KABANATA V: NOCHE BUENA NG ISANG ISANG KUTSERO
Mula sa pangkat nina Cruz, Antoinette at Villamin, Shiela ng 10- St. Angela
BUOD NG KABANATA:
Dumating na si Basilio sa San Diego nang maabutan niya na ginaganap ang prusisyon para sa pagsapit ng kapaskuhan. Natagalan ang kanyang paguwi dahil ang kutesero na kanyang kasama ay nakalimot ng kanyang sedula; dahil dito ay inaresto ng mga guwardya sibil ang kutsero, inapi, sinaktan ng paulit ulit at idinala sa kuwartela. Sa pagkahuli ng kutsero, siya ay taimtim na nagdasal ng Ama Namin habang dumarating ang unang imahe ng santo. Ang imaheng ito ay tinatawag na Matusalem sa Pilipinas na kumakatawan sa isang matandang lalaki na may mahabang balbas, at nasa panabi ng mga libingan. Nasabi ng kutsero sa kanyang isip na “Sa panahon ng mga santo walang mga guardia sibil, dahil kung mayroon man ay hindi siya mabubuhay ng ganoong katagal sa pangungulata. ” Pagkatapos ng Matusalem, dumaan ang tatlong haring Mago na nakasakay sa kabayo. Ang mga hari na ito ay sina Haring Melchor, at ang dalawang Kastila na sina Gaspar at Baltazar. “Wala talagang guardia sibil noon.”, and nawika sa sarili ng kutsero dahil kung mayroon daw, ang maitim na lalaking si Haring Melchor na hindi makasabay sa dalawang Kastilang sina Gaspar at Baltasar ay malamang sila ay nadala na sa bilangguan. Nais ng kutsero naibigay ang kanyang mga kabayo at siya’y magpapaalipin at handang handa ng mamatay para kay Haring Bernardo pag nakawala na sa kanyang mga kadena. Dahil pinaniniwalaan niyang siya ang kanilang tagapagligtas sa mga guardia sibil. Pagkatapos ng mga hari ay sumunod ang dalawang hanay ng mga batang lalaking malungkot na para bang napilitan lamang. Sumunod si San Jose na mukhang malungkot at mapagkumbaba, nasa pagitan ng guardia sibil na tila ba parang siya ay hinuli; nauunawan na ngayon ng kutsero ang mga malulungkot na ekspresyon sa mga mukha ng santo. Dahilan nito nit o ay sa pagkikita sa mga guardia sibil o sa kawalan ng paggalang sa santo at hindi man lamang nagbigay ng dasal. Nasa dulo ng prusisyon ang imahe ng Birhen na nagdadalang tao. Malungkot rin ito kagaya ng ibang nakaraang imahe. Gustuhin man nina Basilio na umalis ngunit hindi napansin ni Sinong na walang ilaw ang kanyang karomata. Kung dati ay kapag tuwing Noche Buena o malapit na sumapit ang pasko ay puno ng palamuti ang mga bahay sa San Diego, ngayon ay halos wala ng palamuti ang mga bahay. Ang dating makukulay na mga parol ay wala na sa paningin ng mga tao. Nawala na ang totoong diwa ng pasko sa bayan ng San Diego. Naiisip ni Basilio na ang sanhi nito ay ang pasama ng pasama na takbo ng buhay. Sa pangalawang pagkakataon ay muling hinuli ng guwardia civil ang kawawang kutserong si Sinang. Binagsakan ng iba’t ibang mga insulto. Pinasiya ni basilio na kunin ang kanyang maleta at maglakad nalamang. Ang tanging bahay na may kasiyahan ay ang kay Kapitan Basilio. Nakita nito na nakikipag-usap nakikipag- usap si Simoun kina Kapitan Basilio, kura paroko at alperes. Pumunta na si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago. Sinalubong si Basilio ng mga katiwala sa loob ng bahay ng mga balita. Ibinalita kay Basilio na may namatay na matanda san a nagbabantay sa gubat at ayaw ng kura na bigyan ito ng pangmahirap na misa sapagkat sapa gkat mayaman daw ang kanilang panginoon. Humingi ng iba pang maibabalita si Basilio at binahagi nito ang pagkabihag kay Kabesang Tales. Nalungkot si Basilio sa balitang ito at tuluyan ng nawalan ng gana kumain.
PANIMULANG KATANUNGAN:
Ano ang pangunahing damdamin sa kabanata?
Kalungkutan ang pangunahin damdamin sa kabanata.
Sino-sino ang maaring kasalaminan ng ganitong damdamin?
-
Ang damdaming ito ay lubos na makikita mula kay Basilio, kay Sinong/kutsero, sa mga bata at mga santo. 1. Balita Basilio - Kabesang Tales
Santo 1. Birhen - Repleksyon ng gumawa o lumikha - Indio
LUNGKOT Bata 1. Sapilitang prusisyon
Sinong/kutsero 1. Guardia Civil - Matusalem - Haring Melchor - Haring Bernardo
Ano ang mapapansin sa mga kinikilos ni Simoun?
-
Ginamit niya ang kanyang kayamanan upang makuha ang kasakiman at pansariling kagustuhan ng mga tauhan (Kap. Basilio, Alperes, Kura)
PAGLALAGOM SA MGA MAHAHALAGANG PAHAYAG SA KABANATA:
1. “walang maraming guardia civil pagkat kung may nagungulata ay hindi mabubuhay nang matagal ang mga tao na tulad niyan.” - Nasabi ito ni Sinong sapagkat puro pagpapahirap ang tinatanggap niya sa mga guardia sibil at di rin maaring maging pari na papagitna kayna Haring Melchor at Haring Mago.
2.
“Talagang walang guardia civil noon, dahil kung mayroon, ang maitim na lalking iyon ay hindi makakasabay sa dalawang Kastila sapagkat mabibilibid siya .” - Dahil sa pangungulata ng mga guardia sibil, siguradong mabibilanggo si Haring Melchor at hindi maaaring tumanda ng gayon si Matusalem.
3. “Kapag nawala ang kanyang kanang paa, ibibigay ko sa kanya ang aking mga kabayo, magpapaalipin, at magpapakamatay dahil sa kanya; siya ang magtatanggol sa atin laban sa mga guardia civil.” - Napapahiwatig ang linyang ito na gagawin ng kahit na sino mang indio na may magagawa para lamang makalaya ang kanilang hari ay gagawin ang lahat ng makakaya at ibibigay ang lahat para lang mailigtas ang kanilang bayan laban sa mga guardia civil. Pinaniniwalaan nila na siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga Kastila.
ALAMAT NI HARING BERNARDO:
Si Haring Bernardo ang hari ng mga Indio. Sa mga Indiong tagabukid nananatili ang alamat ng hari na nakakulong at nakatanikala sa Kuweba ng San Mateo . Sa bawat dantaon, ay napapatid na ang tanikala sa mga kamay niya at kaliwang paa, at ang naiwan nalang ay ang kanang paa. Pinaniniwalaang sa bawat paggalaw ng haring ito sa pagnanais na makawala ang kadahilanan ng paglindol. Siya ay napakalakas kaya’t napupulbos ang batong iniaabot sa kanya ng mga indio. Hindi maipaliwanag kung bakit siya ay tawag na Indio ng Bernardo kung kaya’t siya’y napapagkamalang si Bernardo Carpio na isang bayaning kastila na tumalo kay Rolando ng Pransya. Pinaniniwalaan na kapag nakawala si Bernardo Carpio ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga Kastila.
KARAGDAGANG IMPORMASYON:
Ang mga sibil ay karaniwang mga Pilipino rin noong panahon ng mga Hapones, higit na mahigpit magparusa ang mga Pilipinong naglilingkod kasya sa mga Hapones. Ang mga gerilyero o mga irregular na kawal ay gumagamit ng maraming uri ng pagpatay na totoong nakapanghihilakbot.