RITO NG BANAL NA PAGTATALAGA NG SIMBAHAN NG PAROKYA NG STA. ELENA HAGONOY, BULACAN 11 Enero 2016 Simbahan ng Parokya ni Santa Elena Hagonoy, Bulacan 9:00 am
RITO NG BANAL NA PAGTATALAGA NG SIMBAHAN UNANG BAHAGI: PAGTITIPON SA HARAP NG SIMBAHAN Dahil ang simbahan ay pinaggaganapan na ng mga banal na pagdiriwang, hindi na nakapinid nakapinid ang mga mga pinto. Gayunpaman ay magsisimula magsisimula sa labas labas ng simbahan ang pagdiriwang. Inaasahan ding ding nakabukas at walang walang laman laman ang tabernakulo ng simbahan sa pagkakataong ito. Ang sambayanan ay magtitipon sa harap (malapit sa may pintuan) ng Simbahang itatalaga. Pinangungunahan ng tagapagdala tagapagdala ng krus, ang Obispo (na nakasuot nakasuot ng mitra at hawak ang bacculo) at ang mga kasamang pari, ang mga diyakono at mga tagapaglingkod (na nasa kani-kanilang angkop na kasuotan) ay lalapit sa pintuan ng simbahan, kung saan ang mga mga tao ay natitipon. natitipon. Gaganapin ang pagbasa sa nilalaman ng marker at ang paggupit ng laso ng pintuan matapos ang pag-awit ng Lupang Hinirang. Hinirang. PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS : Lupang Hinirang Commentator: Magandang araw po sa inyong lahat! Ang araw na ito ay araw ng malaking pagdiriwang sa atin dahil ngayon ay itatalaga ang ating simbahan upang maging pampalagiang lunan ng ating pagsamba sa Diyos na ating Ama. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa banal at masayang pagdiriwang na ito sa masiglang pag-awit at pagtugon sa mga panalangin. Aawitin po natin ang Pambansang Awit. Pangungunahan ng koro ang pag-awit pag -awit ng sambayanan.
PAG-AALIS NG TAKIP AT PAGBASA NG MARKER Commentator:
Ngayon po naman ay ating masasaksihan ang pag-aalis ng takip sa (mga) panandang pangkasaysayan ng ating simbahan.
Hahawiin o aalisin ng mga nakatalaga sa ganitong gawain ang takip ng panandang kasaysayan. Babasahin nang malinaw ang nilalaman ng panandang pangkasaysayan, na wawakasan naman sa pagpalakpak ng sambayanan. Kung higit sa isa ang panandang kasaysayan, gaganapin din dito ang paraang gaya ng sa nauna. PAGGUPIT NG LASO
IKALAWANG BAHAGI: BAHAGI: PAGPASO PAGPASOK K SA LOOB LOOB NG SIMBAHAN
Obispo:
Buong galak at paggalang tayong pumasok sa tahanan ng Panginoon!
Unang papapasukin ang mga nagsisimba. Habang inaawit ang Pambungad na Awit, Papasok ang Obispo at mga kasamang pari sa nakaugaliang pamamaraan, na pinangungunahan ng tagapagdala ng krus at ng iba pang tagapaglingkod. (Walang dalang insenso at kandila ang mga tagapaglingkod sa pagkakataong ito.) Hindi hahalik sa dambana ang Obispo at mga pari, bagkus, dadako agad sila sa nakatakdang lugar sa sa kanila. Kukunin ng tagapaglingkod tagapaglingkod sa Obispo ang mitra at bacculo. Sa kanyang luklukan, ipapahayag ng Obispo ang ganitong pananalita:
PASIMULA
Obispo:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
Obispo:
Ang pagpapala at kapayapaan ng Panginoon sa Kanyang banal na simbahan ay sumainyong lahat.
Bayan:
At sumaiyo rin.
PAGKAKALOOB NG SIMBAHAN SA OBISPO Commentator:
Atin po ngayong masasaksihan ang paghahandog sa Obispo ng bunga ng sama-samang pagsusumikap ng sambayanan dito sa ating parokya sa pangunguna ng ating Sangguniang Pastoral.
Lalapit sa luklukan ng Obispo ang Pangulo ng Sangguniang Pastoral ng parokya at ihahandog sa kanya ang symbolic key o anumang maaaring kumatawan sa simbahang itinatag (gaya ng titulo ng lupa, plano ng simbahan, o anumang katumbas nito). nito). Maaari ring ilahad, sa Obispo at sa sambayanan, ng piniling magsalita ang katangian ng itinatalagang simbahan.
PAGBABASBAS AT PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG Lalapit ang mga tagapaglingkod na may dalang tubig.
Obispo: Mga kapatid kong minamahal, sa maringal na pagdiriwang na ito ng pagtatalaga ng simbahan ng Parokya ng Santa Elena, hilingin natin sa Amang Makapangyarihan na marapatin Niyang basbasan itong tubig na iwiwisik ngayon, bilang tanda ng ating pagsisisi, bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon. Pagkalooban nawa Niya tayo ng panibagong lakas para sa pamamalaging matapat sa Espiritu na ating tinanggap. Sandaling katahimikan
Amang maawain, tinawag Mo ang bawa’t nilalang sa liwanag ng buhay, at nilipos Mo kami ng Iyong dakilang pagmamahal, upang kung kami ma’y maligaw ng landas, lagi Mo kaming mapanumbalik kay Kristong aming ulo. Itinakda Mo ang pagpapalaganap ng Iyong awa, nang ang mga makasalanan, na dumaan sa tubig na pinagpala, ay mamatay kasama ni Kristo at bumangong muli bilang mga bahagi ng Kanyang katawan at tagapagmana ng tipang walang hanggan.
Basbasan Mo ang tubig na ito at pabanalin. Habang iwiniwisik ito sa amin at sa buong Simbahan, gawin Mong ito ay maging tanda ng mapagligtas na tubig ng binyag, na kung saan kami ay nakaisa ni Kristo, at naging templo ng Iyong Espiritu. Nawa, kaming naririto ngayon at ang lahat ng paririto sa darating na panahon, na magdiriwang ng dakila Mong mga misteryo ay sa wakas, magkasama-sama sa banal Mong lunsod sa kalangitan. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Bayan: Amen. Matapos basbasan ang sarili sa banal na tubig. Isusuot sa kanya ang mitra at magwiwisik siya sa sambayanan at sa pader ng simbahan sa pangunguna ng tagapagdala ng krus. Sa huli, babasbasan din niya ang dambana. Habang ginaganap ang pagwiwisik, aawit ang sambayanan sa pangunguna ng koro.
Awit sa pagwiwisik: ISANG PANANAMPALATAYA Koro:
Isang Pananampalataya, isang pagbibinyag Isang Panginoon, angkinin nating lahat Habilin ni Jesus, noong Siya’y lumisan Kayo ay magkatipon sa pagmamahalan (Koro) Ama, pakinggan Mo, ang aming panalangin Dalisay na pag-ibig sa ami’y lumapit (koro) Mga alagad ko, pa’no makikilla Tapat nilang pag-ibig, wala nang iba pa. (Koro)
Matapos ang pagwiwisik babalik ang Obispo sa kanyang luklukan, aalisin sa kanya ang mitra, at magkadaop ang kamay niyang sasabihin:
Obispo: Manahan nawa ang Amang maawain sa bahay-dalanginang ito. Dalisayin nawa tayo ng kaloob ng Banal na Espiritu upang maging marapat tayong templo ng Kanyang pananatili. Bayan:
Amen.
GLORIA
Obispo: Gloria in excelsis Deo…
aawitin
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Obispo: Manalangin tayo sandaling katahimikan
Ama naming Makapangyarihan, gawin Mong sa pook na ito’y mag-umapaw ang Iyong pagkupkop at pagtatangkilik na bigay at ipagkaloob Mo ang Iyong tulong sa tanang nagdarasal upang dito’y mapalakas ng Iyong Salita at Piging na banal ang loob ng tanan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Bayan:
Amen.
Isusuot ang mitra sa Obispo. Lalapit ang dalawang lektor sa Obispo dala ang leksyonaryo na nakabukas. Itataas ito ng Obispo at sasabihin ang mga sumusunod:
Obispo:
Ang Salita ng Diyos nawa’y marinig lagi sa pook na ito, habang nahahayag sa inyo ang misteryo ni Kristo at nakakamit ang kaligtasan ninyo sa Simbahang ito.
Bayan:
Amen.
PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS Aklat ng Salita ng Diyos pp. 1407-1408 (1793-1794)
UNANG PAGBASA:
Nehemias 8,2-4a 5-6, 8-10 “Binasa niya ang batas ng Diyos at ipinaliwanag na mabuti ang kahulugan”
Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ni Nehemias Noong mga araw na iyon, kinuha ni Ezrang saserdote ang aklat ng Kautusan. Dinala niya ito sa kapulungang binubuo ng mga lalaki, babae at mga batang may sapat na gulang at pang-unawa. Mula sa umaga hanggang tanghali, binasa niya ang Kautusan sa harapan ng mga taong natitipon sa liwasang bayan. Ang lahat ay nakinig na mabuti. Siya ay nakatayo sa isang entabladong kahoy na sadyang itinayo sa pagkakataong iyon. Si Ezra ay nakikita ng lahat, sapagkat mataas ang kanyang kinatatayuan. Ang lahat ay tumayo nang buksan niya ang aklat . “Purihin ang Panginoon, ang dakilang Diyos ” ang wika niya. Ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga kamay at sumagot. “Amen, Amen.” Pagkatapos, nagpatirapa sila bilang paggalang sa Panginoon. Binasa niya ng maliwanag ang batas na ito ng Diyos at ipinaliwanag na mabuti ang kahulugan. Nang malaman ng mga tao ang dapat nilang gawin ayon sa Kautusan, nabagbag ang kanilang kalooban, anupa’t sila’y napaiyak. “Ang araw na ito ay dakila sa Panginoon na inyong Diyos,” wika nina Nehemias, at Ezra at mga Levita. Nakikinig ang mga tao at umiiyak nga kaya’t sinabi nila, “ Huwag kayong umiyak .” Wika pa nila, “Umuwi na kayo at magdiwang ! Ang walang pagkain at inumin ay bahaginan ng mayroon, sapagkat ang araw na ito’y dakila sa Panginoon. Ang kagalakang dulot niya ay magiging kalakasan ninyo.”
Bayan:
Ang Salita ng Diyos. Salamat sa Diyos
SALMONG TUGUNAN Tugon:
Espiritung bumubuhay Ang salita ng Maykapal
Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang, Ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay; Yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan. Nagbibigay ng talino sa pahat ang kaisipan. Tugon:
Espiritung bumubuhay Ang salita ng Maykapal
Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos, Liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod; Ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos. Pang unawa ang isipan yaong bungang idudulot. Tugon:
Espiritung bumubuhay Ang salita ng Maykapal
Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti, Isang banal na tungkulin na iiral na parati; Pati ang hatol niya’y matuwid na kahatulan, Kapag siya ang humatol, ang pasiya ay pantay-pantay. Tugon:
Espiritung bumubuhay Ang salita ng Maykapal
Nawa’y itong salita ko at ang aking kaisipan, Sa iyo ay makalugod, Panginoon ko’t kanlungan, O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan! Tugon:
Espiritung bumubuhay Ang salita ng Maykapal
Salmo 18B,8.9.10.15
IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 “Kayo’y templo ng Diyos.“
Ang Salita ng Diyos mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga tagaCorinto. Mga kapatid, kayo ang gusali ng Diyos. Ayon sa kaloob ng Diyos sa akin, ako ang naglagay ng pundasyon, bilang mahusay na tagapagtayo. Iba naman ang nagpapatuloy ng pagtatayo ng gusali. Ngunit maging ang bawat nagtatayo, sapagkat wala nang ibang pundasyon na maaaring ilagay liban sa nailagay na, si Hesukristo. Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Parurusahan ng Diyos ang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan. Ang Salita ng Diyos. Bayan: Salamat sa Diyos.
ALELUYA Pangungunahan ng koro ang pag-awit ng sambayanan. Hindi pa rin gagamitin ang insenso at kandila, kaya lalapit agad sa Obispo ang diyakonong nakatalaga sa pagpapahayag ng Mabuting Balita upang humingi ng pagbabasbas. Kung walang diyakono, mainam na ang kura paroko ang magpahayag ng Mabuting Balita. Aalisin ang mitra sa Obispo, at ibibigay naman sa kanya ang bacculo.
Juan 4, 19-24
MABUTING BALITA Aklat ng Mabuting Balita p. 635
“Ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at katotohanan” Diyakono: Bayan:
Sumainyo ang Panginoon At sumaiyo rin
Diyakono: Bayan:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Papuri sa Iyo, Panginoon
Noong panahong iyon: Sinabi ng Samaritana kay Hesus, “Ginoo, sa wari ko’y propeta kayo. Dito sa bundok na ito sumasamba sa Diyos ang aming mga magulang, nguni’t sinasabi ninyong mga Judio, na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang Diyos.” Tinugon siya ni Hesus, “Maniniwala ka sa akin, Ginang, dumarating na ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama, hindi lamang sa bundok na ito o sa Jerusalem. Hindi ninyo nakikilala ang inyong sinasamba, nguni’t nakikilala namin ang aming sinasamba, sapagka’t ang kaligtasan ay galing sa mga Judio. Ngunit dumarating na ang panahon – ngayon na nga – na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa Espiritu at sa katotohanan. Sapagka’t ito ang hinahanap ng Ama sa mga sumasamba sa Kanya. Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat Siyang sambahin sa espiritu at katotohanan.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Bayan:
Pinupuri Ka naming Panginoong Hesukristo
Matapos ang pagpapahayag ng Mabuting Balita, lalapit sa Obispo ang nagpahayag ng Mabuting Balita upang pahalikan sa kanya ang Aklat ng Mabuting Balita. Kukunin sa Obispo ang bacculo at isusuot ang mitra.
HOMILYA matapos ang homily magkakaroon ng sandaling katahimikan
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Obispo: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo, Yuyuko ang lahat
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, Ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon nagmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan.
PANALANGIN NG PAGTATALAGA AT PAGPAPAHID NG LANGIS PAANYAYA SA PANANALANGIN
Obispo: Halina’t tayo’y manawagan sa mga banal upang kanilang tuwangan ang ating mga pagsamo sa Diyos Amang Makapangyarihan. Siya ang lumikha sa puso ng bawat isa upang maging karapat-dapat na templo ng Kanyang Espiritu. LITANYA NG MGA BANAL Kapag Araw ng Linggo at Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay mananatiling nakatayo ang lahat, subalit sa ibang araw ay luluhod ang lahat. Diyakono: Magsiluhod ang lahat Panginoon, kaawaan Mo kami Kristo, kaawaan Mo kami Panginoon, kaawaan Mo kami Santa Maria, Ina ng Diyos San Miguel Arkanghel Lahat kayong mga anghel San Jose San Juan Bautista San Pedro at San Pablo San Andres San Juan Santa Maria Magdalena San Esteban San Ignacio San Lorenzo Santa Perpetua at San Felicidad Santa Agnes San Gregorio San Agustin San Atanacio San Basilio San Martin
Panginoon, Kaawaan Mo kami Kristo, kaawaan Mo kami Panginoon, kaawaan Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin niyo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin niyo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin niyo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami
San Ildefonso San Benito San Francisco de Asis at Sto. Domingo San Francisco Javier San Juan Vianney San Carlos Borromeo Santa Catalina Santa Teresita Santa Teresa San Juan dela Cruz San Lorenzo de Manila San Pedro Calungsod Lahat kayong mga Banal sa piling ng Maykapal
Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin niyo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin Mo kami Ipanalangin niyo kami
Panginoong Hesus, maawa Ka Panginoong Hesus, maawa Ka Iligtas Mo kami sa lahat ng kasamaan Panginoong Hesus, maawa Ka Iligtas Mo kami sa lahat ng kasalanan Panginoong Hesus, maawa Ka Iligtas Mo kami sa walang hanggang Kamatayan Panginoong Hesus, maawa Ka Alang-alang sa Iyong pagiging tao Panginoong Hesus, maawa Ka Alang-alang sa ‘Yong Kamatayan at Pagkabuhay Panginoong Hesus, maawa Ka Alang-alang sa pagkakaloob Mo sa Amin ng Banal na Espiritu Panginoong Hesus, maawa Ka Patnubayan Mo sa pagsasakatuparan ng Iyong atas, aming Papa, mga Obispo, mga Pari at Diyakono Panginoong Hesus, maawa Ka Pagkalooban Mo ng pagkakaisa at kapayapaan ang sandaigdigan Kristo, pakinggan Mo kami Lahat:
Panginoong Hesus, maawa Ka Panginoong Hesus, maawa Ka
Kristo, pakinggan Mo aming panalangin sa ‘Yo
Matapos ang litanya, darasalin ng Obispo ang mga sumusunod nang nakaunat ang kamay.
Obispo: Panginoon, ang mga panalangin nawa ng Mahal na Birheng Maria at ng lahat ng mga banal kalakip ng aming mga panalangin aymaging kaaya-aya sa Iyo. Ang simbahan nawang ito, na itinatalaga namin ngayon sa Iyong pangalan ay maging pook ng pagpapala at kaligtasan nang ang mga Kristiyanong dito’y natitipon bilang magkakapatid ay makasamba sa Iyo sa Espiritu at katotohanan. sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Bayan:
Amen.
kung nakaluhod ang sambayanan sa litanya: Diakono: Tumindig ang lahat .
PANALANGIN NG PAGTATALAGA Commentator:
Darasalin po ng Obispo ang panalangin ng pagtatalaga sa Diyos ng ating simbahan sa lahat ng panahon.
Darasalin ito ng Obispo nang nakatayo at walang mitra malapit sa kanyang luklukan o sa dambana, at nakaunat ang mga kamay:
Obispo: Amang makapangyarihan, bukal ng pagpapala at kabanalan, tunay ngang marapat na purihin at dakilain ang Iyong ngalan. Sa araw na ito, kami’y natitipon sa harap mo, upang italaga sa paglilingkod na tatagal ang bahay dalanginang ito, ang templo ng pagsamba, ang pook kung saan aming tinatanggap ang Iyong salita at mga sakramento. Dito nababanaag ang misteryo ng Simbahan. Ang Simbahang mabunga, na pinabanal ng dugo ni Kristo: ang babaeng ikakasal na pinaging maningning ng kanyang kapurihan, ang birheng marilag na ganap sa pananalig, ang Inang pinagpala sa kapangyarihan ng Espiritu. Ang Simbahang banal, na iyong hirang na ubasan: mga sanga nito ay bumabalot sa daigdig, mga baging nitong nakaugnay sa puno ng krus ay humahantong sa kaharian ng langit.
Ang Simbahang kalugod-lugod, na tahanan ng Diyos sa daigdig: templong binuo ng mga batong buhay, nakasalig sa mga apostol at kay Hesukristo na batong panulukan. Ang Simbahang dinarakila, isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng bundok: liwanag para sa buong daigdig, nagniningning taglay ang kadakilaan ng Kordero, at pinaaalingawngaw mga panalangin ng kanyang mga banal. Amang makapangyarihan, isugo mo ang iyong Espiritu upang mamalaging banal ang Simbahang ito, at ito namang dambana ay mamalagi ring hapag ng sakripisyo ni Kristo. Dito, magapi nawa ng tubig ng binyag ang kahihiyang dulot ng kasalanan; mamatay nawa rito ang iyong bayan sa kasalanan at sa tulong ng iyong biyaya, muling mabuhay bilang iyong angkan. Dito, matipon nawa ang mga anak mo sa iyong dambana, maipagdiwang ang alaala ng Korderong Pampaskwa at makapakinabang sa hapag ng katawan ni Kristo at ng kanyang salita.
Dito, umalingawngaw nawa sa langit at sa lupa ang panalangin, ang mismong piging ng Simbahan bilang pagsamo para sa kaligtasan ng buong sandaigdigan. Dito, makasumpong nawa ang mga aba ng katarungan; ang mga sinisiil, ng tunay na kalayaan. Mula rito ang buong mundo nawa na binihisan ng karangalan bilang mga anak ng Diyos ay pumasok nang may galak sa iyong lunsod ng kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na iyong Anak, nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Bayan:
Amen.
PAGPAPAHID NG LANGIS SA DAMBANA AT MGA PADER NG SIMBAHAN Aalisin ng Obispo ang kasulya kung kinakailangan at matapos isuot ang puting gremyal ay pupunta sa dambana; dala ang Krisma. Isusuot sa kanya ang mitra. Commentator:
Sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis ang dambana ay magiging sagisag ni Kristo, ng una sa lahat ay tinawag na “Ang Pinahiran ng Langis” Siya ang unang pinahiran sa pamamagitan ng Espiritu at itinatalagang Dakilang Pari. Sa dambana ng Kanyang katawan, mag-aalay Siya ng sakripisyo ng Kanyang buhay para sa lahat. Ang Simbahan ay pinapahiran ng langis tanda ng pagtatalagang ganap nito at panghabang panahon para sa pagsambang Kristiyano.
Sasabihin ng Obispo ang mga sumusunod habang nakatayo sa harap ng dambana:
Obispo: Papahiran natin ngayon ng langis ang dambana at ang simbahan. Pabanalin nawa ng Diyos sa Kanyang kapangyarihan ang mga ito, ang mga tandang nagpapahayag ng misteryo ni Kristo at ng Kanyang Simbahan. Ibubuhos ng Obispo ang Krisma sa gitna ng dambana at sa apat na sulok nito at papahiran nito ang dambana. Matapos ito saka papahiran ng mga pari ang mga pader ng Krisma. Habang ginaganap ang mga ito, darasalin (o aawitin) ang nakalaang salmo. Kapag ang apat na Krus ang nakalagay, ang ibig sabihin nito ay larawan ng Simbahan ng banal na Jerusalem. At kung labindalawa naman, para sa 12 apostol na siyang pinagtatagan ng simbahan ni Kristo.
Lektor:
Mahal ko ang Iyong Templo, O Makapangyarihang Diyos! Nasasabik ang lingkod Mong sa patyo Mo ay pumasok. Ang buo kong pagkatao’y umaawit na may lugod. Sa masayang pag-awit ko, pinupuri’y buhay na Diyos. (Tugon)
Lektor:
Panginoon, sa templo Mo, mga maya’y nagpupugad Maging ibo’y layang-layang sa templo Mo’y nagagalak, May inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar. O Panginoon, Hari namin, at Diyos na walang kupas, mapalad na masasabi, silang doo’y tumatahan at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Tugon)
Lektor:
Ang sa Iyo umaasa’y masasabing mapalad rin, silang mga naghahangad na sa Sio’y makarating. Habang sila’y naglalakbay sa tigang na kapatagan, tuyong lupa’y binabaha sa maagap na pag-ulan. Habang sila’y lumalakad, lalo silang lumalakas, batid nilang nasa Sion ang Diyos nilang hinahanap. (Tugon)
Lektor:
Dinggin Mo ang dalangin ko, O Makapangyarihang Diyos, O Ikaw na Diyos ni Jacob, dinggin Mo ang Iyong lingkod. Basbasan Mo, Panginoon, yaong Hari naming Mahal, pagpalain Mo po Siya, yamang Ikaw ang humirang. (Tugon)
Lektor:
Kahit isang araw lamang, gusto ko pang sa templo Mo kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng Iyong templo. kaysa ako’y mapasama sa masamang mga tao. (Tugon)
Lektor:
Ikaw ang haring dakila, ang tunay naming sanggalang. Kami’y pinagpapala Mo sa pag-ibig Mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal. Mapalad na masasabi ang sa Iyo’y magtiwala, hindi sila mabibigo, yamang Ikaw ay dakila!(Tugon)
Matapos ang pagpapahid ng langis, lalapit ang mga tagapaglingkod na may dalang pitsel na may tubig, palanggana, sabon, kalamansi at tuwalyang punasan upang hugasan ang mga kamay ng Obispo. Habang ginaganap ito, huhugasan din ng ibang tagapaglingkod ang mga kamay ng mga paring nagpahid ng langis sa mga haligi ng simbahan. Matapos ang lahat, tatanggalin ang kanyang mitra. Ilalagay ng tagapaglingkod sa ibabaw ng dambana ang malaking sisidlan ng insenso. PAG-IINSENSO SA DAMBANA AT SIMBAHAN Commentator:
Ang insenso ay sinusunog sa dambana bilang pagsamo na ang sakripisyo ni Kristo, na ipinagpapatuloy dito ay umaakyat sa Diyos bilang mahalimuyak na samyo, at upang ang panalangin ng sambayanan ay maging kalugod-lugod hanggang sa luklukan ng Diyos.
Lalagyan ng Obispo ng insenso ang malaking lalagyan nito sa ibabaw ng dambana habang sinasabi:
Obispo: Amang Makapangyarihan, pumailanlang nawa tulad ng insenso ang aming panalangin sa harap Mo. Tulad ng gusaling ito na pinuno ng bango, puspusin nawa ng Simbahan ng halimuyak ni Kristo ang buong mundo.
Lalagyan din ng Obispo ng insenso ang iba pang sisidlan. Ang Obispo ang mag- iinsenso sa dambana. Pagkatapos, babalik siya sa kanyang luklukan, isusuot ang mitra sa kanya, at siya ay iinsensuhan ng tagapaglingkod. Pagkatapos nito, maaari na siyang umupo, habang ang iba namang mga pari ay nag-iinsenso sa sambayanan, at sa mga sulok ng simbahan. Habang ginaganap ang lahat ng ito, darasalin (o aawitin) ang nakatalagang salmo.
Lektor:
Ako, Panginoon, buong pusong aawit ng pasalamat. Sa harap ng ibang diyos, pupurihin Kitang ganap. Sa harap ng Iyong templo ay yuyuko at gagalang Pupurihin Kita roon, pupurihin ang ‘Yong Ngalan; Dahilan sa pag-ibig Mo at sa Iyong katapatan, Ikaw’y tunay na dakila, pati Iyong kautusan. Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon Mo, sa lakas Mong itinulong ay lumakas agad ako. (Tugon)
Lektor:
Dahilan sa pangako Mong narinig ng mga hari, pupurihin Ka ng lahat at Ikaw’y ipagbubunyi; Ang lahat ng ginawa Mo ay kanilang aawitin, at ang kadakilaan Mo ay kanilang sasambitin. Kung ang Diyos mang Panginoon ay dakila at mataas, hindi Niya nililimot ang aba at mahihirap. Kumubli ma’y kita Niya yaong hambog at pasikat. (Tugon)
Lektor:
Kahit ako’y nababatbat ng maraming suliranin, Ako’y walang agam-agam, panatag sa Iyong piling. Nahahandang harapin Mo, mapupusok kong kaaway Ligtas ako sa piling Mo, sa lakas na Iyong taglay. Yaong mga pangako Mo ay handa Mong tupding lahat. Ang dahilan nito, Panginoon, pag-ibig Mo’y di kukupas at ang mga sinimulang gawain Mo’y magaganap. (Tugon)
Matapos ang pag-iinsenso, pupunasan ng ibang tagapaglingkod ang dambana. Lalagyan din ito ng plastic cover (o anumang tulad nito) bilang paghahanda sa ilalagay na mantel sa dambana. PAGSISINDI NG MGA ILAW NG DAMBANA AT SIMBAHAN Commentator:
Ang pagsisindi ng ilaw sa dambana, na sinusundan ng pagsisindi ng mga ilaw ng simbahan ay naghahayag sa atin na si Kristo ay ang Siyang nagbibigay liwanag sa mga bansa, at ang kaningningan Niya ay nakikita sa buong simbahan at buong sangkatauhan.
Pupunta ang Obispo sa luklukang inihanda sa kanya sa harap ng dambana at uupo rito. Ibibigay sa kanya ng tagapaglingkod ang isang may sinding kandila upang ipansindi sa mga ilaw sa mga haligi at dambana. Sasabihin ng Obispo:
Obispo:
Liwanag ni Kristo, laganapan ang buong Simbahan, at ang mga bansa ay dalhin sa kaganapan ng katotohanan.
Lalapit sa Obispo ang mga nakatalaga upang masindihan ang mga kandila at mag-aalay ng bulaklak na nakalaan para sa mga krus sa mga haligi. Ihahandog din ang mantel para sa dambana, at ang mga kandila para sa dambana. Pagsapit ng kandila sa dambana, sisindihan na rin ang iba pang ilaw sa simbahan, at ang kaliwanagan ni Kristo ay tunay na magniningning. Habang nagaganap ang mga ito, maaaring may saliw ng awit tungkol sa Liwanag ni Kristo.
LITURHIYA NG EUKARISTIYA AWIT PARA SA PAGHAHANDA NG MGA ALAY Kasunod ng kandila para sa dambana, tatanggapin ng Obispo ang iba pang handog. Ihahanda naman ng diyakono at iba pang lingkod ang hapag. Kung handa na ang hapag, aalisin ang mitra, tutungo ang Obispo sa dambana upang ito ay halikan. Wala nang pag-iinsenso sa mga alay at sa dambana, maging sa sambayanan. Ipagpapatuloy na ang pagdiriwang ayon sa nakaugalian. Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay. Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo. Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman! Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:
Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao. Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu. Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman! Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:
Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso. Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba. Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:
O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway. Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:
Obispo: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan. Bayan:
Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa Iyong mga kamay sa kapurihan Niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buo Niyang sambayanang banal.
PANALANGIN UKOL SA MGA HANDOG
Obispo: Ama naming Lumikha, tanggapin Mo ang mga alay ng Sambayanang natutuwa upang ang mga hinirang Mong nagtitipon sa banal na tahanang ito ay magkamit sa paghahaing ito ng kaligtasan kailanman sa pamamagitan ni Hesukristo kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Bayan:
Amen.
PAGBUBUNYI O PREPASYO: ANG SIMBAHAN SA LUPA AY PARA SA SAMBAYANAN NG DIYOS
Obispo: Sumainyo ang Panginoon Bayan:
At sumaiyo rin.
Obispo: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. Bayan:
Itinaas na namin sa Panginoon.
Obispo: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. Bayan:
Marapat na Siya ay pasalamatan.
Obispo: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na Ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Niloob Mong dito sa gusaling itinayo namin, ang Iyong sambayana’y lagi Mong makapiling sa aming pagdulog upang sa Iyo’y makarating. Dito Mo inilalahad at ginaganap ang ipinahihiwatig Mong pakikiisa sa lahat. Dito Mo ipinakilalang sa amin Ka nananahan sapagkat kami’y Iyong tinipong sambayanang may mga kapanalig sa buong daigdig at sa Katawan ni Kristo ay pawang kaanib na magkakapisang ganap sa Jerusalem sa langit: Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa Iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan. Aawitin ang Santo, Santo, Santo
IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal
Obispo:
Ama naming banal, dapat Kang purihin ng tanang kinapal sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang lahat ay binigyan Mo ng buhay at kabanalan. Walang sawa Mong tinitipon ang Iyong sambayanan upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw maihandog ang malinis na alay para sambahin ang Iyong ngalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.
Obispo:
Ama, isinasamo naming pakabanalin Mo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang mga kaloob na ito na aming inilaan sa Iyo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang dinarasal:
Ito nawa ay maging Katawan at Dugo ng Iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito. Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan sa tanan ayon sa hinihingi ng mga ito.
Noong gabing ipagkanulo Siya, Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng
dambana habang patuloy na inihahayag:
Hinawakan Niya ang tinapay, pinasalamatan Ka Niya, pinaghati-hati Niya iyon, iniabot sa Kanyang mga alagad at sinabi: Bahagyang yuyuko ang pari
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO. Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba. Ang pari ay magpapatuloy .
Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang patuloy na inihahayag:
hinawakan Niya ang kalis, muli Ka Niyang pinasalamatan, iniabot Niya ang kalis sa Kanyang mga at sinabi:
alagad
Bahagyang yuyuko ang pari.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN. GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN. Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:
Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya. Ang mga tao ay magbubunyi: Lahat:
Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay! Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
Ilalahad ng pari ang kanyang kamay samantalang siya ay nagdarasal: Obispo: Ama,
ginugunita namin ang pagkamatay ng Iyong Anak na sa ami’y nagligtas, gayundin ang Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa kalangitan samantalang ang Kanyang pagbabalik ay pinananabikan, kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa Iyo ang buhay at banal na paghahaing ito. Tunghayan Mo ang handog na ito ng Iyong Simbahan. Masdan Mo ang Iyong Anak na nag-alay ng Kanyang buhay upang kami ay ipakipagkasundo sa Iyo. Loobin Mong kaming magsasalu-salo sa Kanyang Katawan at Dugo ay mapuspos ng Espiritu Santo at maging isang Katawan at isang diwa kay Kristo.
Nakikipagdiwang 1: Kami nawa ay gawin Niyang handog na habang panahong nakatalaga sa Iyo. Tulungan nawa Niya kaming magkamit ng Iyong pamana kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria, ni San Jose na kanyang kabiyak ng puso, kaisa ng mga Apostol, mga Martir, at kaisa ng lahat ng mga Banal na aming inaasahang laging nakikiusap para sa aming kapakanan. Nakikipagdiwang 2: Ama, ang handog na ito ng aming pakikipagkasundo sa Iyo ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan para sa buong daigdig. Patatagin Mo sa pananampalataya at pag-ibig ang Iyong Simbahang naglalakbay sa lupa, kasama ng Iyong lingkod na si Papa Francisco ang aming Obispo Jose ng tanang mga Obispo at buong kaparian at ng Iyong piniling sambayanan.
,
,
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan na iyong tinipon sa iyong harapan. Dito sa tahanan ng pagdiriwang ng katubusan at sa bulwagang pinagdarausan ng iyong ginagampanan ay umalingawngaw nawa ang Mabuting Balita ng kapayapaan upang sa paglalakbay sa lupang ibabaw ng mga naturuan ng iyong Salitang nagbibigay-buhay, pagindapating marating ang Jerusalem sa kalangitan na siyang pinagtitipunan ng iyong mga inaakay na mga anak mo mula sa bawat panig at sulok ng daigdig.
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian ang mga kapatid naming yumao at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito na nagtataglay ng pag-ibig sa Iyo. Kami ay umaasang makararating sa Iyong piling at sama-samang magtatamasa ng Iyong kaningningang walang maliw sapagkat aming masisilayan ang Iyong kagandahan. sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na Siyang pinagdaraanan ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan. Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag:
Obispo:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Ang mga tao ay magbubunyi: Amen. Susunod ang yugto ng pakikinabang.
ANG PAKIKINABANG Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Obispo nang may magkadaop na mga kamay:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob: Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:
Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama. Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:
Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo. Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi: Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:
Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Sasagot ang mga tao: Amen. Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.
Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo. Sasagot ang mga tao: At sumaiyo rin. Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa. At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng kapayapaan. Ang pari at mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:
Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan. Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan. Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.” Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:
Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan. Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman. Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:
Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang hanggan. Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo. Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan. Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo. Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang habang sinasbi:
Katawan ni Kristo. Ang nakikinabang ay tutugon: Amen. Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang. Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang magdarasal:
Ama naming mapagmahal, ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin ng kagalingang pangmagpakailanman. Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo. Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Obispo:
Bayan:
Ama naming mapagmahal, pakundangan sa pagtanggap namin sa banal na pakikinabang, pag-ibayuhin Mo ang Iyong katotohanan sa aming kalooban upang lubos kaming makasamba sa Iyo sa banal Mong tahanan at sa Iyong piling kami’y maitampok sa hanay ng tanang mga banal sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
MAIKLING PASASALAMAT MARINGAL NA PAGBABASBAS
Obispo:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At sumaiyo rin.
Diakono:
Iyuko ang inyo Ulo at tanggapin ang Pagbabasbas
Obispo:
Ang Poong Maykapal ng langit at lupa na tumipon sa inyo sa pagtatalaga ng tahanan ito sa ngalan Niyang dakila ay maggawad nawa sa inyo ng nag-uumapaw Niyang pagpapala ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.