Bayan, magsiawit na! Bayan, pinagpala ka! Dakilang biyayang pangako Niya sumilay na! Sinauna Mong hangarin ang tao nga'y tubusin Upang Siya ay makapiling, mapag-irog na Diyos natin. Sa aba Niyang pagkatao, sa buhay Niya sa mundo. Inihayag Kanyang puso, Tinig ng Ama nating Diyos. Pananatili Niyang tunay, 'Spiritung ating gabay Kahulugan at pag-asa, pagmamahal at biyaya.
KORO: Papuri sa Diyos! Papuri sa Diyos sa kaitaasan! Papuri sa Diyos! At sa lupa'y kapayapaan a mga taong kinalulugdan Niya Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin (KORO) Pinasasalamatan Ka namin Sa 'Yong dakilang angking kapurihan Panginoong Diyos, Hari ng langit Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos Anak ng Ama (KORO) Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo Maawa Ka sa amin, maawa Ka Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo Tanggapin Mo ang aming kahilingan Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama (KORO) Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon Kasama ng Espiritu Santo Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen! Papuri sa Diyos!Papuri sa Diyos sa kaitaasan Papuri sa Diyos sa kaitaasan! Papuri sa Diyos!
Aleluya! Aleluya! Ikaw Panginoon Ang S'yang daan, ang buhay at ang katotohanan Aleluya!
Ang buhay na inialay mo Ang sa ami’y nagpanibago Kami ngayo’y naririto Naghahandog ng aming mga puso
Ang alay naming tinapay Mula sa trigon a iyong bigay At alak na mula sa ubas Biyaya ng Iyong pagbabasbas
Payak man aming handog Masdan mo kaming dumudulog Sa hapag ng pag ibig Mo Kami’y mamuhay at makisalo
Mga bunga ng aming paggawa Sa Iyo ngayon ay inilalaan Tangan ang kaligayahang magbahagi Ng aming nakayanan (KORO)
Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso, Tinig Mo'y isang awit paghilom. Ang baling ng aking diwa ay sa 'Yo, H'wag nawang pababayaang masiphayo. Ikaw ang buntong hininga ng buhay; Dulot Mo'y kapayapaan, pag-ibig. Ako'y akayin sa daang matuwid. H'wag nawang pahintulutang mabighani. Sa panandalian at huwad na rilag Ikaw ang aking tanging Tagapagligtas. Sigwa sa 'king kalooban 'Yong masdan. Pahupain ang bugso ng kalungkutan. Yakapin ng buong higpit 'Yong anak Nang mayakap din ang bayan Mong ibig.
O Diyos Ikaw ang laging hanap, Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad. Nauuhaw akong parang tigang na lupa Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.
Ika'y pagmamasdan sa dakong banal, Nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal. Dadalangin akong nakataas aking kamay, Magagalak na aawit ng papuring iaalay.
Gunita ko'y Ikaw Habang nahihimlay Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay. Sa lilim ng Iyong mga pakpak Umaawit akong buong galak.
Aking kaluluwa'y kumakapit sa ‘Yo, Kaligtasa'y t'yak kong hawak Mo ako. Magdiriwang ang hari ang Diyos S'yang dahilan. Ang sa Iyo ay nangakong galak yaong makakamtan.
Gunita ko'y Ikaw Habang nahihimlay Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay. Sa lilim ng Iyong mga pakpak Umaawit akong buong galak.
KORO: Umawit nang sama-sama! Magpasalamat tayo sa Kanya! Sumayaw, humiyaw, magbunyi, Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha! Sa pag-ibig, sa pag-asa, Sa biyaya at ligaya, Magpasalamat sa Kanya Sa mabuti N'yang balita. (KORO) Sa saganang pang-unawa Sa masusing pagkalinga, Magpasalamat sa Kanya Sa handog N'yang kaligtasan. (KORO) Sa dalanging kaayusan Sa mithiing kapayapaan, Magpasalamat sa Kanya Sa pangakong katarungan. (KORO) Sumayaw, humiyaw, magbunyi, Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha!