Negosyo Mo, Negosyo Ko, Alin Kaya ang Pipiliin Ko? Monica Alissandra C. Agnes Ma. Anne Gieliz Camerino Glorivee M. de Chavez Julie Anne D. Lalic Albertine F. Oblena Maisie Noelle R. Sancho Marie Therese Silang
1DAM College of Commerce University of Sto. Tomas →
Negosyo Mo, Negosyo Ko, Alin Kaya ang Pipiliin Ko? INTRODUKSYON:
Mayroong dalawang uri o paraan na maaaring pagpilian sa pagtatayo ng negosyo: pagpaprangkisa at paggawa ng sariling pangalan sa industriya. Nakasalalay ang pag-unlad ng negosyo sa paraan ng pagpapatakbo nito. Lubos na mahalagang isaalang-alang ang kakayahan at abilidad ng taong namamalakad upang maging matagumpay, tumagal at makilala ng nakararami ang negosyo. conveni ence store Marami nang pwedeng iprangkisa ngayon: restaurant , fastfood , conveni , hotel , accesories at marami pang iba. Para itong mga krayola na pwedeng pagpilian depende sa gusto ng taong magkukulay. Sa madaling salita, nakadepende ang negosyo sa hilig o gusto ng negosyante.
A. PANUKALANG PAHAYAG
Sa industriya ng pagkain, mas praktikal ang pagtatayo ng sariling negosyo kaysa sa pagpaprangkisa ng negosyo.
B. PAKSA AT PAGLALAHAD NG SULIRANIN
a) Paksa:
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang dalawang klase ng negosyo na may kinalaman sa industriya ng pagkain. Ito ay ang pagtatayo ng sariling negosyo at ang pagpaprangkisa. b) Paglalahad ng Sul ir anin:
Ang pananaliksik na ito ay maaaring sumagot sa mga sumusunod na katanungan:
• Kaya bang tapatan ng pagtatayo ng sariling negosyo ang pagpaprangkisa sa industriya ng pagkain? • Mas praktikal ba ang pagtatayo ng sariling negosyo kaysa sa pagpaprangkisa? • Anu-ano ang mga bentahe at disbentahe ng pagkakaroon ng sariling negosyo kung ikukumpara sa pagpaprangkisa? • Gaano kakumplikado ang pagpasok sa mundo ng pagpaprangkisa kaysa sa pagtatayo ng sariling negosyo? C. LAYUNIN a) Pangkalahatang Layunin :
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay alamin kung bakit mas praktikal ang pagtatayo ng sariling negosyo kung ikukumpara sa pagpaprangkisa. b) Tiyakang Layunin :
1. Bigyang tuon ang mga kumpetisyong namumuo sa pagitan ng pagtatayo ng sariling pangalan sa negosyo at pagpaprangkisa. 2. Malaman ang mga dalang bentahe at disbentahe ng magkabilang panig. 3. Makapagbigay kaalaman ang mga suliraning kinahaharap ng mga negosyante sa dalawang uri ng negosyo. 4. Makapagbigay kaalaman sa pagsasagawa ng mga stratehiya sa negosyo. D. REBYU O PAG-AARAL Narito ang ilan sa mga nakalap na pag-aaral na isinagawa ng mga naunang mananaliksik. Ito ay tumatalakay sa praktikalidad ng pagtatayo ng sariling negosyo at ng pagpaprangkisa. Sa parteng ito nakasaad ang mga rebyung nakuha ng mga mananaliksik na nagsasabing mas praktikal ang pagtatayo ng sariling negosyo. Ayon sa libro ni Shaw at Kay (1945) na H ow to Start Your Own B usiness , ang pagtatayo ng sariling negosyo ay maganda lalo na kung mayroong sapat na pera para dito. Makabibili
ang negosyante ng sariling lugar para sa negosyo. Kadalasan naman sa mga nagbabalak magtayo ng negosyo, mas pinipiling magprangkisa dahil sa kasiguraduhan na mayroon nang tiyak na tumatangkilik dito kumpara sa pagtatayo ng negosyo na kung saan ito ay hindi pa kilala. Mahirap man makakuha ng mga mamimili ang bagong negosyo, mas mahirap naman ang kinahaharap ng mga nagpaprangkisa ng isang negosyong may masama nang reputasyon. Kinakailangan pang bawiin ulit ang tiwala ng mga mamimili ng nasabing negosyo at iparamdam sa mga mamimili na mapagkakatiwalaan ang negosyong pinaprangkisa. Ang pagtatayo ng sariling negosyo ayon sa aklat na Small Bu sin ess Management: An Entrepreneur’s Guide to Success 2nd Edition nina M egginson , Byrd , at Scott Jr . (1987), ay isang magandang pagkakataon para sa negosyante upang makamit ang kanyang personal na tagumpay sabay sa tagumpay ng negosyo. Sa pagtatayo ng sariling negosyo, nagkakaroon ang negosyante ng kalayaan sa kanyang pagdedesisyon. Ang pagtatayo ng sariling negosyo ay makapagbibigay ng oportunidad para makalikom ng malaking halaga ng pera. Malaking bahagi din ang pamilya kaya nagtatayo ng sariling negosyo sapagkat marami ang nagnanais mamahala ng sariling negosyo kaysa mamasukan. Sa kabilang panig naman, dito nakasaad ang mga nakuhang mga datos na nagsasabing mas praktikal ang pagpaprangkisa. Ayon sa librong Franchising ni Justis Judd (2007) ang pagpaprangkisa ay subok nang klase ng negosyo simula pa noong 1950s. Ang pagpaprangkisa ayon kay Wil li am Cherkasky , presidente ng Educational F oundation of the I ntern ational F ranchisee Association of Amerika , ang nagsisilbing susi sa kaunlaran ng negosyo. Kung ang negosyo ay subukin man ng krisis ng ekonomiya, kaya pa ring patakbuhin nang maayos ng franchisee ang kanyang negosyo sa paraan ng paglilimita sa paglabas at pagpasok ng pera, at paghingi ng sapat na tulong mula sa kanyang franchisor . Upang maging praktikal at maunlad ang isang prangkisang negosyo, kinakailangan ng dedikasyon, tamang lugar ng pagtatayuan ng negosyo, pagsisikap ng franchisee at magandang pagsasama ng franchisor at franchisee . Ayon naman sa librong Ef fecti ve Small Bu sin ess M anagement ni N. Scarbor ough at T. Zimmerer (2000), sa loob ng limang taon ng pamamalakad ay 85% ng mga prangkisang negosyo ang nagtatagal sa industriy a kumpara sa 50% ng mga ― independent ‖ o sariling negosyo. Ngunit hindi ito nangangahulugan na kapag mas piniling magprangkisa, ang negosyante ay magiging maunlad at matagumpay. Ang maayos na takbo ng isang negosyo ay nakasalalay pa rin sa magandang pamamahala ng nagmamay-ari nito. Ayon naman kay Armando O. Bartolome (2008) sa kanyang libro na Overview of , ang pagpaprangkisa ay mas praktikal kaysa sa pagtatayo ng sariling negosyo Franchising sapagkat hindi na nito masyadong kinakailangan ng malawakang pagpapakilala o ―advertising ‖ sa mga konsyumer. Nang dahil sa ang pangalan ng negosyo ay naglalaro na sa industriya, subok na ang kalidad ng kanilang produkto at serbisyo kaya‘t mas nahihikayat ang mga mamimili na tangkilikin ang kanilang negosyong prangkisa. E. KAHALAGAHAN Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik sa hinaharap, sa mga Business Administration (BA) at Entr epreneur students at sa mga bagong entrepreneur na sasabak sa
kumplikadong mundo ng pagnenegosyo. Ito rin ay makapagbibigay ng kontribusyon sa iba pang negosyante na nais pang mapalawak ang kani-kanilang mga stratehikal na ideya, madagdagan ang kani-kanilang karanasan at makadiskubre ng iba pang paraan upang mapaunlad at mapagtibay ang kalakaran ng napiling industriyang tinatahak. F. METODOLOHIYA Ang pananaliksik na ito ay nagsimula sa pagkalap ng mga datos at impormasyon sa pamamagitan ng pagpunta sa aklatan at sa pag-iinterbyu ng apat na nagmamay-ari ng negosyo at apat na nagmamay-ari ng prangkisa. Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa Buenavides Library na matatagpuan sa UST (Unibersidad ng Sto. Tomas). Ang Social Science at F il ipin iana Section ang pinuntahan ng mga ito sapagkat dito matatagpuan ang mga aklat na may kinalaman sa kanilang pananaliksik. Karamihan nga lamang sa mga librong ginamit ay mga akda ng mga dayuhan sapagkat kakaunti lamang ang mga makikitang aklat na gawa ng mga lokal na manunulat tungkol sa paksang sinasaliksik. Ang iba naman sa mga aklat na ito ay pawang pare-pareho lamang ang mga gustong iparating o ‗di kaya ay pawang wala namang koneksiyon sa pag-aaral na ito. Ang interbyu ay isinagawa para lubos na malaman ang mga pamamaraan ng mga negosyante sa pagpapanatili ng katatagan ng kani-kanilang negosyo. Ang mga tanong ay kapupulutan ng impormasyong makapagpapapalinaw sa kalamangan at kakulangan ng pagtatayo ng sariling negosyo. Ito ay binubuo rin ng mga stratehiya at suliraning kinahaharap ng isang negosyo. Ang mga datos na nakalap ay masusing sinuri upang makapagbigay konklusyon sa kalamangan at kakulangan ng pagtatayo ng sariling negosyo sa pagpaprangkisa. G. SAKLAW AT DELIMITASYON Ang tinatalakay na paksa ng mga mananaliksik ay nakatuon sa pagtatayo ng sariling negosyo at sa pagpaprangkisa sa loob at labas ng UST. Ang mga negosyong may kinalaman sa pagkain ang binigyang-pansin ng pananaliksik na ito. Ito ay sa kadahilanang ang mga mananaliksik mismo ay mga food enth usiasts .Isa pang dahilan dito ay ang napakaraming establisyimento ng pagkain na matatagpuan sa loob at labas ng kampus ng UST kaya naman nahikayat ang mga mananaliksik upang alamin ang mga dahilan nila sa pagnenegosyo at kung bakit pinili nila ang ganoong uri ng negosyo. Ito ay nakasentro rin sa kumpetisyong namumuo sa pagitan ng dalawang nasabing klase ng negosyo at sa mga estratehiyang makatutulong sa pag-unlad nito. Ang ilan sa mga suliraning hinarap ng mga nagpaprangkisa at nagtatayo ng negosyo ay nakapaloob dito. Nakasaad din dito ang mga solusyong kanilang ginawa para malagpasan ang mga problemang ito. Sa interbyu naman ay inihanda muna ang mga set ng tanong na ipasasagot sa mga respondents o tagapagtugon, kinakailangang dalawa ang klase ng set ng tanong na ipasasagot sa magkabilang panig. Sa pagpili naman ng mga respondents , ang mga mananaliksik ay pumili sa pamamagitan ng pagkokonsidera sa mga sumusunod:
• Kinakailangan na bawat estyablisyimento sa isang panig ay may katumbas sa kabilang panig. • Kinakailangan ding tingnan kung magkalebel ang dalawa. • Bukod pa riyan, kinakailangan ding bigyang -pansin kung pareho ang serbisyo o produktong kanilang iniaalok. H. DALOY NG PAG-AARAL • Ang unang kabanata ang bumubuo sa ulo ng pananaliksik. Ito ay sinimulan sa pagpapakilala sa dalawang uri ng negosyo. Inilahad dito ang kasaysayan ng negosyong prangkisa at ng sariling negosyo. Ang ilang punto tungkol sa pagtatayo ng sariling negosyo at pagpaprangkisa ay inilahad din dito. • Ang ikalawang kabanata ay naglalaman ng mga pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik mula sa mga nakalap na impormasyon sa mga aklat. Dito rin ipinahayag ang mga datos at impormasyong nakuha mula sa interbyu. • Ang ikatlong kabanata ay binubuo ng konklusyon at rekomendasyon sa pananaliksik na ito. Dito ibinigay ang mga dahilan kung bakit mas praktikal ang magtayo ng sariling negosyo. Dito rin matatagpuan ang kinalabasan ng ginawang pananaliksik. Kasama rin dito ang ilan sa mga rekomendasyong nais ibahagi ng mga mananaliksik. UNANG KABANATA:
Ano ang ibig sabihin ng negosyo? Batay sa WIKIPEDIA, ang negosyo ay isang gawain o interes na pinaghihirapan ng isang tao upang ito ay lumago. Pinagbubuhusan ng pawis, pag-iisip at pera ang negosyo upang magkaroon ng kita. Ito ay isang gawaing komersiyal upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang mga lipon ng negosyo ang bumubuo sa industriya. Ito ang nakatutulong sa pag-angat ng bansa upang makipagsabayan sa iba pang mga bansa. May mga elemento o bagay-bagay ang dapat pagtuunan ng pansin bago sumabak sa anumang negosyong ninanais. Narito ang ilan sa mga elementong iyon: Isa sa mga mahahalagang elemento sa pagnenegosyo ay ang marketing . Dito pinag-aaralan kung papaano mailalapit sa publiko ang produkto. Sinabi ng mga manunulat ng librong M ark etin g Cases: An Asian Perspective na sila Wong F ook Sun (1997), ―M arketin g is about the business of satisfying customers’ needs and want s. Every organ isation th at does a good job of it l ays the foun dation to profi tabli li ty.‖ Ayon sa Marketer’s Toolkit: The 10 Strategies You Need to Succeed , upang maging matagumpay sa pagbenta ng produkto, kailangan ng epektibong mark eti ng str ategy . Ang mark etin g strategy ang magbibigay ng kalamangan sa mga kakumpetensiya sa industriyang ginagalawan ng produkto. Kasama dito ang pricing at ang branding . Ang dalawang ito ang
magbibigay ng indibidwalidad sa produkto. Ayon kay Bar ri e Pearson (1987) sa kanyang akda na Common -Sense Business Strategy , mahalagang panatilihin at pagbutihin ang imahe ng negosyo upang maiangat ito laban sa mga kakumpitensya. Kaya naman, sinasabi sa Marketer’s Toolkit: The 10 Strategies You Need to Succeed , ang branding ay tumutulong sa mga mamimili sa pagkilala sa isang serbisyo o produkto. Ang brand ay ang pangalan, simbolo, disenyo, o kumbinasyon ng mga ito na tutulong sa madaling pagkilala sa serbisyo o produkto. Ang pricing naman, ayon pa rin dito, ay mahalaga kung ang produkto o serbisyo ay isang commodity . Sa mga elemento ng pagnenegosyo, mayroong tinatawag na finance . Dito, pinag-aaralan ang papel na gagampanan ng pera sa negosyo. Kasama dito kung magkano ang nagagastos sa paggawa ng produkto at kung magkano ang kinikita. Sa mahusay na financin g, madaling mababantayan kung saan napupunta ang perang puhunan. Ayon muli kina Heinecke at Marsh , kailangan alamin ang fi nancial limits upang umunlad ang negosyo, at tunay na lumago ito. Ang hu man r esour ce management ay isang mahalagang elemento kung saan ang mga manggagawa ay mahahalagang aspeto sa tagumpay ng negosyo. Ito ay ayon sa M anagement Prin ciples na akda ni Robert Kr eitn er (2009) kung saan sinasabi rin na ang mga manggagawa ay dapat mayroong sapat na kaalaman at kakayahan upang maisagawa ang mga trabaho sa dekalidad na paraan. Sa ganitong paraan, mapapadali at higit na mapapabuti ang paggawa at pagbebenta ng serbisyo o produkto. Negosyong Prangkisa vs. Sariling Negosyo Ano nga ba ang pagpaprangkisa at pagtatatayo ng sariling pangalan sa negosyo? Batay sa FRANCOUNSELGROUP, ang salitang ―franchise ‖ ay hango sa Anglo-Pranses (Anglo-French ) na salita na ―franc ‖ na ang ibig sabihin ay libre o malaya. Ang pagpaprangkisa ay ang paggamit ng isang matagumpay na business venture na pagmamay-ari ng iba. Ayon sa Ul timate Book of F ranchi ses na akda nina Rieva L esonsky at M aria Anton-Conley (2004), ang Franchisee ang siyang bumibili ng kilalang pangalan ng negosyo o prangkisa, samantalang ang franchisor ay ang nagtayo o nagpaunlad ng nasabing pangalan ng negosyo. Sa pagbili ng prangkisa, nakadepende ang takbo ng negosyo sa franchisee hindi sa franchisor dahil ang negosyo ay nasa ilalim na ng pamamalakad ng franchisee sa oras na mabili ang prangkisa. Ayon pa rito, hindi lamang pawang teknikal ang mga sistemang mayroon sa pagpaprangkisa. Nangangailangan din ito ng masistemang pananaw na dapat taglayin ng . Sa mga pamamalakad na ito masasabi na hindi lamang pera o kapital ang franchisee kailangan sa pagpaprangkisa upang kumita; kailangan din ng pagsisikap at tiyaga sa pagpapaunlad ng prangkisang nabili kahit na kilala na ito ng masa. Hindi dahil nabili na ang pangalan ng prangkisa ay may kasiguraduhan na kikita rin ito ng malaki gaya ng mga kapangalan nito. Isang kalamangan ng pagpaprangkisa ay ang pagtanggap ng suporta sa franchisor sa pagpapatakbo ng negosyo. Maaaring gabayan o tulungang mamalakad ng franchisor ang franchisee . Ngunit hindi magandang manatiling nakadepende sa tulong na
maaaring ibigay ng franchisor sa paglutas ng mga problemang kinahaharap ng negosyo. Nakasalalay pa rin ang lahat sa kamay ng taong bumili ng prangkisa. Paano nga ba tumatakbo ang pera sa pagpaprangkisa? Ayon pa rin kina Lesonsky , sa pangkalahatan, may mangyayaring tatlong bayaran sa pagitan ng franchisee at franchisor , tinatawag itong: ini tial f ranchi se fee , royalties at adver tisin g contri buti ons. Ang initial f ran chi se fee ay ang bayad ng franchisee sa prangkisang bibilhin. Kadalasang 2,500,000 pesos ang initial f ran chise fee ngunit ang tipikal na halaga ng prangkisa ay naglalaro sa 900,000 hanggang 1,500,000 pesos. Kalimitan namang kasama na sa fr anchi se fee ang lokasyon, makinarya na gagamitin sa negosyo, inisyal na serbisyo at pagsasanay. Mangyayari ang bayaran sa pirmahan ng kontrata na kung saan ang dalawang panig ay nararapat na magharap. Bukod pa sa initi al f ranchise fee ay ang royalty f ee . Ito ay ang pagbibigay sa franchisor ng tatlo hanggang walong pursyento na kita ng franchisee . Kadalasang kinakalkyula ito sa pamamagitan ng pagkompyut sa gr oss sales ng negosyo ng bumili ng prangkisa. Ang gross sales ay ang kita ng negosyo bago bayaran ang mga layabilidad tulad ng sweldo, upa at ang iba pang mga gastos sa loob ng negosyo. Natural na gustong malaman ng franchisor ang gross sales dahil nagpapalaki ito ng binabayarang r oyalty f ee . Walang direktang interes ang franchisor sa panglabas na anyo na takbo ng negosyo dahil kahit anong mangyari ay makatatanggap pa rin siya ng r oyalt y fee kumita man ang prangkisa o hindi. Ang panghuling termino ng bayaran sa pagitan ng franchisee at franchisor ay ang . Nagtatakda ang franchisor ng pinunong franchisee sa bawat adverti sin g fu nd contributi ons rehiyon, ang pinuno ng franchisee ang siyang mamamahala sa nakalaang pera para sa promosyon ng negosyo. Makikinabang ang bawat franchisee sa system t rademar ks na ito. Ang bayarin ay kadalasang naglalaro sa isa hanggang apat na pursyento ng g ross sales . Ang mga kitang hindi napupunta sa tatlong bayarin na ito ay mapupunta sa franchisee . Ito ay ilan lamang sa mga responsibilidad ng nagbabalak magprangkisa. Makikita na hindi lamang basta-basta ang pagsabak sa industriya ng pagpaprangkisa dahil may mga kailangang sundin na hindi dapat ipagpaliban o ipagwalang-bahala. Hindi ito katulad ng pagtatayo ng sariling negosyo na hawak at kontrolado ang bawat galaw ng sirkulasyon ng kita at sa lahat ng bahagi ng negosyo. Dalawa sa mga nakapanayam ng mga mananaliksik – ang isa ay may-ari ng bakery at karinderya at ang isa naman ay may-ari ng fr ui tshake stand - ang nagsabi na hindi sumagi sa kanilang isipan na magprangkisa. Ito ay dahil sa paniniwalang ang franchisor ang siyang tatayong amo. Kung baga, hindi ang franchisee ang mismong employer . Ang kadalasan na argumento nila tungkol dito ay: Bakit pa magtatayo ng negosyo kung hindi naman ang may-ari ang mismong mamamahala sa pangkahalatang pagpapatakbo nito? Isa pang inaalala ng mga nagplaplanong sumabak sa negosyo ay ang r oyalty f ee na kinakailangan sa pagpaprangkisa. Ito ang pinakamahirap na parte sa pagpaprangkisa sapagkat malugi man o hindi ang negosyo, kailangan patuloy pa rin ang pagbabayad ng r oyalt y fee sa franchisor . Negosyo at ekonomiya. Madalas naririnig ang mga salitang nabanggit na magkasama. Ayon kay David A. E ichenbaum (2007), sa kanyang librong, Th e Business Rules: Th e Seven I rr efu table Laws That D eterm in e All Bu sin ess Success , ito ay dahil ang negosyo ang
nagpapatakbo at nagpapaunlad sa ekonomiya. Sinasabi rin dito na kadalasan, ang kaunlaran ng isang bansa ay ibinabatay sa ekonomiya nito. Kaya naman, sa panahon ngayon, napakalaking parte sa lipunan ang dalawang salitang ito. Masasabi na kapag ang ekonomiya ay maunlad, ang pamumuhay ng mga taong napapaloob dito ay magaan. Ayon kay Eichenbaum , isa sa mga pangunahing dahilan sa pagtatayo ng negosyo ay upang magkaroon ng puhunan; at ang puhunang makakalap sa kasalukuyan ay iaambag sa puhunang gagamitin sa hinaharap. Ngunit, paniguradong maraming pagsubok ang haharapin ng isang nagsisimula pa lamang sa mundo ng pagnenegosyo. Ayon kay Rieva L esonsky (2007), na may akda ng Start Your Own B usiness , sa paggawa ng bagong pangalan sa mundo ng pagnenegosyo, kailangang buuin ito ― fr om the ground up ‖. Isa sa mga pagsubok dito, ayon sa kanya, ay ang kahirapan sa pagbuo ng customer base . Ang kahalagahan ng mga kostumer ay suportado ni F . J. L ennon (2001) sa kanyang akdang Every M istake in the Book . Ayon sa kanya, kapag walang mga kostumer, walang negosyo. Sa libro naman ni Richard L uecke (2006) na pinamagatang Marketer’s Toolkit: Th e 10 Star tegies You Need to Succeed , sinasabing ang mga elemento sa pagnenegosyo – — ay umiikot sa mga mark etin g, human r esour ce, f in ance, producti on, pr oduct development kostumer dahil sa kanila ibinabatay ang mga ito. Makikita din sa The World’s Billionaires Rank ng Forbes , karamihan sa mga pinakamayayaman sa buong mundo ay mga negosyante – mga entrepreneur. Sila ay mga karaniwang tao na mayroong ‗di pangkaraniwang mga ideya. Ayon kina Wil li am H ein ecke at Jonatahan M arsh (2003), sa pinagtambalan nilang akda na 25 Golden Ru les for the Gl obal Bu sin ess M anager , isa sa mga nagtutulak sa mga negosyante na tahakin ang landas ng pagnenegosyo ay sa kadahilanang sila ay mayroong mga magagandang ideya, ngunit sila‘y nananatiling nagtatrabaho lamang para sa iba. Ayon pa kina Heinecke , ang mga negosyanteng ito ay handang gumawa ng sakripisyo upang mapaunlad ang sarili. Ayon pa sa kanila, ang mga ito ay gumagawa ng matitinding paghahanda at pananaliksik upang mapabuti pa ang kani-kanilang mga ideya, at mailapit ito sa publiko. Ang prosesong iyon ay ang tinatawag na produ ct development . Malinaw na ang pagtatayo ng sariling negosyo ay hindi madali. Sabi nga ni Bri an Tracy (2000) sa kanyang librong, T he 100 Absolut ely Un breakable Laws of B usin ess Success , ―Success is unpr edictabl e .‖ Kaya naman, kailangan maging pursigido at determinado ang mga nagnanais magsimula ng sariling negosyo. Sa prangkisa, sa sandaling panahon ng pagkakatayo ng negosyo ay hindi na mahihirapan pang ipakilala ang mga produkto at serbisyong iniaalok. Ayon kay Rosa Ayana ng Tokyo- Tokyo, ―Madali nang makakuha ng mga customer ang isang prangkisa; kailangan lang talaga ay strategy .‖ Ang pagkakaroon ng kilalang pangalan ang malaking kalamangan ng pagpaprangkisa sa pagtatayo ng sariling negosyo. Ngunit kung hindi mapapanatili ng maayos ang pangalan ng prangkisa, magdudulot ito ng problema at hindi nito maaabot ang inaasam na kita. Nakasalalay din sa bawat prangkisa ang imahe ng negosyo. Sa isang pagkakamali tulad ng hindi magandang serbisyo, maaaring maiba na ang tingin ng mamimili sa iyong negosyo.
Binanggit ni M ardy Camanaque ng Friomixx , ―Kung halimbawa na magsara iyong isang branch dahil mahal o kaya hindi maganda ang serbisyo, nadadamay ang iba pang branch kaya parang iniisip ng tao na katulad ang serbisyo nito sa nagsarang branch . Kung kaya‘t lahat ng nagpaprangkisa ng nabanggit na negosyo ay nadadamay.‖ Mahirap at mabusisi ang pagpaprangkisa. Ayon kay Lourdes Lopez ng Binalot , ―Isang problema din ang availabi lity ng products, talagang nakadepende ka sa comissary, at hindi ka maka-adjust sa pricing dahil ang company dapat ang mag-adjust.‖ Hindi maaaring magbago kaagad ang estratehiya at pamamahala ng isang negosyong prangkisa. Ayon naman kay Al M edina, Jr. , may-ari ng Sti cks and B owls (korporasyon) at Sizzlin g Seafoods (sole-propreitorship), ―Ang franchise kasi ay may agreement . Kaya ever y move that you make, you have to inf orm your f ran chisors . Kaya masyado itong restricted .‖ Ang pagpaprangkisa ay dadaan muna sa mabusising proseso na nangangailangan pa ng pagsang-ayon ng franchisor . Ayon din sa kanya, kinakailangang bigyang-pansin ang popularidad ng negosyo at kalidad ng pagkain at produkto na kinuha mismo sa kumpanyang gustong prangkisahin upang hindi masira sa mga mamimili. Sa mga nagtayo ng sariling negosyo, hindi naisipan ni Del Rabe , may-ari ng siomayan sa Dapitan na magprangkisa dahil sa laki ng kapital na kailangan. Maliban pa doon ay sinasabi niya na mahirap sumabak sa industriya ng pagpaprangkisa dahil kailangan ay may parehas na antas ng pamamahala lalo na sa aspeto ng pagpataw ng presyo sa mga serbisyo at produkto na iniaalok. Ayon naman kay Dani lo Resari , may-ari ng Nemias F ru itshake , sa pagharap naman sa problema o kagipitan sa negosyo ay mas mahirap solusyunan ang negosyong prangkisa dahil sa taas ng kalidad na kinakailangan. Isa rin daw kaginhawaang maituturing na manggaling ang lahat ng plano o estratehiya sa mismong negosyante para sa pagpapatakbo ng nasabing negosyo. Ayon sa kanya, sa lasa nakasalalay ang lahat: ― Taste is the best.‖ Kung ikukumpara naman sa paraan ng pagkontrol ng franchisor sa kita at ikauunlad ng negosyo, na sa bawat hakbang na gagawin ay kailangang ipaalam pa; ang pagtatayo ng sariling negosyo ay lubhang mas malaya. Nangyayari din sa mga nakapanayam na negosyante ang pagharap sa mga suliranin na kadalasang lumilitaw sa pangkabuhayan gaya ng pagkalugi. Ayon kay Leah ng Onaka I ppai , ―May tamang kita dapat sa araw-araw or malulugi ang business ‖. Ayon naman kay , ―Nakaranas din kami ng fi nancial problems Al M edina Jr., may-ari ng Sizzli ng Seafoods when i t comes to r entals and deposits.‖ Ayon pa rin sa kanya, ang mga problemang ito ay normal lamang sa pakikipagsapalaran. Hindi rin daw basta-basta ang pagtatayo ng sariling negosyo kahit na hindi nangangailangan ng ganoong kalaking kapital kinakailangan dapat na magsagawa muna ng pag-aaral ukol sa kabuhayang itatayo upang ito ay maging matagumpay.
I KALAWANG KABANATA:
A. PAGSUSURI Resulta ng Interbyu: Problemang Kinaharap ng May Sariling Negosyo
Pinansyal = P Lokasyon = L Customer Relati ons/ Popularidad/ Adverti sement = CPA Assets (Kagamitan/ Hilaw na materyales) = AE
stratehiya = E
Sizzli ng Seafoods = P, L Onakka I ppai = P Nemias F ru it Shake = L, A = CPA, A, E Siomayan sa Dapitan
Ang pagtatayo ng sariling negosyo ay humaharap sa iba‘t ibang problema. Halos lahat ng nagtatayo ng sariling negosyo ay humaharap sa suliraning pinansyal, lokasyon, kagamitan at hilaw na materyales. Problemang Kinaharap ng Nagpaprangkisa
Pinansyal = P Lokasyon = L Customer Relati ons/ Popularidad/ Adverti sement = CPA Assets (Kagamitan/ Hilaw na materyales) = AE
stratehiya = E
Frio Mixx = CPA, A, E = P, A, E Tokyo-Tokyo Binalot = A, E Fruitas = CPA, A
Ayon sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, kanilang napagtanto na mas maraming kinahaharap na problema ang mga nagpaprangkisa kaysa sa mga nagtatayo ng sariling negosyo.
Ayon pa rito, masasabi ng mga mananaliksik na ang lahat ng mga na-interbyung nagmamay-ari ng negosyong prangkisa ay humaharap sa magkakaparehas na problema ang ‗di sapat na supply ng mga hilaw na materyales. Sa unang tingin, tila napakadaling isipin na ang pagpaprangkisa ay praktikal dahil sa sinasabing kilala na ng masa ang pangalan kaya hindi na kinakailangan pang magsagawa ng kung anu-anong stratehiya upang umakit ng mamimili. Isa pa sa mga salik ay ang kahirapan sa pagpapakilala ng produkto, na kung saan ay ang mga negosyong pinaprangkisa ay gagamit lamang ng advertisements samantalang ang negosyong naguumpisa pa lamang ay nangangailangang magdoble-kara upang mapansin at puntahan ng tao.
Isa pang dahilan sa pagsasabing praktikal ang pagpaprangkisa ay ang pagkakaroon na agad ng magandang reputasyon sa industriya. Kaya sinasabing madaling kumita o mabawi ang kapital sa pagpaprangkisa ay dahil sa tiwala ng tao sa kalidad ng serbisyo o produktong inaalok ng nasabing negosyo. ―Bibilihin mo lang ang pangalan, kikita ka na.‖ Yan ang madalas na iniisip ng tao kaya mas pinipili ng iba na magprangkisa na lamang kaysa sa mahirapan silang magpakilala ng bagong pangalan sa negosyo na kung saan ay laging mahigpit ang kumpitensya, mapa-pagkain, mapa-damit, o mapa-laruan man.
Ngunit kung pag-aaralang mabuti ang prosesong pagdadaanan sa pagpaprangkisa maging sa mga dapat isaalang-alang habang tumatakbo na ang negosyong prangkisa, marahil ay mababago ang impresyon ng mga tao ukol dito. Ang pagpaprangkisa ay humaharap sa mas maraming suliranin kung ikukumpara sa pagtatayo ng sariling negosyo. I KATLONG KABANATA:
A. KONKLUSYON Matapos ang masusing pag-aaral, pagkalap ng mga datos, at pag-iinterbyu sa mga ‖appropriate ‖ na taong nabanggit sa ikalawang kabanata, napatunayan na mas praktikal ang magtayo o mag-umpisa ng sariling negosyo kumpara sa pagbili ng prangkisa. Ayon sa mga impormasyong nakalap, praktikal ang bumili ng prangkisa kung pagbabasihan ang pangalan at popularidad, ngunit sa kabilang banda, mas praktikal pa rin ang magtayo ng sariling negosyo sa katagalan. Sa pagbili ng prangkisa, limitado ang pamamahala nito sang-ayon sa nakasaad sa kontrata. Ikalawa naman dito ang pagtatayo ng sariling negosyo, kung saan ang nagmamay-ari ay malayang nakapagdedesisyon ukol sa mga pagbabagong kanyang ninanais. Ang isang negosyanteng bumili ng prangkisa ay itinuturing bilang isang manedyer lamang at nabibigyan lamang ng karapatan na gamitin ang pangalan at logo ng kanyang pinagpaprangkisahang kumpanya. Samantalang sa pagtatayo ng sariling negosyo, ang pangalan at logo ay pag-aari rin ng negosyanteng nagtayo nito at mayroon siyang kalayaang baguhin ito kailan man niya naisin. Ang pagbili ng negosyong prangkisa ay nangangahulugan ng napakalaking puhunan, samantalang sa pagtatayo ng sariling negosyo, sapat na ang hindi gaanong kalakihang kapital.
Sa pangkabuuan, maaaring hindi maging madali ang pagtatayo ng sariling negosyo sa kadahilanang magsisimula ito sa wala, ngunit sa paglipas ng panahon ay mas praktikal pa rin ito. Hindi ito nangangailangan ng malaking puhunan at maaaring mag-umpisa sa maliit ang nagnanais na magtayo ng sariling negosyo. Malaya ang negosyante na gumawa ng desisyon at nasa kanya ang buong pagmamay-ari ng pangalan at logo ng kanyang negosyo. Sa katagalan ng negosyo, aani rin ito ng reputasyon at popularidad na tulad ng sa mga kilalang malalaking industriya‘t korporasy on na nag-aalok ng pagpaprangkisa. Ang inumpisahang maliit na negosyo ay maaaring lumaki kung magtitiyaga. Batay sa mga nabanggit na impormasyon, masasabing ang pagtatayo ng sariling negosyo ay talagang mas praktikal kaysa sa pagpaprangkisa.
Hindi kailangang madaliin ang pag-unlad. Ang oras ay isa lamang bahagi nito. Higit na mahalaga pa rin ang paggawa ng dekalidad na produkto at serbisyo, at ang pagbibigayhalaga sa mga mamimili. Ang mga mamimili ay ang bubuhay sa negosyo, kaya naman dapat intindihin at respetuhin nang husto ang mga ito. B. REKOMENDASYON Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga susunod na henerasyong nagbabalak magaral sa pareho o may pagkakatulad sa nasabing paksa na sila ay maglaan ng sapat na panahon upang makagawa ng mga interbyu sa mga piling negosyante nang sa gayon ay makakalap sila ng sapat na datos. Kung kanilang pagtutuunan ng pansin ang kumpetisyong namamagitan sa sariling negosyo at prangkisa ay maaari silang magsarbey sa mga tao sa pamamagitan ng pagkukumpara ng isang sariling negosyo at sa isang prangkisa, na kung saan ba mas nasisiyahan ang mga kostumer.
Maganda ring mabigyang-pansin ang mga bagay na kailangan sa pagtatayo ng sariling negosyo – puhunan, lokasyon, pangalan, tiwala ng kostumer at iba pa. Ikonsidera rin dapat ng mga mananaliksik ang mga saloobin ng mga nagbabalak magtayo ng sariling negosyo: Ang kanilang kahandaan sa pagpasok sa kumplikadong mundo ng pagnenegosyo.
Inirerekomenda din ang pananaliksik at pagkalap ng mga datos mula sa interbyu ng mga guro ng Komersiyo na nakatuon sa pagtatayo ng negosyo o mga En tr epreneur Prof essors . Makatutulong ito nang malaki upang mas mabigyang-linaw ang magagandang dulot ng pagtatayo ng sariling negosyo. Sa pagpapalawig ng pag-aaral na ito, maaari ring mas bigyang-pansin ang iba pang mga salik na kinahaharap ng pagnenegosyo ng sarili at ng prangkisa.
Ipinapayo rin na bigyang-pokus ang mga negosyong sa Pilipinas mismo nag-umpisa. Maganda rin kung ang mga negosyanteng makakapanayam ay ang mga matatagumpay, na kung saan ang kanilang negosyo ay napalawig na sa iba‘t ibang parte ng bansa o maging ng mundo. Inirerekomenda rin ang paggamit ng mga aklat partikular na ang mga akda ng mga lokal na manunulat.
APENDIKS:
A. INTERBYU Ito ang mga tanong na ginamit sa pag-iinterbyu ng apat na nagmamay-ari ng negosyo: 1) Ilang taon na ang inyong negosyo? 2) Bakit ninyo naisipang magtayo ng sariling negosyo? Pumasok ba sa isip ninyo ang magprangkisa? Bakit at bakit hindi?3 ) Paano ninyo ipinapakilala ang inyong produkto sa mga mamimili? 4) Ano ang mga suliraning hinarap ninyo sa pagtatayo ng sariling negosyo? 5) Ano ang mga stratehiyang ginawa ninyo upang malutas ang mga problemang kinaharap ng inyong negosyo? 6) Paano kayo nakikipagsabayan sa inyong mga kakumpitensya? 7) Ano sa tingin ninyo ang mayroon sa nagtatayo ng sariling negosyo na wala sa nagpaprangkisa? 8) Ano ang maibibigay ninyong payo sa mga nagbabalak magtayo ng sariling negosyo? Ito naman ang mga tanong na ginamit sa pag-iinterbyu ng apat na negosyanteng nagpaprangkisa: 1) Ilang taon na kayong nagpaprangkisa? 2) Bakit ninyo naisipang magprangkisa? 3) Ano ang naging epekto ng pagiging kilala ng pangalan ng inyong pinaprangkisa? 4) Ano ang inyong lamang sa mga negosyanteng nagtatayo ng sarili nilang negosyo? 5) Mayroon ba kayong hinaharap na mga problema? Kung meron, anu-ano ang mga iyon? 6) Ano ang mga solusyon na ginawa ninyo? 7) Mayroon bang pagkakataon na binago ninyo ang stratehiya ng inyong franchisor? Ano ang mga iyon? 8) Ano ang maibibigay ninyong payo sa mga gustong magprangkisa? MGA SANGGUNIAN: A. MGA AKLAT:
Anton-Conley, M. & Lesonsky, R. (2004). Ul timate Book of F ranchi ses . Canada: Entrepreneur Media, Inc.
Bartolome, A. (2008). Overview of F ranchi sin g . USA: Golden Morning Blessings Franchise Developers.
Byrd, M., Megginson, L. W. & Scott, C. (1997). Small B usin ess M anagement: AnEntrepreneur’s Guide to Sucess (2nd Ed.). USA: Richard D. Irwin, Inc.
Eichenbaum, D. A. (2007). Th e Business Rul es: Th e Seven I rr efu table Laws That D eter min e All B usiness Sucess. Canada: Entrepreneur Press.
Heinecke, W. E. & Marsh, J. (2003). 25 Golden Rules for th e Global BusinessM anager . USA: John Wiley & Sons.
Judd, R. J. & Justis, R. T. (2007). Franchising . USA: Thomson Custom Pub.
Kay, E. & Shaw, W. (1945). H ow to Start Your Own B usiness. USA: Ziff-Davis.
Kreitner, R. (2009). M anagement Prin ciples (Philippine Ed.). Philippines: MG Reprographics, Inc.
Lennon, F. J. (2001). Ever y Mi stake in the Book . USA: HarperCollins Publisher, Inc.
Lesonsky, R. (2007). Start Your Own Bu sin ess. USA: Entrepreneur Press.
Luecke, R. (2006). Marketer’s Toolkit: The 10 Strategies You Need to Succeed . USA: Harvard Business School Press.
Pearson, B. (1987). Common-Sense Busin ess Strategy . Great Britain: Mercury Books Division.
Scarborough, N. M. & Zimmerer, T. W. (2000). Ef fecti ve Small Bu sin essM anagement: An . USA: Prentice Hall, Inc. En trepreneur ial Approach
Tracy, B. (2000). Th e 100 Absolutely Un breakable L aws of Bu siness Success . USA: BerrettKoehler Publishers, Inc.
Wong Fook Sun. (1997). M ark etin g Cases: An Asian Perspective . Singapore: Prentice Hall. B. MGA I NTERNE T SOURCE: ―H istory of F ranchising ‖. FRANCOUNSELGROUP,
http://www.francounselgroup.com/looking-for-a-franchise/history. Accessed on March 2010.
―Negosyo ‖. WIKIPlEDIA, http://tl.wikipedia.org/wiki/Negosyo. Accessed on February 2010.
―The Worl ds Bi ll ionair e Rank ‖. Forbes.com, http://www.forbes.com/lists/2009/10/billionaires-2009-richest-people_The-WorldsBillionaires_Rank.html. Accessed on February 2010. 3 years ago Notes (0) feather by eric hu