DS 123: FILIPINO IDENTITY AND CULTURE Sa karaniwan, ang ating ihi ay may taglay na mga kimikal na humahadlang sa pamumuo ng mga kristal sa ating bato (kidney), subalit may mga pagkakataon na hindi ito gumagana nang maayos. Ito ang karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng kidney stone. Ang kidney stone ay ang pamumuo ng mga dietary crystal na humiwalay sa ating ihi pagdaan nito sa ating bato (kidney). Itinuturing na delikado lamang ang kidney stone kung ito’y may laki na 3 millimetro pataas dahil maaari na nitong barahan ang ating ureter.
URI NG MGA KIDNEY STONE Ang kidney stones ay maaaring iklasipika ayon sa lokasyon kung saan ito namuo. Kung ito’y natagpuan sa bato (kidney), ito’y tinatawag na nephrolithiasis; kung sa urinary tract, urolithiasis; kung sa ureter, ureterolithiasis; at kung ito’y namuo sa pantog (bladder), ito’y tinatawag na cystolithiasis. Pwede rin namang iuri ang kidney stones ayon sa kimikal na komposisyon nito. Ang kidney stone ay maaaring naglalaman ng calcium, struvite (bihira), uric acid, cystine (napakadalang) o iba pang compounds.
SANHI NG KIDNEY STONE Namumuo ang kidney stone tuwing nababawasan ang ating iniihi. Ang dehydration sanhi ng mababang fluid intake o sobrang pageehersisyo nang walang sapat na pamalit sa mga fluid sa katawan ay nagpapataas ng tiyansa ng pamumuo ng kidney stone. Kaugnay nito, ang klima sa bansa ay maaaring maging salik sa pagkakaroon ng kidney stone dahil ang mga residente ng maiinit at tuyot na bansa ay may mas malaking tiyansa na madehydrate at kung gayon ay maaaring magkaroon ng kidney stone.Ang pagkakaroon ng bara sa ating urinary tract ay maaari ring humantong sa pamumuo ng bato sa ating kidney. Kung nagtataglay ang ating ihi ng sobra-sobrang dami ng mga kimikal na nabanggit (calcium, struvite, uric acid, cystine, atbp.), mataas ang tiyansa na magkaroon tayo ng kidney stone. Kung naparami rin masyado ang ating intake ng protina ng hayop, asin, asukal (refined sugar), mga pagkain na may oxalate gaya ng spinach, juice gawa sa mansanas o grapefruit, at carbonated drinks, nasa peligro rin tayo ng pagkakaroon ng kidney stone. Mayroon ding mga gamot gaya ng diuretics, calcium-containing antacids at Crixivan (gamot ginagamit panglunas sa HIV infection) na maaaring makaapekto sa pagkakaroon natin ng kidney stone. Bukod dito, ang pagkakaroon ng iyong pamilya ng kasaysayan ng pagkakaroon ng kidney stone
SINTOMAS AT SENYALES SA PAGKAKAROON NG KIDNEY STONE Biglaang pananakit sa likuran at gilid ng erya na katatagpuan ng ating mga bato (kidney) o sa ibaba ng ating tiyan May mga pagkakataon na sinasamahan din ito ng pagduduwal at pagsusuka Pagkakaroon ng dugo sa ihi Hirap at sakit sa pag-ihi Kung may kasamang impeksyon sa urinary tract, maaaring makaranas ka ng panlalamig at pagkakaroon ng lagnat
PANGLUNAS SA KIDNEY STONE May mga gamot na ginagamit upang mapadali at mapabilis ang paglabas ng kidney stone sa katawan. Ilan sa mga gamot na ito ay ang calcium channel blockers gaya ng nifedipine (Adalat, Procardia, Afeditab, Nifediac) at alpha blockers tulad ng tamsulosin (Flomax). Pwede ring sumailalim sa lithotripsy upang durugin ang malalaking deposito ng kristal nang sa gayon ay makadaloy ito sa ating urinary system. Ang lithotripsy ay gumagamit ng shock waves upang pagpira-pirasuhin ang kidney stone na namuo sa ating katawan. Kung hindi epektibo ang mga paraang nabanggit, maaari rin namang magpaopera na lamang upang tanggalin ang bato sa katawan. Ito’y karaniwang iminumungkahi sa mga pasyente na may iisa na lamang na bato (kidney) o may impeksyon sa urinary tract o kidney.
PARAAN NG PAG-IWAS SA PAGKAKAROON NG KIDNEY STONE Uminom ng maraming tubig. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa calcium upang maiwasan ang pamumuo ng calcium stones. Gayunpaman ang paggamit ng mga pills ng calcium ay maaaring makapagdulot imbis na makaiwas sa pamumuo ng calcium stones. Bawasan ang pagkain ng karne. REFERENCE: http://www.medicinenet.com/kidney_stone/article.htm CHARISS M. GARCIA http://en.wikipedia.org/wiki/Kidney_stone http://kidney.niddk.nih.gov/kudiseases/pubs/stonesadults/ BA DEVELOPMETNT STUDIES