Minsan, sa isang panahong di matukoy, may isang mapayapang barangays a Pilipinas.
Ito ay ang barangay Luna.
Maganda ang palakad ni Leonardo na na
namumuno roon; sinusunod ng mga tao ang batas at patakaran doon.
Kaya
naman maunlad ang barangay na ito. Isang araw, ma isang matandang napadpad sa dalampasigan dalampasigan mula sa dagat. Nakita ito ng mga tao. Tinulungan nila nila ang matanda at nilapatan ng ng lunas ang mga sugat nito.
namg magising ang matanda ay kinausap ito ng mga tao, ngunit waring di sila naririnig nito. Isang ngiti lamang ng isinusukli nito sa bawat tanong nila dito. Doon nila nila napagtanto na bingo at pipi pipi pala ito. Sa tanggapan ng punong baranggay pansamantlang pinatira ang matanda.
Isang araw, napansin ni Leonardo na matamang nakatingin ang matanda sa burol.
“Lola ipinagbabawal po namin na magtungo ang sinuman sa burol na iyan. Ang mga punong punong kahoy riyan ay namumunga ng kulay itim na prutas na nakalalason. nakalalason. Huwag na huwag kayong magtatangka na magtungo riyan,” babala nya. Nagpatuloy si Leonardo sa pagkausap sa matanda.
“Ayon sa kuwento ng aming mga ninuno, ang mga punong yan daw ay dating mga diwata...inutusan daw sila ni Bathala na tulungan at pakainin ang mga katutubong nakatira sa burol na iyan. Dahil nagkaroon ng tag-gutom. Pero sa halip na tulungan nila ang mga ito, Naakit sila sa napaka-gandang burol na may maliinis na batis,
makukulay na bulaklak at may mga tanawing kaakit-akit... Nakalimutan nila ang bilin ni Bathala. At hindi lamang iyon, pinag-awayan nila ang burol; gustong angkinin ng bawat isa ang burol. Napa-iling si L:eonardo habang nagsasalaysay. Nang mangamatay ang lahat ng mga katutubo dahil nakalimutan ng mga diwata ang ipinag-uutos ni Bathala, lahat sila ay pinarusahan nito.
Ginawa sila nitong mga punong-kahoy at binigyan sila ng mga bungang kulay itim na nakalalason. Napatunayang totoo ang sumpa nang, minsan daw ay may talong bata na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy, at pagkaraan lamang ng ilang saglit,
sila’y nangamatay.
Isang matamis na ngiti lamang ang isinukli ng matanda sa kuwento ni Leonardo. Noon lamang niya naalala na bingi nga pala ang matanda.
Marahang humakbang ang matanda patungo sa burol.
“Lola!!” Pigil ni Leonardo dito. Ngunit sinenyasan lamang isya nito na huwag na siyang pigilan. Itinuloy nito ang mabagal nyang paghakbang
Narating ng matanda ang burol. Mula sa mga talahib na nasa paligid, gumawa ito roon ng munting tahanan. Mula noon, doon na ito nanirahan. Naging usap-usapan ang pananatili ng matanda sa burol.
Tuwing umaga na nagtutungo ito sa kapatagan ay binibigyan ito ng pagkain ng mga tao. Isang napakatamis na ngiti ang pinakakawalan nito bilang tanda ng pasasalamat.
Minsang naglalakad ito sa dalapasigan ay nadapa ito. Tinulungan ito ng mga bata, at muli ay isang matamis na ngiti ang isinukli nito.
Minsan ay may nasalubong na ahas ang matanda. Akmang tutuklawin na ito ng ahas nang dumating ang mga kalalakihan at piñata ang mabangis na hayop.
Nang mahulog ito sa balon, habang nag-iigib ng tubig, ay agad itong tinulungan na maka-ahon ng mga nakakita rito.
Sa laki ng pasasalamat nito ay nginitian at pinagyayakap nito ang mga tao. Isang araw, isang malakas na bagyo ang dumating sa buong lalawigang sumsakop sa barangay Luna. Sa tatlong araw na walang tigil na pag-ulan at paghangin ng malakas, lahat ng mga bahay kung hindi tinangay ng hangin ay lumubog sa baha. Dahil sa kalamidad na nangyari, hindi lamang mga tirhan ang mga nangawala mga tao kundi na rin mga pagkain.
sa
Dahil doon, nappilitan ang mga tao na umakyat sa mataas na lugar. Sa ipinagbabawal na burol
Matamis na nakangiti ang matanda nang salubungin nito ang mga tao pahiwatig na malugod na tinatanggap nito ang lahat sa kanyang munting tahanan.
Umiiyak ang mga kababaihan dahil nawalan sila ng
tirahan. “Mamamatay tayo kung magpapatuloy ang kalamidad na ito!” Malungkot na sabi ng isa. “Wala na rin tayong pagkain!” Hiyaw ng isa.
Tumingala ang matanda at tumingin sa isa sa mga ipinagbabawal na puno; hitik iyon sa bunga, hugis bilog ang mga prutas, at nagkukumpulan sa mga sanga at katawan ng puno.
Nag-iyakan ang mga bata dahil nagugutom na sila...muli, tumingla ang matanda sa mga bunga ng isang puno. Marahang humakbang ito patungo sa roon.
“Huwag po!” Pagpigil ni Leonardo. “Kailangan siyang pigilan! Mamamatay ang matanda kapag kinain niya ang mga bungang iyan!” Sigaw ng mga tao. Pero sumenyas ang matanda na huwag siyang pigian.
Humarap si Leonardo sa
mga tao. “Nais nyang tumulong sa atin. Nais nyang suklian ang lahat ng itinulong natin sa kanya. Susubukan niyang kainin ang mga bunga para sa atin. Kung hindi siya mamatay ay maaari rin nating kainin
ang mga bungang yan. Para ito sa ating kaligtasan.” Malungkot na sabi nya.
Marahang pinitas ng matanda ang isang kumpol ng mga bunga. Sinimulan nitong balatan ang isa, maputi ang laman ng bunga. Isinubo iyon ng matanda at kinain. Matamang nakatingin ang lahat dito. Pagkakain nito sa bunga ay napangiti ito; pahiwatig na matamis ang bunga. Inubos nito ang isang kumpol na bunga, kumain pa itong muli. Nakangiting tumingin ito sa mga tao. Na waring sinasabing masarap ang kinakain nito. Hindi ito nalason, hindi ito namatay! Sinimulang pitasin ng mga tao ang mga bunga sa puno...Nang simulan nilang kainin iyon, napansin nilang unti-unting kumukupas ang itim na kulay niyon. Parang nagiging kulay ginto ang balat ng mga bunga. Nilingon ng mga tao ang kinatatayuan ng matanda pero laking gulat nila Nang maglaho na lang itong parang bula!
Sa tatlong araw na pamamalagi ng mga tao sa burol, tanging ang mga bunga ng puno ang kanilang naging pagkain. Nang humupa ang baha ay bumalik silang lahat sa kapatagan. Sa pagtutulungan ng lahat ay nanumbalik sa normal ang kanilang buhay.
Sa Kabila niyon ay di natigil ang usap-usapan sa kung saan napadpad ang matanda. Nagsiyasat ang mga tagaroon ngunit wala silang nahanap ng kahit isang kamag-anak ng matanda. Hanggang sa kabilang ibayo, o maging sa ibang baryo. Gusto man nilang pasalamatan ang matanda sa kabayanihan nito ay hindi na nila ito nakita. At tuwing tatanawin nila ang burol at ang mga punong-kahoy na naroon ay lagi nilang naaalala ang naging karanasan nila roon.
Sabi ng mga tao, nagkaroon ng wakas ang mga kwento ng matatanda. Marahil ang matandang pipi at bingi ay ang ina ng mga diwata. Binantayan nito ang mga anak at inihingi ang mga ito ng kapatawaran kay Bathala. Sinnamantal nito ang pagkakataong sinalanta ng bagyo ang lalawigan upang pagbayaran ang kasalanang ginawa ng mga anak nitong diwata. Inalis ng matanda ang sumpa ng bunga ng punongkahoy. May nagsasabing sadyang ipinadala ito ni Bathala para iligtas ang mga tao upang di na maulit ang mga nangyari sa mga katutubo. Marami pang kuwentong hinabi ang mga tao. Upang mabigyan ng kasagutan ang naging papel o pakay ng matanda sa kanilang barangay. At mula noon, ang bungang nakalalason ay naging paborito ng marami. Katulad ng ngiti ng matanda, matamis din ang laman ng bungang ito.
Ikinalat ng mga tao sa baranagay Luna ang buto ng bungang dati’y nakalalason...at itinanim ang mga iyon sa kapatagan.
Naging pangunahing produkto ng lugar ang
prutas. Ikinalakal iyon sa iba’t-ibang lugar.
Sa
Prutas na iyon nakilala ang buong bayan.
Noong una’y wala silang maipantawag sa prutas...ngunit hindi naman nila maatim na tawagin iyong Lason dahil iyon ang nagsalba sa kanilang buhay. Kaya upang hindi makalimutan ang kuwento ng Prutas, Tinawag itong Lansones at hindi prutas na nakalalason.
~ WAKAS ~