TEEN ANGEL Scene 1 - HAZING
(sa fraternity hazing sa isang kwarto siguro) *sound ng paghehazing at pag-aray. Option na naten kung makikita yung naghehazing. Tatlong tao siguro. Yung moment muna ng hazing hazing at pag-aray yung ipapakita. Hindi kaagad magnanarrate. magnanarrate. Narrator (Josef ): ): Ganito pala yung pakiramdam. Yung feeling na… m asakit pa lang maparusahan kahit wala k a naman ginawang kasalanan. Sadyang… ginusto mo lang gawin yung isang bagay na alam mong gusto mo… at sa tingin mong makabubuti sayo. Marami Marami na akong napagdaanan para rito. Dito pa ba ako susuko? *sigh* Mahirap…pero ito ang pinili ko e. Ito ang landas ko. Ang kapalarang kapalarang ginawa ko para sa sarili ko… at nakalaan ito para sa akin. Ako si Josef. Port yir kaleyj…pero kaleyj…pero dahil nahihirapan daw akong makapasa kaya second yir pa lang. Yun ang sabi nila… pero ang totoo… sinasadya ko lang yun. Wala naman din daw kasi akong magiging silbi kung gagraduate ako. Huh! Narinig ko nang minsan kay mama, edi pangatawanan ko na! Pumasok ako sa prat na to, dahil pagdating ng panahon, dito, ako ang boss. Dito ko mararamdaman ang silbi ko. Alam kong dito ako nararapat at nabibilang… Last whip then sisigaw si Josef (Ahhhhhhhhhhhhh!!!) biglang pause na may impact then Josef : …….at yun lang ang pinaniniwalaan ko. Fade out. Scene 2 AFTER HAZING –
Shot nakafocus sa paa na naglalakad tapos paakyat sa mukha. Si Josef pauwi ng bahay galing sa hazing. Syempre bugbog sarado. Hindi makalakad nang maayos. Tapos badtrip sya. Josef: Mga walang hiya yun, tinarantado ako tapos di ako kukunin! Pa you’reyou’re-out you’re-out you’re-out pa! Ano talent show?!! Huh! Tignan natin kung sinong magsisisisi. *sumigaw ng bad words sa sobrang i nis* Then napaupo sa sidewalk Josef: Shoot! Ang sakit! Aw aw aw! (Guys parang aso ba? Hahaha XD) Manong: (Biglang susulpot) Tsk tsk. Akala ko ba ginusto mo yan? E bakit nagrereklamo ka ngayon? Josef: (Nagulat nang bongga) putek! Sino ka bang tanders ka? Chismoso ka rin no? Pwede ba! Wag mo kong pangaralan at wala ako sa mood! Tsaka magkaiba tayo at hindi kita kilala! Huh! Ayos ka rin e no! Manong: Maswerte Maswerte ka pa rin at hindi ka nakapasok dyan… dahil hindi naman yan ang para sayo… Josef: (Tawang sarcastic) Alam mo ba kung anong pinagdaanan pinagdaanan ko dahil sa pesteng frat na yan?! Hindi mo alam kasi wala ka namang alam!!! Ni hindi mo nga ako kilala eh! Kaya pwede ba lubayan mo nga ako kung hindi mo naman matatanggal tong sakit ng katawan ko! PAUSE: commercial for A laxan laxan or kahit anong gamot sa sakit ng katawan. “Aray mo, Galing mo!” XD joke lang to Manong: Hindi gamot sa sakit ng katawan ang kailangan mo bata. Hindi yan ang dapat mong isipin… isipin… Josef: Bat ba mas marunong ka p a saken? Katawan mo? Katawan mo? Manong: (Tumayo) Simula pa lang to kaya mag isip isip ka bago mawala ang lahat sayo. Josef : Tssss…. Wateber! (wa care, busy sa pagchecheck pagchec heck ng sugat/nabugbog na part ng katawan)
Manong: Hindi sa fraternity na yan kung hindi sa pamilya mo ikaw makakahanap ng seguridad at pagmamahal na hinahanap mo. Hindi mo ako kilala pero kilala kita at hindi na mahalaga pa ang bagay na yon. Kung pakikinggan mo lang yang konsensya at puso mo, at hindi lagi yang isip at pride mo, hindi ka mawawala…tandaan mo yan bata… Umalis na si Manong. Josef: (Nakatingin sa isang sugat kunyari chinecheck pero m edyo nasapul sa sinabi ni Man ong) *tulala* (NGANGA) XD (tapos basta napaisip sya ng konti at napatingin sa kawalan…) Josef : Hindi naman ako naliligaw ah? Alam ko pang bahay ko… Hayst! *sabay tumayo pauwi* nasermunan pa! Tapos yung shot mula sa naglalakad na Josef na yung likod lang yung nakikita paakyat sa langit na madilim kasi gabi na. then fade out… Scene 3
–
INVITATION FOR THE PARTY
Sa bahay. One week after na. Friday, mga 7 AM. Nagising si Josef sa tunog ng selpon then sinagot nya. Josef: Hello? Steph: Uy Josh wake up! Party party na daw mamaya kila Baste! Ano game ka? Josef : (Inaantok pa) Ha? Hmm… Tignan ko kung wala akong pupuntahan. May klase din kasi ako e, pag iisipan ko pa. Dalawang araw na lang kasi deds na ko sa subject na yun. San ba? What time? Steph: Sus! Like you care! Kila Baste nga! Mga 6 PM siguro. Tara na! Josef : Ewan…baka walang kasama si Che dito sa bahay mamaya e. Steph: Excuses… Tss. K. Text mo na lang kami kung sasama ka para sabay na. Josef: Ah sige sige. Maya na lang, tawag na lang ako. Steph: Sumama ka ha?! Oh sige later na lang. Bye. Josef: Bye. Bumangon at pumunta sa kusina at umupo sa upuan sa may dining area. Josef : Hayyyy…bat ganto ang sakit pa rin ng katawan ko? Tapos mabibiyak na ata tong ulo ko. Arghhh! Che: Kuya kuya! Turuan mo naman ako dito sa asayment ko. Nakakainis kasi yung titser namin hindi naman tinuro. Sa inyo ba kuya ganun din? Josef: Che mamaya na yan masakit pa ulo ni Kuya. PAUSE: commercial ng Biogesic “Kahit walang laman ang t iyan, Safe to!... Ingat!” joke lang to Che: (nang uuto/malambing yung pagkakasabi) Sige na kuya, saglit lang naman to eh. Pleaseeeeee! Bilhan kita ng gamot! :D Josef: (Sigh) Sige sige. Iwan mo na lan g dyan. Teka bat nga pala andito ka? Di ka ba pumasok? Diba sabi ko sayo wag mong ugaliin yan? Che: Yes! Turuan mo ko pagbalik ko ha? Wala kaming pasok ngayon kasi field trip ng mga titser namin. Sige labas lang ako, bilhan kitang gamot. *masaya* Che lumabas tas Nanay pumasok sa eksena galing palengke. Real estate agent yung nanay basta yung nagbebenta ng lupa kaya madalas wala sa bahay.
Nanay: (Inilapag yung mga pinamili) Jo, ikaw nang bahala dito. Magluto ka na lang ng makakain nyo. Kailangan ko kasing habulin yung kliyente ko at anong oras na maleleyt na ko. Osya sige… Nanay umalis na. Josef: (Di nakipag usap kanina sa Nanay na parang may tampo sya or what) *hinihilot yung ulo* Ano pa nga ba? Lagi namang ganun. (hingang sobrang lalim) Kinuha ni Josef yung selpon at nagdial. Josef: Hello Dude? Uy! Sige punta ko mamaya. Pero di ako sasabay sa inyo, baka maleyt ako e. Ano? Oh sige sige bye. Sabay tayo, fade out, then next scene. Scene 4
–
KAYE & NICA AT THE MALL
Nasa mall or kung saang galaan na may mabibili. Nagmo-malling. 3 PM same day (Friday) Nica: Hey, speaking of Josef girl kamusta naman kayo? Cool off pa rin? Haha. Taray ah kala mo kagwapuhan XD Kaye: Sira! Mabuti na rin siguro yun... Ang dami ko din kasing narealize these past few days eh… Ay cute naman nun oh! Pasok nga tayo saglit girl. Nica: Wow, saang pader ka nauntog ngayon at naisip mo na rin yan sa wakas? Ay chaka nyan girl eto na lang. Kaye: Ewan ko ba… Naisip kong studies muna siguro tsaka spend time for yourself na rin. Mas bet ko ata tong isa, tingin mo bagay? Nica: IKR. Sabi ko naman kasi sayo noon pa, hindi ka lang nakinig agad, ayan tignan mo dyan din pala ang punta. Hay naku bahala ka kung yan gusto mong kulay. Kaye: Hayst wag na nga, alam mo kumain na lang tayo gutom lang yan. Sesermunan mo na naman ako eh, parang sya may lovelife haha Nica: Gagi. Tara na nga!
Lipat agad sa next scene. Scene 5
–
PARTY
6 PM same day (Friday) Josef @ the party Josef: Hey guys sorry late na naman. Haha. Baste: Sanay na kami. Kelan ka ba naging maaga? Tsaka kala ko ba may pasok ka? Josef: Well, palalampasin ko ba tong party mo? Haha. Tama na nga yan teka san ba yung chibog naten? Gutom na ko. Baste: Pa chibog-chibog ka pa, alam mo naman kung anong meron dito. Haha. Andun sila Paula sa loob, kuha lang akong drinks. Pupunta si Josef sa mga immoral na friends then papakitang nagkekwentuhan nagtatawanan nag-iinuman pero walang sounds tapos yung shot parang papalayo nang papalayo mula dun sa group o kung sakali padilim nang padilim hanggang magblack. Kung kakayanin, maganda parang nagbiblink blink yung shot tapos pinapakita yung kakaibang ginagawa ng mga immoral na friends ni Josef tapos sa last blink ng black yung susunod na ipapakita na yung next scene. Scene 6
–
AFTER THE PARTY
After nung last blink eto na papakita agad Bumaba si Josef ng jeep o ng kung anong sasakyan then naglakad pauwi nang lasing. Nakafocus yung shot sa paa na pasuray-suray then pupunta sa pader to vom it. Mapapaupo sa sidewalk sa sobrang kalasingan.
Manong: (Susulpot at bibigyan sya ng pamunas na tatanggapin ni Josef) Talagang hindi ka pa rin natututo ano? Kung patuloy mong gagawin yan ikaw din ang masasaktan. Josef: Alam mo ang labo mo. Walang kasing labo! Lalo na yang mga sinasabi mo, ang weird! Hay! Tingin ko talaga takas ka sa mental eh tindi ng toyo mo sa utak! Haha! Mas sira pa nga ata ulo mo saken. Tsaka pwede ba wala akong problema kaya di ko kelangan ng words of wisdom mo. Manong: Sa ngayon maaaring wala… Masaya ka ba sa ginagawa mo? Jose: Walang kasing saya! Woooo! Hahahahaha! (tatawa nang pilit na parang joke) Oh ayan ah, nakita mo na masaya ako, ano ok na? Manong: Tsk tsk hindi mo nalalaman ang sinasabi mo bata… Masaya ka ba na bumabagsak ka sa klase? Masaya ka na nasaktan mo yung babaeng mahal mo dahil sa immaturity mo? Masaya na walang oras ang magulang mo sa inyong magkapatid na halos parang hindi na sya nakatira sa bahay nyo? Masaya na nakikita mo yung mga kaibigan mo na gumagawa ng hindi tamang bagay at hindi mo sila mapigilan? Na nakikita ng kapatid mo kung ano yung pwede nyang makuha at gayahin mula sa kuya niya? Masaya ka kahit a lam mo sa sarili mong hindi ka kontento sa nangyayari sa buhay mo dahil wala kang kasiguruhan kung anong kararatnan mo? Ganun ba ang masaya? Josef: (Nagalit/naasar sa narinig) Wala kang karapatang kontrolin ang buhay ko, kung kelan ko gustong maging masaya o hindi. At lalong wag na wag mong idadamay ang mga kaibigan at kapatid ko. *pagalit pero yung parang pinipigil* Manong: Hindi magsisimula sa ibang tao ang pagbabago at ang kaligayahan mo. Makukuha mo ang tunay na kasiyahan kung kaya mo nang gawin ang bagay na naririnig at isinisigaw ng konsensya mo, na syang pagmumulan ng pagbabago. Josef: Putek! Tigilan mo na ko!! *titingin kay Manong pero pag lingon nya wala na yung matanda* Tas lilingon lingon hinahanap yung matanda na parang nahihiwagaan na sya pero galit pa rin nang bongga then may makikitang bato at sisipain yun. Unti unting magfe-fadeout… Scene 7
–
SCHOOL FAILURE
4 days later. Nasa school. Tuesday Prof: Im so sorry Josef but you created our own fate. Hindi ka pumapasok sa klase ko, so anong gusto mong mangyari dun? Of course, you’ll fail. I’ve warned you many times alam mo yan pero hindi ka pa rin nakinig. Siguro kakailanganin mo na lang umulit next semester. Josef: Pero ma’am! Hindi pwede yun! Kapag may isa pa rin daw akong bagsak hindi ako makakapagthird year at uulit uli ako sabi ng Dean! Ma’am please naman oh kahit pasang awa lang nakakapasok din naman ako sa klase nyo at nakakapag exam kahit paano. Prof: Excuse me Mr. Josef pero wag mong ipagmamalaki yung mga araw na ipinasok mo dahil kulang na kulang yun at ang exams mo hindi pa aabot sa pasang awa. Im so sorry but that’s final and I have to go. Excuse me. Josef: Ma’am please naman oh! Kahit ano gagawin ko… *nakalabas na yung prof tapos magbubuntong hininga* Nanghihina sa natanggap na balita si Josef. Kumbaga kahit papano may natitira pa rin naman syang pagpapahalaga sa education. Lumabas sya ng campus then tulala na naglalakad lakad. Hanggang makarating sa may bandang church. Then napaupo sa labas ng simbahan. *Susulpot na naman si Manong* Makikita agad ni Josef pero dedma. Wala kasi sa mood. Josef: Oh, ano na naman balak mong ipang asar saken? Na hindi na ko gagraduate kahit kailan? Huh, wala na kong pakielam ganun naman talaga e. Wala na kong magagawa. Manong: Meron ka pang magagawa. Tandaan mo, sa bawat kadiliman ay unti unti mo ring masisilayan ang liwanag dahil kahit anong mangyari matatapos din ang paghihirap mong yan. Josef: Nagpapatawa ka ba? Sya na nga mismo nagsabi hindi na nya babaguhin yung desisyon nya. Ayoko na talaga. Suko na ko. Manong: Susuko ka sa kadiliman nang hindi mo pa naman nasusubukang lumaban?... Mag aral ka. Yan ang isa sa pinakamahalagang bagay sa mundo. Dadalhin ka ng puso at kaalaman mo sa dapat mong kapuntahan.,
Josef: Pano ako mag aaral e kung yun nga mismo ang problema ko? *umismid* E hindi nga ako makakapagthird year diba? Wag mong sabihing papaulitin mo rin ako? Hay, wala ka rin naman palang matutulong… Manong: Sa tamang panahon malalaman mo rin ang lahat. Josef: Bahala ka nga sa buhay mo. Tumayo si Josef at pumasok sa loob ng simbahan. Makikita nya yung kapatid nya na nagdadasal. Nang matapos magdasal si Che ay nilapitan nya ito. Josef: Oh Che, bat nandito ka? Che: Kuya naman e, ano pa edi nagdasal. Tuwing uwian kasi talagang dumadaan ako dito para ipagdasal na maging maayos na sana ang lahat. Josef: Maging maayos ang lahat? Ang alin? Che: Walaaaaa. Tara na nga kuya umuwi na tayo. Libre mo kong pamasahe ah! Haha Josef: Wala maglakad na lang tayo. Che: Sus kuripot tara na nga. Nang makarating sa bahay nandun yung nanay nila. Dumiretso si Che sa kwarto para mag aral. Nasa sala naman yung nanay at si Josef nagtatanggal ng sapatos. Nanay: Ano tong nalaman kong bagsak k a na naman? Josef: (medyo matitigilan pero di pahahalata) Ha? Ewan. San nyo naman narinig yang chismis na yan… Nanay: Hindi to chismis. Nakasalubong ko kanina yung prof mo. Kilalang kilala nga ako e. Malamang dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa mo. Magtapat ka nga Josef bagsak ka na naman ba? Ha?! Ano?! Ganito ka na lang palagi?! Sa tingin mo anong kararatingan mo kung hindi ka magtitino dyan sa pag aaral mong yan?! Gusto mong gayahin yung mga tambay dyan o yung tatay mo?! Josef naman! Mag isip k a nga! Josef: *napuno na rin* E ano ngayon kung bagsak?! Diba ikaw na nga rin mismong nagsabi na wala rin naman akong mararating kahit makagraduate ako?! Diba?!! *PAK! Sinampal ng nanay si Josef* Nanay: Wag na wag mo akong pagtataasan ng boses Josef! At wag na wag mo akong sisisihin dyan sa mga kalokohan mo! Ginawa ko ang dapat kong gawin para mapag aral kayo kaya wala kang karapatang sumbatan ako! Josef: Bakit?! Ha?! Kayo naman talaga ang dahilan bakit ako ganto! Yun na nga eh! Wala kayo sa tabi naming magkapatid sa mga panahong dapat nandun kayo! Bibihira ko nga atang maramdamang nanay ko kayo eh… Kaya wag nyo rin akong sisisihin kung bakit ako ganto dahil may kasalanan din kayo… Tapos nagwalk out si Josef, tulala naman si madir. Then unti unting magfe-fadeout. Scene 8
–
BOY PICK-UP SCENE
Kinabukasan, pumunta si Josef sa bahay nila Baste para mag-unwind. Then nadatnan nya dun ung pick-up scenes kung san sumali sya. XDD sorry guys di ko magawaan ng story kung pano to ipapasok. Scene 9 - BASTED
Wednesday. After sa bahay nila Baste mamamasyal nang konti si Josef. Medyo asar sya kasi natalo sa pick-up-an. Naglalakad habang may katext. Mapapaupo sa kung saan at babasahin yung text. Josef: Busy ka ba? May sasabihin sana ako. Kita na lang tayo sa _____. Mapapangiti mawawala yung inis at magdidial ng num ber.
Josef: Uy Bianca buti napatext ka. Totoo ba to may sasabihin ka saken? Bianca: Ah oo. Kala ko di mo nareceive. Ok lang ba kung magkikita tayo? Mga 4 PM na lang siguro sa _____. Josef: Ha? Oo naman! Sus, ano sunduin na pala kita? Bianca: Ay hindi wag na, may dadaanan din kasi ako bago yun. Sige mamaya na lang. Bye. Josef: (medyo magtataka sa tono ng boses ni Bianca) Ganun ba sige pala. Bye. Fade out Dumating ang 4 PM at nandun na si Bianca. Josef: Bianca sorry ha medyo matraffic kasi dun sa nadaanan ko. Bianca: Wala yun. Ahhm--Josef: May sasabihin ka nga pala diba? Ano ba yun? Bianca: Ah oo yun nga… Kasi naisip ko matagal ka na ring nanliligaw… and I guess panahon na rin siguro para sabihin ko na yung decision ko… Nakatingin lang si Josef at nakikinig kay Bianca. Bianca: Josef… I don’t think we’re for each other… You know naman im frank diba kaya im sorry kasi yun talaga yung nararamdaman ko. Isa pa, we’ve both knew na hindi pa kayo officially break ng former gf mo. It would be better siguro kung bumalik ka na lang sa kanya diba? Josef: (hindi nagsasalita parang may iniisip tapos medyo tulala) Bianca: Hey Josef, we’re cool right? You know naman from the start na pwedeng mangyari to diba? Josef: (kunyare makakarecover pero nasaktan pa rin yung ego nya) Ha? Oo naman! We’re cool, friends right? Bianca: Yeah, sure. Buti naman ok naman pala sayo. *mapapatingin sa relo* Josef I think I have to go na. So ok na tayo ha? Josef: *tatango* Bianca: Sige sige una na pala ko, bye! Josef: Bye. Maninipa ng bato nang makaalis na si Bianca. Medyo inis pa rin. Scene 10
–
ENCOUNTER WITH KAYE
Wednesday. Later that day. Mga 6 PM. Badtrip pa rin kaya medyo nakainom. Nasa may _____ bumibili ng kwek kwek o ng isaw o ng BBQ. Nakita nya si Kaye at nakita rin sya nito. Iiwas si Kaye at bibilisang maglakad. Josef: Kaye! *mahahawakan nya sa braso/basta mapipigilan nya* Usap naman ta yo? . . . *pause* please? Kaye: (walang magagawa) Fine. Josef: Alam ko masakit and napakaselfish na move yung nagawa k o pero… can we just… let go of all those things and start again? Totoong magulo lang ang isip ko nun pero ngayon ok na ko talaga. Mas mature na ko ngayon. Kaye sige na please oh? Kaye: E eto, hindi ba selfishness tong ginagawa mo ngayon? Josef, iniwan mo ko, ok na ko ngayon tapos ano? Gusto mo na namang ulitin? Sorry but I wont let you this time. Mature ha? Yan ba yung pinagmamalaki mong maturity? *titignan mula ulo hanggang paa* Well sa nakikita ko wala ka pa rin namang ipinagbago, mas lalo pa nga atang lumala eh… Josef: Pero narealize ko na ikaw pa r in Kaye wag mo naman tong gawin saken oh.
Kaye: No Josef. Sa tingin ko wala nang rason pa para mag usap tayo, now we’re both officially single again. Goodbye. *umalis na agad* Josef: (nabagsakan ng langit at lupa sa dami ng nararamdaman at iniisip). Hindi . . . hindi . . . *pabulong na mahina habang parang wala na sa sarili at hindi alam ang gagawin* Fade out Scene 11
–
SUICIDE ATTEMPT
Wednesday. Same day sa pagkakita kay Kaye. Nasa bahay nila Baste dahil nakipag inuman. Nagpakalasing. That time sya na lang gising sa magbabarkada. Umiinom pa rin habang nagfaflashback lahat n g mga nangyari. Lalo syang madedepress. Josef: Waaaaa! (magbabasag ng bote isa lang o kung anong pwedeng ibato) Gusto ko nang mamatay! Lintik na buhay to! Lahat kayo ayaw maniwala saken, lahat kayo gustong iwan ako! Sinasaktan nyo lang ako! Bakit ganto?!!!!! Bakit?!!!!!!!!!!!!!! *humihingal hingal* Makikita nya yung nabasag na bote. Gagamitin para pangsuicide. Nang may biglang susulpot. Manong: Isipin mo ang kapatid mo. Matitigilan at mapapaisip si Josef pagkarinig sa boses. Manong: Gusto mo bang matulad sya sayo? Ha, Josef? Isipin mo… Pano kung sa pagkawala mo ay mas higit pa ang danasin nya sayo? Josef: Wag mo kong pakikielaman. Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil wala ka sa ganitong posisyon. Madali lang magsalita. Manong: Ako ay ikaw. Ikaw ay ako. Kapag nawala ka sa mundong to, kasabay mo akong maglalaho. Kung hindi mo ako tatanggapin sa buhay mo, ibig sabihin ay tuluyan mo na lang isinusuko ang karapatan mong lumigaya sa piling ng mga mahal mo nang hindi mo nasubukang ipaglaban ito. Josef: Pano ako babangon kung walang gustong tumulong saken para makatayo ako? Lahat sila pare-pareho… Manong: Ang pagbangon mo ay hindi nakasalalay sa iba. Nagsisimula yan sa sarili. Kung ikaw mismo ay ibinababa ang sarili mo pano mo maaasahang tutulangan ka ng ibang tao? Kung may gusto kang ipaglaban at alam mong tama, ipaglaban mo. Wag kang matatakot dahil marami ka pang kakampi. Ang kapatid mo, ang Diyos, at higit sa lahat ikaw mismo. Wag mong kalabanin ang sarili mo dahil yan ang unang unang tutulong sayo, pangalawa sa Diyos. Josef: Ikaw… ay ako… ngunit panong… Manong: Oo tama. Pero wag mo nang isipin ang bagay na yan. Alam kong malabo ang lahat pero magtiwala ka lang sa sarili mo… Uulitin ko, wag kang matatakot ipaglaban ang bagay na alam mong tama at mahalaga sayo… sa huli ay makakamit mo rin ang para sa iyo… Mawawala si Manong. Si Josef naman bibitiwan yung pangsuicide at unti-unting mapapapikit. Kasabay ng pagpikit yung magdidilim yung screen or yung fade out. Scene 12
–
BEGGAR/ BAD THINGS COME TO AN END
Thursday. Magigising si Josef na nasa bahay pa rin nila Baste. Aalis dun at maglalakad pauwi. Iba na yung feeling nya. Parang very very light at masaya sya. Habang naglalakad na medyo inaantok pa rin, maya maya biglang mapapahinto at titingin sa langit tapos mapapangiti. Makakakita ng food stall at bibili. Maya maya may mapapansing pulubi. Josef: Bata anong ginagawa mo dyan? Nawawala ka? Pulubi: Hindi. Nagugutom na kasi ako e. Josef: Ahh, eto oh. Pulubi: Salamat dito kuya ah!
Josef: Bakit mag isa mo lang? Wala ka na bang magulang? Pulubi: Pareho nila kong iniwanan. Tulad ko nanlilimos lang din sila. Kaya nga hindi na ako nakapag aral e. Siguro kung nakapag aral lang ako hindi ako magiging ganito. Kaso wala e mukhang hanggang dito na lang talaga ako. Josef: *May maiisip na parang maganda kaya mapapangiti* Wag kang magsalita nang ganyan, kung may gusto kang gawin, gawin mo. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Hindi magtatagal makukuha mo rin yan bata. Magpakasipag ka lang osya sige ah, may pupuntahan pa pala ako. *tumakbo palayo* Pulubi: Salamat ulit dito kuya! Ingat! Tumatakbo si Josef nang makarating sa dean’s off ice. Kumatok. Josef: Good Morning Ma’am. May gusto po sana akong sabihin. Dean: Sinabe na saken ng prof mo ang tungkol sa grade mo, ano na naman ang gusto mo ngayon Mr. Josef? Josef: Ma’am please give me one more chance para matama ko lahat ng nagawa ko. Dean: And how would you do that? Josef: I would like to ask for your permission and my prof’s as well Ma’am. Kung papayagan nyo po ako gusto ko po sanang gawin lahat ng assignments, quizzes, and projects for that subject up until the day of the final exam ma’am. This would be my final request ma’am please? Dean: Well, im glad that at last narealize mo rin ang pagkakamali mo and more than that you’re willing to make up for it. Actually, your prof and I both thought of the same thing, so I guess since sayo na mismo nanggaling, it’s settled then. Josef: Wow! Thank you so much Ma’am! Hindi ko po kayo bibiguin. Salamat po. Fade out. Medyo matagal. Papakita na 3 weeks later na. Sa school. Pinapakitang may sulat with poem na ginagawa si Josef. Nakafocus sa pagsusulat yung shot. Tapos unti unting ipapakita yung nagsusulat at ilalagay nya sa sobre then lalagyan ng “Letter #5 ” tapos titignan nya at ngingiti sya. Magsastart yung narration kapag pinakita na yung mukha ng nagsusulat. Sabay yung narration at actions. Narrator (Josef): Hayy, sa wakas at naintindihan ko na rin lahat ng sinabi ni Manong. Akala ko hindi na m atatapos yung mga problemang napagdaanan ko eh. Buti na lang at hindi pa huli ang lahat bago ko narealize ang mga bagay bagay. Kung hindi siguro ay baka hindi ko na nasilayan ang ngiti ng mga mahal ko sa buhay at maging ng sarili ko… Marami na kong napagdaanan na pagsubok kaya lalong hinding hindi ako susuko sa mga darating pa… Ito ang pinili ko… Ang landas ko… Ang kapalarang ginawa ko para sa sarili ko… at nakalaan ito para sa akin. Ikaw? Anong pinili mo? Makikita yung bag ni Kaye. Ipapakita sa shot na ilalagay nya nang dahan dahan yung letter sa loob ng bag ni K aye tapos aalis din agad. Makikita ni kaye yung letter tapos mapapangiti sya. Pauwi si Josef galing school. Papakitang papasok sy a ng bahay na masaya. Pagkapasok makikita dun yung nanay na na ghahanda ng pagkain tapos si Che na tumutulong tapos uupo si Josef sa dining area at titikman yung ulam tapos papakitang nasarapan sya. Tas magtatawanan sila. Basta Happy Fam na. Nagkakainan sil a habang tumatawa.
Dark force noon yung pagpapasakop sa mga Spaniards. Dark force ditto yung pagsuko sa kamatayan. Kumbaga si rizal noon pinigilan nya yung mga Pilipino na tul uyang magpasakop sa mga Spaniards kasi may magagawa pa sila para mabago ang lahat at maipaglaban yung tunay na magpapaligaya sa kanila which is yung freedom nga. Ditto naman, pinigilan ni Bryan (most of the time he portrays Rizal) si Josef na sumuko sa kamatayan kasi may magagawa pa rin sya kung maiisip nya lang, tsaka hindi pa huli ang lahat. Pwede pang bumaligtad ang lahat kung susunod si Josef kay Bryan (w/c in reality e sya yung konsensya ni Josef na nagsilbing Rizal ng buhay nya) kung saan dapat unahin nya na nga dyan ay yung pag aaral dahil dyan magsastart ung transition. Ganun din yung concept na Rizal in a modern generation. Parang pano lumalabas o makikita si rizal sa modern days? Sa anong katauhan? Anong itsura? Pano manamit? Anong nagawa? Naniniwala ako na bawat isa satin may kanya kanya tayong Rizal sa buhay natin, na si Rizal hindi lang sya nabubuhay sa isang katauhan lang sa present generation kumbaga pwede syang makita sa ibat ibang tao. Na kahit yung mga sarili naten e pwedeng maging Rizal kahit once in our life dahil sa may nagawa tayong Rizal move sa buhay naten na magdedepend dun sa tao syempre kung gagawin nya yun o hindi kaya nga man vs himself. So yun, i n short si Rizal hindi lang nagcoconfine sa isang tao dahil nabubuhay sya sa mga heroic act na ginagawa naten sa buhay naten para sa kapwa, sa bansa, at sa Diyos.