Kard Katalog- ay isang listahan ng lahat ng nilalaman ng isang aklatan, na nakaayos gamit ang isang tarheta o kard para sa bawat isang bagay na makikita sa aklatan Uri ng Kard Katalog Kard ng manunulat/may-akada – ito ang batayang kard at tinatawag na pangunahing tala. Nakaayos ito nang paalpabeto batay sa unang titik ng apelyido ng manunulat Kard ng Pamagat- katulad ng kard ng may-akada subalit makikita mo sa itaas ang pamagat ng aklat. Ito ay nakaayos nang paalpabeto batay sa unang salita ng pamagat ng aklat. Kard ng Paksa- ito ay inihanda para sa bawat paksang ganap natinalakay sa aklat. Nakaayos ito nang paalpabeto ayon sa unang titik ng paksa ng aklat.
BAHAGI NG KARD KATALOG 1. May-akda F 398.6 Sa 261 1958 62713
Santos , Angeles S. Isang libo at isang bugtong/ Angeles S. Santos,- ikalawang pagkalimbag.— Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958 103 p. :ill;26 cm 1. Riddles, I. Titles
2. Pamagat F 398.6 Sa 261
May Akda Isang libo at isang bugtong/ Santos , Angeles S. Isang libo at isang bugtong/ Santos , Angeles S. - ikalawang pagkalimbag.— Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958 103 p. :ill;26 cm
Paksa
Pamagat ng Aklat
Naglimbag
3. Paksa F 398.6 Sa 261 1958
Call Number
Mga Bugtong Isang libo at isang bugtong/ Angeles S. Santos,- ikalawang pagkalimbag.— Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958 103 p. :ill;26 cm
Pahina
Klasipikasyon Ginagamit sa Aklatan May dalawang uri ng klasipikasyong ginagamit sa mga aklatan ang Sistemang Dewey Decimal at ang Sistemang Library of Congress. Sa Sistemang Dewey Decimal, pinapangkat ang mga aklat sa sampung pangunahing asignatura:
000 -099 Panlahatang Aklat : ensayklopidya , sangguniang , aklat 100-199 Pilosopiya : sikolohiya, Katauhan,, pag uugali 200 – 299 Relihiyon : Bibliya , aralin sa relihiyon, metolohiya 300 -399 Agham Panlipunan; abogasya, edukasyon, pamahalaan, ekonomiya 400 -499 Pilolohiya ; wika , retorika, talatinigan 500 -599 Agham; matimatika, elektrisidad , pisika, botani, zoology 600 -699 Agham (Applied ): hanapbuhay, imbensyon, absasyon, pagsasaka 700 -799 Sining; Paglilibang, musika, pagpipinta, arkitektura, palakasan, teatro 800-899 Literatura: dula, panulaan, sanaysay, talumpati 900 -999 Kasaysayan: heograpiya, paglalakbay, talambuhay. Ang sistemang Library of Congress ay kakaiba sa una A Panlahatang Aklat B Pilosopiya, Relihiyon C Kasaysayan D Kasaysayan ng Ibang Bansa E-F Kasaysayan ng Amerika (Pilipinas) G Heograpiya/ Antropolohiya H Agham Panlipunan J Agham Pampulitika K Abogasya L Adukasyon
M Musika N Sining P Wika at Panitikan Q Agham R Medisina S Pagsasaka T Teknolohiya U Agham Panghukbo V Agham Pandagat Z Agham Pang-aklatan/ Bibliograpiya
Pormularyong Pampaaralan- pagpupuno ng mga wastong impormasyong personal o impormasyon tungkol sa sarili na my wastong baybay
Tayutay- Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat. URI NG TAYUTAY 1.
Pagtutulad (simile)
Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp. Halimbawa: Ang tao ay kawangis ng Diyos. 2.
Pagwawangis (Metaphor)
Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing. Halimbawa: Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 3.
Pagtatao (Personification)
Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. Halimbawa: Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. 4.
Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole)
Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. Halimbawa: Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto. 5.
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilangkatapat ng bahagi. Halimbawa: Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan. 6.
Panghihimig o Onomatopeya
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa: Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. 7.
Panawagan (Apostrophe)
Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman. Halimbawa: Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan. 8.
Pag-uyam (irony)
Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Halimbawa: Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay. 9. Paglilipat-wika o Transferred Epithet Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Patay tayo diyan. 10. Pagpapalit-tawag (Metonymy) Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Halimbawa: Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. 11. Pagsalungat (Epigram) Ang mga salitang pinag-uugnay nito ay pinagsasalungatan sa kahulugan Halimbawa: kung sinong gumawa ng batas, siya ang unang lumalabag 12. Pagtanggi Ginagamit ang salitang hindi upang maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod Halimbawa: Ang puso ko ay hindi bato
Tono- ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upag higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap. Halimbawa: Nagbago na ako. Nagbago na ako? Nagbago na ako! Diin- tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. Halimbawa: ba.tà (tao)- Ito ay binibigkas ng may diin sa ikalawang pantig. Malumi ang bigkas batá (paghihirap) - Ito ay binibigkas nang tuloy-tuloy,Walang antala at diin sa huling pantig. Mabilis ang bigkas ba.ta (roba) - Ito ay binibigkas nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli, banayad at walang antala ang bigkas sa huling pantig. Malumay ang bigkas Antala
-
saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Halimbawa: Hindi siya mahirap. Hindi, siya ang mahirap Hindi siya, ang mahirap Pangungusap- lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Dalawang bahagi ng Pangungusap Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap. May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari. Panaguri (predicate) ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng kung ano tungkol sa simuno.
Ayos ng Pangungusap Karaniwang Ayos ng pangungusap- kung ang nauuna ay ang panaguri kaysa sa simuno/paksa. Halimbawa Bumili ng tinapay ang bata. (panaguri)
(simuno)
Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap- kung nauuna ay ang simuno kaysa panaguri at ginagamitan ng panandang "ay". Halimbawa Ang bata ay bumili ng tinapay. (simuno) (panaguri) Mga Uri ng Pangungusap Paturol o Pasalaysay – ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.). Halimbawa: Tumakbo ng mabilis ang aso. Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.). Halimbawa: Kunin mo ang aking damit sa lalagyan. Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?). Halimbawa: Bakit ka umiiyak? Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!). Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku! Halimbawa: Naku, nalulunod ang bata!
Kayarian ng Pangungusap Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri. Mga halimbawa:
Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa: Halimbawa:
Nagtatag ng isang pangako si Arnel at umisip siya ng magandang proyekto para sa mga kabataan sa kanyang pook.
Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa. Halimbawa:
Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
Ang batang putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.
Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa. Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.
Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.
Parirala- lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri. Wala itong buong diwa. Halimbawa: sa ibang bansa, doon sa malayong lugar Sugnay- lipon ng mga salitang may simuno at panaguri ngunit bahagi lamang ng pangungusap. May dalawang uri ng sugnay:
Ang sugnay na makapag-iisa- ay bahagi ng pangnungusap na may buong diwa kahit ihiwalay sa pangungusap.
Ang sugnay na di-makapag-iisa - naman ay hindi nagbibigay ng pinangungunahan ngpangatnig gaya ng ngunit, samantalang, kung, para, habang.
Pangatnig- ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa paguugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap. Mga Uri ng Pangatnig 1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan. Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay. 2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob. Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain. 3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan. Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban. 4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
Halimbawa: Sumisigaw ang kanyang puso at humihingi ng katarungan. Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag-uugnay ng mga salitang magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung gayon, kaya. 5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan. Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga. 6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita. Halimbawa: At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod. 7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari. Halimbawa: Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.