Title: “Unang Balita” Director: Nikko Izar Writer: Group 6 Length: 00:10:00 1
INSERT: STATION ID – 30S
2
MUSIC: PROGRAM STINGER AND NEWS BED UP TO ESTAB LEVEL THEN UNDER
3
ANCHOR: Magandang umaga narito ang unang ratsada ng maiiinit na balita sa umagang ito, ako si Nikko Izar
4
At kayo’y nakikinig sa Unang balita. Nanindigan si Pangulong Noy Noy Aquino sa kanyang desisyon
5
na karapatan ng bawat indibidwal ang pagpili ng paraan ng pagpaplano ng pamilya sa gitna ng pahayag
6
ng presidente ng C-B-C-P na si Bishop Nereo Odchimar na posibleng itiwalag ng simbahang katoliko
7
ang pangulo kung hindi ititigil ng administrasyon pamumudmod ng contraceptives. (MSC OUT)
8
SOT: IN CUE: “we have to look into it…’’ OUT CUE: …is a proximate possibility”
9
ANCHOR: At kaugnay sa pahayag na iyan ay live nating makakausap si C-B-C-P President Nereo Odchimar, hello?
10
Good morning po.
11 BISHOP ODCHIMAR (ON THE PHONE): Yes, Nikko . Good morning 12 ANCHOR: Good morning po, totoo po ba na ieexcommunicado niyo ang pangulo kung patuloy ang 13
administrasyon sa kanyang kampanya sa paggamit ng contraceptives?
14 BISHOP ODCHIMAR: Well, Nikko may posibilidad ngunit kung maari sana ay nais naming maiwasan na 15
humantong pa ito sa excommunicado. Dahil ang kanyang kampanya ay maituturing na accessories of
16
reproductive health bill na nauna naming tinutulan noon
17 ANCHOR: Ano po ba ang maaring kahinatnan kung matutuloy ang plano ng C-B-C-P sa pangulo? 18 BISHOP ODCHIMAR: Maaring di pahintulutan ng simbahan ang pagtanggap ng pangulo sa kahit anong sakramento 19 ANCHOR: Ayon po sa pahayag ng Pangulong Aquino ay mananatili siyang nasa panig ng matalinong mamayan na 20
may sariling desisyon at susuportahan ito ng administrasyon., ano po ang masasabi niyo ukol dito?
21 BISHOP ODCHIMAR: kami rin naman ay nasa panig ng mamamayan , gayunpaman ibang usapin ito, bukas pa din 22
ang simbahang katoliko para sa pakikipagusap sa pangulo tungkol dito.
23 ANCHOR: Sige po, Salamat po 24 BISHOP ODCHIMAR: Salamat din. 25 ANCHOR: At inyong narinig ang mga pahayag ni C-B-C-P President Bishop Odchimar. Page 1 of 4
Title: “Unang Balita” Director: Nikko Izar Writer: Group 6 Length: 00:10:00 1
MUSIC: PROGRAM STINGER AND NEWS BED UP TO ESTAB LEVEL THEN UNDER
2
ANCHOR: Samantala, nagprotesta ang ilang mga grupo sa labas ng Department of Health, nangunguna sa
3
pag-uulat sa atin si Gherr Corook, Live sa Sta. Cruz Manila, Gherr.
4
GHERR: Nagrally ang ilang mga grupo at pamilya dito sa labas ng D-O-H, idinidaing nila ang hindi sapat na budget
5
na nakalaan para sa kalusugan ng bawat pamilyang Pilipino. Ayon sa Council for Health and Development
6
ay umabot na ng 90,771 ang bilang ng kaso ng dengue mula September 18 at 90 percent ay mga mahihirap
7
Ayon na rin sa C-H-D ay may 66 pesos and 70 centavos lamang ang medical aid kada Pilipino ang inilaan
8
ng gobyerno kada taon kaya kahit igugol pa ang 33.67 billion peso budget ng D-O-H ay kulang pa
9
din. Sinagot naman ito ng magandang balita ni D-O-H Secretay Enrique Ona… narito ang kanyang
10
pahayag…
11 SOT: “Of course yung total…OUT CUE: …at least half”. 12 GHERR: Depensa ng D-O-H ay nakadepende sa kongreso kung magkano ang budget na ibinigay sa kanila higit sa 13
lahat ay responsibilidad ng bawat pamilya ang kalinisan ng kani-kanilang lugar upang makaiwas sa
14
dengue. Live mula dito sa Santa Cruz Manila, Ako si Gherr Corook para sa Unang Balita.
15 ANCHOR: Salamat, Gherr Corook. 16 MUSIC: PROGRAM STINGER AND NEWS BED UP TO ESTAB LEVEL THEN UNDER 17 ANCHOR: Sa Quezon City naman tatlong taong gulang bata patay matapos sumabog ang isang poste ng kuryente. 18
Live na nag-uulat mula sa Quezon City, kasama natin si Don Macario, Don…
19 DON: Binawian agad ng buhay ang tatlong taong gulang na biktima na si Janly Mae Buenaobra matapos ang 20
pagsabog ng isang fuse ng poste ng kuryente sa Villareal St. Baranggay Gulod , Quezon city. Pasado alas
21
kwatro ng hapon naglalakad noon ang biktima kasama ang kanyang tiyahin nang mangyari ang di
22
inaasahang insidente.
23 SOT: IN CUE: Naglalakad kami nun…OUT CUE: dugo na siya dito.” 24 DON: Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawain din ito ng buhay dahil sa isang bagay na tumusok malapit 25
sa puso ng biktima, hinala ng mga kamag-anak tumalsik ang bata matapos ang pagsabog ng poste. Page 2 of 4
Title: “Unang Balita” Director: Nikko Izar Writer: Group 6 Length: 00:10:00 1
Hindi daw ito ang unang pagkakataon na nangyari ang insidente, ang tinuturong dahilan ng mga residente
2
doon ay ang iligal na koneksyon ng kuryente. Don Macario para sa Unang Balita.
3
ANCHOR: Salamat, Don Macario
4
MUSIC: PROGRAM STINGER AND NEWS BED UP TO ESTAB LEVEL THEN UNDER
5
ANCHOR: Para naman sa balitang abroad, 11 residente pa ring patuloy na hinahanap sa Wahaca, Mexico
6
matapos ang landslide. Hinihinalang may daan-daang buhay ang nalibing sa guho dala ng masamang
7
panahon mula pa noong lunes. Halos sampung oras bago makarating ang tulong sa mga residente dahil
8
na rin sa putik dala na rin ng gumuhong lupa. Patuloy pa rin ang retrieval operation at relief operation sa
9
mga naapektuhan ng landslide.
10 MUSIC: PROGRAM STINGER AND NEWS BED UP TO ESTAB LEVEL THEN UNDER 11 ANCHOR: Para sa balitang sports naman, Paghahanda ni pambansang kamao Manny Pacquiao pinaigting pa 12 ang mga detalye sa ulat ni Leo tan, Leo. 13 LEO: Nag-simula na nga ang pag-eensayo ng pambansang kamao, Manny Pacquiao sa Baguio City bilang 14
paghahanda sa nalalapit niyang laban kay Antonio Margarito sa darating na Nobyembre. Iba’t-ibang training
15
na ang ginagawa ng pambansang kamao upang maikondisyon ang katawan sa dartaing na laban. Dahil na rin
16
dito ay ipinagbawal muna ang media sa loob ng gym bahagi na rin ng paghihigpit ng coach na si Freddie
17
Roach. Bagamat wala pa sa isandaangporsiyento ay natuwa naman ang kanyang coach sa kanyang pinapakita,
18
narito ang pahayag mula sa pambansang kamao,
19 SOT: IN CUE: “siyempre iba yung…OUT CUE:..karangalan sa bansa” 20 LEO: Ako si Leo tan para sa Unang Balita. 21 ANCHOR: Salamat, Leo Tan. 22 MUSIC: PROGRAM STINGER AND NEWS BED UP TO ESTAB LEVEL THEN UNDER 23 ANCHOR: Para sa showbiz balita narito si Maema Quilo, Maema… 1 2
MAEMA: Episode two ng hit musical T-V series na Glee, bumirit at sumayaw ang cast ng Glee ng hits ni Britney Spears tulad ng performance ni Rachelle Berry ng “hit me baby one more time” at siyempre di Page 3 of 4
Title: “Unang Balita” Director: Nikko Izar Writer: Group 6 Length: 00:10:00 3
makukumpleto ang episode kung wala ang pop princess na si Britney Spears ,nakipag-showdown pa si
4
Santana Lopez saperformance nila sa “Me against the music”
5
SOT: IN CUE:”…OUT CUE:…”
6
MAEMA: Mukha naming pahinga muna ang character ni Charice Pempengco na si Sunshine Corazon sa episode
7
twong Glee. Yan muna ang chika sa umagang ito, Maema Quilo , Una sa showbiz balita.
8
ANCHOR: Salamat, Maema Quilo.
9
MUSIC: PROGRAM STINGER AND NEWS BED UP TO ESTAB LEVEL THEN UNDER
10 ANCHOR: At para sa ating ulat panahon, narito si Carla Deinla, Carla. 11 CARLA: Yes, Nikko. Makararanas ng makulimlim na araw at manaka-nakang ulan ang buong metro manila sa araw 12
sa araw na ito. Dala ito ng hanging amihan na kadalasang dumarating sa buwan ng Oktubre. Payo lamang
13
ay magdala ng paying at panlamig kung sakaling bumuhos ang ulan. Carla Deinla para sa unang balita.
14 ANCHOR: Salamat Carla Deinla. 15 MUSIC: PROGRAM STINGER AND NEWS BED UP TO ESTAB LEVEL THEN UNDER 16 ANCHOR: Muli na namAng nagdaan ang dalawampung minutong pagratsada ng maiinit na balita ngayong umaga, 17
ako si Nikko Izar, manatiling nakatutok sa himpilang ito, Una sa balita, una sa impormasyon! ito ang
18
Unang Balita.
19 MUSIC: NEWS BED UP FOR 15S CROSSFADE TO STATION ID UP FOR 30S TO OUT
END
Page 4 of 4