Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
I: He Heogra ograp piya at at mga mga Sin Sina auna unang Kabihasnan sa Da Daigdig
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
[email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-971-9601-67-8 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring ka rapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina Yorina C. Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M. Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Pascual, Jeremias E. Arcos Book Designer: Conrado Viriña, Visual Visual Communication Department, UP College of Fine Arts Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B. Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor
Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group Inc. ,
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) nd Floor DepEd Complex Office Address: 5 2th Floor Mabini Dorm G,Building, PSC Complex
Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Philippines 1600 Meralco Avenue, Pasig City, Telefax: Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address:
[email protected] [email protected]
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-971-9601-67-8 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring ka rapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina Yorina C. Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M. Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Pascual, Jeremias E. Arcos Book Designer: Conrado Viriña, Visual Visual Communication Department, UP College of Fine Arts Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B. Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor
Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group Inc. ,
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) nd Floor DepEd Complex Office Address: 5 2th Floor Mabini Dorm G,Building, PSC Complex
Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Philippines 1600 Meralco Avenue, Pasig City, Telefax: Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address:
[email protected] [email protected]
PAUNANG SALITA Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan. Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang mga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit mong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa iba’t ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinang ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan, politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang panahon. Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati naman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig. Halina at maglakbay sa daigdig sa iba’t ibang panahon at tuklasin ang mga gintong butil ng kasaysayan. Tara Tara na. Aral na.
TALAAN NG NILALAMAN Modyul I Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 Mga Aralin at Sakop ng Modyul . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig Alamin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11 Pagnilayan at Unawain. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36
Aralin 2 Ang Mga Sinaunang Tao Alamin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 39 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40 Pagnilayan at Unawain. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49
Aralin 3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 53 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 55 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 110 Ilipat at Isabuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 112 Talasalitaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 116 Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 117
MODYUL 1
HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG Panimula Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. S a katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao. Sa Modyul na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan. Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga hamong dulot ng kapaligiran.
Mga Aralin at Sakop ng Modyul Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang sumusunod: Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
•
Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pagunawa sa daigdig
•
Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
•
Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-etniko, at relihiyon
2
Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao
•
Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa daigdig
•
Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
•
Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko
Aralin 3: Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
•
Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
•
Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
•
Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
•
Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
3
Panimulang Pagtataya Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural? A.
lokasyon
C.
paggalaw
B.
lugar
D.
rehiyon
2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene ? A.
Mesolitiko
C.
Neolitiko
B.
Metal
D.
Paleolitiko
3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat? A.
imperyo
C.
kalinangan
B.
kabihasnan
D.
lungsod
4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World?
A.
Alexandria
C.
Pyramid
B.
Hanging Gardens
D.
Ziggurat
5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong.
4
Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia? A.
Tropikal na klima
C.
Buong taon na nagyeyelo
B.
Maladisyertong init
D
Nakararanas ng apat na klima
6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa? A.
Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B.
Maraming sigalot sa mga bansa.
C.
May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
D.
Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
7. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya? I.
agrikultura
III.
labis na pagkain
II.
kalakalan
IV.
pangangaso
A.
IV, I, III, II
C.
IV, I, II, III
B.
II, I, IV, III
D.
I, II, III, IV
8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao? A.
Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.
B.
Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.
C.
Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
D.
Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos.
5
Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at China? A.
Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
B.
Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C.
Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D.
Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.
10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia.
w.
Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Euphrates at Tigris.
x.
Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang ikinabagsak nito.
y.
Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
z.
Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon.
A.
w at z
C.
y at z
B.
x at y
D.
z at w
11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram? A.
May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian noong sinaunang panahon.
B.
Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan sa Egypt.
C.
Mas mataas ang posisyon ng mga paring Egyptian kaysa sa mga mandirigma.
D.
Ang pharaoh, maharlika, at magsasaka ang nasa mataas na antas ng lipunang Egyptian.
6
12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao? A.
Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
B.
Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.
C.
Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.
D.
Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? A.
Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B.
Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C.
Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
D.
Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacifc Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala? A.
Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B.
Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C.
Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D.
Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong Panahong Neolitiko? A.
Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B.
Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain.
C.
Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop.
D.
Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan. 7
16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan? A.
Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura. agrikultura.
B.
Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C.
Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D.
Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.
17. 17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ug nayang heograpiya-kasaysayan? A.
May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator .
B.
Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin.
C.
Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig.
D.
Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga lambak nito.
18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado? A.
Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito.
B.
May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C.
May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D.
May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.
19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang s inaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica? A.
Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B.
Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga tagaMesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
C.
Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon.
8
D.
Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.
20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang kapaki-pakinaban g ang mga pamanang p amanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon? A.
Limitado ang naiwang naiwang pamana ng mga mga Olmec dahil sa pagnakaw pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.
B.
Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, compass, at imprentang naim bento ng mga sinaunang Tsino. Tsino.
C.
Madaling unawain ang cuneiform a cuneiform att hieroglyphics na hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
D.
Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
9
ARALIN 1
HEOGRAPIYA HEOGRAPIY A NG DAIGDIG Sa araling ito pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong noo ng sinaunang panahon. Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heogr apiya ng daigdig.
ALAMIN Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng modyul na ito, pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na. GAWAIN 1: GEOpardy!
Suriin ang kasunod na GEOpardy board . Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board . Isulat sa sagutang papel ang nabuong tanong at ang sagot nito.
Pacific Ocean
Antarctica
gubat
lahing Austronesian
globo
bundok
compass
bagyo
Tropikal Tropikal
Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig? (Pacifc Ocean) 10
GAWAIN 2:
Graffiti Wall 1
Isulat sa Grafti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba. Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit. Gawain ito sa sagutang papel.
Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?
PAUNLARIN
Matapos ang pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa daigdig, sisimulan ngayon dito ang pagtalakay sa mga konsepto at klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod dito, tatalakayin ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang planeta at tirahan ng lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang mga mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.
11
Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamumuhay. Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng mapanghamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan. Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa si yentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya: HEOGRAPIYA
na saklaw ang http://digital-vector-maps.com/ WORLD/GL-1068-Asia-Globe. htm
anyong lupa at anyong tubig
likas na yaman
klima at panahon
flora (plant life ) fauna (animal life )
distribusyon at interaksiyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito
Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang tema ng heograpiya. Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram.
12
Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya
Limang Tema ng Heograpiya
Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig na may dalawang pamamaraan sa pagtukoy
Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook na may dalawang pamamaraan sa pagtukoy
Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na bumubuo sa grid . Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig. Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito. Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman
Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga sistemang politikal
Rehiyon: Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural
Kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din ang pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran
Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan
may tatlong uri ng distansiya ang isang lugar
Paggalaw: ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar pa tungo sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan
•
•
•
13
Linear - Gaano kalayo ang isang lugar Time - Gaano katagal ang paglalakbay Psychological - Paano tiningnan ang layo ng lugar
GAWAIN 3: Tukoy
- Tema - Aplikasyon
Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Pagkatapos, punan ng inyong pangkat ng kinakailangang impormasyon ang fower chart sa ibaba. 1. May tropikal na klima ang Pilipinas. 2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacifc Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalili butan ng dagat ang bansa. 4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho. 5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran. 7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan. 8. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20΄hilagang latitud at 103º 50΄silangang longhitud. 10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico. Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang pansin ng inyong kapangkat. Suriin ang kalagayang heograpikong napiling bansa katulad ng mga kongkretong halimbawang naayon sa limang tema ng heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain. Lugar
Lokasyon
Napiling Bansa
Interaksiyon ng tao at kapaligiran
Rehiyon
Paggalaw
14
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang napili ayon sa limang tema nito.
2.
Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng bansa?
3.
Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa?
Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit na mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo. Simulan mo na.
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Planets2013.jpg
Nasaan ang planetang Daigdig sa solar system? Ano ang iyong masasabi sa posisyon ng Daigdig sa solar system? Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking bituin, ang Araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa Daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa Araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng Araw. Mahalaga rin ang sinag 15
ng Araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa Daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa Araw bawat taon. Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig. Ang Daigdig ay binubuo ng crust, ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km.
. u 4 s l a r e l n i m m t d h . n r a o r s i k e c t n o i r . _ s w h w t r w a / e / : / p m t t o h c
Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng Daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
Ang Daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle.
Estruktura ng Daigdig
http://en.wikipedia.org/wiki/ Plate_tectonics
Ang Daigdig ay may apat na hating-globo (hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na sa katunayan, umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago.
16
/ p e r p t s e t / g m r f o . c . e l n m o e z h y c d o t u t n s . o w c w m o w c / / / : b / p t t 5 s h s
Paano nakaaapekto ang mga plate sa pagbabago ng hitsura ng ibabaw ng daigdig?
Talahanayan 1.1: Ilang Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig
Tinatayang Bigat (mass)
5.9736 x 1 024 kg
Tinatayang Edad
4.6 bilyong taon
Populasyon (2009)
6 768 167 712
Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng Daigdig
510 066 000 kilometro kuwadrado (km2)
Lawak ng Kalupaan
148 258 000 km kwd (29.1%) (km2)
Lawak ng Karagatan
335 258 000 km kwd (km2)
Pangkalahatang Lawak ng Katubigan
361 419 00 km kwd (70.9%) (km2)
Uri ng Tubig
97% alat, 3% tabang
Circumference o Kabilugan sa Equator
40 066 km
Circumference o Kabilugan sa Poles
39 992 km
Diyametro sa Equator
12 753 km
Diyametro sa Poles
12 710 km
Radius sa Equator
6 376 km
Radius sa Poles
6 355 km
Bilis ng Pag-ikot
Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw sa bilis na 66 700 milya bawat oras (mph), 107 320 km bawat oras
Orbit sa Araw
Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw sa loob ng 365 araw, limang oras, 48 minuto at 46 segundo
17
Longitude at Latitude Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak. Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na matatagpuan sa mapa o globo. Tinatawag na longtitude ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang mga bilog (great circles) na tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole.
Ang Prime Meridian na nasa Greenwich sa England ay itinatalaga bilang zero degree longitude.
Longitude
West
Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o pasilangan, ang International Date Line na matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific Ocean. Nagbabago ang pagtatakda ng petsa alinsunod sa pagtawid sa linyang ito, pasilangan o pakanluran.
East
(+)
(+)
h t t t m t p p : : / c l / / / w a a w s s w s s / w / w w G G . le l . o l o s s a l e s a r n s r a r a y r r n . h. e . y t hm r t oe r o g l m . / j n g l r o / r t j n h o t / r m t / h / t m /
Prime meridian
http://images.yourdictionary.com/ international-date-line
18
http://www.avontrail.ca/ coordinates.html
http://2012books.lardbucket.org/books/regional-geography-of-the-world-globalization-people-and-places/s04-01-geography-basics.html
Tinatawag na latitude ang distansiyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator.
Ang equator ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinatakdang zero degree latitude.
Ang Tropic of Cancer ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5° hilaga ng equator. Ang Tropic of Capricorn ay ang pinakadulong bahagi ng Southern Hemisphere na direkta ring sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5° timog ng equator.
19
GAWAIN 4: KKK GeoCard
Completion
Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format . Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan sa katangiang pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na nasa loob ng kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang salita. Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa papel. Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto sa buhay ng tao at iba pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan?
K
Mga Kataga: 1. Planetang Daigdig 2. mantle 3. plate
K
4. pagligid sa Araw
G
5. longtitude at latitude E O C A R
K
D
20
Ang Klima
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa. Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level .
http://www.qldaccommodation.com/ tag/alaska
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest , coral reef , at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon. GAWAIN 5:
Dito sa Amin
Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na inilalarawan sa mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out . Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng diyagram. Buuin ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diyagram. Ako si ________________________. Narito ako sa _________________________ ______________________________________
Ang klima dito ay
Batay sa taglay na klima at likas na yaman ng aming lugar, ang pamumuhay dito sa amin ay _______________________
Ang mga likas yaman dito ay
_______________________ _______________________
21
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang klima?
2.
Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?
3.
Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar?
4.
Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?
5.
Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon?
Ang mga Kontinente Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan. Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente. Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang Diyagram 1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory.
240 milyong taon – Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean.
200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern Hemisphere.
Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw ng North America at Europe bawat taon.
65 milyong taon – Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti-unting dumidikit sa Asya.
22
May mga kontinenteng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North A merica, at South America, at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ay ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga kontinente ng daigdig. Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang mga kontinente.
Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, at ang kabuuang sukat nito ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat ( 1 /4) na bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig.
23
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran.
Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may habang 7 240 km (4 500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America.
Talahanayan 1.2 – Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente Lawak (km²)
Tinatayang Populasyon (2009)
Bilang ng Bansa
Asya
44 614 000
4 088 647 780
44
Africa
30 218 000
990 189 529
53
Europe
10 505 000
728 227 141
47
North America
24 230 000
534 051 188
23
South America
12 814 000
392 366 329
12
Antarctica
14 245 000
-NA-
0
Australia at Oceania
8 503 000
34 685 745
14
Kontinente
24
Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig, ipinaliliwanag sa ibaba ang mala- jigsaw puzzle na hugis ng South America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa rehiyong tinatawag na Pacic Ring of Fire.
Kung susuriin ang isang mapa, mapapansing ang mga baybayin ng silangang bahagi ng South America at kanlurang bahagi ng Africa ay tila lapat at akma sa isa’t isa na parang mga piraso ng isang malaking jigsaw puzzle . Ito ay sa kadahilanang dating magkaugnay ang dalawang lupaing ito. Habang tumatagal, patuloy pa rin ang proseso ng paglawak ng karagatan sa pagitan nito at ang paglayo ng dalawang nasabing kontinente. Ang paliwanag na ito ay batay sa Continental Drift Theory.
phillipriley.comswiki.wikispaces.net
Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan ng South America at Nor th America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang kontinente.
Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga ito ay nasa Pacic Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacic Ring of Fire na pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong 1815 (92 000 ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36 000 ang namatay); at Mt. Pelee noong 1902 (30 000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala ng malalakas na lindol ay ang China noong 1556 (830 000 ang namatay) at 1976 (242 000 ang namatay); Japan noong 1923 (143 000 ang namatay); Sumatra noong 2004 (227 898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222 570 ang namatay). 25
GAWAIN 6:
Three Words in One
Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/hayop na tinutukoy sa bawat bilang? Isulat ang sagot sa kahon. Gawin ito sa kwaderno. 1.
2. Nile River
Sahara Desert
Rocky Mountains
Egypt
3.
Andes Mountains
4. Cape Horn
K-2
Argentina
5. Kangaroo
Lhotse
Tibet
6.
Tasmanian Devil
Micronesia
?
Appalachian Mountains
Hudson Bay
Iberian Peninsula
Balkan Peninsula
Italy
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?
2.
Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?
3.
Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng Daigdig? 26
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran. Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa. Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29 028 talampakan o 8 848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19 340 talampakan o 5 895 metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18 510 talampakan o 5 642 metro). Tingnan ang Talahanayan 1.3. Talahanayan 1.3: Pinakamataas na Bundok ng Daigdig
Bundok
Taas (sa metro)
Lokasyon
Everest
8 848
Nepal/Tibet
K-2
8 611
Pakistan
Kangchenjunga
8 586
Nepal/India
Lhotse
8 511
Nepal
Makalu
8 463
Nepal/Tibet
Cho Oyu
8 201
Nepal/Tibet
Dhaulagiri
8 167
Nepal
Manaslu
8 163
Nepal
Nanga Parbat
8 125
Pakistan
Annapurna
8 091
Nepal
Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig: Pacic, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60°s latitude. Tingnan ang Talahanayan 1.4 ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig.
27
Talahanayan 1.4: Mga Karagatan sa Daigdig Lawak (sa kilometro kuwadrado)
Average na lalim (sa talampakan)
Pacific Ocean
155 557 000
12 926
Mariana Trench, 35 840 talampakang lalim
Atlantic Ocean
76 762 000
11 730
Puerto Rico Trench, 28 232 talampakang lalim
Indian Ocean
68 556 000
12 596
Java Trench, 23 376 talampakang lalim
Southern Ocean
20 327 000
13 100
(4 000 - 5 000 metro) 16 400 talampakang lalim, ang katimugang dulo ng South Sandwich Trench, 23 736 talampakang lalim (7 235 metro)
Arctic Ocean
14 056 000
3 407
Eurasia Basin, 17 881 talampakang lalim
Karagatan
Pinakamalalim na Bahagi (sa talampakan)
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi ng Pacifc Ocean. Iba pang malalim na trench ay ang Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean . Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea. Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo etal, Edisyon 2012 (pp. 12-20)
Mababasa rin sa AP III Project Effective Alternative Secondary Education (EASE), Modyul 3 - Heograpiya ng Daigdig, pp. 1-40 upang higit na mapagyaman ang sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.
28
GAWAIN 7:
Illustrated World Map
Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na nasa loob ng kahon. Gamitin ang sumusunod na simbolo: (Talain o i xerox ang mapa.) bundok
disyerto
bulubundukin
dagat, look, golpo
ilog
Source: phillipriley.comswiki.wikispaces.net
Anyong Tubig
Anyong Lupa Greenland
Nile River
Madagascar
Amazon River
Borneo
Yangtze River
Mt. Everest
South China Sea
Mt. Kilimanjaro
Mediterranean Sea
Sahara Desert
Caribbean Sea
Himalayas Mountain Range
Bering Sea
Andes Mountain Range
Arabian Sea
Appalachian Mountain Range
Bay of Bengal
Tibetan Plateau
Hudson Bay
Scandanavian Peninsula
Gulf of Mexico
Arabian Peninsula
Persian Gulf
29
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at anyong tubig na makikita sa mapa?
2.
Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan?
3.
Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao?
GAWAIN 8:
The Map Dictates…
Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin ang datos tungkol sa heograpiya ng daigdig batay sa hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang sagot sa papel. Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig. Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan, at isang tangway. Guhitan ng simbolong alon (
) ang limang karagatan ng daigdig.
Tukuyin ang uri ng klima ng mga rehiyong may simbolong KL. Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ng mga lugar na may simbolong YL. Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar na may simbolong H.
KL KL H
YL YL
YL YL
H
YL YL KL KL
YL YL KL KL
H
30
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang masasabi mo tungkol sa daigdig bilang isang planeta?
2.
May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismo at tao? Bakit mo ito nasabi?
3.
Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating kapaligiran at sa heograpiya ng daigdig sa pangkalahatan?
Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod ang pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpi yang pantao. Simulan mo na.
Heograpiyang Pantao Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7, 105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6 200 000 000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.5 ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig. Talahanayan 1.5 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig Pamilya ng Wika
Buhay na Wika
Bahagdan ng mga Nagsasalita
Afro-Asiatic
366
5.81
Bansang Gumagamit ng Wika Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta, Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi Arabia, Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab Emirates, Uzbekistan, at Yemen
31
Austronesian
1 221
5.55
Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook Islands, East Timor, Fiji, French Polynesia, Guam, Indonesia, Kiribati, Madagascar, Malaysia, Marshall Islands, Mayotte, Micronesia, Myanmar, Nauru, New Caledonia, New Zealand, Niue, Northern Mariana Islands, Palau, Papua New Guinea, Philippines, Samoa, Solomon Islands, Suriname, Taiwan, Thailand, Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States, Vanuatu, Viet Nam, Wallis at Futuna
436
46.77
Afghanistan, Albania, Armenia, Austria, Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium, Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria, Canada, China, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Finland, France, Germany, Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland, Isle of Man, Israel, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Macedonia, Maldives, Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway, Oman, Pakistan, Peru, Poland, Portugal, Romania, Russian Federation, Serbia, Slovakia, Slovenia, South Africa, Spain, Sri Lanka, Suriname, Sweden, Switzerland, Tajikistan, Turkey, Ukraine, United Kingdom, United States, Vatican State, at Venezuela
Niger-Congo
1 524
6.91
Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso, Burundi, Cameroon, Central African Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Gabon, Gambia, Ghana, Guinea, Guinea-Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali, Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone, Somalia, South Africa, South Sudan, Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda, Zambia, at Zimbabwe
Sino-Tibetan
456
20.34
Bangladesh, Bhutan, China, Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Pakistan, Thailand, at Viet Nam
Indo-European
India, Nepal,
Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family
32
Relihiyon
Mabibigyang kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapang yarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon.
Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito.
Pinagkunan: The World Factbook 2012
33
Lahi/Pangkat-Etniko
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. Maraming eksperto ang bumuo ng iba-ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon. Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan. Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na heograpiya? 2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa. 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?
4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o isang pangkat ng tao? 5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig?
34
GAWAIN 9: Crossword Puzzle Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang. Gawain ito sa kuwaderno. 1 3
2
4
5
6
7
8
9
10
Pahalang
Pababa
1.
Kaluluwa ng kultura
2.
3.
Sistema ng mga paniniwala at ritwal
Relihiyong may pinakamaraming tagasunod
4.
Pamilya ng wikang may pinakamaraming taong gumagamit
7.
Pagkakakilanlang bayolohikal ng pangkat ng tao
9.
Pamilya ng wikang Filipino
5.
Salitang-ugat ng relihiyon
10.
Matandang relihiyong umunlad sa India
6.
Salitang Greek ng mamamayan
8.
Pangkat ng taong may iisang kultura at pinagmulan
35
PAGNILAYAN AT UNAWAIN Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na katangian at heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalim na pagtalakay sa tulong ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at pamumuhay ng tao.
GAWAIN 10:
My Travel Reenactment
Bumuo ng limang pangkat at sundin ang sumusunod na mga hakbang: 1. Makibahagi sa talakayan ng iyong pangkat tungkol sa hindi malilimutang paglalakbay sa isang lugar. 2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay. 3. Bumuo ng isang pangkatang kuwento. 4. Tiyaking nakapaloob sa kuwento ang mahahalagang konsepto o kaalamang tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig. 5. Pagkatapos, isadula ang kuwento ng paglalakbay habang isinasalaysay ito. 6. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan. 7. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric. Rubric sa Pagmamarka ng My Travel Reenactment Pamantayan
Deskripsiyon
Puntos
Pagsasalaysay
Angkop ang pagsasalaysay sa paksang tinalakay; nakapaloob ang tatlo o higit pang kaalaman ng aralin; madaling unawain ang pagkakasulat ng kuwento; malinaw ang pagbasa ng pagsasalaysay habang isinasagawa ang pagsasadula
10
Pagsasadula
Magaling ang pagsasadula ng kuwento; mahusay na naipakita ng mga tauhan ang kanilang pagarte; kapani-paniwala ang kanilang pagganap
10
Pagkamalikhain
Gumamit ng angkop na props at kasuotan sa pagsasadula; orihinal at makatotohanan ang ginawang pagsasadula
5
Kabuuan
36
25
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat?
2.
Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang kuwento at isinagawang dula?
3.
Paano pinatunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya at pamumuhay ng tao?
4.
Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na katangian ng daigdig?
5.
Anong linya o pahayag sa kuwento ang nakapukaw sa iyong interes? Bakit naging interesante ito para sa iyo?
GAWAIN 11:
Modelo ng Kultura
Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito. 1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan. 2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at bagay na tumutukoy sa lahi, wika, at relihiyon ng bansang pinili ng iyong pangkat. 3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong kasuotan. 4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show. 5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng kasuotang suot ng kapangkat. 6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay sa ibinigay na rubric.
37
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?
2.
Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili ng iyong kapangkat?
3.
Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa batay sa gawain?
4.
Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?
5.
Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao? Rubric sa Pagmamarka ng
Pamantayan
Modelo ng Kultura
Deskripsiyon
Puntos
Nilalaman ng Kasuotan
Wasto ang impormasyong nakasulat at mga bagay o simbolong nakaguhit sa damit; nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng aralin
10
Disenyo ng Kasuotan
Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit; malinaw ang mensahe batay sa disenyo
10
Pagmomodelo
Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa klase; akma ang kilos sa pangkat-etniko o bansang kinakatawan ng modelo
5
Kabuuan
25
Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng bagong Grafti Wall. Pagkatapos ay muling balikan ang naunang Graftti Wall at paghambingin ang dalawang sagot. Gawin sa kuwaderno. Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?
38
ARALIN 2
ANG MGA SINAUNANG TAO ALAMIN Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat na baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong ito sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaralan. GAWAIN 1:
Kung Ikaw Kaya?
Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan ng iyong pagpili.
apoy
bato
kahoy
banga
buto ng hayop
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Alin ang iyong mga pinili?
2.
Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?
3.
Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.
Isunod ngayon ang pagbuo ng I-R-F Chart upang matukoy ang iyong nalalaman tungkol sa mga sinaunang tao.
39
GAWAIN 2: Initial-Refined-Final Idea (I-R-F) Chart
Isulat sa unang kolum ng tsart ang sariling sagot sa tanong. Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon? Alam Ko Ngayon
Nadagdag Kong Kaalaman
Ito Na Ang Alam Ko
PAUNLARIN Pagkatapos masabi ang alam mo ngayon tungkol sa paksa, ay maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga sinaunang tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizers, at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman. Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang Homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon. May tatlong pangkat ng Homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao mula sa pagiging ape hanggang sa paglitaw ng mga Homo sapiens.
Ape – sinasabing pinagmulan ng tao
Chimpanzee – pinapalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao, ayon sa mga siyentista
Australopithecine – tinatayang ninuno ng makabagong tao; Ape na may kakayahang tumayo nang tuwid
http://www.thejunglestore.com/ape http://news.nationalgeographic.com/news/2012/10/121026-australopithecus-afarensis-human-evolution-lucy-scapula-science/ http://en.wikipedia.org/wiki/Homo_erectus
40
Homo habilis, Homo erectus, at Homo sapiens – mga pangkat ng homo species
Lucy – pinakatanyag na Australopithecus afarensis na natuklasan ang mga labi noong 1974
Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. •
•
•
•
•
Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age)
Lower Paleolithic Period •
Nagwakas dakong 120000 taon na ang nakararaan
Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang paleos o matanda at lithos o bato
•
Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig
•
Hindi pa lumilikha ng mga kasangkapan
•
Ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato
•
Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato
Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga Hominid Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao
Panahong Paleolitiko dakong 2 500 000 – 10 000 BCE Upper Paleolithic Period
Middle Paleolithic Period
•
Dakong 40000 – 8500 taon ang nakararaan
•
Dakong 120000 – 40000 taon ang nakararaan
•
Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak
•
Paglitaw ng makabagong tao noong 100000 taon ang nakalilipas
•
Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato
•
Nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi
•
•
Ang mga yaong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga Taong Cro-Magnon Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan.
41
Mga Tanyag na Prehistorikong Tao Ang Homo sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens neanderthalensis (circa 200000 - 30000 CE). Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba. Homo sapiens neanderthalensis
Cro-Magnon
ttp://en.wikipedia.org/wiki/File:Homo_ sapiens_neanderthalensis.jpg
http://en.wikipedia.org/wiki/ File:Cro-Magnon.jpg
Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.
42
•
Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng Bagong Bato (New Stone Age) na
•
Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi.
•
Hango sa mga salitang Greek na neos o bago at lithos o bato.
•
•
Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya.
Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim.
•
Isa itong rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa pagkain.
•
Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang mga pananim.
Panahong Neolitiko dakong 10 000 – 4 000 BCE •
May populasyong mula 3000 – 6000 katao
•
Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan
•
Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay
•
May paghahabi, paggawa ng mga alahas, salamin, at kutsilyo
•
Catal Huyuk – Isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon)
•
Isang pamayanang sakahan
Teksto mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo etal. Edisyon 2012 pp.12-20
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 BCE. Inilalarawan sa susunod na diyagram – ang Panahon ng Metal.
43
Panahon ng Tanso
Panahon ng Bronse
•
•
Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito.
•
Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay,
•
Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat,
•
Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook.
•
•
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 BC sa ilang lugar sa Asya, at 2000 BCE sa Europe at 1500 BCE naman sa Egypt. Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.
Panahong Metal 4 000 BCE – Kasalukuyan
Persian Silver Cup
Panahon ng Bakal
http://en.wikipedia.org/wiki/ File:Elam_cool.jpg
•
Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng IndoEuropeo na nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1500 BCE.
•
Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal.
•
Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal.
•
Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian.
Teksto mula sa Araling Panlipunan III Project EASE Modyul 2
44
GAWAIN 3: I-Tweet Mo!
Bumuo ng anim na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga kailangang impormasyon ang “I- Tweet Mo! Organizer.” Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa sa binasa. Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong Paleolitiko, at sa pangkat 3 at 4 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon ng Metal. Ibibigay ng bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng mga tweet o maiikling pahayag. Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng komento ng diyagram. @Paraan ng Pamumuhay ___Tweet :_______________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Komento
@Paraan ng Pamumuhay ___Tweet :_______________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Komento
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao?
2.
Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay?
3.
Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang tao?
45
GAWAIN 4: Tower of
Hanoi Chart
Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon. Gawin ito sa kuwaderno.
Malaki ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan.
Malaki ang naging epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao.
1.
Higit na umunlad ang pamumuhay ng tao dahil sa paggamit ng metal.
1.
2.
1.
2.
3.
2.
3.
?
3.
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakatalang kongklusyon?
2.
Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga sinaunang tao? Patunayan.
3.
Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito ng mga sinaunang tao? Pangatuwiranan.
4.
Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at ebidensiyang nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao sa daigdig? 46
GAWAIN 5: Ano
Ngayon Chart
Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa kasalukuyang pamumuhay. Nararapat din iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan. Tukuyin ang kahalagahan sa kasalukuyan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon Chart.
Mga pangyayari sa iba-ibang yugto ng pag-unlad
Kahalagahan sa Kasalukuyan
Paggamit ng apoy
Pagsasaka
Pag-iimbak ng labis na pagkain
Paggamit ng mga pinatulis na bato
Paggamit ng mga kasangkapang metal
47
Pagtatayo ng mga permanenteng tirahan
Pag-aalaga ng mga hayop
Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon Chart
Pamantayan
Paglalarawan
Puntos
Nilalaman
Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga pangyayari noong sinaunang panahon sa kasalukuyan
10
Ebidensiya
Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng mga kongkretong halimbawa
10
Kabuuan
?
20
Pamprosesong mga Tanong 1.
Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang panahon?
2.
Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao?
3.
Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?
Sa pagkakataong ito, muling balikan ang iyong I-R-F Chart. Muling sagutin ang tanong na nasa itaas ng chart . Isulat ito sa ikalawang kolum, sa Refned Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula sa pagbabasa ng mahahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing nagpayabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga konsepto sa Initial Idea.
48
PAGNILAYAN at UNAWAIN Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa iyo na makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman sa pangkatang gawain sa bahaging ito.
GAWAIN 6: Archaeologist at
Work
Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar. Inyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet 1. Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at sama-samang sagutan ang Artifact Analysis Worksheet 2. Task Card
Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na kasa lukuyang naghuhukay sa Catal Hüyük. Nakapaloob sa task card na ito ang ilang artifact na natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar.
Ang Iyong Misyon Gamit ang Artifact Analysis Worksheet 1, suriin ang bawat artifact na nahukay sa Catal Hüyük. Tingnan ang pisikal na katangian, gamit, at kahalagahan ng mga artifact na ito.
Kaligirang Impormasyon Ang Catal Hüyük sa kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanan na ito 9000 taon na ang nak araraan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24 football fields . Malapit ang Catal Hüyük sa pampang ng Ilog Carsamba.
Artifact Analysis Worksheet 1
Artifact Analysis Worksheet 2
1. Ano ang artifact ? Ilarawan ang mga katangian nito?
1. Ano-ano ang katangian ng Catal Hüyük batay sa iyong ginawang imbestigasyon?
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito noong sinaunang panahon?
2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng mga taga-Catal Hüyük sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang sumusunod na aspekto:
_____________________________________
3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa kasalukuyang panahon?
a. pang-araw-araw na gawain
_____________________________________
4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito tungkol sa Catal Hüyük?
b. paraan ng paglilibing
d. pinagkukunan ng pagkain
c. sining
_____________________________________
49
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa pagtukoy sa kultura ng mga taong nabuhay sa Catal Hüyük?
2.
Ano ang mga patunay na ang Catal Hüyük ay lumitaw noong panahong Neolitiko?
3.
Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay sa Catal Hüyük at sa kasalukuyang pamumuhay?
Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work Pamantayan
Paglalarawan
Puntos
Artifact Analysis Worksheet 1
Mahusay na nasuri ang katangian ng bawat artifact; mahusay na natukoy ang gamit at kahalagahan ng mga na ito
10
Artifact Analysis Worksheet 2
Mahusay na nailarawan ang mga katangian ng Catal Hüyük gamit ang mga sinuring artifact; mahusay na napaghambing ang pamumuhay sa Catal Hüyük sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang iba’t ibang aspekto
10
Pag-uulat
Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilalahad na kasagutan; mahusay na nalagom ang mga impormasyong inilahad
5
Kabuuan
50
25
Mural Painting
Isang Pigurin
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Community College http://users. stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Community College http://users. stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.
Obsidian Arrow Head
Ceremonial Flint Dagger
Imahe mula kay Prof Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc.edu/ mfuller/catalhuyuk.html.
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc. edu/mfuller/catalhuyuk.html.
Mga Palamuti mula sa mga Bato at Buto ng Hayop
Labing Nahukay sa Loob ng Bahay sa Catal Hüyük
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc. edu/mfuller/catalhuyuk.html.
Imahe mula sa Science Museum of Minnesota, www.smm.org/catal
51
Pagkatapos talakayin ang mga sagot sa Archaeologist at Work, muling sagutin ang tanong na nasa I-R-F Chart. Sa puntong ito, ilagay ang sagot sa huling kolum na Final Idea. Pagkatapos ay ibahagi sa klase ang lahat ng iyong kasagutan sa tatlong kolum ng chart .
52
ARALIN 3
MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG ALAMIN
Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao, na mapaunlad ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat ng tao sa kasalukuyang panahon. Halina at pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. GAWAIN 1: Picture Frame
Masdan ang tatlong picture frame at pansining walang laman ang bawat isa. Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na guguhit ng larawan mula sa salitang inilaan ng guro sa bawat frame. Isulat sa papel ang natatanging salitang tumutukoy sa mga naguhit na larawan.
K
53
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?
2.
Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong frame, ano ang iyong pagkakaunawa sa salitang “kabihasnan?”
GAWAIN 2: WQF
Diagram
Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na gagawan ng WQF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito: 1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang maiuugnay sa paksa. 2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot tungkol sa paksa. 3. Ipagpaliban ang pagsagot sa bilog “F” ( facts). Babalikan ito pagkatapos ng Pagnilayan at Unawain. Paksa: Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig
W
Q
F
Pagkatapos lagyan ng mga salita at tanong ang W at Q sa WQF Diagram, malalaman mo kung wasto ang iyong mga sagot sa pagpapatuloy ng pagaaral ng araling ito. Ipagpatuloy natin.
54
PAUNLARIN Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Gayon din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng mga nanirahan sa mga kabihasnang ito. Maging matalino sa pagsagot ng mga gawain sa bahaging ito simulan mo na. Kabihasnan – Katuturan at mga Batayan
a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral.
b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may kaugnayan sa kabihasnan. c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling pagpapakahulugan ng salitang kabihasnan? d. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga pampropsesong tanong.
hp://revphil2011.wordpress.com/2011/07/28/ghng-for-the-crown/
hp://www.shfarming.com/lapia.html hp://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=8&t=110850&p=2818140
hp://depositphotos.com/4400538/stock-photo-Ancientegypt-hieroglyphics-on-wall.html
hp://listdose.com/top-10-invenons-that-changed-human-lives-forever/
55
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
2.
Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
3.
Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
4.
Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
5.
Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng mataas na antas ng agham at teknolohiya?
6.
Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America?
Sa puntong ito, malinaw na ang katuturan ng kabihasnan at ang mga batayan upang maituring na kabihasnan ang isang pamayanan. Sa pagtalakay ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, mahalagang talakayin ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng mga kabihasnan noong sinaunang panahon.
56
Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan
Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan ang mapa ng bituin (✩) na kumakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Mesopotamia (Iraq)
Egypt
Huang Ho (China)
Indus (India at Pakistan) Mesoamerica
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa heograpikal na kalagayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Maaari mo nang simulan.
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at potamos o “ilog.” Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.
57
Heograpiya ng Mesopotamia
Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaing matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt ). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim. Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar. Sa mga taong 5500 BCE, daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapang yarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives. Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito. 58
Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga, nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian. Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India. Heograpiya ng Lambak ng Indus
Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE. Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo BCE. Sa kasalukuyan tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
Mapa ng Indus Valley http://www.mapsofndia.com/history/indusvalley-civilization.html
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900 km.(1800 milya) at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain. Daan-daang pamayanan ang nanahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000 BCE Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos na mga kalsada. Ang sumunod na limang siglo, ay nagkaroon din ito ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
59
Sa kasalukuyan, isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Mapa ng Kabihasnan sa China http://history.howstuffworks.com/asian-history-of-china.htm
Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.
Heograpiya ng Ilog Huang Ho
Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas ang pagbabaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyonal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbabahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
60
Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo. Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 BCE Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile. Heograpiya ng Egypt
Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga. Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.
61
Mapa ng Egypt
http://egypt-trade.wikidot.com/
Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan. Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito. Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.
Ang Kabihasnan sa Mesoamerica Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o hunter ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America. Heograpiya ng Mesoamerica
Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna.” Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan
62
Mapa ng Mesoamerica http://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations/ mesoamerica.html
ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacifc at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito. Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo etal., (2012), pp. 75-82
Mababasa rin sa EASE Araling Panlipunan III Modyul 3 – Ang Unang Kabihasnan pp. 7-15, p.22, p.54 upang higit na mapagyaman ang kaalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
63
GAWAIN 3:
Triple Matching Type
Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan.
A
B
C
Sa pagitan ng mga ilog
Lupain ng Yucatan Peninsula Timog ng Mediterranean
Egypt
Nasa gitna ng kontinente
Tsino
Biyaya ng Nile
Indus
Nasa tangway ng Timog Asya
Dumadaloy ang Indus River
May matabang lupain sa Huang Ho
Nasa Kanlurang Asya
Mesoamerica Mesopotamia
?
Nasa kanluran ng Yellow Sea
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa?
2.
Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan?
3.
Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipali wanag ang sagot.
GAWAIN 4:
Geography Checklist
Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklist sa ibaba. 1. Makilahok sa iyong pangkat. 2. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin: (1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang Egyptian, (3) Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5) Kabihasnang Mesoamerica.
64
3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong pangkat. Pagkatapos ay gumawa ng checklist (magagawa sa manila paper) sa tulong ng sumusunod na panuto: Isulat ang kabihasnang nakatalaga sa pangkat
Geography Checklist Kabihasnan: Katangiang Heograpikal:
Magtala ng 5 hanggang 10 katangiang heograpikal ng kabihasnang nakatalaga sa pangkat.
4. Kapag kumpleto na ang checklist ng iyong pangkat, makipag-usap sa ibang pangkat. 5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibang pangkat. 6. Muling gamitin ang checklist at sundin ang sumusunod na panuto: Isulat ang pangalawang kabihasnang ihahambing
Isulat ang pangatlong kabihasnang ihahambing
Geography Checklist Kabihasnan: Katangiang Heograpikal:
Lagyan ng tsek (3) ang kahon kung taglay ng mga kabihasnang tinukoy ang mga katangiang heograpikal ng kabihasnan ng iyong pangkat.
7. Ipaskil ang ginawang checklist . Iulat sa klase ang output ng paghahambing ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal. Suriin ang nabuong checklist ng lahat ng pangkat.
65
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
2.
Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang kabihasnan?
3.
Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao?
4.
Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot.
Sa tulong ng natapos na gawain, inaasahang nabigyang linaw ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Sa pagkakataong ito, iisa-isahin ang mahahalagang datos tungkol sa mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at kontinente ng America.
66
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya Sumer (3500 - 2340 BCE)
Ziggurat http://www.bible-archaeology. info/ziggurats.htm
Akkad (2340 - 2100 BCE)
Sargon I http://en.wikipedia.org/wiki/Sargon_of_Akkad
•
Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak ilog.
•
Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang hari.
•
Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod.
•
Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o o may katangian at pag-uugaling tao.
•
Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at at clay o o luwad na lapida
•
Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
•
Madalas ang tunggalian ng mga lungsod estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.
•
Sinakop ni Sargon I (2334 - 2279 BCE) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.
•
Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade.
•
Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram Sin (2254 - 2218 BCE)
•
Noong 2100 B.C.E. panandaliang nabawi ng lungsod-estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad.
•
Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.
67
Babylonian (1792 - 1595 BCE)
•
Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon, ang Mesopotamia.
•
ang Babylon ay naging kabisera ng Imperyong Babylonia.
•
Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur.
•
Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
•
Noong 1595 BCE sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod-estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang pinuno.
•
Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagangsilangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey).
•
Noong 1120 BCE, nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114 - 1076 BCE) ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian.
•
Noong ika-9 na siglo BCE, nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo.
•
Isa si Ashurbanipal (circa 668 - 627 BCE) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa k aniyang panahon.
•
Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
•
Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
•
Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E.
•
Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
•
Noong 539 BCE, ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia.
Code of Hammurabi http://commons.wikimedia.org/ wiki/File:Code-de-Hammurabi-1.jpg
Assyrian (1813 - 605 BCE)
Ashurbanipal http://commons.wikimedia.org/ wiki/File:Kinadshburn.JPG
Chaldean (612 - 539 BCE)
Hanging Gardens http://en.wikipedia.org/wiki/ File:Hanging_Gardens_of_ Babylon.jpg
Sa silangan ng Mesopotamia, partikular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo. 68
Persian (539 - 330 BCE)
Cyrus the Great http://en.wikipedia.org/wiki/Cyrus_ the_Great
GAWAIN 5:
•
Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa Persia (kasalukuyang Iran) and sentro ng imperyong ito.
•
Sa ilalim ni Cyrus the Great (559 - 530 BCE) nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor (kasalukuyang Turkey).
•
Darius the Great (521 - 486 BCE) – umabot ang sakop hanggang India.
•
Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
•
Nagpagawa rin dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa.
•
Napatanyag din ng mga Persian ang pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.
Complete It!
A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang letra sa patlang. Gawain ito sa kuwaderno. 1. ___ ___ M ___ ___ – Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia 2. ___ K ___ ___ ___ – Unang imperyong itinatag sa daigdig 3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ – Kabisera ng Imperyong Babylonia 4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ – Imperyong itinatag ni Nabopolassar 5. ___ ___ T ___ ___ ___ – Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia
6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ – Imperyong itinatag pagkatapos ng Babylonia B. Isulat ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang makumpleto ang pangungusap. 1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil ____________ _________________________________________________. 2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I sa kasaysayan nang __ _________________________________________________. 69
3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang _____________________ _________________________________________________. 4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang ___ _________________________________________________. 5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa Imperyong Persian ang ___________________________________ _________________________________________________.
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?
2.
Sino-sino ang mga pinunong namahala sa Imperyo?
3.
Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?
4.
Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong at pagbagsak ng mga kabihasnan?”
70
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro na ipinakikita sa kasunod na diyagram.
http://www.thenagain.info/webchron/india/harappa.html
•
Natuklasan ang dalawang lungsod na ito sa lambak Indus at tinatayang umusbong ito noong 2700 BCE
•
Sinasabing ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
•
Planado at malalapad ang mga kalsada nito.
•
Ang mga gusali ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo.
Harappa Natagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan. May 350 milya ang layo nito mula sa Mohenjo-Daro pahilaga.
•
Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kaunaunahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system.
http://en.wikipedia.org/wiki/Mohenjo-daro
Mohenjo-Daro Ang Mohenjo-Daro ay nasa katimugang bahagi ng daluyang Indus River.
Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha sila ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto, tulad ng bulak, mga butil, at tela. Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nagaalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula rito. Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat ng butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang mga gawain. Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga
71
mangangalakal. May mga bahay ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan ito ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao. Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak, mga butil, turquoise, at ivory. Natagpuan din sa Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na representasyon ng isang bagay sa anyong larawan. Sewer System Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang http://www.mitchellteachers.org/WorldHistory/ kilalanin ang mga paninda. Patunay lamang ang IndiaUnit/images/mohenjodaro/WaterChannelPic_large.jpg kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnan noon pa mang 2300 BCE. Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.
Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 BCE subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak. May iba’t ibang paliwanag tungkol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan. May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 BCE Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohen jo-Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wakas sa kabihasnang Indus. Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass. Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang Indus. 72
Steatite Seal http://phys.org/news168539680.html
Ang Panahong Vedic (1500 - 500 BCE)
Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European. Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit. Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman tungkol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagangkanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain, at mga salaysay. Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 BCE hanggang 500 BCE na tinatawag ding panahong Vedic. Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran. Hindi na pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema ng pagsulat. Pagsapit ng 1100 BCE , tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India. Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: – maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan. Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw din ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay. Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo ng mga pari. Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nangangahulugang “lahi” o “angkan.”
73
Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng mga tao.
Brahmin kaparian
Ksatriya mandirigma
Vaisya mangangalakal, artisan, magsasakang may lupa
Sudra magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan
Pariah naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay, nagbibitay sa mga kriminal
GAWAIN 6: Tatak-Kabihasnan sa
Timog Asya
A. Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawan sa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog Asya. Pagkatapos, ay isulat sa loob ng bilog ang datos at kahalagahan nito sa kanilang pamumuhay.
74
B. Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at Panahong Vedic. Sa pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito sa kasalukuyan.
Ambag ng Kabihasnan
?
Kapakinabangan Ngayon
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan ang mga ito.
2.
Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?
3.
Ano ang iyong opinyon tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa India batay sa sistemang caste? Ipaliwanag ang sagot. 75
Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 BCE - 500 CE)
Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyon ng Punjab, nagsimulang tunguhin ng mga Aryan ang bahaging pasilangan. Mga 600 BCE noon at 16 na pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang India mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito ang Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara. Pagsapit ng 500 BCE, ang malaking bahagi ng hilagang India ay pinanirahan at sinaka ng mga Aryan. Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa ilalim ng monarkiyang namamana. Ang mga umuunlad na estadong ito ay nangailangang mangolekta ng buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo, at magtayo ng mga bagong lungsod at lansangan. Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain, mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at elepante na mahalaga sa panahon ng digmaan at pagsasaka. Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha si Bimbisara (545-494 BCE) Nagpagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan, at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-lugar. Lalo pang pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. Nang lumaon, nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng Ganges at buong hilagang India hanggang Punjab. Ito ang naging pinakamalawak na kaharian sa panahong ito. Ang kabisera nito ay nasa Pataliputra na ngayon ay makabagong Patna sa Bihar. Halos kasabay ng panahong lumalakas ang Magadha, isang hukbong pinamunuan ni Cyrus the Great mula Persia ang sumalakay sa hilagang-kanlurang India. Noong 518 BCE nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang mga Lam bak ng Indus at Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng Persia sa loob ng halos dalawang siglo. Ang mga lungsod ng Persia ay naging sentro ng kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa iba’t ibang kaharian ay maaaring makapag-aral. Tinapos ni Alexander the Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng Persia. Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas patungong India noong 327 BCE. Matapos ang madugong pakikipagtunggalian ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang puwersa ng mga Persian at Indian, nagawa rin nilang matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo ng kanilang nilakbay at labis na kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander ay nagbantang mag-alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang India. 76
Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit o ng sakuna. Bukod dito, kulang na ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan. Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 BCE, ang bahagi ng hilagang-kanlurang India ay naiwang walang mahusay na pinuno. Pagkatapos nito, iba’t ibang mga imperyo ang naitatag sa India. Tunghayan ang kasunod na diyagram. Imperyong Maurya Pagkatatag •
Noong 322 BCE, nasakop ni Chandragupta Maurya ang dating kaharian ng Magadha at tinungo ang mga naiwang lupain ni Alexander. Sakop ng imperyo ang hilagang India at bahagi ng kasalukuyang Afghanistan.
Mahalagang Pangyayari
Lions of Sarnath http://en.wikipedia.org/wiki/Emblem_of_india
Pagbagsak •
Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang mga estadong malayo sa kabisera. Sa pagbagsak ng Imperyong Maurya noong ikalawang siglo BCE nagtagisan ng kapangyarihan ang mga estado ng India. Sa sumunod na limang siglo, ang hilaga at gitnang India ay nahati sa maliliit na kaharian at estado.
77
•
Ang kabisera ay nanatili sa Pataliputra.
•
Tagapayo ni Chandragupta Maurya si Kautilya, ang may akda ng Arthasastra. Naglalaman ito ng mga kaisipan hinggil sa pangangasiwa at estratehiyang politikal.
•
Ang imperyo ay pinamunuan ni Ashoka o Asoka (269-232 BCE) ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig. Matapos ang kaniyang madugong pakikibaka sa mga kalinga ng Orissa noong 261 BCE na tinatayang 100,000 katao ang nasawi, tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha.
Imperyong Gupta
Pagkatatag •
Ang pangalan nito ay hango mula sa pangalan ng naunang imperyo. Itinatag ito ni Chandragupta I (Circa 319-335 CE)
Mahalagang Pangyayari
Si Reyna Kumaradevi at Chandragupta I http://commons.wikimedia.org/ wiki/File:Queen_Kumaradevi_ and_King_Chandragupta_I_on_a_ coin_of_their_son_Samudragupta_350_380_CE.jpg
Pagbagsak •
Sa pagsapit ng ikaanim na siglo CE, nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop, ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya.
78
•
Chandragupta II (Circa 376 - 415 CE). Nakontrol uli ang hilagang India. Muli, ang kabisera ng imperyo ay nasa Pataliputra.
•
Itinuturing itong panahong klasikal ng India.
•
Naging epektibo ang pangangasiwa samantalang ang panitikan, sining, at agham ay yumabong.
•
Maunlad ang mga larangan ng Astronomiya, Matematika, at Siruhiya (surgery) sa panahong ito.
•
Si Kalidasa, ang kinikilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng India, ay nabuhay sa panahong ito bagama’t hindi alam ang eksaktong petsa. Ang dulang Sakuntala na tinatayang isinulat niya noong ikaapat o ikalimang siglo CE ay hango mula sa kaisipang Hindu.
Imperyong Mogul
Pagkatatag •
Itinatag ang Mogul nang masakop ni Babur ang hilagang India at Delhi noong 1526.
Mahalagang Pangyayari
Taj Mahal http://commons.wikimedia.org/ wiki/File:Taj_Mahal_2012.jpg
Pagbagsak •
Sa pagsapit ng ikaanim na siglo CE, nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop, ang mga WHite Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya.
•
Labis na humina ang Mogul dahil na rin sa pagdating ng makapangyarihang English sa India.
79
•
Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim ni Akbar na namuno sa kabuuan ng hilagang India mula 1556 hanggang 1605.
•
Nagpatupad siya ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa.
•
Ilan pang magagaling na pinuno ang humalili kay Akbar tulad nina Shah Jahan na nagpatayo ng Taj Mahal at Aurangzeb na nagbawal ng sugal, alak, prostitusyon, at sati (suttee) o pagsunog ng buhay sa mga biyuda.
GAWAIN 7:
Empire Diagram
Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa Timog Asya. Sa mga unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Sa mga ikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawan ang bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mga itinatag na imperyo sa Timog Asya. Imperyo sa Timog Asya
Maurya
Gupta
Mogul
Datos:
Datos:
Datos:
•
•
•
•
•
•
•
•
•
Pinuno:
Pinuno:
Pinuno:
•
•
•
•
•
•
•
•
•
Aral na Natutuhan:
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang imperyo?
2.
Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya?
3.
Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang kabihasnan? 80
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon. Suriin ang kasunod na diyagram:
Kabihasnang Tsino Xia (2000 - 1570 BCE)
•
Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho.
•
Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya.
•
Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito.
•
Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.
•
Malimit ang isinasagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na pinuno.
Oracle Bone http://en.wikipedia.org/wiki/ File:Orakelknochen.JPG
•
Pinatalsik ang Shang noong 1045 BCE
Zhou o Chou (1045 - 221 BCE)
•
Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan” na ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit. Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapang-abuso, ay babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste, o digmaan.
•
Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:
Shang (1570 - 1045 BCE)
Confucius
–
Confucianism – Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong ; ipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.
–
Taoism – Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
–
Legalism – Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan.
http://en.wikipedia.org/wiki/FileConfocius_Tang_Dynas
81
Q’in o Ch’in (221 - 206 BCE)
Confucius
http://en.wikipedia.org/wiki/ File:The_Great_Wall_of_China_at_ Jinshanling.jpg
Han (202 BCE - 200 CE)
Sui (589 - 618 CE)
•
Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng dinastiyang Zhou.
•
Sa ilalim ng Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221 - 210 BCE)
•
Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China. May haba itong 2400 kilometro o 1500 milya.
•
Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui Bang.
•
Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism.
•
Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.
•
Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin ang watak-watak na teritoryo ng China.
•
Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall of China na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze.
•
Li Yuan – dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag niya ang dinastiyang T’ang.
•
Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya.
•
Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga k araniwang tao.
•
Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa panahong T’ang.
•
Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu’t saring pag-aalsang naganap sa China.
Grand Canal http://en.wikipedia.org/wiki/ File:Kaiserkanal01.jpg
T’ang (618 - 907 CE)
Mapa ng China sa ilalim ng T’ang http://en.wikipedia.org/wiki/ File:Tang_Dynasty_circa_700_CE.png
82
Song (960 - 1127 CE)
Yuan (1279 - 1368 CE)
Ming (1368 - 1644 CE)
Forbidden City http://en.wikipedia.org/wiki/File:Forbidden_City_Courtyard.jpg
•
Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinastiyang ito.
•
Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.
•
Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag.
•
Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napilitan ang Sung na iwanan ang kabisera nito noong ika-12 siglo.
•
Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang barbaro.
•
Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspek tong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa China na hindi nila pinagkatiwalaan.
•
Pagkatapos ng mga labanan, dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong sakop mula Timog-silangang Asya hanggang silangang Europe.
•
Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang dinastiyang Ming.
•
Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador.
•
Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He.
•
Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type . Lumaki rin ang populasyon ng China na umabot sa 100 milyon.
•
Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan. Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea.
83
Qing o Ch’ing (1644 - 1911)
Mapa ng China sa ilalim ng T’ang
•
Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang Dinastiyang Ming ng mga semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na barbarong dayuhan.
•
Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban sa England (1839-1842) at laban sa England at France (1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo. Tinutulan ng pamahalaang China ang pagbebenta ng opyo ng Europeo sa China, dahil nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan ng lipunan.
•
Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa.
•
Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang labanan ang panghihimasok ng mga Kanluranin. Nais din ng Rebelyong Taiping na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino. Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang mga mapanghimasok na Kanluranin.
•
Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French (1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (18941895).
•
Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng China.
http://www.inquirer.net/
84
GAWAIN 8: Maramihang
Pagpili sa Tsart
A. Buuin ang tsart sa pamamagitan pamamagitan ng pagtukoy pagtukoy ng mahahalagang mahahalagang impormasyon impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang sagot sa loob ng mga bilog. Kabihasnang Tsino
Mga Dinastiya: Chou, Ming, Q’ing, Shang, Sui, T’ang, Yuan
1.
Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang Tsinong nabuhay nabuhay sa dinastiyang ito
2.
Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China
3.
Huling dinastiya sa China
4.
Yumaong Yumaong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog humubog sa kamalayang kamalayang Tsino tulad ng Confucianism, Taoism, Taoism, at Legalism
5.
Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito
6.
Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap lumaganap ang kaisipang Mandate of Heaven
7.
Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito
Mga Tauhan: Zheng He, Kublai Khan, Confucius, Shi Huangdi
8.
Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang emperador”
9.
Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China
10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon ekspedisyon sa Indian Ocean at at silangang bahagi ng Africa 11. Nakasentro sa kaniyang kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism
Mga Ambag: Great Wall, Forbidden City, Mandate of Heaven, Taoism
12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador 13. Nagsilbing tanggulan ang ang estrukturang ito laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang China 14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming 15. Hangad ng kaisipang ito ito ang balanseng kalikasan at at pakikiayon ng tao sa kalikasan
85
Kabihasnang Egyptian Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos d iyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt. Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga Egyptologist. Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt sa sumusunod na pagpapanahon: 1
Pre-dynastic Period
Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya
Nauna sa 3100 BCE
2
Early Dynastic Period
Panahon ng mga Unang Dinastiya
Una at Ikalawang Dinastiya (circa 3100 - 2670 BCE)
3
Old Kingdom
Matandang Kaharian
Ikatlo hanggang Ikaanim na Dinastiya (circa 2670 - 2150 BCE)
4
First Intermediate Period
Unang Intermedyang Panahon
Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya (circa 2150 - 2040 BCE)
5
M i d dl e Kingdom
Gitnang Kaharian
Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (circa 2040 - 1650 BCE)
6
Second Intermediate Period
Ikalawang Intermedyang Panahon
Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya (circa 1650 - 1550 BCE)
7
New Kingdom
Bagong Kaharian
Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya (circa 1550 - 1070 BCE)
8
Third Intermediate Period
Ikatlong Intermedyang Panahon
Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya (circa 1070 - 664 BCE)
9
Late Period
Huling Panahon
Ika-26 hanggang Ika-31 Dinastiya (circa 664 - 330 BCE)
86
Nangingibabaw ang bawat dinastiya hangga’t hindi ito napatatalsik o walang tagapagmana sa trono. Ang mga petsa ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Egypt ay patuloy pa ring paksa ng mga pananaliksik kaya di pa maitakda ang tiyak na petsa. Suriin ang kasunod na diyagram upang higit na maunawaan ang daloy ng sinaunang kasaysayan ng Egypt.
3 1
5
2
4
7 6
8
9
Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya Nile
hieroglyphics
nome
nomarch
Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek. Ang sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari. Pagsapit ng ikaapat na milenyo BCE, ang ilang pamayanan ay naging sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panrehiyong pagkakakilanlan. Tungkol saan ang larawan? larawan?
Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng mga sinaunang Egyptian?
http://en.wikipedia.org/wiki/ Hieroglyphics
87
3 1
5
2
4
7 6
8
9
Panahon ng mga Unang Dinastiya Upper Egypt
Lower Egypt
menes
Memphis
Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo. Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. Unti-unti ring lumaki ang populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang sakahan. Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt at Lower Egypt. Noong 3100 BCE, isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan ni Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain sa mahabang panahon. Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes. Tungkol saan ang nasa larawan?
Ano ang nais ipahiwatig nito?
3 1
2
5 4
6
Matandang Kaharian Great Pyramid
Khufu
7
Seven Wonders Pepi II
88
8
9
Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. Ang mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruktura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo naman mula sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo noong 2600 BCE. Ito ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro. Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga piramide. Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na. Ang mga piramide ang tanging estrukturang Egyptian na nananatili sa kasalukuyang panahon. Kabilang ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na itinala ng mga Greek na pinakamagandang arkitektura sa mundo.
Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide, itinuon na lamang ng mga pharaoh ang panahon sa iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito ang paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis ang kalakalan at transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian sa Nile Delta upang maging bagong taniman. Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90 BCE). Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno na nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono. Namatay siya sa edad na 100. Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay. Ang kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na taggutom at mahinang pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa loob halos ng dalawang siglo. Unang Intermedyang Panahon
Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 BCE, tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.
89
Anong estruktura ang nasa larawan?
Paano inilarawan ng estruktura ang taglay na kabihasnan ng mga sinaunang Egyptian?
http://en.wikipedia.org/wiki/ gizapryramid
3 1
2
5 4
7 6
8
9
Gitnang Panahon Mentuhotep I
Itjtawy
Amenemhet II
Hyksos
Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera sa Itjtawy (ipinapalagay na ngayon ay El-Lisht) sa Lower Egypt. Sa panahon ni Senusret I o Sesostris I (1970 - 1926 BCE), nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia. Noong 1878 BCE, ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878 - 1842 BCE) ang kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria. Ang pinakamahusay na pinuno ng panahong ito ay si Amenemhet II (1929 - 1895 BCE) na namayani sa loob ng 45 taon. Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan. Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. Ang katagang Hyksos ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang lupain.” Sinamantala nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa katimugan. Nagsimula ang pamamayani ng mga 90
Hyksos noong 1670 BCE at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob ng isang siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot ay natutuhan din ng mga Egyptian. Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula ang panibagong panahon sa kasaysayan ng Egypt. Ikalawang Intermedyang Panahon
Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13 Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile Delta. Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris. Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng Ika-17 Dinastiya. Naga wang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt. Anong pangkat ng tao ang nasa larawan?
Ano ang bahaging kanilang ginampanan sa kasaysayan ng sinaunang Egypt? http://en.wikipedia.org/wiki/ File:Ibscha.jpg
3 1
2
5 4
7 6
8
9
Bagong Kaharian Empire Age
91
Ahmose
Hatsheput
Akhenaton
Rameses II
Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya. Tinatawag din ito bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570 - 1546 BCE) ang mga Hyksos mula sa Egypt noong 1570 BCE. Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa Delta hanggang Nubia sa katimugan. Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na mga pharaoh. Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa katimugan hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittite at Mitanni. Si Reyna Hatshepsut (1503 - 1483 BCE), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518 - 1504 BCE), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan. Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang mga lupain. Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III (1504 - 1450 BCE), anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt. Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo BCE ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350 - 1334 BCE). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. Pinasimulan niya ang bagong relihi yon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan. Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334 - 1325 BCE) na noon ay siyam na taong gulang pa lamang nang maupo sa trono. Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293 - 1291 BCE). Siya ay sinundan nina Seti I (1291 - 1279 BCE) at Rameses II (1279 - 1213 BCE). Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis III, ang hari ng Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw. Ikatlong Intermedyang Panahon
Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes (1070 - 1044 BCE) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang pinuno
92
nito ay si Shoshenq I (946 - 913 BCE) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang kapangyarihan hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal. Ano ang nais ipahiwatig ng mapa?
Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilang Empire Age?
3 1
2
5 4
7 6
8
9
Huling Panahon Psammetichus
Alexander the Great
Cleopatra VII
Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664 - 610 BCE). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 BCE. Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang sibil na humantong sa paghalili ni Amasis II (570 - 526 BCE). Hindi naglaon, napasakamay ng mga Persian ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya. Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya. Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian hanggang sa Ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina 93
ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang Ika-31 Dinastiya. Noong 332 BCE, sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kaniyang imperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India. Sa kaniyang pagkamatay noong 323 BCE, naging satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy. Noong 305 BCE, itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang Ptolemaic ay naghari sa loob halos ng tatlong siglo. Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 BCE. Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et. al (2012), pp. 75-82
Sino ang nasa larawan?
Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian?
GAWAIN 9:
Walk to Ancient Egypt
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem sa ibaba upang makumpleto ang dayagram. Kabihasnang Egyptian
1.
Tauhan
8.
Tauhan
2.
Bagay
7.
Bagay
3.
Panahon
6.
Panahon
4.
Tauhan
5.
94
Tauhan
?
1.
Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig
2.
Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian
3.
Itinuring bilang Empire Age at pinakadakila sa kasaysayan ng sinaunang Egypt
4.
Kinilalang isa sa mahuhusay na babaeng pinuno ng sinaunang Egypt
5.
Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt
6.
Nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt at panahon ng pagtayo ng mga pyramid sa Egypt
7.
Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at naging libingan ng mga ito
8.
Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ng mga Hittite
Pamprosesong mga Tanong 1.
Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa?
2.
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia?
3.
Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian?
4.
Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging papel sa paghubog ng kabihasnan sa Egypt?
5.
Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egyptian?
Hindi lamang sa mga kontinente ng Asya at Africa nakapagtatag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, kundi maging sa kontinente na America, partikular sa Mesoamerica—ang mga Olmec at Teotihuacan.
95
Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000 - 1500 BCE)
Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noon pa mang 3500 BCE. Sa pagsapit ng 1500 BCE, maraming taga-Mesoamerica ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop. Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa Mesoamerica sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE. Sa maraming rehiyon, ang maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno. Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pangekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec. Ang mga Olmec Olmec (1500 - 500 BCE)
•
Ang kauna-unahang umusbong sa Central America (at maaaring maging kabuuang America) ay ang Olmec.
•
Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta ng punong rubber o goma.
•
Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig hanggang Guatemala.
•
Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang Shang sa China.
Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa iba pang labi ng kanilang panahon. Ang mga 96
likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec. Kulturang Olmec Larong Pok-a-tok
Ang rituwal sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay may panrituwal na larong tinatawag na Pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang yari sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang, tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay sa isan g mataas na pader. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang ilang mga manlalaro ay ginagawang sakripisyo matapos ang nasabing laro. Nang lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong Mesoamerica.
Lilok ng anyong ulo mula sa mga bato
Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglilok ng mga anyong ulo mula sa mga bato. Ang pinakamalaking ulo ay may taas na siyam na talampakan at may bigat na 44 libra. Maaari diumanong ang mga lilok na ito ay hango sa anyo ng kanilang mga pinuno. Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugis piramide sa ibabaw ng mga umbok na lupa. Ang mga estrukturang ito ay nagsilbing mga lugar-sambahan ng kanilang mga diyos.
Hayop na jaguar
Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na pinakakintatakutan ng maninila (predator) sa Central America at South America. Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at kakayahang manirahan saanmang lugar. Ito rin ay agresibo at matapang. Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar.
Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong mineral tulad ng jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng Costa Rica. Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba pang mga pangkat na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang taong sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.
97
Ang mga Teotihuacan Teotihuacan
•
Sa pagsapit ng 200 BCE, ang ilan sa mga lugar sa lambak ng Mexico ay naging mas maunlad dahil sa ugnayang kalakalan at pagyabong ng ekonomiya
•
Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa panahong ito ay ang Teotihuacan na nangangahulugang “tirahan ng diyos”
•
Pagsapit ng 150 CE, ito ay naging isang lungsod na may halos 12.95 kilometro kuwadrado na mahigit sa 20,000 katao
•
Sa pagitan ng 150 CE at 750 CE, ang populasyon nito ay minsang umabot sa 120,000
(250 BCE - 650 CE)
Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan, kadakilaan, at kapangyarihan sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito ay nagawang makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. Naging sentrong pagawaan ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo sa mahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. Ang obsidian ay isang maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. Ginamit ito ng mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga kutsilyo. Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang malaking bahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan. Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang Feathered Serpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa kaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawan din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin. Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at sinunog ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650 C.E. Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar, tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et al. (2012)
Maaaring tingnan ang sumusunod na Modyul ng Project EASE ( Efective Alternative Secondary Education) AP III para sa karagdagang impormasyon. a. Modyul 3 – Ang mga Unang Kabihasnan (pp. 6-48) b. Modyul 7 – Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifco (pp. 9-16)
98
GAWAIN 10:
Tracing the Beginning Chart
a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum. b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart. Ano ang sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig?
?
Paano nagsimula ang kasaysayan ng kabihasnang ito?
Ano ang katangian ng mga katutubo nito?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?
2.
Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan?
3.
Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag.
4.
Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?
99
GAWAIN 11: Pagbuo
ng K-Web Diagram
Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng “Kabihasnan - Web Diagram.” 1. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang. 2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram. Egypt
Mesopotamia
Mesoamerica
Sinaunang Kabihasnan
Indus
Tsino
1.
Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian
2.
Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus
3.
Sagradong aklat ng mga Aryan
4.
Tawag sa China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian”
5.
Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America
6.
Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu
7.
Bahay-sambahan ng mga Sumerian
8.
Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt
9.
Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang “tirahan ng diyos”
10. Tanyag na gusali sa Babylon; kabilang sa Seven Wonders ng sinaunang daigdig 11. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga mananakop 12. Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, at El Salvador 13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt 14. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit na pamunuan ang china 15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat sa Egyptian
100
Batay sa mahahalagang impormasyon tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ituon ang isipan sa pagsisimula, paglago, at tuluyang pagbagsak ng bawat kabihasnan. Makatutulong ang susunod na gawaing tatalakay pa rin sa kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan.
GAWAIN 12: Kabihasnan
(Pathway Diagram)
1. Makilahok sa iyong pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan. a. Bibigyang-pansin ng Pangkat 1 ang Kabihasnang Mesopotamia, Pangkat 2 ang Kabihasnang Indus, Pangkat 3 ang Kabihasnang Tsino, at Pangkat 4 ang Kabihasnang Egyptian. b. Batay sa iyong pag-unawa sa pinag-aralang kasaysayan, aktibong makilahok sa iyong pangkat sa pagkumpleto ng Pathway Diagram sa pamamagitan ng paglalagay ng mahahalagang pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat hakbang. c. Pagkatapos mabuo ang pathway diagram, punan ang mga bilog ng iba pang impormasyon tungkol sa nakatalagang kabihasnan kabilang ang ekonomiya, kultura, at lipunan nito. d. Gawin sa manila paper ang kasunod na diyagram.
e. Pumili ng dalawang kapangkat na mag-uulat sa klase ng nabuong pathway diagram. f. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka, gamit ang sumusunod na rubric.
101
Rubric sa Pagmamarka ng K-Pathway Diagram
Pamantayan
Paglalarawan
Puntos
Nilalaman
Nakapaloob sa diyagram ang 5 o higit pang mahahalagang pangyayari sa nakatalagang kabihasnan; wasto ang pagkakasunod-sunod nito
10
Pag-uulat
Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong diyagram
10
Iba pang impormasyon
Nakapaglahad ng iba pang datos na may kaugnayan sa kasaysayan ng nakatalagang kabihasnan
5
Kabuuan
25
2. Batay sa daloy ng talakayan, bumuo ng mga tanong tungkol sa kasaysayan at iba pang aspekto ng mga iniulat na kabihasnan. Lumahok sa talakayan. 3. Bigyang-pansin ang mga tanyag na pinunong namahala sa iba’t ibang sinaunang kabihasnan sa daigdig.
GAWAIN 13:
Gallery of Ancient Rulers
1. Unawain ang mga panuntunan sa paglahok sa gawaing ito. Pumili ang pangkat ng isang pinunong binanggit sa nakaraang aralin.
2. Planuhin ang paggawa ng isang human statue ng napiling pinuno. Isaalangalang ang kasunod na mga panuntunan: a. Pumili ng isang kapangkat na magsisilbing “estatuwa” na kakatawan sa piniling pinuno. b. Ihanda ang posisyon ng “estatuwa” ayon sa katangian at nagawa ng piniling pinuno.
c. Dikitan ng papel (o manila paper) na may simbolo o mga salitang maglalarawan sa pinuno ang katawan ng “estatuwa.” d. Itanghal sa klase ang mga “estatuwa.” Magtalaga ng 1-2 kapangkat na magpapaliwanag tungkol sa estatuwa.
102
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno?
2.
Bakit siya naging tanyag sa kasaysayan?
3.
Maipagmamalaki ba ng inyong pangkat ang piniling pinuno? Ipali wanag.
4.
Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin ng isang pinuno? Ipaliwanag.
Bibigyan ng marka ang ginawang estatuwa gamit ang kasunod na rubric. Rubric sa Pagmamarka ng Gallery
Pamantayan
of Ancient Rulers
Paglalarawan
Puntos
Gawang Estatuwa
Angkop ang estatuwa bilang kinatawan ng piniling pinuno ng pangkat; wasto ang mga simbolo at datos na ikinabit sa estatuwa
10
Pag-uulat
Mahusay na ipinakilala ang nakatalagang pinuno batay sa estatuwa; naglahad nang higit sa tatlong impormasyon tungkol sa nasabing pinuno
10
Orihinalidad
Natatangi ang pagkakabuo ng estatuwa; gumamit ng mga akmang disenyo upang maging makatotohanan ang hitsura
5
Kabuuan
103
25
Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kanikanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay may nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa mga sinaunang kabihasnan na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon? Mesopotamia Ziggurat
Ang Ziggurat ay estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang Ziggurat.
Code of Hammurabi
Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia.
Cuneiform
Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer. Ito ay tinatawag na Cuneiform.
104
Epic of Gilgamesh
Sa larangan ng literatura, itinuturing ang Epic of Gilgamesh bilang kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring Galgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo BCE. Ang isa sa mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad sa The Great Flood ng Bibliya.
Iba pang kontribusyon
•
water clock
•
paggawa ng unang mapa
•
sexagesimal system o pagbibilang na nakabatay sa 60
•
astronomiya
Indus Sewerage System
May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod dito, ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng MohenjoDaro at Harappa ay nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern .
Arthasastra
Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong ikatlong siglo BCE. Ito ang kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong Maurya.
Ayurveda
Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay’’ ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong “Agham ng Buhay’’ sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman.
105
Ramayana at Mahabharata
Ang dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng dalawang pamilya na magkakamag-anak – ang mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan. Ang Ramayana naman ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang demonyong hari.
Iba pang kontribusyon
•
Pamantayan ng bigat at sukat
•
Decimal system
•
Paggamot at pagbubunot ng ngipin
•
Halaga ng pi (3.1416)
•
Taj Mahal
•
Pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism, Buddhism, Jainism, at Sikhism)
Tsino Great Wall of China
Sa panahon ng Qin, tinatayang isang mil-yong katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ang Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon.
I Ching at Bing Fa
Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao. Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 BCE.
106
Feng Shui
Ang paniniwala sa Feng shui o Geomancy ay nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa kababaihan—malambot at kalmado. Samantala ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan—matigas at masigla.
Iba pang kontribusyon
•
Paggamit ng silk o seda
•
Kalendaryo
•
Star map
•
magnetic compass
•
seismograph
•
wheel barrow
•
water clock
•
sundial
•
chopsticks
•
abacus
•
pamaypay
•
payong
Egypt Pyramid
Ang mga piramide ay hitik sa mga simbolismong relihiyoso. Libingan ito ng pharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng mamuno. Gayundin, pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay.
107
Mummification
Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa isang prosesong tinatawag na mummification , ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas.
Hieroglyphics
May sistema ng pagsusulat din ang mga Egyptian na tinatawag na hieroglyphics. Sa simula, ang isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan. Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi nakaukit din sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag na papyrus.
Iba pang kontribusyon
•
Geometry
•
Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto
•
Kalendaryo na may 365 araw
•
Sagradong pagdiriwang
108
GAWAIN 14: K-A-K
Organizer
Unawain ang sumusunod sa pagbuo ng organizer. a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan-Am bag-Kabuluhan (K-A-K) Organizer. b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao. Kabihasnan
Ambag
Kabuluhan
c. Ibahagi sa klase ang mga nabuong kaisipan batay sa ginawang organizer.
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
2.
Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan?
3.
Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito? 109
PAGNILAYAN AT UNAWAIN Sa yugtong ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa impluwensiyang heograpikal at mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay bibigyan ng malalim na pagtalakay sa pamamagitan ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang pagbibigay-kabuluhan sa impluwensiya ng heograpiya at pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang pamumuhay ng tao.
GAWAIN 15:
Thank You Letter
Sundin ang sumusunod. 1. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat. 2. Isaalang-alang ang sumusunod na hakbang sa gawaing ito: a. Pumili ng isang anyong lupa, anyong tubig o kahit anong bagay na may kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong gawan ng liham pasasalamat. b. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao hanggang sa kasalukuyan. c. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham. Rubric sa
Pagmamarka ng Thank You Letter
Pamantayan
Paglalarawan
Puntos
Nilalaman
Mahusay na naipaliwanag ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa buhay ng mga sinaunang tao; nakapagbigay ng halimbawang magpapatunay sa papel na ginampanan nito sa mga sinaunang tao
12
Teknikal na Pagbuo ng Liham
Wasto ang paggamit ng mga bantas, baybay ng mga salita, at maayos ang mga bahagi ng isang liham
8
Anyo at Disenyo
Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay ng malilikhaing bagay at simbolo; angkop ang kulay ng disenyo
5
Kabuuan
d. Ibahagi ang liham sa iyong mga kamag-aral. 110
25
GAWAIN 16: Maimpluwensiyang
Kabihasnan
Kumpletuhin ang kasunod na diyagram. Itala ang pamana ng mga sinaunang kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa sa kasalukuyang panahon. Impluwensiya sa Daigdig Impluwensiya sa Pilipinas Pamana ng Sinaunang Kabihasnan
?
Pamprosesong mga Tanong 1.
Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang pamanang tinukoy sa diyagram?
2.
Ano ang kapakinabangang dulot ng naturang pamana sa mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa.
3.
Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao?
4.
Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana, ano ang iyong reaksiyon?
5.
Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang tao sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo ito itinuring na isang pamana?
Balikan ang WQF Diagram at punan ang kolum ng F ( facts) ng mga bago at wastong kaalaman tungkol sa paksa.
111
ILIPAT AT ISABUHAY
Sa pagkakataong ito, isagawa ang huling yugto ng Modyul 1, ang ILIPAT. Gamit ang kaalamang natutuhan mula sa pag-unawa ng teksto at pagsasagawa sa mga gawain, ihanda ang sarili sa pagbuo ng susunod na proyekto.
GAWAIN 17: POKUS
NGAYON: Preserbasyon ng mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig
Isiping tagapangulo ka ng National Committee on the Preservation of Cultural Heritage ng iyong bansa na isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Nakatanggap ka ng liham mula sa United Nations na humihingi ng panukalang proyektong may layuning ipreserba ang mga dakilang pamanang mula sa iyong bansa. Ang iyong komite ay nagtakda ng pulong na unang bubuo ng isang panukalang proyekto para sa nabanggit na layunin. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa pagbuo ng panukalang proyekto: 1. Sa tulong ng guro, hahatiin ang klase sa mga pangkat ayon sa sumusunod: Pangkat 1 – Iraq para sa Kabihasnang Mesopotamia Pangkat 2 – Iran para sa Sinaunang Persia Pangkat 3 – Egypt para sa Kabihasnang Egyptian Pangkat 4 – India at Pakistan para sa Kabihasnang Indus Pangkat 5 – China para sa Kabihasnang Tsino Pangkat 6 – Mexico para sa Kabihasnan sa Mesoamerica 2. Kung ikaw ang “tagapangulo ng iyong komite” na nabanggit sa itaas, tiyaking makibahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat sa pagtalakay sa itinakdang kabihasnan na bibigyang-tuon sa gagawing panukalang proyekto. a. Bigyan ang bawat pares na miyembro ng pamana na nararapat na ipreserba: Pares 1 – isang estruktura o landmark, Pares 2 – isang tradisyon/kaugalian, at Pares 3 – isang sinaunang bagay
b. Sa papel, gawin ang format ng panukalang proyekto. Gawing gabay ang kasunod na template. 112
Bansang nakatalaga sa pangkat: __________________________ National Committee on the Preservation of Cultural Heritage UNANG BAHAGI: a. Pamagat ng proyekto: __________________________________________ b. Kinaroroonan ng isasagawang proyekto: _________________________ c.
Petsa ng simula at wakas ng pagpapatupad ng proyekto: __________
d. Halagang gugugulin sa proyekto: _______________________________ Ahensiya ng pamahalaang kaakibat sa proyekto: _____________________
IKALAWANG BAHAGI: a. Panimula (Tungkol saan ang panukalang proyekto?) b. Katuturan (Mahalaga bang isagawa ang proyekto? Bakit?) c.
Kapakinabangan (Sino ang makikinabang nito? Sa paanong paraan?)
IKATLONG BAHAGI: a. Mga hakbang sa pagkamit ng layunin (Ano-ano ang dapat gawin upang magtagumpay sa hangarin ng pangkat?) b. Pondo ng proyekto (Paano makakukuha ng salaping gagastusin sa proyekto?) c.
Pagsasanay (Sino at paano sasanayin ang mga tauhan sa pagkamit ng proyekto?)
d. Kagamitan (Ano-ano ang kagamitan upang magawa ang proyekto?) IKAAPAT NA BAHAGI: a. Inaasahang bunga (Ano-ano ang inaasahang bunga o resulta kung isasagawa ang proyekto?) b. Mensahe sa kinauukulan at sa taong-bayan (Ano ang nais mong sabihin upang maging matagumpay ang preserbasyon ng mga sinaunang ambag at pamana ng bansa?) c.
Guhit ng isasakatuparang proyekto (Ano ang hitsura ng kalalabasan ng gagawing proyekto?)
113
c. Talakayin ng iyong pangkat ang bubuuing panukala. d. Kumpletuhin ang template para sa gagawing panukala. e. Iulat sa klase ang ginawang panukala. 3. Gamitin ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito. Kraytirya
4
3
2
1
Nilalaman ng Panukalang Proyekto
Kumpleto ang nilalaman ng panukalang proyekto; 100% na wasto ang itinala sa panukala; makatotohanan ang lahat ng sagot sa tanong; may kabuluhan ang gawang panukala; mahusay ang iginuhit sa magiging bunga ng proyekto
May 1-2 ang nawala sa panukalang proyekto; hindi bababa sa 75% ang may wastong itinala sa panukala; makatotohanan ang mahigit 75% sagot sa tanong; may kabuluhan ang gawang panukala; mahusay ang iginuhit sa magiging bunga ng proyekto na may 1-2 aspekto ng guhit ang kailangang isaayos
Mahigit sa 50% ang nawala sa panukalang proyekto; mahigit sa 50% ang hindi wasto sa mga itinala sa panukala; may 50% sa nilalaman ng panukala ay hindi makatotohanan; may pagaalinlangan sa kabuluhan ang gawang panukala; hindi gaanong malinaw ang guhit
Mahigit sa 50% ang nawala sa nilalaman ng panukalang proyekto; mahigit sa 50% ang hindi wasto sa mga itinala sa panukala; hindi maka-totohanan ang panukala; hindi maipakita ang kaugnayan ng guhit sa panukala
Pinagkunan ng Datos
Ibinatay sa 3 Ibinatay sa 2 o higit pang sanggunian ang sanggunian ang datos datos na kabilang sa panukalang proyekto (aklat, pahayagan, video clip, internet, at iba pa)
114
Ibinatay lamang Walang batayang ang sanggunian pinagkunan sa batayang aklat at gawa-gawa lamang ang mga impormasyon
Presentasyon ng Panukalang Proyekto
Mahusay ang paglahad sa presentasyon; malinaw at malakas ang boses ng tagapagsalita; lubos na naipaliwanag ang bawat aytem sa panukala
Maayos ang paglahad sa presentasyon; may ilang kinabahan at mahinang boses; naipaliwanag ang higit sa 75% ng kabuuang aytem sa panukala
Karaniwan ang paglahad sa presentasyon; maikli at hindi binigyan ng pansin ang maraming bahagi ng panukala; hindi gaanong maunawaan ang pagsasalita; mahigit sa 50% ang hindi naipaliwanag sa panukala
Hindi malinaw ang paglahad sa presentasyon; hindi naipaliwanag ang maraming bahagi ng panukala; hindi maunawaan ang pagsasalita; kaunti lamang ang naipaliwanag
TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODYUL Tinalakay sa modyul na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito tulad ng mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na may malaking impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao. Nakasalalay ang pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay na pakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran. Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang maging matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang higit na mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng mga mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan. Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng politika, relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos na may kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng panahon. Sa susunod na modyul, pag-aaralan mo ang mga dakilang kabihasnang klasikal ng Greece at Rome. Idagdag pa rito ang pakikipagsapalaran ng mga Europeo noong Gitnang Panahon, ang mga kabihasnan sa iba pang panig ng daigdig hanggang sa pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon.
115
TALASALITAAN Ahimsa – doktrina ng pag-iwas sa pananakit ng anumang may buhay na organismo Caste
– pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic
Core – pinakamalalim na bahagi ng
daigdig; binubuo ng inner core at outer core; halos 1380
milya ang kapal ng outer core Crust – pinakaibabaw na bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng planeta
Dinastiya – pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o angkan Hellenistic – nagmula
sa salitang Greek na nangangahulugang “to imitate Greeks”; tumutukoy sa kasaysayan, panahon, imperyo, kultura, at sining na may impluwensiyang Greek pagkaraan ni Alexander the Great
Heograpiya – pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng tao sa kapaligiran Heograpiyang pantao – sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig Hominid – miyembro ng pamilya ng mga mammal na may kakayahang tumayo sa dalawang paa kabilang ang tao, gorilya, chimpanzee, at orangutan Khanate – estadong nasa hurisdiksyon ng isang khan (pinunong lokal ng ilang bansa sa gitnang Asya) Klima – kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o lugar sa matagal na panahon Kontinente – pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig Khyber Pass – lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan na naguugnay sa Timog Asya at Kanlurang Asya Mantle – binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1800 milya ang kapal Nome – malalayang pamayanan ng sinaunang Egypt Nomarch – pinuno ng nome Oracle bone – tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid ang
mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino
116