrita ngunit yumakap pa rin siya sa puno. Kinakailangang putulin pa ng mga tagaputol ng kahoy ang kanyang katawan bago nila nahawakan ang puno. 2. Lubhang humanga ang Maharajah sa katapangang iyon at isinumpa niyang ang mga nayon ng Vishnois ay hindi na pakukunan ng troso. Hindi na rin pangangasuhan ng mga ligaw na hayop. Naroroon pa rin ang mga nayong iyon; pinoprotektahan ng kanilang mga puno, mga oasis sa isang disyerto ng kalungkutan. 3. Si Armita Deji ay lumaking nagbibigay proteksyon at nagmamahal sa lahat ng puno at ligaw na hayop. Isa sa pang-araw-araw na panalangin ng kanyang pananampalataya ay “Paano kami mabubuhay kung wala ka? Binabantayan mo kami, pinapakain, binibigyang-buhay. Puno, ibigay mo sa akin ang iyong lakas upang maprotektahan ka.” 4. Sa may paanang burol ng bundok Himalaya, 250 taon na ang nakaraan isang grupo ng walang pinag-aralang kababaihan ang hinamon sa kapangyarihan ng Maharajah (hari). 5. Ang istorya ng Chipko ay buhay pa rin sa India. At dito’y masigla pa rin ang kilusan. Ngunit sa iba pang mga bahagi ng mundo ang mga tribu sa kagubatan ay patuloy na tumututol sa mga banta sa punungkahoy. 6. Ang tungkulin ni Amrita ay ipinagpatuloy ng kanyang tatlong anak na babae. At pagkaraan ay ng maraming miyembro ng tribu ng lugar na iyon. Sa katapusan ng araw, 363, taganayon ang patay at ikatlong bahagi lamang ng kinakailangang mga kahoy ang naputol. Sagot: 1. _____________
4. _____________
2. _____________
5. _____________
3. _____________
6. _____________
Goodluck!
V. Bumuo ng isang kumpletong talata (may introduksyon, eksplorasyon at konklusyon) tungkol sa mahahalagang pangyayari sa iyong buhay at gawan ito ng balangkas gamit ang iba’t-ibang anyo ng organisasyon. Tukuyin kung anong pagsisimula ng talata ang ginamit sa pamamagitan ng pagbilog sa pangungusap o grupo ng pangungusap at paglalagay ng komento sa tabing bahagi nito. Salungguhitan ang paksang pangungusap. Lagyan ng sariling pamagat ang komposisyon. (15 points) Tandaan: Siguraduhing sundin ang mga gabay at tuntunin sa bantas, baybay at gramatika ng mga salita.
Bonus: Sino ang nakatayong gintong estatwa sa bungad ng ating mahal na kolehiyo, CNSC? (3 PUNTOS)