Isang Pag-aaral Ukol sa mga Epekto ng Social Networking sa mga mag-aaral
Sulating Pananaliksik Bilang Bahagi ng Mithiin ng Guro sa Filipino 2
Eldriane Crispe Derick Cho Mico Dela Cruz Greginor Unday
Bb. Cecilio (Guro sa Filipino)
Talaan ng Nilalaman
Approval Sheet ___________________________ i Pasasalamat ______________________________ ii Dedikasyon _______________________________ iii KABANATA I Panimula _______________________________ 1 Paglalahad ng Suliranin_________________ 2 Saklaw at Limitasyon ___________________ 3 Kahalagahan ng Pag-aaral _______________ 4 KABANATA II Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura__ 5-6
KABANATA III Paraan ng Pananaliksik na Ginamit _____________ 7 KABANATA IV Presentasyon at Interpretasyon __________________ 8-10 KABANATA V Lagom, Konklusyon Rekomendasyon ___________________ 11-14 TALASALITAAN BIBLIOGRAFI CURRICULUM VITAE
Approval Sheet Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Epekto ng Social Networking sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady Of Fatima sa Unang Taon sa kursong BSIT at CS” ay inihanda at ipinasa nila Eldriane Crispe, Mico Dela Cruz, Derick Cho at Jerol Cruz bilang bahagi ng katuparan ng proyekto sa Filipino 2.
Nirekomenda ni:
_______________________ Bb. Cecilio (Guro sa Filipino)
i
Pasasalamat Sa lahat ng mga taong tumulong upang magkaroon ng kaganapan ang gawaing ito, isang taos pusong pasasalamat. Sa aming pamilya, na aming naging inspirasyon sa paggawa ng pananaliksik na ito, sa kanilang walang sawang tulong at suportang pinansyal na ibinigay upang matapos ang pangangailangan para dito. Sa mga kaibigan, na tumulong at naging gabay ko sa paggawa nito. At para sa aking guro, Bb. Cecilio na nakatuwang namin at gabay upang magawa ang sulating pananaliksik na ito.
ii
Dedikasyon Ang munting gawaing ito ay buong pagmamahal namin inaalay sa aming pamilya. Sila ang aming mga inspirasyon sa buhay at ito ay taos puso naminf inihahandog sa kanila. Nagpapasalamat kami sa Poong May kapal sa pagkakaloob sa amin ng pamilyang katulad ng mayroon kami ngayon.
iii
Kabanata I Panimula Sa kasalukuyang panahon ay wala ng imposible. Ang lahat ay abot kamay na lamang sa mura at mabilis na paraan. Sa isang pindot lang ay maaari nang maabot ang iba’t-ibang panig ng mundo sa pinakamalapit o pinakamalayo man ng dahil sa social networking. Tunay na naging napakatalino na ng tao, sana ay huwag siyang makalimot na sa lahat ng ito ay manguna pa rin ang pagkilala sa Dakilang Lumikha ng lahat. Ang Social Networking ay maraming naidudulot na kabutihan subalit maaari ring magdulot ng kasamaan kung pagmamalabisan. Ang Social Networking ay bunga ng karunungan na kaloob ng Panginoon na nararapat na gamitin sa mabuti at maayos na pamamaraan.
1
Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga salik at epekto ng Social Networking sa ating ekonomiya. 1. ) Ano ang Social Networking? 2. ) Epekto ng Social Networking. 3. ) Bakit mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng
masasamang epekto nito satin? 4. ) Ano ang mga uri ng Social Networking?
2 Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay naghahangad lamang na malaman ang ilang usapin ukol sa Social Networking at mga epekto nito sa mga mag-aaral. Layunin ng pagsusuring ito na alamin ang impluwensya at epekto nito sa mambabasa.
3
Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing kapaki-pakinabang sa lahat. Sa mga mambabasa nais naming maipabatid kung ano ang maaaring epekto at impluwensya ng pag-aaral na ito.
4
Kabanata II
Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura
Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon. Nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang komunikasyon sa pagitan nila.
(Wikipedia Organization)
Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga serbisyong web-baed na nagbibigay sa mga indibiwal para bumuo ng isang pangpublikong profile, ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay kapag nagrerehistro(ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system, makita ang profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at para makita ang mga profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag pa ng mga manunulat na ang SN ay nagiging patok sa publiko dahil pinapayagan nitoang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.
Ayon sa kanila, ang pag-unlad ng Social Networking ay nagsimula sa isang websayt . At sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga kaibigan. Nakatulong ito sa mga tao para makonekta at makapag padala ng mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa websayt na iyon, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito kaya hindi rin ito nagtagal
(Boyd at Ellison)
Kabanata III
Paraan ng Pananaliksik na Ginamit Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga impormasyon tungkol sa pag-aaral. Paraang Ginamit Ang mananaliksik ay gumamit ng isang “descriptive research method”. Kung saan ito ay naglalaman ng mga nararapat na impormasyong kailangan sa pag-aaral.
Instrumento na Ginamit
Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang instrumento sa pangangalap ng mga datos. Upang malaman ang mga sanhi at bunga ng Social Networking sa ating paligid.
Kabanata IV Presentasyon at Interpretasyon Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos na nailahad. Sa pag-aaral at ang mga katulong sa paggawa ng pag-aanalisa ng mananaliksik. 1. Ano ang Social Networking? •
Ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.
2. Epekto ng Social Networking.
•
Epekto sa sarili Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay nahihiligan ng mga teenagers bilang isang bagay o maaaring pangyayari upang mapag-usapan ang isang isyung pangmadla o kilala rin bilang forum para ipakita ng kontra-sosyal at palabang ugali. Kadalasan, ang komunikasyon sa Internet ay nauugnay sa madalas na paggamit ng mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita. Marahil ang kakayahan na lumabas sa isang pag-uusap sa 8 Internet ang dahilan ng pagdami ng mga gawaing ito. Ito ay pwedeng iwan ng kung sinuman na nagsulat ng masamang komento sa pamamagitan ng paglo-logoff.
•
Epekto sa Pamilya Dahil sa pagiging sapat ng relasyon sa Internet, ang mga potensyal na pakinabang at disadbentahe ng internet ay kaduda-duda. Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan sa isang longitudinal na pag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.
•
Epekto sa lipunan
Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman ng mga teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo sa ibang mga komunidad. Sa karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas ng kamalayan at oportunidad sa mga teenagers na parte ng mga binubukod na grupo at sumasali sa SN. Mas magkakaroon sila ng kaalaman sa mga ibang kabataang tulad nila. Mayroon rin itong mga masasamang epekto, isa na dito ay ang pagtaas ng aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal.
3. Bakit mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng masasamang epekto nito satin? •
Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng masasamang epekto nito dahil ito ay kumukuha ng identidad o impormasyon at pornograpiya. Lumabas rin sa pag-aaral ang malawak na kamalayan sa seguridad. Ito ay dahil sa mga karanasan ng kanilang mga kaibigan o kaya ay sa sariling kaganapan sa kanilang buhay. Isa pang dahilan ay ang mga lumalabas sa media na nagging impluwensyal sa pananaw at desisyon ng tao.
4. Ano ang mga uri ng Social Networking? •
Friendster.com
•
MySpace
•
Multiply
•
Facebook
•
Orkut
•
Tagged
Kabanata V Lagom Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao partikular ang mga estudyante tungkol sa social networking. Marami ang naidudulot na maganda ang mga social networking sites na ito para sa pakikipaghalubilo sa mundong virtual. Bagama’t alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng pakikipaghalubilo sa iba’t ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy pa rin nila ang pagiging aktibo sa mga social networking sites na ito sa kadahilanang nakikita nila at naipapakita nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social networking bilang isang “social trend” na humahatak sa bawat estudyante na gumawa ng kani-kanilang sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang pagkakaroon ng account sa mga social networking sites sapagkat nawawala ang seguridad ng mga
estudyante at maari silang masangkot o mabiktima sa mga di kanais-nais na tao na mayroon ding account sa social networking sites. Sa lahat ng mga nasabi, mayroon ngang maganda at masamang epekto ang pagkakaroon ng accounts sa mga social networking sites ngunit sa mga nakalap na impormasyon, mas nakikita ng mga estudyante ang mabuting epekto nito sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at iba pa.
11 Lahat ng ebidensya ay nagtutugma upang ipakita na ang social networking sites ay mahalaga nga sa mga kabataan ngayon at ang mga benepisyo nito sa kanila ay kanila aming nararamdaman.
Konklusyon Base sa isinagawang pag-aaral at sa mga nakalap na impormasyon ay napag-alaman ang mga sumusunod: 1. Ang paggamit ng Social Networking ay higit na nakakabuti para sa pakikihalubilo at pagpapakita ng sariling identidad. 2. Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o impormasyon at pornograpiya. 3. Ang Social Networking ay nagtataglay ng pakikibahagi sa isang
komunidad ng mga tao upang maging malawak ang kanilang kamalayan sa seguridad. 4. Ang Social Networking ay nanatiling mabuti pa rin ang epekto sa iba sa kadahilanang ibang
bansa,
pagkakaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak sa pagpapatibay
ng
relasyon
pakikipagkaibigan sa mga taong hindi kakilala.
sa
mga
kaibigan
at
Rekomendasyon Base sa mga nakuhang konklusyon sa pag-aaral na naisagawa, inirerekomenda ng manunulat ang mga sumusunod : 1. Higit na pag-aralan pa ang paggamit ng Social Networking Sites upang higit na maunawaan ang mga mabubuti at masasamang implikasyon nito.
2. Maging maingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong network upang makaiwas sa mga manloloko.
3. Para sa mga kabataang gumagamit na Social Network Sites, gamitin ito sa mabuting paraan.
4. Huwag samantalahin ang paggamit ng SN. Ito ay makakatutulong upang mas mapaganda pa ang paggamit ng social networking.
Talasalitaan •
Social networking - isang istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.
•
Websayt- isang koleksyon ng mga pahinang Web, na tipikal na karaniwan sa isang partikular na pangalan ng dominyo o sub-domain sa World Wide Web sa Internet
•
Kompyuter- isang uri ngmekanismong ang ginagawa ay mangasiwa ng mga datos ayon sa mga panuto.
•
Internet - kilala ring “information superhighway”ay malawakang pang madlang daan na pinagsama-samang kompyuter networks
15 Bibliografi •
Acquisti, A., & Gross, R. (2006). Imagined communities: Awareness, information sharing, and privacy on the Facebook. In P. Golle & G. Danezis (Eds.), Proceedings of 6th Workshop on Privacy Enhancing Technologies (pp. 36-58). Cambridge, UK: Robinson College.
•
Berkowitz, Stephen D. 1982. An Introduction to Structural Analysis: The Network Approach to Social Research. Toronto: Butterworth.
•
Wikipedia
http://en.wikipedia.org/wiki/Computer http://en.wikipedia.org/wiki/Internet http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com http://multiply.com/info/about •
Health and Home (2007-2008)
Patungkol sa Awtor
I. Personal na Datos Pangalan: Eldriane Crispe Edad:17 Kapanganakan: December 26, 1992 Lugar ng Kapanganakan: Pasay City Pangalan ng Ama: Elmer Crispe Pangalan ng Ina: Diana Crispe
II. Educational Background Paaralan
Taon
Sekondarya: Saint Mary’s College
2009
Elementarya: Saint Mary’s College
2005
I. Personal na Datos Pangalan: Derick Cho Edad:18 Kapanganakan: September 16, 1991 Lugar ng Kapanganakan: Pasig City Pangalan ng Ama: Florencio Cho Pangalan ng Ina: Tita Cho
II. Educational Background Paaralan
Taon
Sekondarya: Seed Academy Foundation Inc.
2008
Elementarya: Philippine Yuh Chiau School
2004
I. Personal na Datos Pangalan: Mico Dela Cruz Edad:18 Kapanganakan: September 9, 1991 Lugar ng Kapanganakan: Manila Pangalan ng Ama: Joel Dela Cruz Pangalan ng Ina: Beth Dela Cruz
II. Educational Background Paaralan
Taon
Sekondarya: Gen. T. De Leon Nat. High School
2009
Elementarya: Bitik Elementary School
2004
I. Personal na Datos Pangalan: Greginor unday Edad:21 Kapanganakan: July 23, 1986 Lugar ng Kapanganakan: Cagayan Valley Pangalan ng Ama: Gregorio Unday Pangalan ng Ina: Norma Unday
II. Educational Background Paaralan
Taon
Sekondarya: Baesa Highschool
2000
Elementarya: Baesa Elementary School
1997