POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Edukasyon Batsilyer sa Edukasyong Pansekundarya Medyor sa Filipino Sta. Mesa, Mabini Campus
KABISAAN NG MGA ESTRATEHIYANG GINAGAMIT SA PAGTUTURO NG HAYSKUL
Almayda, Marinel Ambat, Regina Macabenta, Angeline Perez, Lian Joy Sinaon, Edeza Johnzen Merez
BSEDFL 1-1
KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Panimula Kaakibat na ng edukasyon sa Pilipinas, partikular sa sekundaryang antas ang iba’t ibang estratehiya o pamamaraang ginagamit sa pagtuturo.
Mga nakasanayang
pamamaraan kung saan naging epektibo katulad ng pagtukoy (identification), paglalahad (enumeration), maramihang pagpipilian (multiple choice) at punan ang patlang (fill in the blank). Ang mga estratehiya sa pagtuturo ay malaki ang ginagampanan sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Habang patuloy na yumayabong ang kaisipan at umuunlad ang kaalaman ay nangangailangan na rin ito ng higit na epektibong daluyan o pamamaraan kung paano makakamtan. Gayundin, ang pag-aaral na ito ay magbubukas sa kaisipan patungol sa paggamit ng modernong teknolohiya kung saan siyang hinihingi ng kasalukuyang panahon. Bilang guro at tagapagtaguyod ng edukasyon, marapat na nalalaman nito ang mga pamamaraan na angkop at kababagayan ng kanyang mga mag-aaral upang makuha nito ang buong atensyon ng klase na isa sa pangunahing kailangan upang matuto ang mag-aaral. Ang sekundaryang antas ng pag-aaral ang pinakakrusyal na bahagi ng edukasyon. Sa lebel na ito nakasalalay ang mga mahahalagang kaalaman na nararapat taglayin ng isang estudyante magmula sa pinakasimple hanggang sa pinakakumplikado. Dito rin sinasanay at inihahanda ang mga mag-aaral sa mas mataas na antas ng buhay kung kaya’t sadyang napakahalaga na sa puntong ito ay masiguro ang de-kalidad na edukasyon. KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kaligirang Kasaysayan Ang mga iba’t ibang estratehiyang nalilikha ng mga kaguruan para sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa sekundaryang antas ay hindi maiiwasang husgahan kung epektibo nga ba o hindi. Ang pag-aaral tungkol sa kabisaang dulot ng mga nasabing estratehiya sa mga mag-aaral ay maaaring magsiwalat ng katotohanan kung sadyang mababa nga ba ang kalidad ng edukasyon sa bansa at ito’y mapatunayan, gayundin upang masolusyonan. Kung papaanong ang ilang estratehiya ay umaayon sa iilang mag-aaral samantalang sa iba naman ay hindi. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mapatunayan kung totoo nga bang nakasalalay sa mga pamamaraang ginagamit sa pagtuturo ang mabisang pagkatuto. Kung magkagayo’y dapat taglayin ng mga guro ang mga kaalaman at kakayahan sa pagsasagawa ng mga istilong magiging kaaya-aya sa mga estudyante. Ang pananaliksik na ito ay may hangaring makapagbigay ng mga alternatibo at epektibong paraan upang mapataas pa ang kalidad ng pag-aaral hindi lamang para sa kasalukuyan kundi maging sa hinaharap. Balangkas teoretikal Ang teorya ng pagtuturo ay lupon ng mga magkakaugnay na kahulugan at proposisyon na nagpapakita ng sistematikong balangkas ng pagtuturo sa pamamagitan ng pagkakaugnay ng mga baryabols kaakibat ang layunin ng pagpapaliwanag at paghihinuha. Ang sumusunod ay ilan sa mahahalagang teorya ng pagtuturo gayundin ang mga estratehiyang kaakibat nito: KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Pormal na Teorya ng Pagtuturo ( Formal Theory of Teaching- Philosophical Theory) Ang teorya na ito ay nakatuon sa lohika (logic), metapisikal at epistemolohikal na pala-palagay at proposisyon. Meutic Theory of Teaching Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang proseso ng pagtuturo ay nakakatulong upang muling buksan ang kaalaman patungkol sa estratehiya ng pagtatanong. Ang sokratikong pamamaraan ay mahalaga sa naturang teorya at ang heredity ay malaki ang ginagampanang papel sa teoryang ito. Communication Theory of Teaching Pinaniniwalaan ng teoryang ito na tinataglay ng mga guro ang lahat ng mga kaalaman o kaisipan at impormasyon na maaring hindi alam ng mga mag-aaral kung saan ang mga guro ay naglalahad at nagpapaliwanag sa silid-aralan. Moulding Theory of Teaching Si John Dewey ang tagapagtaguyod ng teoryang ito na nakatuon sa paghulma at tipo ng pag-uugali ng mga estudyante na hinuhubog ng kanilang kinabibilangang kapaligiran katulad ng paaralan. Mutual Inquiry Theory Ayon sa teoryang ito, bawat indibidwal ay may kakayahan na makadiskubre ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng mutual inquiry. Ang tunay na kaalaman ay nakukuha sa pagsisiyasat. Magagamit ang teoryang ito sa asignaturang pananaliksik at sining (arts).
KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Balangkas konseptual
Pormal na Teorya ng Pagtuturo (Formal Theory of Teaching)
Meutic Theory of teaching
Communication Theory of Teaching
Moulding Theory of Teaching
Mutual Inquiry theory
Mga Teorya na nagsasaad ng mga pamamaraan o estratehiya ng pagtuturo na kinabibilangan ng Sokratikong Pamamaraan (pagtatanong), paghulma sa pag-uugali ng mga estudyante, paglalahad ng mga dagdag na kaalaman at ang pagsisiyasat.
Kasanayan, kaalaman at abilidad ng guro
Mabisang Pagkatuto ng estudyante; Higit na magandang ugnayan ng guro at mag-aaral;at De-kalidad na edukasyon KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay sasagot sa ilang mahahalagang katanungan na magsisilbing solusyon upang higit na maging mainam ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa sekundaryang antas. 1. Anu-ano ang mga karaniwang estratehiya sa pagtuturo ang ginagamit ng mga guro sa hayskul? 2. Paano nakakaapekto ang mga estratehiyang ginagamit sa kasalukuyan sa kaisipan maging sa pagkatuto ng mga estudyante? 3. Paano nakakaapekto ang mga estratehiyang ginagamit ng mga guro sa kagustuhan ng mga mag-aaral na pumasok sa paraan? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay binuo upang alamin ang kahalagahang dulot ng paksa sa iba’t ibang aspetong kinasasaklawan nito. Tinutukoy ng naturang pag-aaral ang kabutihang dulot ng paksa hindi lamang para sa mismong mag-aaral kundi maging sa kalidad ng pagtuturo ng mga guro. Kahalagahan sa Mag-aaral Bilang tagapagmana ng kaalaman at edukasyon, napakahalagang maging sulit ang oras o panahong inilalaan ng mga mag-aaral sa paaralan. Ang pag-aaral na ito ay susubok alamin ang mga estratehiyang makakatulong sa higit na ikauunawa ng mga estudyante. Hahanap ng mga pamamaraang kababagayan ng mga mag-aaral upang higit na mapadaling makuha ang kanilang atensyon at mahikayat na makibahagi sa talakayan. Sa
KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
huli, pagkakatuto, kanais-nais na partipasyon sa klase at grado, at mataas na kalidad ng edukasyon na kinakailangan ng mga estudyante ang kabutihang dulot nito. Kahalagahan sa Guro Ang pagtuturo ay propesyon kung saan ang tagumpay ng mga guro ay nakadepende sa kakayahan ng mga mag-aaral, ngunit may iilang mga guro na kayang gawing pinakamahusay ang mag-aaral kahit ang mga masasabing “slow learner” o pinakamahirap makaunawang mga estudyante. Malinaw na ang pagkaunawa sa isang paksang itinuro ng isang guro ay depende sa pamamaraan nito. Sa pamamagitan ng mga pamamaraan o estratehiya sa pagtuturo ay madaling naipauunawa ng mga guro sa estudyante ang paksang tinatalakay. Mayroong ilang mga epektibong pamamaraan ng pagtuturo na sakaling sinunod ng mga guro ay makakuha ang mga ito ng mas mahusay na resulta mula sa kanyang mga mag-aaral. Napakahalaga na makapagbigay ang isang guro ng isang “interactive environment” sa loob ng silid-aralan upang ang mga mag-aaral ay makapagsalita o makapagbahagi ng kanilang nalalamaman kung saan makakamit lamang kung ang isang guro ay may epektibong estratehiya ng pagtuturo. Kahalagahan sa Magulang Bawat magulang ay naghahangad ng isang de-kalidad na edukasyon para sa kanilang mga anak. Upang matupad ang pagnanais na ito ay nagsisikap ang mga magulang upang mapag-aral ang kanilang mga anak sapagkat pinaniniwalaan nilang ang edukasyon lamang ang natatanging kayamanan na kanilang maipamamana sa mga ito. Kaya’t siguradong magiging kapaki-pakinabang ang lahat ng sakripisyo ng mga KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
magulang kung magkakaroon ng higit na masistemang alternatibong pamamaraan o estratehiya na makatutulong upang mas maging epektibo at mapaunlad ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral at kaguruan sa sekundaryang antas na pangunahing pokus ng paksang Kabisaan ng mga Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo ng Hayskul. Ang paksa ng naturang pag-aaral ay walang ibang hangarin kundi alamin ang persepsyon ng mga estudyante at guro patungol sa epekto ng mga estratehiya sa pagtuturo sa pagkatuto at malaman ang problemang sakop nang sa gayon ay mabigyan ng karampatang kasagutan. Hindi na sakop ng pag-aaral na ito ang iba pang isyu na may kinalaman sa edukasyon katulad ng mga kakulangan sa silid-aralan, guro atbp. na tinatamasa ngayon kung saan hindi na dapat pang talakayin ng pag-aaral na ito upang higit na mabigyangtuon ang mismong paksang tinatalakay. Katuturan ng mga Salitang Ginamit •
Sokratikong Pamamaraan (Socratic Method) – Ipinangalan kay Socrates, isang klasikal na griyegong pilosopo. Ito ay isang paraan ng pagtatanong at debate sa pagitan ng dalawang indibidwal na may magkaibang pananaw.
•
Lohika (logic) – isang agham ng pag-aaral na nakatuon sa mga prinsipyo at pamantayan ng bisa ng hinuha at demnstrasyon; ang agham ng pormal na prinsipyo ng pangangatwiran
KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
•
Metapisikal (Metaphysical) – Ito ay sangay ng pilosopiya na sinusubok linawin ang pagkakaunawa ng tao sa mga mahahalagang paniniwala sa paraang kung paano ang paningin ng tao sa mundo.
•
Epistemolohical (Epistemology) – Ito ay sangay ng pilosopiya na nag-aaral patunkol sa kaalaman; pagsisiyasat sa kapaligiran at likas na katangian ng kaalaman.
•
Instrumented Team Learning (ITL) – Pangkatang talakayan.
•
Teacher Centered Approach (TCA) – Ang guro ay siyang nagpapaliwanag lamang sa buong talakayan.
KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kabanata II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Tungo sa higit na kalinawan ng pananaliksik na may paksang Kabisaan ng mga Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo sa Hayskul minarapat ng mga mananaliksik na mangalap ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura na nilikha ng mga lokal at banyagang manunulat.
Banyagang Literatura Ayon kina Crooks (1988) McKeachie (1986) and Wergin (1988) masusuri natin ang pagkatuto ng estyudante base sa kung paano siya mag isip ng isasagot sa isang tanong na siyang sumasalamin sa napag-aralan niya. Halimbawa, kung ang pagsusulit na kaniyang inaasahan ay nakatuon sa mga katotohanan (facts), ang gagawin niya ay kakabisaduhin ang mga detalye. Kung ang pagsusulit ay kinakailangan ng paglutas sa isang problema o pagpapalawak ng kaalaman ay pinapairal niya ang malalim na pag unawa at kung paano nito iaapply ang mga impormasyon. Bilang guro, ang pagsasagawa ng ganitong istilo ng pagtuturo ay nakakatulong upang masukat ang katagumpayan ng iyong pagpeprisinta ng materyal. Huli, ay sa ganitong paraan, nasusukat o nalalaman ng isang guro kung ano ang mga paksa o mga kasanayan ang hindi nauunawaan ng mga mag-aaral. Ayon naman sa mga ekspertong sina Jacob at Chase, ang pagsusulit ay ang pinaka-komprehensibong paraan ng pagsubok, karaniwang ibinibigay sa katapusan ng termino, at isa o dalawang beses sa panahon ng semestre. Ang pagsusulit ay mas limitado KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
sa saklaw, na tumutuon sa isang partikular na paksa.Samantala ang maikling pagsusulit (quiz) ay mas limitado at karaniwang ibinibigay sa loob ng labing limang minuto o mas mababa. Banyagang Pag-aaral Ayon kay Riel (1996) na ang teknolohiya ay mabilis na nagpapabago sa maramingaspekto sa lipunan, at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan kaya nararapat lamang iksamining mabuti ang mga pagpaplano ng paggamit ng Multimedia sa loob ng klase upangmaibigay sa kanila ang mainam na edukasyon. Pinaniniwalaan na ang mga mag-aaral sakasalukuyan ay nangangailangan ng maraming kasanayan para sa kanilang propesyon pagdatingng araw upang makasabay sa mundong laging nagbabago. Ibinahagi din ni Riel (1995) ang kanyang karanasan hinggil sa kanyang ginawang ekspereminto sa aplikasyon ng teknolohiya sa loob ng klasrum at nalaman nya na ang kanyang mga estudyante ay aktibong nakikisali sa talakayan, pinagawa din nya ang kanyang mgaestudyante ng mga proyekto na mayroong kaugnayan sa kompyuter at mula dito ay nakita nyaang magandang perpormans ng mga mag-aaral, iginiit din nya na kapag ang Edukasyunal na Teknolohiya ay nailapat ng tama at wasto sa mga mag-aaral ay magiging maganda ang prosesong pagkatuto Inilabas naman ni Shepherd (2001) ang kanyang teorya na hinggil sa kabutihan ng“Multimedia” sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya na ang mabuting pagplaplanong “Multimedia” ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang malinang ang kanilang kakayahang pangteknolohiya upang maging kapaki pakinabang sa lipunan sa KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
darating na panahon, iginiit din nya na mayroong kabutihang hatid ang paggamit ng “Multimedia” sa klase gaya nalang ng mga sumusunod:
1.Nagiging
aktibo
at
nakikisali
sa
talakayan
ang
mga
mag-aaral.
2.Mas nagiging interesado sila sa mga itinuturo ng mga guro gamit ang “powerpoint presentation”. At dahil ditto ay mas nadaragdagan ang kanilang kaalaman. 3.Nadaragdagan ang kanilang kaalaman, tungkol sa teknolohiya at dahil dito ay hindi sila magiging
mangmang
o
walang
muwang
sa
patuloy
na
pag-unlad
nito.
4.Bumilis ang kanilang pagkatuto o kaalaman. Ayon naman kay Merrill (1986) sa librong COMPUTER IN EDUCATION na ang pinakamahalagang layunin ng edukasyon ay ang maihanda ang mag-aaral sa mundong laging nagbabago at malinang ang kanilang mga kakayahan at papel ng teknolohiya sa lipunan ay isa samga importanteng salik upang mapatupad ang layuning ito. Ayon sa pag-aaral na isinagawa nnina Norton at Wiburg (2003), ang konsepto ng teknolohiya ay maitutumbas sa salitang “Technique” na ang ibig sabihin ay ang tamang paraan ng pagpili at pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga gawain.Ang angkop at tamang pagpili ng teknolohiya na ating gagamitan sa ating mga klase ay nararapatding isaalang alang nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat sa bawat aralin. Nagagawakasi nito na mas maging produktibo pa ang kalidad ng
KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
edukasyon ng isang lipunan bukod pa dito mas napapabilis din nito ang akses ng bawat estudyante at Guro sa impormasyong saanmang dako sa daigdig. Ayon kay Villacorta (2003) ang edukasyon ay ang pagpapaabot sa mga mag-aaral ngmga kaalaman, kakayahan, at kaugaliang higit na magbibigay sa kanila ng pagkakataong maging produktibo at malayang mamamayang makapag-ambag sa kaunlaran ng kanilang lipunan. Ibig sabihin ang edukasyon ay ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng karunungan bilang produkto oend result kaakuhan ng isang indibidwal. Nangangahulugan lamang ito na sinumang tao nasumailalim o sasailalim sa gawaing ito ay hindi matatakasan ang mga pagbabago sa kanyang paniniwala at mga ideolohiya sa buhay na makakaapekto hindi lamang sa kanyang sarili bagkus sa lipunang kanyang ginagalawan.
Lokal na Literatura Ang Paggamit ng Wikang Pambansa bilang paraan ng Pagtuturo Kung maaalala natin ang isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Rizal (Mga Suliranin ng Isang Guro). Ang wikang ginagamit sapagtuturo ay ay wikang kastila gayung hindi nila naiintindihan ang ganung wika. Dahil hindi nila nauunawaan, minimemorya at hindi maipaliwanag ng mga bata ang kanilang aralin. Ganito rin nga ang karaniwang nangyayari ngayon sa mga estudyante sa hayskul, kolehiyo at unibersidad sa bansa na dahil sa Ingles nagsipag-aral, at salat sa kakayahan sa banyagang wikang ito, mabilis na nakakalimutan ang sinaulong mga leksiyon kaya nagsisipagtapos na kabisote. KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Ayon kay Dr. Nemesio E. Prudente “Ang paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo ay sapilitan at pulitikal, hindi nakabatay sa pananaliksik, sa siyensiya ng pagtuturo, at sa mga prinsipyong sikolohikal.” Ayon kay Dr. Amalia Cullarin Rosales: Mapanghamon,
sapagka't
napakaraming
balakid
ang
susuungin
ngmga
nagmamalasakit sa wikang Filipino upang maisakatuparan angadhikaing ito. Bagama't nakatagpo tayo ng kasangga sa katauhan ng Pangulong Estrada sa ating adhikaing pagpapalaganap sa wikang Filipinobilang wikang dapat na gamitin sa mga paaralan, mga tanggapan ngpamahalaan, Kongreso at pakikipag-ugnayang panlabas, ay damangdamanaman ang pagtutol ng ilang mga kilalang tao na ang wikang Filipino aygawing wika ng pagtuturo at pakipagtalastasan ng ating pamahalaan. Ayon kay Padre Pedro V. Salgado,OP: | Bakit kinakailanagn sayangin ang buong buhay sa pagaaral ng ibang wika, kung meron naman tayong sariling wika. Ayon kay Jose T. Saragosa: Marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad angwikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit angWikang Filipino bilang wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwalaang mga makabayang dalubwika o
KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
linggwistiko na ang paggamit ngpambansang wika sa pagtuturo ng kaalamang teknikal at aghamin ang susisa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki angmaitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak napagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturong anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon.Kung wikang dayuhan ang gagamitin sa pagtuturo, may tatlong proseso angnagaganap sa ating isipan: Persepsyon (Kaalaman), Pagsasalin, Pag-unawa. Ayon kay Engr. Virgillio S. Perdigon: Ang suliranin ng pag - aaral sa ating bayan ay kung paano isasalin angkaalaman mula sa paaralan patungo sa masa. Ang wikang Ingles ay hindisiyang lunas. Ayon kay G. Michael Tan: Madaling matututo ng ibang wika kasama na ang kahusayan sa mga asignaturang Matematika at Siyensya kung mahusay na sa katutubong wika.
Lokal na Pag-aaral Karamihan sa mga pananaliksik ay ipinahayag ang paggamit ng Kooperatibong Pagtuturo. Borja et al ( 1y995 in Leyson, 1998) na inilahad ni Rufo(2007) na gumawa ng parehong proyekto sa pag-aaral ng Kooperatibong Pagtuturong Estratehiya sa sekundarya sa asignaturang science. Ang mananaliksk ay nagpuna na ang kagandahan ng Kooperatibong pagtuturo ay ang kooperasyon at pagtitiwala sa sarili at sa isa't isa na makamtan ang tunguhin ng grupo. KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Isang pag-aaral ang isinagawa ni Carvajal (1985) na inilahad ni Ruyca (1994) sa UP Lahug, Cebu City. Natuklasan na parehong Instrumented Team Learning (ITL) at Teacher Centered Approach (TCA) ang epektibong estratehiya sa pagtuturo ng konsepto sa bayolohiya . Ibang lokal na pag-aaral na nagawa ni Lapa (1989) na inilahad ni Ruyca (1994) na nagpapatunay na ang pagsasangkot sa mga estudyante sa ITL ay nagpapakita ng makabuluhang pagbabago ng pag-uugali kaysa sa nasasangkot sa TCA. May mga pananaliksik at mga pag-aaral kung saan ipinapakita na ang kooperatibong pagtuturo ay isang mabuting paraan ng pagtuturo na ginagamit sa iba't ibang larangan ng edukasyon. Maraming mga teorya ang iminumungkahi na ang kooperatib na paraan sa pagtuturo ay para sa lahat ng lebel at uri ng edukasyon. Ayon sa pag-aaral, ang kooperatib na pagtuturo ay may mabuting kahihintulutan na positibong pag-iisip at pang edukasyunal. May tatlo itong dulog kung saan ay sinusunod ang kooperatib na pagtuturo, ito ay ang mga sumusunod; Cognitive approach, Motivational approach, at Social Constructivism approach. Ang kognitibong dulog ng kooperatib na pagtuturo ay patungkol sa mga kailangan ng konseptual na balangkas upang matutunan ang mga bagay-bagay. Ito'y nagmumungkahi na ang mga maliliit na pangkat ay natututo sa epektibong pamamaraan kung sila'y sinasanay sa pagbuo ng konsepto. Ang Motivational na dulog ay patungkol sa konsepto ng pagganyak sa maliliit na pangkat. Iminungkahi nito na ang mga estudyante ay madaling napupukaw ang interes sa isang asignatura habang may ginagawa sa maliit KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
na pangkat. Ito'y magkakaroon ng taguri na “one for all and all for one”. Ang social constructivism na dulog naman ay tungkol sa pangsosyal na diskurso kung saan kinakailangan upang magkaroon ng perpektong konsepto at natutukan. Ito rin ay kinakailangan upang matanggal ang anumang maling kaalaman na may relasyon sa natutuhan na uusbong sa loob ng grupo. Ayon kay Ruyca (1994), binanggit niya sa kanyang pag-aaral tungkol sa kooperatib na pagtuturo sa mathematika 6, na ang mga estudyante sa eksperimental na grupo na dumaan sa kooperatib na pagtuturo ay mas mabuti kaysa sa mga estudyante sa control group kung saan sinanay sa conventional na paraan ng pagtuturo.
Kabanata III KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
PAMAMARAANG GINAMIT Ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang tseklist o listahan ng mga gawain upang mapadali ang pagpili ng mga estudyanteng taga-sagot nang sa gayon ay ganap na malikom ang mga kinakailangang datos. Ito ay mahalaga upang mabantayan at higit na makita ang mahahalagang impormasyon na dapat ay mapagtuunan ng pansin upang magkaroon ng pagkasunod-sunod at walang makaligtaan sa pananaliksik na ito. Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik Ang pananaliksik na ito na pinamagatang "Kabisaan ng mga Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo ng Hayskul" ay gumamit ng Deskriptibong Pamamaraan ng Pananaliksik kung saan layuning ipakita at ipaliwanang sa tulong ng
sarbey ang
kamalayan at persepsyon ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City. Populasyon at Bilang nito Ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlumput-lima (35) na respondente mula sa Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City na silang sumagot ng mga mga inihandang katanungan para sa sarbey.Ang mga mananaliksik ay gumamit ng random sampling sa pagpili ng mga respondente na pinili.
Paraan ng Pagpili ng kalahok KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Pinili ang mga kalahok na direktang naapektuhan at inaasahang makapagbibigay ng angkop na tugon patungkol sa paksang “Kabisaan ng mga Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo sa Hayskul”. Ito ay kinasasangkutan ng tatlumput-limang (35) mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City. Gumamit ng Random Sampling ang mga mananaliksik o walang pinipili o itinakdang pamantayan kung saan lahat ay may pagkakataong mapiling respondente.
Deskripsyon ng kalahok Ang pananaliksik na ito na pinamagatang paksang “Kabisaan ng mga Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo sa Hayskul”. ay kinabibilangan ng mga magaaral mula sa Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City.
Instrumentong ginamit Ang pananaliksik na ito na may paksang “Kabisaan ng mga Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo sa Hayskul” ay gumamit at naghanda ng talatanungan na ipapasagot sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang taon sa Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City.
Paraan ng pangangalap ng datos KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga talatanungang inihanda. Gayon din ay nagsagawa ng obserbasyon at panayam sa mga gurong kalahok patungkol sa nabanggit na pananaliksik.
Kabanata V KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
PAGLALAGOM NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Sa bahaging ito ipinakita ng mga mananaliksik ang pangkalahatang lagom ng pag-aaral, lagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon.
PAGLALAGOM Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Deskriptibong pamamaraan upang ilahad ang lahat ng mga nakalap na impormasyon mula sa mga tatlumput-limang (35) respondente mula sa Mataas na Paaralan ng Fort Santiago, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City. Base sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay natuklasan ang mga sumusunod: 1. Halos lahat ng estudyante ay sumasang-ayon sa mga estratehiya na patuturo na inilahad ng mga mananaliksik sa mga katanungan kung saan makakatulong sa kanilang pagkatuto katulad reporting, paggamit ng makabagong teknolohiya, pagkatang-gawain at recitation. 2. Nakakaapekto ang mga estratehiyang ginagamit sa pagkatuto ng mga estudyante sa paraang nagiging kawili-wili ang taklakayan sa mha ito at nakukuha ang kanilang atensyon.
KONKLUSYON KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Base sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: 1. Higit na nagiging kawili-wili para sa mga estudyante sa hayskul kung may mga kakaibang estratehiyang ginagamit ang guro sa pagtuturo. 2. Higit na natututo ang mga mag-aaral sa hayskul kung sila ay nagkakaroon ng pangkatang gawain. 3. Epektibo sa pagpapalago ng kaalaman ang lakbay-aral basta’t masisisgurong may hatid na katuturan ang mga lugar na pupuntahan. 4. Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga pagsasanay at recitation upang matuto ang mag-aaral sa hayskul. 5. Mabisa ang pakikiisa ng mga mag-aaral sa mga akademikong kompetisyon upang sila’y matuto.
REKOMENDASYON 1. Para sa mga guro na siyang pangunahing instrumento ng pagkatuto ng mga mag-aaral, higit na dapat pagtuunan ng pansin ng mga ito ang pagtukoy sa mga estratehiya sa pagtuturo na angkop sa pag-iisip at kakayahan ng mga estudyante na kanilang tinuturuan. 2. Maging bukas ang mga guro sa mga panibagong pamamaraan ng pagtuturo tulad ng paggamit ng makabagong teknolohiya kung saan kinaaaliwan ng mga kabataan ngayon.
KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
KOLEHIYO NG EDUKASYON
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
KOLEHIYO NG EDUKASYON