Ang Varayti at Varyasyon ng Wika: Historya, Teorya at Praktika
(langue) bilang pang-indibidwal.
Dr. Pamela Constantino, ulat ni CMG Lucero
3.1. Naniniwala ang teoryang ito ni Sapir na ang wika, bagama’t isang instrument ng sosyalisasyon, ay hindi iiral kung wala ang mga relasyong sosyal.
I. Varayti ng Wika 1. Ninais ng mga klasikong pilosopo mula ika-17 siglo ang pagkakaisa at pagkakaiba, at itinuri nila ang wika bilang isang biyaya mula sa langit. Ang kalikasang-uri ng mga varayti ng wika ay dinebelop ng mga sosyolinggwistiko noong ika-18 siglo. 1.1. Pinaniwalaan ng mga pantas, kabilang na ang mga empirisista at rasyonalista, na ang wika ay inimbento at pinadevelop ng tao para maging paraan ng paglipat ng kaalaman; ang progreso ay kaugnay ng sibilisasyon na may kinalaman rin sa pagdevelop ng kultura. 1.2. Ang kultura ay hango sa tao, at ang wika ay nagpapahayag ng naturang kultura ng isang partikular na espiritu (Volkgeist) ng mga taong kaibilang sa isang lipunan. 1.3. Ang kultura ay nangangailangan ng INTEGRASYON at INTERDEPENDENS, at ito’y nagiging komplikado at lumalawak habang ito’y nagpoprogreso. 1.4. Bunga ng pagkakaiba-iba ng pagtingin, pananaw at saloobin ng mga tao sa isang lipunan ang di-pagkakapantay-pantay ng wika: kaya nagkaroon ng wika at tagapagsalitang SUPERYOR/INFERYOR; SIBILISADO/BARBARO; EDUKADO/DI EDUKADO, atbp. 1.5. Ang ikalawang school of thought naman ay ang Language Universals na nagsasaad na galing sa iisang orihinal na wika ang lahat ng wika sa mundo, at ito’y pinangunahan ng Port Royal School na nagbigay-diin sa komunidad ng mga wika kung ihahambing sa mga indibidwal na varayti ng wika. 1.6. Sa gitan ng pagkakaiba-iba ng wika dahil sa pagkakaiba-ib ang mga gawain at tungkulin ng tao sa lipunan at iba pang mga factor, maaari rin naming itaguyod ng isang estado ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa pagkakaiba viz. wika. Ito ang ginawa ng Indonesia sa Bhinneka Tunggal Ika (Pagkakaisa sa Pagkakaiba) at ng Pilipinas sa islogang Isang Bansa, Isang Diwa, Isang Wika. 2. Ang mga pangunahing teorya sa sosyolinggwistiks ay ang pagpapalagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal; ang wika na binubuo ng signifayer at signifayd; ang wika bilang heterogeno; ang paghati sa dalawang dimension ng mga varyabilidad ng wika sa heograpiko at sosyal na mga dimension; atbp. 3. Ang wika bilang panlipunan at ang speech
3.2. Ayon naman kay Saussure, ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita, umiiral lamang ito sa loob ng isang kolektibo. 4. Ayon din kay Saussure, ang wika ay binubuo ng signifayer (langue) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signifayd (parole) na gamit ng wika sa pagsasalita. 5. Ang wika ay heterogeno; ang iba’t-ibang anyo ng wika ay galling sa iba-ibang mga factor sa lipunan. 5.1. Ang wika ay hindi lamang isang simpleng instrument ng komunikasyon kung hindi isang kolektibong pwersa na pinagsama-samang anyo sa magkakaibang kulutral at sosyal na bakgrawnd at grupo. 5.2. Idyolek ang tawag sa kanya-kanyang paraan ng paggamit ng wika. 5.3. Sosyolek naman ang tawag sa varayti ng wika na bunga ng mga faktor tulad ng edukasyon, trabaho, sosyoekonomikong grupo, kaanak, kasarian, atbp. Ang dimensyong sosyal ng wika ay nagbubunsod sa mga rejister o jargon na varayti ng wika. 5.4. Dayalek ang tawag sa varayti ng wika bunga ng faktor ng lokasyon, i.e., ang TagalogBulacan ay may pinagkaiba sa TagalogMaynila at Tagalog-Batangas. 6. Ayon naman kay Rousseau, dahil sa pagkakaroon ng rejister, nagkakaroon rin ng hayrarki sa mga varayti ng wika: may MATAAS/MABABA, STANDARD/DI-ISTANDARD, atbp. 7. Nababatay sa teorya ng akomodasyon ni Giles ang linguistic divergence at convergence sa SLA o Second Language Acquisition. 7.1. Ang isang taong sumasailalim sa SLA ay may tendensi na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kanyang kausap upang bumagay, makipagpalagayang-loob, makisama, makilahok, at magmalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Ito ang convergence. 7.2. Samantala ang isang taong sumasailalim sa SLA naman ay minsang pipiliting ibahin ang pananalita sa kausap upang ipakita o piahayag ang pagkakaiba, di-pakikiisa, o lalong paggigiit sa sariling kakayahan at identidad. Ito ang divergence.
7.3. Ang interference phenomenon ay nakapokus sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika na makikita sa bigkas, leksikon, morpolohiya, at minsan hait sa sintaktika. 7.4. Ang interlanugage, o mental grammar, ay ang pagbabago ng tagapagsalita ng grammar sa papmamagitan ng pagdagdag, pagbawas, at pagbago ng mga alintuntunin ng wika. II. Kaugnayan sa Pagtuturo, Saliksik, at Wikang Pambansa 1. May tatlong perspektibo ang pagsusuri ng wikang pambansa: sikolohiko, pedagohikal, at intelektwal. 2. Sa perspektibong sikolohiko, ang batayan ay ang palagay na may sapat na kaalaman ang estudyante at guro sa konsepto ng varatyi ng wikang Filipino at ang pulitikal na kasaysayan ng pag-unlad nito. 2.1. Bilang multilinggwal na bansa na dumaan sa kolonisasyon, angpagpili ng isa sa mga pangunahing wika para maging batayan ng wikang pambansa ay mahirap; hindi nito napag-iisa ang diwa at bansa ng mga Pilipino. 2.2. Naging hangarin ng mga framers ng Konstitusyon ng 1973 at 1987 na iadap ang Filipino batay sa lahat ng wika sa Pilipinas, kabilang na ang Ingles at Espanyol sa paghahangad ng mga framers na gawing lingua franca ang Filipino. 2.3. Dito nabuo ang varayti ng Filipino batay sa linggwistiko/heograpikong dimensyon: Sebuwano Filipino, Ilokano Filipino, atbp. 2.4. Ang pagkakaroon ng varayti sa wikang Filipino ay inaasahang mapaglago at mapaglinang ang wikang pambansa at mapagbuklod ang mga mamamayan. 3. Sa puntong pedagohikal, malaki ang implikasyon sa pagtuturo ng Filipino sa loob ng silid-aralan. 3.1. Tutulong ito sa pagiging interaktibo ng wika at ang bawat isa ay makapagbabahagi ng datos mula sa kanilang sariling bakgrawnd. 3.2. Ito’y isang stratehiyang student-centered dahil buhay ang klase atmagkakaroon ang lahat ng kamalaang hindi amin/kanila, mayaman/mahirap, burgis/konyo, atbp. 4. Sa puntong intelektwal, masasabing ang varayti ng wika ay mayamang balon ng mga paksa at mga dapat masaliksik ng mga guro at estudyante 4.1. Kakaunti ang gumagawa ng saliksik sa laranang ito.